DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN D...

By Vanessa_Manunulat

68.5K 1.8K 51

Shelley thought her life was perfect. She had a business that was doing well, good health, and the perfect, l... More

Prologue - Mrs. Filomino
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Epilogue - Mrs. Filomino

Chapter 5

5K 153 1
By Vanessa_Manunulat


Chapter 5

"What now?"

Ayaw man ni Shelley na itanong iyon kay Marcus ay nasabi na niya. Isa pa'y gusto rin niyang malaman kung ano ang plano nitong gawin ngayong magkaka-baby na sila. Nagpadala siya rito sa ospital matapos siyang magsuka kanina. Nag-alala siyang talaga sa palpitation niya. Ang resulta: buntis siya.

She was shocked, although she should not have been.

Now she understood why she was feeling differently. Dapat ay naisip na niya ang posibilidad na buntis siya pero hindi iyon sumagi sa isip niya. Marahil dahil noon naman ay maraming pagkakataong nawawala na sa isip nitong gumamit ng proteksiyon pero hindi naman siya nagbubuntis.

Kung kailan naman malabo ang sitwasyon saka nangyari iyon.

"I know you probably want me to ask you to marry me---"

"Excuse me?" Agad niyang hindi nagustuhan ang tono nito.

"I mean, you're pregnant and---"

"Yes, that's clear to me. But please don't tell me I want you to marry me. Because I don't. And that's not what's going on in my mind right now. Oh, believe you me!"

"You're saying you don't want to get married?"

"Do you want to get married?"

"No."

"The feeling is mutual then."

She suddenly felt dizzy. Bakit ba kailangan pa ng ganoong usapan? Nanahimik na lang siya, inis pa rin. Para kasing ibig pang palabasin nito kanina na sa isip nito ay gustong-gusto niyang magpakasal sila.

Of course she wanted to get married for she wanted her baby to have a father, but how could she marry him? Malinaw naman iyon sa kanya. At heto nga, mula na rin mismo dito ay hindi naman nito gustong pakasalan siya.

"I just want to say something... Uh... I think marriage is something serious. I only want to get married once."

"I'm not asking you to marry me."

"I know. I just want you to know my reason for not offering it."

"I understand. And even if you did offer it, I wouldn't accept it."

"Maybe we can work it out though."

Hindi siya kaagad nakatugon dahil hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin nito. Napatingin siya rito. Nakatingin din lang ito sa kanya. There was hope written in those eyes and her heart just swelled.

He was giving what they had another chance. He was willing to work it out.

Napuno ng pag-asa ang dibdib niya kahit kani-kanina lang ay handa siyang ipaggiitan na hinding-hindi siya magpapakasal dito. It was his eyes that made her abruptly change her mind.

Maybe he still felt the same for her. Baka naman ang mga pangyayari lang talaga ang hindi pa rin nito malimutan. Hindi nga ba at binabalk-balikan naman siya nito kahit wala na sila?

Kung ganoon, ang problema lang palang talaga ay ang nagawa niya kay Rori. Isa iyong problema pa rin pero baka naman sakaling magawan ng paraan. They were so good together, him and her. Maybe they were meant to be after all...

"Marcus..."

"For now why don't we talk to your folks?"

Napatango na lang siya. Tinanong siya nito kung kaya na niyang lumakad at umoo naman siya. Nang makapag-ayos ay nagtungo na nga sila sa bahay ng mga magulang niya.

Sa pagharap ni Marcus sa mga ito ay lalo na siyang humanga rito. Hinarap nito ang mga magulang niya sa kabila ng sitwasyon nila. Ang sabi nito sa mga iyon, inaayos pa nila ang kanilang relasyon. He was very honest that her parents, although apparently disappointed, did not give him the verbal lashing she first thought they would shower him.

Nang magkausap sila ng kanyang ina, ang sabi niya rito ay inaayos pa nila ang lahat. Ang sabi niya ay ayaw niya rin namang magpkasal nang ganoon-ganoon na lamang. Gusto niya, kapag nagpakasal sila ay maayos na ang lahat. At sa huli, naunawaan naman siya nito. Ang hiling lang nito, sana ay maayos na nila ang mga dapat nilang ayusin sa lalong madaling panahon.

She could only smile at her. She was wishing the exact same thing.

Nang makabalik sila sa Sweet Homes ay ihinatid siya ni Marcus hanggang sa bahay niya. He made sure everything was all right.

"Congratulations, Mommy."

Bigla siyang napangiti. "Congratulations, Daddy."

Hinagkan nito ang kanyang noo. "I will be back later. I will be staying here from now on."

"O-okay."

Para siyang nabibigla sa mga pangyayari pero ganoon lang naman talaga ang dapat puntahan ng lahat. Kung bibigyan nila ng tsansa ang bagay na iyon, kailangan nga nilang magsama. And she wanted to make him see he was wrong when he decided to end it all before.

Nakapagdesisyon na siyang muling ipapakita rito kung sino siya. Na ito ay nagkamali lang ng opinyon.

Nang umalis ito ay naghanda naman siya ng pagkain. She missed everything about him, about them. At heto na nang muli ang pagkakataon na ibalik ang lahat; sa pagkakataong iyon ay tuluy-tuloy na sana.

Nang magbalik ito ay ngiting-ngiti ito. "Kaya mo na bang magluto?"

"Yup."

"I missed you, Shelley."

Muntik na siyang napaiyak. "I missed you, too, you know."

"MOMMY!"

Tawa nang tawa si Shelley habang pinagmamasdan si Davies, isa sa mga triplets ni Alexandra. Papaiyak na ito tila dahil ayaw niyang pakawalan. Yakap-yakap lang niya ang bata. Gigil na gigil siya rito. Kanina ay kinagat na niya ang pisngi nito at kagat-kagat nito ang labing tila ba nagtitimping itulak siya palayo.

Ngayon ay nagpapatulong na ito sa ina. Ayaw pa rin niya itong pakawalan.

"Tayo na lang ang maglaro. If you kiss me and hug me, I will give you a toy."

"But I hate kissing!"

"Come on, kiss Tita Shelley." Ngumuso pa siya rito. "I won't let you go until you kiss me."

Tila nauwi ito sa matamang pag-iisip saka sa huli ay mabilis siyang hinagkan sa pisngi saka tumalilis na sa kanya. Tawa pa rin siya nang tawa. Si Alexandra naman ay natatawa rin tila sa kanya.

"Bugbog sa 'yo ang baby mo."

"I love kids."

"You will need lots of love, I'm telling you."

Ngumiti lang siya rito. Mabilis lumipas ang mga araw. May isang buwan na rin silang nagsasama ni Marcus. Malaki na ang tiyan niya. Ang sabi ng kanyang ina sa kanya, noong nagbubuntis ito ay ganoon din, mabilis lumaki ang tiyan at naglihi kaagad. Sa ikalimang buwan daw niya ay asahan na niyang lalo na siyang lolobo pero agad ding titigil ang paglilihi niya. Ganoon daw ito noon.

Inimbitahan niya ang mag-iina sa bahay niya. Kasama ni Alexandra ang bunso nitong babae at ang triplets. Nasa sofa ang tulog na bunso, mahigit isang taong gulang na. Naroon din ang yaya ng triplets. Kung noon ay siya ang dumadalaw dito, ngayon ay ito ang parati niyang pinapapunta doon sa hapon.

Masaya naman ito para sa kanya. Sa katunayan, sang-ayon itong huwag muna silang magpakasal ni Marcus. Tama naman daw ang lalaki na hindi basta-basta ang pagpapakasal. Si Jaye naman ay sinabi lang na kung ano ang sa tingin niya ang pinakamabuti ay siyang gawin niya. Naikasal na ito ay abay sila ni Alexandra. Kasalukuyan itong nagha-honeymoon sa Europe.

"How do you feel?"

"I'm happy, all things considered." Totoo iyon. Masaya siya. Bawat sandaling kasama niya si Marcus ay nakangiti siya. Bumalik ang dati nila nitong samahan kahit pa nga may mga bagay na kapwa nila iniiwasang pag-usapan---gaya na lang ng mag-ina nito.

Nakapagsabi na rin sila sa mga magulang nito. Si Rori ay hindi pa rin niya nakikitang muli. Hindi niya alam kung nabanggit na rito ni Marcus na nagsasama na sila. Pagdating sa usapin tungkol sa teenager ay hindi siya umiimik. Iyon na lang ang kulang sa kanila, iyong pinakamahalagang bagay na iyon.

She had asked Marcus about the Gracia Lopez case. Nalaman niyang nakausap pala nito ang kapatid ng babae, si Mrs. De Dios. Pinapunta raw ito ng matanda sa bahay nito sa Batangas. Marcus even said he found it weird that Mrs. De Dios seemed so very friendly at him when they talked. Ang sabi daw nito ay wala itong balak na idemanda ang lalaki. Kilala raw nito kung sino ang pumaslang sa kapatid.

Marcus asked who she thought the murderer was. He said the old woman just gave him a creepy stare, smiled a bit, but did not answer. Hindi raw nito alam kung maniniwala sa babae na alam nito kung sino ang salarin dahil mukha nga raw may pagka-weirdo ito.

At marahil, kung hindi lang sa kalagayan niay ay nagsimula na naman siyang mag-formulate ng kung anu-anong conspiracy theory. Minsan niyang ginawa iyon, pinagalitan lang siya ni Marcus. Ang sabi nito, huwag na raw niyang isipin ang mga bagay na iyon at baka makamukha pa ni Mrs. Lopez ang kanilang anak.

Ang insidenteng nangyari sa matanda ay nakakapagpakilabot pa rin sa kanya minsan, pero tila ba may pinag-usapan ang taga-Sweet Homes na hindi na iyon pinag-uusapan pa. She thought maybe because deep in their hearts they were all terrified that the suspect was among them.

Ang seguridad naman sa Sweet Homes ay mas hinigpitan. Ngayon, bawat sasakyang papasok doon, kahit sa residente, ay itinatala ng security guards. Dati kasi'y mga bisita lang ang inila-log ng mga ito. Nagdagdag din ng rumorondang security guards sa gabi.

"I'm glad you are."

She just smiled. Okay na rin naman sa kanya kung maghihintay ng matagal-tagal bago ang proposal ni Marcus. She didn't want to walk down the aisle looking like a whale. Ang taba-taba na niya ngayon.

Tinulungan siya ni Alexandra ikuha ng ice cream ang mga bata, siyempre ay kasama siya. Habang nag-a-ice cream ay may kumatok sa pinto. Nang buksan niya iyon ay nabigla siya. It was Olivia.

For a second she wished she was wearing something nicer. Ang suot lang niya ay isang housedress na luma na. Dati ay ayaw na ayaw niya magsusuot ng mga ganoon pero ngayon ay mas kumportable siya sa telang malambot na sa laba. Olivia was wearing a skimpy top with silver DKNY print on it, a low-rise pair of jeans, and wedges. The woman looked young and fresh. While Alexandra's yaya was dressed better than she was.

"Hello," pormal na bati ng babae. Kahit naman noon ay hindi ito naging friendly sa kanya. Tipid siyang ngumiti rito at pinatuloy na ito.

Ibig niyang mainis nang tila naaalibadbaran itong tumingin sa kabahayan. The house looked chaotic. Imposible naman kasing tumino ang hitsura ng bahay kung ang bisita niya ay ang triplets ni Alexandra.

"This place is a little cluttered."

I'm not asking your opinion. "Yes, it is. I have guests as you can see." Bahaya niyang nilingon ang triplets na noon ay naghahampasan ng throw pillow, walang pakialam sa dumating na bisita.

"Stop it, kids," saway ni Alexandra sa mga ito at agad nang nagpaalam sa kanya ang mga ito. Tumango na lang siya.

She asked Olivia to sit down.

"Can I offer you a drink?"

"Oh, don't bother. I came her to talk to you."

"I'm listening."

"Marcus and I have had an on and off ralationship for more than a decade."

Agad tumaas ang kilay niya. The woman was lying obviously. Ang sabi sa kanya ni Marcus, noon pa mang mabuntis ito ay wala nang relasyon ang mga ito. Fling lang ang naging relasyon ng dalawa noon, ang kaso ay nabuntis nga ito.

"The longest time we've been off was when you became a part of his life. That time I knew you and him would never be together for a long time. That's not to say that you are a bad person, no. I honestly think you are a very lovely person. I just thought that because I have always believed no one knows Marcus more than me. We have a kid together, we've known each other for years."

"Why are you telling me this?"

"Because you're pregnant and Marcus told me he told you the exact same thing he told me before---that he is willing to work things out and see what happens."

"He t-told you that?"

"Yes. We're friends, Shelley. Best friends, lovers. As a matter of fact, when you two split up he came to me. Naging kami ulit. I told you, we've had an on and off relationship for years."

"You're lying."

"You think so?"

"I know so."

"Ikaw ang bahala. Kung 'yan pala ang iniisip mo, wala na sigurong dahilan para ipagpatuloy ko pa ito. Good luck with whatever." Tumayo na ito.

Isang bahagi niya ay gustong-gustong ipagtabuyan ito paalis, pero nanaig ang pagnanais niyang malaman mula rito ang lahat.

"Please, Olive, stay."

Bumuntong-hininga ito at muling naupo. "I know how hard it must be for you, Shelley. Believe me, I do. Pinagdaanan ko 'yan. At alam kong siguro kaaway ang tingin mo sa akin dahil kahit kailan naman ay hindi ako naging malapit sa 'yo. Babae ako, nagseselos sa 'yo."

"What else did he tell you?"

"He told me he doesn't think it will ever work out."

"But why would he tell me he'd try in the first place?"

"That time we had an argument. I told him to leave me alone. Nagkaroon kasi ng problema kay Rori. But the day after I apologized to him. And everything became okay again. Last week he told me you're pregnant."

"Inaasahan mong magiging kayo na ulit?"

"Yes. Like I said, what Marcus and I have is an on and off relationship. I used to think we would never get it right. But I have a gut feeling this time we're moving the same direction. I may be wrong, of course."

Kapwa sila nanahimik matapos niyon. She understood what Olivia wanted. She was asking her to give her and Marcus a chance. Galit man siya rito ay nauunawaan niya ito dahil babae rin naman siya.

Masakit lang para sa kanyang pati ang personal nila ni Marcus ay alam pala nito, sinabi ni Marcus dito. Napaka-unfair naman ng lalaki. Sana ay hindi na nito inilahad ang baraha niya sa babaeng ito.

Maybe Olive really meant more to him.

She did not know. She did not know what to think.

Oh, shit.

"Thank you for telling me, Olive. I appreciate it."

"You take care."

"You, too."

Nagpaalam na ito. She realized they were probably the most pathetic women in the world. Gulong-gulo ang isip niya at nang dumating na si Marcus nang hapong iyon, may ngiti sa labi, ay hindi niya magawang masuklian ang ngiti nito.

"Is anything wrong?"

"Everything's just fine."

"Are you sure, pretty?"

She wondred why he even exerted effort in pretending. Tumango na lang siya at nagtuloy sa kusina. Naghain na siya nang yakapin siya nito.

"You forgot to kiss me, preggy."

Bigla ay nais niya itong bulyawan. He was an asshole! Sa tinagal-tagal ng pag-iisip niya kanina ay ngayon lang bumangon ang matinding galit niya rito. Ano ba ang akala nito sa kanya? Utu-uto o tatanga-tanga o mahinang uri ng tao na hindi man lang nito masabi sa kanya ang totoong nadarama nito?

"I'm not in the mood, Marcus. Leave me alone!"

at inabot iyonbo

Continue Reading

You'll Also Like

754K 26.3K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
453K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
272K 6K 18
"Akitin mo si Kuya Mack," request kay Mirinda ng kaibigang si Beka. Gusto na kasi nitong lumagay sa tahimik. Kaso, may patakaran ang istrikto nitong...
83.4K 2.6K 29
WG Sydney - The Singer Walong taon na ang relasyon nina Paolo at Sydney. Napakatagal na niyon kumpara sa mga relasyon ng iba na hindi nagtatagal at n...