DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN D...

By Vanessa_Manunulat

68.5K 1.8K 51

Shelley thought her life was perfect. She had a business that was doing well, good health, and the perfect, l... More

Prologue - Mrs. Filomino
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Epilogue - Mrs. Filomino

Chapter 6

5.1K 163 1
By Vanessa_Manunulat

Chapter 6

"Tickle, tickle."

"Ano ba?!" singhal ni Shelley kay Marcus. Kagabi pa niya ito hindi pinagpapapansin. Ni hindi niya ito sinabayan sa pagkain. Last night she couldn't look at his face.

Wala naman itong sinabi sa kanya matapos nitong mauwi sa konklusyon na nagwawala lang ang hormones niya. Sinabi nito iyon sa kanya kagabi. Kinabukasan daw ay malamang na mas mabuti na ang pakiramdam niya. He left her alone. Kahit sa pagtulog ay hindi nito inalis ang bolster pillow na isiniksik niya sa pagitan nila.

Pero ngayon ay ginising siya nito sa pagkiliti sa talampakan niya. Hindi pa rin siya natutuwa rito.

"Baby, stop playing with your mom's hormones," ngiting-ngiting sabi nitong hinaplos ang kanyang tiyan.

Tinampal niya ang kamay nito. "Shut up. I don't want to see your face. Why don't you just leave this house?!"

Natigilan ito. Maging siya ay hindi agad nakaimik.

"What's wrong, Shelley?"

"M-maybe this is not a good idea, after all."

"What is?"

"Us living together."

Matagal bago ito nakapagsalita. "What happened, Shelley? Why the sudden change of heart?"

"Think about it. Me and Rori will never get along. Before I got pregnant we were not okay. This baby would not change all that." Mas mabuti pang iyon na lang ang sabihin niya rito. Ni ayaw na niyang maisip kung paano tatakbo ang usapan nla kapag sinabi niya rito ang pinag-usapan nila ni Olivia. Mamumukha lang siyang kawawa.

Ginawa naman kasi siya nitong kawawa. Sa mga mata tuloy ngayon ni Olivia ay ganoon siya. Oh, she hated him so much.

Hindi na ito nagsalita pa. Nagtungo na ito sa banyo at nang lumabas ay nakaligo na. Tahimik pa rin itong nagbihis. Nakamasid lang siya rito, walang ideya kung hahakutin na nito ang damit o ano.

"I will be back later. Ano'ng gusto mong pasalubong?"

"Marcus---"

"I have decided to forget about what you said. We're going to have a baby and I know you need my emotional support. Let's leave at that for now."

Nakaawang lang ang mga labi niya hanggang sa makaalis na ito doon. She was so mad she could not move. Kailangan niya ng emotional support? Sira pala talaga ang ulo nito! Ano siya, bata?

Wala itong karapatang manduhan ang buhay niya. Sino ito para magsabing pabayaan na lang muna sila sa ganoon ang lahat sa ngayon? She was going to show him! If she wanted him out of her house, she was going to throw him out! There was nothing he could do to stop her!

Inempake na niya ang mga damit nito. Unang bagahe pa lang nito ang nailalabas niya sa lawn ay may dumating nang isang sasakyan. Mula doon ay umibis si Nanang Doring, ang yaya ni Marcus noon na hanggang ngayon ay naninilbihan sa mga ito.

"Shelley."

"Nanang Doring. Ano po'ng ginagawa n'yo rito?" Hindi pa man niya tapos ang katanungan ay sinenyasan na nito ang driver na umalis.

"Ikaw ang ano'ng ginagawa diyan, anak? Bag tila iyan ni Marcus?" Agad itong lumapit, maliksi ang bawat hakbang.

Malaking babae ito, puti na ang lahat ng buhok, pero ang mukha ay kaunting-kaunti pa lang ang linya. Binitbit nito ang bagahe papasok ng bahay.

"Nanang, hindi na po dito uuwi si Marcus mamaya."

"At bakit?" Pinakatitigan siya nito.

Kumbakit naman para siyang napahiya rito. "B-bahay ko po ito."

"Ang bahay mo'y bahay na rin niya. Ang bahay niya'y bahay mo na rin. Ganyan ang mag-asawa. Siguro ay nagkatampuhan kayo. Hindi solusyon ang ginagawa mong ito. Hala, mag-ayos ka na ng sarili mo't hayan at may muta ka pa. Pagbaba mo'y handa na ang almusal."

"Nanang---"

"Huwag nang matigas ang ulo mong bata ka. Pumanhik ka na at mabilis ka. Masama sa bata ang nagugutom ang ina."

"Pero---"

"May pinsan akong mahilig magpalipas ng gutom noong buntis. Nang lumabas ang anak ay may diprensiya sa utak. Iyon ba ang gusto mo?"

Napipilan na siya. Tumalima na lang siya sa sinabi nito. Mamaya na lang siguro sila mag-uusap ni Marcus. Ang lalaking iyon, hindi man lang ipinauna sa kanyang tutungo pala doon ang yaya nito. At base sa mga kuwento nito noon sa kanya, ang matanda daw ay napakabait. Pero mukhang hindi ganoon. Mukhang napakaistrikta nito.

Nang bumaba nga siya ay nakahanda na ang almusal. May gatas nang nakatimpla para sa kanya, itlog, kanin, at daing na bangus. Kung paano nito naluto nang ganoon kabilis ang lahat ay tanging ito na lang ang nakakaalam.

"Hala, kumain ka nang kumain. Pagkatapos niya'y magpahinga ka lang doon sa silid mo. Maglilinis ako dito."

Batas ang salita ni Nanang Doring nang araw na iyon. Wala siyang maikatwiran dito. At nang dumating na si Marcus ay hindi siya agad nakapagreklamo rito. Nakaharap kasi ang matanda.

Matapos ang masaganang hapunan ay nagtungo na siya sa silid. Nakasunod si Marcus sa kanya. Hinarap niya ito.

"HOW dare you!"

"What's the matter, pretty?"

"Anong what's the matter? I told you, I want you to leave me alone."

Tinawanan lang siya nito at nagtungo sa banyo. Sumunod siya hanggang doon pero agad na napatalikod nang bigla na lang itong maghubad.

"You can look."

"What are you playing at?"

"Nothing. What are you playing at?"

Impit siyang tumili doon at pabalagbag na isinara ang pinto. Naghintay siya sa silid. Sa isang silya siya pumuwesto. Nang lumabas si Marcus ay tanging tuwalya lang ang nakatapis dito.

"Get dressed and get out of my house."

Pasipol-sipol itong nagsuot ng boxer shorts, hindi na nag-abalang takpan ang sarili habang isinusuot iyon. Hindi ito nagsuot ng kamiseta, lumapit lang sa kanya at naupo sa tapat niya.

"Get out!"

"How was your day?"

"Get out."

"How's my baby?" Idinaiti nito ang tainga sa kanyang tiyan. She could smell him. He smelled wonderful.

"Marcus---"

"Your breasts got bigger."

Napasinghap na lang siya nang dumako doon ang mainit nitong palad. Napakabilis na nag-init ng kanyang pakiramdam pero alam niyang wala nang dapat mangyari pa sa kanila. She stood up.

"Please don't do that again."

"Why not, huh?"

"Because we're already broken up. If I can't do anything to make you leave, fine. Just remember we're over."

Dumilim ang mukha nito at walang sabi-sabing iniwan siya doon, pabalagbag na isinara ang pinto. Nagtalukbong na lang siya ng kumot pero kahit anong pilit niya ay hindi naman siya dalawin ng antok. Nang marinig ang tunog ng cellphone ni Marcus ay inabot niya iyon.

Sa screen ay nakarehistro ang pangalan ni Olivia. Muntik na niyang maibato iyon. Imbes na lumabas at ibigay dito ang cellphone ay inignora na lang niya iyon.

She felt sad that she met Marcus a little bit too late. She wondered what could have happened if they met earlier. Would that change anything at all?

She wondered why he was still there. But she understood how complicated emotions could be. Nararanasan niya iyon sa sarili niya. At hindi lang siya miminsang tulad ni Marcus marahil ngayon na hindi na malaman kung saan ilulugar ang sarili.

She wanted him out of the house yet she wanted him in her life and the baby's.

Saan nga ba siya dapat lumugar doon? Hindi rin niya alam. Paano na ang bata? Paano na rin ang mga magulang nila ni Marcus?

Nauunawaan niyang marahil ay may timbang pa rin siya rito. Buntis din siya sa anak nito. Hindi madali para ditong piliin na lang basta si Olivia at iwan siya. Kilala rin niya ito. He was a very responsible man. It was in his nature to feel responsible for her.

Marcus was obviously struggling with the right decisions to make, for in that situation, there didn't seem to be any right decision. He couldn't leave her, he couldn't Olivia. It was not a black and white situation.

And while he was confused, there she was---caught in the middle of his confusion. Ang pinakamagandang gawin na lang marahil niya ipagpatuloy ang nasimulang desisyon. Marcus could stay in the house but it didn't mean that they were going to live as husband and wife.

Mayamaya ay narinig niya itong pumasok na sa silid. Hindi siya kumilos. She heard him sigh. And then she heard him talking to Olivia.

"You called? Uh-huh. Yeah, I'm here. She's okay. She's asleep. Yes. Huh? I'm losing you. Bad signal. Hello? Hello?" He sighed. Mayamaya ay muli itong nagsalita, hula niya ay muling tinawagan nito ang babae. "Hello? Yeah. So how was your day? Great, great. I love you, too. Okay, bye-bye."

Muli na naman niya itong narinig na bumuntong-hininga. Gustong-gusto na niyang alisin ang talukbong niya at sumbatan ito. Kahit akala nito'y tulog na siya, hindi tamang mag-I love you ito sa iba gayong katabi siya nito.

She felt him embracing her. Nagkunwa siyang bahagyang nagising at inalis ang bisig nito sa kanya.

"Shelley, honey..."

"Go to sleep and leave me alone."

Wala na itong sinabi. Hindi pa rin siya makatulog. Mayamaya ay muli niyang nadama ang bisig nito sa kanya. Maingat siyang tumayo at lumipat sa couch. She silently cried until she heard his voice.

"Get back here. It's late, Shelley, please."

"Ayaw kitang katabi!"

"For God's sake, Shelley."

It was her frustration plus her hormones that made her act like a child having tantrums. Nasuntok pa niya ang kutson. "Ayaw kitang katabi!"

"Okay, okay, calm down. Dito ka na, ako na diyan." Wala namang inis sa tinig nito. Bagkus ay parang unawang-unawa nito ang sitwasyon niya. Aalalayan sana siya nito patungo sa kama pero nilagpasan niya ito.

"'Wag kang tatabi sa akin."

"Hindi na. Promise." Nahiga na nga siya sa kama. "I've been researching about your condition, Shelley. I think we should go to your doctor tomorrow. Let's get some pills for your hormones, honey. It will improve your mood swings."

"Shut up!"

MARCUS was worried about Shelley. Totoo ang sinabi niya ritong nagre-research siya tungkol sa pagbubuntis at iyon ay dahil dito. Noong nagbuntis si Olivia kay Rori ay hindi naman siya nag-alala nang ganoon. Hindi naman kasi nagkaron ng matinding mood swings ang babae noon.

Ibang klase magbuntis si Shelley. Kahapon lang naman biglang nagbago nang ganoon-ganoon na lang ang mood nito kaya naisip niyang baka may nangyaring hindi niya alam. Pero wala naman daw. Siguro, bigla na lang nitong naisip ang mga naganap sa kanila kaya bigla na lang itong nagkaganoon. Kaya nya pinapunta doon si Nanang Doring para may kasama ito doon kapawa wala siya.

Sa internet ay nabasa niya na may mga gamot na pambalanse ng hormones nito na hindi makakaapekto sa kalusugan ng sanggol nila. Kaya naman isinuhestiyon niyang magtungo sila sa doktor nito, pero mukhang lalo lang nitong ikinainis iyon. Umaasa na lang siyang bukas ay babalik na sa dati ito. And he prayed to God it wouldn't lead to post-partum depression.

Ayaw na siyang dalawin ng antok. Nakahiga lang siya sa couch at nakatingin dito. Nakatalukbong ito ng kumot. Hindi niya alam kung natutulog na ba ito o ano. Napailing na lang siya.

Maging siya naman ay nahihirapan sa sitwasyon nila. Kung akala nito ay ito lamang, nagkakamali ito.

He used to think they had it all. He used to think she was the perfect woman for him. And why not? She was the perfect girlfriend, her being very beautiful was only a bonus. The first time he saw her he told himself one day he was going to marry her. And everything was perfect. But that was before what she did to Rori.

Ang hindi niya maunawaan sa nangyari ay ang paglilihim nito sa kanya ng tungkol sa pagbibigay nito ng kapritso sa anak niya gayong dito niya sinasabi ang mga problema niya sa bata. So maybe she got scared to admit it, he could understand that, but to keep it from him for so long even when Rori got in that accident? He felt like she was treating him like a dumb person.

At marahil mapapalampas pa rin niya iyon kundi lang nito pinagbuhatan ng kamay ang anak niya. She had no right to do that. Ni siya ay hindi iyon ginagawa sa bata. Kung sana ay may ginawa talaga si Rori dito, maunawaan niya pero alam niya namang wala.

Sa tuwing mag-uusap sila ng bata ay parati nitong sinasabi na mabait daw naman ito. Sa iilang pagkakataong magkasama ang dalawa, napapansin niyang magiliw naman dito ang anak niya, kahit pa nga hindi miminsan niyang nakitang tila hindi natutuwa nang husto ito sa dalagita.

Pumasok na isip niya ang posiblidad na maaring may kaunting selos ito sa bata. Marahil, isa iyong bagay na hindi naman maiiwasan, pero ang huling sinabi nito sa kanya noon ay naging dahilan para makabuo siya ng desisyong piliin ang kanyang anak kaysa rito.

He would never forget what she said then, "She doesn't want me in your life and she's doing everything to get rid of me. Noon kinailangan niya ako dahil binibigyan ko siya, pero kanina noong ayaw ko na magbigay, nagalit na siya sa akin."

God, he could not believe those lies came out of her lips. Harap-harapan nitong siniraan sa kanya ang kanyang anak na para bang hindi niya alam na natutuwa rito ang bata. Parang pinalabas pa nitong ang sama-sama ng anak niya. Na ang anak niya ay ginawa lang itong ATM at nang wala nang makuha rito ay nakagawa ng isang bagay na masama. Isang bagay na sobrang sama para sampalin nito ito.

Ang sabi naman ni Rori sa kanya ay hindi naman daw kalakihan ang nakuha nito sa babae. Akala naman daw nito ay regalo nito iyon. Ano ba naman daw ang akala nitong isusumbat nito ang mga iyon dito. Ang sabi raw dito ni Shelly ay binigyan lang daw ito upang magawa ang gusto nito, sa gayon ay hindi na ito magiging madalas na kasama niya. Hindi naman daw nito inakalang ganoon.

What happened broke his heart.

She apologized a couple of times. Naaalala niyang noong huli nitong tangkaing magpaliwanag ay binuksan niya ang sprinkler para umalis na lang ito. He did not want to listen to her anymore, because he got scared he might believe her and take her back. Paano na si Rori?

Napakahirap kasing mamili sa pagitan nito at sa kanyang anak. Sino ba namang lalaki ang ibig malagay sa ganoong posisyon?

He thought in time he was going to be able to forget about her. He was wrong. He found himself always finding ways to see her again. Dati ay sabay sila nitong mag-jogging sa umaga kaya naman umagang-umaga pa lang ay nakahanda na siya. Sometimes he would stay up and just look at her house.

When he saw her starting to go out with someone else he became very upset. Naaalala niyang may isang pagkakataon pang wala ang sasakyan nito sa garahe ay hindi siya mapakali. Para siyang tanga na nagtungo pa sa bahay ni Jaye upang silipin kung naroon ba ito. Unfortunately for him, just when he was about to leave Jaye's house he saw Jaye's car approaching.

Daig pa niya ang puganteng nagtago doon dahil ayaw niyang makarating kay Shelley na mistula siya stalker sa ginagawa niya. Pero sa huli ay naabutan din siya ni Jaye. He told her he was out jogging. Ito namang si Jaye ay tumawag pa ng mga security guards. Nalaman pa ng buong Sweet Homes ang lahat. Maging si Shelley nang gabing iyon ay naistorbo pa. Naroon lang pala ito sa bahay nito. Kumbakit naman kasi ilaw lang sa labas ng bahay ang nakabukas sa bahay nito? Tuloy ay inakala niyang wala ito doon at napraning na siya. Agad niyang naisip na baka may kasama itong iba. He couldn't bear that.

Just the thought that some other man's hand was holding hers was enough to make him go nuts. Kaya hayun, para nga siyang nabaliw noong gabing iyon. Gawain lang ng isang taong sira ang ulo ang ginawa niya noon. Kung malalaman lang nito iyon, baka pagtawanan siya nito.

The next day he saw Shelley's cousin driving her car. He could only guess that cousin of hers borrowed the car. Lalo nang tumimo sa isip niya kung gaano siya kagago. Siya ang nakipaghiwalay, siya ang hindi tumanggap sa sorry nito, siya naman ang parang sinisilihan ang katawan kapag hindi ito nakikita.

At dahil parati naman siyang gumagawa ng paraan para makita ito ay alam niyang dumadalas ang paglabas nito. Nakikipag-date nang talaga. One night he knocked on her door and kissed her.

Hindi naman iyon ang intensiyon niyang gawin noong una. Spur of the moment lang ang pagkatok niya sa pinto nito. But when he saw her he was not able to control himself. And he was exhilarated when she kissed him back passionately. They made love thrice that night.

Kalagitaan ng gabi ay umuwi siya, nagagalit sa sarili, kasabay ng kasiyahan sa kaalamang hindi pa rin pala kumukupas ang atraksiyon nila sa isa't isa. Naulit naman ang insidenteng iyon. Something drove him back to her.

Isa iyong puwesang masyadong malakas at hindi niya kayang kontrolin, pero hindi rin naman niya maibalik sa dating lebel ang relasyon nila. One fact remained: she hated Rori. And he could never ever and would never ever get rid of of his daughter. What was he supposed to do?

Para silang nagpapatintero. Hindi na niya malaman kung sino ang taya. Ang alam lang niya ay nahihirapan siya sa sitwasyon. Lalo pa at naging malinaw na itong hindi ito papayag sa relasyong basta-basta na lang. At batid niyang napaka-unfair naman niyon para dito.

He stayed away from her, like before. It was even harder this time. He missed her. He missed her a lot. He thought about her all the time.

And then he found out she was pregnant with his child. And he just knew they had to make it work somehow. Unti-unti marahil ay maayos din nila ang lahat. Noong isang linggo ay sinabi na niya kina Olivia at Rori ang lahat. Ang plano niya ay unti-untiin ang kanyang anak. Alam niyang nagtampo ito nang mapagbuhatan ng kamay ni Shelley. Ayaw niyang isipin nitong kung sino pa ang nanakit dito ay siya pang pinili niya, pero handa siyang ayusin ang lahat.

Pero nagkakaganito naman ngayon si Shelley. What did she say? "Me and Rori will never get along. Before I got pregnant we were not okay. This baby would not change all that."

That was really painful for him. Dalawang taong mahalagang-mahalaga sa buhay niya, hindi niya makuhang mapaglapit dahil parang ayaw nang sumubok pa ni Shelley. Sana man lang ay sumubok ito. Pero parang hindi pa man ay suko na ito kaagad.

She said she wanted him out of her life. He didn't want to stay out of her life. He wanted her in his life, but he also wanted her to accept him in hers. All of him. At kabilang sa kanya ay ang kanyang anak. Ang hirap para sa kanya, lalo na't magkaka-baby na sila nito.

Ayaw niyang isiping habang-buhay ay ganoon ang sitwasyon. Marahil ay maaayos din ang lahat. Nagkataon lang na sa ngayon ay sadyang parating mainit ang uli nito dahil nga sa buntis. He was willing to make her see they could work it out, if only they would try harder. Hindi naman ganoon kahirap ang hinihingi niya rito.

He wished to God he could make her see that. And he would do everything to make her see that. Hindi naman siguro siya mahihirapan nang husto, lalo na at nang makausap niya si Rori kanina, matapos tawagan si Olivia, ay sinabi ng dalagitang excited na itong magkaroon ng bagong kapatid.

Tahimik siyang lumapit dito at inalis ang talukbong nito. She was asleep now. Hinagkan niya ito sa pisngi at inayos ang kumot nito.

Shelley... please help me out. Let's work this out. Please.

?o

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 61.9K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
756K 26.3K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
142K 3.7K 13
Jaye had always thought no man was good enough for her. But she had always dreamed of proving herself wrong one day. Matapang siya, mahusay sa traba...
83.4K 2.6K 29
WG Sydney - The Singer Walong taon na ang relasyon nina Paolo at Sydney. Napakatagal na niyon kumpara sa mga relasyon ng iba na hindi nagtatagal at n...