Demigoddess - Daughter of Zeus

By erinedipity

851K 33.5K 9.7K

Demigoddess Trilogy - 1/3 ϟ Summary? Oh, I got the lord of the gods as my father and the gods as my half sibl... More

Demigoddess - Daughter of Zeus
i. how i, daughter of zeus became daughter of zeus
ii. dinner with the gods
iii. dani galman, walking lost and found station
iv. sygnó̱mi̱
v. son of hades, how i wish
vi. cy
vii. aphrodite
viii. talkative cy
ix. demigods
x. theseus and ariadne
xi. ghost whisperer
xii. son of a royal biatch
xiii. i want you
xiv. aiolos
xv. minor gods
xvi. cherish
xviii. ambrosia
xix. immortality
xx. deserving demigod
xxi. edward, bella, jacob
xxii. friends
xxiii. hug
xxiv. lord apollo, her sun and stars
xxv. night
xxvi. cy ellarina, you're no good for me
xxvii. trojan war
xxviii. wine god
xxix. demigod bonding
xxx. no more cy
epilogue

xvii. momsy

20K 870 248
By erinedipity

hi~  dedic sa'yo kasi ang cute cute ng edit mo huehue;; thank you, thank you <3

____________________________________

xvii. momsy

"Dani, nakikinig ka ba?"

Nabalik ako sa reality nang marinig ko 'yung boses ni Neon. Napatingin ako sa kanya tapos agad na niyuko 'yung ulo ko dahil sa hiya. Aba, kahit naman fab ako syempre may hiya pa rin akong natitira. Huehue, sorry naman daw. Hindi ko kasi mapigilang mag-daydream.

Ang pogi kasi ni Cy.

Sa sobrang kapogian niya nae-excite akong patayin siya.

Aish! Talagang may date sila nung Cherish? Ano 'yun kakakita lang nila nung isang araw tapos close na sila? Ni hindi ko nga sila nakitang nag-usap dun sa may tree house tapos ngayon date na? Wow, lakas maka-ninja Cy ah? Tsss.

"Narinig mo ba 'yung sinabi ko?" Tanong ulit ni Neon sa'kin.

Napakagat ako sa lower lip ko, "Pwedeng paki-ulit?" Tyaka nangiti ako dahil sa hiya tapos nag-peace sign sa kanya.

Bigla naman siyang natawa which is nakaka-omg kasi ang pogi talaga niya. Alam mo 'yung parang siyang prince pero eeek, ang hinhin niya! Sarap iuwi! Charot, nalandi na naman ako eh kaka-score ko lang kay Apollo kanina. Hihihi, kilig!

"Tinatanong ko kung kamusta ka na." Sabi niya tapos ngumiti.

Ihhh~ bakit kasi ganyan siya huehue. Wait, bakit kasi napapaligiran ako ng mga pogi? Halos hindi ko tuloy ma-control 'yung sarili kong lumandi. Ano ba, ito ba eh namana ko kay Popsy o ako lang talaga 'to?

"Okay naman ako. Maganda pa rin, as always. Hihihi." Charot, landi ko. "Ikaw ba?"

"Ayos lang naman din pero..." Ipinatong niya 'yung chin niya sa palad niya habang nakatungkod 'yung siko niya sa lamesa, "...hindi ko talaga mapigilang maisip ka eh." O M G S

H-HA?

ANO?

PAKIULIT?

PAKIULIT NG 10 TIMES PA PLS

DI KO TALAGA NARINIG EH

PERO ANG SARAP SA TENGA HIHIHI

"H-Ha?" Reaksyon ko na lang.

"A-Ah, ang ibig kong sabihin kasi ano--uhmm, may nangyari kasi." Subok niyang pagpapaliwanag.

"Anong... nangyari?" Tanong ko sa kanya.

Napakamot siya sa may batok niya. Halata atang nahihiya siya? Omgs, akala ko pa naman nakakaranas siya ng sleepless nights dahil sa kagandahan ko. Pero malay niyo 'di ba 'yun talaga 'yung sasabihin niya. Baka omgs magtatapat na siya sa'kin tapos liligawan niya 'ko tapos sobrang sweet niya tapos sasagutin ko siya then magiging kami tapos tapos--wait...

Paano si Cy--este si Apollo?

He he he pakshet bakit kasama si Cy? Hindi ako natutuwa okay :-----)

"May kilala ka bang Rose?" Tanong niya sa'kin.

Rose? Rose? Rose?

Eeek, paulit-ulit. Wait, Rose? Itong Rose na ba ito eh kasing ganda't kasing fab ko rin?

"Rose?" Tanong ko sa kanya.

"Rose." Pagulit niya.

Medyo nilapit niya 'yung mukha niya sa'kin. Uhmmm, kasi nasa coffee shop ulit kami tapos 'yon nasa kabilang part siya nung lamesa.

"Nakausap ko siya." Sabi ni Neon na parang ingat na ingat sa mga salita niya, "You know, dead people." Oh. "Kilala ka niya... at may pinapasabi siya sa'yo."

Ilang minuto akong napatahimik. Rose. Okay. Pero ano namang pinapasabi niya sa'kin? Atyaka bakit kay Neon pa niya sinabi? Pwede namang sa'kin agad. Hmmm...

"Mag-ingat ka raw sa mga relatives mo sa... sa... uhmm..." Napatingin ako kay Neon. Parang iniisip niyang mabuti 'yung salita. Hindi niya nakalimutan pero parang naguguluhan siya kung totoo nga 'yung word na 'yun kaya hindi niya masabi.

"Olympus?" Tanong ko sa kanya.

"Ah yeah. Olympus." Napakunot siya ng noo, "Is that even real?" Tanong niya sa'kin.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko kasi alam kung sasabihin ko na sa kanya kung ano ako. Baka kasi mag-freak out siya tapos ayaw na niya akong maging kaibigan. You know naman the situation 'di ba? Kailangan ko siya. Hindi pwedeng malayo 'yung loob niya sa'kin.

"Uhmmm ano--" Isip Dani! Gamitin ang fab mong brain please! "Ah! Kasi Olympus 'yung tawag sa probinsya namin kasi you know~ so many beautiful people there kaso nandito sa syudad 'yung pinakamaganda." Tyaka ako malawak na ngumiti.

"Oh. Haha..." Ininom niya 'yung tsaa niya, "So what, you're Goddess Aphrodite?"

"NEON PWEDE PASAPAK?"

"Woah, what?"

OOOPS

SORRY

BAKIT KASI GODDESS APHRODITE PA

EWWW

"Ay, sorry. Hahaha, may naalala lang. Hehehehe--pasensya ka na. Hindi talaga ako nananapak ng tao. Hihihi." Betch.

Naging tahimik kami pansamantala. Ewan ko kung anong nangyari sa kanya. Baka iniisip niyang kamag-anak ko si Hannibal kaya nagiisip na siya ng paraan ngayon kung paano makakatakas mula sa'kin. Pero eek, sorry naman daw. Sabihan daw ba akong Goddess Aphrodite? My gods, sobrang layo naman koya!

"So kilala mo si Rose?" Tanong nito sa'kin.

"Oo, siya si Momsy." Tyaka ko siya nginitian.

"Mommy mo siya?!" Gulat na gulat si Neon.

Opkors. Rose Galman, my forever fab Momsy <3 <3 <3

"Thank you pala sa pagsabi sa'kin." Tumayo ako sa upuan ko tapos inilapit 'yung mukha ko sa kanya over the table then I kissed his cheek. "Bye Neon!"

Tyaka na ako lumabas nung coffee shop. Bigla naman akong napangiti ng sobrang lawak dahil sa nagawa ko. Omgs~ nakakahiya pero natutuwa rin ako. Hihihi, ewan ko basta nagawa ko lang. Siguro masaya lang talaga ako. Kahit kasi papaano, kahit hindi ko nakita si Momsy simula nung pinanganak ako eh pinoprotektahan niya pa rin ako. Sapat na 'yun sa'kin.

Ngayon kailangan ko na lang alamin kung bakit kailangan kong mag-ingat sa mga taga-Olympus.

At dahil excited akong ibalita kay Popsy 'yung nangyari eh napaakyat kaagad ako sa Olympus and then well~ hindi ko inaasahang mababadtrip ako run.

Ha ha ha Cy with Cherish. Letche bakit dito sila nagdadate?! Mukha bang park, restaurant o kung ano man 'tong Olympus para dito sila magkita?! Ano 'to royal landian?! Tsss. Hindi ko na lang sila pinansin since hindi rin naman nila ako nakitang dumating. Dumiretso na lang ako sa kwarto ni Popsy na fortunately eh walang babaeng kasama. Wow, bago ito.

"Hi Popsy!" Masigla kong bati sa kanya.

Pero mukha atang malungkot siya?

Umupo ako sa tabi niya tapos tinignan siya. Nakayuko lang siya tapos mukhang malungkot talaga. Ano bang nangyari? Hindi ba niya na-seduce 'yung bago niyang babae ngayon? O nahuli siya ni Goddess Hera?

"Popsy, anong nangyari?" Tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa'kin, "Napanaginipan ko ang Mommy mo."

Omgs.

Ano ito. Una 'yung kay Neon tapos ngayon naman????????/

"Anong nangyari?" Tanong ko ulit.

"Wala. Nakita ko lang siyang nakatayo sa harapan ko. Nakangiti." Sagot ni Popsy sa'kin.

"Eh bakit ka malungkot eh nakangiti naman pala si Momsy sa'yo sa dream mo?"

"Namimiss ko kasi siya."

Woah.

Okay I know na maraming fling si Popsy pero may iba rin naman siyang minahal sa mga 'yun at kasama run ang Momsy ko. Palagi niyang kinikwento sa'kin nung bata pa ako si Momsy. Sinasabi niya kamukang-kamukha ko raw 'yun. Tapos kapag napapangiti si Popsy ng bigla si Momsy raw ang dahilan. I know, I really know na minahal talaga ni Popsy si Momsy.

Aww.

Sana makahanap din ako ng tulad ni Popsy tapos mahalin niya rin ako na parang katulad ng ginawa ni Popsy kay Momsy.

Omgs.

And when I say katulad ni Popsy--syempre sino pa ba? APOLLO!

"Nakatanggap ako ng message galing kay Momsy~" Masaya kong pagkakasabi.

Napatingin ulit siya sa'kin, "Paano?"

"Let's just say na may kaibigan akong tumulong sa'kin." Naalala ko pa lang si Neon tapos 'yung ginawa ko kanina eh napangiti na agad ako. Hihihi.

"Anong sabi niya?"

"Mag-ingat daw ako sa mga relatives ko rito sa Olympus." Sagot ko, "Popsy, hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dun pero masaya ako kasi binabantayan niya 'ko." Wika ko sabay ngiti.

Sa wakas naman ay ngumiti na rin si Popsy sa'kin tyaka ako ni-hug. Kung andito lang sana si Momsy eh 'di sana happy family ((minus the bruha's in our lives)).

Iniwan ko kaagad si Popsy kasi alam ko namang busy siya. You know, minor gods problem. Papaalis na sana ako ng Olympus nang makasabay ko pa si Cherish. Ha ha, ano 'to? Hindi gentleman si Cy para ihatid man lang 'tong babae niya? O iniwan siya kasi na-turn off? Sa bagay, sino ba namang hindi matu-turn off sa alien na 'yun. Pogi lang siya pero hindi siya mabait, jusko.

"Dani, right?" Tanong sa'kin nung Cherish habang pangiti-ngiti pa.

"Yep." Maikli kong sagot.

Narinig ko na lang na natawa siya, "Halos buong date namin ni Cyril ikaw 'yung topic."

Oh. First name basis? I mean, as in name? Ako Cy lang tawag tapos siya Cyril? Ano 'to? Wow, ang espesyal 'teh. Di ko kinakaya, jusko.

"Ah, ganun ba." Walang gana kong sagot.

"Siguro kung hindi date 'yung ginawa namin ngayon, iisipin kong gusto ka niya." Sabi niya sa'kin.

Bakit kasi ang bagal nung elevator, betch.

Hindi ko na lang siya sinagot.

"Kaso... mukhang mauulit pa 'yung date namin eh. Feel ko lang." Nakakuyom na 'yung mga kamao ko. I know na pero I'm restraining myself kasi I don't want to be an amazona here. Hindi ko bagay :3

Kaya nanahimik na lang ako kahit gustong-gusto ko ng sipain 'tong babaeng katabi ko. Akala niya close na sila ni Cy? Akala niya mas close na sila kesa sa'min? Tsss, dadalawang araw lang silang nagkita 'no! Oo, siguro nagkakakilala sila sa text pero duuh, iba pa rin 'yung halos araw-araw mong nakikita tas nakakasama. Ganun kasi kami ni Cy eh, ewan ko lang sa kanila.

"Akala ko talaga kayo na ni Cyril nung una ko kayong nakita sa bahay ni Kite." Natawa ulit siya, "Buti na lang hindi."

Oo, buti nga hindi talaga. Kasi buong buhay ko talagang pagsisisihan kung naging kami man ni Cy. Ewwww -_____-

"Alam mo ba kung anong surname ni Cyril?" Tanong niya sa'kin.

Letcheng elevator 'to. Ang tagal talaga eh. Ginagago ba 'ko nito?

"Hindi." Sagot ko lang.

"Ellarina." Sabi niya sa'kin.

Agad akong napatingin sa kanya. Tuwang-tuwa ang lola mo eh 'no? Ngiting ngiti sa'kin? Tsss. Akala mo naman natutuwa ako sa mga ginagawa mo? Aish!

"Akala ko ba close kayo? Bakit hindi mo alam?" Tyaka siya natawa ulit.

At 'dun na bumukas ang nakakapunyetang elevator na kanina ko pa minumura sa utak ko. Nauna na siyang lumabas sabay wave sa'kin.

Okay.

Okay lang talaga.

Pero mamamatay na talaga si Cy kasama 'yung babae niya, pramis.

BETCH.

Continue Reading

You'll Also Like

394K 26K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
1.7M 72.3K 58
A girl comes to destroy his world. A boy vulnerable for her existence. Their worlds collide and their fates are chained. Her existence is his destr...
67K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
283K 9.8K 17
Demigoddess Trilogy - 3/3 ☠ Papa rules the Underworld. The only thing you need to know about that place? No wifi. Yep, worse than hell. I'm a teenag...