My Life II Vicerylle Collecti...

By EmEm_El

10.7K 270 13

More

My Life II Vicerylle Collections
Hay Naku
Pangarap Lang Kita (Part 1)
Pangarap Lang Kita (Part 2)
Ikaw Lamang
Chinito
Lucky (Part 2)
Lucky (Part 3)

Lucky (Part 1)

935 25 0
By EmEm_El

Karylle’s POV

“Parekoy bilisan mo!” tawag ko sa kanya. Ang tagal talaga kumilos nito kahit kaylan oh.

“Sandali. Di ka naman masyadong excited no?” sabi nya habang pababa ng hagdan ng bahay nila.

“Hindi ako excited no. Ang tagal mo lang talagang kumilos. Talo mo pa ang babae eh.” Sabi ko.

“OA naman neto. Syempre nagpapogi pa ko no. Sigurado maraming chix don mamaya.” Sabi nya habang taas-baba ang kilay.

“Alam mo kakabreak nyo lang nung Liz, naghahanap ka na naman? Ibang klase ka talaga.” Nailing na sabi ko sa kanya. Ewan ko ba dito at hindi makuntento sa isang babae. Ang pinakamatagal na sigurong relasyon nya inabot lang ng isang linggo. Yung iba nga tatlong oras lang eh.

“Anong magagawa ko, sila yung humahabol sakin.” Tapos nagsmirk sya. “Ang hirap kasi maging pogi eh.” Sabay sarado nya ng gate ng bahay nila. Andito na pala kami sa labas.

Inirapan ko nga. Ang yabang eh. “Ang hangin grabe.” Tumawa naman sya. “Anong tinatawa-tawa mo dyan?”

“Grabe parekoy, marunong ka pala umirap. Hahaha.”

“Lul. Anong akala mo sakin alien?”

“Hindi ka naman mukhang alien. At hindi ka rin mukhang tao.” Sabi nya habang nakahawak sa baba nya at tiningnan ang suot kung damit. Loose jersey shirt, maluwang na army short at cap. “Aray!” sabi nya habang hinihimas ang ulo nya. Binatukan ko nga.

“Anong hindi mukhang tao. Siraulo ka ah.”

“Oh relax lang parekoy. Highblood ka na naman eh.” Sabi nya habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. “Biro lang eh.”

“Wag mo kong umpisahan Jose Marie. Sinasabi ko sayo.”

“Ewan ko sayo Ana Karylle.” Then he smirks. Pangaasar talaga.

~~~

“Brad! Parekoy!” tawag samin ni Vhong. “Aray naman brad bat ka ba nambabatok dyan?”

“Bat nakikiparekoy ka dyan? Ako lang may karapatang tumawag sa kanya nun.”

“OA mo naman brad. Para yun lang eh.” Sabi ni Vhong.

“Anong para yun lang. Hoy Navarro sagrado ang tawagan namin. Diba parekoy?” sabi nya. Umakbay sya sakin. Natawa naman si Vhong.

“Bahala nga kayo dyan.” Sabi ko at umalis na. Wala talagang kwenta kausap yung mga yun.

Humanap na ang ako ng pwedeng pwestuhan. Oo nga pala may pabasketball ngayon dito sa village. Hindi naman ako masyadong mahilig sa basketball pero si Vice oo. Sa katunayan isa sya sa mga kasali. Magaling yan sa basketball kaya maraming nagkakandarapang mga babae sa kanya. Pogi rin naman kasi yang parekoy ko eh. Kaya nga lang minsan mayabang kasi may ipagyayabang nga naman.

~~~

The game’s finally done. Syempre panalo sina parekoy. Magaling yung kabilang team pero mas magaling sila lalo na parekoy ko.

Lumapit ako sa kanila para icongratulate sila ni Vhong. Magkateam kasi sila. “Congrats parekoy. Galing mo talaga.” Bati ko sa kanya at nag-apir kami.

“Sabi sayo eh.”

“Si Vice lang talaga binati mo. Nakakatampo naman.” Vhong said habang naka sad face.

I pinched his cheeks. “Congrats rin sayo.” Nagpout sya pero ngumiti rin kalaunan.

“Uhm.. Hi Vice..” sabay-sabay kaming lumingon sa nagsalita.

“Hi.” Bati sa kanya ni Vice. Ngumiti naman yung babae kaya nginitian rin sya ni Vice pabalik. Nakatingin lang ako sa kanila.

“Ang galing mo kanina.” Sabi nya. “Congratulations.” Then she kissed him on the side of his lips. Ngiting ngiti naman ang gago.

“WHOOO! Nice one brad.” Vhong cheered. I just gave him a stare. But he just grinned at me. Inirapan ko naman sya. “Sige guys una na ko. Punta kayo mamaya.” Tumango naman ako sakanya. Ganun din si Vice.

“Ahm.. Thanks.. Kaye right?”

“Right.” She smiled. Kilig na kilig lang eh.

“So... busy ka ba mamaya? Birthday kasi ni Vhong. Wanna hang out with us?”

“Sure.”

“That’s great see you later.” He kissed him on her cheek. Nagblush naman to. “Bye.”

~~~

“Tinik mo talaga. Ibang klase.” Sabi ko sa kanya. Naglalakad na kami pauwi.

“Ako pa.” Sabi nya habang pinapaikot ang bola sa kamay niya. Bigla naman nya itong ipinasa sakin. Buti na lang nasalo ko.

“Hoy! Muntik na ko tamaan sa mukha. Loko-loko ka talaga.”

“Hindi ka naman natamaan eh. Kasi kung nagkataon mas kawawa yung bola.” Tumawa naman sya ng malakas. Akala mo wala ng bukas kung makatawa eh.

“Gago.” Binato ko ang bola sa kanya pero nakailag sya.

“Ouch!” sabi nung lalaki habang hinihimas ang ulo nya na tinamaan ng bola.

“Lagot ka...” pananakot ni Vice.

“Ahm.. sorry hindi ko sinasadya.” Hingi ko ng tawad sa kanya. Humarap naman yung lalaki samin. Matangkad ito at maganda ang pangangatawan. Kita kasi ang muscles nya sa fit shirt na suot nya. “Sorry talaga.” Hingi ko ulit ng paumanhin. Ngumiti lang sya sakin. May saltik ata to. Natamaan na nga nakangiti pa.

“No that’s fine... Ana.” Nagulat naman ako sa tinawag nya sakin. Isang tao lang tumatawag sakin ng Ana. Wag mong sabihing.....

“Sam?” I just asked kahit hindi ako sure kung sya yun. He just smiles and nods. Bigla ko naman syang niyakap at nagtatalon ako sa tuwa. He just laughs. I missed him.

“Teka lang hindi ako makahinga.” Natatawa nyang sabi. Kumalas naman ako ng yakap sa kanya. “How are you?”

“Ayos na ayos ako. E ikaw kamusta ka na? Long time no see. Namiss kita ah.”

“I’m good. Namiss rin kita.” Sam was also my childhood friend aside from Vice. Sya yung lagi kong kalaro dati bago kami lumipat. At bago ko makilala si Vice. Eto rin yung unang beses na nagkita ulit kami simula nun.

“Ehemm..” oo nga pala andito si Vice.

“Nga pala Sam si Vice, bestfriend ko. Vice si Sam yung kinukwento ko sayong kababata ko.” Pakilala ko sa kanila.

“Vice pare.” Inabot nya ang kamay nya para makipag shake hands.

“Sam.”

“Tara na parekoy uwi na tayo.” Sabi nya sabay akbay sakin. Sam’s eyes landed on his hand that was around my shoulder, and smile.

“Sam una na kami.” Paalam ko sa kanya.

“Sige... Labas tayo minsan kung ok lang kay Vice.”

“Ha? Oo naman. Diba parekoy?” walang gana naman syang tumango. Naglakad na kami pauwi habang nakaakbay pa rin sya sakin. “Ang bigat ng kamay mo. Alisin mo nga yan.”

“Ayoko nga. Bilisan mo nga maglakad ang bagal eh.” Bat ang sungit nito? Kanina lang tawang tawa. Ang moody rin minsan eh.

~~

Third Person’s POV

“Hi Vice.” Kaye greeted her pagdating nya sa bar kung san sila magcecelebrate.

“Hi.” Bati nito sa kanya at ngumiti.

“Brad!” tawag sa kanya ni Vhong. He excused himself at lumapit dito. “Nasan si Karylle?” nagkibit balikat naman sya sa tanong ni Vhong. “Di mo sinama?” nagtatakang tanong nito sa kanya. Ngayon lang kasi hindi sabay na dumating ang dalawa. Sa lahat kasi ng pupuntahan nila lagi magkasama sina Vice at Karylle.

“Alam naman nya kung saan eh. Hayaan mo pupunta rin yun mamaya.” Sagot nya. “O regalo ko sayo. Happy birthday brad.” Vice handed him the gift which Vhong gladly accepted.

“Salamat brad. Nga pala ipapakilala ko yung pinsan ko sayo. Sigurado magkakasundo kayo. Magaling rin sa basketball yun eh.” Halata sa boses ni Vhong na excited sya.

“Okay.” Walang ganang sagot ni Vice na lalo namang ipinagtaka ni Vhong.

“Brad ayos ka lang ba? Tsaka bat di kayo magkasama ni parekoy.” Sigurado babatukan na naman sya si Vice sa pagtawag nya ng parekoy kay Karylle. Pero walang nangyari isang simpleng ‘wala’ lang ang sabi nito. May problema to sigurado. Isip ni Vhong.

Hindi pa rin tinigilan ni Vhong si Vice sa kakatanong hanggat hindi nya nalalaman kung ano ba ang nangyari.

“Pwede ba Navarro wag kang makulit wala nga kaming problema. Ok?”

“Grabe ka brad birthday na birthday ko ganyan ka kasungit?” napailing naman si Vice sa kadramahan ng kaibigan nya.

“Hindi sya makakapunta.”

“Ano?! Bakit naman?” bakas sa mukha ni Vhong na medyo nalungkot sya sa sianbi ni Vice.

“Sinamahan nya yung kababata nya. Birthday daw nung pinsan. Kaya ayun.” Dumiretso si Vice sa may bar counter at umorder ng maiinom. Ah kaya pala badtrip to. Napailing naman sya.

“Brad kain ka kaya muna bago ka maglasing dyan.” Sabi sa kanya ni Vhong at umupo sa tabi nya.

“Busog pa ko.” Yung lang ang sinabi nya pagkatapos ay inisang lagok nya lang ang baso ng alak na inorder nya.

Hinahayaan muna sya ni Vhong na mapag-isa kaya nagpaalam ito sa kanya para i-entertain din nya ang ibang bisita. “Brad kung kaylangan mo ng kausap puntahan mo lang ako.” he tapped his shoulder before he leaves.

He’s on the middle of his thoughts when someone familiar sat beside him.

“Are you ok?” she asked him as she ordered herself a drink.

“What if I told I’m not what will you do?” she smiled at him and seductively drinks her glass of tequila.

“This.” She stands up from her seat, Sat on his lap. Grabs his neck and kissed him.

~~

“Ano?! Si Vhong yung pinsan?” gulat na tanong nya sa kasama nya. Nakangiting tumango naman ito sa kanya. “Bat di mo sinabi agad, di sana sumabay na lang tayo kay Vice. Sigurado nagtatampo yun ngayon.”

“You really like him huh?” namula naman si Karylle sa tanong sa kanya.

“Hoy Mr. Milby ano ba sinasabi mo dyan. Hindi ko sya like no.”

“Kasi love mo?” tumawa naman ito. “Look at your face. Sobrang pula mo.” Isang malutong na hampas sa balikat naman ang natanggap nya mula kay Karylle. “Ouch.”

“Tumahimik ka nga. Tara alis na tayo.”

“Wait! Aalis ka na ganyan ayos mo? Magbihis ka muna.”

“Nang-iinsulto ka ba ha? Nakabihis na kaya ako. hello?” mataray na sabi nito sa kanya. Tiningnan naman sya nito from head to foot.

“Ana, pupunta tayo sa party. Hindi tatambay.” Sam said. Ano bang problema sa suot nya. Maayos naman ah. Jeans, printed shirt at rubber shoes. “Here wear this.” Iniabot nito sa kanya ang dalawang paper bags.

“Ano to?” curious na tanong nya.

“Basta.. magbihis ka na dali. Patulong ka kay Coco. Bilisan mo ha?”

..

“Wow.. Ana you’re so beautiful.” Saad ni Sam paglabas ni Karylle sa kwarto nya. “I’m sure all the boys in that party will drool over you. Lalo na si Vice.” She’s wearing a black fitted up dress about the knee which exposes her sexy legs. There’s a cut on both sides of the dress above her hips that shows her curves. She’s also wearing black four inches heels that compliment her dress. Her curly hair was falling off freely to her shoulders. Her makeup was light with a red lipstick on.

“Bolero.”

“Hindi kita binobola. I’m serious Ana, you’re beautiful.” Sincere na sabi nya. “Kung hindi ko lang mahal ang girlfriend ko malamang niligawan na kita.” Pabirong sabi nito.

“Siraulo.” Natatawang sabi nya.

“May tanong ako sayo. I want an honest answer.”

“Ano yun?” kunot noong tanong nya. Bigla kasi itong naging seryoso.

“Do you like Vice.” Nagulat naman sya sa tanong nito sa kanya. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa dalawa. It took her minutes to answer.

He took a deep breath and said..... “I love him.” Yes he loves him. Hindi rin nya alam kung kelan nagsimula. Nung una simpleng paghanga lang yung nararamdaman nya. Pero habang tumatagal mas lalo syang nahuhulog sa parekoy nya. Well sino ba naman ang hindi mafafall dito diba?

Napangiti naman si Sam dahil sa narinig mula sa kababata.

“Finally... Congrats Ana dalaga ka na. Isang ganap na dalaga ka na.” Hindi pa rin maalis ang malaking ngiti nito sa labi. “And I know Vice loves you too. Kaya tara na.”

“What do you mean that Vice loves me too?” she asked him. “May saltik ka ba ha? Imposible yun.” Yung mga tipo kasi ni Vice eh sexy at maganda. Sa dalawang choices na yun none of the above sya. Kaya imposible. Imposible talaga.

He chuckled before speaking. “Masyado syang possesive pagdating sayo. Ayaw nyang may lumapit na ibang lalaki sayo. Now tell me ano tawag mo don?”

“He’s just being protective. Ganun sya sa lahat ng kaibigan nya.”

“Whatever Ana. Let’s go baka pagdating natin don tapos na ang party.”

~~

“Vice.....” She moaned in pleasure while Vice was tracing kisses on her neck and his hands were busy caressing her exposed legs.

Yun ang bumungad sa kanya pagpasok sa venue ng party ni Vhong. Vice making out with a girl at sigurado sya si Kaye yun. Oo marami na itong naging karelasyon pero kahit minsan hindi pa nya ito nakitang nakipaghalikan. Ngayon lang. At ang sakit pala. Pakiramdam nya pinupunit ang puso nya.

“Hey. Are you alright?” concern na tanong sa kanya ni Sam.

Umiling sya. Hindi sya ok. Hindi. “Sabi sayo imposible diba? Ganyan ang mga tipo nya. Mga wild.” Napatawa naman sila pareho sa sinabi nya. Hinawakan nito ang mukha nya kaya nagtaka sya.

“Wag kang umiyak. Sayang ang ganda mo pa naman ngayon. Mag enjoy na lang tayo ok?” tumango naman sya dito. Tama sya nandito sila para sa birthday ni Vhong. Para magsaya at hindi para mag-emote.

..

“Samuel!” lumingon naman si Sam sa tumawag sa kanya. Napangiti sya ng malaki ng mapagsino yun.

“Ferdinand..” the two boys give each other a manly hugs.

“Musta na insan? Lalo kang pumopogi ah.” Vhong told him.

“Kaw din. Lalo kang pumuti. Ano iniinom mo?” napatawa naman sila.

“Sira. Natural yan. At wala akong iniinom.” Depensa ni Vhong. “Bat nga pala ang tagal mo? Tsaka sino yung chick na kasama mo kanina? Yun ba yung girlfriend mo. Pakilala mo naman.” Siniko-siko naman sya ni Vhong. Napailing naman sya. Hindi pa rin kasi ito nagbabago.

“Dami mong tanong insan.” Sabi nya. “At hindi ko girlfriend yun. Sya si Ana yung kababata ko. Yung kinukwento ko sayo remember?” napaisip naman si Vhong. Tila inaalala ang sinabi ng kanyang pinsan.

“Ahhh.. si Ana.. diba mas lalaki pa sayo kumilos yun? Anyare?” natatawang tanong nito. “Pakilala mo naman ako.”

“Dati yun. Hindi na ngayon. Tsaka kilala mo na sya no.” Nagtaka naman si Vhong sa sinabi nya. Pano nya makikilala si Ana eh hindi pa naman nya to nakikita eh.

“Sam gusto mong mallows?” napalingon sila sa nagsalita. Halos lumuwa naman ang mata ni Vhong sa nakita. Parang nakakita lang ng multo ang peg. Nakanganga pa ito. Literal na nakanganga.

“Parekoy ikaw ba yan?!” hysterical na tanong nito sa kanya. Nagpaikot ikot pa ito sa kanya. Tiningnan sya mula ulo hanggang paa tila hindi makapaniwala sa nakikita nya. “Wow parekoy ang ganda mo. Kras na kita.” Medyo nailang naman sya pero natawa rin sa huli. “Seryoso ang ganda mo talaga.”

“Salamat Vhong.” Medyo nahihiyang sabi nya.

“Welcome. Teka maiba ko, akala ko di ka makakapunta?”

“Akala ko rin eh. Pero yung pinsan pala nitong si Sam na may birthday at ikaw ay iisa lang. Kaya ayon... Gift ko nga pala sayo. Happy bornday Vhongskie.” Tinanggap ito ni Vhong at nagpasalamat.

“Thanks K nag-abala ka pa.”

“No ka ba wala yun. Malapit na rin naman birthday ko eh. Bawi ka na lang.”

“Ayun lang..” natawa naman silang tatlo kaya medyo napatingin sa kanila yung ibang bisita. At isa na don si Vice.

Narinig ang isang pamilyar na tawa. Hindi sya pwedeng magkamali. Sigurado sya si Karylle yun. Sa tagal ba naman nilang magkaibigan kilalang-kilala na nya ang tunog na tawa nito. Pero imposible yun dahil kasama nito yung hilaw nyang kababata.

Tumingin naman sya sa paligid at napadako ang tingin nya sa tatlong taong nagtatawanan. Agad naman nyang nakilala si Vhong. Medyo pamilyar sa kanya yung isang lalaki pero dahil nakatalikod ito hindi nya masyadong mamukhaan. Napatingin naman sya sa babaeng kausap ng dalawa. Nakaside view lang ito pero natatakpan ng buhok nya ang side ng mukha nito. Hindi nya maintindihan dahil bigla na lang bumilis ang tibok ng puso nya. Kinakabahan sya. Marahil dahil sa alak. Isip nya.

“Ayos ka lang?” tanong sa kanya ng babaeng kasalukuyang nakatayo na ngayon sa harap nya.

“Yeah. Excuse lang. Puntahan ko lang si Vhong.” Paalam nya. Hindi na nya hinintay ang sagot nito at nagsimula na syang maglakad papunta kay Vhong. Sakto namang napalingon ito sa direksyon nya kaya kinawayan sya nito. Napalingon rin yung lalaki sa kanya at ngumiti.

“Sam?” bulong nya. Anong ginagawa nito dito. Akala nya kasama nito ang parekoy nya. Tiningnan nya ang babaeng kasama nito. Naka side view pa rin ito. Hindi kaya.........

“Brad dali papakilala ko pinsan ko sayo.” Sabi ni Vhong. So si Vhong pala ang pinsan nya.

“I know him already. Ana introduces us.” Sam said. Hindi naman nya masyadong inintindi ang sinabi nung dalawa dahil nakafocus lang ang tingin nya sa kasama nilang babae. Hindi ito nakatakas sa paningin ng magpinsan.

Vhong and Sam eyed each other at sabay na nagsmirk. Vhong nodded his head as a signal for Sam to do what they’re thinking both.

Sam put his arms around her shoulder at pinaharap kay Vice. Nagtagis naman ang ngipin ni Vice sa nakita. Napansin naman ito ni Sam at mas lalo pang nilapit si Karylle sa kanya..

Medyo nagulat sa una. Hindi nya alam na ganito pala kaganda ang parekoy nya kapag naayusan. She’s so gorgeous. Isip nya. Nagtama ang mga tingin nila pero bakit parang ang awkward? Ano bang nangyayari sa kanila. Para bang first time nilang magkita eh.

“Hey guys pwede naman siguro tayong umupo diba?” suggest ni Vhong.

~~

Awkward atmosphere ang namamayani sa table nila. Lalo na ngayon na silang dalawa naman. Bakit ba sila na-aawkward eh bestfriend sila. Ano ba to? Isip ni K.

Nagpaalam si Vhong dahil dumating ang parents nya galing states. Si Sam naman ay umalis na kasi susunduin nito ang girlfriend sa airport. Gustuhin man nyang sumama at magpahatid na lang pauwi pero ayaw naman nyang maka abala. Kaya no choice sya kundi mag paiwan dito. Papahatid na lang sya kay Vhong mamaya.

“Lumpia oh.” Alok sa kanya ni Vice. Nakatapat na ito sa bibig. Akmang kakagatin na nya ito pero bigla namang nilayo ni Vice. Natawa naman si Vice. Sinimangutan nya ito at nagpout.

“Wag kang magpout baka halikan kita dyan.” Bulong ni Vice.

“Ano?!” pasigaw na tanong ni Karylle. Hindi kasi nya masyadong narinig ang sinabi nito sa lakas ng music. Umiling lang si Vice sa kanya.

“Vice, let’s dance.” Hindi naman hinintay ni Kaye ang respond ni Vice at bigla na lang itong hinila papunta sa dancefloor. Medyo wild ng yung mga tao. Marahil lasing na rin sila.

Naiwan naman sya magisa. Tiningnan lang nya magsayaw yung dalawa. Isang hakbang na lang maghahalikan na sila. Enjoy na enjoy naman yung isa. Umiwas na lang sya ng tungin at nilagok ang wine sa baso nya. Hindi naman sya nakuntento sa isa at kumuha pa ulit sa may bar counter. Medyo tipsy na rin sya kahit apat na baso pa lang naiinom nya. Mababa kasi talaga ang alcohol tolerance nya. That’s why.

“Hey miss. You wanna dance?” tanong sa kanya ng isang lalaki. Gwapo at matangkad ito. Agad na pumayag naman sya sa offer nito. Feel nya sumayaw ngayon. Bago sila tumungo sa dancefloor ininom muna nya ang isan baso ng tequila sa table.

..

The DJ was playing wild music. She’s swaying her hips along with the music. Nakatalikod sya sa lalaking kasayaw nya habang hawak nito ang bewang nya. The beat was slow yet sexy. Hindi na nya napansin na napapalibutan na sya ng mga boys. They’re obviously enjoying what she’s doing. Lumayo sya sa kasayaw nya. Halata sa mga mukha nito na nadismaya sila sa paglayo nya. Pero mas lalo naman nagliwanag ang mga mukha nito ng makita kung san sya pumunta.

Umakyat sa mini stage. She put her back to the pole and started to sway her body. Pole dancing ang trip nya ngayon. A guy climbs up the stage and danced with her. She grabs his neck and dance with him seductively. She turned her back and she can feel a hard thing poking her back. Being the innocent girl she ignore it thinking that it was just his belt. She continues her dirty dancing with the guy.

“Sh*t Karylle..” he cursed ng mapagsino kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga lalaki don. Namumula ang mukha nito at medyo tirik na ang mata. Lasing to. Dali dali syang pumunta sa mini stage, ignoring Kaye. Ang kulit rin kasi nito.

“Hey dude can’t you see were dancin’?” sita sa kanya ng lalaking manyak na kasayaw nito. Tiningnan nya ito ng masama.

“She’s my girlfriend. So backoff.. Dude?”

that's it for now. part 2 will be posted soon..

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
46.5K 1.4K 49
JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine
5K 181 31
slam dunk fan fiction
115K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...