Una kitang nakilala
Ikay mahiyain at tahimik pa
Ngunit ilang araw ang nagdaan
Tayo ay nagsimula na sa pagaasaran
Aaminin ko nagkagusto ako sayo
Ngunit panandalian lamang ito
Dahil nalaman kong may gusto ka
At aking nararamdaman sayo ay tinigil ko na
Buwan ang nagdaan
Nagsimula nanaman sa asaran
Muling bumalik ang aking mga nararamdaman
Kahit na alam kong wala itong patutunguhan
Sa tuwing magaasaran
May kasamang akbay at kurutan
Napapaisip at nagtataka minsan
Kung bakit ka ganyan
Gulong gulo na ako sayo
Isip at Puso laging nagtatalo
Ang sabi ng isip itigil na
Pero sabi ng puso wag muna
Magkaklase , Magkaibigan
Pero kras ang tawagan
Ikaw at ako
Ngunit walang tayo
Ang tanga ko
Dahil umasa ako
Umasa at umaasa parin ako
Na baka sakali ay magkaroon ng kaunting pagasa sayo
Ang tanging hiling ko
Sana wag kang magbabago
At tandaan mong parati
Na nandito lang ako palagi
-tin