Teenage Greek gods: The Dark...

By invadersim

15.3K 474 112

[THE FINAL BOOK OF THE SAGA] Nakabalik na si Amber, Zeus at Poseidon, pero hindi pa tapos ang lahat. Ang espi... More

Teenage Greek gods: The Dark Spirit
Chapter 1 : White Page
Chapter 2: A Gloomy Dinner
Chapter 3: The Riddle
Chapter 4: Icarus
Chapter 5 : Prophecy 2.0
Chapter 7 : Puppet
Chapter 8 : Rest in Peace
A NEW BEGINNING
Chapter 9: The Funeral
Chapter 10: Letters
Chapter 11: The Lone Poseidon
Chapter 12: The Prisoner
Chapter 13: Under
Chapter 14: Mentors and Helpers

Chapter 6 : Take the Reins

707 22 4
By invadersim

Previously...

Pagkabalik mula sa nakaraan ay dinalaw ang Big Three at si Hestia ng unstable na espiritu ni Daedalus at hinahanap nito si King Minos.

Pumunta sila sa workshop ni Daedalus upang maghanap ng clues at ang tumambad sa kanila ay ang malungkot na istorya ni Daedalus at Icarus at pagatake ng isang robot.

Nakaligtas sila at pinuntahan ni Kat Embers upang sabihin na may bagong propesiya.

Si Kat Embers ay naglakbay upang hanapin ang mga sagot tungkol sa angkan ng mga Phoenixes.

Ang Fates ay patuloy na nagbabantay...


- -

Nagising ako sa boses ni Poseidon.

Pabagsak bagsak pa ang aking mga mata nang ako'y umupo sa aking kama at nang makita ko sa tabi si Poseidon, nakatayo at niyugyog ang aking higaan upang ako'y magising.

Sigurado akong nagkaroon ako ng masamang panaginip...ngunit hindi ko maalala kung ano ito.

"Guardian!", bulong ni Poseidon.

"Heto na. Gising na ako.", sabi ko at pagkatapos ay sinundan ito ng paghikab. "Anong problema?"

Naalala ko na ang aking panaginip. Tungkol sa aking pamilya...hindi ko masabi ang mismong mga detalye, basta nandoon ang aking pamilya. Mortal na pamilya. Ang aking mama at papa at mga kapatid na si Johnny, Angel, Kim at ang newborn na si Skye. Marahil namimiss ko lang sila...

"Tumayo ka na, Guardian. May kailangan kang makita."

Nagising ang diwa ko dahil sa seryosong mukha ni Poseidon. Bihirang makita siya ng ganito. "Oo, sige." Tumayo ako at kinamot ang aking mga mata. "Ano bang nangyayari? Kinakabahan naman ako. Tungkol ba ito sa propesiya?"

"Just hurry up, Guardian. Kuya Zeus and Kuya Hades are waiting."

"Oo na, oo na. Heto na nga.", sabi ko habang sinusuot ang aking robe. Siguradong malamig sa labas dahil lalo na't nakasuot lang ako ng aking manipis na pajama.

Matapos kong magpalit ay sinundan ko na si Poseidon palabas.

***

Pagdating namin sa harap ng pintuan ng kuwarto ni Oracle ay tuhamimik ang mga boses sa loob. Binuksan ni Poseidon ang pinto at napapikit ako sa matingkad na liwanag na nanggagaling sa kuwarto. Nang magadjust na ang aking mata ay nakita ko si Hades na nakatayo, habang si Zeus ay nakaupo sa upuan, hawak ang isang umuusok na mug — naamoy ko ang hot chocolate na nandito. Si Oracle naman ay hindi ko alam ang suot dahil nakatakip sa kanya ang isang makapal na comforter, nakaupo ito sa dulo ng kama.

Pinanood nila kaming pumasok ni Poseidon na sinara naman ang pinto. Nandoon ang asong si Laelaps at si Berphig. Magkatabi silang natutulog at nagising nang pumasok kami. Lumapit sila ng tahimik sa amin, lumuhod ako at hinimas ang kanilang mga balahibo. Mukhang antok pa ang dalawa dahil agad silang bumalik sa sulok at natulog ulit na magkatabi.

"Anong nangyayari?", tanong ko. Tumayo ako habang ginagala ang mata sa loob.

"Masama.", sagot lang ni Zeus. "At mukhang may kailangan tayong gawin."

Masama? Ano pang bago? Tumingin ako kay Hades at nagsalita. "Hindi ko maintindihan."

Napalunok si Hades, "Nakatanggap kami ng mensahe, mensahe tungkol sa isang atake."

"Atake?"

"At nakita rin ito ni Oracle.", sabi pa ni Hades.

Napunta naman ang aking paningin kay Oracle na napatakip ng kanyang mukha bago magsalita. "Tama. Nakita ko ang atake ni Daedalus sa isang bayan sa Pilipinas. Lumalakas siya, madaming namatay, madaming establisyementong nasira, sarado na ang bayan dahil sa atake ni Daedalus. Nandoon pa rin siya, tila naging kampo niya ito. Walang makalapit dahil sa kapangyarihan niya. Lumakas siya. Lumaki. At mayroon siyang mga kampon na hindi kayang labanan ng mga tao."

"Teka nga, sa isang bayan ng Pilipinas? Kung ganon naexpose na tayo sa mortal world!"

"Kaya nga," bago tumayo si Zeus ay binaba niya ang mug sa isang maliit na mesa. "Kailangan nating pumunta dun para tapusin si Daedalus. Nang maganap ang Hera-Olympian War ay involved ang lahat at tingin ng bawat isa ay katapusan na, kaya di bale nang maexpose sa mundo. Nang matapos ang giyera ay lumabas ang Fates para burahin ang memorya ng mortal na mundo."

"Lumabas ang Fates? Hindi ko alam iyon ah!", sabi ko. "Kailan?"

"Kakaunti lang ang nakakaalam nito. Tulad na lang ng sinabi ko sa inyo noong nakaraan ay bihira lang lumabas ang Fates. Sila'y lumalabas lamang kapag matindi ang pangangailangan. Binura nila ang memorya ng mga mortal at sinabi sa amin na dapat hindi na mangyari pa muli ito...kaya alam ko na galit na galit sila sa atin. Lalo na ngayo'y nagawa nating maglakbay sa oras at may mga bagay tayong naiba sa hinahaharap."

Napaupo ako sa kama sa tabi ni Oracle at napakuskos ng aking mukha. "Ano nang gagawin natin?", bulong ko.

"Wala naman tayong ibang magagawa kundi pumunta doon para labanan si Daedalus at tapusin siya. Heh, nakakatawa. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naisip na kontrolado pala ako. Tayo ng Fates. Hindi rin sila pabor sa ginagawang kaguluhan ni Daedalus at tayo ang gagamitin nila upang alisin ang threat na ito sa mundo ng Greek myth. Tulad na lang ng ginawa natin ng ilang beses, ng ilang eons...", matapos ay napabuntong hininga si Zeus.

"Pwede bang hindi natin gawin?", sabi ko. "Hayaan natin ang Fates na maghanap ng ibang tatapos sa kanya!"

Si Hades ang sumagot sa akin, "Sa tingin ko imposibleng mangyari iyan, dahil tayo ang pinakamalalakas..."

"Pumunta na lang tayo doon at labanan si Daedalus, baka dahil dito ay matuwa pa sa atin ang Fates.", sabi ni Zeus na bumalik na sa kanyang upuan para uminom muli.

"Ano bang gusto ni Daedalus?", giit ko.

"Oracle?", pagtawag lang ni Zeus at napunta ang paningin ko kay Oracle na tinaas ang kanyang ulo.

Agad-agad ay nagiba iba ang kulay ng mata ni Oracle, tulad na lang ng ginagawa niya kapag nagkakavision siya. Ngunit tila mas kakaiba ang nangyayari dahil may lumabas na matitingkad na ilaw sa magkapareho niyang mata. Ang ilaw ay lumakbay sa ere patama sa pader na parang isang projector.

Unti-unti ay bumuo ng imahe ang ilaw sa mata ni Oracle at doon ko nakita ang isang bayang walang laman. Ang mga kalye ay puno ng mga bato mula sa mga building, may mga kotseng nakatumba at balot ng usok ang ilang parte nito. Isa itong bayan sa Pilipinas. Sa tingin ko ay sa BGC ito! At sa gitna nito ay ang isang mataas na building na mapapansin mo sa lahat, dahil sa bubong nito ay kita mo ang isang animo'y force field na puno ng enerhiya. Naghahalo ang kulay ng berde at itim, parang isang sakit...kumikidlat kidlat sa loob ng force field... isa itong malakas na enerhiya at sa bawat segundo ay lumalaki ito nang lumalaki at ang mga ulap ay dumidilim nang dumidilim. May tunog akong narinig, tunog ng elising mabilis na umiikot. At sa gilid ng building ay lumabas ang isang helicopter. Umikot ang helicopter sa building at nang lalabas na ito sa kabilang side ay may lumabas na nakakatakot na animo'y kamay ng kuryente at tumama sa helicopter.

Sumabog ang helicopter! At nakarinig ako ng sigawan at pagtunog ng sirena. Unti-unti ay bumagsak ang helicopter at muling sumabog sa daan, dinaganan at winarak ang mga tindahang binagsakan nito.

Nawala ang pinapanood namin. Tumingin ako kay Oracle at pumikit ito.

"Ano nang plano?", tanong ko kay Zeus.

"Ano sa tingin mo, Hestia?", balik niya sa akin.

"Huh? Ikaw ang tinanong ko!"

"For once, Hestia, ikaw naman ang tatanungin ko. Anong gagawin natin kay Daedalus?", sabi pa niya.

Bigla akong nabagsakan ng init sa balikat. Naiinis ako. Ano bang paandar ni Zeus?

"Be a goddess, Hestia.", bulong pa ni Zeus.

Napakuskos ako sa aking ilong at nagsalita, medyo may halong inis sa tono, "Sige. Pupunta tayo doon at tatapusin natin siya. Dahil gods tayo. At ito lang ang kaya nating gawin."

"Pasensya na.", biglang nagsalita si Hades. Napatingin kami lahat sa kanya, pati si Poseidon na nakahiga na at pinipilit laruin ang mga tulog na si Berphig at Laelaps.

Namumugto ang mga mata ni Hades at may maitim ang mga ilalim nito. Ang buhok niya ay mas maitim pa kaysa dati at nanginginig siya. "Hindi ko pa gamay...ang kapangyarihan ko...ang nangyayari sa akin...minsan mablablanko na lang ako, hindi alam kung nasaan ako o kung sino ako. Pasensya na at hindi ko magamit ang kapangyarihan ko para ibalik si Daedalus sa Underworld."

"Hades...hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo.", sabi ko sa kanya.

"Sa tingin mo, Hades. Paano siya nakalabas?", tanong ni Zeus, ang boses niya ay parang may tono ng suspetsya. Teka nga? Ano bang nainom nito ni Zeus?!

Umiling lang si Hades. Tinignan ko si Zeus at pinandilatan. Bumuntong hininga lang ito at nagannounce.

"Katulad ng dati ay pupunta tayo roon. Maghanda kayo. Kailangan ko lang ng back up niyo. Ako na. Ako na ang tatapos sa kanya."

Natahimik ang lahat. Sa pagkakataong iyon ay naalala ko ang propesiya.


I see an underground war and

a being that will shine like a star.

The history on a loop forever

The history on a loop forever

If the flame decides to take the reins

It's only the time that destiny

will change.


"Hindi ba natin paguusapan ang propesiya?", sabi ko nang mas mahinahon na.

"Ano pa bang paguusapan pa?", sabi ni Zeus. "I see an underground war...obvious naman na maglalaban tayo sa ilalim ng lupa."

"...and a being that will shine like a star.", dugtong naman ni Hades.

"Wow!", biglang tumayo si Poseidon. "Ayos yun ah. Sino kaya yun? Petmalu."

"The history on a loop forever. The history on a loop forever.", sabi ko naman. "Tulad ng Hera-Olympian War? Magaganap ulit ang mga parehong bagay?"

"If the flame decides to take the reins. It's the only time that destiny will change.", si Zeus iyon na nakatitig sa akin. "Tungkol sa iyo iyon, Hestia. Kaya kita tinanong kanina. Dahil you have to take the reins, you have to lead, you have to take responsibility, para magbago ang destiny."

Para akong nanigas sa kinakatayuan ko. Ayoko isipin pero iyon din ang tingin kong ibig sabihin noon. Napalunok na lang ako. "Maghanda na tayo."

Tumango na lang si Zeus at naglakad. Napansin kong tumingin muna siya nang matagal kay Hades bago lumabas. Ano bang nangyayari? May namumuo na naman bang rivalry sa dalawa? Buang talaga itong si Zeus! Sumunod na si Hades na hindi tumingin sa kahit na sino sa amin...gusto ko pa naman sana siyang kausapin. Umalis na din si Poseidon na punong puno ng balahibo galing kay Laelaps. Paalis na rin sana ako nang makaramdam ako ng paghawak sa aking kamay.

Tumingin ako kay Oracle na nakabalot pa rin sa comforter, parang...parang may sakit siya. Ang kanyang mga mata ay namamaga at ang kanyang ilong ay tila may sipon.

"Ayos ka lang ba, Oracle? Anong problema?", umupo ako sa tabi niya at pagkaupo ko ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Nanlaki naman ang mata ko. Lumayo rin siya at tinignan ako.

"Pasensya na, Hestia, kung hindi ako masyadong nakikihalubilo sa iyo. Sa dami ng nakikita ko at sa mga nararamdaman ko ay mas gusto kong mapagisa, kasama si Laelaps at Berphig. Ang bigat ng mga nakikita ko...ang mga mangyayari...ang mga nakaraan...wala akong mapagsabihan..."

"Pwede mong sabihin sa akin, Oracle."

"Hindi maaari, Hestia. Ang espiritu ng Delphi ay hindi hahayaan iyon. May mga bagay na sikreto. Buti na nga lang ay pwedeng malaman kahit papano ang nakatakda. Sinasabi ito ng Delphi upang makapaghanda tayo, hindi upang pigilan natin ito...ang mga propesiya ay mangyayari at mangyayari. Mapipigilan ito marahil nang saglit ngunit ang panahon ay doon at doon babagsak. Sa kung anong nakatakda. 

Alam mo ba, Hestia, na ang Delphi ay kontrolado ng mga Fates? Ngunit hindi maganda ang kanilang pakikitungo sa bawat isa kaya naghanap ang Delphi ng kalayaan. Pero hindi niya kayang mabuhay ng matagal sa mortal na mundo kaya kailangan niya ng isang host at namimili siya ng mga dilag at ginagamit ang kanilang katawan upang tumulong."

"Oracle...", niyakap niya muli ako. Ano bang nangyayari? May masama bang mangyayari? Bakit ganito kasweet si Oracle?

"Kahit mahirap maging Oracle ay kinakaya ko. Dahil nagkapurpose ako. Isa lang akong bata mula sa ampunan na walang kinabukasan pero ako ang pinili ng Delphi at nakilala ko kayo. Kaya hindi na masama..."

Naalala ko noong nakaraan lang ay nasa seryosong teenage phase ito si Oracle, moody, may pagkahipster, pero ngayon parang nagmature na siya. Ang tangi ko lang sagot sa kanya bago ako lumabas ay isang mahigpit na yakap at halik sa noo.

***

Pagbalik ko sa kwarto ay nagulat ako sa tumambad sa akin. Isa na namang upgrade ng mga armas! Ang aking dating leather armor ay gold na, magaan lang ito, pambabae pero ang cool. At ang aking arrows at bow ay bago. Ang aking dagger naman ay bagong hasa at aking pouch ay tila punong puno ng bagong vials para sa injuries o ano pa.

Naligo ako, sa oras na ito ay pinili ko na magshower.

At bawat pikit ko ay naalala ko ang panaginip ko...pero hindi ko nga alam kung ano ang eksakto nito. Basta naalala ko ang mukha ng aking mga magulag at mga kapatid.

Teka nga.

Ang BGC.

Mga ilang buwan ang nakakaraan ay lumipat ang aking mama, stepfather at mga kapatid mula sa baba ng Mount Olympus, patungo sa lugar na naalala kong sabi nila ay Taguig...at doon ang BGC! Nandoon sila. Malapit sa kapahamakan!

Nagmadali akong nagpatuyo gamit ang tuwalya, sinuot ang aking damit at armas at mabilis na tumakbo palabas.

TO BE CONTINUED

Continue Reading

You'll Also Like

10.9M 492K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
73.8K 2.7K 36
Geca Rella, a die hard fan of a romance and mafia novels that full of red flag male leads. Highest Ranking: #2 in Reincarnation #13 in Fantasy #1 in...
1M 62.4K 78
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
2M 72.2K 116
Terrensia Academy. Isang paaralan para sa mga estudyanteng may angking kakayahan at kapangyarihan. Isang akademiya na siyang nakatirik sa mundo ng sa...