DARK CHOCOLATE 4: HEARTS IN D...

Autorstwa Vanessa_Manunulat

68.5K 1.8K 51

Shelley thought her life was perfect. She had a business that was doing well, good health, and the perfect, l... Więcej

Prologue - Mrs. Filomino
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Epilogue - Mrs. Filomino

Chapter 3

4.7K 154 5
Autorstwa Vanessa_Manunulat


Chapter 3

"Shelley?"

"Huh?"

"Ano ka ba? Ilang araw ka nang ganyan," wika sa kanya ni Alexandra. Naroon sila ni Jaye sa bahay nito. Pinag-uusapan nila doon ang paghkamatay ni Mrs. Lopez. Ilang hapon nang parating iyon ang pinag-uusapan nila. Hindi pa rin kasi sila makapaniwala.

"Ano nga pala ang sinasabi mo?" Napangiwi siya. Nitong nakaraang ilang araw ay parati na namang laman ng isip niya si Marcus. Akala niya ay nagsisimula na siyang makalimutan ito. It had been months since they broke up. Nakikipag-date na rin naman siya sa iba.

Ang kaso, isang gabi matapos siyang maihatid ng ka-date niya sa bahay niya ay kumatok ito sa pinto. Walang sabi-sabi ay hinagkan siya nito. They didn't even talk. They just kissed and the kissing led to something else. They had sex. Thrice. Now it was making her head spin.

Alam niyang marahil ay wala naman iyong kahulugan dito. Tinanggap na rin niya ang katotohanang marahil ay hindi naman siya nito minahal na singlalim ng pagmamahal niya rito. She tried to explain to him everything but he never accepted her apology. He never believed her.

Sa huling pagkausap pa niya rito ay binuksan nito ang sprinkler sa lawn nito, tuloy ay napilitan siyang umalis na lang doon, samang-sama ang loob dahil pakiramdam niya ay nabastos naman siya sa ginawa nitong iyon. Nagsasalita pa siya nang basta na lang nitong pinaandar ang sprinkler, nabasa pa siya.

He was an asshole.

But that asshole slept with her again and she let him. She was an idiot.

"Sabi ko, tigilan mo na ang theory mo tungkol kay Mister Filomino."

"How can I?" Napailing siya. Malakas ang kutob niyang si Mister Filomino ang pumaslang kay Mrs. Lopez. Bagaman wala siyang ebidensiya, dama naman niya iyon. Isa pa, matagal na siyang duda sa matandang lalaki. Alam niyang nagsinungaling ito nang sabihin sa kanila na may schizophrenia si Mrs. Filomino.

Ang sabi nito noon sa kanila nang makita nila ang blackmail note nang hindi sinasadya ay mismong si Mrs. Filomino raw ang nagpapadala niyon sa sarili dahil sa sakit nito sa pag-iisip. Nagpakita pa ito sa kanila ng gamot---Clozapine. Isang gamot na napag-alaman niyang hindi pala puwede sa isang tulad ni Mrs. Filomino na may problema sa dugo.

In short, Mister Filomino was trying to protect the blackmailer for some reason. Why would he do that? And now this murder. Masyadong coincidental naman kung hindi iyon magkakonekta, kahit pa sabihing marahil ay maraming naiinis kay Mrs. Lopez noong nabubuhay pa ito dahil sa masyado itong tsismosa at pakialamera.

"Well, it's none of your business," si Jaye. Malapit na itong ikasal. Naunahan pa siya nito samantalang noon ay naisip niyang magkakaanak na siya, marahil ay ni wala pa rin itong nobyo. She was an alpha-female, very intimidating, almost cold.

"I know. But why would he lie about his wife's supposed mental condition? Kasiraan iyon ni Mrs. Filomino, 'di ba? I'm beginning to think he sent that note himself."

"That's absurd."

Noon pumarada sa tapat ng dating bahay nito ang bago nila kapitbahay, si Seymour Villavicencio. The man was cute. Cute dahil hindi ito kataasan. She stood five feet and eight inches tall and he was shorter than her by at least three inches. Medyo chubby din ito pero napakaguwapo ng mukha. Kulang lang dito ay maliit na bow and arrow at para na itong kerubin.

Bahagya itong tumango nang mapasulyap sa kanila. Sa pagkakaalam niya ay isa itong abogado. Hindi halata, lalo't parati itong naka-sports shirt. Medyo mukhang seryoso itong tao, bagaman magkaminsan ay tipid na ngumingiti naman ito sa kanya kapag nagkakasalubong sila.

"He's cute," ani Alexandra.

Hindi pa man siya nakakatugon ay may humimpil nang sasakyan sa tapat ng bahay ni Mrs. Lopez. Parang may pinag-usapang lahat sila ay tumayo at tumanaw doon. Mula sa isang lumang Toyota Corolla ay umibis ang dalawang babae.

"Oh, great! Just great! First I had to move out of our house in the city to go in this godforsaken place. Next I had to ride this Corolla with you driving like you're color-blind. Now I have to live in a dump like that?! I am so not liking this!" Maarteng iwinagayway ng isang babae sa ere ang daliri habang ang isang kamay ay nasa baywang.

Nagkatinginan silang magkakaibigan. Malaki ang bahay ni Mrs. Lopez at maganda rin iyon. Isa nga iyon sa pinakamamaganda doon sa Sweet Homes. Mukhang sa isang palasyo dating nakatira ang babae kaya ganoon ang reaksiyon. Tumaas ang kilay niya.

"Do you have some money?" wika ng isa pang babae. "I'll take that as a 'no.' So you don't have any choice in the matter but live in this dump with me! This is the best place for us right now, okay? The rent is cheap."

"That's 'cause someone died in there! Hello?"

"Quit bitching and carry your bags!"

Pumasok na nga ang dalawa. Muli na naman silang nagkatinginang magkakaibigan.

"Looks like our new neighbors are bitches," aniya.

"Give them the benefit of the doubt. Let's go give them a warm welcome."

"And find out things about Mrs. Lopez's sister. It's odd, too, you know, that she didn't even talk to us."

Agad na naghanda ng fruit basket si Alexandra. Mabuti ngayon at dalawa ang maid nito. Ang triplets nitong ubod ng tigas ng ulo ay kasalukuyang katulong ng maid maglinis. Bahagi iyon ng parusa ni Alexandra sa mga ito dahil pinakialaman ang pickup ni Marcus, dahilan upang makaaksidente ng isang residente doon.

Nagtungo na sila sa bahay ng bagong lipat. Ang dalawang babae ang bumungad sa kanila. Hindi mukhang friendly ang mga ito, bagamat hindi naman nakasimangot. Pormal ang mga ito.

Nagpakilala sila. "AJ" at "PJ" ang pangalan ng mga ito, magkapatid. Mukhang ayaw ng mga itong makipagkuwentuhan kaya naman nagpaalam na sila. Noon naman naglakad sa tapat ng bahay ng mga ito si Isabella. Gaya ng dati, mukhang lulong sa sariling isipin ang babae. Bitbit nito ang iPod habang nagdya-jogging. Tuwing hapon ito kung mag-jogging.

"She looks familiar," ani PJ, ang bunso.

"That's Isabella. Diyan lang siya nakatira," boluntaryo niyang itinuro ang bahay ng babae.

"Isabella," sambit ni PJ.

"Oh, my God. That's Isabella. Isabella, remember? Ate Cassie's friend?" baling ni AJ sa kapatid nito. "Isabella the..." Bahagya nitong pinaikot ang hintuturo sa tapat ng tainga.

"No! Oh, my God. Yeah."

Nagkatinginan na naman silang magkakaibigan. Ang magkapatid naman ay mukhang may pinag-uusapan sa pamamagitan ng pagtitinginan. Tumikhim si AJ.

"Anyway, thanks for this. Would you need the basket back?"

"Oh, no need. Although, we're curious. You know Isabella?"

Muling nagkatinginan ang magkapatid. Si AJ ang nagsalita. "Yeah. We used to live in Dasmariñas together, when we were young. But she went to the States and Tita Cecil sold their house and we lost touch and---"

"Cecilia Filomino?"

"No. Cecilia Amante."

Bigla siyang kinilabutan sa kung anong dahilan. Ang tinutukoy nito ay walang iba kundi si Mrs. Filomino. "Amante" ang apelyido ng unang asawa nito.

"Can we come in?" si Jaye, mukhang napukaw na rin ang kuryosidad.

Nagtuloy na nga sila sa kabahayan. Muli na namang nagtayuan ang balahibo niya sa pagkaaalalang doon namatay si Mrs. Lopez. It felt weird being in that house.

Mukha namang unti-unting nagwa-warmup sa kanila ang magkapatid. Kanyang natuklasan na ang kapatid mismo ni Mrs. Lopez ang kausap ng mga ito tungkol sa upa sa bahay. Hindi raw itinago ng matanda na doon namatay ang kapatid nito. Buong bahay ay okupado ng mga ito, maliban na lang sa isang silid doon na ikinandado raw ng kapatid ni Mrs. Lopez na ang pangalan ay Mrs. De Dios.

Now that she thought about it, she realized she didn't know much about Mrs.Lopez, except that she was very annoying. And she also realized she didn't know much about her neighbors, too. Palibhasa kasi'y hindi naman uso sa Sweet Homes ang malalapit na magkakapitbahay.

Mayamaya pa'y ipinakita sa kanila ni PJ ang isang photo album.

"We're younger than Isabella. We used to call her 'Ate.'" Ipinakita nito ang mga larawan noon. Naroon nga si Isabella. Buhay na buhay ang mga mata nito sa larawan, ngiting-ngiti. Malayo iyon sa ngayon na mukhang napakalamig ng mga mata nito. She wondered what happened to her.

"This was taken during my birthday."

Napasinghap siya nang makita si Isabella sa ibang larawan. Natutop niya ang bibig. Humpak na humpak ang pisngi nito doon, itim na itim ang palibot ng mga mata. At nakakatakot ang titig nito sa camera, para bang kahit sa larawan lang ay nanunuot makatingin, tila nag-aakusa.

"What happened to her?"

"Well, three months before my birthday, my Ate Cassie and her family died. Plane crash. She was Isabella's best friend. Isabella took it badly, we all guessed."

"Took it so badly that we all thought she lost her head, you know? She became worse after that shot. You should've seen her. Tapos hindi na siya lumalabas ng bahay. Ilang buwan namin siyang hindi nakita. And then one day we were told she went to the States. We never heard from her since. And then Tita Cecil sold their house and stuff."

Siya na ang nagsabi sa mga itong pumanaw na si Mrs. Filomino. Ang mga ito ay nagulat pa.

Ngayon, maging si Isabella ay naging mas malaking misteryo sa kanya. Hindi niya alam kung may kinalaman kaya ang sinabi nina AJ sa kanila sa sulat ni Isabella kay Mrs. Filomino na aksidenteng natuklasan din nila.

Why don't you want to help me, mother?

Thanks for the help you did not offer. I'm coming back as soon as I get things done here. You know what that means.

Iyon ang laman ng dalawang sulat nito. Bukod pa doon, nabanggit ni Jaye na minsan daw ay inakala nitong may nagnanakaw sa bahay ni Isabella dahil sa natanawan nitong sinag ng flashlight sa loob---sa halip na buksan na lang ang ilaw---at nang puntahan nito ay natuklasan nitong si Mister Filomino iyon. Naroon din si Isabella at sinabing walang problema. Naitanong niya sa sarili kung konektado iyon sa nakaraan ni Isabella.

Anong help ang tinukoy nito na ayaw ibigay ng ina nito?

Wala siyang maapuhap na kasagutan sa isip niya. Nagpaalam na rin sila sa magkapatid. Mukhang malalim din ang iniisip ng dalawa niyang kaibigan. Naghiwa-hiwalay na sila. Pagpasok niya sa kanyang bahay ay muntik na siyang napatili.

Sitting on her sofa was Marcus.

"WHAT are you doing here?"

Ayaw na sana niyang makadama ng ganoon, iyong para bang pangangapusan siya ng hininga dahil lang naroon ito. Ang simpleng katotohanan ay tapos na sila. Hindi na siya dapat maapektuhan pa nito.

Hindi ito umimik at lumapit lang sa kanya. Agad siyang napaatras. "Give me back my key."

"Would you really want me to do that?" bulong nito sa tainga niya saka siya dinampian ng halik sa leeg.

Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan. God, this man never failed to make her feel hot with the simplest touch. "Marcus, p-please stop."

"I know you want me. I need you. Stop fighting it, Shelley."

Siniil na siya nito ng halik sa labi at buong-init siyang tumugon. Mistula sabik na sabik sa isa't isa na kay bilis ng bawat pagkilos nila. Naikot yata nila ang buong sala. Dinama siya nito, hinagkan. They ended up doing it with her back on the wall.

Nakaangkla ang mga braso at binti niya rito habang hinahapo. He carried her to the sofa and started gathering all his clothes.

"M-Marcus..."

"We're both mature people. We can separate this with everything else. I know I can. Can you?"

"O-of course."

"Good. I'll see you tomorrow night then."

"O-okay?"

Bahagya itong tumango at nagbihis na. He left.

The room all of sudden became so cold that she shivered. Marahan siyang nagbihis pero kahit nakabihis na ay tila nanunuot sa kalamnan niya ang lamig na iyon. Tila ba ayaw gumana ng isip niya.

Did I do the right thing? God, I don't know anymore.

Mariin niyang naipikit ang mga mata. What could she have said when Marcus asked her if she could separate that from everything else? Kung sinabi niyang hindi niya kaya iyon, ano ang sasabihin nito? Na mas matimbang sa kanya iyon kaysa rito?

Even if it was the truth, she couldn't let him know that. Or if he did know, she couldn't confirm it.

She realized she had made a big mistake. I won't let him do this to me, never. Pero hindi pa man dumarating ang sandaling tatanggihan niya ito ay para bang nahuhulaan na niyang napakahirap niyong gawin. She wanted to be with Marcus, all things considered.

It was downright stupid but it was what she wanted.

Buong magdamag siyang hindi nakatulog at kinabukasan sa paggising niya ay nananakit ang ulo niya. She made a decision to go out that night. Alam niyang mahihirapan siyang tanggihan si Marcus, hindi niya kayang diktahan ang damdamin niya kapag kaharap na ito kaya mas mabuti pang umiwas na lang siya.

Good thing a suitor asked her out and she said yes. She did not enjoy the dinner, nor the club they went dancing to. Gayunman, masaya siyang ala-una na siya naihatid nito sa bahay niya.

Nagpasalamat siya at nagpaalam sa lalaki. Umalis na ito. Pagtalikod niya ay saka niya narinig ang tinig ni Marcus.

"We agreed on seeing each other tonight. You know I hate waiting."

Imbes na sagutin ito ay nagmadali siyang lalo makarating sa bahay. Hindi naman niya magawang isuot kaagad ang susi sa pinto. Ito pa ang kumuha niyon sa kanya at nagbukas niyon.

"I'm tired, Marcus."

"Let me give you a massage."

"Go home." Pumasok na siya. Isasara na sana niya ang pinto pero inagapan nito ang pinto.

"I want you."

"I'm tired! Go away!" Tinampal niya ang kamay nito at pilit isinara ang pinto.

Tuluy-tuloy siya sa kanyang silid at nang makarating doon ay napaiyak na lamang. Doon na lang humantong ang magandang samahan nila noon... It was breaking her heart.

150%'>'\o

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.4K 98 12
Isang showbiz insider si Yssa Perez. Lahat ng tsismis, scandal o bagong balita tungkol sa mga artista ay hindi niya pinapalampas. Ginagawa niya ang l...
6.9K 131 28
One coffee shop, four friends and their journey to love.... I'm Margareth Jade Cavanaugh, beautiful, rich, sexy, witty....lahat na ng adjectiv...
57.1K 1.3K 13
WEDDING GIRLS 23 - Alexandra - The Printer Umiikot ang araw-araw sa buhay ni Alexandra sa paggawa ng mga imbitasyon at pagbabasa ng libro. At kung p...
6.1K 170 17
Bumalik sa Pilipinas si Jayson buhat sa Amerika na nagdudugo ang puso dahil sa relasyong naunsyami. He was very much ready to get married pero tinang...