She's One of The Boys ★ (on g...

By tsonggg

3.9K 177 16

Gaano ba katindi magmahal ang isang babaeng madalas nating pinagkakamalang TIBO? "Minsan, kung sino pa yung... More

She's One of The Boys: Start
She's One of the Boys: 1
She's One of the Boys: 2
She's One of the Boys: 3
She's One of the Boys: 4
She's One of the Boys: 5
She's One of the Boys: 6
She's One of the Boys: 7
Shes One of the Boys: 8
Shes One of the Boys: 9
She's One of The Boys: 11
She's One of the Boys: 12
She's One of the Boys: 13
She's One of the Boys: 14

Shes One of the Boys: 10

204 9 0
By tsonggg

Habang kumakain kaming apat, kapansin pansin yung pananahimik ni bhaste.

"Oy! Ayos ka lang?" tanong ni jepoy.

"mmm" sagot ni bhaste na tumango pa at ngumiti ng pilit.

"mmm ka diyan! Nilalagnat to! Hawakan niyo man." pambubuking ko.

Hinawakan naman bigla ni Jepoy sa noo, si jigs naman sa leeg.

"A-ano b-ba!!" sabi niya habang tinatanggal yung mga kamay nila.

"Tapete ka! Mainit ka pa sa noodles." naka'duro pa na sabi ni jigs kay bhaste.

"Dre, O.A. ka" natatawang sabi naman ni jepoy.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Nagtuloy lang kami sa pag-kain, dahil nagagalit si bhaste tuwing sinisita siya dahil sa lagnat.

"Pano tayo uuwi nito? e ang lakas parin ng ulan." sabi ko at napatingin naman sila sa bintana.

"O'nga e. Ano oras dating ni Tita?" tanong ni jepoy.

"Di siya uuwi ngayon diba? May meeting kasi sila sa cabanatuan bukas, kaya dumiretso na sila kanina. Makikitulog nalang daw" mahabang paliwanag ni bhaste.

"Bugok! Wala ka namang sinabi" sabi ni jigs.

Di na sumagot si bhaste. Pusang gala. HIMALA ulit. :3

E ano pa nga ba? May lagnat e.

Pagkatapos kumain, nagvolunteer na si jepoy na maghuhugas ng pinggan. Kami naman ni jigs, nag lilinis dito sa may kusina.

Habang si bhaste, pinahiga ko na ulit sa sofa at pinagpahinga.

Pagtapos ko maglinis, pinuntahan ko siya sa sala.

"Woy! May gamot ba kayo rito?" tanong ko habang kinakapa ng likod ng palad ko yung noo't leeg niya.

"Mmm. Andon sa taas ng cabinet"

Kinuha ko naman agad yon at kumuha ng tubig saka pina inom sa kanya.

Andito narin sa sala yung dalawa.

"Bash, san ka matutulog? Dito na kame ni jigs." sabi ni jepoy

"Di ko alam. Baka dito naren. Tutal, wala naman pasok bukas e."

"Ge, text mo nalang si tito."

Kinapa ko naman sa bulsa ko yung cellphone ko..

"Aish!! Wala yung cellphone ko. Iniwan ko sa bahay." kumakamot pa sa ulo na sabi ko.

"Wala 'kong load eh." sabi ni jigs.

"K-kunin mo nalang yung cellphone ko sa kwarto,jep. May load yon" nanghihina at parang pabulong na na sabi ni bhaste.

Umakyat naman si jepoy para kunin yung cellphone.

Kaya okay lang sakin makitulog rito kasama sila, dahil medyo sanay na naman kaming natutulog sa bahay ng isa't isa.

Di naman kami magkakatabi, silang tatlo lang.

"Oh eto oh! Text mo na."

Inabot ko naman yung cellphone at nagtext na.

"Oy jigs, kuhanin mo na yung mga kumot tska unan sa kwarto. Dito na tayo sa sala." utos ni jepoy.

Umakyat naman si jigs sa kwarto ni bhaste para kunin yung mga panlatag. Sa lapag sila, ako naman dun sa mahabang sofa.

Pagbaba ni jigs, naglatag na sila. Inayos ko narin yung hihigaan ko.

"Tol, anong oras na?" tanong ni jigs kay jepoy.

"Alas otso."

Ang aga palang pala,pero nakahiga na kaming apat.

Nakakatamad kasi kumilos lalo na pag ganito kalamig yung panahon.

Napatingin naman uli ako sa bintana, Tsk tsk. Mas lumakas yung ulan. Pati yung pag-ihip ng hangin maririnig mo, lalo na yung mga kulog. Saka para 'kong pinipicturan dahil sa kidlat. -___-

  Nakakastress tumingin sa labas kaya nagdiretso nalang ako ng higa at nilagay yung kanang braso ko sa may bandang noo ko saka tumingin nalang sa kisame.

Maya maya pa, naririnig ko ng may humihilik,kaya naman napatingin ako sa sahig kung san sila nakahiga.

Si jigs, tulog na tulog na. Ang lakas pang humilik ng gago. >_____<

Si jepoy naman, gising pa, pero nakahiga rin na parang yung posisyon ko kanina na nakalagay yung braso sa noo.

Si bhaste naman, hindi ko makita kung tulog na o gising pa. Nakatagilid kasi siya kila jepoy, na parang fetus kung pumilipit tapos balot na balot ng kumot.

"Poy, pakitingin nga si bhaste kung tulog na." sabi ko.

"Gising pa ko." sabi niya na parang bumubulong nalang sa hina ng boses.

"Tignan mo nga kung mainit pa,poy!"

Hinawakan naman niya yung noo ni bhaste.

"mm. mainit pa."

"Oy sebstian ah! Matulog kana. Baka madatnan ka ng nanay mong ganyan ang lagay, sabihin kung anong pinag gagagawa namin sayo."

"O.A." sabi niya ng mahina pero animong natatawa pa.

"Putsa. Matutulog nalang, ang sweet pa. Amp! Hahahaha" nangiinis na sabi ni jepoy kaya kumuha ko ng unan at pinalo ko sa mukha niya.

"Gago!"

"Hahahaha." nakitawa narin si bhaste na ikinagulat ko. O____O

'e diba, tuwing mangiinis ng ganyan tong dalawa, mabubwisit pa siya?! Napapamura pa nga e.'

"Walang 'Pakyu' ngayon?!"

"HA?!" sabay na sabi nila.

"Hehehe. Wala,wala. Tulog na sabi ko. Hehe." sabi ko at saka tumalikod na. Humarap nako dun sa sandalan ng sofa.

'hutahena, simpleng tawa, halos magiwan ng sandamakmak na tanong sa isip ko!'

Kaya pumikit nalang ako kahit hindi pa ko inaantok.

Continue Reading

You'll Also Like

640 14 13
Sapat na ba ang magmahal ka ng sobra sobra para mapatunayan mo sa taong mahal mo na worth it ka talaga sa kanya? Paano kung ang FOREVER may katapusan...
85.7K 1.6K 56
Masarap nga bang magmahal? E bakit madaming nasasaktan? Mas marami pa ata ang nasasaktan e. Lahat nalang kasi ng pinapangarap mong tao na mahal mo. M...
513 19 52
"Pano mo ba masasabi na mahal mo na?" Tanong ko. Tumawa sya. "Ang common ng tanong mo," saad nya. "Pero sige. Sasagutin ko yan." Tumikhim sya saglit...
My First Love By Pogs

General Fiction

2.2K 52 14
Ilang babae man ang dumaan sakin, hindi pa rin nila mapapalitan sa puso ko ang babaeng una kong minahal at hanggang ngayon ay mahal ko pa rin. May pa...
Wattpad App - Unlock exclusive features