P.S. I'm Pregnant

By jennaration

26.6M 226K 16K

[Tagalog/Completed] Graciela's new boss is young, extraordinarily handsome, and the successful, Yvo Villareal... More

P.S. I'm Pregnant
Announcement
Chapter 19 Girl talk
Chapter 20 Signs everywhere
Chapter 21 Who's that Girl?
Chapter 22 The Return
Chapter 23 Goddamn fight
Chapter 24 Out of my league
Chapter 26 Fast and Furious
Chapter 27 Bittersweet
Chapter 28 Dazed and Confused
Chapter 29 The Ex games
Chapter 30 First attempt
Chapter 31 Mixed Signals
Chapter 32 Back to square one
Chapter 33 Turning tables
Chapter 34 New Moon
Chapter 35 When I was your man
Chapter 36 Love and War
Chapter 37 Love moves in mysterious ways
Chapter 38 The President
Chapter 39 Move and you die
Chapter 40 Gone
Chapter 41 Over again
Chapter 42 Escape
Chapter 43 Alone
Chapter 44 Goodbye
Chapter 45 Cemetery
Chapter 46 Home
Chapter 47 She was mine
Chapter 48 Two
Chapter 49 Birthday
Chapter 50 PART 1 Choices
Chapter 50 Part 2 Flatline
Epilogue Part 1
Epilogue Part 2
P.S. This is a Bonus Chapter

Chapter 25 Out of my league Part 2

463K 5.1K 372
By jennaration

***Continuation ito ng chapter 24..please read it first before reading this..Ok? okay.

Yvo's POV

Nang makarating ako sa club ay napansin ko na agad na madami ang mga taong nakapila sa labas kahit mag-alas otso pa lang. Ganito talaga dito lalo na at friday night.

Nang makapasok ako ay dumiretso na ako sa rooftop kung nasaan ang tambayan ng barkada. The VIP lounge which is exclusive for the owners ay nasa taas ng cocktail bar and is facing the pit or the dancefloor so kita mo pa din lahat ang mga tao kahit nasa taas ka. Salamin kasi ang front wall niya so kita mo sila pero hindi ka nila makikita sa loob. Nang buksan ko ang pinto ay agad ko naman silang nakita lahat at may mga babae pa duon... na hindi na nakapagtataka. Umupo ako sa tabi ni Lysander na nakaupo sa kaliwang gilid.

"Buti naman at nagpakita kana? Akala ko nakalimutan mo na kami," madramang sabi Flynn habang may kaakbay itong babae na hindi pamilyar sa akin. Siguro nakuha lang niya ito sa nightclub na nasa second floor.. He's the cocky guy in our group.

Binatukan naman siya ni Kier na siyang katabi niya sa upuan.Hindi katulad ni Flynn, wala itong kayakap na babae. He is the serious type in the group. Dala na sigurong isa na siyang tatay ng kambal. Magmula nang mamatay ang asawa nito, nawala na ang jolly side niya. "Ang bading mo talaga," sabi ni Kier.

Nagtawanan kami. "How was your vacation?" tanong ko kay Kier sabay kuha ng isang bote ng alak sa gitna ng mesa namin... at nagsalin ako sa isang baso.

Nagkibit-balikat siya..."fun? I guess," sagot lang niya sabay tungga sa bote na hawak niya.

"Tsss... nakahuli yan ng isda duon kaya lang nakawala sa pagkakatali..." natatawang sabat ni Flynn

Binigyan siya ng mababaw na suntok ni Kier dahil sila ang magkatabi.

"Ang sadista mo talaga,"nakasimangot na sabi ni Flynn. Napapailing na lang ako dahil sa aming lahat siya lagi ang napagdidiskatahan namin.

 "Asan na ba si Lucio?" takang tanong ni Lysander. The hopeless romantic one in the group. Balita ko may girlfriend ito ngayon...but it sounds complicated..

 "Where's your girl," tanong naman ni Bullet imbes na sagutin ang tanong ni Lysander. Bullet was the cool one... madali itong pakisamahan...he looked like the playboy one in the group but the truth is isa siyang dakilang torpe.

"She's on duty..." tipid na sagot ni Lysander. Isa kasi itong Doctor.Hindi ko lang alam kung gaano na sila katagal.

"Ang alam ko pinuntahan ni Lucio yung girlfriend niya sa baba..."sagot ni Sebasten sa tanong ni Lysander kanina. Ang attorney ng barkada. Nag-iisang babae lang ang minahal niya pero pinakawalan pa. We share the same sentiments....we both prioritize work more than anything else.

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pintuan duon at pumasok si August. "Whats up..my brothers!!!?" pasigaw na bati niya.Umupo ito sa gitna nina bullet at flynn..sumiksiksik siya dun kahit wala nang space. Nakipag-fist bumped siya sa aming lahat. Siya na ang kasal sa aming lahat bukod kay Kier. Minsan ko lang nakita ang asawa niya...nung wedding nila mismo a year ago. Actually..fixed marriage yun..

"Kamusta ang under?" birong tanong ni Kier..

"Bwisit....Under pa din,"pag-amin niya na siyang nagpatawa sa amin. Kapag nakita mo kasi ang asawa niya...nakakatakot. Mabait ito kaya lang palaging nakasimangot sa amin kasi kaibigan namin ang asawa niya. Parang lahat ng related kay August ay naalibadbaran siya.

"Baka naman kasi nagkaka-athritis kana at di mo siya mapaligaya sa kama?" natatawang sabi naman ni Bullet.

"Hindi ko nga mahawakan ni dulo ng daliri niya..sa tingin mo aabot pa kami sa kama.."frustrated na sagot niya. Napahalakhak naman kaming lahat...nakahawak na nga sa tiyan nila sina bullet sa kakatawa. Biruin mo yun ang playboy na si Augusto...hindi maka-score sa sariling asawa.

Sinamaan niya kami ng tingin kaya napatigil kami sa pagtawa. "Ehem..kamusta na pala ang Nova Babes ko bayaw?" tanong ni Flynn kay August..Bayaw ang tawag niya kasi may gusto ito sa kapatid ni Augusto na si Nova. Nova Amber ang talagang pangalan niya..hango sa month ng November..may isa pa silang kapatid na si Julian na hango sa month ng July. Ang weird nga ng mga pangalan nila.

"Gago..lubayan mo ang kapatid ko.."sagot naman niya. Hindi kasi siya boto kay Flynn para sa kapatid. Napasimangot naman ito at umirap sa katabing si August.

How did I know all their shits?... its because we treat each other as real brothers....or confidants if thats the right word to describe our friendship.

We all owned this club. Its just that only Bullet and Flynn were the only ones na nagpapakilalang may-ari dito.

We grew up all together. Naliligo kaming nakahubo nung mga bata pa kami... napapalabas kami sa classroom na magkakasama dahil sa wala kaming homeworks...we are all part of a band back when were still teens kaya nabuo ang club na ito...nagkagusto kami sa iisang babae pero it turned out na may boyfriend na pala ito  at pare-pareho kaming minsan nang nabigo sa pag-ibig kaya kabisado na namin ang likaw ng bituka ng bawat isa.

I sighed... Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Im too frustrated kaya tinungga ko ng diretso ang inumin ko at nagsalin ulit ng panibago.

"Woah... mukhang may problema ka bro?" tanong ni Lysander sabay tapik sa balikat ko. Narinig ko namang pinalabas muna ni Flynn yung kasama niyang babae at pati yung isa nakaupo sa may tabi ni Bullet.

Hindi ako agad sumagot.. nilalaro ko muna ang basong hawak ko.

Nag-angat ako ng mukha at nakatingin lang sila sa akin. "There is this girl.." panimula ko.

"Dude..dyan nagsisimula ang salitang love.." natatawang sabi ni August..

"Ulul," sabi ko...natatawang tinungga ang boteng hawak niya.

"And you like her pero hindi mo sigurado kasi hindi mo alam kung mahal mo pa ba yung dati?" curious na tanong ni Kier. Paano naman niya nalaman?

Tumango ako. "Siguro dahil wala pa kayong closure nung dati.."sabat namn ni Lysander. Ang galing namang manghula ng mga ito.

Humithit si Seb sa kanyang sigarilyo bago nagsalita. "Kaya ka naguguluhan dahil nagbalik na yung dati." napatingin ako kay Sebasten dahil sa sinabi niya. "I heard shes back." dugtong nito.Kilala nila si Sandra dahil naging kaibigan na din nila ito nang maging kami.

"Yeah.." walang ganang kumpirma ko.

Umiling-iling ako. "Is that the reason why youre holding back?"tanong ni August.

Umiling ako"... its just that shes the type of girl na gusto ng kasal and I cant give that." paliwanag ko.

"Pare... baka nakakalimutan mo, every girl wants an assurance. So I wont blame her if she wants marriage.." paliwanag ni Kier. "At isa pa...nagawa mo nang ayain ng kasal ang isang babae nuon...bakit hindi na pwede ngayon?"dugtong na tanong niya.

I sighed. "I dont want to feel the same pain I felt five years ago.." paliwanag ko. Nakakahiya mang aminin lalo na't isa akong lalaki...pero natatakot din ako... Im afraid because I am not his ideal guy....i dont want to disappoint her.

 "Tssskk.... Then bare the consequences.."seryosong sabi ni Bullet...

Nakita kong straight na naubos ni Seb ang isang bote bago nagsalita..."Learn from my mistake...Bro!" malungkot na sabat ni Sebasten. Tumango-tango naman silang lahat...

Tumahimik na lang ako. Nagpatuloy naman sila sa papkikipagkwentuhan tungkol sa ibang bagay. Tinapik naman ulit ni Lysander ang balikat ko. Na parang sinasabi niya..everything we'll be alright...  Tumango lang ako sa kanya.

"Where is Hunter?" tanong ko kay Lysander. Inginuso naman niya ang glass wall...at nakita ko nga siya duon na nakatayo at nakatingin sa baba..nilalaro ang hawak nitong baso na may lamang whiskey. Si Hunter ay ang younger brother ni Kier. Kasa-kasama din namin ito madalas pero matagal na din ng huli ko itong makita. Sila ang magkasundo ni Ivan. Substitute vocalist namin ito noon kapag wala si August na siyang main vocalist namin noon sa banda.Lahat naman kami magaling kumanta kaya lang mas gusto namin na nasa likuran lang at hindi ang main attraction kumbaga sa isang banda. Kaya naging close na din namin si Hunter.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.."Hey.."bati ko nang makalapit ako sa kanya. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito..nakatitig lang ito sa may baba.Sinundan ko kung sino ang tinititigan niya at nakita kong yung singer lang pala.Though hindi mo naman talaga makikita ang mukha nung singer kasi dim ang lighting sa stage... but her voice is very angelic. Hindi soudproof ang lounge ngayon...but we have the option to make it soundproof pag ayaw namin ng maingay.

"She's beautiful.." biglang komento ni Hunter bago sumimsim sa inumin niya.Nakatitig pa din ito sa singer. Siguro pag yelo lang yung singer...matagal na itong tunaw.

Kumunot ang noo ko. How could he possibly tell..eh kahit 20/20 ang vision ko hindi ko makita ang buong mukha niya kasi bukod sa dim ang lighting duon sa kinaroroonan ng babae ay nakatagilid din ito sa direksyon namin.

"You mean her voice?" tanong ko.Pilit kong inaananig yung mukha nung babae pero hindi ko talaga makita...

Umiling siya..."Eh ano?  Ni hindi ko nga makita ang mukha niya"takang tanong ko.

"I just knew it right then and there.." sagot niya. Na siyang nagpagulo lalo sa isip ko.

Hunter can be ruthless most of the time pero siya ang may pinakamalaman ang sinasabi sa buong barkada. Siguro dahil una niyang naramdaman ang salitang love sa kababata niya samantalang kami puro kalokohan lang ang alam namin nuon.

I dont usually ask cheesy things dahil nakakabawas yun sa pagkalalaki...but I feel the need to ask the question I used to ask to myself since the day I met that girl. "Naniniwala ka ba sa true love?"biglang tanong ko na ikinagulat niya.

Tumingin ako sa kanya. Ngumisi siya na umiiling-iling pa. "What do you think?" balik tanong niya sabay balik ang tingin nito sa singer.

Binawi ko ang tingin ko sa kanya at sumimsim sa inumin ko. "Right now? I think you do." sagot ko. Iba makatingin sa babae na kumakanta eh. And i think it's not just a love at first sight.

Tumingin ito sa akin at nakipag-toss ng inumin.Sumandal ito sa glass wall..nakatalikod ito sa labas so nakaharap siya sa akin. "When i was 10 years old I met this little girl...you knew the story,"panimula niya... "and said to myself, 'that's her. That is the girl i'm going to spend the rest of my life with.' So yes, i believed it once..." Umayos ito ng tayo at humarap sa glass wall at bumalik ang tingin nito sa singer. "Until I saw this girl...and i thought i saw the same girl...heard the same voice... i have been longing for 14 years now." seryosong sagot niya.

"But reality hits me... the little girl will never return...she is gone..Gone as if taken by the wind." malungkot na dugtong niya. The little girl he was talking about died when he was ten years old. Namatay daw ito dahil sa sunog. I dont know the whole story plus its not my story to tell.

"Akala ko naka-move on kana?" tanong ko.

"Akala ko din." sagot niya. Natahimik kaming dalawa. I dont know what to say..so i just kept my mouth shut.

Narinig ko ang mabigat na buntung hininga ni Hunter.

Humarap siya sakin at tinapik ang balikat ko. "If you really like this girl youre talking about..then ano pang tinatanga-tanga mo dito.. Go get her before someone might snatch her away from you." payo niya bago umalis sa kinatatayuan niya papunta sa mga nagkwekwentuhang barkada. So all along nakikinig siya sa amin kanina.Akala ko masyado siyang occupied sa pag-iisip kanina.

Nakatulala lang akong ibinalik ang tingin sa mga nasa dancefloor. Biglang lumiwanag ang lighting dahil siguro tapos na ang kanta. Nang biglang may mahagip ang mga mata ko na isang babae na inaalalayan ng isang lalaki.nakaharap kasi sila sa direksyon ko.Nang nagtaas ito ng mukha sa lalaking kasama ay hindi ko napigilang magmura.

Then nag-flashback lahat ng nangyari kahapon. Yung Julius na kasama niya sa lunch. Sa nakita kong nakikipagtawanan pa siya dun sa Elias na yun. Samantalang pag ako ang nakikita niya parang laging badtrip sa akin.Parang nasusuka siya sa pagmumukha ko.

At paulit-ulit sa aking isipan ang huling sinabi ni Hunter sa akin

"fvck!"

Nagmamadaling lumabas ako. Tinatawag ako nina Kier pero hindi ko na nagawang sumagot.

Isabel's POV(Yvo's cousin refer to chapter 21..nangyari ang POV na ito habang nakikipag-usap si Yvo sa barkada niya. Oh ha!)

Nakarating ako dito sa club nang dahil sa pagka-bored ko sa unit ko. Plus andito ang prospect ko kung kaya nandito ako ngayon. Pinaimbestigahan ko kasi kung sino ang mga lalaking umaaligid kay Graciela...so I found out na palaging sinusundo siya ng nagngangalang Elias Illustre. Kailangan mawala siya. Baka habang-buhay nang maging single si boyfriend. Hindi ko pinaimbestigahan ang background ng lalaki..I just need his name and pictures. Kung kaya alam ko ang itsura niya.

"Hmmm asan na kaya yun?" bulong ko sa sarili habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng lounge. Lumagpas na ako sa cocktail bar nang paglingon ko sa hallway papuntang washroom nang makita ko ang hinahanap ko..agad akong nagtago muna. Baka makita niya ako.

Habang sinisilip ko siya ay nakita ko kung gaano siya kagwapo.lamang lang si kuya Yvo ng ilang paligo,,syempre kailangan mas lamang ang kalahi ko noh! Nakasandal ito sa dingding malapit sa pintuan ng washroom na pambabae at parang may katext ito kasi engross ito sa kakatipa sa cellphone niya. I wonder kung sino hinihintay niya? Baka si Graciela kasi hindi ko siya makita kanina dito sa lounge.

I need to do something. I need to get rid of him tonight.

Hindi ako naging presidente ng drama club namin nuon for nothing.

Tumayo ako ng maayos at ginulo-gulo ang buhok ko. Nag-spray ako ng perfume pero medyo nahagip ang mga mata ko para lumuha ako. Uminom din ako ng vodka na hiningi ko sa bartender kanina.

Its showtime..

Pagewang-gewang akong naglakad palapit sa kanya kahit hindi naman ako lasing. Gumana ang dramang ito sa ex ko nuon..im crossing my fingers na sana gumana din ito ngayon. Nanatili rin naman itong nakayuko at nagtetext. Hindi pa siguro niya ako napansin.

"IKAW!!!MANLOLOKO KA" sigaw ko sabay turo ko sa kanya. Napaangat naman siya ng tingin at nung nakita niyang nakaturo ako sa kanya...kumunot ang noo niya.

"Miss hindi kita kilala..Hindi ako ang boyfriend mo."mahinahong sabi niya.

Lumapit ako sa kanya..at pinagsusuntok siya sa dibidb.Ganito ang nangyayari sa pelikula diba? "SO NGAYON HINDI MO NA AKO KILALA..WALANGHIYA KA..PAGKATAPOS MO AKONG BUNTISIN...NAMBABAE KA NA NGAYON.."histerikal kong litanya. Natatawa naman ako sa isipan ko. Kasi ang daming dumadaan na guest dito at pinag-uusapan na kami.

"Pare..iuwi mo na yang girlfriend mo.nakakahiya sa mga guest.."narinig kong sabi nung isang guest.

"Hindi ko siya girlfriend,,"tanggi nitong si Elias.Halata sa boses nito ang hiya at frustrations.

"Naku..iuwi mo na lang.."sang-ayon naman nung isang guest.

Habang nag-uusap sila ay lumalakas ang hagulgol ko kuno. hahaha...ay huhuhu pala.

At nang hindi pa din siya gumagalaw ay nagpasya akong magpakamatay este..mahimatay.

Agad naman niya akong sinalo dahil sinadya kong magpasalo sa kanya..ayaw ko namang bumagsak sa floor noh.. at narinig ko pa itong nagmura ng paulit-ulit. "Shit..shit...shit!!!"

"Naku..nahimatay na.." narinig kong sabi ulit nung isang guest. Kung kaya napilitan siyang buhatin ako na parang sako at naglakad na siya palayo duon dahil na rin sa hiya.

Natatawa ako sa loob-loob ko. Wala na akong pakialam kung anong mangyayari mamaya...basta ang importante makalayo kami duon..at dapat kasama siya.

I grinned...Success..

Graciela's POV

Nang makalabas ako ng washroom ay hindi ko nakita duon si Elias. "Asan na kaya yun?" bulong ko sa sarili ko. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ng skirt ko at tinawagan ito. Agad naman nitong sinagot.

"hey asan ka?'tanong ko

"Graci..Im so sorry..I just need to go..emergency. I promise,,babawi ako sayo."nahihiyang paliwanag niya.

"Ano ka ba? Okay lang yun..Im not your responsibilty.."sagot ko. Kasi okay lang naman talaga sa akin. Ako nga dapat ang mahiya sa kanya sa sobrang daldal nila Lexi at Mimi.

"Ipapahatid na lang kita sa family driver namin.."suhestyon niya

"Naku huwag na... malaki na po ako."natatawang sagot ko.Pati siya eh natawa na din. "Sige..ingat ka na lang."dugtong ko.

"Ikaw din.Tawagan mo ako pag nakauwi kana," sabi niya.

"Opo itay,"pabirong sagot ko. "okay na..Bye na,"paalam ko.

"Wait.." pigil niya. "ahmm...goodnightiloveyou,"mahina at mabilis niyang sabi sabay binababaan ako. Ha?Ano daw? you lang ang narinig ko. Nasa emergency nga siguro siya..nagmamadali eh. Di bale itatanong ko na lang sa kanya kung ano ang sinabi niya sa susunod na magkita kami.

Pabalik na ako sa kinauupuan namin ng biglang nakita ko ang lalaki kanina na nagpagulo sa isip ko. AT naglalakad ito palabas ng lounge. Pinagigitnaan kasi ng cocktail bar ang washroom at exit door. Paanong nandito pa siya eh kasasabi lang niya sa akin na nakaalis na siya? Bago siya nakalabas ay duon ko napagmasdan ang suot niya. Tama! Imposibleng siya yun kasi Elias is not wearing a suit.Oo they have the same navy coat pero hindi full suit ang suot ni Elias..nakajeans ito. Eh sino yun? Imposible din na may kakambal si Elias dahil sa tagal naming magkakilala at madalas din ako sa bahay nila nuon.wala akong nakita na kapatid niya..pati parents niya walang nakwekwento sa akin. Kailangan kong makumpirma ang nakita ko.

Akmang susundan ko ang lalaki nang may humigit sa isang braso ko at hinila ako.

Bwisit kahapon pa may humihila sa akin ah.

Third person's POV

Nang dahil sa babaeng iyon..napurnada tuloy ang plano. Kailangan kong makausap si Sandra. We need to push the plan B.

--------------------------------------------------------------------------

DONT FORGET TO COMMENT AND VOTE. LETS BE FRIENDS..FOLLOW ME:) #teamGraY

Continue Reading

You'll Also Like

584K 5.1K 7
**💜Full story available on Dreame💜** Follow me there @ Ingrid de la Torre "The CEO has a secret... his Secret Wife." Nazaron Altieri was only force...
10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
438K 6.5K 18
Sa sobrang galit ni Audric dahil iniwan siya mismo sa araw ng kasal nila ng girlfriend niyang si Ivony, ang kababatang si Ffion ang hinarap niya sa a...
201K 3.7K 36
[ Highest Rank Achieved #9 in Flirt ] When Von Gerard Carson thought he can have everything he wants that's when Amber Rodrigues prove him wrong. The...