Story of A Campus Girl

Por Mnemonicss

4.1M 50.8K 4.8K

"Love at first sight". Yan ang tawag sa mga taong naiinlove sa isang taong nakasalamuha nila sa unang pagkaka... Mais

Prologue
Chapter 1: Meet the Sarmiento
Chapter 2: Welcome to Xavier School of Arts
Chapter 3: First Encounter
Chapter 4: Meet Mr. Almost Perfect
Chapter 5: Meet Ashley and Kristoff
Chapter 6: Love at first sight?
Chapter 7: Seat mate
Chapter 8: Meet the other friends
Chapter 9: Phone Call
Chapter 10: Long Lost Cellphone
Chapter 11: Unexpected Visitor
Chapter 12: Class Activity
Chapter 13: When They Become Closer
Chapter 14: Jealous?
Chapter 15: Unexpected Bonding Moment
Chapter 16: Waterpark Bonding (Part 1)
Chapter 17: Waterpark Bonding (Part 2)
Chapter 18:Mr. Heart throb meets Mr. Almost Perfect
Chapter 19: Marjorie's Threat (Part 1)
Chapter 20: Marjorie's Threat (Part 2)
Chapter 21: Finding Nikki
Chapter 22: Piece of Shattered Memory
Chapter 23: Say Hello to Nikki's Friends
Chapter 24: Battle for Nikki's Heart
Chapter 25: First Heartache
Chapter 26: Student Assistant (Dance Instructor)
Chapter 27: Student Assistant (Vocal Coach)
[Warning: This is not an Update]
Chapter 28: Vinci, Watchout!
Chapter 29: The Loveteams
Chapter 30: Xander's Secret
Important: Must Read
Chapter 31: Nikki's Broken Heart (Part 1)
Chapter 32: Nikki's Broken Heart (Part 2)
Chapter 33: Tomorrow is Another Day
Chapter 34: Make Her Happy (Part 1) [Nikki's POV]
Chapter 35: Make Her Happy (Part 2) [Vinci's POV]
Chapter 36: Acting Club President
Chapter 37: Friend or Love (Part 1)
Chapter 38: Friend or Love (Part 2)
Chapter 39: Friend or Love (Part 3)
Chapter 40: Friend or Love (Part 4)
Chapter 41: Twist of Fate
Chapter 42: It's Time to Move On
Chapter 43: Vinci's Unexpected Move
Chapter 44: Detention
Chapter 45: James Vs. Vinci
Chapter 46: Nikki's not my type
Chapter 47: Unexplained Emotions
Chapter 48: Nicole Sarmiento (Beast mode version)
Chapter 49: Other Side of Mr. Almost Perfect
Chapter 50: The Unexpected Auditionist
Chapter 51: Unforgettable Audition for A Campus Girl
Chapter 52: Confession of the Heartthrob of All Campuses
MAJOR ANNOUNCEMENT!
Chapter 54: Result of Desperation
Chapter 55: The Bitch is Back
Chapter 56: Lovesick (Part 1)
Chapter 57: Love Sick (Part 2)
Chapter 58: Strange Noise (Part 1)
Chapter 59: Strange Noise (Part 2)
Chapter 60: I choose you
Chapter 61: Mystery Girl (Part 1)
Chapter 62: Mystery girl (Part 2)
Chapter 63: The Incoming Rival?
Chapter 64: Meeting the Rival

Chapter 53: Marius' Weakness

1.4K 57 3
Por Mnemonicss

FYI: Para sa kaalaman ng ilan, ako po ay magpapalit ng username. From "mnemonics1591" to "Mnemonicss". Kung bakit ko pinalitan? Ang sagot ay wala lang. Haha! Baka kasi minamalas nako sa mga numerong nasa hulihan ng writer's name ko. Kaya madalas akong mawriwriter block. At pag binasa po ito, "Em-nemonicss" po. Hindi "menemonics", "nemonics" at mas lalong hindi "demonics" -_- jusmiyo! Ang layo naman na di hamak nun haha. Kaya pag shinare nyo ang story na to at tinanong ang pangalan ng makupad na author nito, ito po ang sabihin. "Mnemonicss"

Yun lang. Enjoy the chapter.

-----------

Chapter 53: Marius' Weakness

Xander's POV

" Anong ibig sabihin nito?"

Nakaramdam ako ng matinding kaba nang marinig ko ang panimulang sinabi ni Christian Jimenez. Nakatitig siya na matatalim ang mga mata habang sa mga oras na to ay pinaglalaruan nya ang sulat na hawak nya.

Habang pinapanood ko ang paglamukos ng papel sa kamay nya, dalawang katanungan ang bumabagabag sa isipan ko.

P-Papaanong napunta sa kanya ang sulat na yan?

At paano siya nakapasok dito sa actor's lounge ng walang pahintulot sa amin?

"Walang magsasalita?"

Nag-smirk siya sa kinauupuan nya at mas tumindi ang pagkaseryoso nya. Nagsimula siyang tumayo at pagkatapos..

"Sinabi ng anong ibig sabihin nito eh!"

Bigla siyang sumigaw at galit na hinagis sa harapan namin ang papel na hawak nya.

Nagulat kaming tatlo sa ginawa nya. Dahil sa pagsigaw nya, sisimulan ko na sana ang pagsasalita nang biglang..

"Ako ang may kagagawan nyan!"

Nagsalita si Jacob at humakbang ng paharap. "Kaya kung ibubuhos mo man ang galit mo, sa akin nalang. Walang kasalanan si Xa--"

"Jake"

Bago nya ituloy ang sinasabi nya ay agad ko siyang pinigilan. Tinapik ko ang balikat nya at humakbang na rin paharap. Habang nanatiling..

..nakatingin kay Christian Jimenez.

"Ako na magpapaliwanag. Kaya kung maari..

..lumabas muna kayo ni Joseph"

"WHAT?!" gulat na reaction ng dalawa.

"F*ck pre! Di ka namin pwedeng iwan dito! Alam mo naman ang ginawa ng lalaking yan sayo diba?! Ayaw naming mangyari ulit sayo yun!"

"Oo nga president! Di ka namin pwedeng iwan dito! Ako naman ang nakaisip nito diba? Kaya kung may dapat managot, ako dapat yun! Wag mong solohin ang lahat!"

"Wag kayong mag-alala" agad kong sinabi at tumingin sa kanila. "Basta ako na ang bahala"

"Pero Xander/Pero President!"

"Besides" dagdag ko pa at tumingin ako sa mga mata nila. "Mag isa siya at mag-isa lang ako. Problema namin to. Kaya kung may dapat mag usap tungkol sa bagay na 'to, kaming dalawa yun" at tumingin akopabalik kay Christian Jimenez. "Kaya makakaalis na kayo"

"Pero Xa--"

"It's an order.. from the president of this Acting Club"pagsabat na sabi ko at naging seryoso ang pananalita ko.

Natigilan ang dalawa sa sinabi ko. At dahil sa pagkaseryoso ko ng pananalita ko, wala na silang nagawa.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na kung tignan nila ako ay parang nagdadalawang-isip pa. At matapos ang ilang segundong panahimik.

Ramdam kong huminga ng malalim si Joseph at seryosong tumingin sakin.

"Sige pare" lumapit siya sakin at seryosong binulungan ako."Pero kung kailangan mo ng tulong, asahan mong nasa labas lang kami. Dahil kahit hindi mo kami kailangan sa mga oras na to..

..Wala pa rin kaming balak na iwan ka tulad ng mga sitwasyong gaya nito." At napansin kong tumingin siya ng seryoso kay Christian Jimenez.

Pagkatapos nyang tignan ito, ibinalik nya ang tingin nya sa akin at pagkatapos,

"Tara na, Jake" sabi nya at sinimulang akbayan si Jacob para hatakin siya palabas ng room na ito.

"Pero pare naman. Alam mong hindi nating pwedeng iwan si Preside--huy. Ano ba! Joseph pre! Huy!"

Wala na siyang nagawa hanggang sa tuluyan silang makalabas.

Nang makalabas ang dalawa, nabalutan ng katahimikan ang paligid. Pagkatapos,tahimik ko munang iniwas ang tingin ko kay Christian Jimenez at naglakad sa pintuang nilabasan ng dalawa kong kaibigan. Tahimik kong ni-lock ang pinto at..

"Mag usap tayo ng maayos" seryosong sabi ko at ibinalik ko ang tingin sa kanya..

..na ngayon ay mas matalim ang tingin na binibitiwan sa akin.

Nagsimula akong humakbang pabalik sa kinatatayuan ko kanina. Tahimik kong dinampot ang papel na kanina'y hinagis nya. Nang mahawakan ko ang papel na yun..

"May gusto ka kay Ashley?"

Yun ang narinig ko mula sa kanya.

Natigilan ako sa sinabi nya. Unti-unti kong naramdaman ang tension sa pagitan namin at kahit hindi ako tumitingin sa kanya, alam kong sa mga oras na to ay sobrang talim na ang binibitiwan ng kanyang mga mata.

Hindi ko sinagot ang katanungan nya. Muli, pinagpatuloy ko lang ang pagkuha sa sulat.

Nang makuha ko ito na kanina'y nakalapag sa sahig, malumanay akong tumayo at tiniklop ito ng maayos.

"Ano?! Hindi ka ba sasagot dyan?! Ha?!"rinig kong galit na sinabi ni Christian Jimenez. "Ang sabi ko, may gusto ka ba kay As--"

"Oo!" Agad kong sinagot ang tanong nya. "At ang lahat ng nabasa mo sa sulat nato..

..Yun ang totoo kong nararamdaman sa kanya"

At tumingin ng pabalik sa kanya.

Ayon sa nakikita ko sa mga oras na ito, ramdam kong natigilan siya sa sinasabi ko. At imbes na sigawan rin siya tulad ng ginagawa nya sakin, malumanay ko lang na nilagay sa mesang nasa gilid ko ang sulat na kanina'y hawak ko.

Matapos kong ilagay ng tahimik ang sulat na yun, nagsimula akong humakbang ng paharap sa kanya. Diretso akong tumitig sa mga mata nya, tuwid na humarap sa kanya at malumanay na dinagdagan ang sinabi ko.

"Kaya kung sakaling dumating ang araw na malaman na nya ang tungkol dito, makakaasa ka.. na hindi ko siya pababayaan"

Yumuko ako at magalang na humingi ng permiso sa kanya dahil..

..alam kong isa rin siya sa mga kaibigan ni Ashley.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin habang ako naman ay seryosong nakatingin sa kanya. Habang tinitigan ko siya sa mga oras na to,

..napansin ko na ang kamao nya ay unti-unting sumarado.

"Tss. Sinasabi ko na nga ba eh"sabi nya habang unti-unting humihigpit ang pagsarado ng kamao nya. Lumalabas rin ng paunti unti ang ugat sa bandang panga nya at..

"SINASABI KO NA NGA BA EH!"

Bigla siyang sumigaw at sinugod ako sa kinatatayuan ko.

Bago pa ako makaiwas, agad nyang hinawakan ng buong pwersa ang kwelyo ko at hinila-hila papunta sa kanya."KAILAN PA YAN HA?! KAILAN PA YAN!"

"Matagal na"agad ko ring sinabi sa kanya kahit sa mga oraas na to ay nahihigpitan ako sa hawak nya."At alam ni Nikki yun"

"N-Nikki?"tila nagulat siya sa sinabi ko."I-Ibig sabihin.. may alam si Buds tungkol dito?"

"Oo. At.. at.. matagal ko na ring.. sinabi to sa kanya" diretsong sabi ko habang patuloy na sinusubukang magsalita kahit sobrang higpit ng hawak nya.

Hindi ko alam kung bakit. Pero dahil sa sinabi ko, Unti unting lumuwag ang paghawak nya sa kwelyo ko. Dahan dahan tong lumuwag hanggang sa maalis na niya ang kamay nya.

Tinignan ko siya sa mga oras na to habang naghahabol ng hininga. At ayon sa nakikita ko, parang halos hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Nanatili lang siyang nakatulala sa harapan nya.

Habang nanatili siyang gulat sa kinatatayuan nya, sinubukan kong ayusin ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at pinanatili ang pagkamalumanay ko.

Habang tahimik rin siya sa kinatatayuan nya, sinamantala ko ang pagkakataon. Muli akong tumayo sa harapan nya habang seryosong nakatingin sa kanya at..

"Humihingi ako ng tawad. Kung sa ganitong paraan mo pa nalaman ang tungkol dito. At tulad ng sabi ko.. asahan mong hindi ko siya pababayaan"

At muling nagbigay galang sa kanya.

Matapos kong sabihin yun, kinuha kong muli ang sulat na kanina'y nilagay ko sa mesa. Pagkatapos, hinayaan ko muna siyang mapag-isa sa kinatatayuan nya at tahimik akong naglakad sa baggage cabinet na nasa tabi ng pintuan.

Kinuha ko ang back pack ko mula roon at habang patuloy kong pinapasok ang sulat sa loob ng bag ko..

"Alexander David!"

Rinig kong sumigaw na nanaman siya at tinawag ang pangalan ko.

Napansin ko sa gilid ng mata ko ang muling pagsarado ng kamao nya. At bago ako tumingin sa kanya,

Hinanda ko muna ang sarili ko. At matapos yun,

Tahimik akong tumingin ng pabalik sa kanya.

Sa mga oras na to, ineexpect ko na makakatikim nanaman ako ng suntok mula sa kanya.

Ngunit..

Hindi ganoon ang nangyari.

Pasugod man siyang lumapit sakin pero.. this time, hindi nya ako hinawakan sa kwelyo.

Nananatili man ang matatalim na tingin mula sa mata nya, hindi nya ako nagawang sigawan sa kinatatayuan ko.

"Para sabihin ko sayo, hindi kita gusto para sa kaibigan ko at hindi ko siya hahayaang mapunta sayo.. "may diin na sabi nya habang nakasarado ng sobrang higpit ang kamao."Kaya kung ayaw mong madadagdagan yang pasa mo sa mukha..

.. ngayon palang ay layuan mo na siya"

Pagkasabi nya ng matatalim na salita sa akin, buong pwersa nyang binunggo ang balikat ko at padabog na binuksan ang pinto. Buong pwersa nya ring sinarado ang pintuan habang..

..ako naman ay nanatili lang sa aking kinatatayuan.

Ano nga ba ang susunod na gagawin nya matapos nito?

"President!"

"Xander!"

Agad na nawala ang tension na naramdaman ko nang biglang pumasok ang dalawa. Hinawakan agad ni Jacob ang mukha ko habang si Joseph naman ay patuloy na sinisipat ang pananamit ko.

"Ano? May ginawa nanaman ba siya sayo ha?! Sinuntok ka nanaman ba nya ha?! Ano?! Sagot!" sabi nya habang takot na takot na hinahawakan ang mukha ko.

"Pft" sabi ko at inalis ang kamay nya. "Walang siyang ginawa ok? Kaya wag kayong masyadong mag-alala "

"What?!"Gulat na sabi nila. "As in.. w-wala?"

"Oo wala. Pft" sabi ko at sinarado na ang back pack ko.

Binalik ko na ito sa baggage cabinet at tinapik ang balikat nila. "Kaya salamat man sa pag-alala mga kaibigan, pero hindi ko kailangan yan" at ngumiti sa kanila.

Dahil sa sinabi ko, nagtinginan ang dalawa. Pagkatapos, tumingin sila ng pabalik sa akin at halos hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Pero.. m-may narinig kaming galabog mula sa loob ah? Sigurado ka bang wala siyang ginawa sayo?"

"Oo nga. Baka naman may ginawa siya sayo pero sinasabi mo lang na wala." Sabi ni Jacob. "Ikaw president, wag ka ngang pretending dyan. Di nakakatuwa yan eh."

"Pft. Wala nga. At hindi rin ako pretending tulad ng sinasabi mo." Pinakita ko ang mukha ko sa kanila. "Tignan nyo. Wala namang nadagdag na galos sakin"

Dahil sa sinabi ko, agad naman nilang tinignan ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Sa una, hindi pa rin sila makapaniwala pero nang masiguro nilang wala nga akong galos..

"Whew. Buti nalang" sabay na sabi ng dalawa.

Ngumiti naman ako sa reaksyon nila. Pagkatapos, inakbayan ko silang dalawa at inakay palabas ng actor's lounge

"Tara na nga. Bilisan na natin ang pagpapack-up." Sabi ko. "Sige kayo, paghindi tayo natapos kaagad..

..baka di maabutan ni Jacob ang kapatid kong si Alexandra"

Dahil sa sinabi ko, biglang kumalas si Jacob.

"Ay sh*t! Oo nga!"tumingin siya kay Joseph at tinapik tapik ang balikat."Tara na mga pre! Dali! Bilisan na natin. Bilisan na natin! Wooh!"

Nagsisigaw na siya at kumaripas na ng takbo pabalik ng auditorium.

"Alexandra?" pagtatakang sabi ni Joseph at tumingin sakin. "Teka. Y-Yun ba yung kakambal mong.. sobrang ganda?"

"Pft. Yun nga" natatawang sabi ko.

Dahil sa sinabi ko, biglang kumalas na rin si Joseph sakin.

"Teka. Akin na yun ah!" sabi nya at tumingin sa tinakbuhan ni Jacob. "Naknang! Oy pare! Akin na yun! Tigilan mo na! Oy!"

Kumaripas na rin siya sa pag takbo para habulin si Jacob. "Tigilan mo na ilusyon mo pare! Akin yun! Akin yun!" dagdag pa nya habang palayong tumatakbo sa akin.

Naiwan lang ako sa kinatatayuan ko habang natatawang pinapanood sila. At nang tuluyan na silang mawala sa paningin ko, agad ring nawala ang pag ngiti ko.

Anong gagawin ni Christian Jimenez matapos nyang malaman to. At..

"Para sabihin ko sayo, hindi kita gusto para sa kaibigan ko at hindi ko siya hahayaang mapunta sayo.. Kaya kung ayaw mong madagdagan yang pasa mo sa mukha, ngayon palang ay layuan mo na siya."

Naku.

P-Posible kayang..

------

Ian's POV

"Kaya kung sakaling dumating ang araw na malaman na nya ang tungkol dito, makakaasa ka.. na hindi ko siya pababayaan"

Paulit ulit na nag eecho sa isipan ko ang sinabi sakin ng lalaking yun habang patuloy akong naglalakad palayo sa auditorium na yun. At sa tuwing naiisip ko ang mga salitang binitiwan nya sa akin kanina, hindi ko maiwasan sa sarili ko na mag-init ang ulo ko at kumulo ang dugo.

Bwisit! Badtrip! T*ngina! Lahat na!

Gusto kong isigaw sa paligid ko ang lahat ng galit na nararamdaman ko ngayon! At bwisit talaga! Sinasabi ko na nga ba na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking g*go na yun eh!

Bakit si Ashley pa, ha?!

Bakit ang innocenteng kaibigan ko pa?!

Gusto ko siyang suntukin kanina pero hindi ko man lang nagawa! Lalo na't binanggit nya pa sakin si Nikki na kahinaan ko pa!

Bwisit! Bwisit talaga!

"Yow! Yan-yan!"

Nakasalubong ko si Toff sa mga oras na ito. Pero dahil sa kumukulo ng sobra ang dugo ko sa lalaking yun, nilagpasan ko siya at nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.

"Huy. Anong nangyayari? Ba't ganyan ang itsura mo?" sabi nya at ramdam ko ang pagsunod nya sakin. "Saka akala ko ba ngayon yung paglilinis mo ng auditorium? Tapos ka na ag-"

"Wag ngayon, Toff! Tigilan mo ko!"agad na sabi ko at sinubukan kong magpigil. Pero sa mga oras na ito..

..sumasarado na ang kamao ko sa sobrang inis.

"Bakit brad? May problema ba?"

"Basta."

"Anong basta? Bakit may nangyari bang hindi maganda dun? May tao ka bang nakaawa--"

"Pag sinabi kong basta! BASTA!"

Sa sobrang galit ko, hindi ko nacontrol ang sarili ko at tinulak ng buong pwersa si Kristoff sa pader na malapitsamin ngayon. Nanlilisik ang mata ko at habang hinahawakan ko ang kwelyo nya, patuloy na kumukulo ang dugo ko.

"W-Woah! Yan-Yan!" sabi nya at nabigla sa ginawa ko. "Ano bang nangyayari sayo brad?! Bakit ka ba nagkakaganyan?"

Naririnig ko sa mga oras na to ang katanungan na binabanggit nya.Pero dahil sa sobrang init ng dugo na dumadaloy sa buong katawan ko ngayon, hindi ko nagawang magsalita at humigpit lang ang pagkakahawak ko sa kwelyo nya.

"P-Pre.. A-Ano ba?! Bitiwan mo nga ako" sabi nya at pumiglas na sakin. "Ano bang nangyayari?! Sabihin mo nga sakin. Hindi yung ganyan, nilulukot mo yung uniform ko!"

Muli, hindi ko nagawang sagutin ang sinabi nya. Tuluyan ko lang siyang binitawan at..



"Iwan mo ko" yun lang ang sabi ko at nagsimulang humakbang palayo sa kanya.

"Bye, girls! See you later!"

Natigilan ako sa paglalakad nang makarinig ako ng familiar na boses mula kinatatayuan namin. Tinignan ko ang paligid at narito na pala kami sa harap ng bagong bukas na coffee shop dito sa tabi ng Arts Building.

Nakita kong bumukas ang pintuan at lumabas si Kylie. Na nakangiti habang kumakaway sa taong nakasunod sa kanya.

Kasama nya rin si Jasmine na kalalabas lang sa pintuan. At nang makita ko ang huling taong lumabas sa mga oras na to..

..nagsimulang sumeryoso ng husto ang paningin ko.

"Oh sige. Mag ingat ka. Wag puro landi" rinig kong sabi ni Jasmine kay Kylie.

"Fine fine. Oo na! Babush na talaga! Mwah"sabi ni Kylie at nagsimulang maglakad palayo sa kanila.

Habang patuloy na naglalakad si Kylie, nagsimulang humigpit ng husto ang kamay ko. At habang pinapanood ko si Ashley na nakatingin sa kanya..

..nagsimula ring bumalik-balik sa isipan ko ang sinabi ng g*gong lalaki na yun.

"Kaya kung sakaling dumating ang araw na malaman na nya ang tungkol dito, makakaasa ka.. na hindi ko siya pababayaan"

"Oh siya, Nay. Una na rin ako ah. May class pa ko eh."

"Oh sige. Ingat ka, Ash ah. Wag kang--oh sh*t!"

Nakatingin na sakin si Jasmine ngayon.

Lumingon si Ashley kung saan nakatingin si Jasmine ngayon at..

"Oh my God!"biglang nagulat si Ashley at agad na nagtago sa likod ni Jasmine.

Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit ganun ang naging reaksyon nya sakin pero sa mga oras na ito ay wala na akong pakielam. Seryoso lang akong nakatingin ng diretso sa mata nya at nang magtama ang mga mata namin..

"At tulad ng sabi ko.. asahan mong hindi ko siya pababayaan"

Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na sumugod sa kanila.

"Hold on! Y-Yan yan! Yan-yan!"

Rinig ko ang pagsigaw ni Kristoff pero dahil sa sobrang pagdidilim ng paningin ko ay hindi ko nagawang magpapigil sa kanya. Bumilis ang pagsugod ko sa dalawa at nang makarating ako sa kanila..

..agad na hinawakan ko ang braso ni Ashley.

"Mag-usap tayo!"Seryosong sabi ko at hinatak siya palayo sa kinalalagyan namin.

"Ian! Bitiwan mo si Ash! Bitiwa--ano ba?! Toff! Bitiwan mo nga ko! Ash!"

"Jas! J-Jas!"

Wala nakong pakielam sa mga ririnig ko sa paligid. Patuloy lang na nagdidilim ang paningin ko habang patuloy na hinihila si Ashley. At habang hawak ko ang mga braso nya sa mga oras na to, isa lang tumatakbo sa utak ko..

Hindi ka pwedeng mapunta sa lalaking yun!

---

Ashley's POV

"Mag-usap tayo!"

Lumalakas ang tibok ng puso ko habang pinapanood ang sarili ko na hinahatak ni Ian ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero dahil sa iba ang itsura nya ngayon habang hinatak ako, nakaramdam ako ng takot at lubos akong kinakabahan.

Ano bang n-nangyayari kay Ian?

D-Dahil ba to sa patuloy ko siyang tinataguan ng mga nakaraang araw?

Kung d-dahil man dun at ganito pala ang magiging reaksyon nya,.

..ngayon palang ay nagsisisi nako na ginalit ko siya.

"I-Ian.. N-Nasasaktan na ako" sabi ko at sinubukang kumalas sa kanya.

Ramdam kong mas humigpit ang hawak nya. At habang nagmamadali kaming umaakyat sa hagdanan ngayon, hindi nya magawang tumingin at intindihin ang sinasabi ko.

Nang makarating kami sa third floor, padabog nyang binukas ang pintuan ng fire exit at agad nya akong hinila papasok. Ni-lock nya ang pintuan at nang parehas na kaming nasa loob..

..tumindig ang balahibo ko ng bitiwan nya ang kamay ko at tahimik lang na nakatalikod sakin.

"I-Ian" nanginginig kong sabi habang tinitignan ko siya.

Napansin ko na nagsisimulang sumarado ang kamao nya habang nanatili lang na nakatalikod sa akin. At nang..

N-Nang simulan nyang tanggalin ang polo na nakapatong sa puting t-shirt nya..

..agad akong napapaatras sa kinatatayuan ko at unti-unting natatakot sa kanya.

"I-Ian.. N-natatakot nako" sabi ko at ramdam ko ang pamumuo ng tubig sa mata ko.

Patuloy na nangangatog ang buong katawan ko sa kinatatayuan ko habang pinapanood siya sa pagtatanggal ng butones nya..

At nang matanggal nya ng tuluyan ang polo..

"Mula ngayon..

..TIGILAN MO NA ANG LALAKI NA YUN!"

Nagulat ako nang padabog nyang binaba ang polo nya at tuluyang tumulo ang luha ko.

Dahil rin sa lakas ng sigaw nya, napaiwas ako ng tingin at tuluyang nanginig sa kinatatayuan ko.

At nang marealize ko ang sinabi nya, unti-unti akong natigilan sa kinatatayuan ko at tumingin ng.. pabalik sa kanya.

"A-Anong.. sabi mo? L-Lalaki?" pagtatakang sabi ko habang naluluha sa sobrang takot. "S-Sinong lalak-"

"Basta! Yung Alexander David na yun!" sigaw na sabi nya at humarap na sa akin.

Nakita ko sa mga oras na to ang matatalim na mata nya habang nakatingin sa akin. Pero..

..dahil sa sinabi nya..

..lubusan akong naguluhan sa kinatatayuan ko.

"A-Ano?" sabi ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko. "A-Anong.. Alexander David? H-Hindi kita maintindiha-"

"Ugh! Basta! Hindi ka pwedeng mapunta dun! HINDI KA PWEDENG MAPUNTA SA LALAKING YUN!" sigaw nanaman na sabi nya at nagsimula na siyang sabunut-sabunutan ang sarili nya.

Habang pinapanood ko siyang nagwawala sa harapan ko..

..nagsimulang lumakas ang tibok ng puso ko at hindi naging normal ang paghinga ko.

"Nag.. seselos ka ba?"

Yun ang bagay na lumabas sa bibig ko ng mga oras na to.

Dahil sa sinabi ko, agad siyang napahinto sa pagwawala sa harapan ko. Para bang natigilan siya sa kinatatayuan nya at gulat na gulat sa narinig nya.

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. At nang makita ko ang mukha nya..

"A-Ako? Nagseselos?" nagsimulang mamula ang mukha nya at hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Unti-unti akong lumapit sa kanya. Kapwa nagtititigan lang at gulat na gulat sa nangyayari.

Nang makalapit ako sa kanya, buong puso kong inulit ang tanong ko.

"N-Nagseselos ka nga ba..kay Xander?" pag-uulit na sabi ko.

Tinitigan nya lang ako sa mga oras na to. Mukhang nabigla nanaman siya sa pagkakatanong ko at habang tinitignan ko ang mukha nya na pulang pula na..

..unti-unti kong naramdaman na umiinit na rin ang pisngi ko.

"H-Hindi ako nagseselos!"

Sumigaw nanaman siya at napasabunot sa kinatatayuan nya. "Ang ayoko lang yung-"

Hindi ko na hinayaan ang pagtuloy nya sa sinasabi nya. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit.

Habang dinadama ko ang pagyakap ko sa kanya, unti-unti ko ring naramdaman na kumakalma siya.

Habang niyayakap ko rin siya sa mga oras na ito, hindi ko rin masukat ang nararamdaman kong saya.

Hindi ko man alam kung ano ang dahilan kung bakit naging ganyan si Ian. Pero kung ano man ang nangyari kanina..

..nagpapasalamat ako dahil nangyari ang lahat ng iyon.

-------> See you in Next chapter 54: Result of Desperation

Vote. Comment. Like. Thanks :)

I need motivation guys. Comment po :)

Next Chapter: (October 29)

Continuar a ler

Também vai Gostar

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
349K 6.6K 35
Montenegro Series #1. Si Savannah Arynn Quizon ay kilala bilang isa sa anak ng pamilya Quizon. She is a kind of girl that has everything laid out in...
5.4M 274K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
1.2M 54K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...