ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 31: BATHALA

551 30 10
By angelodc035

Gumising siya mula sa madilim na yungib. Pinagmasdan ang kahabaan ng kuweba pero dahil sa kadiliman ng lugar ay hindi niya matanto kung saan ang labasan nito.

Pinipilit niyang gamitin ang kapangyarihan mula sa kanyang kanang kamay pero makailang ulit na niyang sinubukan ito at tila tuluyan ng naglaho ang kapangyarihang kanyang taglay.

Sinubukan niya ang tumayo mula sa malamig na sahig ng yungib pero biglang umikot ang kanyang paningin, at pati ang mga paa ay sumusuko na rin dahil kung hindi siya nakahawak sa pader ng kuweba ay siguradong babagsak siya sa mabatong sahig. Pakiramdam niya ay masakit lahat ng parte ng kanyang katawan na hindi pa niya naranasan kahit minsan sa buong buhay niya.

Ano ba talaga ang nangyari sa kanya at bakit wala siyang maalala? Saang lugar siya naroroon at bakit wala siyang lakas at kapangyarihan? Pilit niyang inaalala kung may kasagutan sa kanyang isipan para malaman kung bakit siya naririto ngayon sa madilim na yungib na hindi rin niya alam kung saang lugar ito.

Pinilit niyang inihakbang ang mga paa habang naghahanap ng makakapitan ang kanyang mga kamay sa pader ng kuweba. Kailangang makahingi siya ng tulong, kailangan niyang makaalis dito sa lugar na ito.

"...tu...long... Tul... " natigilan siya. Tila may kung anong bagay ang bumara sa lalamunan para hindi matuloy ang paghingi niya ng tulong.

Bakit nga ba siya hihingi ng tulong? Siya si Bathala, bakit ba siya nangangailangan ng tulong? Kailan pa bang humingi ng tulong si Bathala? Ang pagkakalam niya ay siya ang pinakamakapangyarihang diyos sa sanlibutan at kailan man ay hindi pa siya humingi ng tulong kahit pa kanino. Kaya niyang makaalis sa lugar na ito basta magagamit niya ang kapangyarihan. Pero nakailang ulit na rin niyang sinubukan pero bigo pa rin siyang magamit ito.

Iniyuko niya ang kanyang ulo at pinilit huminga ng malalim. Ilang segundo rin siyang hindi gumagalaw sa ganoong sitwasyon at nagmumuni-muni. Hindi niya kailangan ang tulong. Hinding-hindi siya hihingi ng tulong o kahit kanino man. Siya si Bathala at kailan man ay hindi siya humingi ng tulong. Aalamin niya ang lahat bakit siya naririto at aalamin niya ang dahilan para makakaalis na siya sa madilim na kuwebang kinaroroonan niya. Kailangang bumalik lahat ng kanyang kapangyarihan para magawa niyang makaalis sa lugar na ito.

Napahawak ang matandang lalake sa kanyang ulo at may napansin siyang kakaiba rito. Ang dating mahaba't puting buhok ay wala na at pati na rin ang mahabang balbas ay hindi na rin niya mahawakan dahil tila kusang pinutol ang mga ito. Anong nangyari sa kanya at bakit wala siyang maalala? Ang kanyang puting buhok ngayon ay naging kulay itim na rin at siya mismo ay hindi na rin makilala ang kanyang sarili.

Pilit niyang inaalala kung paano siya nakarating sa lugar na kinaroroonan niya ngayon? Muli ay sinubukan niyang tumayo pero wala pa rin lakas ang kanyang mga paa para suportahan nito ang bigat ng kanyang katawan. At sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng matinding kalungkutan lungkot na parang ang tanging gusto niyang gawin ay umiyak ng umiyak at kitilin ang natitirang buhay. Ramdam na ramdam niya ang bigat sa dibdib na tila kawalan ng pag-asa na ipagpatuloy pa ang buhay niya.

Muli niyang pinagmasdan ang kabuuan ng napakadilim na paligid. Iilang buntong hininga rin ang kanyang pinakawalan dahil tila kusang ipanaparamdam ng lugar ang kawalan ng pag-asang mabuhay pa na kanya namang pilit na nilalabanan ng mga sandaling iyon.

Kumapit siya sa nakausling bato na kanyang nakapa para makatayo mula sa sahig. Nang walang anu-ano'y biglang nagkaroon ng malalakas na pag-uga ng lupa sa kanyang kinatatayuan. Sa lakas ng pagyanig ay naglaglagan mula sa kisame ng kweba ang mga naglalakihang mga bato. Nabitawan ni Bathala ang pagkakakapit sa nakausling bato at tuluyan siyang nalaglag sa malamig at mabatong sahig ng kuweba.

Naramdaman ni Bathala ang malalakas na paglagutok mula sa sahig habang nagsimula magkabitak-bitak ang mga bato at lumabas napakainit at napakabahong usok na umalingasaw sa loob ng kuweba.

Patuloy ang mga malalakas na pagyanig at pagkabitak ng sahig ng yungib hanggang sa lumabas mula rito ang napakainit na Lava o nag-aapoy na putik, dahilan para medyo lumiwanag ang kapaligiran dito.

Halos matulala si Bathala sa kanyang nakikita at wala siyang magawa para pigilin ang paglabas ng nagbabagang putik mula sa mga bitak ng sahig. Ni hindi man siya makagawa ng mumunting apoy para ilawan ang paligid kung saan siya naroroon.

Lalong lumakas ang mga pagyanig at ang pagbulwak ng napakainit at nag-aapoy na putik. Ramdam na ramdam ni Bathala ang nakakapasong init na nagmumula rito. Mula sa napakalaking bitak ng lupa ay napansin niya ang naglalakihang pares ng kamay na pilit na binabaklas ang mga tipak ng bato para luwagan ang daan para makalabas ito. Maririnig mula sa dambuhalang nilalang ang malalalim na pag-ungol na tila galit na galit.

Unti-unting naluwagan ng dumb halang pares na kamay ang bitak ng lupa habang lumalabas mula rito ang napakainit at napakapulang lava na unti-unti ng dumaloy sa mabababang bahagi ng yungib. Kitang-kita ni Bathala ang napakaraming mga kaluluwa ng tao na hirap na hirap habang nasusunog sa gitna ng napakalawak na dagat ng apoy. Tila nagkaroon na mg ideya si Bathala kung saan siya naroroon.

Isang dumadagundong na pag-ungol ang nagbigay ng matinding takot kay Bathala. Lalo na ng unti-unting lumalabas mula sa bitak ng lupa ang tatlong naglalakihan at mahahabang mga sungay ng Nilalang na ito. Hindi siya puwedeng magkamali sa mga sungay na iyon, kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng mga ito.

"...Behemot?" ang halos pabulong na wika ni Bathala ng makita ang mas makapangyarihang nilalang sa kanya. Ang nilalang na dating sugo ng kabutihan pero sumama sa pagtalikod sa makapangyarihang Diyos na maylalang sa lahat. Si Behemot isa sa makapangyarihang Anghel na pinarusahan dahil sa pagtataksil sa Diyos na May-kapal sa langit.

Paglabas ng halos kalahating katawan ni Behemot ay tila isa itong bata na tuwang-tuwa na nakawala sa kanyang kulungan. Dumadagundong ang mga halakhak nito sa kabuuan ng kuweba at ng makita si Bathala ay saka nito ipinako ang kanyang tingin sa kanya.

"Bathala, Bathala! Kumusta na ang mala-alamat na diyos ng sanlibutan?" ang dumadagundong na boses ni Behemot na tuluyan ng nakawala mula sa ilalim ng kumukulong putik.

"Ikaw?! Ikaw ang may pakana nito?!" ang galit na galit na sigaw ni Bathala kay Behemot.

Malulutong na halakhak ang naging tugon ni Behemot kay Bathala at tila nang-iinsulto ito sa kanya.

"Paano ka nakawala sa Labuad?!" ang muling tanong ni Bathala habang nakatingala ito sa may dalawampung metrong taas na si Behemot na nakatayo malapit sa kanyang harapan.

"Huwag mong itanong sa akin kung paano ako nakatakas sa Labuad, Bathala. Ang pinakamagandang katanungan ay kung sino, sino ang nagpakawala sa akin sa Labuad!" ang naging tugon ni Behemot kay Bathala. "Gusto mo malaman kung sino sa mga anak mo ang tumulong para ako ay makawala sa Labuad? Ang isa sa mga pinakamamahal mong anak na gusto kang mamatay at mawala na sa sanlibutan ng tuluyan!"

"Hindi totoo yan! Mahal ako ng mga anak ko at walang sino man sa kanila ang kayang gumawa nito sa akin. Behemot, ako ang pinakamakapangyarihang nilalang sa sanlibutan. Kaya inuutusan kita na ibalik mo ako sa ikatlong daigdig ngayon din!" ang matigas na wika ni Bathala.

"At kung hindi? Ano ang gagawin mo Bathala? Anong magagawa mo? Akala mo ba hindi ko alam na wala ka ng kapangyarihan?"

"Hindi totoo yan!" ang sigaw ni Bathala at sinubukang gamiting muli ang kanyang kapangyarihan. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay na tila may hinila sa mula sa itaas, pero ang kidlat na inaasahan ay  hindi umayon sa kanya.

Mga malulutong na halakhak ang pinakawalan ni Behemot pagkakita sa ginawa ni Bathala.

"Huwag ka ng umasa na magagamit mo ang kapangyarihan mo rito Bathala. Walang ano mang kapangyarihan ang puwedeng gamitin dito, dahil sa lugar na ito ay ako lamang ang may kapangyarihan."

Gigil na lumapit si Behemot kay Bathala at saka mabilis na dinampot ito sa kanyang kamay. "Sino ngayon ang mas makapangyarihan sa atin Bathala?!" mapuwersa niyang inihagis si Bathala sa mga naglalakihang bato sa pader ng kuweba na lumikha ng pagkawasak sa mga naglalakihang bato bago ito bumagsak sa lupa.

Pagbagsak ni Bathala sa sahig ng yungib ay halos mawalan ito ng ulirat sa sobrang sakit na naramdaman. Sa unang pagkakataon ay lumabas ang kulay gintong dugo mula sa ilong at bibig ni Bathala. Hindi pa man ito nakakabawi sa pagkakabato ni Behemot sa kanya sa pader ng kuweba ay muli na naman siyang dinampot ng dalawpung metrong laking nilalang at saka mapuwersang ibinatong muli sa matigas na sahig ng kuweba. Pagkatapos ay tinapakan siya nito at tiniris-tiris na parang langgam ang walang magawang diyos na si Bathala.

"Nasaan na ang kapangyarihan mo Bathala? Bakit hindi mo gamitin sa mga oras na ito para tayo ang maglalabang muli gaya ng dati!"

Hindi mapigilan ni Bathala ang mapasigaw ng malakas dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman habang walang humpay ang pagtiris sa kanya ni Behemot. Tila wala namang naririnig si Behemot sa mga sigaw ni Bathala habang nasasaktan ito sa pagtiris nito sa kanya. Bagkus ay parang musika pa ito sa kanyang pandinig habang nakikita at naririnig niyang nasasaktan si Bathala.

"Ganyan nga, damhin mo ang sakit na naramdaman ng mga engkanto, mga diwata at iba pang mga nilalang na pinarusahan mo dahil lamang sa pagsuway sa iyong kagustuhan! Ganyan nga Bathala! Ganyan nga!"ang pangungutya ni Behemot kasunod ng malulutong na mga halakhak nito habang nangigigil sa pagtiris kay Bathala.

Halos mamaos naman sa kakasigaw sa sobrang sakitt si Bathala. Marami na siyang digmaan na kanyang naipanalo pero ngayon lamang niya naramdaman ang ganito kasakit lalo na sitwasyon niya ngayon ay hindi man lang niya kayang lumaban at maipagtanggol ang sarili.

"Nasaan na ang mala-alamat na lakas at kapangyarihan mo Bathala? Baka hindi mo pa nalalaman na malapit na ang iyong kamatayan? Ang pagkawala ng iyong kapangyarihan ang unang senyales sa nalalapit na kamatayan ng isang diyos na tulad mo. Lalo na't ang iyong espirito ay nakabilanggo na rito sa aking kaharian!" ang matigas na wika ni Behemot.

"Hindi ko hahayaang mangyari ang sinasabi mo Behemot! Isa akong immortal at tatalunin kita dahil isa ka lamang anghel na itinakwil ng Diyos sa langit!" ang pilit na tugon ni Bathala kay Behemot.

"Naku, naku nakakatakot naman Bathala. Tinakot mo si Behemot sa iyong mga kulog at kidlat. Pero bakit wala akong nakikitang mga kidlat at naririnig kahit na mahihinang kulog man lang!" humalakhak ng malakas si Behemot. "...tingnan mo ang sarili mo?  Ni hindi mo nga kayang tumayo sa kinahihigan mo at ni hindi mo man lang kayang maiangat ang aking paa, paano mo ako tatalunin? Tama ka isa kang immortal pero sa sandaling panahon na lang at mamamatay na ang iyong katawan na nakalagak sa tore ng anak mong si Bulan! Malapit ng sumuko ang iyong katawan at sa sandaling mangyari iyon ay mapapatay ko na ang iyong espiritu at tuluyan ka ng mawawala sa sanlibutan!" ang dagdag pa ni Behemot kasabay ng malalakas na paghalakhak habang nakatingin sa nanghihinang si Bathala.

Hindi na nagtaka si Bathala sa narinig niya tungkol sa anak niyang si Bulan. Dahil noon pa ay may interest na itong pabagsakin ang kanyang pamumuno. Marahil si Bulan ang dahilan kung bakit naririto siya ngayon sa tahanan ni Behemot. Pero paano siya naidala rito ni Bulan na hindi niya nalalaman? Ano ang ginawa niya sa katawan niya at ang kanyang espirito ay nakarating dito sa Caualan (Kawalan)  ang lugar na pinamumunuan ni Behemot. Ang impyerno para sa mga nilalang sa ikatlong mundo.

Kailan ba ang huling pagkakataon na nakausap niya si Bulan? Ang pagkakaalam niya ay mahigit na sa limang-daang taon mula ng huli niyang nakita si Bulan kaya imposibleng si Bulan ang nagdala sa kanyang espirito sa Caualan.  Pero ng biglang sumagi sa kanyang isipan ang huling nilalang na kanyang nakadaupang-palad ay hindi ito makapaniwala.

"...Ta...Tala? Hi...hindi. Imposible... " ang kanyang wika dahil hindi niya lubos maisip na ang kanyang pinakamamahal na anak ang siyang nagdala sa kanya sa kamay ni Behemot.

Dumadagundong naman ang mga halakhak ni Behemot ng mainuhang batid na ni Bathala kung sino pa sa mga anak ni Bathala ang nagtraydor sa kanya. Tuwang-tuwa siyang nakikitang nasasaktan ang diyos sa ginawa sa kanya ng pinakamamahal niyang anak. Iniangat ni Behemot ang kanyang napakalaking paa sa katawan ni Bathala at tuluyan na niyang inalis ito sa labis na nasaktang diyos at humahalakhak pa rin niyang iniwan si Bathala.

"Hihintayin ko na lamang ang kamatayan ng iyong katawan at walang sawa kong pahihirapan ang iyong espirito sa dito sa kaharian ko. Iiwanan muna kita, baka sabihin mo na wala akong konsiderasyon sa iyong nararamdaman ngayon lalo na't ang pinakamamahal mong anak ang siyang nagkanulo sa'yo. Ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa'yo na nananabik na ako at halos hindi ko na mahintay ang nalalapit mong kamatayan. Ipapatikim ko sa'yo ang walang hanggang sakit ng kaparusahan sa mga ginawa mo sa mga nilalang na pinarusahan at pinatay mo mahal na Bathala!"

Pagkasabi ay kaagad na iniwan ni Behemot si Bathala. Muling bumuka ang sahig ng yungib at inilubog nito sa kumukulong lupa ang katawan nito hanggang sa muling magsara ang sahig ng kweba.

Si Bathala naman ay nanatiling nakahiga sa kanyang kinahihigan at damang-dama niya ang sakit at pagkadismaya sa anak niyang si Tala. Pakiramdam niya ay mas doble pa ang sakit na kanyang naramdaman na malamang nagtraydor sa kanya ang anak niyang si Tala na kanyang pinakamamahal kaysa sa tiniris tiris siya ni Behemot sa sahig ng kuweba. Ano ba ang kanyang nagawa para ipagkanulo siya ni Tala sa diyos ng kasamaan na si Behemot? Sa lahat ng anak niya bakit si Tala na alam niyang napakabuting diyosa at hindi niya lubos maisip kung ano ang naging dahilan nito para gawin ito sa kanya.

Hindi na siya tumayo pa at tila nawalan na siya ng lakas para lumaban. Muli ay bumalot ang kadiliman sa loob ng kuweba ng tuluyan ng magsara ang mga bitak sa sahig. Muling lumamig ang paligid at tila nakikidalamhati sa nararamdaman ng diyos na si Bathala.
------------------------
Mula sa kasukalan ng kagubatan sa Ilaya ay napabalikwas ng bangon si diyosang Tala. Pawis na pawis ito at humahangos sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang dalawang tuhod at itinukod ang kanyang ulo.

"Ama kong Bathala... Patawad po ama... " ang tumatangis na wika ni Tala na sinisisi ang sarili sa sinapit ng kanyang ama.
-----------------

Sa oras ding iyon ay hindi mapalagay si Randy sa kanyang kinauupuan. Pakiramdam niya ay may kung-anong gumugulo sa kanyang isipan at hindi niya alam kung ano ito. Lumabas siya ng simbahan at sinundan naman siya ng tingin ni Demetria.

Nakaramdam ng paninikit ng dibdib si Randy paglabas niya ng simbahan. Magtatakip-silim na rin ng mga oras na iyon kaya wala ng mga tao ang gumagala sa paligid. Walang nakapansin sa mga maninipis at sanga-sangang kuryenteng dumadaloy sa dalawa nitong kamay kasabay ng pagputi ng mga mata nito.

Napatigil naman si Demetria paglabas nito sa pinto ng simbahan ng makita ang nangyayari kay Randy. Hindi nito alam kung ano ang nangyayari sa kanyang kaibigan. Hindi rin niya alam ang gagawin kung lalapit ba siya o mananaltili na lamang sa kanyang kinatatayuan. Wala siyang alam kung ano na ang nangyayari kay Randy lalo na ng biglang lumutang ng halos tatlong metro sa himpapawid ang lalaki at sumambulat ang napakaraming hibla ng kuryente.

Nagdesisyong lapitan ni Demetria si Randy kaya mabilis itong tumakbo para tulungan ang kaibigan. Ngunit dalawang metro bago pa man siya makalapit kay Randy ay tila may kung anong puwersa ang biglang pumigil sa kanya at kumuryente sa buong katawan niya.

Tila isang napakalakas na pagsabog ang naramdaman ni Demetria at nagpatilapon sa kanya ng mahigit sampong metro papunta sa paanan ng pintuan ng simbahan. Halos panawan siya ng ulirat pagtama niya sa sementadong sahig. Pagkakita niya kay Randy ay biglang nabalutan ito ng nakakasilaw na liwanag at lumalagutok na boltahe ng kuryente. Ramdam na ramdam niya ang sobrang init na nagmumula sa napakaliwanag na ilaw na nanggagaling kay Randy.

Nagsilabasan ang lahat ng nasa loob ng simbahan at magkahalong takot at pagkamangha ang kanilang nasaksihan lalo na ng isang imahe ng babae ang biglang lumabas mula sa nakakasilaw na liwanag na nagmumula kay Randy.

Namilog ang mga mata at napanganga sina Caren,  Mexo,  at Alex sa kanilang nakikita. Tila may kung anong engkanto na hindi man nila inihanda ang kanilang mga sarili sa pakikipaglaban lalo na't maaaring nagdadala ng panganib ang babaeng bigla na lamang lumitaw sa kanilang harapan.

"O... Odessa? " ang tanging lumabas sa bibig ni Demetria.

Continue Reading

You'll Also Like

9.1K 188 38
Note: This is a fanfiction about our class becoming the Descendants, with a mix of Avatar, Hybrid Heroes and RWBY. The real description is the Prolog...
20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...