DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIP...

By Vanessa_Manunulat

110K 2.4K 106

Alexandra was married to Pablo. She thought he was the perfect husband. And he was a great father to their ki... More

Introduction
Prologue - Mrs. Filomino
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Epilogue - Mrs. Filomino

Chapter 5

7.1K 182 11
By Vanessa_Manunulat

Chapter 5

Pablo understood Alexandra. Or at least, he was trying to. Nagseselos ito kay Judie, halata naman iyon. At marahil nga, mabuting hindi muna sila nagtatabi pansamantala. Sana ay pansamantla lamang lahat ng iyon. Magdadalawang linggo nang doon siya natutulog sa kabilang silid. At hindi na siya sanay.

Nabigla siya nang sabihin nito sa kanyang ayaw muna siya nitong makatabi. Tatanggi sana siya subalit nangamba siyang lalo lamang itong makadama ng inis sa kanya kung ipipilit niya ang gusto.

Noong ikatlong gabing sa kabilang silid siya natulog ay tinangka niyang pumasok sa silid nila. Naisip niyang baka naman isa iyon sa mga style ng babae na kunwari ay ayaw pero ang totoo ay gusto lamang ng kaunting pagsuyo. He was mistaken. Alexandra said if he didn't want to sleep in the other room she would. Hayun, napilitan siyang bumalik doon.

Kasalanan din niya siguro. Hindi niya agad sinabi ritong matagal na silang nagkikita parati ni Judie. Iniiwasan lang naman niya ang pagseselos nito. Gaya na lamang noong nakita sila nito doon sa Polo Club.

Alam din niyang maraming insecurities ang asawa niya. Hindi naman lingid sa kanya ang pagpapangaral na lang parati dito ng kanyang ina. He admired Alex for being able to stand his mother.

Noong nagkita silang muli ni Judie, aminado siyang iba ang nadama niya. Nagkaroon man sila nito ng closure nito dati, parang hindi pa rin niya iyon maikonsiderang closure. They both knew they felt something for each other still when they said their goodbyes.

Hindi naman kaila kay Alexandra na napilitan lamang siyang pakasalan ito. Subalit sa pagdaan ng panahon ay natutunan na rin niyang palaguin ang atraksiyong noon pa man ay nadama na niya rito.

Hindi naman niya maaaring kalimutan na kaya nga may nangyari sa kanila ay dahil attracted siya rito. She was very pretty and very smart. Most of all, she gave him what Judie didn't---time and obvious admiration.

He loved his family. Hindi na niya makita ang sarili niyang hindi kasama ang kanyang mga anak. So now he wished everything could go back the way it was before.

Naisip niyang stressed out lang siguro si Alexandra. Alam niyang hindi madaling alagaan ang mga anak niyang kumbakit naman kahit hindi ipinaglihi sa kitikiti ay ubod nang lilikot. Hindi rin naman madaling alagaan ang kanilang bunso kasabay ng pagtingin sa triplets.

He prayed nightly for things to be okay.

Nang hindi siya makatiis sa silid ay nagpasya siyang katukin ang asawa. Pinatuloy naman siya nito. Nakaupo ito sa kama, may binabasang kung ano.

"How are you?" he tentatively asked.

"I'm okay. I need to talk to you."

"Sure." Tumabi siya rito. Akmang aakbayan niya ito nang umurong ito palayo. He sighed.

"You've always wanted me to get help around the place. Nakakita ako ng magandang agency. Let's hire two more maids and one yaya."

Napangiti siya at tumango. "That's a great idea. Maganda nga 'yon, hindi ka na mahihirapan sa mga bata."

"And a driver, too."

"Sure."

"Kumuha ako ng exam sa La Salle for my MBA. I want to enroll this coming sem."

Doon siya hindi agad nakakibo. Pinakatitigan niya ito. She looked so darn serious. And so darn pretty. Ang buhok nitong parating nakatali lamang, ngayon ay nakaladlad, iba ang gupit. Her face was glowing, too.

Aaminin niyang dumating ang pagkakatong lihim niyang hinihiling na sana ay maalala nitong bumisita sa parlor noon. And he would have liked it if when he came home from work she would be in nice lingerie and not her pajamas. But he always thought that was expecting too much. She was a mother of three brats and one baby girl. But he missed those days when they would make love so passionately. Hindi iyong parating pagod na ito. Kundi man ay siya ang pagod sa trabaho.

"Uh, what about the kids?"

"We're going to hire help."

Muli ay pinagmasdan niya ito saka tumango. Maybe that's what she needed. Alam naman niyang kung hindi ito nagbuntis ay ibig talaga nitong makapag-aral muli. He understood that maybe she felt as if something was lacking in her life. Naroon lamang ito parati sa bahay, nag-alaga ng mga bata.

"You're going to be a school girl once again. You know what would turn me on? Seeing you in a school uniform." He grinned at her. But what a disappointment when she gave him a lame smile in return.

"I won't be wearing one. After five ang mga klase ng MBA, ang iba kapag Saturdays."

"Right," was all he was able to say.

ALEXANDRA felt good again. It was her third day in school. Almost all her classmates were professionals. Isa iyong bagong phase sa buhay niya. For the first time after a very long time, she felt her importance as a person, not only as a mother and a wife.

Ang problema lamang niya ay nagsisimula pa lang siya sa eskuwela ay nakatiyempo na kaagad siya ng propesor na terror, isang dean na overachiever. Unang meeting nila ay sinabi na nito kaagad na hindi ito mapapakiusapan ng mga estudyanteng may anak, ibang trabaho, o nagkasakit.

She could only hope she could pass the subject. Wala siyang planong ibagsak isa man sa mga subjects niya. Mabuti na lamang at mabilis matuto ang mga kinuha nilang bagong kasambahay.

Kadalasan ay naiisip pa rin niya ang ginawa ni Pablo. Mahirap para sa kanyang kalimutan na lamang iyon basta. Iyon nga mismo ang dahilan kung bakit naisipan niyang mag-aral muli. She needed something in her life to take her attention away from the sordid fact that her husband was fooling around with his ex.

Ilang ulit itong nagtangkang kausapin siya tungkol sa bagay na iyon subalit iniiwasan niya ito. Iniiwasan niyang pag-usapan nila iyon. Pakiramdam niya, kapag nagsimula siya ng ganoong usapan, kapwa lamang sila masasaktan.

Umaasa naman siyang maaayos pa nila ang lahat. Kaya nga sila nagkaroon ng mild separation. Gusto niyang maisip nito ang mga pagkakamali nito. Gusto niyang maaalala nito kung gaano kahalaga rito ang pamilya nila. She wanted him to realize how his life go be if things would change.

Kung anuman ang kahihinantnan ng pagkaunawa nito sa mga pangyayari, natitiyak niyang iyon ang para sa ikabubuti nila.

Isa pa, kailangan din niyang i-reassess ang buhay niya. Nawalan na kasi siya ng sarili niyang buhay sa nakalipas na ilang taon. Naging maybahay siya at nalimutan na niya ang sarili niya. Habang nagsisilakihan ang mga bata, habang nagtatrabaho at nakakahanap ng sidedish ang asawa niya, naroon lamang siya at steady sa buhay niya. She didn't want to continue going down that road. Baka isang araw ay magising na lamang siyang nagtatanong kung bakit siya napag-iwanan doon.

Dahil sabik siya sa bagong bahagi na iyon ng buhay niya ay mas marami pa siyang gamit pang-eskuwela na nabili kaysa sa triplets. At pati ang mga reference books ng kanyang mga propesor ay kumpleto siya. Naaalala niyang noong kolehiyo siya ay ayaw na ayaw niyang bibili ng mga libro, kuntento na siya sa photocopies. Ngayon, para siyang magdo-doctor of medicine sa dami ng naglalakihan niyang libro.

Mukha namang masaya rin si Pablo sa takbo ng mga pangyayari. He even said maybe it was what she needed. Sa isang banda ay natutuwa siyang nauunawaan siya nito.

She listened to her professor, taking notes every now and then. Nag-a-adjust pa siya sistema ng eskuwela. Parang napahinga nang husto ang utak niya. Nagbigay ng test ang propesor tungkol sa business philosophy. Essay form. Puno ang papel niya, puno ng kabalbalan. Hindi pa niya nababasa ang libro maigi.

Nang maipasa nila ang papel ay napapailing siya.

"Does that mean you didn't ace it?"

Napalingon siya sa nagsalita. Wala sa first meeting ang kaklase niyang ito. Malaki itong lalaki, guwapo, mukhang napakalinis.

"I'm Quentin. Some people call me Kintin, some Kwentin, others just Q."

Napangiti siya. "Alexandra. I didn't see you in our first meeting."

"I was in surgery, sewing his ass. Now you understand why he's uptight."

Napahalakhak na siya. Mukhang hindi rin maganda ang impresyon nito sa propesor nila. Bitbit niya ang libro ay lumabas na siya sa classroom, kausap niya ito. Nagtanong lang ito kung ano na daw ba ang na-miss nito at mukhang napakarami na raw. Wala daw itong nasagot sa papel kundi kabalbalan. Pareho sila.

"So you're a doctor? What the heck are you doing here then?"

"My father's last wish. He wanted me to finish his book. Business book. This is not my thing. I got my diploma in business management mostly through cheating. But don't tell anyone."

Napangiti siya. "What kind of a doctor are you?"

"Plastic surgeon. What's the deal with you? How many kids?" Nakatingin ito sa wedding ring niya.

"Four. Triplets, all boys, and a baby girl."

"Triplets, huh? Wow. Hey, can I interest you with a study group? I really need all the help I could get. With all the surgeries and things I have to do, you know."

"Sure."

"Cool. Study hard. Mangongopya na lang ako. Kapalit ng tummy tuck. Not that you need one, of course."

Tawa siya nang tawa habang kausap ito. Hanggang sa magpaalam na rin ito, nagbigay ng tarheta sa kanya. Nakangiting ibinulsa na niya iyon.

She wanted to share her first failing exam story with someone. And the first person she thought about was still Pablo. Tinawagan niya ito subalit hindi ito sumasagot. Naisip niyang baka nasa meeting ito kaya ang tinawagan niya ay ang sekretarya nito.

"Oh, he's in a meeting, Alex. Kausap niya ngayon si Judie sa office. You want me to tell him you're holding?"

"N-no. But thanks." It's six PM and he's in a meeting with Judie...

Umuwi na lamang siya, samang-sama ang loob. Hindi pa man siya nakakapagpalit ng damit ay tumawag na si Pablo sa kanya.

"You called? How was your day? How's school?"

Did you just have sex with Judie? Nawala na ang plano niyang pagtawanan sana nila ang posibilidad ng paglagpak niya sa unang eksamin niya. Paano pa siya makakatawa ngayon?

"It's great. I just called to... to..."

"To say I love you?"

Nahihimigan niyang nakangiti ito marahil sa kabilang linya. At natawa na siya marahil kung hindi lamang niya alam na kani-kanina lang ay nasa opisina nito si Judie. O baka nga hanggang sa mga sandaling iyon ay naroon pa rin ang babae.

"Nahihirapan ako sa isa kong subject. May kaklase akong nag-suggest ng study group."

"That's great, honey. I'm here for you. Anything you need."

"Thank you." You bastard. What I need is for you to stop your affair with Judie. Muli na naman niyang naalalang sa lahat ng maaaring makakita ritong kahalikan ang babae ay kailangan pang ang mga anak nito ang makasaksi doon.

Gusto man niyang mag-aral ay hindi na niya magawa. She found herself looking at family photographs. She wondered in those shots where Palbo looked so happy if he was deep inside yearning to be with Judie.

"Mommy!"

Nagpasukan sa silid niya ang kanyang triplets. Pinaghahalikan siya ng mga ito.

"Did you miss Mommy?"

"We did!"

Nagkilitian sila ng mga ito. Hanggang sa dumating na si Pablo. Bigla na lamang itong tumalon sa kama at isa-isang hinagkan ang mga anak. Nabigla siya nang walang abug-abog nitong siniil ng halik ang labi niya. Noon lamang nito iyon ginawa sa harap ng mga bata. Karaniwan ay smack lamang sa harap ng mga anak ang ibinibigay nito sa kanya.

"P-Pab..."

"You taste wonderful and I miss you."

Nagbaba siya ng tingin. Oh, her body wanted him, her heart was in doubt though. "I'm tired, Pab. And hungry. Everyone hungry? Aling Luring cooked fried chicken."

The triplets cheered. Nagmamadali siyang tumayo na. Malapit sa pinto ay hinawakan ni Pablo ang kanyang braso.

"Alex---"

"I said I'm hungry. Let's go." Tipid siyang ngumiti rito at nagmadali nang tinakbo ang triplets.

Pagbaba ay inabot sa kanya ni Aling Luring ang telepono. It was Shelley calling.

"Mister Filomino met an accident. He's in the hospital right now. Jaye and I are going, I guess. Tomorrow."

"What kind of accident?"

"Car accident. I heard he's severely burned. Sasama ka ba?"

"Yes. After class siguro."

She announced it to her husband. Narinig iyon ng triplets.

"Is he gonna die?"

"Mrs. De Dios said he's an evil man. Maybe he's gonna die and go to hell."

"Daniel!" sawata kaagad dito ni Pablo, saka tumingin sa kanya. Nagtataka rin siya sa sinabi ng anak.

"Mrs. De Dios told you that?"

"Yes. We told you that, too. Don't you remember?" Nagsimulang magkuwento ang tatlo---kung paanong nakita ng mga ito si Mister Filomino na may inilagay sa toolbox ng asawa na ngayon ni Shelley na si Marcus, at nang malaman iyon ni Mrs. De Dios ay sinabi nito sa mga batang "evil man" ang lalaki.

Kinilabutan siya. She looked at Pablo. Nakatingin din lamang ito sa kanya. Alam nila kapwa na inimbitahan sa presinto noon si Marcus dahil sa pagkakita ng alahas ni Gracia Lopez doon. Sa huli, konklusyon ng pulis na hindi sapat ang ebidensiya. Ang sabi rin ni Shelley sa kanya, sinabi raw dito ni Marcus na nakausap nito si Mrs. De Dios. Ang sabi raw ng babae ay naniniwala itong hindi si Marcus ang pumatay sa kapatid nito.

It meant only one thing: Mister Filomino murdered Gracia Lopez. And Mrs. De Dios knew.

Hindi siya halos makakain. Noon pa man ay palaisipan na sa kanya ang mga pangyayari sa Sweet Homes. Nagsimula ang lahat sa pagpapatiwakal ni Mrs. Filomino, at ang hindi nila sinasadyang pagkatuklas ng blackmail note sa mga gamit nito. Sa pag-iimbestiga ni Shelley ay nalaman nitong nagsisinungaling sa kanila si Mister Filomino nang sabihin nitong ang blackmailer ay walang iba kundi ang asawa mismo nito. May sakit daw itong schizophrenia. May ipinakita pa itong gamot sa kanila, gamot na iniinom diumano ng asawa nito bago ito pumanaw.

Shelley found out Mrs. Filomino could not have taken those drugs for she had blood problems. If she did, she could've died from taking those. So why would Mister Filomino lie about that, thus, making them think his wife had mental illness.

And now this revelation. Mister Filomino murdered Gracia Lopez, the neighborhood gossip. But why? May koneksiyon ba iyon sa asawa nito? Did he discover it was Mrs. Lopez who was blackmailing his wife? Pero ano ang lihim ni Mrs. Filomino upang i-blackmail ito ni Mrs. Lopez? Mrs. Lopez was the nicest and wisest person she knew. She had a kind heart.

"Honey?" pukaw sa kanya ni Pablo.

"I can't believe it."

"Don't think about it. Baka kung ano lang ang inilagay niya doon."

"But what would that be?"

Pinisil nito ang palad niya. Natapos nang kumain ang triplets. Inayos na ng yaya ang mga ito. Sabay naman silang pumanhik ni Pablo.

"You want me to sleep beside you?"

"That would be nice."

Habang nakahiga sa tabi nito ay hindi maalis sa isip niya ang mga katanungan. Kasabay niyon, damang-dama niya ang higit na malaking katanungan sa isip niya: kaya niya kayang kalimutan ang lahat ng ginawa ni Pablo? At kung sakaling kaya niya, kaya ba nitong kalimutan si Judie?

He was there, his arms around her, yet she felt as if he was galaxies away. She rolled off his arms. Narinig niya ang buntong-hininga nito. She closed her eyes shut and prayed for them to make it.

Because at the end of the day, it was still Pablo she wanted to be beside her every night of her life.

out she was p

Continue Reading

You'll Also Like

414K 25.2K 20
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...
19.9K 1.3K 21
Book II of the original book: A thousand years After over 800 years of Y/N's tragic death, Taehyung who has now become the King of Hades roams in the...
30.1K 452 15
-A CRK x Reader Oneshots/Hc/Preferences! -โ˜…Slow Updates โ™กFINISHED. โ—‡under editing. ร—In which Cookies grew interests in you, eversince you met. And ha...
99.8K 3.1K 31
His life was perfect after the war with Gaia. He was in a happy relationship with his girlfriend. Camp only seemed to get better, new campers started...