Elliot's Bed Warmer : ZBS 2

bluekisses tarafından

1.4M 26K 3.3K

Dahil sa malaking pagkakautang ng ama ni Maxene, at ang nagbabadyang pagkuha ng pinagkakautangan nito sa baha... Daha Fazla

ZBS 2: Elliot's Bed Warmer
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 12

49.8K 1K 351
bluekisses tarafından

Kabanata 12

"Ma, hinulog ko na po sa account mo iyong allowance mo this Month." Bilin ko kay mama, tumawag kasi siya.

"Kelan ka ba uuwi anak? Dalawang buwan ka nang hindi nauwi? Kamusta kayo ni Kim? Ang trabaho n'yo?" Nag-aalalang tanong ni mama. Napangiti ako ng mapait. Nagiguilty ako kasi mag-isa lang si mama sa bahay tapos di pa ako umuuwi, kahit once a week man lang.

"Sorry ma, sobrang busy sa trabaho, hindi na ako makauwi-uwi, minsan kasi nagiging reliever ako sa iba kong kasamahan." Palusot ko na lang pero, nalungkot ako kasi nagsinungaling ako.

"Kumain ka lagi anak, mag-iingat ka." Bilin ni mama.

"Opo, mama, babawi na lang ako pag di na busy." Sabi ko para hindi na mag-alala si Mama.

"Tapos na ba ang duty mo? Pauwi ka na ba n'yan?" Tanong pa ulit ni Mama.

"Opo ma, pauwi na ako sa dorm." Napapikit ako dahil sa kasinungalingang sinabi ko. Di naman ako sa dorm uuwi.

"Kelan ba ang off mo?"tanong ni mama.

"Bukas ma, pero di ako makakauwi." Sagot ko.

"Ganun ba? O sige, mag-ingat, ikumusta mo ko kay Kim ha?"

"Okay po ma, mag-ingat po ako lagi. I love you." Paalam ko kay mama.

"Love you too 'nak." Yon lang at tinapos na ni mama ang tawag.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Medyo pre-occupied ako nung may tumawag sa 'kin. Nilingon ko at nakitang si Kim yon.

"Kim!" Tumakbo ako palapit sa kanya.

"Bruha! Miss na kita!" Sabi nya na yumakap sa 'kin.

"Miss na din kita." Pinigilan ko ang maluha.

"Tapos na ba duty mo?" tanong ko.

"Oo." Sagot niya.

"Ang ganda mo ngayon ha? Blooming parang walang stress sa buhay." Natawa ako sa sinabi niya.

"Baliw stress nga sa pedia." Sagot ko kasi kanina andaming patients ang nag-unstable.

"Hay naku. Baka inunahan mo na ako maglove life ha?" Natatawang tuya niya sa akin.

"Praning!" Sabi ko sabay hila sa buhok niya.

Tumawa lang ang bruha.

"Breakfast muna tayo." Aya ko sa kanya.

"Tara libre mo ako ha." Natawa ako jusko kahit kelan talaga ang kuripot nitong si Kim.

~~~

Umorder na ako nang paborito naming snack ni Kim. Tapos bumalik ako sa table.

"Magkwento ka na Max." Kinabahan ako bigla sa bungad nya sa akin pero hindi ko pinahalata at umupo ako.

"Anong ikukwento ko?" Maang-maangang sagot ko.

"Aba bruha! Umalis ka lang naman sa dorm natin nang wala akong alam. So ano sa Valenzuela ka ba umuuwi? May nangyari ba kay Tita?" Biglang lumambot ang tinig niya nang banggutin niya ang Tita. Malapit na rin kasi siya kay Mama.

Sasagot na sana ako nang biglang iserve ang french fries.

"Wow! Alam na alam mo talaga ang gusto ko." Sabi ni Kim na halatang excited papakin ang fries niya.

"Oo naman." Nakahinga ako ng bahagya kasi naiba ang usapan. "Hindi ko malilimutan ang paborito mo." Nakangiting pahabol ko.

Ang sarap panoorin ni Kim. Kitang kita ko kung paano niya ineenjoy ang bawat nguya. My god I missed my best friend.

'Sorry Kim kung kailangan kong maglihim sa'yo.' Sabi ko sa isip ko. Kasi hindi ko kayang isatinig.

Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga buhay-buhay. Jusko di naubusan ng kwento si Kim. Napakadaldal talaga kahit kailan. At least hindi ako ang naging sentro ng usapan.

"Kim ito na pala 'yong bayad ko for this month at sa next month. Nasend ko na rin 'yong mga bayad noong nakalipas na 3 months diba? Natanggap mo ba?"

"Oo natanggap ko." Sagot niya habang nagpupunas ng bibig gamit ang tissue. "Kelan ka ba kasi babalik?" Malungkot na tanong niya.

"Pag-okay na ang lahat, babalik ako." Sagot ko sa kanya.

"I'm looking forward to that ha?" Paninigurado niya. Tumango ako bilang assurance.

"Tara na nga, busog na ako gusto ko na matulog, stress sa emergency e." Sabi niya na tumayo na.

Naglakad na kami palabas ng fastfood. Pinara namin ang taxi na unang dumaan. "Sabay na ba tayo?" Tanung niya.

"Mauna ka nang sumakay. Out of way e." Sabi ko na yumakap sa kanya.

"Ingat Max and thank you." Sabi niya na humalik sa pisngi ko.

"Ikaw din ingat ha?" Sabi niya bago siya sumakay ng taxi.

Nang makalayo ang taxi ay naisipan ko icheck ang phone ko. Alas-otso na pala.

'Baby, where are you?' Nabasa ko agad sa screen ang text ni Elliot kaninang 7:30. Alam niya kasing 6 ang labas ko. Napangiti ako dahil ang sweet ng dating ng message. Mula noong dinala niya ako sa kanila. Pakiramdam ko para na kaming totoong magkarelasyon, na hindi na matatapos ito, na wala nang kontratang pinag-uusapan.

'Pauwi na ako, nagbreakfast lang sa labas with my bestfriend.' Sinend ko iyon ng nakangiti at pumara na ng taxi.

'Okay, I'm too lazy to go to work.' Nagulat ako dahil nagreply pa siya. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

'Gusto mo ba ng pampasipag?' Tawang-tawa ako sa usapan namin.

'I think mas lalo akong tatamarin niyan.' He replied.

'Haha! You're so funny Ellie!' Reply ko sa kanya

'Go home quick baby, I miss you in my bed last night.'

Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko dahil sa huli niyang text. Ni hindi ko na namalayan na nasa tapat na kami ng EZT building.

"Kuya, pasok po kayo sa parking." Tinuro ko sa kuya ang parking. Kumaway ako sa guard na nakaduty. Kilala na nila ako dito. Syempre ang alam nila ay girlfriend ako ni Elliot.

"Dito na lang kuya." Para ko noong malapit na kami sa service elevator. Inabot ko ang bayad bago ako bumaba.

Pinindot ko ang 15th floor at nilagay ang password. Bumakas ang elevator at sumakay ako. Pagkalabas ko ng elevator ay natanaw ko agad na sarado pa ang kurtina sa kwarto ni Elliot. Tulog pa siguro siya. Napatingin ako sa relo kong pambisig. 9am na, baka malate siya.

Dumiretso ako sa main door. Hindi iyon nak-lock. Wala naman kasing papasok e. Elevator pa lang may secret code na.

Naabutan ko si Elliot na tulog kaya dumiretso na muna ako sa shower room bago ko siya gisingin. Ayokong madalhan ko siya ng germs from the hospital.

Matapos maligo at magbihis ay lumapit ako sa kama kung saan payapang nakadapa si Elliot. Ang gwapo at ang macho, kagigil.

Lumapit ako at tinitigan ang makisig na mukha ni Elliot. Sa sobrang gigil ko ay di ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ko si Elliot.

Dinikit ko ang labi ko sa labi niya. Pumukit ako, matagal akong nasa ganoong posisyon nung bigla siyang tumugon sa halik ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa ilalim na ako ni Elliot.

Kasalukuyan niya akong hinahalikan nang biglang tumunog ang phone niya.

"Ellie, 'yong phone mo." Bulong ko nang makawala ako sa halik niya.

"Don't mind that, mind me." He said as he bit my lips.

Pinilit kong ibigay ang atensyon ko sa kanya, but his phone woudn't stop ringing.

"Fuck!" Gigil na sigaw niya sabay balikwas ng tayo.

"Mike!" Mataas ang boses na bungad ni Elliot sa kanyang cellphone. "Anong papeles?" Kunot-noong tanong ni Elliot.

Inayos ko muna ang damit kong medyo nagusot dahil sa ginawa namin kanina.

"Okay, I'll just take a shower and go to the office." Pagsukong sabi niya at binaba ang tawag. Nakita ko ang pagtirik ng mata niya kaya natawa ako.

"Laters baby!" Sabi ni Elliot na humalik sa noo ko. Pakiramdam ko ay may humawak sa puso ko. Respect 'yong paghalik sa noo hindi ba?

Nabalik lang ako sa ulitat mula sa pagkatulala nang marinig ko ang lagaslas ng shower sa banyo, hindi yata sinara ni Elliot ang pinto. Sumulyap ako sandali sa pintuan ng banyo.

Napaigtad ako sa pagkakaupo noong biglang magring ang cellphone ni Elliot. Umisod ako ng kaunti para malaman ko kung sino iyon.

Mike is calling...

Kinuha ko ito para dalhin kay Elliot, pero patayo pa lang ako ay tumigil ang pagring. Nagring lang siguro iyon ng mga tatlong beses at naputol agad kaya hindi ko na natawag si Elliot.

Napatingin ako sa screen ng phone niya at biglang natigilan. I saw a beautiful lady beaming on his screen. Ang ganda ng ngiti niya noong kinuhanan siya sa camera. Pero sino siya? Siya ba si B? Yong tinatawag ni Elliot sa gabi. Nasaan na kaya siya?

"Tumawag ba ulit si Mike?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Elliot kaya napabaling ako sa kanya. Nakatayo siya sa pintuan ng banyo. Hawak ko pa ang phone niya.

"O-oo, dadalhin ko sana sayo baka importante. Kaso naputol ang tawag. Sagot ko na inabot agad sa kanya ang cellphone niya. Pero sa isip ko marami pa ring katanungan kung sino yong magandang babaeng yon.

"Okay." Tipid na sagot niya na dumiretso sa closet niya to change clothes. "Max, I'll be back, I'll just sign those papers na itinawag na Mike." Sabi niya na mabilis na nakapagbihis. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Wait me okay?"

Tumango ako bilang sagot. Pero sa totoo lang, medyo lutang ako, nasa isip ko pa rin 'yong babae.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Pinahid ko ang luha ko na umagos sa pisngi ko.

Bakit ako naluha? Nagseselos ba ako sa babae sa screen ni Elliot? Kasi siya mahal na mahal ni Elliot samantalang ako ay pampalipas oras niya lang.

Hindi ko naman kasi maiwasang mahulog kay Elliot. Oo pampalipas oras niya ako bilang bayad utang pero, nung una ko lang yon narammdaman. Kasi ngayon, pakiramdam ko ay para kaming magkarelasyon na kulang lang ng pagmamahalan.

Hindi naman masasabing loveless relationship, one-sided love siguro puwede.

Napaigtad ako at mabilis na pinahid ang natitirang basa sa pisngi ko. Dinampot ko ang cellphone ko na tumutunog.

Si Elliot ang tumatawag. Tumikhim muna ako bago ko sinagot ang tawag.

"Hello?" Bungad ko pagtapat ko ng cellphone sa tenga ko.

"Max, can you go down to my office?" Pakiusap ni Elliot.

"Yes, why?" Sagot at tanong ko sa kanya.

"I left some documents on my drawer." He answered.

"Saang drawer?" Paniniguro ko kahit may idea na ako na doon iyon sa may bandang sala. Sa working area niya.

"On my working table. There is a drawer there, can you get a brown envelope with EZT logo." He said.

"Okay. I'll get it." Sagot ko na dumiretso sa working table niya.

Mabilis kong binuksan ang drawer gamit ang isang kamay. Hinalungkat ko ng kaunti at natigilan nang makita sng isang wedding invitation.

Come and Join
Elliot and Abbie

Pakiramdam ko ay bumagsak anag balikat ko.

"Hey, did you see it? Are you still there? Max? Max?" Dahil sa pagkabigla ay hindi ko na naalalang kausap ko pa si Elliot.

"Ah, yeah." Sagot ko, nakita ko rin sa loob ng drawer ang brown envelope. Binalik ko naman ang invitation sa loob ng drawer.

"Okay, can you bring that here?" Malambing na tanong niya.

"S-sure." Tipid na sagot ko.

"Okay, I'll see you again in a bit." I know that he is grinning on the other line right now.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang isipin ang invitation na nakita ko at ang babaeng nakangiti sa cellphone ni Elliot.

Sino si Abbie? Nasaan siya ngayon? Bakit hindi natuloy ang kasal nila?

Sobrang dami ng tumatakbong katanungan sa isip ko habang papunta ako sa elevator hanggang sa makababa ako sa floor ng opisina ni Elliot.

Agad kong kinalma ang sarili ko nang marinig ko ang pag-click ng elevator na hudyat ng pagbukas ng pinto.

Pagbaba ko ng elevator ay may isa pang. Pintuan na alam kong katuloy ng opisina ni Elliot.

Pagbukas ko ng pinto ay nakaharap na sa akin si Elliot na prenteng naka-upo sa kanyang swivel chair.

"Thank you so much." Sabi niya nang maiabot ko ang envelope.

"Akyat na ako." Tipid na sabi ko, medyo lutang pa ako sa mga iniisip ko.

"Not yet baby. You can take your sit there." Tinuro niya ang couch sa tabi ng isang pinto. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at tahimik na pinanood siya.

Binuksan niya ang envelope at inilabas ang ilang papel tapos may mga pinirmahan siya. Maya-maya ay may pinindot siya at nagsalita sa intercom.

"Mike, pakikuha na ang mga papel." Matapos iyon ay bumaling siya sa akin.

"Hindi ka ba nahirapan mahanap ang pinadala ko?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman." Sa isip ko ay naglalaro na naman ang wedding invitations.

Nakarinig ako ng buzz at kasunod noon ay ang pagpasok ni Mike na sekretarya niya. I met him before. Bumaling ito sa akin para batiin ako. Tumango lang ako bilang sagot. Nahiya pa ako ng kaunti dahil nakapangbahay lang ako samantalang kagalang-galang ang suot nila.

"Here. You can send that to Attorney Lizano." Utos niya nang maiabot ang envelope sa sekretarya. "And 'yong pinapabook ko sa'yo for next week.

Tumango lang ang sekretarya niya tapos lumabas na din ng opisina.

"Thank you for your help Max." Sabi niya lumapit sa akin.

"You're welcome." Kinalma ko ang sarili ko para mawala sa isip ko ang invitation.

"I have set a vacation trip for the two of us next week. Take your Vacation leave." Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Pero mahirap kumuha ng leave." Angal ko. Vacation sounds fun, pero hindi madaling magleave.

"It's either you file for your leave or I know a member of the board at the hospital, I might call him." Seryosong sabi niya na dinampot ang phone sa lamesa.

"No—I'll file for my leave." Pigil ko sa kanya.

"Good."

I don't know kung paano ko mapa-file ang leave ko, pero gagawa ako ng paraan dahil nakakahiya ang balak ni Elliot.

Sa oras na iyon ay natabunan ang mga bagay na nadiskubre ko noong umagang iyon. Napalitan ng excitement para sa out-of-town at sa kung paano makakakuha ng leave. Hay bahala na!

ITUTULOY...

~~~
Author's Note:
Thank you for those who waited patiently! Kapit tayo, kasi sinusubukan ko kapitan ang pagsusulat to finish my ongoing and to accomplish this series! Aja!

Vote and leave comments!

Thanks!

~Leyn 💙

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.5M 58.9K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
1M 18.7K 9
" Noon pa man, dapat alam mo na iyon. Hindi ko man sabihin sa 'yo, dapat alam mo na. Hindi kita uuwian gabi gabi kung hindi kita mahal." - Keith Fran...
2.2M 49.6K 55
WARNING: R-18| 25dec2020 i've reuploaded all the chapters of seducing mr. antisocial! so yes, mababasa niyo na rin nang buo ang SMA dito ngayon ^_^...