Riot Begins in Class 3C!

By cawolayn

12.3K 141 27

The murderer can be just in front of you, talking to you, observing everything that you do... More

The Mystery Behind 3c Class...
[1] Where's Elisa?
[2] We're in Danger!
[3] Our Crazy Classmates
[4] Time Machine
[5] Who Embraced the Devil?
[6] 3 days before the murder case
[7] Elisa should regret it
[8] Jail

[9] Miss Victoria is Dead

663 10 4
By cawolayn

Chapter 9

10:00pm

Rances' POV

Naging tahimik na kaming tatlo dito sa jail at tumigil na rin ang ulan. Talagang inip na inip na ako. Anu kaya ang pwedeng gawin? Di pa naman ako makatulog. Tss...tumingin ako kay Lyn.

"Hoy Lyn."

"Zzzzzz...." tulog na. Buti pa siya nakatulog.

Hay nako. Si Yui na nga lang. Di pa siguro to tulog. Lagi naman yan late matulog eh.

"Hoy Yui." minulat ni Yui mga mata niya. Di din siya makatulog?

"Patay na si Miss Victoria." -ang biglaan niyang sabi. Di ako prepared! Nakakagulat naman mga sinasabi niya.

"Ha? Anu bang sinasabi mo? " -kung tunay man yun...edi wala na kaming teacher?

"Wala na siya. Patay na. " tapos pumikit na siya ulit. Pang-asar naman ohh...tinutulugan ako ng mga tao. Sa mga sinabi ni Yui baka naman mas lalo pa akong di makatulog nito.

"Patay na si Miss Victoria? Imposible" -ang nasambit ko. Naguguluhan pa rin. Ang sarap tuloy makipagpustahan kay Yui. Tss.

Pagkalabas namin dito. Aalamin ko kaagad ang totoo. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Yui. Eh panu kase...minsan joker talaga siya.

Kinabukasan!

Topher's POV

Good Morning! Teka. Anu naman ang good sa morning?!

Eh pagkadaan ko sa ibang mga classrooms...nagbubugbugan na yung ibang students. Mga walang magawa sa buhay. Palaging riot! Anung magagawa ko?

Nakarating na ako sa classroom namin. Wala pang ibang tao. Napaaga ako sa pag pasok.Umupo na ako. Ngayon, anong gagawin ko???

(=________=) ganto ang mga napapala ng mga maagang pumasok. Bordome

Teka. May naalala ako. Kinuha ko yung papel. Napulot ko to malapit sa park. Kagabi pa tong gumugulo sa isip ko. Sinulatan ni Acer si Elisa?? Ang sabi dito, magkita daw sila sa park ng 7pm at may sasabihing mahalaga. Anu naman kaya yun? At kelan? Eh wala na si Elisa dito.

"Topher." may tumawag sa pangalan ko. Medyo nagulat ako dun ah. Lumapit si Acer, bagong pasok.

 "Acer, alam mo ba to?" -tanong ko agad sa kanya. Ipinakita ko yung sulat. Baka sakaling alam niya.

"Pabasa nga." -inabot ko naman sa kanya. Mukhang si siya pamilyar dun habang binabasa niya.

"Hindi ito galing sakin. Ang iba ng hand writing ko siyan. Atsaka pag nagsusulat ako ng letter sa babae, sa stationary ko sinusulat at hindi tulad nito na scratch lang. Cheap. " -sagot ni Acer sabay bigay sakin nung papel na scratch daw. HAHA.

"Kung ganon, bakit pangalan mo ang nakasulat dito? " -tanong ko ulit.

 "Aba.Ewan. Baka prank joke lang ito."

"Hmm...sino kaya ang gagawa nito? Kay Elisa pa to"

"Sa tingin ko may kinalaman ito sa pagkawala niya. Sabihin mo kay Miss President para matulungan ka. Alam mo hindi talaga kapani-paniwala na patay na siya. Ang posible lang is...nawawala siya. Kung hindi natin mismo makikita yung katawan niya..nakakaduda pa rin." -Acer

"Tama ka. Pero nasaan kaya siya? "

"May teorya ako na nagtangka silang tumakas nung tunay na nagsulat niyan. Ginamit pa talaga niya pangalan ko."

"May commitment ba kayo ni Elisa?? " tanung ko kaagad sa kanya.

"Wala pa. Hehe. pero sure ako na may gusto yun sakin haha"

=___= tawanan ba daw?

"Ang hangin ahh."

"Pasensya na. Oh Topher, hintayin mo na lang si Miss President. Lalabas lang ako saglit. Oo nga pala...good luck sa poster making contest!"

"Sige salamat." -at umalis na nga siya. Ang sunod naman na dumating ay si Rey, ang vice president.

"Oi. Rey"

"Ohh baket? "

"Alam mo ba kung saan na dinala ni Miss Victoria sina Rances?"

"Aba. Malay ko..." -ang bitter talaga kausap ni Rey. -.-

"Ahehe...ahm magpapatulong sana ako dito..." -pinakita ko din sa kanya yung sulat. Tiningnan niya rin g mabuti. Binasa. Hmm...siguro habang wala pa ang preisente, sa kanya muna ako magpapatulong.

Pero bigla niyang...

*Scrach scrach scrach*

Pinunit yung sulat!

WTH?!

"Teka...Rey! Wag mong---"

pero bago ko pa siya pigilan, napunit na niya yon at hinayaan na niya yun sa sahig...

"Topher, ang mabuti pa wag mo nang balikan ang pagkamatay ni Elisa para hindi ka na madamay pa dito." sabi ni Rey in a serious voice na lubos kong ipinagtaka.

"Pero bakit?!"

"Baka mapahamak ka pa. May pakiramdam akong nasa klase lang natin ang gumagawa nito kaya dilekado. Lumalabas na isa-isa ang baho ng klaseng ito kaya mag iingat ka. Madami ang traydor. Baka di mo alam, nasa harapan mo na pala yung killer..."

ang paalala sakin ni Rey. Tinandaan ko yun lahat, walang labis, walang kulang.

Rances' POV

(panaginip po ito ni Rances)

Umuulan nang malakas. May mga kulog at kidlat na tumatama.

At andun si Elisa...binubugbog ng tatlong kahinahinalang tao.

Kumukulog at kumikidlat...nakikita ko ang lahat.

Pilit na nanlalaban si Elisa pero nauubusan na siya ng lakas!

Kumukulog at kumikidlat...nakaluwal na ng dugo si Elisa!

Naghihingalo...hinihingal!

Nahihirapang magsalita...

Kumukulog at kumikidlat,

Patuloy pa rin ang ulan!

Si Elisa bumagsak na sa lupa...yung tatlo bigla na lang nawala!

(A/N : ayan...alam kong weird ang description neto. HAHA. XD gusto ko lang na ibahin ang style. hehehe...sana ok lang... )

Pinagpapawisan na si Rances...

"Rances! Rances! Hui! " -mga boses

"Oi Rances! Gising! "

Panaginip lang pala. Bumangon na ako. Nakatingin lang sakin sina Lyn at Yui. Halatang nagtataka ang mga mukha nila. Pinagpapawisan pa rin ako.

"Nanaginip ka ba? " -Yui

"Tss...sakit ng ulo ko" -haha! ang ayos ko talaga sumagot. XD

"Uminom ka na lang mamaya ng gamot.  Sabi nung guard, makakalabas na tayo in 10 minutes." -Lyn

"Mabuti naman kung ganon." -ako

At nung maalala ko yung panaginip ko.

"Sa tingin ko may mga bumugbog kay Elisa. Tatlo sila..." -sabi ko

"Kilala mo ba??" -Yui

Inaalala ko lahat...yung nasa weird kong panaginip. May mga mukha ba akong nakita??

Blurd. :(

"Di ko sila nakita ng maayos. Malabo." -saad ko

"Alalahanin mo pa, Rances." -Lyn

Pumikit ako saglit. Nagbabakasakaling maalala ko. pero wala talaga eh. 

"Di ko talaga sila mamukhaan." -sabi ko. Halata sa mga mukha nila ang dissappointment.

"Hmm, pero naaalala mo ba kung saan naganap yung murder?" -Yui. Grabe. Murder na talaga tohhhh

"Naku hindi eh. Basta ang alam ko, galit na galit yung tatlong yun kay Elisa. at hindi ko din alam ang dahilan." -sagot ko

"ang hirap naman ng clue na yan..."-Lyn

Biglang bumukas ang pintuan ng kulungan namin.

"Makakalabas na kayo." -sabi nung guard

"Ayos!!" dali dali na kaming lumabas para maka-attend ng klase namin. Ang baet. HAHA

Tumatakbo kami nung maalala ko yung sinabi sakin kagabi ni Yui.

"hoy Yui, totoo ba yung sinabi mo sakin kagabi??"

"Ano yung sinabi ni Yui??" -Lyn. Mukhang narinig niya ako.

"Wala na nga si Miss Victoria. Patay na siya! Sure ako dun. Nagtataka nga ako ngayon kung bakit tayo tumatakbo para umatend ng klase niya." -Yui

"Parang imposible ang sinasabi mo Yui. Ang masamang damo, mahirap mamatay!" -Lyn

"Tss. Ang mabuti pa, tingnan na lang natin." -Yui

At ayun na nga, pagbukas namin ng backdoor ng classroom...

Nagreready na ang lahat sa paglabas ng classroom???

May mga question marks na sa mga ulo namin. XD

"Ohh... MIss president, you're late.Hahahaha!!! " -si Ken yan. -___- nasa likod yung grupo niya. Nakasunod lang sa kanya..sinalubong kami sa pagpasok kaya ayun tuloy... napaatras kami. Ang tangkad kaya nila!

Pagkaalis nila...

"Tss asar. Yanna, nasaan si miss victoria?? " -tinanong ko si Yanna na palabas na rin. Si Yanna nga pala ang kaklase namin pure Chinese. Pero nakakapagsalita naman siya ng language namin.

" Dumating kanina ang assistant principal.  Ang sabi niya, nag leave daw si Miss Victoria. 1 week lang naman daw. " -sabi ni Yanna

"Ganun ba. Sige thank you."

Umalis na silang lahat sa classroom. Kami namang tatlo ay nanatili sa may pinto.

"Ohh panu ba yan. Edi walang klase.." -sabi ni Yui atsaka nag smirk na parang may pinapahiwatig.

"Hindi totoong namatay si Miss Victoria. Nag leave lang daw siya." -Rances

"Naniniwala ka dun??" -Lyn. Tumango ako sa tanong ni Lyn

"Pero hindi ba nakakapagtaka naman. Di uso dito ang leave. " -Lyn

"Tss. Basta meron na tayong panahon para mag imbestiga. " -Yui.

Tama si Yui...

"Ahmm, may gagawin nga pala ako. Pupunta muna ako ng library ha. Sigeeee! " -Bigla na lang tumakbo si Lyn papunta ng library.. Anu naman kaya ang gagawin niya? -__- Di man lang nagpasama.

 Rhea's POV

(welcome new characters)

Nagpasama ako kina Jaja at Berly  sa library pagkalabas namin sa classroom. Buti na lang wala si Miss Victoria.

Ahm..trip ko dito kasi tahimik sa lugar na ito. Magbabasa na lang ako ng libro, pampalipas oras. Sina Jaja at Berly ay nakaupo dun sa pwesto namin. Nagbabasa din. Ako naman, naghahanap sa may shelves.

Kung ipapadescribe niyo sakin ang library ng Black Star, hmm medyo luma na. Mataas na yung mga shelves dito dahil sa dami na rin ng mga libro dito. Minsan nga kailangan nang gumamit ng ladder para mag hanap ng libro sa bandang taas ng shelf. Medyo malawak itong library namin. Isang building ito at may second floor pa. Ilan ang librarians??? XD 4 lang. dalwa sa 1st floor at dalawa din sa 2nd floor. Oh diba equal? haha

So ayun, naghahanap ako ng interesting na book dito.

*Searching searching*

Napansin ko yung isang libro na may nakatatak na black star. Kinuha ko iyun dahil na'curious ako.

At ang title pala ng libro...

"1950's Mystery in Black Star Academy"

Pagbuklat ko ng libro....

Bakit ganun? Walang laman???!!!

Binuklat ko pa isa isa... nagbakasakaling may nakasulat...pero wala talaga. Ipinakita ko kina Jaja at Berly ang libro.

"Tingnan niyo toh. " -ako

Tinignan din nilang mabuti. At pati sila...naguluhan at nagtaka sa nakita nila. Isang libro na walang laman...ang weird diba?

---cut---

Continue Reading

You'll Also Like

696K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...