Save Me (Finished)

By Eurekaa

93.1K 2.4K 169

(Finished) A story about bullying. Don't be blind, you might save someone from dying inside. Cover by: @maria... More

Prologue
Save Me - Rumors
Save Me - New Friend?
Save Me - Marco Angelo
Save Me - His Point of View
Epilogue

Save Me - Friends no More

16.6K 320 13
By Eurekaa

Save Me – Friends no More

 

 

“Mika, ang tagal mo naman.” Sabi sa kin ni Stacy nang dumating na ako sa classroom habang dala-dala ang pinabibili niyang pagkain sa kin sa canteen. Natagalan ako kasi ang haba ng pila. May iba na nang-iinsert pa ‘pag may nakitang kaklase o kakilala sa unahan para mabilis silang makabili.

“Ang haba kasi ng pila.” Pagdadahilan ko at umupo na sa armchair ko. Kaklase ko si Stacy simula ‘nong 1st year high school pa lang kami hanggang sa nag-4th year na kami. Siya lang din ang naging matagal na kaibigan ko simula nang tumuntong ako ng high school. Naaalala ko pa nga kung paano kami nagkakilala at naging magkaibigan ‘non.

“Uhmm, hi? Can I sit beside you?” sabi ni Stacy sa kin habang nakaturo sa bakanteng upuan na katabi ko. First day of class ‘non tapos masyadong mahiyain pa ako ng mga oras na iyon. Akala ko nga hindi ako magkakaroon ng kaibigan kasi takot akong umapproach sa iba pa naming kaklase.

“Ah, sure!” masayang sabi ko. Hindi ko maiwasan mamangha sayo, Stacy kasi ang ganda mo. Sa tingin ko nga, ikaw ang pinakamaganda sa classroom natin. Tapos ikaw pa ang unang kumaibigan sa kin kaya naman para sa kin, hindi ka lang maganda, ang sobrang bait pa.

 

“Nag-aral na ba kayo para sa exam mamaya sa Physics?” biglang tanong sa min ni Krista. Kasama rin namin si Krista sa grupo, kumbaga tatlo kaming magkakaibigan, si Stacy, ako at si Krista. Naging kaibigan namin siya nang naging kaklase kami noong 2nd year.

Nagkibit-balikat lang si Stacy. “Oo, kagabi. Ayokong magcramming ngayon.” Oo nga naman. Si Stacy kasi ang napapabalitaan na magiging valedictorian ng batch namin. Oo, hindi lang siya maganda at mabait, matalino pa. Beauty and brain in english. Samatanlang kaming dalawa ni Krista, average lang. Well, siguro ako, medyo below average.

“Ikaw, Miks? Nag-aral ka na ba?” Kinakain na ni Stacy ang binili kong biscuit sa kanya habang nakatingin sa kin.

Napakamot ako sa batok ko. Mag-aaral naman talaga ako pero pinapalinis kasi sa kin ng stepdad ko kagabi ang bodega kaya hindi ako nakapag-aral.

“Naku, ang tamad mo talagang mag-aral. Baka magiging janitor ka lang niyan Miks kung ganyan ka. Ayokong may friend akong janitor.” Pailing-iling na sabi nito at nasa biscuit na ulit ang atensyon.

Napayuko naman ako. Aminado akong maliliit ang mga nakukuha kong grades pero may mga dahilan din naman ako kung bakit ganun.

“O, Stacy, ba’t hindi pa dumarating si Reginald dito? Milagro yata.” Pag-iiba ng topic ni Krista. Oo nga, napapansin ko rin na hindi pa siya dumarating sa room. Si Reginald Cruz ang boyfriend ni Stacy, 3 years na sila saka sa pagkakaalam ko, 2nd year yata kami nang sinagot ito Stacy. Matangkad at gwapo si Reginald, sikat din siya sa school gaya ni Stacy.

“Ah, oo nga, Stacy, ba’t hindi ko siya nakikita?” tanong ko rin. Lagi kasing pumunta sa room namin si Reginalad para kay Stacy. Taga-ibang section kasi siya, 4th year – St. Peter ang section namin, habang siya naman ay 4th year – St. Agatha. Catholic school kasi kami. Apat na section ang meron sa batch namin. 4th year – St. Peter, St. Agatha, St. Benedict, St. Augustine.

Stacy just rolled her eyes. “Nag-away kami, ayoko munang makita siya ngayon.”

Napatango na lang kami ni Krista dahil alam na namin at sanay na kami sa boses niyang iyon na ang ibig sabihin lang naman ay ‘ayokong pag-usapan iyon’.

~

“Babye!” kumaway ako nang makasakay na si Stacy sa kotse niya. Lagi kasi siyang sinusundo ng Daddy niya galing trabaho. Lawyer kasi ang Daddy niya tapos ang Mommy naman niya ay doctor.

Nakangiting pinagmasdan ko lang ang papaalis na kotse nila. Hatid-sundo kasi itong si Stacy. Si Krista naman, hindi siya nakasabay sa ming umuwi. May practice daw kasi siya sa dance troupe ng school namin. Kasali kasi siya sa dance troupe. At gaya rin ni Krista, hatid-sundo rin siya.

Isang pangmayaman na catholic private institution kasi ang school namin. Hindi naman sa hindi ako mayaman, oo, mayaman ang pamilya ko—pero hindi ako.

Ilang hakbang na lang ay malapit na ako sa sakayan, lagi ganito ang set-up ko. Nagcocommute lang ako papunta sa school at pauwi sa min.

~

“Bea?” sambit ko sa pangalan ng nakababata kong kapatid na si Beatriz. Kararating ko lang kasi sa bahay namin at ilolock ko na sana ang gate namin nang may napansin akong isang babae at isang lalake na magkahawak kamay na papunta ngayon dito sa min. At ang babaeng iyon, ang kapatid ko.

Nakarating na rin ang dalawa sa harapan ng gate namin. Pero nagulat ako. Nagulat ako nang mamukhaan ko ang lalakeng kasama ni Bea sa bahay namin.

Hinalikan ito ni Bea sa labi, isang smack. “Babe, ingat ka sa daan ha. Salamat sa paghatid.” Pagkatapos ay binuksan na ni Bea ang gate at nilagpasan lang ako papunta sa loob ng bahay.

Alam kong gulat na gulat din siyang makita ako. Kumunot muna ang noo niya bago nagsalita, “Mik.. Mika, ikaw pala.” Halata sa itsura nito na medyo kinakabahan siya—dahil sa pangangaliwa niya. He was cheating on Stacy.

“Reginald, b-bakit m-mo kasama si Bea? Ang kapatid ko?” Nauutal pa ako. Ito ba ang dahilan kung bakit nagkakalabuan na sila ni Stacy?

It was then he came back to his senses. “Oh. Magkapatid pala kayo? Pero diba, Valencia ang surname ni Beatriz? Beatriz Valencia? Eh.. diba, Mika Hanazawa ang sayo?” Tila naguguluhan pa ito. Oo, tama siya. Valencia ang apelyido ni Bea at Hanazawa naman sa kin pero magkapatid pa rin kasi kami, we’re half-sisters. Sabi ni Mama, Japanese ang Papa ko pero hindi ko siya kailanman nakilala.

“Half-sisters.” Sabi ko. “P-pero, Reginald, ano yung n-nakita ko? Kayo ng kapatid ko?” Sana mali ang iniisip ko, Reginald, sana mali.

Nagkibit-balikat lang ito. “Well, nakita mo rin naman. Oo, kami ni Bea.” Parang hindi man lang ito natinag o parang walang pakialam sa mga nangyayari.

“P-paano si Stacy, Reginald? Diba kayo pa rin?”

Medyo nabigla ako nang hawakan ni Reginald ang braso ko, ng mahigpit. “Oo, at sa oras na malalaman ito ni Stacy, Mika, patay ka sa kin.” Madiin na sabi mo na mas lalo pang nagpakaba sa kin.

Ilang minutong tinitigan niya ako ng masama at papgkatapos ay binitawan na niya ang braso ko. “I warn you, Mika. You don’t know me.” Pagkatapos ay tinalikuran niya na ako at umalis.

Si Stacy.. Alam kong masasaktan siya sa oras na malaman niya ito.

~

“Bea, boyfriend mo ba ang Reginald na yun?” sinugod ko kaagad sa kwarto si Bea. 3rd year high school pa lang siya kaya one year lang ang gap namin. 17 ako, 16 siya. Pero sa ibang school siya nag-aaral. At hindi ko maisip kung bakit nagkakilala sila ni Reginald.

“Yeah. Alam kong schoolmate mo siya but I don’t really care.” Simpleng sagot lang nito habang nakahiga sa kama at hawak-hawak ang cellphone nito na parang may katext yata.

“Bea, alam mo bang dalawa kayo sa kanya? Na may iba siyang karelasyon? Bea, please, tigilan mo ang mga kahibangan mo sa kanya.” Hindi ko alam kung makikinig ba o susundin ba ni Bea ang mga sinasabi ko. Aaminin kong hindi kami nagkakasundo. Ika nga, anak ako sa labas. Ayaw sa kin ng Daddy niya na siyang stepdad ko.

Bago ako ipinanganak, si Mama talaga at ang stepdad ko ang mag-asawa. Si stepdad, si Tito Victor Valencia, isang civil engineer na nagtratrabaho sa Dubai samantalang si Mama naman ay isang nurse sa Japan. Maayos naman ang pagsasama nila. Hanggang sa umuwi sa Mama sa Pilipinas na buntis. Nabuntis siya sa Japan, ng isang lalakeng pasyente niya.

Galit na galit si Tito Victor ‘nun—na may lalake si Mama sa Japan. Kaya nang ipinanganak ako, sa kin napunta lahat ng galit niya sa ginawa ni Mama. Si Mama rin ay naging distant sa kin. Kasi raw, ako ang punot-dulo ng lahat.

Kaya naman hindi na pinayagan ni Tito na mangibang bansa pa si Mama, kaya nasa isang government hospital na lang si Mama nagtratrabaho.

“Oo, alam ko. Alam kong dalawa kami and it’s none of your business, Mika. H’wag ka na ngang makialam sa kin. Ang mabuti pang labhan mo na ang uniform mo, tutal, ikaw naman talaga ang naglalaba niyan.” She mockingly said to me. Oo, ako lang naglalaba sa mga sarili kong damit, samantalang si Bea, may katulong. Anak nga kasi ako sa labas. Pasalamat na nga lang daw ako kasi tumutulong si Tito sa gastos ko sa pag-aaral.

Hindi na ako nagsalita pa dahil alam ko naman ang magiging resulta—si Beatriz pa rin ang pakikinggan nila. Tumalikod na lang ako at umalis na sa kwarto niya.

Kailangan kong tawagan si Stacy at ipaalam ang tungkol dito.

~

“Bwisit ka! At ang kapal naman talaga ng mukha mo para pumunta rito?!” sinampal kaagad ni Stacy si Reginald nang pumasok ito sa room namin. Gaya kasi ng nakagawian, sabay itong nakikilunch sa min ni Stacy.

Sinabi ko kasi kay Stacy kagabi ang tungkol sa nakita ko kagabi, na may ibang girlfriend si Reginald at ang masaklap, ang kapatid ko pa. Kaya naman pala sila nagkakamalabuan kasi may ibang inaatupag si Reginald, at yun si Bea.

Medyo nagulat naman si Reginald sa ginawa sa kanya ni Stacy. Napahawak siya sa kaliwang pisngi niya na sinampal ni Stacy. Pagkatapos naman ay tumingin siya sa direksyon ko. Nasa likod lang ako ni Stacy. “K-kanino mo nalaman yan?” tanong niya kay Stacy.

“It doesn’t matter! You asshole! At talaga ikaw pa ang may ganang mangaliwa? At sa lahat ng tao, ang kapatid pa ng kaibigan ko? Walang hiya ka talaga!” she was in outrage. Pati rin ang iba naming kaklase ay natahimik at napatigil sa kung anong ginawa nila.

Imbis na matakot o kaya’y maguilty sa sinabi ni Stacy sa kanya ay ngumisi pa ito. He smirked. “Ganyan ka na ba kadesperado sa kin, Mika?”

Lahat ng tao ay nagulat sa sinabi ni Reginald. Lahat ng atensyon ay napunta sa kin, pati na rin si Stacy. “A-anong pinagsasabi mo?” Ano bang nais na ipahiwatig ng lalakeng ito?

“At ginamit mo pa talaga ang kapatid mo rito, Mika.” Natawa pa ito habang umiling-iling. “Bakit hindi mo sabihin kay Stacy na ikaw mismo ang babae ko?”

Natahimik ang lahat sa sinabi niya. Pati rin naman ako ay nabigla doon. Parang mabagal ang pagsink-in ng mga salitang iyon sa utak ko.

Bakit parang binabaliktad niya? Naalala ko naman bigla ang sinabi niya kahapon.

“I warn you, Mika. You don’t know me.”

 

“Mika?” napatingin ako kay Stacy at bakas sa mukha nito ang pagkagulat at ang panghihinayang—na kung bakit sa lahat ng tao, ang kaibigan niya mismo ang trumaydor sa kanya.

“S-Stacy! H’wag kang maniwala sa sinasabi ng lalakeng yan!” Sabi ko sa kanya at napatingin ulit kay Reginald na ngayon maalademonyong ngumingiti sa kin. Naiiyak na ako. Walang katotohanan ang mga sinasabi niya.

“Don’t be indenial, Mika. Ikaw pa nga ang gustong makipagrelasyon sa kin at dahil naawa ako sayo, pinaunlakan ko ang kagustuhan mo. Naalala kong minsan, nasabi sa kin ni Stacy na crush mo ko bago pa man naging kami.” Oo, aminado akong nasabi ko iyon kay Stacy pero hindi naman umabot iyon sa sukdulan, I was only attracted to him because he was handsome, nothing more, nothing less.

Pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay ni Stacy. “Baby, alam kong mali ako kaya nga nakipaghiwalay na ako sa kanya pero ayaw ni Mika. Tapos, malalaman ko na lang na sinisiraan pala ako niyan?” Mas nagmukhang kapani-paniwala ang itsura ngayon ni Reginald. The crowd were very convinced at what he just said.

“T-Tumigil ka! Hindi mo alam kung anong pinagsasabi mo! Stacy, ‘wag kang maniwala sa kanya—“

“Stacy,” hinawakan ng dalawang palad nito ang mukha niya. “Sometimes, friends can be the worst enemies.”

“Stacy—“ hindi ako natapos sa pagsasalita ko nang bigla akong sinampal ni Stacy. “I trusted you! Both of you!” tinulak nito si Reginald at nilagpasan siya. Pero muli ay lumingon ito sa min. “I don’t want to see your faces again! You, Reginald, we’re done. And Mika, I hate you! Ayoko ng maging kaibigan ka! Ever!” pagkatapos ay mangiyak-ngiyak na lumabas ito sa classroom namin.

Napatingin naman ako kay Krista sa unahan, sana makuha niya ang nais kong iparating na hindi totoo ang mga sinasabi sa kin ni Reginald pero hindi niya nakuha. Yumuko lang ito sa kin na para bang walang nangyari.

At dito na nagsimula ang lahat.

//

Continue Reading

You'll Also Like

1M 35.3K 55
Highest Rank Achieved: Rank #10 in Teen Fiction Start Date: 2016 End Date: October 31,2016 Written by: maentblack All Rights Reserved 2016 Credits...
SPG By JaiWrites

Short Story

9.5K 17 14
SPG
82.6K 110 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
4.6K 105 8
Ano ang hanap mo sa isang coffee shop? Masarap na kape? Nakaka-addict na sweets? Romantic ambiance? Sight-seeing ng mga pogi? Magandang view ng mga...