Operation: Make The Atheist F...

By lovethiswriter

2.4K 132 24

Nagbago ang takbo ng buhay ko nang makilala ko sya. Hindi lang takbo ng buhay ko, pati na rin ang takbo ng is... More

Operation: Make The Atheist Fall Inlove
OMTAFI -- First
OMTAFI -- Second
OMTAFI -- Third
OMTAFI -- Fourth
OMTAFI -- Fifth
OMTAFI -- Sixth
OMTAFI -- Seventh
OMTAFI -- Eight
OMTAFI -- Ninth
OMTAFI -- Tenth
OMTAFI -- Twelfth
OMTAFI -- Thirteenth
OMTAFI -- Fourteenth
OMTAFI -- Fifteenth
OMTAFI -- Sixteenth
OMTAFI -- Seventeenth
OMTAFI -- Eighteenth
OMTAFI -- Nineteenth
OMTAFI -- Twentieth
OMTAFI -- Twenty-one
OMTAFI -- Twenty-two
OMTAFI -- Author's Note

OMTAFI -- Eleventh

75 4 2
By lovethiswriter

"Magpalit ka muna ng uniform. I'm really sorry Mika." Sabay abot sakin ng uniform.

"Kanino naman 'tong uniform?"

"Sayo."

"Ha?? Sakin?! San mo nakuha 'to??"

"Basta! Magbihis ka na nga mun, para kumain na tayo. Cassandra, samahan mo na nga muna 'tong kaibigan mo."

"Okay Joe!" -Cassandra

"Oy anong kabaliwan to?" Tanong ko kay Cass habang nagbibihis. Andito kami sa likod ng blackboard. Meron kasi siyang maliit na space. Para talaga 'to sa pagbibihis ng mga costume namin once meron kaming play. Para di na kami lumabas pa ng room. Ang daming alam noh?

"Ang swerte mo nga eh! Inorganize lahat 'to ni Joe."

"Kelan pa?"

"Uhm, last week? Oo. Last week siguro. Ewan ko, nakalimutan ko. Hihi."

"Sus."

"Alam mo bang wala tayong pasok this whole day?"

"Weeeh? Di nga??!"

"Oo nga. Pinaki-usapan ni Joe ang lahat ng teacher natin na wag munang magturo this day satin. Invited din naman kasi sila dito. Kasama sila sa kakain, kaya pumayag sila. Pero da't daw naka-uniform pa rin tayo."

Binuksan ko yung mini door tsaka lumabas.

"Bakit niya naman naisipang mag organize? Tsaka, bakit sa birthday ko pa? Weird kasi masyado. Bakit niya gagawin ang mga bagay na 'to??"

"Ewan ko. Tara punta na tayo dun."

"Ayoko nakakahiya." Hinila ko yung braso niya.

"Nahiya ka pa? Eh andito na eh."

"Edi di na lang ako kakain. Uupo na lang ako sa tabi."

"Talaga lang ha? Alam mo ba kung ano yung mga pina-order ni Joe na pagkain?"

"Hindi."

"May adobo. Yung may itlog. May menudo, ang sarap ng sarsa. May fried chicken, sobrang lutong ng balat. Tsaka yung favorite mo... Pusit!!"

Adobo? Yung may itlog? Menudo? Fried chicken?? Wow! *O* Star na ata ang mga mata ko sa narinig ko. Natatakam ako. Tsaka yung favorite ko? Yung. Pu.. Pu.. PUSIT!!! Nagugutom na ako! T-T

"Hep! Meron pa. May ice cream. Cookies 'n cream ata ang marami. May cake. 3 layer. Binake ng mga kaklase natin. Ay kami pala. Kasama ako dun eh. Hehe. Meron pang salad. May mango float pa. At ang pinaka paborito mo sa lahat... May chocolate fountain! Hooray!!"

"Cho.. Cho... CHOCOLATE FOUNTAIN?? Yung chocolate na lumalabas sa fountain??" Star pa rin yung mga mata ko. *O*

"Hindi! Yung fountain lumalabas sa chocolate. -,- Utak Mika. Utak."

"Eh kasi naman... Lahat ng paborito ko sinabi mo na."

"Magpasalamat ka kay Joe."

"Pano niya nalaman yung mga paborito kong pagkain??"

"Aba malay ko."

"Wala pa ba yung birthday girl? Nagugutom na ako!" Narinig naming may sumigaw.

"Tara pumunta na tayo dun." -Cass

"Baluga ka talaga Christian! Ang aga aga pa eh nagugutom ka na."

"Hindi pa kakain."

Tumingin kami sa nagsalita. It's Joe. Again x)

"Eh ano pa ba ang gagawin Joe?"

"Kita niyong wala pa yung mga pagkain. Sinadya ko yun para hindi magalaw kaagad. May intermission number pa eh."

"May mga talent ba 'tong mga kaklase natin? Mukha namang wala eh!"

"Grabe ka naman Christian." -Cass

"Haha. Akala mo lang yun. Manood ka na lang."

"Magandang umaga sa inyong lahat. Ako ang inyong napaka-poging kaklaseng si Chris ang magiging emcee sa araw na ito. Tumayo po ang lahat para sa sama-samang panalangin na pangungunahan ni Joe Peraz."

Nagtinginan kaming lahat kay Joe. Siya ang mag le-lead ng prayer?? Baliw ba siya??! Eh atheist siya di ba? Halerrr!

Pero pumunta si Joe sa mini stage na ginawa nila, at kinuha ang mic kay Chris.

"Iyuko niyo ang mga ulo niyo." Paguumpisa ni Joe.

Natawa naman bigla si Christian.

"Hoy tumigil ka. Nagdadasal tayo."

"Sorry naman. Bakit tayo lang ang yuyuko? Siya hindi?"

"Ewan ko sayo."

Tumitingin lang ako sakanila. Hindi ako makapaniwala na si Joe, isang atheist, mag le-lead ng prayer. Nahihibang ba siya?? Di lang ako makapaniwala...

"Yung lalakeng nasa taas. Nagpapasalamat ang mga kaklase ko at makakakain sila ng libre ngayong araw. Nagpapasalamat din daw sila at meron silang maiinom na masasarap na inumin ngayong araw. Nagpapasalamat din ang babaeng may pakana kung bakit may okasyon ang araw na 'to. Salamat daw at umabot siya ng 15 years old. Thank you rin daw at may pamilya siya. At ako naman ang magpapasalamat..." Sandali siyang tumigil.

Tumingin siya sakin...

At nagsalita ulit.

"Salamat at nakilala ko siya. Amen."

Tumulo ang isang patak ng luha sa mata ko. Hindi ako nasasaktan. Masaya ako. Sobrang saya ko sa mga narinig ko. Mga salitang galing mismo kay Joe. Hindi pa ako kumakain, pero busog na ako. Busog na ako sa lahat ng mga narinig ko. :)

"Yun yun eh!"

"Woot woot!"

"Ayieeeee!!"

"Nakakakilig!!!"

Nagsigawan yung mga kaklase ko. Haaay Joe, hindi mo lang alam kung gano ako kasaya sa mga oras na 'to. Oo, na badtrip ako kanina, pero napawi lahat nang ito nang dahil sayo. Maraming salamat din at nakilala kita. :)

"Nako naman! Umagang-umaga, ang sweet-sweet na. Darating tayo sa oras na yan. Pakinggan muna natin ang awiting ipre'present ng ating kaklaseng si Coleen, at igigitara naman ni King." -Chris/Emcee

Tumabi si Joe sakin. Naka-ngiti siya. :)

Itinugtog na ni King ang gitara.

"It took one look..." -Coleen/Singer

"Your song? Favorite ko 'to eh!" Sabi ko.

"Kaya nga yan yung pinili kong kanta eh." Sabi naman ni Joe sakin tsaka ngumiti siya.

Ngumiti rin ako.

"And forever I laid out in front of me

One smile then I died..." -Coleen/Singer

One smile? Then I died? Oo tama yun. Matagal na kong patay sa mga ngiti ni Joe sakin. :)

"Only to be revived by you

There I was

Thought I had everything figured out

Goes to show just how much I know

'Bout the way life plays out..." -Coleen/Singer

"Haay, chorus na. Yung favorite part ko." -Ako

"I take one step away

But I find myself coming back to you

My one and only, one and only you... ooh..." -Coleen/Singer

Biglang si King naman yung kumanta.

"Now I know

That I know not a thing at all

Except the fact that I am yours

And that you are mine." -King/Guitar/Singer

Sinasabayan ko sila habang kumakanta. Okay naman yung boses ko. Ayoko lang kumanta sa maraming tao.

Biglang lumapit sakin si Coleen.

"Ikaw magpatuloy Mika!"

Kakasabi ko lang ayokong kumanta sa maraming tao eh. -,-

Hinila niya ako papunta sa mini stage. Binigay niya sakin ang mic. Ipinagpatuloy ni King ang pag gitara. Nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

"Ooh...

They told me that this wouldn't be easy

And no

I'm not one to complain..." -Ako

Tumingin ako kay Joe. Nakatingin din pala siya sakin. Naka-ngiti siya, ngumiti rin ako sakanya.

"I take one step away

Then I find myself coming back to you

My one and only, one and only

I'll take one step away

But I find myself coming back to you..." -Ako

Tinitigan ko siya sa mata.

"My one and only, one and only you." Natapos na rin ang kanta.

Nagpalakpakan ang lahat nang nasa loob ng classroom.

"Ang ganda ng boses mo Mika!"

"Kakaiba ka!"

Natawa naman ako. Mga kaklase ko nga talaga sila. :)

"Maraming salamat Mika, the birthday girl sa pagkanta. Salamat din kela King tsaka Coleen. Bago tayo kumain, may isa pa tayong mapapanood na magpapakita ng talento niya. Please welcome, from 4th year section 2, Joseph Mark Samson. A round of applause please."

Sino? Si... si... Joseph Samson?? Eh yun yung boyfriend ko eh! Ay. Cool-off pala kami. Ano na ba tawag dun? Ah basta yun na yun. -,- Ba't siya nandito? Mag ma-magic siya? Magaling kaya siya mag magic. Naloloko niya ako noon pag nag ma-magic siya. Mukha lang akong timang nun. --,-- Hayyss. Those days. Zzz

Nag bow muna siya habang hawak yung sumbrero niyang itim na mahaba. Yung parang sa chef. Alam niyo yun? Ako alam ko, pero di ko lang alam ang tawag. Haha.

Nagpakita lang naman siya ng makalaglag panga na mga magic trick. Oo, makalaglag panga. Tsaka trick na makalaglag puso. Akala ko mawawala nang tuluyan yung kamay niya. Ay jusko. Ayokong magkaroon ng ex na na putol ang kamay dahil sa sarili niyang trick. x(

Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sakin.

"Miss, huhulaan ko kung ano ang favorite flower mo." Sabi niya sakin.

Miss? Miss-missin ko yang mukha mo eh! -,-

"Sige nga." Sabi ko sakanya.

Hinaplos niya ang buhok ko, at nang mapunta sa harapan ko ang kamay niya, may hawak hawak na siyang isang red rose.

"For you beautiful lady." Ibinigay niya sakin yung rose, pero di ko kinuha.

"Hindi red rose ang favorite flower ko. Gumamela ang gusto ko!" Tas tumigin ako kay Joe.

(?_? ) <--- ganito yung expression ng mukha ni Joe.

Nagsitinginan naman sila lahat samin. Alam mo yung eksenang ganon? Ako naka-upo habang si Joseph naka-luhod sa harapan ko, pero nakatingin naman ako kay Joe. Love triangle? Ay di rin.

Biglang tumayo si Joseph, at may dinukot sa loob ng bulsa niya. Lumuhod ulit siya sa harapan ko.

"Mika. Baby ko." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Alam kong malaki ang nagawa kong kasalanan sayo. Na-uwi pa tayo sa cool-off. Ang tagal na ng relasyon natin. Ayokong masayang yun. At ayokong mawala ka sakin. Mika, please come back to me." Binuksan niya ang isang maliit na box, at may singsing sa loob nito.

Ano isasagot ko?? Oo, mahal ko pa rin si Joseph, pero.

Mukhang mas mahal ko si Joe. (/ \)

Tiningnan ko si Joe, pero naka-yuko lang siya.

Nag effort si Joe para sa araw na 'to. Ang dami niya nang nagawa para sakin. Even in small ways, nagiging big ways para sakin. Kaya kong mabuhay kahit wala si Joseph. Pero ang mabuhay nang wala si Joe? Mas mainam nang mamatay na lang ako...

"Joseph..." Pag-uumpisa ko.

"...Ayoko na."

Reaksyon ng mga taong nakasaksi. --> ( 'O' )

Reaksyon ni Joseph. --> ( '^' )

Reaksyon ni Joe. --> ( ._.)

"Hindi mo lang alam Joseph. Matagal na akong nasasaktan. Alam ko namang hindi ako kagandahan, pero bakit kelangan mo pang gawin yun sa ibang tao?" -Ako

"Hindi kita maintindihan Mika. Ano bang ibig sabihin mo??!"

"Nagmamaang-maangan ka pa!" Tumulo ang isang patak sa mata ko.

"Akala mo hindi ko alam? Si Madel. Yung maganda mong bestfriend." Diniinan ko yung word na bestfriend.

"Anong meron kay Madel??"

"Pinapalabas mong mag bestfriend kayo, kahit ang totoo may namamagitan na sa inyo, higit pa sa mag bestriend!"

"Hindi totoo yan! Ilang beses ko bang sasabihin sayong mag bestfriend lang kami??!"

"Bestfriend?! May mag bestfriend bang magka holding hands habang nakayuko??! Nung kumain tayo sa kamayan? Kausap mo sa cr si Madel. Diring diri ka sa mga pinagkakain mo. At sinabihan mo pa akong cheap! Girlfriend mo ba talaga ako? Mahal mo ba talaga ako? Kasi kung mahal mo ako, bakit hindi mo ako matanggap kung ano ako?"

Hindi sumagot si Joseph.

"Kita mo. Hindi ka nakasagot. Palibhasa kasi, totoo lahat ng mga pinagsasabi ko. Umalis ka na dito. Gusto kong maging masaya sa kaarawan ko. Magsama kayo ni Madel."

"Mika naman oh. Mahal talaga kita."

"Alis."

"Mika..."

"Sabi nang alis!"

Lumabas ng room ang kawawang Joseph. Buti na't tinapos ko ang relasyon namin. Kesa naman paulit-ulit niya akong saktan.

"Huling iyak mo na yan para kay Joseph. Hindi ka na iiyak pang muli nang dahil sakanya."

"Joe?" -Ako

"Ano yun?"

"Tama ba ang ginawa ko?"

Huminga siya ng malalim.

"Ayoko lang na nakikita kang umiiyak nang dahil sakanya."

Tinitigan ko siya, habang nakatingin siya sa sahig. Siguro nga tama ang ginawa ko. Tama ang desisyon kong pakawalan si Joseph. Kung masaya siya kay Madel, pwes sasaya din ako kay Joe...

"Grabe ang mga nangyayari ngayon. Tama na muna ang drama, kumain na muna tayo!" Sabi ni Chris.

Kanya-kanya naman silang kumuha ng utensils. Ako, naka-upo pa rin.

"Kumain ka na." -Joe

"Nawalan ako ng gana eh."

Bigla siyang umalis. Ay, bastusan lang? Naguusap pa kami eh. -,-

Pero hinayaan ko na lang siya. Lumipad nanaman yung utak ko.

"Oh."

Tumingala ako.

( 'O' )

"Ba't mo ako kinuhaan ng pagkain??!"

"Eh para sayo naman talaga 'tong mga pagkain eh. Tapos hindi ka kakain? Edi sayang lang pera ko nun."

Napangiti naman bigla ako.

"Salamat ah." Kinuha ko yung plato.

"Bakit puno ng pagkain 'to??! Papatayin mo ba ako??! Ang dami nito masyado!"

"Hahaha! Okay lang yan. Para mas tumaba ka pa. Kung gusto mo, kumain ka ng naka-kamay eh. Dadamayan kita."

"Talaga??"

"Oo naman!"

Kinuha ni Joe yung kutsara tsaka tinidor ko.

"Kainan na!" Sabi niya.

Kumain talaga siya nang naka-kamay. Walang arte. Sarap na sarap siya sa kinakain niya. Buti hindi siya kagaya ni Joseph. Ka lalakeng tao, ang arte arte.

"Titingnan mo lang ba ako? Hindi ka kakain? Ako kakain niyan, sige ka."

"Hahahaha! Ang payat payat mo, pero ang lakas mong kumain. May kanin ka pa oh." Tas tinanggal ko yung mumu sa gilid ng bibig niya.

"AYIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!"

Nagulat kami nang biglang magsigawan ng ayiee yung mga kaklase namin.

Tumawa lang si Joe tsaka kumain ulit. Kumain na rin ako. Buti talaga andiyan ka Joe. Pano kaya kung wala ka? :(

Matapos kumain, nilinis muna namin yung mga kalat. Syempre, maglalaro na kami eh. Yehey! ^-^

"Siguro naman nagkaroon na ng energy ang mga katawan ninyo." -Emcee

"Oo!!!"

"Dahil may energy na, pwede na tayong maglaro."

"Yeheeeeey!!!"

"Hahaha! Bata lang? Okay, ang first game natin ay... Bring me! Yehey! Hahaha."

May sayad talaga 'tong si Chris. Parang bata lang. :D

Yun! Ang saya ng bring me game. Kahit pang bata, nag enjoy naman kami. Pati nga sila ma'am, tuwang tuwa.

"Second game na tayo! Ang tawag sa larong ito ay, Eat the apple baby!"

"Pano yun Chris??" Tanong ng isa naming kaklase.

"This is a two-player game. May nakasabit na apple, tsaka kakainin ng dalawang player. Bawal gamitin ang kamay. Diskarte na nila kung pano mauubos ang apple. Ang unang maka-ubos ng apple ang siyang panalo."

"Tara sali tayo!" Hinila ako ni Joe.

"Seryoso ka??"

"Oo naman! Bakit, ayaw mo ba?"

"Gusto!" Tsaka pumunta na kami sa mini stage. Pano naman kaya namin mauubos yung apple? Eh ang hirap pag hindi hinahawakan. Ah, bahala na si Joe. Matalino naman siya eh! :D

"Ready na ba ang mga players?" Tanong ng emcee.

"Kakagatin ko, tapos ikaw ang kakain. Okay?" Sabi ni Joe sakin.

"Okay." May tiwala ako sayo. Huehue. :3

"Game!" Sigaw ni Chris.

Kinagat nga ni Joe yung apple. Tas ako, kain ng kain. Hoho. Busog pa ako eh! T^T

"Ikaw naman ang kumagat. Ako naman kakain. Tumutulo na yung laway ko." Sabi ni Joe.

"Okay."

Sinubukan kong kagatin, pero dumudulas lang sa bibig ko.

"Ano ba yan! Ang hirap namang kagatin eh!" -Ako

Inilapat ni Joe yung bibig niya sa kabilang apple para makagat ko. Inilapat ko na rin yung bibig ko sa apple, nang biglang dumulas ulit 'to...

( 'O ')

\( *O* )/ waaaaaaaaaaaah!!!

Nahalikan niya ako!!!! Pero sa gilid lang ng labi ko. Buti nga hindi sa lips eh. Huhuhuhuhu! U.U

"Uy sorry." Sabi ni Joe.

"O..okay lang." Nahihiya ako.

"Dali kagatin mo na."

Kinagat ko naman.

Kinain niya.

Naubos na.

Nanalo kami.

Hooray! X( nahihiya pa rin ako sa nangyari. x((((((

"May winner na tayo!" Sabi ng emcee.

"Walang iba kundi ang ating birthday girl at ang partner niyang si Joe!!" Nagpalakpakan naman sila.

Umupo na kami dala ang prize namin. Isang maliit na stuff toy ang binigay samin. Sakanya blue, akin pink.

"Oy, ba't di ka kumikibo diyan?" -Joe

"Wala." Sa totoo lang, nahihiya pa rin ako.

"Ah! Dahil ba yun sa kiss kanina?" Tas ngumiti siya na parang nang-aasar.

"Hi..hindi ah!!" Tanga halata ka Mika. x[

"Sana nga sa labi mo na lang dumiretso." Ngumiti siya. Hindi yung nang-aasar, pero yung natural lang niyang ngiti.

x[[[ kinikilig ako na parang na tatae na ewan! Nakakainis ka Jooooooe!!! ]]]x

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 6 54
Takot akong magmahal pero nung dumating sya... Sumugal ako kahit masakit.. Kahit walang kasiguraduhan.. Pero hanggang kilan?
275 1 22
Tama nga sila. Habang tumatanda at nagkakaisip ka doon mo lang makikita kung gaano kahalaga yung mga bagay at tao sa paligid mo. Yung tipong mas uun...
132 0 1
Ang daming nagbago, daming nawala, daming nasira ni hindi ko alam kung paano matatanggap.Maraming nagbigay ng advice, maraming bagay ang naiisip ko...
1.6K 233 61
For how many years na nag move on ako sa taong mahal ko yung taong nag patibok ng puso ko at yung taong nag wasak sa puso ko. For how many years na n...
Wattpad App - Unlock exclusive features