My Tag Boyfriend (Season 4)

By OppaAnja

1.8M 53.7K 13.6K

Sabi nila, Love is sweeter the second time around. Pero paano naman sa third? Sa fourth? Sa fifth? Sa infinit... More

My Tag Boyfriend (Season 4)
t r a i l er
Prologue
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 7
My Tag 8
My Tag 9
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 12
My Tag 13
My Tag 14
ANNOUNCEMENT
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19 (Special Chapter)
My Tag 19.5 (Special Chapter)
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 22
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 25
My Tag 26
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
My Tag 38
Author's Note
My Tag 39 (Special Chapter #1)
My Tag 40 (Special Chapter #2)
SPECIAL CHAPTER: Diary ni Mobi Entry #1
Hello and Goodbye, MTB and TAGGERS...

My Tag 34

24.2K 876 329
By OppaAnja


My Tag 34

Sitti's POV

ILANG BESES na akong nakatingin sa malaking salamin na nasa harapan ko. At hanggang sa ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko—sa babaeng nakatayo sa harapan ko.

"I know you will look good in that dress."

Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na narinig ko saka ko nakita si Papa at Mama na nakatayo sa labas ng pintuan dito sa kwarto kung nasaan ako ngayon.

"Papa! Ma—"

"I told you. She will love the white dress better."

"Hindi pa rin tayo nakakasiguro d'yan! Anong malay mo? 'Yan lang ang sinuot niya kasi 'yan 'yong una niyang nakita? Mas kilala ko ang anak mo kaysa sa'yo kaya huwag ka munang maging kampante, Souichiro!"

"But she's already wearing the dress. Ang ibig sabihin lang no'n, mas nagustuhan niya ang pinili ko kaya ako ang nanalo."

Napakunot-noo ako sa daloy ng usapan ng mga magulang ko mas lalo no'ng ilahad na ni Papa ang palad niya sa harapan ni Mama.

"Huwag ka nang makipagtalo, Aimee. I win, so you pay."

"Tsk! Sinwerte ka lang talaga ngayon!" sagot naman ni Mama sabay abot ng isang libo do'n sa nakalahad na kamay ni Papa.

"Teka! Pinagpustahan n'yo po ba ako?!" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Na-bored kami anak e! Kaya naglaro muna kami ng Papa mo," paliwanag ni Mama. "Ang bagal mo naman kasi magbihis! Nilangaw na lang kami't lahat-lahat sa labas, hindi ka pa rin tapos."

"She's a girl. Girls intend to take their time most of the time—I mean, all the time," sagot naman ni Papa. "Besides, it's her day. She deserves to be on her best state. At walang langaw sa isang five star hotel, Aimee. Are you stupid or what?"

"Paano ka naman nakakasiguro, aber?" taas-kilay na tanong ni Mama.

"You want to bet on that?"

"Huwag mo akong hinahamon, Souichiro. Alam mong hindi ako marunong umatras sa laban!"

Napatampal na lang ako sa noo ko habang pinapakinggan ko ang pag-uusap ng dalawa.

No'ng hindi ko pa nakikilala si Sir Souichiro bilang ang Papa ko, akala ko sobrang seryoso niyang tao. Na hindi siya 'yong tipo ng nagbibiro, mas lalong hindi ang gaya niya ang kayang pumatol sa mga kalokohan ni Mama sa buhay.

Pero nagkamali ako.

Siguro marami pa talaga akong dapat malaman kanila Mama at Papa, nasabi ko na lang sa likod ng isip ko.

Pero hindi ko rin naman maiwasan na mapangiti na makita sila Mama at Papa na nagkakaganito.

Kung hindi mo kasi sila kilala at hindi mo alam kung ilang taon na sila, hindi mo aakalain na may anak na sila. Idagdag pa natin na parehas baby face sila Mama at Papa. Wala sa mga mukha nila ang edad nila.

"Nasisiguro ko sa'yong ako na ang mananalo sa pustahan natin na 'to ngayon!"

"Yeah. You wish—"

"Tumigil na nga ho kayo!" mataas ang boses na pigil ko sa pagtatalo nilang dalawa. "Mama, Papa, isusuot ko naman po lahat ng damit na binigay n'yo sa akin kaya huwag na po kayong magtalo... o mas dapat ko po bang sabihin na huwag n'yo na akong pagpustahan?"

"Bakit? Masaya naman ang ginagawa namin ah!" napapailing na sagot pa ni Mama sabay lingon kay Papa. "Palibhasa ang laking boring nitong anak mo. Parang hindi bata e!"

"I agree. Mas isip-bata ka pa sa anak natin kung ako ang tatanungin. Grow up, will you?"

"Wow! Nagsalita 'yong nag-mature ah?"

"At least I'm trying. I wonder what happened to you?"

Muli lang akong napatampal sa noo ko saka na ako naglakad at hinarang ko na mismo ang sarili ko sa kanilang dalawa.

"Sabi nang tumigil na po kayo e!" pagsusuway ko ulit sa kanila. "Hindi n'yo na po kailangan maglaro o kung ano pa man dahil lalabas na rin ho ako. Hintayin n'yo na lang po ako sa baba."

"Boo! Boring!" pahabol na pang-aasar pa ni Mama pero si Papa na mismo ang humila sa kamay ni Mama para palabasin ito ng kwarto ko.

"Sandali lang po, Papa!" pigil ko sa tuluyan nilang pag-alis. "Hindi po ba kayo ang kasama ko sa pagbaba mamaya?"

Pilit kong inalala 'yong program na ginawa nila Patty at Margaret para sa debut ko. At gaya ng naging final na practice namin kanina, si Papa ang makakasama ko sa pagbaba ng grand staircase ng hotel kung saan nga gaganapin ang debut ko.

Sa totoo lang, sa bahay lang talaga dapat gaganapin ang birthday ko dahil iyon naman talaga ang orihinal na plano ni Mama.

Pero dahil sa pagpupumilit ni Papa at sa mga reservations na ginawa nito, wala na akong ibang nagawa kundi sundin na lang ang gusto nito—kahit na pakiramdam ko ngayon ay isa akong basura na binihisan lang ng maganda at ipinasok sa isang mamahaling hotel para mag-birthday.

May pakiramdam nga rin ako na baka magkagalis ako dahil sa pagkasosyal ng lugar kung saan ginaganap ang birthday ko.

"May ibang in-assign ang Mama mo para sa trabaho ko," sagot ni Papa na pumutol sa malalim kong pag-iisip saka niya tinapunan ng masamang tingin si Mama. "Makes me wonder why your mother is so in favor with that guy."

"Hindi mo kasi kilala 'yong bata."

"I don't need to know him. Just the fact that he's a man makes me annoyed already."

"Mabuting bata 'yong inaaway mo, ano ka ba? Isa pa, eighteen na ang anak mo. Anong gusto mo d'yan? Mag-boyfriend siya kapag nasa twenty na siya?"

"B-boyfriend?" ulit ko do'n sa isang sinabi ni Mama.

"Tapusin na nga nating batuhan ng tanong na 'to!" sabi ni Mama sabay tumingin sa akin. "Lumabas ka na lang at hinihintay na niya kanina pa do'n sa may hagdan."

Hindi na ako nagsalita pa do'n sa huling sinabi ni Mama at hinayaan na lang sila ni Papa na mauna do'n sa may reception hall ng hotel.

Muli akong bumalik sa harapan ng salamin at tiningnan sa huling pagkakataon ang itsura ko.

Suot ko ngayon 'yong isa sa mga gown na binigay nila Mama at Papa. At dahil na rin sa payo nila Patty at Margaret, ito na ang ginawa kong main gown ko para sa araw na 'to. At para naman daw hindi masayang 'yong iba, ay 'yong ibang gown naman ang susuotin ko para sa magiging 18 roses at 18 candles ko.

Sa totoo lang, pakiramdam ko ngayon ay ako si Cinderella. Na may dumating na dalawang fairy godmother sa akin, sila Patty at Margaret, na siyang naging dahilan para maging ganito ako kaganda ngayong gabi. Kasi kung sa pang-araw-araw na basehan lang, ni sa panaginip ay hindi ko maiisip na magiging ganito ang itsura ko.

Pero s'yempre hindi rin naman mangyayari ang lahat ng ito kung wala sila Mama at Papa na siyang naging dahilan para magkaroon ako ng ganitong ka-grandeng birthday. Hindi ko man gusto 'yong ideya na gumastos sila ng malaki para lang sa isang araw na pagsi-celebrate na 'to, nagpapasalamat pa rin ako sa ginawa nila.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong ihiling oras na itanong nila sa akin kung ano bang magiging wish ko para sa araw na 'to.

Nakilala ko na ang Papa ko at nakakasama na rin naman siya ni Mama. Nand'yan pa rin ang mga kaibigan ko na tumulong din sa akin sa araw na 'to at sinamahan ako sa mala-roller coaster na drama na nangyari sa akin nitong mga nakaraan.

At s'yempre, nand'yan si yabang para kumpletuhin 'yong mga bagay na hindi ko akalaing magkakaroon ako ngayon. Sa totoo lang, utang na loob ko pa rin kay Kaizer ang lahat.

Kung hindi dahil sa simpleng pagkakamaling tag ko sa pangalan niya, hindi sana mangyayari ang lahat ng magagandang bagay na 'to ngayon.

Kung tatanungin n'yo ngayon kung masaya ba ako? Oo. Sobrang saya.

Pero wala nang mas sasaya pa kung makukuha ko na rin 'yong pinakahuling sagot sa puzzle na matagal nang gumugulo sa akin.

"Pasensya na sa paghihintay."

Pinanood ko siya na lumingon sa direksyon ko.

At gaya niya, ganito rin ang gulat na nakita ko matapos nila akong ayusan nila Patty at Margaret at nang makita ko na rin ang itsura ko sa salamin.

Ang tagal nagtama ng mga tingin namin. Wala ni isa sa amin ang nagbalak basagin ang katahimikan sa paligid namin dahil wala yata ni isa sa amin ay may kakayahang gawin iyon sa ngayon.

Nakatingin lang siya sa akin at habang itinataas-baba niya ang tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik.

"Oo na! Alam ko nang sobrang weird ng itsura ko ngayon!" namumula at nahihiyang sabi ko na lang para tigilan na niya 'yong pagtingin-tingin niya sa akin.

"Oo nga. Ang weird mo nga d'yan sa suot mo."

"Anong sinabi—"

"Pero ikaw na yata 'yong pinakamagandang weird na nakita ko sa tanang buhay ko."

Hindi na ako nakasagot do'n sa sinabi niya dahil nilamon na ako ng pinaghalo-halong emosyon do'n sa sinabi niya.

Pagka-ilang. Tuwa. Hiya. Kilig, at kung ano-ano pa.

Hindi ko na nga namalayan na siya na mismo ang lumapit sa tabi ko, kinuha ang kamay ko at saka iyon nilagay do'n sa braso niya saka niya ako inalalayan na makababa sa hagdan.

Mabilis kaming sinalubong ng malakas na palakpakan ng mga taong naghihintay sa amin sa baba nang makita na nila kami at saka tumugtog 'yong orchestra na kinuha rin ni Papa.

Sobrang liwanag ng paligid. Tumatama sa amin 'yong kinang ng mga naglalaking chandelier ng hotel. Isama mo pa ang mga nagsisisganda at nagsisibonggahang suot ng mga bisita ko. Halos mapuno nga ng tao ang reception hall ng hotel dahil sa dami ng pumunta.

Mula sa mga iilang kaibigan ko sa Eastton, sa mga taga-Eigaku, ilang kapit-bahay at marami pang iba na bumuo hindi lang sa araw na ko na 'to kundi na rin sa buong buhay ko.

Sinong mag-aakala na ang isang anti-social na gaya ko, isang babaeng naging sentro ng bullying noon ay makakarating din sa araw na 'to?

Sinong mag-aakala na sa maikiling panahon, magkakaroon ako ng mga matatawag na kaibigan at mga magulang na walang sawang nagbibigay ng suporta sa akin.

At s'yempre ng isang dating tag boyfriend ko lang. Ng isang sikat na lalaki at hinahabol ng lahat na ngayon ay nakatayo na sa tabi ng isang anti-social na gaya ko?

"Huwag mo akong masyadong tingnan. Sayang 'yong mga camera sa baba," dinig kong sabi ni Kaizer no'ng nasa kalagitnaan na kami ng hagdan at nang hindi man lang tumitingin sa akin. "Alam kong gwapo ako pero huwag ka naman masyadong obvious. Baka malaman nila na ikaw talaga ang patay na patay sa akin at hindi ako."

Gusto ko tuloy isuka sa mukha niya lahat ng magagandang bagay na sinabi ko tungkol sa kanya sa likod ng isip ko dahil do'n sa "pagyayabang" na naman niya.

Pero hindi ko rin naman na ide-deny. Dahil talagang mas gwumapo si yabang sa itsura niya ngayon at sa suot niyang tuxedo.

Muli kong binalik ang tingin ko sa mga taong naghihintay sa amin sa baba pero sandali lang din naman iyon dahil muli kong narinig ang boses ni yabang.

"Naalala mo pa ba 'yong sinabi ko sa'yo noon?"

"Ang alin?"

"Tungkol do'n sa pagtapos ng birthday mo. Na hihiramin kita pagkatapos dahil may ipapakita ako sa'yo."

Sandali kaming huminto ni Kaizer sa pagbaba namin sa hagdan saka kami humarap sa isa't-isa.

"Sa totoo lang, kung p'wede ngang ngayon na kita kita hiramin, mas magiging okay sana."

"Bakit? Ano bang ipapakita mo? Natutunaw ba 'yon?" litong tanong ko saka nagkaroon ng ideya. "Huwag mong sabihing cake na naman 'yan?"

"Bakit may na naman ka?" kunot-noong tanong niya. "Saka guni-guni ko lang ba 'yong pandidiring narinig ko sa boses mo ngayon-ngayon lang?"

"Hindi ah!" mabilis na depensa ko.

Kahit naman hindi naging maganda 'yong itsura ng cake na binigay niya sa akin no'ng nakaraang birthday ko—I mean 'yong nilagay niya sa mukha ko, naging okay naman ang lasa no'n. Lalo na para sa gaya niya na walang alam sa pagbi-bake.

Isa pa, sobrang na-appreciate ko ang ginawa niyang cake sa akin noon.

Bigla lang akong napaisip kung nasabi ko na ba sa kanya kung gaano ako nagpapasalamat sa lahat ng bagay na ginagawa niya sa akin.

Kung nasabi ko na ba sa kanya nang maayos kung gaano siya ka-importante sa buhay ko at kung gaano kahalaga kung ano ang mayroon kami ngayon.

"Hindi mo pa rin nakakalimutan 'yon, 'di ba?" tanong ulit ni Kaizer na gumising sa malalim na pag-iisip ko.

"O-oo naman! Hindi ko nakalimutan!" nautal pang sagot ko. "Pero bakit ka nagmamadali? Hindi na ba talaga makakapaghintay 'yon mamaya?"

"Hindi naman..." sagot niya saka tumingin ulit sa harapan namin. "Naisip ko lang kung p'wede ba akong maging makasarili kahit ngayong araw lang? Sa itsura mo kasi ngayon, parang mahihirapan yata akong ipahiram ka sa iba."

Hindi pa nagpa-process nang maayos sa utak ko 'yong mga sinabi niya nang muli niya akong lingunin saka nagsalita.

"Sitti, magiging napakasamang tao ko ba kung gugustuhin kong maging akin ka lang? Kasi kung tatanungin mo ako ngayon kung gusto kitang ipahiram sa iba, hindi ako papayag. Kasi sino bang tanga 'yong gugustuhing makitang hawak-hawak ng iba 'yong babaeng sobrang mahal na mahal nila, hindi ba?"

Matagal akong napatingin sa mga mata ni Kaizer. Hindi ko alam kung ilang beses kaming nagtagal sa ginagawa namin na 'yon o kung napapansin at naririnig din ba ng ibang tao 'yong naging usapan namin.

Sa labing walong taon kung pamumuhay sa mundo, hindi na ako umasa. Hindi na ako umasa na magkakaroon ako ng mga kaibigan, na makikilala ko pa ang Papa ko, mas lalo ang magkaroon ng isang matatawag na boyfriend.

Sanay na akong mabuhay ng mag-isa noon. Na akala ko, kaya kong mag-isa. Na hindi ko kailangan ng kaibigan o kung sino pa man. Alam ko na ang buhay niya at ang buhay na ginagalawan ko ay sobrang magkaiba. Sobrang malayo sa lahat ng inaasahan kong makukuha ko.

"Maraming salamat sa pagdating sa buhay ko, TG. Happy birthday."

Pero...

Marahan akong napailing do'n sa sinabi niya bago ngumiti sa kanya.

"Hindi."

"Hindi?" takang-ulit nito.

"Ako dapat ang magpasalamat sa'yo, Kaizer," sagot ko. "Maraming salamat sa pagdating mo sa buhay ko."

Ilang sandali siyang natigilan sa sinabi ko saka siya napalayo ulit ng tingin sa akin at napakamot sa ulo nito.

"Ah~! Mas lalo mo lang akong pinahirapan na ipahiram ka sa iba," naiinis na sabi nito pero maya-maya lang ay ngumiti na ulit siya sa akin. "Tapusin na natin 'to. Baka magbago pa isip ko."

"Huh? Magbago? Bakit?"

"Baka kasi bigla kitang buhatin at itakbo palabas. Hindi naman siguro maganda ang isang debut kung wala ang debutante, 'di ba?"

Natawa na lang ako sa sinabi niya habang napapailing saka namin tinawid 'yong natitirang hakbang sa hagdan at masayang sinalubong 'yong mga pabati ng mga taong kanina pa naghihintay sa amin sa baba.


"MARAMING SALAMAT sa pagdating sa birthday party ng anak kong si Sitti. Sana naman ay walang napilitan sa inyo na pumunta dito."

Sabay-sabay na nagtawanan ang mga bisita sa naging biro ni Mama.

Si Mama ang naka-assign na magbigay ng opening speech at pabati na rin sa lahat ng pumunta sa birthday party ko. Habang sila Patty at Margaret naman ang tumatayong emcee para sa buong gabi.

Hindi ko alam kung nagkaayos na ba sila dahil mukhang naging okay naman sila habang inaayos nila ako kahit hindi sila nag-uusap.

Pero sana lang talaga, kung ano man 'yong naging pagtatalo nilang dalawa kanina doon sa salon ay maayos na nilang dalawa.

Marami pang naging segway si Mama do'n sa speech niya bago siya nagseryoso at tumama ang tingin niya sa direksyon ko dito sa may taas ng maliit na stage.

"Sitti, anak. Alam kong naging magulo para sa'yo ang mga nakalipas na araw," panimula ni Mama. "Pero kahit gano'n, masaya pa rin ako na naging maayos ang pagsi-celebrate mo sa araw na 'to. Kasi kung hindi, malamang papadalhan na naman ako ng daan-daang resibo ng Papa mo dahil sa mga nasayang sa ginastos niya para lang sa araw na 'to."

Okay. Binabawi ko na 'yong pagiging seryoso na sinabi ko kanina tungkol kay Mama.

Si Mama talaga!

"Pero seryoso na, anak ng nanay mong bukod na pinagpala sa babaeng lahat," natawa na naman ang mga bisita. "Sobrang nagpapasalamat ako na binigay ka ng Panginoon sa amin ng Papa mo. Nagpapasalamat ako na lumaki ka ng maayos at isang mabuting bata. Ang bilis ng panahon, ano? Sinong mag-aakalang eighteen ka na? Kasi sa totoo lang, hindi ko naisip na darating ka sa araw na 'to. Akala ko kasi forever ka nang na-stuck sa elementary days mo dahil nakarating ka na ng College nang wala man lang boyfriend. Kaya do'n sa pumatol sa kabaliwan at ka-slow-an ng anak ko, salamat! Kasi finally! Hindi na tatandang single ang anak ko. Palakpakan nating lahat si Kaizer!"

Hindi ko alam kung gusto ko na bang magpalamon sa lupa o hayaan na lang si Mama doon sa harap-harapang pang-aasar at pamamahiya sa akin sa mga bisita ko.

Pero alam ko naman na hindi talaga 'yon ang intensyon ni Mama.

"Bilang isang magulang, wala akong ibang hiniling kundi maging masaya ka, anak. Alam ko na marami akong naging pagkakamali at pagkukulang sa'yo. Na may mga araw sa buhay mo na hindi kita na-protektahan at hindi ko nagawang magpaka-magulang sa'yo," nakita ko na medyo naluluha si Mama do'n sa mga sinabi niya pero nagpatuloy pa rin siya. "Pero masaya pa rin ako kasi kahit alam kong wala ako sa tabi mo ng mga panahon na 'yon, nagawa mong protektahan ang sarili mo. Na naging malakas ka para sa sarili mo. At doon ako naging proud na proud sa'yo, anak. I love you and happy birthday."

Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako maiiyak sa araw na 'to. Na dapat ipakita ko lna masaya ako at na nakangiti ako dahil ayokong mabahiran ng pag-aalala ang mga taong pumunta sa birthday ko, lalong-lalo na ang mga magulang ko.

Pero matapos magsalita ni Mama, no'ng maramdaman ko ang yakap niya, hindi ko na naiwasang mapaluha sa sobrang saya.

"O? Bakit ka umiiyak? Dapat masaya ka kasi birthday mo!" natatawang sabi ni Mama habang pinapahid niya 'yong mga luha sa mata ko.

"Nakakaiyak po kasi dahil hanggang dito ba naman ay nagbuhat na naman kayo ng bangko n'yo," natatawa ring palusot ko.

"Gano'n talaga! Gano'n ang bongga introduction! Palibhasa kasi hindi ka marunong. Ipapakilala ko na lang ang sarili ko kaya dapat gandahan ko na!"

"'Buti nga ho sana kung gano'n kayo kaganda e!"

"At least sobrang ganda ko sa introduction ko kaya considered na rin 'yon!"

Ilang beses pa kaming nag-asaran at nagtawanan ni Mama bago siya bumalik do'n sa mesa nila ni Papa saka nagpatuloy sila Patty at Margaret sa pag-e-emcee nila sa event.

"At ngayon naman, para sa isang special performance..."

Napalingon ako kanila Patty at Margaret nang makita ko ang bigla nilang paghinto sa pagsasalita at pagtataka sa mga mukha nila.

"Anong mayro'n? May problema ba?" pabulong na tanong ko sa kanila dahil nasa may tabi ko lang naman sila nakapwesto.

"Ito kasi..." sagot ni Patty saka pinakita sa akin 'yong program. "May inimbitahan ka bang ganitong tao? Hindi kasi siya pamilyar saka wala siya sa mga bisita na nag-check in kanina."

Kinuha ko kay Patty 'yong program saka binasa 'yong sumunod kay Mama.

At gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko ang pangalan—o mas mabuting sabihing initials ng taong nakasulat doon.

Babanggitin ko pa lang sana ang initials na 'yon nang biglang dumilim ang ilaw ng buong hall saka may lumabas na spotlight doon sa may grand piano na naka-display sa gilid.

Lahat ng tao ay nagsimula nang magbulungan, nagtataka sa kung ano na bang nangyayari.

Pero ako ay nanatili lang nakasunod ang tingin sa lalaking naka-tuxedo rin at may suot na maskara habang naglalakad ito palapit sa may grand piano.

Ilang sandali pa ay nakalapit na rin ito sa piano at nagsimulang magpatugtog ng isang pamilyar na tunog na narinig ko mula do'n sa music room ng Eigaku.

"Hindi ako p'wedeng magkamali..."

Wala sa loob na bigla akong napatayo sa kinauupuan ko saka ako bumaba ng stage at dahan-dahang naglakad palapit do'n sa lalaking nagpa-piano at nakatalikod sa direksyon ko.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko, mas lalo lang lumalakas 'yong kabog ng dibdib ko.

Sa bawat pagtipa niya sa piano, mas lalo lang dumadami 'yong mga tanong na pumapasok sa utak ko.

At ngayon ay nakatayo na ako sa may likuran niya. Ilang dangkal lang ang layo ko mula sa taong matagal ko nang gustong makilala.

Nang matapos niyang tugtugin 'yong piyesa na siya rin mismo ang nagbigay sa akin ay dahan-dahan siyang umikot saka niya ako tiningala upang mas makita ko nang maayos 'yong maskara na tumatakip sa kalahati ng mukha niya.

"I-ikaw na nga ba 'to?" hindi ko alam kung paano nakalabas sa bibig ko ang mga salita na iyon.

Isang marahang tango ang sinagot niya sa akin.

Nang mga oras na iyon ay bigla na lang gumalaw ang katawan ko ng sa sarili nila.

Dahan-dahan kong inabot ang maskara na tumatakip sa mukha niya saka iyon marahang inalis sa mukha niya.

Sa nakalipas na mga panahon, sa loob ng ilang taon ng pagkakaibigan namin sa social media, sa wakas...

Nakita ko na rin ang mukha sa likod ng OP ni Kaizer.

"Happy birthday, Felicity."

Muling bumagsak ang mga luha sa mata ko kasabay ng sunod-sunod na pagbaha ng mga alaala sa utak ko.

"Mobi..."

Continue Reading

You'll Also Like

59.1K 1.4K 56
Ako yung laging nandyan kapag nasasaktan siya. Kapag nasusugatan siya. Kapag may problema siya. Kapag may sama siya ng loob. Ako lagi yung inaasahan...
46.5M 533K 83
(Wag kayong malito kung ano ang pagkakasunud-sunod ng PH books.) Simple, top student and role model for many - she's Alexa. A girl who has everythin...
375K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.9M 95.1K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...