SAMANTHA

By HeartRomances

117K 1.9K 23

Samantha, isang dalagang nasa kaniya na halos lahat ng katangian hinahanap ng isang lalake sa babae. Mayaman... More

TEASER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
FINALE

Chapter 33

2.8K 51 0
By HeartRomances

Samantha

by; Zaiffer

Hindi halos makapaniwala si Marichu sa kaniyang nalaman. Isinalaysay ni RJ ang nangyari sa nakaraan. Panay iling ang ginang habang pinapaliwanag na siya si Sam. 

"Hindi iyan totoo, niloloko ninyo lamang ako!" halos ipagsigawan na ni Marichu ang kaniyang binitiwang salita. 

"Hindi ka namin pipilitin na maniwala agad, pero kung hindi ka talaga naniniwala ba't hindi natin ipa-DNA test si RJ ngayon din." sabad ni Lee Neth sa dalawang nag uusap.

"Mom, natatandaan mo po ba ito?" inilabas ng dalaga ang suo suot nitong kuwintas na nakapaloob sa kaniyang damit. "Lagi ko po itong suot tulad ng bilin ninyo, kasi sabi mo mahalaga ito sa iyo. Binigay ito ni Lola sa iyo noong ika'y tumutuntong sa ika labinwalong taong gulang, pinagawa niya ito mula pa sa Paris na yari sa ginto." mangiyak ngiyak na paliwanag ni RJ.

Itinulos sa kinatatayuan si Marichu, sa mahigit isang taon niyang nakasama ang kinilala niyang anak ay nakalimutan na niya ang isa sa mahalagang ala ala ng kaniyang yumaong ina. Umagos ang masaganang luha sa pisngi ng ginang, at dahan dahang hinahawakan ang suot na kuwintas ng dalaga. 

Kasunod ang mahigpit na yakap ni Marichu sa anak, bumaha ng luha sa hospital na kanilang kinaroroonan. Wala silang pakialam kung pinagtitinginan man sila ng ibang tao doon. Maging si Lee Neth ay napaiyak na din, nakatitig lang naman si Mickey ngunit mababasa sa kaniyang mukha ang labis na kasiyahan.

"Pero bakit nila ginawa ito sa akin lalong lalo na sa iyo?" nagugulohang tanong ng ginang ng humiwalay ito sa pagkakayakap sa anak.

Nagkatinginan naman sina Lee Neth at RJ, hindi pa din nila alam kung bakit nga ba nila nagawa ang bagay na iyon.

"Dahil po gusto daw niyang maghigante sa inyo Mommy Marichu." mahinang sabad ni Mickey na lalong ikinagulat ng ginang.

"Anong sinabi mo Mickey? B-bakit siya maghihigante sa akin?" lumapit ito sa nakahigang bata.

"Noong dinala niya ako sa isang lumang bahay narinig ko po na sinasabi niya, inilibing daw po niya ang kaniyang ina doon. Malapit na daw po niyang matupad ang pangako niya sa kaniyang ina." 

"Teka, nagugulohan ako. Ang pagkaalam ko ay malayong kamag anak namin si Elena iyon ang sabi ni Papa sa amin at hindi ko nakilala ang kaniyang ina dahil noong dinala siya sa amin ay mag isa lamang siya at wala siyang ibang pamilya maliban sa amin." paliwanag ng ginang. "Mickey wala ba siyang nabanggit na pangalan man lang."

Umiling lang ang bata. Pareho silang mga walang ideya kung bakit gustong maghigante ni Elena sa kanila. 

Maya maya ay tumunog ang tawagan ni Marichu, agad nitong kinuha iyon sa loob ng kaniyang bag.

"Si Elena!" 

Napamulagat si Mickey ng malaman na ang ginang ang tumatawag, nanginig ang buo nitong katawan. Lumapit naman si RJ dito at niyakap. 

Napatingin ang tatlo s kinaroroonan ni Marichu, agad sinagot nito ang tawag ni Elena.

"Hello, Elena bakit?"

"Natagpuan mo na daw si Mickey sabi ni Sam, anong nangyari sa kaniya?" tanong ng nasa kabilang linya halatang nanginginig ang boses nito.

"Ay naku hindi naman pala iyon si Mickey nag aksaya lang ako ng panahong pumunta dini. Gusto lang pala n'ung taong nagsabi ng pabuya kaya sinabi niya na si Mickey ang bata iyon. Kapatid pala niya iyon. Pabalik na ako diyan!" mahabang saad ng ginang na nakatitig sa dalawang magkayakap.

Nakahinga ng maluwag si Elena sa kaniyang narinig. Napangisi siya matapos ang kanilang usapan, kasalukoyang nasa silid sila ni Sam at pinagpaplanuhan sana ang mga puwedeng mangyari.

"Hindi pa ngayon ang tamang panahon upang malaman ninyo na ako ang nagpapatay sa inyong anak. Makukuha ko muna ang aking gusto bago ninyo malaman." wika nito at kasunod ang malademonyong halakhak maging si Sam ay napangisi na din.

"Teka tita...awat ng dalaga, talaga bang nabasa ninyo sa testamento na sa oras na mag asawa ako saka pa lang ililipat sa akin ang lahat ng kanilang ari-arian?" 

Tumango ang ginang, nagsalin ito ng alak sa dalawang kopita. Ibinigay nito ang isa kay Sam.

"Cheers para sa ating tagumpay!" turan ni Elena at nilagok ang laman ng kopita.

-------

Ng araw ding iyon ay nakalabas na si Mickey, nagpasalamat ang mga ito sa taong tumulong sa bata. Nagbigay ito ng pabuya para dito ngunit tinanggihan ito ng matandang lalake.

"Hindi ko matatanggap iyan, sapat na ho sa akin ang makitang ligtas ang napakagandang batang iyan." saad ng lalake at kunwa'y ginulo ang buhok nito.

"Salamat po talaga ng marami, kung hindi dahil po sa inyo malamang ay pulotan na ako ng malaking ahas na iyon." inosenteng sagot ni Mickey. Nagkatawanan naman ang lahat, maging ang mga pulis na naghihintay sa labas ng hospital ay napatawa na din.

"Walang anuman iyon, ineng. Kahit naman sino ang makakita sa iyo ay sigurado akong ililigtas ka din." wika muli ng matanda.

Nagpaalam na ang mga ito sa matanda. Napagdesiyunan ni Marichu na isama na lang muna ni RJ ang bata. At habang binabagtas niya ang daan pauwi ay nakabuo siya ng isang plano. 

Masayang masaya ang bata dahil nalaman niya na hindi patay ang kaniyang ate Sam.

"Ate Sam, bakit po iba na ang mukha ninyo?" bulalas ng bata habang nakakandong sa dalawang hita ng dalaga. Pareho itong nasa unahan ng sasakyan habang nagmamaneho si Lee Neth patungo sa kanilang bahay. 

"Para hindi nila ako makilala, kung iyon pa din ang mukha ko dalawa na kaming Sam."

"Para po sa akin ikaw pa rin ang Ate Sam ko na pinakamaganda at pinakamabait na ate sa buong mundo." magiliw na sagot ng bata.

Nangingiti naman si Lee Neth habang nakikinig sa usapan ng dalawa. 

"Nandito na tayo!" saad ng ginang, ipinarad niya ang kaniyang sasakyan sa malawak na harapan ng bahay.

"Wow, ang laki din po ng bahay ninyo at mukhang ang sarap magpagulong gulong sa loob. Mama Lee Neth, malambot din po ba ang higaan ninyo?" baling nito sa ginang na kasalukoyang bumababa.

"Ikaw talagang bata ka ang dami mong tanong, halika na sa loob iinom ka pa ng gamot sabi ng doktor ay hindi ka pa masyadong malakas kaya kailangan mong uminom ng gamot." saad naman ni RJ, inalalayan niya ang bata sa paglakad hanggang makapasok sa loob ng antigong bahay. Kasunod si Lee Neth na iiling iling lamang.

Pagkapasok nila sa loob ay dumiretso sila sa kusina, nadatnan nila na nagluluto si Jeomar ng kanilang pagkain.

"Dumating na pala kayo, hindi pa ako tapos magluto. Maupo muna kayo sa sala." wika nito at pinunasan ang tumutulong pawis sa kaniyang noo.

-------

Samantala sa bahay ng Del Galdo, maagang nakarating si Marichu. Nadatnan niya na nasa sala ang dalawa at nag uusap.

"Im here!" 

"Hi Mom!" bati ni Sam sa ginang. Lumapit ito dito at humalik sa pisngi.

"Kumusta ang byahe mo ate, malayo ba?" nangingiting saad ni Elena.

"Hindi naman kalayuan traffic lang, wala pa si Arnulfo? Kumusta ang araw mo, anak?" tanong nito at may kasamang diin ang salitang anak.

"Hmmm, okay naman po." 

Tumango ang ginang, nagpaalam ito sandali at umakyat sa kaniyang silid. Pagkapasok niya sa kaniyang silid ay agad niyang tinawagan ang numero ng kaniyang anak. Sinabi niya ang kaniyang plano dito. Hindi muna nila ipapaalam ang kanilang nalaman maging kay Nick upang hindi lumayo ang loob ng binata sa kinikilala nitong Sam. Sumang ayon naman si RJ sa sinabi ng ina.

---------

Kinabukasan ay maagang gumising si Sam, sabik na uli itong makita si Nick. Pagkababa nito sa sasakyan ay halos patakbo itong pumasok sa loob ng unibersidad. Agad nitong hinanap ang binata sa tagpuan nila. 

"Good morning!" bati nito sa binata at humalik ito sa pisngi ng huli.

Sandali silang nag usap pagkatapos ay nagtungo na ang dalaga sa una niyang klase. Nakasabay niya sa pagpasok si RJ.

"Magandang umaga, Sam..." bati ni RJ 

"Ano naman ang ikinaganda ng umaga kung ikaw din lang ang makikita ko!" halos pabulong nitong sagot sa dalaga.

Isang nakakalokong ngiti ang pinakawalan ni RJ na lalong ikinainit ng ulo ni Sam.

"Be nice to your friend Sam, Im not your enemy!"

"Huh! Kailan pa tayo naging magkaibigan?" asik ni Sam at sinipat ang dalagang kaharap mula ulo hanggang paa.

"Ewan ko, hindi ko din alam. Noong una kitang makita ay magaan na ang loob ko sa iyo at para bang matagal na tayong magkakilala." nangingiting sagot ni RJ.

"In your dream!" asik muli ni Sam, sabay pasok sa loob ng silid.

Halos mapahagalpak naman ng tawa si RJ sa tinuran ng dalaga pumasok na din ito sa loob at kampanteng naupo sa upoan habang pasimple itong tumitingin sa kinaroroonan ni Sam.

Continue Reading

You'll Also Like

128K 1.8K 31
Simoun Montalvo... Panganay sa tatlong magkakapatid na Montalvo. Matalino, mayaman at lahat ng bagay ay nakukuha nito dahil sa dala-dala nitong apeli...
37.6K 495 33
Meet Blythe Brialeigh Winter isang dalaga Ang namumuhay Ng payapa ng Walang Kasama sa Buhay, Ang dalagang ito ay mahinhin, innocente, magalang, mabai...
47.1K 950 11
Sa wakas ba ay sino nga kaya ang pipiliin ni Samantha? Ang landas ba na magtutuwid sa bawat pagkakamali? O ang pag-ibig na maaari ding sumira sa kany...
1.6K 2 67
si Samantha Sanchez ay Isang magandang babae. sila ay mayaman at kilala ang mga magulang nya sa pinakasikat na SOBRANG yaman sa Philippines Isang ara...
Wattpad App - Unlock exclusive features