Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

120M 4.2M 3.8M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 228

746K 26.8K 25.4K
By eatmore2behappy

A/N: Papansin yung nagpasa sakin ng virus. Perwisyong tunay! Parang bago tuloy ulit ang cellphone ko. Dami ko pa lang files. Dami ko ring nakaw na picture ni crush. Harhar pero hindi ko na sya crush na yon kaya binura ko na. SKL!

Thank you so much sa magandang cover na ito. jhona_19


Thank ko din po dito. @violetssss


Salamat ng marami din dito @Christelmaegestopa

I.Q.

Jay-jay's POV

Ang ingay. Parang may nagkakasatan at nag-aaway. Meron din akong naririnig na kumakanta. Ang gulo nila at kahit gusto ko pang matulog, hindi ko na nagawa dahil sa kaingayan nila.

Istorbo naman sa pagtulog! Kainis!

Dinilat ko ang mata ko at ang mga Pesteng Ulupong ang bumungad sakin.

"Ang ingay nyo!" Inis na sabi ko.

"Uy gising na!"

"Gising na gising na!"

"Kamusta Jay?"

Napasibangot ako. Ngayon lang kasi ako nakakita ng nanga-ngamusta na puro pagkain ang nasa bibig. Iba pa yung hawak ng kamay nila sa laman ng bibig nila.

"Lumayo nga muna kayo! Ang papangit nyo daw! Na-a-alibadbaran sya!" Sabi ni David at mabilis naman silang naglayuan.

Saan ba galing ang pagkain na yon at kainan sila ng kainan?

Sinubukan kong maupo. Agad namang inayos ni Yuri ang kama para bahagyang tumaas ang ulunang parte non. Nilagyan din nya ng unan ng likod ko. Kun-todo asikaso sya sakin samantalang yung mga talipandas busy sa pag-nguya.

Napatingin ako sa mga kamay ko ng mapansing kong balot na balot iyon ng benda pero wala naman akong nararamdaman. Napagtanto ko rin na merong nakabalot na benda sa ulo ko.

Bakit ganito to?! Anu bang----si Ci-N!

Dun lang bumalik sakin ang mga nangyari. Kung bakit ako nasa ospital at kung bakit may balot ang mga kamay ko. Si Ci, si Mykel at yung chandelier.

Tinignan ko ang mga Ulupong. Hinanap ko ang muka ng Bata'ng Kumag pero hindi ko sya mahagilap.

"Asan si Ci-N?" Nag-aalalang tanong ko.

Si David ang sumagot. "Sa kabilang kwarto. Okay na sya, matibay ang batang yon."

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko kung anu nang nangyari sa kanya. Pinikit ko ang mata ko at sinandal ang likod sa kama. Buti nalang talaga at walang masamang nangyari sa kanya.

Sinubukan kong isipin ang mga nangyari bago ako mapunta sa ospital.

Para kasing may kulang.... parang may hindi ako maalala.

Dumilat ako at si Yuri ang una kong nakita. Binabalatan nya ang hawak na mansanas.

"Sinong nagdala samin dito sa ospital?" Tanung ko at tinignan naman nya ko sandali bago bumalik sa ginagawa.

"Kami."

"Si M-mykel, asan?"

Bigla nalang syang tumawa at kinagatan ang mansanas na binalatan nya. Yung totoo, sinong may sakit dito? Bakit sila ang kumakain ng mga pagkain?

"Anung nakakatawa?" Medyo inis na sabi ko.

"Tinanung mo na yan kanina. Pa-ulit-ulit ka."

Kumunot ang noo ko. "Kagigising ko lang. Panu ko itatanung yon?"

Huminto sya sa pagkain ng mansanas at tinignan ako ng puno ng pagtataka.

"Jay... Gumising ka na kanina habang tulog sila. Tulala ka pa nga bago magsalita."

Ang tagal naming nagtitigan ni Yuri. Pareho'ng nalilito sa nangyayari. Wala akong maalala na gising ako. Ni hindi ko nga maalala kung anu nangyari pagkatapos ng----yung dugo!

"Yuri... P-pwede mo ba kong d-dalin kay Ci-N?" Tarantang pakiusap ko.

"Bakit? May problema ba?"

"K-kasi... yung... kasi..."

Panu ko sasabihin sa kanya na bumalik na naman yun. Yung bagay na yon na nangyayari sakin. Yung bagay na iniiwasan ko sa matagal na panahon.

Yung bagay na yon! Nakakatakot!

Nakarinig kami ng pagkatok sa pinto. Halos pare-pareho kaming tumingin sa pintuan bago bumukas yon. Nakangiting humarap sakin si Tita Gema.

"Kamusta kayo?" Bati nya sa mga Ulupong at sa akin.

"Ayos lang kami Tita." Nakangiting sagot ni Eren.

"Salamat po sa pagkain Tita." Sabi naman ni Denzel.

Anung Tita? Kelan pa nila naging Tita si Tita Gema? Tigas ng muka ng mga Ulupong na to!

"Panu po ninyo niluto ang pansit na to? Ang sarap po kasi Tita." Sabi naman ni Eman.

"Tita, eto pong Minudo masarap." Gatong naman ni Kit.

Yung napapangiwi nalang ako. Parang close na close sila nila Tita. At wow lang ah! Kapal muks talaga sila, nakiki-kain pa.

"Salamat. Buti nalang andyan kayo para alalayan si Jay-jay." Sabi ni Tita at binaba ang paper bag na dala nya sa lamesang pinag-lalagyan ng mga pagkain.

"Uy anu to Tita? Mukang masarap ah?" Sabi ni Drew habang pinapaki-alaman ang paperbag.

"Adobo yan. Kain lang kayo." Sagot ni Tita at lumapit sakin. "...kamusta pakiramdam mo?"

"Ayos na po ako Tita." Tinignan ko yung mga Ulupong na kumakain sa likod nya. "...Bakit po ang daming pagkain?"

Tinignan din nya ang mga Ulupong na nasa likod nya. Ngumiti sya bago humarap ulit sakin.

"Simula kasi ng dalin ka nila dito kahapon, hindi pa sila umuuwi para kumain... kaya dinalan ko nalang sila." Paliwanag nya.

Kahapon pa? Ibig sabihin may isang araw na pala akong walang malay.

Tinignan ko si Yuri. "Kahapon pa kayo dito?" Tanung ko at nag-nod naman sya. "...edi hindi pa kayo naliligo?"

Pare-pareho silang natigilan. Nag-taka si Tita sa naging reaksyon nila. Pati si David na may puto sa bibig bigla nalang huminto.

"Okay lang yan. Sanay na kami'ng hindi maligo." Sagot ni Mayo at mabilis syang nakakuha ng batok kay Josh.

"Ikaw lang. Wag mo kaming idamay." Sabi ni Felix.

Habang nag-aasaran sila napaisip ako. Kakaiba kasi talaga yung pakiramdam ko. Para akong lutang kahit malinaw naman ang mga nangyayari sakin.

"Jay?" Tawag sakin ni Tita Gema habang tinatapik ang braso ko. "...sigurado kabang okay ka lang?"

Nag-nod naman ako. "O-opo Tita."

"Tinatanung kasi kita. Hindi ka sumasagot."

"Sorry po."

"Baka po gutom na." Singit ni Yuri.

Tumawa naman si Tita Gema. "Baka nga. Kayalang hindi pa sya pwedeng kumain."

Anung hindi pwede'ng kumain?!

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin kila Tita Gema at Yuri.

"S-seryoso kayo dyan?"

Inayos ni Tita Gema ang unan sa likod ko. Nakatawa pa rin sya habang ginagawa yun.

"Kailangan pa nating hintayin ang sasabihin ng doctor. Hindi ka namin pwede'ng basta paka-inin."

Hhhhuuuwwwwaaaaattttttt????!!!!!

Bakit ganun?! Ang daming pagkain sa harap ko tapos hindi ako pwedeng kumain. Bakit? Ang unfair naman nito!

"Pero bakit?"

"Yun kasi ang sabi ng doctor."

Maluha-luha akong humarap kay Tita. "Pero minsan hindi totoo ang sinasabi ng Doctor."

Tinawanan na naman nila ako. Napaka-sakit sa damdamin nito. Abot kamay ko lang ang mga pagkain pero bawal. Bakit bawal? Bakit?!

BAAAAKIIIIITT?!

"Ikaw talaga.... sige na. Pupuntahan ko muna si Aries. Iniwan ko dun ang Mama mo, kaya baka nag-aaway na sila don." Sabi ni Tita at naglakad na palabas.

Nag-pasalamat naman ang mga Ulupong sa kanya bago sya tuluyang makalabas. Nilapitan ako ni Yuri at naupo sa tabi ko. Hinawakan nya ang kamay ko.

"Anu yung sinasabi mo kanina?"

Oo nga pala!

Tinignan ko yung mga Ulupong. Hindi ko gustong pag-usapan ang mga bagay na yon sa harap nila.

"Next time nalang siguro."

Humigpit ang hawak nya sa kamay ko kaya napatingin ako don. Alam kong ramdam nya na may iniisip ako. Nagpilit ako ng ngiti sa kanya at sinubukang hawakan din ang kamay nya pero sagabal ang benda.

Nanatili kami sa ganung posisyon ng bigla kong maalala si Percy. Unti-unti'ng nanlaki ang mata ko.

"S-si Percy? Asan si Percy?"

Tumingin sakin si Felix na kasalukuyang umiinom ng coke.

"Nasa bahay. Bakit?" Sagot nya.

"Okay na ba sya?" Nag-aalalang tanung ko.

Taka akong tinignan ni Felix. "Oo naman. Bakit naman sya hindi magiging okay?"

"Kasi nung magka----."

"Andito sya kanina." Putol ni David sa sasabihin ko.

Kakaiba ang tingin nya sakin. Para bang sinasabi nya na wag na ko magsalita pa. Binalikan ko si Felix na nagtataka pa rin.

Umiling ako habang nakangiti. "Kelan daw sya babalik dito?"

"Hindi ko alam. Sila ni David ang magka-usap."

Tinignan ko si David pero nagkibit balikat lang sya samin at pinag-patuloy ang pagkain. Ganun din ang ginawa ni Felix. Pinili kong ipagpaliban muna ang gumugulo sa isip ko.

May pagkakataon na pinapa-inom ako ni Yuri ng ga-kutsarang tubig para maibsan ang uhaw ko. Pero gusto ko ng kumain.

Pagkain! Pagkain! Pagkain!

Bandang hapon ng maisipan ng mga Ulupong na umuwi muna. Wala naman silang ginagawa dito kundi kumain ng kumain.  Naiwan si David at Yuri.

Pagka-labas ng mga luko saktong nag-ring ang cellphone ni Yuri. Nag-paalam sya na sasagutin muna yung tawag at lumabas na.

Tinignan ko si David na kasalukuyang naglalaro sa cellphone nya.

"Hoy Dabid!" Inis na tawag ko sa kanya. "...Anung nangyari kay Percy?"

"Nasa bahay nila. Nagpapahinga." Bored na sagot nya.

"Oo nga! Pero anung nangyari sa kanya nung iwan ko sya?"

Pinatay nya ang cellphone at hinarap ako. Seryoso ang mga mata nyang nakatingin sakin.

"Tinawagan nya ko. Sabi nya ina-atake daw sya ng sakit nya. Ako lang ang nagpunta dahil alam kong ayaw nyang ipaalam sa iba ang kalagayan nya." Paliwanag nya.

Napuno ako ng pag-aalala sa kanya. Anung sakit? Wala syang sinabi sakin na may sakit sya.

"A-anung sakit yun? Bakit hindi nya sinabi sakin?"

"He don't want you to worry."

Napayuko ako. "Kelan pa? Kelan nya pa nararanasan yung ganun?"

Ipinatong ni David ang siko sa tuhod nya. Kiniskis nya ang mga palad nya at tinignan ako ng seryoso.

"After the accident. He suffer with spinal damage. Unable to walk and almost paralize but his mother did everything that she can to help him." Nagpahawak ako ng mahigpit sa kumot ko. "...She spend a lot of money just to find a Doctor that could cure Percy."

"Pero diba magaling na sya? Eto na nga sya naka-kaharap na natin."

"Not totally, there's a side effect. Biglang sumasakit ang spinal nya at kasunod non ang pagka-paralisa ng ilang parte ng katawan nya."

Naalala ko yung itsura nya sa kotse. Kung panu sya sumigaw dahil sa sakit. Yung mga kamay nya at pati pananalita.

"Hindi na ba pwedeng ipagamot yun?"

"They tried. That's the reason why his been gone for a long time and ask me to look after you."

So yun pala yung dahilan yung bakit napunta sya ng New York kasama si Papa. Hindi ko maimagine na sa kabila ng pagiging maluko at korni nya ay may sakit syang ini-inda.

Hindi na ko makakarinig ng Korni'ng joke.

"Yung sakit nya na yon... May chance ba na...." Hindi ko magawang tapusin ang tanung ko pero mukang nakuha din nya ang magiging kasunod non.

"Yes... There is a chance. High risk."

Hinawakan ko ng kamay ang bibig ko. Parang hindi totoo ang mga sinabi ni David sakin. Sana joke lang to, tutulungan ko pa sya sa pagtawa.

Binigyan nga ako ng panibagong kapatid pero parang babawiin din sya sakin.

"...Isa rin yun sa dahilan kung bakit ayaw na syang pabalikin ng Mother nya dito." Dagdag nya.

Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa silang bumagsak dahilan para mataranta si David at lumapit sakin.

"Hey! Don't cry. Wag ka mag-isip ng kung anu. Matibay si Percy." Sabi nya habang pilit pinupunasan ang luha ko.

"A-ang daya kasi... Ang daya-daya." Sabi ko at napahagulgol na sa pag-iyak.

Niyakap ako ni David habang hinahimas ang balikat. Bakit kailangan may kapalit lahat ng binibigay sakin? Binigyan ako ng Ama pero hindi ko naman sya pwedeng makasama. Binigyan ako ng kapatid pero hindi ako tanggap. Binigyan ako ng panibagong kapatid pero parang kukuhanin din sakin.

Parang tinakam lang ako sa isang pagkain pero hindi ko pwedeng kainin.

"Hindi pa ko patay pero iniiyakan mo na ko."

Napatingin kami sa pinto. Papalapit ang lalaking may blue eyes samin. Naka-ngiti sya na parang walang nangyari. Sa halip na mag-alala ako at malungkot nainis ako bigla sa kanya.

"Tsansing ka..." Sabi nya kay David. "...baka gusto mo ng bumitaw."

Kamot batok na umalis si David sa pagkakayakap sakin at bumalik sa kinauupuan nya. Tinignan ko ng masama si Percy.

"Bwisit ka!" Sabi ko paglapit nya. "...kung wala lang benda yung kamay ko sinuntok na kita."

Ngumiti ng malapad ang luko. "Buti nalang may benda. Baka masira ang ka-gwapuhan ko."

Bigla nalang tumayo si David at lumapit sa aircon. "Bakit parang lumakas hangin pero naka-stable naman sa number 5?"

Ramdam din pala nya ang bagyo.

"May problema ba David?" Sarcastic na tanong ni Percy. "...dun ka muna sa labas para hindi mahangin."

Natawa naman sya bago tuluyang maglakad palabas ng kwarto. Pagsara ng pinto naupo sya sa tabi ko. Gusto kong ihampas yung kamay ko sa kanya pero baka mapano yung mga buto ko.

"Bakit hindi mo sinabi?" Basag ang boses ko ng sabihin yun. "...at wag mong sasabihin na ayaw mo kong mag-alala. Coz that's bullshit!"

Hindi sumagot at nakatingin lang sakin kaya tinuloy ko ang paglabas ng sama ng loob.

"Ang unfair sakin... Akala ko may kakampi na ko. Akala ko may masasandalan na ko. Pero bakit parang sandali lang? Bakit parang babawiin din sakin?" Bumagsak ang mga luha ko. "...panu ako nagpapatuloy ngayon kung sa bawat oras na dumaan, pwede ka ng kunin sakin? Anu'ng gagawin ko? Ha?! Sagutin mo ko!"

Hinawakan ni Percy ang pisngi ko. Pinunasan nya ang mga luha at bahagyang lumapit sakin.

"Alam mo na ang sagot kung bakit hindi ko sinabi sayo." Seryoso ang mga mata nyang nakatitig din sa mata ko. "...Itong tatandaan mo. Hindi'ng hindi kita iiwan. Walang babawiin sayo. Walang kukunin sayo. Wala kang gagawin dahil hindi ako papayag na mawala sa inyo."

Nakita ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata nya. Ngayon ko lang sya nakitang ganito. Except nung nag-inom sya dahil sa issue nila ni Freya. Pero hindi ganito'ng-ganito.

"Minsan ko ng natakasan ang kamatayan Jay. Handa ako'ng ulitin yun. At uulit-ulitin ko yun. Alam mo kung bakit?" Umiling ako. "...dahil gwapo ako."

Kainis! Baliw talaga tong lalaki na to!

"Bwisit!" Inis na sabi ko sabay hampas sa dibdib nya pero nanatili syang seryoso.

"Hindi ko kayo pwedeng iwan. Lalu ka na. Hindi pa kita naihahatid sa Papa mo. Magtiwala ka lang, mabubuhay ako mas matagal pa sa inaasahan mo." Ngumiti sya. "...baka nga mauna kapa sakin."

Natawa ko sa sinabi nya kaya ngsimula'ng gumaan ang pakiramdam ko. Pinunasan ko ang mga luha ko at yumakap sa kanya.

Gumanti din sya ng yakap. "Magtiwala ka lang sakin. Hindi na ulit ako mawawala."

Nag-nod ako at alam kong ramdam nya yun. May tiwala ako sa kanya. Naniniwala akong hindi nya kami iiwan.

Bumitaw kami sa pagkakayakap at dun lang namin naramdaman ang presensya ng ibang tao. Napatingin kami sa pinto at dun nakatayo si Yuri at David na parehong nakatingin samin.

"We have to go." Sabi ni David.

Nag-nod naman si Percy sa kanya bago ako muling harapin. "Babalik ako dito bukas. I just need to deal with something."

"Sige. Ingat."

Hinalikan nya ko sa noo bago tuluyang maglakad palapit kay David. May kakaibang palitan pa ng masamang tingin si Yuri at Percy bago makalabas ng pinto.

Hindi ko talaga alam ang problema ng dalawang to.

Lumapit sakin si Yuri pag-alis ng dalawa. Ngumiti sya at umopo sa tabi ko.

"Sorry kung matagal ako." Sabi nya.

"Okay lang."

Sandali kaming nag-usap tungkol sa nangyari kahapon. Gusto ko sanang ikwento sa kanya na nangyari na naman yung dati. Pero parang biglang umurong yung dila ko nung oras na sasabihin ko sa kanya.

Bandang 7pm ng dumating si Mama para bantayan daw ako. Nagpa-alam si Yuri na uuwi muna at babalik nalang ulit bukas.

Dahil hindi pa rin pwedeng kumain, ga-kutsarang tubig pa rin ang laman ng tyan ko. Kung pwede lang na kainin ko na rin yung kutsara ginawa ko na para lang magkalaman ang tyan ko.

"Ikaw Jay! Tigil-tigilan mo na yung pakikipag-away! Baka walang tumanggap sayo na University!" Sermon ni Mama habang pinupunasan ako ng basang bimpo.

Para namang ginusto kong makipag-away.

"Nakikinig ka ba?!" Inis na tanung nya.

"Opo." Walang buhay kong sagot.

Matapos nya kong linisan, inayos nya ang kama para makahiga na ko. Pinili kong humarap sa pader para mabilis na makatulog. Bukas kasi ang ilaw at marami akong nakikita'ng gamit o bagay, malikot ang mata ko at hindi ako makatulog.

Napansin siguro ni Mama na hindi ako makatulog kaya pinatay nya ang ilaw at hinawi ang kurtina ng bintana para magkaroon ng kaunting liwanag galing sa labas.

Hindi nagtagal kusa din akong nakatulog. Dala na rin siguro ng pagkabitin ng tulog ko kaninang umaga.

Hindi pa nagtatagal ang tulog ko ng magising ako dahil sa mahinang pagkatok. Ang weird lang dahil hindi naman ganun kalakas yung katok na yon para magising ako ng sobra. Hindi rin naman nagmamadali.

"Ma! May tao." Sabi ko at nagtalakbong ng kumot.

Istorbo! Sarap-sarap ng tulog ng tao eh!

Ganun nalang ang pagtataka ko ng hindi ko marinig na sumagot si Mama. Narinig ko na naman ang pagkatok at binaba ko na ang kumot. Hinarap ko si Mama na may inis.

"Ma! Hindi mo ba naririnig----." Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko dahil wala si Mama sa sofa'ng kinauupuan nya kanina.

Wala pala akong kasama?!

Muli ko na namang narinig ang pagkatok.

"Sino yan?!" Sigaw ko pero walang sumagot.

Narinig ko ang pagtunog ng doorknob. Unti-unti'ng nagkaroon ng siwang ang pinto at pumasok ang liwanag mula sa labas.

Napansin kong parang may sumilip mula sa siwang. Nagsisimula na kong kabahan. Pwede naman kasing buksan ng malawak ang pinto at pumasok sya kung sino man sya.

"May tao ba dyan?" Kinakabahang tanong ko.

Nawala yung sumilip. Ilang minuto kong hinintay kung may papasok ba pero wala. Tatayo na sana ako para isara ang pinto pero lumangit-ngit ang bisagra nito habang dahan-dahang bumubukas.

Pero bakit walang tao?!

Bigla kong naalala yung pinag-uusapan ni Josh at Mayo kanina. Nag-aasaran sila na meron daw dito sa kwarto ko. Batang babae na naglalaro sa ilalim daw ng kama ko.

Napalunok ako ng ilang ulit. Tagaktak ang pawis ko kahit naka-aircon ang kwarto. Napa-atras ako sa higaan ko ng mapansin ko may kamay na naka-kapit sa gilid ng pinto. Meron ulo na bahagyang sumilip sakin.

Kinilabutan ang buo kong katawan lalu na ng marinig ko ang pangalan ko pero sa sobrang hina hindi ko na narinig ang sunod nyang sinabi. Tanging ang liwanag mula sa nakabukas na pinto lang ang ilaw ko.

Kingina! Kingina! Kingina! Kingina!

Sa sobrang takot na nararamdaman ko nahiga ulit ako sa kama at namaluktot. Nagtalakbong ulit ako at pumikit. Kulang nalang tawagin ko na lahat ng santo.

Halos dasalin ko na lahat ng dasal na alam ko ng marinig kong sumara ang pinto. Nanginginig ako kahit hindi naman ako nilalamig. Umurong lahat ng tapang ko lalu ng makarinig ako ng langitngit ng bakal.

Para bang gulong na kulang sa langis o kaya sisow na may kalawang na. Palapit ng palapit sakin ang tunog na yon. Parang sasabog ang puso ko, nakakabingi ang pagtibok non hangang sa.....

"Eto sya."






++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
478K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
21.5M 701K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
7.8M 201K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...