A Player's Bestfriend

By lovebumhaz

1.4K 42 39

Si Jamella Marie Torres ay simpleng babae lang. "Nerd" kung tawagin. di sila mayaman pero wala siyang karekla... More

[1] Flashback
[2] Ms. Kabayo, Mr. Demonyo
[3] Tita Alyssa
[4] Sunny
[5] Unwanted
[6] Safe Heaven
[7] Home sweet home
[8] Melissa who?
[9] Rescue
[10] The Truth
[11] Stay
[12] My Hero
[14] Little White Lies
[15] Suspicions
[16] Dinner date fiasco
.[17] Something different
[18] Parted

[13] Trouble

52 2 5
By lovebumhaz

This chapter's quite intense. Just so you know. :)

+++++++++++++++++++++

Jamarie's POV

Nahatid na ako ni Sunny sa hospital nang maka-lagpas na ng 11. Malamang hinahanap na ako ni George. "Osige, Sunny. Una na ko." sabi ko nang maka-baba ako ng kotse ni Sunny. "Sige, Jam." sagot niya habang naka-silip sa bintana ng kotse niya. "Salamat ulit ah." sabi ko sakanya habang naka-ngiti. "Wala yun!" sabi niya. "Kung kailangan mo lang ng kasama, text mo lang ako. I'll be there." sabi niya sabay ngiti. Bago pa mangamatis ang mga pisngi ko, pumasok na ko ng hospital.

After 2 minutes ng pag-iintay ng elevator, sa wakas! Dumating nadin dito ang hayop na to. Pumasok ako at naka-sabay ko ang 2 babaeng nag-uusap at isang babaeng nasa isang sulok. Pinindot ko ang button sa gilid ng elevator at binalikan ng tingin ang babaeng nasa sulok. Mukhang may sakit ito. Nai-ilang siyang tumingin samen. Kaya pumagitna ako sa kanila. Nang mapatingin siya, nginitian ko siya. Ngumiti naman siya saken pabalik. Naka-hospital gown ito at mukhang kalbo na siya. I suddenly felt sad just seeing her like that.

Yung dalawang babae na nagkwe-kwentuhan biglang nagtawanan nang tumingin sa babaeng may cancer. Humarap ako sa babaeng may sakit at kinausap ito. "Hi. I'm Jam." pagpapakilala ko dito. "I'm Marla." mahinhin niyang sagot. Nagtawanan naman ang 2 babae. Hinarap ko sila kaya tinaasan nila ako ng kilay.

"May problema ba kayo?" tanong ko sakanila. "Wala. Ikaw? Meron kang problema no?" tanong ng babaeng naka-sando na itim at pantalon na maong. Sabay tawa naman nung kasama niya. "Ano naman problema ko?" tanong ko sakanila sabay tiklop ng mga kamay ko. "Can't you see? She's sick!" sigaw niya sabay turo dun kay Marla na nananahimik sa isang pwesto.

"She's not sick." sagot ko. Kaya mukhang naguluhan ang 2 babae. "What do you mean?" tanong nung isang babaeng naka-shorts na maong at sandong white. "I'm saying, kayo ang may sakit! You're both pathetic to make fun of someone who is sick!" sigaw ko sabay duro sakanila.

"Kami?" tanong nung unang babae, medyo offended. "Mhm." tungo ko sakanya. "E, ikaw? Ano sakit mo?" tanong nung pangalawa. "Aside from being so hideous." tuloy niya. "Aba! Okay nang maging panget ang mukha wag lang ang ugali!" sigaw ko. "Sinasabe lang yan ng mga taong panget. Katulad mo." sagot niya sabay tawa nilang dalawa. Biglang bumukas ang elevator 6th floor na.

"Come on, Kate!" tawag nung babaeng naka-shorts nang maka-labas sila ng elevator. Sumunod naman ang isa pagtapos niya ako tignan ng masama. Sarap ihampas yung mukha sa semento! Ugh!

Humarap ako kay Marla. "Salamat ah." sabi niya saken. "Di mo naman ako kailangan ipag-tanggol sa mga yun e." tuloy niya. "Kailangan ko. Who else would?" tanong ko sakanya habang naka-ngiti. Tumungo lang siya saken. "Sorry kung dahil saken, nasabihan ka pa ng di maganda." sabi niya sabay yuko. "Wala yun no!" sigaw ko. "Sanay na ko." tawa naming dalawa.

Bumukas ang elevator, 8th floor na. "Osya, dito na ako Marla. See you!" sabi ko sabay labas ng elevator. "Sige. 10th pa ko e." sabi niya. "See you around!" habol niya nang sumara ang pintuan ng elevator. Napa-ngiti ako. It's sad kase kung sino pang mababait, sila pa nagkaka-sakit. I don't think she deserves to have cancer. I don't think anyone does.

Naglakad ako papunta sa room ni George. Bago ako pumasok, tumingin muna ako sa dulo ng hall. Kung saan ang kwarto ni Maxinne. Napag-isipan kong pumunta muna sakanya. O kaya, silipin muna si Maxinne.

Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto ni Maxinne, sinilip ko muna kung nandun si Wel. Malamang, di nanaman ako papabisitahin kay Maxinne kung nandun siya. Wala si Wel kaya pumasok ako.

I saw her. Maxinne. Weak and just sleeping. Madami siyang tahi sa ulo at mga gauze. Madami din siyang sugat sa mga braso at mukha. I suddenly felt my heart reach my throat. I can't look at her like this. Napaka-unfortunate na mangyari ito sakanya. I sat down on a chair next to her bed. And caressed her face. I held on to her hand and looked at her while she is peacefully in a deep sleep.

Tahimik. Only the sound of beeps would be heard in the room. "Maxinne, I know you can hear me." I started. Naramdaman kong uminit ang mga mata ko. "If you can hear me, I'm sorry." sabi ko kaya tumulo na nga talaga ang mga una kong luha pababa sa chin ko. I shut my eyes tightly and ni-rest ko ang ulo ko sa kama niya habang naka-hawak parin sa kamay niya.

"Binigyan niyo ako ng chance na maipakita na pwede niyo akong maging kaibigan. At sa oras na kailangan mo ko, nagkataon pang wala ako." sabi ko habang tuloy tuloy nang natulo ang mga luha ko galing sa mga mata ko. "I'm so sorry Max. Di man lang kita binigyan ng time para matawagan nung araw na yun." tuloy ko. "I'm really, really sorry." sabi ko between hiccups.

After a moment, I felt a hand run down my hair. Then it started patting my back. I was 50% shocked and 50% scared. I looked up and saw a figure standing up behind me. It was a woman dressed in a plain shirt and pants.

"Hija, I'm Jenny. Maxinne's mom." pakilala niya saken nang makatayo ako. Inabot niya ang kamay niya at inabot ko din ang akin. "Jamella po." pakilala ko sabay tanggal ng salamin ko at punas sa luha ko. Binalik ko ang salamin ko at minukhaan ang babae. Nasa 40s na siguro siya at maikli lang ang buhok niya na may mga puti na din. "I came in when you were talking to my Maxinne. I'm sorry pero nakinig ako e." tawa niya naman kaya napangiti ako. "Okay lang po." sagot ko.

"I heard you weren't there nang maaksidente si Maxinne." sabi niya. Tumungo naman ako at biglang bumalik ang lungkot sa mga mata ko. "Don't be sad, anak." sabi niya. "I wasn't there, too." tuloy niya sabay punta sa tabi ko kaya napa-upo kami sa isang maliit na sofa na nasa tabi ng kama ni Maxinne.

"And to think that I'm her mother." sabi niya with a faint smile. "I was actually the reason kung bakit siya nagka-ganito." sabi niya kaya't laking takot ko naman sakaniya. Kumunot ang noo ko ng mapatingin ako sakanya. "Ganito kase.." she trailed off. "Aalis dapat kami ng Philippines kaso, nagkaroon ako ng busy schedule dahil sa work ko kaya I told her na hindi na tuloy ang trip namin." sabi niya kaya tumungo ako. "She didn't take it well." tuloy niya sabay 'sigh'. Tinitigan niya si Maxinne for a moment at nakita kong mamuo ang luha niya sa mata niya. Sabay balik saken ng tingin niya.

"But I never stopped being her mother." sabi niya habang nakangiti saken kaya napangiti ako. "Which means, ako na tong rason kung ba't siya nagka-ganyan, pero di ko tinigil na maging mommy niya. Parang ikaw, di naman ikaw ang may kasalanan, nagkataon lang na wala ka nun. Pero you should never stop being Maxinne's friend." ngiti niya naman. "I don't think Maxinne would like the thought of losing a friend." sabi niya habang naka-simangot. "I won't leave her Tita Jen." sagot ko. Kaya ngumiti siya. Tinignan ko ang orasan ko. 12:14pm na. Baka hinahanap na ako ni George. "Sige po, Tita Jen. Una na po ako." sabi ko. "It was nice meeting you po." tuloy ko sabay tayo kaming dalawa. "Sige, hija." sagot niya habang hinahatid ako sa pintuan. "Ingat." habol niya sabay takbo ko papunta sa kwarto ni George.

Nang buksan ko ang pintuan, nakita ko siyang natutulog sa kama niya. May mga binuksan siyang junk foods kase nakita kong may mga wrapper nito na naka-kalat lang sa sahig ng sala ng kwarto niya. Malaki-laki din kase kwarto niya. Mayaman kase sila e.

Nilapitan ko ang mga wrapper na nasa sahig at pinulot ito isa isa. Pumunta ako sa kusina para itapon ito nang makita kong yung cellphone ni George naka-patong sa ibabaw ng kitchen counter. May natawag dito at number lang. Lumapit ako dito kaso biglang nawala na, lumabas sa screen na nakaka-3 missed calls na siya dito sa number na yun. Binaba ko ulit siya at ipinatong sa counter. Mamaya, nag-vibrate nanaman at natawag nanaman ang number na iyon.

Sinagot ko ito para malaman kung sino ang natawag kay George.

"Hello? Sam!" sigaw ng isang babae na nasa kabilang linya.

"Sam, it's Amanda." tuloy niya.

"Look, I heard about the picture na kumalat and figured na kaya di ka na pumasok kase, nahihiya ka. Pero guess what, si Jamella, hindi nahihiya. Mukhang feel na feel niya pa na ki-kissan mo siya sa picture na yon! Ang kapal talaga ng mukha niya no?" sabi niya at dahil dun, napalunok ako ng malakas.

"Pinagkakalat niya pang totoo ang nangyari dun sa picture na yon! Grabe talaga. The nerve in that girl!" sigaw ni Amanda. Dun, di ko na kinaya at sinagot ko na siya.

"Look Amanda, kung may gusto ka kay George, wag mo nang idaan pa saken! Sinisiraan mo pa ko sakanya! Ang kapal ng mukha ko? Baka ikaw!" sigaw ko. At that point gigil na gigil na ko sakanya.

"Oh, If it isn't the ambitious loser, Jamella. Kamusta ka- Teka! What are you doing with Sam's phone?!" tanong niya saken.

"Eto, ginagamit ko para makausap ang isang twisted and psychotic bitch na katulad mo!" asar ko. I'm not gonna lie. Yung 'twisted and psychotic' galing sa palabas. Ha!

"Aba! Nasagot mo pa ako ah? So, you two are making out again? Ha! I thought so! It was real. And this time, you can't lie kase you have Sam's phone in your hand! Don't think na I'm too much of an angel para di to ipagkalat! Cause I'm not!" sigaw niya sabay halakhak. Sabe ko na nga ba di ko na dapat siya sinagot.

"Good luck, Jam. You'll need it." sabi ni Amanda.

call ended

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. How could I be so dumb! Jam! Ba't mo pa ba kase pinatulan?! Di ka ganun ka-baba. You just made a horrible mistake! And now, you're gonna pay.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Hi there, beautiful! :D Intense ba? Ang daming nangyare sa araw ni Jamella. Kawawa naman siya. Sobrang stressful naman ng buhay niya. Ano nalang mangyayare kay Jam ngayon? What if ipag-kalat talaga ni Amanda na naka-usap niya si Jamella gamit ang cellphone ni Sam?

Haaaaaay. Nakaka-baliw tong chapter na to! XD Na-enjoy niyo ba? Kung oo, vote. Kung may suggestion, comment na yan! :D Follow niyo nadin ako! :) -Belle ♥

Continue Reading

You'll Also Like

8.5K 226 40
RIDE OR DIE SERIES #1 Independence. Capabilities. Feelings. Being labeled as a top student often comes with the burden of unrealistic expectations. N...
117K 2.6K 46
[#1 ~ Still into you] Pano kung isa kang nerd at ang gusto mo lang mamuhay ng simple? Pano ka magkakaroon ng payapa na pamumuhay kung pinansin ka ng...
3.9M 73.3K 67
(Highest Ranking: #3 in Romance) TRIGGER WARNING: R-18. contains graphic, explicit and sometimes disturbing languages, scenes and situations not suit...
147K 3.5K 41
Does Love conquer All??? IF it's TRUE Love...then MAYBE. Bunga ng maling pagkakataon napilitan si Jaime pakasalan ang eighteen years old na apo ng ka...
Wattpad App - Unlock exclusive features