AKALA
Nagmahal.. Nasaktan.. Nagmahal muli
Paulit ulit na nangyayari sa buhay ng marami
Dahil hindi maiiwasang magmahal ng paulit ulit
Na kahit masakit ay kaya nating tiisin
Naalala ko pa ang mga panahon na tayo'y nagkasama
Sa sandaling panahon ngunit tila taon ang dumaan sa ating dalawa
Unti unti nating binubuo ang salitang tayo sa pamamagitan ng ikaw at ako
Mga masasayang alaala na ating nabuo ng may ngiti sa labi
At ang ating mga memoryang kasing tamis ng tsokolate at kendi
Naaalala ko pa ng sinabi mong may nagugustuhan ka
Ako'y napangiti sa pagaakalang ako ang tinutukoy mo
Ngunit ako'y nagkamali ng pinakilala mo ang babaeng nagpatibok ng puso mo
Kahit masakit ay pinilit kong ngumiti
Upang ipakita na masaya ako para sayo
kahit ang totoo ay unti unti na akong namamatay sa sakit na nararamdaman ko
Hanggang sa dumating ang araw na naging kayo
Kita ko sa mga mata mo ang saya na siyang kabaligtaran ng nararamdaman ko
Umasa ako sa pag aakala kong ako ang gusto mo
Akala ko may pag asang maging ikaw at ako
Akala ko ako ang Babaeng tinutukoy mo
At akala kong ako ang mahal mo
Pero hindi ehh kasi nauna siya sa puso mo
Ako lng pala ang nagbigay ng kahulugan sa pinakita mo
Ako lng pala ang nag akala na merong ikaw at ako... na merong tayo
Kaso siya ang gusto mo.. Hindi ako
Siya ang mahal mo... Hindi ako
At siya ay hindi ako
Kaya ngayon ako ay nasasaktan sa maling akala ko....
Sa Maling Akala ko......
©Mina Park