DARK CHOCOLATE SERIES 6: TRIP...

By Vanessa_Manunulat

110K 2.4K 106

Alexandra was married to Pablo. She thought he was the perfect husband. And he was a great father to their ki... More

Introduction
Prologue - Mrs. Filomino
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Epilogue - Mrs. Filomino

Chapter 3

7.2K 202 0
By Vanessa_Manunulat


Chapter 3

"Honey, please get Davies. He's pooping."

"All right, I got him."

Tuwing umaga na lamang ay hindi maaaring hindi pawisan si Alexandra sa pag-aasikaso sa triplets. Noong una, naisip niyang isang malaking biyaya na hindi nagkaroon ng komplikasyon ang kanyang panganganak at hindi na kinailangang i-incubator nang matagal ang triplets nang maisilang ang mga ito. They all lived, unlike other triplets.

Ngayon, pakiramdam niya ay isa iyong sumpa.

Overactive yata ang mga ito, maliliit pa lamang. Napakalilikot ng mga ito, hindi pa man. Ang bilis ng mga itong magsilaki. Mana ang mga ito sa ama. Alam niya iyon sapagkat iyon ang sinasabi ng kanyang biyenan sa kanya---na hindi napigilang magtungo sa kanila ng madalas kahit na lumayo na sila rito.

Kahit nakakatulong namang talaga ito ay hindi pa rin siya natutuwa rito. Lalo na itong nakahanap ng dahilan para punahin ang mga pagkakamali niya, lalo na sa pag-aalaga sa triplets na ngayo'y malapit nang mag-isang taon.

Unang plano nila ni Pablo ay kumuha ng nurse para makatulong niya sa pag-aalaga ng mga bata dahil umpisa pa lamang ay natuklasan na nilang hindi niya kayang alagaan mag-isa ang mga ito. She knew nothing about taking care of an infant, much more three very healthy and active ones.

Ang plano ay siya na mismo ang nagbasura. She changed her mind when her mother-in-law said, "Noong nag-aalaga ako sa mga anak kong mas malilikot pa sa mga anak ninyo, ako lang mag-isa ang gumawa noon. I did all the household chores at the same time. Si Helen, siya rin ang nag-alaga sa mga anak nila ni Paolo. Hindi siya kumuha kahit kailan ng yaya. But of course, I could understand if you need help. Iba ka, iba ako. Iba si Helen, iba ka."

Kaya ngayon ay kinakaya niyang siya lamang mag-isa ang nag-aalaga sa mga anak nila ni Pablo. Mayroon naman siyang maid sapagkat maloloka na siya kung siya pa ang gagawa ng gawaing bahay, subalit pinanindigan niyang kaya niyang mag-isang mag-alaga sa mga anak niya. Kumbakit naman kasi lahi ng kambal at triplets ang asawa niya. May isang pinsan itong triplets. Dalawang pinsan nito ang kambal ding tulad nito at ni Paolo.

Laking pasasalamat na lamang niya at maunawain si Pablo sa kanya. Everyday, she thanked God for him. Mabilis lumipas sa kanya ang pagdududa sa damdamin nito. Mahirap na isipin pa iyon gayong pagod na pagod na siya sa pag-aalaga sa mga anak nila. Isa pa, nakikita niya naman kung gaano nito pinahahalagahan ang pamilya nila.

Ang dami nitong sakripisyo para sa kanila. Alam niyang marami itong aktibidades na hindi na nito ginagawa ngayon para sa kanila. Wala na itong sports na sinasalihan, ni hindi na ito naggo-golf. Dati ay aktibo ito sa sports---golfing, firing, tennis. Ngayon ay kadalasang naroon lang ito sa bahay kapag weekends, tinutulungan siya sa mga anak nila.

Matapos pulbusan ang bunsong si Dennis ay inayos naman niya ang panganay na si Daniel. Nakakalakad na ang mga ito nang hindi kailangan ng alalay, bagaman hindi pa nagsasalita nang matatas.

Her sons were handsome. Very, very handsome. Kamukhang-kamukha ang mga ito ng ama. Hiling lang niya ay sana naman ay hindi magpatuloy ang sobrang kalikutan ng mga ito. Ang sabi sa kanya ng kanyang ina ay may mga bata naman daw na sa paglaki ay nababawasan ang likot. Sana'y ganoon ngang talaga, kundi'y baka makalbo siya sa mga ito.

"All clean and cute," ani Pablo, bitbit ang anak. Nakadamit-pang-opisina na ito subalit may mga insidenteng ganoon na kahit nakaayos na ito at paalis na kailangan munang tumulong sa kanya.

Inamoy niya ang damit nito. "Okay, smells good still."

"I don't smell like poop?" Ngiting-ngiti ito.

"No. You smell good."

Dumako ang kamay nito sa pang-upo niya. "I smell good enough for a quick something-something?"

Inilayo niya ang kamay nito at hinagkan iyon. "Yes, but we can't do it. The kids are awake."

"I miss you." Hinagkan nito ang gilid ng kanyang leeg, walang pakialam kahit amoy-Gerber siya.

"Honey, I do, too. But look at me."

"You look great, honey. Come on, they're in the crib. They can't jump off. Come on." He placed her hand on his arousal.

She looked at their kids. Abala ang mga ito sa laruan sa ubod-laking crib. She looked at Pablo. "Nakabihis ka na, eh."

"Madaling magbihis ulit."

Hinigit na siya nito patungo sa banyo. Nagmamadaling naghubad na sila. She sat on top of the counter. Their foreplay was not much, a bit of kissing and touching here and there. Nagmamadali siya. Gustuhin man niyang ituon ang buong atensiyon sa kanila ay hindi niya magawa. She was thinking of the kids.

"Are you done, honey?" she asked after a while.

Ang lalim ng buntong-hininga nito. "Yes, but I know you're not."

"It doesn't matter." Agad niyang inayos ang sarili. "We'll do it again later, okay? I'll let them sleep early. I'll light some candles, we'll have champagne. I'll go down on you, you'll go down on me. We're going to make slow love like we used to."

Noon ito napangiti. "All right. You're the boss... But don't you want to rethink the nurse idea? How about a yaya? They're big enough for a yaya. We don't need a professional nurse anymore."

"Kung nakaya ko noon, mas kaya ko na ngayon. I can handle them."

"You don't need to prove my mother anything, honey."

Oh, yes, I do. "I'm not trying to prove her anything. Tingin ko lang, magsasayang lang tayo ng pasuweldo kung kukuha pa tayo ng yaya. One maid is enough."

"Hindi tayo magsasayang ng suweldo. Ano ka ba? It's not like we can't pay for it. I can get you twenty maids if you would just ask me to."

"Hindi ko kailangan. We're not discussing that again, Pab." Hinagkan na niya ang mga labi nito upang matahimik na ito.

Pagbalik nila sa silid ay pinupukpok na ni Daniel ng rubber hammer ang ulo ni Davies. Si Davies ay tawa nang tawa habang nire-wrestling ito ni Dennis.

"Are you sure?" ulit ni Pablo, bahagyang nakangiwi.

"A hundred percent. Now go."

Tumango ito, isa-isang hinagkan ang mga anak saka umalis. She spent the whole day like she always had---taking care of the kids. Sabihin pang hindi madali iyon ay masaya siya. Tingnan lang niya ang cute na mga anak ay hindi na niya maiwasang hindi matuwa sa mga ito.

At kahit bata pa, may kanya-kanya nang personalidad ang mga ito. Kahit nakapikit pa siya, kilala niya ang mga ito kahit magkakamukha at magkakasinlaki ang mga ito. Daniel was the leader, Davies was the most shy though no one would consider them all shy. Dennis was the mediator. And they were very bright kids.

Bandang hapon ay nauna pang mamungay ang mga mata niyang inaantok kaysa sa mga ito. Pinatulog niya ang mga ito at maging siya ay nakatulog, dahilan para sumobra ang tulog ng mga ito. Nangyari ng ilang ulit na dati na kapag sumobra ang tulog ng mga ito sa hapon ay ang tagal bago makatulog sa gabi.

Ang plano niyang paghahanda ng gabing iyon para sa kanilang mag-asawa ay naantala ng mga batang ayaw magsitulog. She saw the disappointment on her hudband's face but she knew he understood. He said so himself.

Nang pumasok ito sa silid nila, kung saan naroon din ang crib ng triplets, ay bumuntong-hininga ito.

"Tomorrow night would have to make do," he said and joined them after changing. Lima na silang nasa malaking crib, nagpapatulog sa mga bata. "Why can't you boys, sleep?"

Napahagikgik siya. They ended up playing with them. Hinahagkan niya si Dennis nang bigla siyang hagkan ni Pablo. Nakita niya sa mga mata nito ang tinging parati niyang nakikita doon---warmth and love. Her heart swelled.

"Thank you for them, honey."

"Daddy loves Mommy."

Sabay silang napatingin kay Dennis. Iyon ang kauna-unahang pangungusap nito. Dali-daling kinuha ni Pablo ang camera at kinunan silang mag-iina ng larawan.

"My youngest's first sentence!" bulalas nito. He got the tripod and set up the camera. "Smile!"

Nang ma-develop iyon ay pinalakihan niya at nilagay sa frame. She put it on a shelf downstairs for everyone to see. That was her family. Her wonderful kids, and the man she loved so much.

NANG sumampa sa ikatlong taon ang triplets ay nagsimulang masubukan ang pasensiya ni Alexandra. Ang tatangkad na ng mga ito kaagad, papasa nang five years old. At ang likot, hindi nabawasan gaya ng inaasahan niya, bagkus ay lalo nang dumoble.

Ang sabi sa kanya ni Jaye, isa sa mga naging kaibigan niya sa Sweet Homes, baka daw mayroong ADD ang mga ito, Attention Deficit Hyperactivity Disorder. Kahit nabasa na niya minsan iyon sa isang artikulo sa isang magazine, at malakas ang hinala niyang ganoon nga, ayaw naman niyang patingnan sa child psychiatrist ang mga ito. Idagdag pang ang pediatrician ng mga ito ay siya ring pediatrician nina Pablo noon. Ang matanda ay hindi naniniwala sa ADD.

She did not want to make her kids take medicines for ADD. She felt funny even thinking about it. Mababait naman ang mga anak niya, sobrang lilikot nga lamang. Ganoon din naman daw ang kambal na Pablo at Paolo noon, kaya hindi siya nag-aalala.

Sa pagdaraan ng panahon, natuto na siyang maka-adapt sa buhay niya bilang Mrs. Quirino. It was not easy. Pakiramdam niya ay napakarami niyang obligasyon bilang may-bahay ni Pablo. It was not simple to be a part of such rich family. Somehow she survived.

And somehow, she managed to make her mother-in-law see that she was not going to let her run her family. Unti-unting nabawasan ang madalas nitong pagbisita hanggang sa maging minsanan na lamang iyon. Para na siyang nabunutan ng tinik. Iyon nga lang, sa tuwing magkikita sila ay naroon pa rin ang panaka-nakang pamumuna nito sa kanya. Kapag sobrang tigas ng ulo daw ng bata ay dapat na pinapalo ng sinturon. Hindi siya naniniwala doon kaya hindi niya ginagawa. Ang pinakaparusa niyang pagpalo sa mga ito ay mahina lamang at sa kamay lang. She was raised that way, too, and she thought it was effective.

Nang hapong iyon ay mag-anak silang nagtungo sa Manila Polo Club. Birthday ng bunso ni Paolo at doon ang selebrasyon. Nang makarating doon ay agad silang bumati sa mga magulang ni Paolo, saka sa may kaarawan. The kids started to play. Si Pablo ay sinamantala iyon upang makausap ang mga pinsan nitong lahat ay naroon din. He went to the driving range.

"How's everything?" tanong sa kanya ni Helen, asawa ni Paolo. Mabait naman ang babae sa kanya, subalit hindi siya masyadong komportable rito. Pakiramdam niya ay nabibigyang-diin lamang nito ang mga kakulangan niya bilang maybahay.

She wondered how she was able to look perfect when she had four kids to attend to. She was always impeccably dressed, her kids always looked perfect, too. Sa ilang pagkakataong nabisita niya ito sa bahay ng mga ito ay bilib na bilib siya sa linis niyon gayong isa lamang ang maid nito at doble ng laki ng bahay nito sa bahay nila.

"Fine."

"You look tired."

"I am always tired." Walang silbing pagtakpan niya ang bagay na iyon. Hindi na niya maalala kung kailan siya huling nakabisita sa parlor. Mabuti na lamang at ipinanganak siyang walang problema sa kutis, kundi'y baka kulubot na siya ngayon. The last facial she had was years ago.

"It's hard raising kids, building a family."

"How do you do it?"

"I just do the best I can."

"You make it sound so simple."

Bago pa ito makatugon ay tinawag na ito ng biyenan niyang lalaki. Mayamaya pa'y ang katabi na niya ay ang biyenan niyang babae. Gusto na niyang umuwi, hindi pa man bumubuka ang bibig nito.

"How are you, Mommy?" aniya.

"I'm great, as always. Oh, Judie's here."

Agad siyang nagbaling ng tingin sa babaeng papalapit. Her heart sank. She wished she put on something better. For Judie looked more beautiful than the last time she saw her.

Huling balita niya sa babae ay nag-concentrate ito sa sport nito---tennis. Sumali ito sa ilang paligsahan, nabasa niya iyon sa diyaryo. And then her business, a chain of retail clothes store, expanded all over Asia.

Ang unti-unti na sanang humuhupang inis niya sa kanyang biyenan ay nabuhay muli. Bakit ba kailangan pa nitong imbitahin ang babae doon? Alam niyang naging kaibigan na rin ng pamilya nito ang pamilya ng babae, subalit alam naman nitong naroon siya.

Nagbeso ang dalawa. "Judie, you remember Alexandra?"

"Of course. How are you, Alexandra?" Nakangiti naman ang babae sa kanya. There was no bitterness on her face.

"I'm great. How have you been?"

"Great."

Iniwan na siya ng dalawa doon. Agad niyang hinanap ang kanyang mga anak. Muntik na siyang napasigaw nang makita niyang nakalublob ang mga ito sa swimming pool. Ang mga ito lamang ang mula sa pamilya-Quirino doon.

"Daniel, Davies, Dennis!"

Hindi siya makasigaw doon dahil nahihiya siya sa mga tao. Hindi niya malaman kung sino ang unang pagagalitan, ang mga anak o ang tao doong hinayaan ang mga ito maglunoy doon. Paano na kung nalunod ang mga ito? Ang liliit pa ng mga ito!

Una'y ayaw ng mga itong umalis sa pool subalit napilitan na rin nang takutin niyang iiwan doon ang mga ito hanggang kumulubot ang mga balat ng mga ito. Mabuti na lamang at may baong damit ang mga ito. Ang kaso, siya ay wala. Basa na ang pantalon niya nang maayos ang mga anak.

Hinanap na nila si Pablo. He laughed when he saw them. Naroon pa rin ito sa driving range, kasama ang mga pinsan.

"Well, I guess we are going," paalam nito sa lahat.

Ito na lamang ang pinasama niya sa pagtitipon at nagtuloy na siya sa sasakyan. Paano pa siya tutungo doon gayong para siyang umihi sa kanyang salawal? Ang lilikot kasi ng triplets, bago niya naayos ay nagkandayakap na sa kanya.

Nang makita ang mag-aamang patungo na sa sasakyan ay napabuntong-hininga siya. Her kids looked cute with their father. Nagtakbuhan na tungo sa kanya ang tatlo. Isa-isang nakatikim ng mahinang palo ang mga ito sa puwit habang papasok sa van.

Paglingon niyang muli kay Pablo ay natigilan siya. Mukhang natigilan din ito habang nakatingin kay Judie.

She just held her breath, looking at them. Nakita niyang ngumiti si Pablo at tumango sa babae. The woman kissed his cheek and walked away. Isinara na niya ang pinto ng van matapos kabitan ng seat belt ang mga bata.

"Ready to go, guys?" tanong ni Pablo sa mga anak.

"Yes!"

Tahimik lamang siya doon hanggang sa hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. "Judie looks good."

"Yeah."

"You still feel something for her?"

"Shut up." Tumawa ito.

"Nagtatanong lang ako."

"At hindi ko gusto ang tanong mo." Nakangiti pa rin ito.

"I thought it was a Kodak moment, when both of you stopped and looked at each other."

"What are you talking about?" Nawala na ang saya sa tinig nito. Parang nainis na ito. Lalo lamang umalsa ang kanyang pagdududa.

"Do you still love her?"

"We're a family now, Alex. Please."

Natahimik naman siya kaagad. Ano ba ang pumasok sa isip niya? Nagkatinginan lang ang mga ito. Normal lamang iyong ganoong reaksiyon dahil ang tagal na hindi nagkita ng mga ito. Why was she being paranoid all of a sudden? Tama naman ito, isa na sila ngayong pamilya. At alam niyang hindi sila ipagpapalit nito.

"I don't want you seeing her again."

"Why would I see her again?"

"I just want you to promise me."

"I promise." Inabot nito ang kamay niya at pinsil iyon. Then he kissed it. "Humanda ka sa 'kin pag-uwi natin. Dudera."

Pag-uwi nila ay nagkasiyahan pa silang pamilya. Hanggang sa makatulog na ang mga bata. Maaga pa. They had the whole night for themselves. Just when they were about to kiss did she feel funny. Diretso siya sa lababo. She threw up.

The next day she found out she was pregnant with their fourth child.

Continue Reading

You'll Also Like

137K 2.3K 8
After the night will the remember what had happen to them?? Taehyung- an idol Y/N - a normal person
417K 25.3K 20
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...
19.9K 1.3K 21
Book II of the original book: A thousand years After over 800 years of Y/N's tragic death, Taehyung who has now become the King of Hades roams in the...
182K 4.5K 63
Somebody needed to make a poc Naruto x reader book One shots headcannons ~Highest ranking~ #12 NarutoxReader 1/14/20 #116 animexreader 12/27/19 #11 h...