Half-truths | Vicerylle Onesh...

Autorstwa planktonology

119K 2.2K 490

Collection of oneshots. Hindi po ako masyadong mag-uupdate dito ha. Kapag may naisip lang bigla. :) Więcej

1: Pill
2: Tickler
3: Entries (TKJ)
4: Manic
5: Tenses
6: Lens
EXTRA~
7: Omegle
8: Ice Cream
9: Origami
10: Logoleptic
11: 3D
12: 11:11
13: Kalachuchi

10: Logoleptic II

4.6K 153 20
Autorstwa planktonology

LOGOLEPSY #14

10TH OCTOBER 2013

“Hi guys! Good morning from Sydney!” bati ni Billy sa camerang siya rin ang may hawak hawak ngayon. He was walking around while filming himself, at sa liwanag na mula sa bintana, mukhang 6 am palang yata doon. “Pretty unusual for me to be up at this hour, well actually I’ve never been ‘down’, as in hindi pa ako natutulog. I was just so hooked on this game on my Nintendo.” pinakita niya sa camera ang 3DS niya at winiggle wiggle ito. Pokemon Black & White 2. “Yeyyyy. Kaya ganito kapula yung mata ko eh. Anyway, tulog na tulog pa yata—”

“Rarrrrr!” Vhong jumped at Billy at kunwaring kinakagat ito sa balikat, habang si Billy naman ay kunwaring nasasaktan din sa ginagawa ng ka-banda at nagsisisigaw. Magulong magulo ang buhok ni Vhong at may bahid ng tomato ketchup na mukhang dugo ang bibig at leeg niya. Nakadagdag pa ang eyebags at bloodshot eyes niya sa pagiging mukha niyang zombie. Nahiga pa sila sa sahig na parang nakikipagwrestle sa isa’t isa. Nakalapag naman sa sahig ang camera na ginagamit kanina ni Billy na nakabaligtad pa ang pagkuha.

“Juggy! Ryan! Tulong! Vhong ano ba! Ako ‘to!” sigaw ni Billy habang nilalayo ang mukha nito sakanya. Patuloy parin naman sa paggawa ng weird zombie sounds si Vhong at nilalabanan ang kamay ni Billy.

Dumating si Ryan na may dala-dalang mop at pinagtutusok ang tagiliran ni Vhong. Napahiga naman siya sa tabi ni Billy at panay parin ang tawa at tinutulak palayo ang mop na kumikiliti sakanya. Naglabas ng bawang si Billy mula sa bulsa niya at pilit itong sinusubo kay Vhong kaya itinikom niya ng mahigpit ang bibig niya. Tinulak naman ng huli ang mop papunta sa mukha ni Ryan at tumama ito sa bibig niya. Nagtawanan ang dalawa. Pinulot na ulit ni Billy ang camera at itinutok ito kay Ryan.

“Anong lasa ng mop?”

“Ang baho! Baliw!” reklamo niya at patuloy na nag-pwe nang nag-pwe para tanggalin sa bibig niya kung anumang tumama dito.

Itinapat ni Billy sa mukha nilang dalawa ni Vhong ang cam at nag-wacky faces lang sila sa loob ng 30 seconds. “Nagluluto na po si Juggy ng almusal namin, naaamoy niyo ba?” tanong ni Vhong habang sinisinghot singhot ang paligid. “Amoy isda. Kakakain lang natin ng isda kahapon ah.”

Pumunta sila sa kusina at nakita si Jugs na pawis na pawis na sa pagluluto niya… ng hotdog. “Hindi dinideep fry yan!” sita ni Vhong sakanya. “At inulit mo pa talagang gamitin yung mantika sa isda!”

“Hotdog parin naman yan pagkaluto kahit maraming mantika o konti.”

“Hindi na siya hotdog, hotfish na siya.” banat naman ni Ryan. Ngumiwi lang sina Jugs at Vhong sakanya at hindi siya pinansin.

Iniharap ulit ni Billy sakanya ang cam habang nagvivideobomb si Vhong. “Sobrang busy talaga ng araw ng Logo. Hay. Zombie apocalypse, pagluluto… Ngayon naman magsasagawa tayo ng isang raid. May nakarating saming balita na ang isang kwarto daw dito ay ginawang *toot* den—”

Siniko naman siya ni Vhong at bumulong na nahagip parin naman ng camera. “Baliw baka may mga batang nanonood. Edit mo yun ha.”

Itinutok nila ang camera sa harap nila at naglakad sila nang dahan dahan. “Shhh. Wag kayong maingay, baka marinig tayo.” bulong ni Vhong sa lens ng cam.

“One… two… three!” sinipa ng malakas ni Billy ang pintuang bahagya naring nakabukas. “Ano yan?! Dumapa ka! Dumapa ka! Wag kang kikilos! Kamay sa likod ng ulo mo! Yung ulo sa taas!”

Bagot na bagot namang inikot ni Vice na nakasuot lang ng bathrobe ang upuan niya at itinaas ang dalawa niyang kamay. Basa at magulo pa ang buhok nito na parang kakalabas lang talaga ng banyo. Nakabusangot lang siya kay Billy at Vhong.

“Good morning Billy! Hi Vhong! Baliw kayo ginulat niyo ko.” bati ng isang pamilyar na mukha mula sa screen ng laptop ni Vice: si Karylle.

Kumaway naman ang dalawa at itnulak ang upuan ni Vice sa gilid para iharap ang mga mukha nila sa webcam ng laptop. “Huy K matulog ka na dyan, 4 am na diba?” pumasok narin sa kwarto sina Jugs at Ryan na binati din siya cheerfully.

“Teka lang lumayo nga kayong lahat sa camera yung fangirl feels ko di ko mapigilan! Baka mapasigaw ako dito, katukin pa ko.” she giggled at hinawakan ang mukha nila sa screen. “We miss you back here!”

“I miss you too.” pabirong sagot naman ni Billy. Tinulak ni Vice ang mukha niya at natawa si Karylle, inaamin niya kasing kinilig siya don. “Joke lang manager. Miss na namin kayong lahat dyan! Pagluto mo kami nung steak pag-uwi namin ha.”

“Sure.” sagot niya at ngumiti kay Billy.

“Psh. Ito naman kilig na kilig.” sabat ni Vice at nagpalumbaba sa desk.

Natawa naman si Karylle. “Ikaw naman selos na selos.”

“Lumabas na nga kayo, wag niyo kaming kunan privacy namin ‘tong magkarelasyon.” sita ni Vice sa apat. Tumayo siya at tinulak sila palabas. “Uutot ako pag di pa kayo lumabas.”

Tinutok ni Billy ang cam sa mukha ni Vice. “Naks. Peymus. Say please.”

“No.”

“Say ang gwapo ni Billy.”

“Uweeee!” sigaw nito.

Nagtawanan ang apat at iniharap na ulit ni Billy sakanila ang cam. “Masungit si manager, killjoy talaga yon eh hayaan niyo na yon. Sabi niya effective lang ang pagiging manager niya sa Logo simula 12 noon hanggang 11:59 pm.” bulong niya.

“De, meron lang talaga yan ngayon.” gatong pa ni Vhong.

“Bigyan ng napkin!” banat ulit ni Ryan. At this time, natawa na sila.

“Matutulog na muna kami, tutugtog pa kami sa kalsada mamaya hihingi ng barya barya. Mapapanood niyo yang performance na yan pagkatapos naming dumaldal dito. Gusto niyo ba nakavideo parin  pagtulog namin, parang sa Paranormal Activity? Pero pag may humila sa paa namin magdidisband na kami ha.”

“Hala wag magpapalaki lang ako ng tiyan sa kanto pag nagkataon. Wala akong trabaho.”

“Diba nga magnenegosyo tayo ng music hub natin!”

“O sabi niyo yan ha. Sige na, sige na.”

“This is Logoleptic: fascinated by words, fascinating you, now signing off from Australia!” sabay sabay nilang paalam sa camera. Bigla namang finocus ang camera sa mukha ni Vhong at sumigaw ito sa tonong nananakot.

Nag-shift naman ang setting ng video sa isang kalsada, bandang hapon. Iniscan nito ang kahabaan ng kalsada at ang dami ng tao na iba iba ang direksyon ng paglalakad para makarating sa pupuntahan nila.

Nagseset up na ang apat sa sidewalk. Nakasandal ang tatlong mga nag-gigitara sa pader habang si Jugs naman ay nakaupo na sakanyang cajon.

“Vice, say hi.” utos ni Billy na nagiistrum ng gitara niya.

“Wala ka pang nacocontribute sa video na ‘to ah.”

Hinarap ni Vice ang cam sakanya and flashed a half-smile. “Hi guys. Hi Ana Karylle. O game na, game. 1... 2… 3.”

“Ma?” tawag ng isang binatilyo, mga nasa edad 14, sa pintuan ng kwarto ni Karylle.

Nginitian niya ito at nag-gesture na pumasok. Pinause niya ang video  at pinunasa ang luhang nangingilid sa mga mata niya. Umupo ang lalaki sa tabi niya sa higaan at tinignan ng mabuti si K.

“Pinapanood mo nanaman ba sila?” tanong nito na natatawa sa mommy niya.

She smiled nostalgically at bumaling ulit ng tingin sa laptop niyang ngayon ay dimmed na ang screen. “Gustong gusto ko lang binibisita yung mundo kong yun nang hindi ko makalimutan kung ano yung pakiramdam.” sagot niya sa anak.

“They are legends, ma. Hindi na sila mawawala kahit kailan. Para bang Hotdog, APO, Hagibis, Eheads.”

“I know. Hindi naman ako dun natatakot eh, natatakot lang ako na baka hindi na maging ganun yung feeling once I see them again on stage. Na hindi na ganun ka-exciting tulad ng dati. So I have to feed my fangirling spirit.”

“Ano bang episode yang pinanood mo?” ginalaw niya ang touchpad at pinlay ang video. Ah, the Australia episode. Napangiti siya sa sarili. Alam na niya yon dahil lagi niyang nakikita ang mommy niya na binabalikan ang video na yon every once in a while.

“Alexander wag mong sabihin sa daddy mo, magfefeeling nanaman yon!”

Natawa naman si Xander sa mommy niya at lumapit pa lalo dito. “Mas lalo mo po siyang namimiss dati no?”

She nodded at tumingin sa anak nila. Kamukhang kamukha mo talaga daddy mo. “But I learned to deal with it. Literal ko rin namang happiness yung happiness niya, passion yung passion niya. Kaya okay lang kahit lagi siyang wala.”

He sighed deeply at pinanood ulit ang nagpplay paring video. “Excited na kong mapanood ulit sila. Alam ko namang hindi tumutugtog si daddy pero iba nga talaga pag alam mong siya yung nag-ayos ng event na yon, minsan pa yung sumusulat nung kanta.” kwento niya habang inaalala niya ang first reunion concert ng Logoleptic na napanood niya 5 years ago. Kahit nag-iba na ang genre at content ng mga kanta ng generation niya, nasanay si Xander sa pakikinig sa mga kanta ng Logo at kabisado rin niya halos lahat ng mga kanta nila na dulot narin ng influence ng mommy niya kaysa daddy niya. Naiimagine niya tuloy kung paano ba mag-fangirl noon si Karylle, at kung paano ang naging set up nila kung crush na crush ng nanay niya ang front man pero dinedate niya ang manager. Ang awkward siguro kay daddy non. “Ma, sabi mo dati si Tito Billy talaga yung gusto mo diba? Bakit naging si daddy?”

Pinisil niya ang ilong ng anak at nag-giggle na parang batang kinikilig. “Kasi pag naging kami rin naman ni Billy, hindi ako magsasalita pag magkasama kami, tititigan ko lang siya tapos kikiligin at maglulupasay lang ako don. Edi iiwanan din niya ko eventually.” biro niya. “Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam. At hindi narin importante yon, because I couldn’t be happier now that I have the both of you. I won’t have it any other way kahit bigyan mo pa ko ng ilang chances na baguhin yon.”

Napangiti naman si Xander sa sagot ng mommy niya. Dati, he finds his parents’ love story really lame. Pero sa tuwing kinekwentuhan siya ng ganito ng parents niya, mula sa kung paano sila nagkakilala hanggang sa kung paano napapasaya ni Vice si K sa simpleng pagmamanage niya sa bandang mahal na mahal nito, alam niyang hindi sila conventional. “Dalawang araw nalang naman. May dala pa siyang bag para sayo.” paglalambing pa niya sa nanay niya. “Tapos next month, reunion concert na ulit. You’ll be bringing out the fierce fangirl in you again.”

6 years old na si Xander nang tuluyan ng maging inactive ang Logoleptic. They decided to lie low para makapag-focus sa kanya-kanya nilang mga pamilya dahil lahat sila kasal na noon, pero occasionally parin naman silang nagpeperform lalo na sa mga music festivals na nagsimulang lumaganap noong kasikatan nila. Matibay parin naman ang fanbase nila, hindi parin nawawala ang suporta ng mga tao sa music nila every time na maglalabas sila ng new material at kung may gigs ay napupuno parin nila ang venue.

After naman ng pagiging inactive ng Logo, naging producer na si Vice sa recording company nila at nakikipagtrabaho sa mga bandang nagmamay-ari naman ngayon ng limelight. Pero syempre hindi nakalimutan ng magkakaibigan na ituloy ang music hub na negosyong napagkasunduan nila noon, at si Karylle ang nagmamanage nito in line with her chosen career.

Hindi naman nawawala ang private gatherings ng Logo at ng management team nito kasama ang mga sarili nilang pamilya lalo na kapag holidays. Tutugtog sila ng ilang kanta at minsan isasama ni K si Anne at magfafangirl parin sila doon, pero hindi na ganung ka-explicit katulad ng dati. Awkward naman daw kasi para sa mga asawa nina Billy at Vhong at pati narin sa mga asawa nila, lalo naman kay Vice. Kahit matanda na sila, nandun parin yung fascination na nabibigay ng Logo at inaamin din nilang kinikilig parin sila kapag nakikita at naririnig silang tumutugtog. Lagi pa ngang niloloko ni Anne si K na dati lang tinitilian niya pa ‘tong mga lalaking ‘to, pero ngayon kumpare na niya.

Pasimpleng sumilip si Xander sa phone niya at nang mabasa niya ang hinihintay na message, bumangon na siya at hinahatak ang mommy niya by the arm para tumayo narin ito. “Tulungan kita magluto ng dinner.”

“Akala ko magpapadeliver nalang tayo?”

“Mas masarap po luto mo eh. I’m craving for your steak.” pambobola niya. Natawa naman si Karylle at nagsuot na ng slippers niya and tied her hair in a messy bun.

Pinauna ni Xander si K na lumabas ng kwarto. Dahil sila lang naman ang tao sa bahay ngayon dahil nga nasa ibang bansa si Vice na may inoorganize na OPM music festival para sa mga kababayan nila sa States, nakasanayan na ni Xander na samahan ang mommy niya sa kwarto nito hanggang umuwi ang daddy niya.

Patay ang lahat ng ilaw sa baba at ang maliwanag na buwan lang ang umaaninag sa pagbaba nilang mag-ina sa hagdan. Bago pa mabuksan ni Karylle ang pinakamalapit na switch ng ilaw na nasa living room where the staircase directly leads ay may narinig silang apat na kalampag na kinagulat naman niya. Napahawak siya sa braso ng anak. “Ano yun?!” she whispered loud enough to be heard.

Si Xander na ang nagbukas ng switch at tumambad sakanila ang Logoleptic, casually seated sa kanya-kanya nilang stools hawak ang mga gitara nila. Mula pala sa cajon ni Jugs ang beat kanina at inulit niya ‘to bilang cue ng simula ng kanta. Daybreak.

“Teka lang. Pwede ba akong magfangirl over my boyfriend? Pa-autograph naman po. #1 fan niyo po ako eh.”

“Sure. Saan ba?”

“Sa lips po.”

Napangiti naman si Karylle sa pag-alala sa panahong yon. Naging mas sentimental na sakanya ang kanta dahil sa moment na yon, at hindi lumilipas ang isang araw na hindi niya yon pinakikinggan, pero syempre yung exclusive version ni Vice na nirecord niya para lang kay K.

 Ah Vice, naisip niya. Umakbay siya sa anak at bumulong dito. “Alam mo ‘to no?”

“Idea namin ni dad.” sagot nito at ngumiti. “He says he misses you so much.”

Sa bawat tutugtugin nilang kanta ay naaalala ni K lahat nang kabaliwan nila ni Anne noon at matatawa nalang.

“Girl, ayoko na yatang maghugas ng kamay.” sabi ni Anne na inaamoy-amoy parin ang kamay niya dahil sa pag-handshake niya kay Vhong. First time nilang ma-meet noon ang Logoleptic at tandang-tanda parin ni K ang exact date hanggang ngayon, November 8 2011. Naalala rin niyang pagkauwi niya, halos 4 pages yata ng journal niya ang napuno niya sa pagkekwento ng experience niyang yon.

“Pati pawis nila mabango, bakit ganon. Parang gusto ko salukin sa bote tapos iispray ko sa unan ko para kunwari katabi ko si Billy. Muntik ko na talagang ipunas punas sa katawan niya yung panyo ko kanina eh kung di lang talaga ko nagmukhang tuod doon.” malungkot na pagkekwento ni K. Natuliro lang kasi siya sa signing nung umabot na siya kay Billy, ngumiti lang siya don na parang baliw at tinitigan siya na parang hinuhubaran na niya ‘to sa utak niya. Wala talaga siyang nasabing kahit ano, kahit hi o thank you.

Natawa naman si Anne. “Ano siya Poon?!”

“Ang dami dami ko kayang plano Anne! Gusto ko sana siyang pahingahin sa plastic tapos iseseal off ko, sisinghutin ko kada umaga na parang rugby. Tapos yung ginawa kong potato doll hindi ko rin nabigay. Wala man lang akong nagawa kahit isa. Nakalimutan ko pa yung pick up line ko kanina dahil sa kaba. Ughhhh sayang!” nagdadadabog si Karylle na parang bata dahil sa frustration.

“Ano bang pick up line mo? Edi next time.”

“Kanin ka ba? Kasi gusto kitang kainin araw araw, three times a day eh.”

Tinulak naman siya ng kaibigan at tumawa nang tumawa. “Gaga! Buti pala nakalimutan mo!”

Sa sobrang pag-eenjoy ni K, hindi niya namalayang nakatapos na pala ng apat na kanta ang Logo. May mga times na sumisigaw na siya sa kaloob-looban niya, pero nahihiya naman siya dahil hindi ito matatabunan ng ibang sigaw at katabi rin naman niya kasi ngayon ang anak niya. Pumapalakpak na sila at kinakamusta si Karylle at Xander na nakaupo sa couch at pinanonood sila.

Tumayo si Billy at inabot kay Xander ang gitara ng binata. “Ang ganda nito ah.” sabi niya. Tumabi lang ang apat sa gilid at pumwesto si Xander sa isang stool na kaninang inuupuan ni Vhong. Pumalakpak si K to cheer for her son, alam na niya kung anong gagawin nito. Madalas kasi siyang tinutugtugan ng anak ng mga kanta ng Logo lalo na kapag mukhang pagod na pagod siya sa trabaho to cheer her up.

Gulat na gulat naman si Karylle nang pumasok si Vice sa sala at nagpalakpakan at nagsigawan ang apat. “Grabe ang tagal niyo, pinapak na ko ng mga lamok doon sa labas.” reklamo pa niya. Umupo na siya sa stool kanina ni Billy at nilingon si Xander. He gave his dad a thumb up at nagsimula nang tumugtog.

Kung may isang kantang mas paborito pa ni K kaysa Daybreak, ito yon. Natawa siya sa pag-alala kung kailan niya ito unang narinig: noong first major concert ng Logo sa Araneta at tatlong taon narin sila ni Vice noon.

“Perks of being the manager’s girlfriend and consequently her friend: you get to sit with the big people in front at di ka pa masasapak sa likod.” bulong ni Anne kay K pagkatapos ng pagkanta ng Logo ng Just Another Girl ng The Killers, pangatlo na sa huli nilang kanta.

Umirap naman si Karylle. “Nakakainis nga hindi ako makatalon-talon. Pinag-awayan pa namin ‘to ni Vice no, pilit kasi nang pilit na dito nalang daw ako umupo sa harap eh gusto ko nga makipagbalyahan doon.”

“Sira ka rin e no.”

“Para may thrill kaya.”

Pumunta sa backstage ang Logo pero hindi ipinakilala ni Billy ang guest na magpeperform. Baka ito na yung surprise guest, naisip nila. Nag-dim ang mga ilaw at ang spotlight nalang ang nakabukas. Maaaninag ang pigura ng isang matangkad na lalake na naglalakad papunta sa spotlight, may hawak na gitara at bouquet ng roses.

Nagpalakpakan naman ang audience nang makita na nila nang malinaw kung sino ito. Syempre, kilala na nila ito. After three years, makikita ulit siya sa stage.

“O, si Vice! Tapos na yung Daybreak kanina pa ah?” gulat na tanong ni Karylle, pero hindi narin niya mapigilang kiligin kaya hinampas niya si Anne sa braso.

“Eh baka ibang kanta. Ano pa bang di nila kinakanta na favorite mo?”

“Lahat naman favorite ko.” her gaze is fixed on her boyfriend na kasalukuyang inaayos ang mic stand para ibaba ito. Isinabit niya ang gitara sa sarili habang pinapakita naman si Karylle sa LED. Nagtilian ang marami.

“Haba ng hair, nag-Rejoice ka ba girl?” pagkanta ni Anne at tinusok-tusok ang tagiliran ni K para asarin ito. Hinila niya ang buhok nito dahil sa panggigigil. “Aba ang swerte mo talaga.”

“Ah, good evening. Sorry po sa interruption, ibabalik ko rin ang mga pangit kong alaga mamaya. Ako nga pala si Vice, manager nila. Meron lang akong kanta na gusto sanang iparinig sainyo ngayon, and this is for my one and only fangirl in this sea of people. Hi Karylle. Ngayon alam mo na kung bakit kita pinapaupo dyan sa harap?” tanong nito habang nakatingin sa girlfriend at nililingon-lingon din siya sa LED. “Thank you for everything, babe. Thank you for being so supportive.”

Nagsimulang tumugtog ang isang upbeat na tono at kumanta narin si Vice.

 

Bawat umaga’y hinihintay na

Mga gabi’y ayaw nang matapos pa

Nang mga landas nag-tama't nagkita

Alinlanga’y dagliang nawala

Ano pa nga bang hinihintay natin

Aakuin ang mundo, ikaw na ay maging akin

Tara na sinta

Kung saan tayo laging sasaya

 

Pangako naman sayo

Panonoorin nating magpalit bawat taon mga kalendaryo

Hanggang magbilangan na ng puting buhok

Dapit hapon nakakaramdam na agad ng antok

 

Hindi naman sa nais ko nang ikaw ay magsawa

Ngunit apelyido mo’y ginagamit na ng ilang dekada

Bakit ba hindi mo pa kasi palitan

Gawin mo nang Viceral yan

 

Pangalan mo lang ang magiging bukambibig

Susulatan ng mga kantang hindi mo pa naririnig

Dahil ang tanging nais ko

Uma-umaga’y makita ka sa tabi paggising ko

 

Pangako naman sayo

Malapit man o malayo

Maging marupok man ating mga buto

Laging hahawakan mga kamay mo

Magkakamutan ng likod kapag hindi na maabot

Kahit pagod na makakarinig parin ng sagot

Bumaba si Vice from the stage at sinundo si Karylle. Inabot niya ang mga bulaklak dito at hinalikan siya sa noo.

“Uy, ano ‘to?” pabulong na tanong ni K pero hindi siya sinagot ni Vice. Magkahawak kamay silang umakyat ng stage at nang makarating sa gitna ay itinuloy na ni Vice ang pagkanta.

Nagtagpong mga mundo

Ngayon wala nang lalayo

Hindi na kaya, hindi na kaya

Lubos ang ligaya at ikaw ang kasama

Ibinaba niya ang gitara at lumuhod sa harap ni Karylle at nagpatuloy sa pagkanta.

Hindi naman gusto na ikaw ay magsawa na

Ngunit apelyido mo’y ginagamit na ng ilang dekada

Bakit hindi pa natin palitan

Gawin mo nang Viceral yan

O, gawin mo nang Viceral yan

Nilabas niya ang isang ring mula sa pocket ng blazer niya at ipinakita ito sa girlfriend. Nagtilian naman ang audience habang ang LED sa likod nila ay nagflash ng sampung salita. “I may not be the guy you have always dreamed of, but I promise I will be the man you will always dream with. I may not have everything, but I promise I will love you all the days of my life with everything I got. Ana Karylle Tatlonghari, will you marry me?”

She burst into tears and cupped his face. She kissed him hard, at alam na nilang dalawa kung anong ibig sabihin nun.

Tumakbo papunta sa stage ang Logo at pinaputok ang mga party poppers at bumagsak ang mga balloons sa stage.

She never thought that this song could sound any sweeter, lalo pa’t ang tumutugtog ngayon ng gitara ay ang anak nilang dalawa kasabay ang magandang boses ng asawa niya. Karylle smiled at them as she played with the ring on her finger.

“Yes. Oo naman. Ikaw lang naman hinihintay ko eh.” she said as she grabbed the ring from his hand at isinuot ito.

A/N: Thanks for reading Logoleptic! ;)

@mariellebouvier

Czytaj Dalej