BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic)...

Por itsmeeNayumi

409K 8.1K 418

Paano pag nabigyan ko na siya ng anak? Anong mangyayari sa amin? Sa akin? Paano kung natutunan ko na siyang m... Más

BEAR MY CHILD (KimXi Fanfic)
Foreword:
Chapter 1 Just give me a child
Chapter 2 THE CONTRACT
Chapter 3 The Making
Chapter 4 The Result
Chapter 5 One Week Preggy
Chapter 6 Jealous
Chapter 7 Sleeping Together
Chapter 8 Bitch is BACK
Chapter 9 Unexpected Visitor
Chapter 11 Baby Mark Kenjie is Born
Chapter 12 Perfect Timing
Chapter 13 Kenjie gone Missing
Chapter 14 Pain
Chapter 15 3 years later
Chapter 16 Never giving up
Chapter 17 Blood By Blood
Chapter 18 Battleflied
Chapter 19 Till we meet again
Chapter 20 Marry Me TAMARA
Chapter 21 Last Chapter

Chapter 10 Make her Happy

15.7K 332 14
Por itsmeeNayumi

Chapter 10 Make her Happy

Tamara's POV

        Sa nagdaan na araw hindi ko makalimutan ang pagkikita namin ni Warren, hindi ko kasi siya inaasahan na makikita ko siyang muli mula nong iniwan niya ako. At hindi ko rin inasahan na sa ganitong sitwasyon pa kami magkikita.

Pababa na sana na ako ng makita ko si Kenzie palapit sa pinto ko.

"Okay ka lang ba? kamusta si baby hindi ka ba niya pinahihirapan?" tanong nito sa akin tsaka nito hinawakan ang tiyan ko.

"Hindi naman masyado, medyo malakas lang talaga siya sumipa. Lalaki kasi kaya ganon." Ngumiti lang si Kenzie sa akin.

"Halika bumaba na tayo para makapagbreakfast." sabi nito. Inalalayan niya ako pababa ng hagdan. Hanggang nasa hapagkainan na kami.

"Ah siya nga pala. Pupunta tayo sa Batangas para bisitahin ang Lolo at lola. Para makilala na rin nila itong magiging anak natin." ngumiti ako sa kanya nong banggitin niya ang NATIN. Ayaw ko sanang pansinin pero parang natusok ng matalim na bagay ang puso ko. Ilang buwan nalang kasi manganganak na ako.

"Bakit kailangan pang ipakilala, eh pag kapanganak naman diba anim na buwan lang naman ako mag stay dito." Lumapit siya sa akin.

"Gusto kung makilala nila ang mommy nito. Diba mas maganda naman yun." hindi man iparamdam ni Kenzie pero parang nararamdaman ko.

Malapit na kami sa batangas ng hawakan niya ang kamay ko.

"Wag kang mag alala, hindi naman masusungit ang lolo at lola ko." naramdaman niya siguro na medyo kinakabahan ako. Huminto kami sa isang malaking gate. Pinapasok kami ng Guard at tuloy tuloy itong nagdrive. Nakita ko kung gaano kaganda ang mansion ng lolo at lola nito.

Nagpark si Kenzie sa gilid ng bahay. Bumaba na ito at inalalayan ako sa pag baba sa kotse. Nakita ko naman na naghihintay na pala ang Lolo at Lola nito sa may pinto ng mansion.

"Relax." bulong nito sa akin. Tumango naman ako. Hinawakan ako ni Kenzie sa bewang upang hindi ako matumba. Palapit na kami ng humalik sa pisngi ang lola nito at niyakap.

"I miss you hijo ang tagal tagal mo namang dumalaw. At sino itong magandang dala mo?" tanong ng lola nito.

"La, lo this is Tamara my wife." napatingin ako kay Kenzie. Wala sa usapan yun ah. "Your wife?"

"Opo lolo." nagkatinginan ang dalawang matanda sa amin.

"At buntis siya?" tanong naman ng lola nito. Tumango lang naman  si Kenzie sa lolo at lola niya.

Isang minuto silang natahimik, na mas lalo ako kinabahan. Pero biglang lumapit ang lola nito at niyakap ako.

"Welcome to the family hija. Halika kayo sa loob. Ken alalayan mo ang Asawa mo." biglang tuwang tuwa ang lola nito sa akin pati na ang lolo nito na panay ang kwento nito na sasabihin daw nito sa akin lahat ng mga kalokuhan ng apo.

Nasa hapagkainan na kami ng makita ko kung gaano kadami ang pagkain. Bigla akong nagutom. Tumingin muna ako kay Kenzie, Pero ngumiti lang ito.  Mukhang ipinahanda niya ng maaga ito dahil lahat ng nakahanda doon ay puro Favorite nito.

"Wag kang mag alala hija, ipinahanda ko talaga iyan para sayo. Matagal ka ng ikinikwento ni Ken sa amin, matagal na rin namin alam na buntis ka. Pero nagulat lang kami ng sabihin nyang nagpakasal na kayo. Totoo ba yun. Kasi kung totoo yun mapapalo ko si Kenzie dahil hindi man lang niya kami naisip imbetahan." Tumatawa naman ang lolo at si Kenzie, parang sanay na sanay silang pagtripan ang lola nito.

Hinawakan ni Ken ang kamay ko. at ngumiti lang sa akin. Grabe kung nakakamatay lang ang ngiti ng taong ito matagal na siguro akong nilibing. Kasi naman ngiti palang nakakabusog na.

"So kamusta ang bata hija, hindi ka ba niya pinapahirapan?" tanong ni lola Carmelita.

"Hindi naman po siya malikot. Malakas lang ito sumipa." tumawa bigla ang lolo nito.

"Ganyan na ganyan din si kenzie nong ipinagbubuntis ng mommy nito. Kala mo naglalaro ng soccer sa loob ng tiyan niya." Grabe ang kulit ng family ni Kenzie, akala ko masusungit pero bigla ko naman namiss ang family ko. Pero im happy na ipinakilala ni Ken ang family nito sa akin. Alam kung magigign happy si baby sa family na ito.

Matapos kaming kumain ay panay pa rin ang kwento ng lolo at lola nito. Hindi na sila natapos mula kanina sa hapagkainan at pati dito sa living room kung saan nakaupo kami. Umakyat lang si Ken para mag bihis. Pagkababa nito at tumabi siya sa akin.

"Kailan pala ang due date ni Tamara?" tanong nila kay Ken.

"July po ang sabi ng doctor ni Mara."

"So nakapili na ba kayo ng pangalan ng bata?"

"Hindi pa nga po eh." sagot ko sa kanila.

"Naku eh pumili na kayo." sabi ng lola niya. Tumayo ito at pumunta sa kwarto at may kinuha siyang photo album.

"Lola bakit mo na naman kinuha yan. Pagtatawanan lang ako ni Tamara eh." sabi ni Kenzie sa lola. Lumapit siya sa akin at binigay ang photo album niya.

Nong binuksan ko ay nakita ko ang mga baby picture ni Kenzie.

"oh mas lalo ka naman nainlove sa akin." sabi ni Kenzie habang pinagmamasdam ko ang mga pic. "Alam mo ken, mas gwapo ka nong bata."

"Huh, Child abuse ka ah. pinag nanasaan mo ang batang edad ko."

"Hala ang kapal mo noh. Hindi kaya, Pero tignan mo oh." Nilipat ko sa isang page at nakita ko si Ken na pinapaligoan ng lola niya. (Alam nyo naman siguro diba yung nakita ko) Biglang hinablot ni Kenzie.

Pagkatapos ang kwentuhan ay nagpahinga na kami. it was such a long day for me, kahit na buntis ako wala akong naramdaman na pagkahilo ngayun. Medyo masakit lang ang lower back ko.

"Mauna ka na sa bathroom maligo." sabi ni Kenzie sa akin. Nauna naman akong pumasok at naligo. Habang pinagmamasdan ko ay tiyan ko panay ang sipa nito.

"Grabe baby, manang mana ka daw talaga sa daddy mo, ganyan na ganyan din daw siya nong bata magaling sumipa." kausap ko ang anak ko.

Paglabas ko sa bathroom nakita kung nakahiga na si kenzie sa kama. Mukhang pagod na pagod na ito at di na nakapagshower. Lumapit ako sa kama at pinagmasdan siya.

Sana hindi nalang panaginip ito kenzie. Sana totoo nalang itong nangyayari sa atin. Kasi feeling ko nahulog na ako. Kahit parusahan mo ako na lumabag sa kasunduan natin, tatanggapin ko kahit na anong ibigay mo. hinawakan ko ang pisngi nito.

Mahal na ata talaga kita kenzie. Paano ko iiwanan ang anak natin sayo kung pati ang puso ko gustong mag paiwan. Kahit na alam kung hindi pwedeng mangyari ito. Pero Kenzie mahirap akong magtago ng nararamdaman, at alam ko habang tumatagal mas lalong lumalala ang pagmamahal ko. i know this is crazy but ILOVEYOUKENZIE. kiniss ko siya sa pisngi. Tsaka ako humiga sa tabi niya.

Kenzie's POV

         Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng bathroom at bigla akong tumakbo sa kama at nagkunwaring natutulog. Umakyat siya sa kama at tumitig sa akin. Gustong gusto kung idilat ang mata ko pero bigla akong nahiya. Bigla itong nagsalita.

Sana hindi nalang panaginip ito kenzie. Sana totoo nalang itong nangyayari sa atin. Anong ibig nitong sabihin.

Kasi feeling ko nahulog na ako. Kahit parusahan mo ako na lumabag sa kasunduan natin, tatanggapin ko kahit na anong ibigay mo. gustong gusto ko ng idilat ang mata ko. Gusto gusto kung angkinin ang mga labi niya habang nakatingin siya sa akin.

Mahal na ata talaga kita kenzie. Mahal na mahal rin kita tamara. Pero alam ko hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko ito sayo. May naghihintay na mas magandang regalo para sa ating dalawa. At gusto ko iyong ipadama sayo.

"Paano ko iiwanan ang anak natin sayo kung pati ang puso ko gustong mag paiwan. Kahit na alam kung hindi pwedeng mangyari ito. Pero Kenzie mahirap akong magtago ng nararamdaman, at alam ko habang tumatagal mas lalong lumalala ang pagmamahal ko. i know this is crazy but ILOVEYOUKENZIE." Alam ko Tamara dahil nararamdaman ko rin ito. Mahirap ngang magtago ng nararamdaman mo. I LOVE YOU TOO TAMARA... TIME WILL TELL...

This is a work of fiction. Kung may pagkakahawig man sa Pangalan, characters, business, lugar, events or kahit na anong pangyayari. Isa lang itong Produkto ng pag iisip ko.  Any Resemblance sa actual Persons, living or dead is purely coincidental.

© itsmeenayumi 

Vote and Comment please thank you for Reading

Seguir leyendo

También te gustarán

19.5K 628 6
Hanggang kailan mo nga ba kayang ingatan ang puso mo?. Sapat naba sayo ang Anak lang?.
58.7K 1K 20
Handa na ba ang puso mo na muling masaktan? Magiging masaya ka ba sa muling pagbabalik ng taong naging mitsa ng pagkawasak ng puso mo. Masasabi mo ba...
303 15 10
Pano kung sa murang edad nag Mahal kana, akala mo pag hanga Lang pero sa pag daan ng panahon unti unti kana palang nag mamahal ng Hindi mo namamalaya...
2.1K 5 41
May pag-asa pa ba talaga? O hanggang bestfriend na lang tayo Mahal kita pero tingin mo sakin isang simpleng bestfriend lang...May magbabago kaya?
Wattpad App - Desbloquea funciones exclusivas