The Fan

By DorchaLuna

74.7K 3.1K 1K

A famous celebrity worshipped by all... A shadow who is obsessed with the star... Will the shadow be a foe... More

Chapter Two
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
Chapter 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
A/N
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
CHAPTER 34

CHAPTER ONE

8.2K 141 11
By DorchaLuna

"ISA PA!!! ISA PA!!!"
"ANCHOR!!!"

Halos magiba ang buong treatrino sa lakas ng sigaw at palakpakan ng mga manonood sa concert ng pinakasikat at multi-talented star na si Calliope. Ito ang handog niyabsa kanyang mga fans, sa suporta nila sa loob ng 11 years niya sa showbiz.

Pagkatapos ng huli niyang kanta, pumasok ito sa backstage kung saan ay nagretouch ng make up at inayos ang kanyang buhok.

"Ready?" tanong sa kanya stage manager habang inaabot sa kanya ang mikropono. Tumango ito bilang sagot at huminga ng malalim.

Muling nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao lalo na't nagsimulang tumugtog ang bagong awitin niya.

"Akala n'yo siguro matatapos ang gabing ito nang hindi ko ito kinakanta. For 11 years, nandirito pa rin ako dahil sa inyong lahat. Sa pagmamahal at suporta ninyo ng walang katapusan. Thank you. Thank you so much everyone. This song is for all of you. Sabayan ninyo ako!

Every one cannot contain their excitement as they watch and jam to the last performance of their favorite artist for tonight's concert. Minsan ay itinututok ni Calliope ang mic sa kanyang mga audience to let them sing na tuwang-tuwa namang ginagawa ng mga fans.

Sa bawat galaw ni Calliope sa entablado, sinasabayan siya ng kanyang mga tagahanga. Balewala sa kanila ang malalayong distansya na pinagmulan ng iba sa kanila. Basta't ang importante ay nakita at nakama nila ng personal ang kanilang idolo sa selebrasyon ng kanyang anibersaryo.

"WOOOOH!!! CALLIOPE!!! I LOVE YOU!!!!" sigaw ng isa sa kanyang tagahangang lalaki na nakapwesto sa harap ng stage. Sa kasabikan nito at hindi mapigilang umakyat at sumayaw sa tabi ng kanyang idol.

Akmang lalapit sana ang dalawang lalaki may malalaking katawan na nakakubli sa gilid ng stage ngunit sumenyas ang kamay ng singer upang pigilan sila. Gusto niyang pagbigyan ang kanyang tagahanga at mukhang gusto lamang nito na makisayaw sa kanya. Wala nga namang masama doon. Sayaw lang naman. Sumunod ang dalawang lalaki ngunit hindi nila inalis ang mga mata sa tagahangang umakyat ng entablado habang patuloy ang performance ng actress/singer.

Ngunit naging mapusok ang tagahanga. Pumwesto ito sa likuran ni Calliope habang sumasayaw at hinawakan ang magkabila nitong gilid, pilit na hinila padikit sa kanyang harapan. Muling lalapit sana ang dalawang lalaki sa gilid pero muli silang sinenyasan ni Calliope. Ayaw nitong masira ang kanyang huling pagtatanghal. Patuloy itong umawit while forcing the man's grip off her, at nang mapansin ng mga dancers nito na ayaw bumitaw ng lalaki, lumapit sila dito habang sumasayaw at hinila without making other audience suspect of anything.

Pumalag ang lalaki sa dalawang dancers ang humila dito pero hindi nila hinayaang makawala ito sa kanilang pagkakahawak hanggang makarating sila sa gilid kung saan naghihintay ang dalawa pang lalaki na malalaki ang katawan.

"Ano ba?! Gusto ko lang naman makasayaw si idol! Bitiwan ninyo ako!" nagpupumiglas nitong sambit.

"Hawakan ninyong mabuti!" sigaw naman ng isang babae sa di kalayuan. Ang Road Manager ni Calliope, si Raquel.

Pilit na nagpupumiglas ang tagahanga. Sa kapayatan nito, maliksi at malakas ito na hirap ang tatlong lalaki humahawak sa kanya. Hanggang sa nagawa nitong makawala at mabilis na tumakbo pabalik ng entablado.

BLAG!!!

Mula sa itaas, isa sa mga makukulay na ilaw ang nahulog kasunod ang mahabang kurdon ng kuryente na direktang bumagsak sa lalaking tagahanga ni Calliope habang ang dulong kurdon ay tumama sa binti ng sikat na singer.

Ang ibang mga manonood na nasa bandang likod ay nagmamadaling nagsilabasan. Ang mga nakapwesto na malapit sa entablado ay dali daling nagsiatrasan habang ang iba naman ay umakmang aakyat sa para tulungan ang kanilang idolo na nagdurugo ang binti. Mabilis naman nahupa ang pagpapanic ng ilang nang makita ang lalaking nakahandusay, walang buhay at duguan. Ang tagapangasiwa at ang mga security guards ang humarang sa harapan at ang mga tao sa backstage ang rumisponde kay Calliope.

Hindi nagtagal, dumating ang ambulance at maya maya pa'y inilabas ang nasawi sa aksidente na nakatalukbong ng puting kumot na nabahiran ng sarili nitong dugo.

Sa loob ng dressing room, pinasok ng mga medics ang performer dahil hindi ito nagpadala sa hospital dahil umano'y hindi naman grabe ang natamo niyang sugat mula sa malaking kurdon ng bumagsak na ilaw.

"RM, where's my niece? Is she okay? What happened?" isang may edad na lalaki ang dumating, hila hila ang isang babaeng medyo mas batang tignan kesa sa lalaki.

"Tito Ronnie, paano n'yo po nalaman?"

Inilabas nito ang kanyang celphone na nakabukas ang kanyang facebook account kung saan nagpeplay ang isang video a ipinapakita ang nangyari sa stage. Matapos maipakita ang gadget, muli itong ibinalik sa kanyang bulsa.

"How come no one contacted me? Sa social media ko pa nalaman. Kelan ninyo sasabihin sa'kin, kapag sinugod siya sa hospital nang wala ng buhay?" pagalit nitong tanong.

"Calm down Tito, she's okay. Nagalusan lang po ang binti niya,"

"I want to see her. Saan ba ang dressing room niya?"

RM asked Tito Ronnie to follow her to Calliope's dressing room. Upon entering, the singer was surprised to see her uncle entered who immediately hugged her.

"Tito, what are you doing here?" tanong nito na halos mapipi sa pagkakayakap ng tiyuhin.

"I saw the accident in facebook. Bakit hindi ka nagpadala sa hospital for thorough check-up?" sabi nito habang sinisipat ang bawat parte ng kanyang katawan.

"Tito,I'm fine.Don't worry," inikot nito ang kanyang upuan paharap sa salamin.

"Miss Raq," isang binatilyo ang pumasok sa bukas na pinto ng dressing room at bumulong sa kanyang tinawag. 

"What!!??" lumayo si RMng isang hakbang paatras dahil sabalitang ibinulong sa kanya.

"What? What's wrong?" tanong naman ni Calliope na nagulat sa pagkabigla ng kanyang road manager.

"Ano yun, Raquel?" tanong naman ng tiyuhin.

Hindi naman makasagot ang RM sa balitang kanyang natanggap. Tumingin ito pabalik-balik sa mag-tiyuhin, assessing to whomshe should break the news.

"Raq?" sabay na banggit ng mag-tiyuhin na ikinabigla ni RM.

"Tito, Calliope... Kasi..."

"Kasi?" Calliope asked nervously dahil na rin sa reaction ng mukha ni RM.

"Yung kable ng bumagsak na light..."

"Ano? Ano?!" sit Tito Ronnie naman ang nagtanong, shaking RM's shoulder.

"Can you please spit it out, Raquel Lopez?" kapag tinawag na ni Calliope ang kanyang road manager sa buo nitong pangalan, nauubos na ang pasensya nito.

"Yung kable hindi naputol, kundi pinutol. Clean cut daw sabi nang electrician,"

"WHAT?!" sa expression na iyon, agad lumabas ng dressing room ang mag-tiyo at tinungo ang pinagsasabitan ng nalalaglag na ilaw kasunod si RM ang ilang mga nasa lood din ng silid.

Sina Calliope at Tito Ronnie lamang silang pinayagang umakyat  kasamaang binatilyo dahil hindi kakayanin ng tila tulay na nakasabit ang maraming tao. Ipinakita ng electrician ang karugtong na kurdon ng bumagsak na ilaw. Kung aksidente nga ang nagyari, ang kinaputulan ay dapat nagmukhang nahila, ngunit sa nakita ng dalawa, kitang-kita na ito nga ay pinutol.

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Calliope. Napatingin sa kanya ang kanyang tito na hinawakan ang kanyang nanlalamig na mga kamay.

"Who would do this? May nakaaway ka ba?" agad na tanong ni Tito Ronnie nang makabalik sila sa dressing room. Ayos na ang lahat ng mga gamit ni Calliope.

"Tito, wag na nating problemahin ito. Maybe... maybe someone is just tripping. Baka may kaaway yung lalaking umakyat sa stage,"

"Do you think this incident is for that guy?"

"Siya ang nabagsakan hindi ba?"

"He is just some random guy. Who would think na someone na may galit sa kanya ang gagawa ng ganyan. Besides, I don't think na pinlano ng lalaking iyanna umakyat ng stage. Pano nalaman ng culprit na aakyat siya?"

Calliope fell silent sa mga assumption ng tiyuhin. Para nga ba sa kanya ang ilaw na iyon? Para nga ba sa kanya? Wala namang siyang kaaway, sa showbiz man o sa fans or bashers. Wala nga siyang pinapatulan eh. 

"Ah eh, Calliope, Tito Ronnie. Mabuti pa pong sa bahay na lang ninyo ito pagusapan para makapagpahinga si Calliope," suhistyon ni RM.

"Mabuti pa nga dahil may naiisip akong dapat gawin at paguusapan natin ito,"

"Tatawagan na lang kita tito as soon as makauwi ako sa condo,"

"No. Uuwi ka sa bahay natin tonight. After what happened, who knows na baka sundan ka pa nung kriminal na yan. Maybe he is a stalker. Mas mabuting sa vacation house ka muna,"

"Whats the difference? Eh kung sa vacation house naman ako sundan, kung may stalker nga ako,"

"May mga tauhan tayo doon. We are fully guarded. RM, sumama ka na rin. Baka ikaw naman ang sundan nun,"

"Po?" pagkabiglang sagot ni Raquel dahil hindi niya inaasahang pati siya ang masasabit sa pangyayaring ito. 

----------

Habang bumabyahe patungong Batangas kung saan naroroon ang kanilang bahay bakasyunan, Calliope can't believe na may taong gusto siyang saktan. Wala siayng nakaaway at walang nakakaalam ng tunay niyang pagkatao. Sina Tito Ronnie, ang kinakasama nitop at si Raquel lang ang nakakaalam ng kanyang na pangalan. Not unless...

dahil na rin sa pagod at sa nangyari, hindi na niya namalayan na nakatulog na ito.

----------

" Andito na tayo sa vacation n'yo," Raquel gently shook her shoulder to wake her up. minulat naman niya ang kanyang mata na iniaadjust sa pumasok na liwanag nang bumukas ang pinto ng kanyang sasakyan.

"Take a seat para makapag-usap tayo," agad na sinabi ni Tito Ronnie nang maupo ito sa single sofa. Ang kinakasama naman nito ay dumiretsong umakyat ng hagdan patungo sa ikalawang palapag.

"Tito, can we just talk about this tomorrow? Pagod na ako," Calliope answered na pinipigilan ang paghikab.

"Fine," pailing naman na sagot ni Tito Ronnie. "But for starter, I will get a personal bodyguard for you and you can't say no. Sige na, umakyat ka na at magpahinga,"

"Tito!"

"I said it clear, you can't say no. Goodnight," tumayo si Tito Ronnie at tinungo ang kanilang mini bar upang kumuha ng copita at alak then went out to their garden. Naiwan si Calliope na nasa ikatlong baitang ng hagdan.

Hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa kanyang tiyuhin.

Kukuhaan siya ng bodyguard eh hindi pa naman nila napapatunayan kung may nagtatangka nga sa kaniyang buhay. Kung para sa kanya nga ba ang insidenteng nangyari sa kanyang anniversary concert. Pero malinaw nga na sinabi ng kanyang tiyuhin na hindi siya maaaring tumanggi sa naging desisyon nito. 

But no. She will put her feet down and will assert her opinion to the idea of her uncle. Having a bodyguard will only make things more complicated. Ayaw niya ang ganito. Ayaw na ayaw niya.

----------

I decided to start The Fan kasi malapit ko na pong matapos ang Bite Me kaya kapit lang po sa story kong ito. 

Support nio po ang projects ng ating diosa...

Attend din po kau sa BLOCKSCREENING and watch FALLBACK together with Ms. Rhain Ramos... see poster for ticket reservation

At abangan din po sa GMA ang The One That Got Away (TOTGA) ni Ms. Rhian Ramos together with Lovi Poe, Max Collins and Dennis Trillo,

Comment and vote of what you think of the first chapter of The Fan.

Alam kong may mga questions po kayo regarding Calliope pero kung nabasa nio potlaga ang chapter na ito, mapapansin ninyo ang tungkol sa pangalang ito.

Ciao! 

mwahugs!

ctto to Nice Print for this chapter's cover pic from R11 concert.

Continue Reading

You'll Also Like

212K 9.6K 59
Orm Kornnaphat's feelings for Lingling Sirilak have undergone a transformation over time. Initially, at the age of 11, Orm held an unromantic, platon...
56.7K 1.9K 31
(Art in the story cover is not mine) ❝𝖄𝖔𝖚𝖗 𝖌𝖗𝖆𝖈𝖊 𝖍𝖆𝖘 𝖈𝖔𝖒𝖊!❞ Descending into Teyvat, their beloved deity- their dear creator, had fina...
20.4K 913 44
I love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako m...
2.1M 57.6K 95
On the twelfth hour of October 1st, 1989, 43 women gave birth. It was unusual as none of them had been pregnant since the first day they started. Sir...