His Property

By KookyDamsel

2K 201 132

Keep calm and read His Property :) More

Must Read
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 1

221 16 19
By KookyDamsel

CAI'S POV

Inaayos at nililinis ko 'tong kwarto ko ngayon. Ang kalat kasi.

Ligpit ligpit....

Ayos ayos....

Tadan! Tapos na!

"Haaayy. Nakakapagod talaga maglinis! Tsk"

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko. Grabe. Ang lawak pala ng inayos at nilinis ko. Nakita ko ung malaking salamin sa tabi ng cabinet ko. Pumunta ako dun at nagsalamin.

Napangiti ako.

"Ang ganda mo talaga. Hihi. Ang ganda mo parin kahit haggard" sabi ko na parang kinakausap ung repleksyon ko sa salamin. Umikot-ikot pa ako na parang nakagown

Pagharap ko ulit sa salamin, nagulat ako. May tao. May tao sa sulok. Isang babae. Nakatingin sa akin. Humarap ako sakanya. Nandun parin siya. Pinikit ko ang mga mata ko baka sakaling panaginip lang 'to at binuksan ulit. Nandun parin siya. Blurred lang kasi kaya di ko mamukhaan.

"Sino ka?" tanong ko sakanya

Di niya sinagot yung tanong ko. Bigla siyang tumayo at sinimulang maglakad papunta sa'kin.

"Wag kang lalapit sa'kin!" sabi ko sa kanya

Tuluy-tuloy parin siya papunta sa akin. Malapit na siya. Malapit na siya sa akin.

"Sinabing huwag kang lumapit sa'kin eh!"

Ilang hakbang nalang siya. Inaabot niya yung kamay niya sa'kin na para bang gusto n'ya akong hawakan. Nanginginig at naiiyak na ako sa sobrang takot.

"Mamu! Papu!" sigaw ko pero parang walang nakakarinig sa'kin

Dalawang hakbang nalang siya mula sa akin. Dahil ayoko na siyang makita, pinikit ko nalang yung mata ko.

"Cai..."

Ayoko. Ayokong buksan ang mata ko. Ramdam na ramdam ko ang paghaplos niya sa kamay ko. Alam kong inch nalang ang pagitan namin.

"Cai..."

Di parin ako kumikibo. Ilang minuto na din ang nakalipas. Wala ng nagsasalita. Unti-unti kong minulat ung mga mata ko.

Pagmulat ko...

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!"

"Aray ku" sabi ni Freya habang hawak hawak ang pisngi niya

"Freya????"

"Anong ginagawa mo dito?" dagdag ko

Hawak-hawak parin nya ung pisngi niya.

"Anong ginagawa ko dito? Haler?? Kanina pa kaya kita ginigising! Kanina pa ako Cai ng Cai. Sana di nalang pala kita ginising para di ako natulak. Ang sakit sakit kaya!" dire-diretso niyang sabi

"Pano namang di kita matutulak eh ang lapit lapit kaya ng mukha mo sa'kin! Isama mo pa yung nasa panaginip ko. Horror! Sino ba namang di magugulat aber?" sagot ko din

Hawak parin niya ung mukha niya. Mukhang napalakas nga ata talaga yung pagkakatulak ko sa kanya.

"It hurts talaga"

"Sorry na" sabi ko naman

"Tss. Kung di lang kita kaibigan baka kanina pa kita nasabunutan sa ginawa mo sa'kin" sabi ulit nya

"Sandy tignan mo nga kung anong nangyari sa mukha ko!" sabay talikod niya sa akin at pumunta sa kinauupuan ni Sandy

Nandito rin pala si Sandy? Ayun. Nakaupo. Hawak niya yung cellphone niya. Pustahan. Naglalaro na naman yun.

"Ssshh" narinig ko namang sabi ni Sandy

"Tignan mo kasiii. Ano na nangyari sa mukha ko?" pangungulit ni Freya

"Huwag ka ngang maingay. Tignan mo nalang kaya sa salamin!" inis na sabi ni Sandy

"Ayoko nga. Ayokong makita yung mukha ko sa salamin. Natatakot ako. Baka pag nakita ko ang sarili ko sa salamin, wala na ang ganda ko. Nadeform na ata sa ginawa ni Cai" - Freya

"Eh di kay Cai mo tanungin kung ayaw mong makita ang mukha mo sa salamin" parang nagpipigil na si Sandy

Tinitignan ko lang silang dalawa. Haaayyy..ang ingay talaga nila. Haha

"Ayoko nga. Baka--"

Di pa tapos sabihin ni Freya ung sasabihin nya nang...

"Aish!! Wala na!! Out na! Game over na! Kasi naman eh! Ang kulit kulit mo! 94 na score ko eh! Dalawa nalang para ma-beat ko yung highest score!" galit na galit na sabi ni Sandy

"Para lang sa flappy bird na 'yan eh!" - Freya

"Bat kasi istorbo ka!" - Sandy

Magsasalita pa sana si Freya pero inunahan ko na.

"Huy! Tama na nga yan!"

Sabay silang napalingon pagkasabi ko nun.

Padabog naman silang pumunta sa'kin at umupo sa kama ko.

"Alam mo ba kung anong oras na Cai?" tanong ni Freya

"Hmm..bakit? Wala naman tayong lakad ah" sabi ko naman

Sa pagkaka-alala ko, wala naman talaga.

"Teka...bakit nga pala kayo nandito?"

"Ano pa nga ba? Nalaman na nila. Kaya pumunta kami dito. Pag-uusapan daw yung tungkol dun" sabi ni Freya

"Eh sila Tita Sandra at Tito Dylan? Nandyan din ba?" tanong ko kay Sandy

Tumango sya.

"Maligo ka na nga. Amoy laway ka. Tsaka kanina pa tayo hinihintay sa baba" - Sandy

"Tss" yun nalang nasabi ko sa kanila

"Dali. Antayin ka namin dito" - Freya

"Owkey" tumayo na ako at dumiretso sa banyo

-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-0-

 - KookyDamsel

Continue Reading

You'll Also Like

240K 39.1K 101
I am the father of villain Author Lin Ang Si ရဲ့ novel လေးပါ ???? All credit to Original author and E-Translators .
403K 15.3K 43
ကိုယ်ဟာ ကြိုးဝိုင်းထဲမှာ ကိုယ့်ကိုစိန်ခေါ်လာသမျှကောင်တွေအကုန် ထိုးရဲတယ် သတ်ရဲတယ် ကိုယ်နိုင်မယ်ဆိုတဲ့ယုံကြည်မှုရှိတယ် ကိုယ်မလုပ်ရဲတာဘာမှမရှိဘူးလို့ထင...