Hush Series 1: Vagabond's Cre...

By makiwander

8.2M 189K 24.4K

Si Noelle Casper Inocencio Gomez ay anak sa labas who always wanted the appoval of her father. Nang masangkot... More

Kabanata 1
Kabanata 2
KABANATA 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Huling Kabanata
Not an Update, stop the heart attack!

Kabanata 16

208K 5.9K 635
By makiwander


Red.

"Hindi ka nagbibiro?" Nanginig ang boses ni Noelle. Pakiramdam niya ay nababasag siya ng unti-unti dahil sa impormasyong nalaman. "Bakit mo sinasabi sa akin to?"

"My goodness, Noelle! This is not about you okay? I am telling you this because Dad might lose everything this time so don't you dare think that I am telling you this because I truly care for you, I don't. That's just so eiw! You know that I hate you. You know what I really hate about you?" Matalas siyang tiningnan ni Monroe.

"A-ano?"

"Everything!"

Humarurot muli ang sasakyan nito. Bumangon ang kaba sa kanyang dibdib nang makitang papalabas na sila ng Metro Manila. Monroe could be the extreme type. She will do anything she wants without batting an eyelash. Sa estado nito ay pupwede itong magpatiwakal sa bangin at kasama siya. 

Noelle grew up knowing Monroe who seldom joke around. Madalas itong nakasigaw at galit sa mundo. She do everything she wants and Noelle understands why she hates her.

She's the youngest and the only daughter of Don Martin before her.

Kung hindi sana siya sumulpot ay ito ang unica hija ng ama.

"Monroe, gusto ko lang malaman na wala akong inaagaw sayo."

"What?!"

"Kung nagpapakamatay ka, wag mo nang ituloy.."

"What? Silly! I don't want to die! With you pa? No, no, no!"

"Hindi mo na din kailangang siraan si Midnight sa akin. Kaya ko siyang layuan, wag ka lang maging ganyan."

"Por Dios!" Napatapik ng noo si Monroe, "Eres un tonto! Again, this is not about me hating you."

"Sorry.. Hindi ko sinasadya." Malungkot siyang yumuko at umayos ng upo.

Mapait itong tumawa, "Of course. Nothing intentional right? Hindi mo sinasadya ang pagsulpot mo sa buhay namin dahil hindi mo naman sinasadyang maulila at hindi mo kilala ang tunay mong ama. Hindi mo sinasadya na maging mabait. Hindi mo sinasadyang mas mahalin ka ni Daddy kaysa sa akin. Hindi mo iyon sinasadya."

"Monroe—"

"At hindi ko din naman sinasadyang maging b*tch." Mabilis nitong ipinasok ang sasakyan sa isang bakanteng lote sa mataas na bahagi ng lupain. Tanaw nila ang pinanggalingang maliwanag na kalsada. The lights eloquently dance in a muted music. Binuksan nito ang pintuan ng sasakyan at sumunod din siya. Humalik ang malamig na hangin sa kanyang pisngi, parehas silang nakatanaw sa ilaw sa ibaba na parang naroon ang topic ng kanilang pinag-uusapan. Huminga ng malalim si Monroe at seryoso siyang tiningnan.

"I don't like the Sandejas Family. There's so many things that I hate but I particulary hate those familia hipocrita, more than I hate you. They are evil and cunning, they appear as a saint but sanctimonious. The mother? Oh boy, she's wicked. She talks about money and beauty all the time. The patriarch is damn cold and serious. And their devilishly handsome son? I think he's the worst!"

Pakiramdam ni Noelle ay merong sumuntok sa kanyang sikmura. Hindi niya matanggap ang katotohanang iyon. Midnight may be all things, but he's gentle and kind. He's been helping them. Ayaw niya ding aminin na katulad ito ng pamilyang sumalubong sa kanya kanina.

Naglabas ng sigarilyo si Monroe mula sa kanyang pouch at sinindihan iyon, pinanlakihan siya ng mata.

"Monroe!" Suway niya, alam niyang madidisappoint si Don Martin kapag nalamang naninigarilyo ang anak na babae.

"Oh please! Just give me a break. Nag-iisip ako."

"Ano ba kasi ang narinig mo?" Mahina niyang tanong. Ipinilig ni Monroe ang ulo bago bumukas ang bibig.

"Okay. Sinundan ko si Attorney Midnight para sana agawin mula sayo." Pinanlakihan ng mata si Noelle, "I know right! I am jealous of you! He's hot and loaded, what should I do? Hindi naman pupwedeng ikaw lang ang merong ganon" Bumuga ito ng usok mula sa sigarilyo. "But I saw them at the study. Attorney Jose Sandejas was talking to his son, he told him to be careful with his plans and he should not be bringing you in their family affair because you might use it against him. That the last thing that he would wanted was somebody stalking his son or would show up na nabuntis nito."

Parang binibiyak ang kanyang puso. Hindi niya mapaniwalaan pero masyadong detalyado abg impormasyon para tahiin ni Monroe. She's frank and brutal but she knows Monroe isn't a liar.

Hindi niya alam kung kakayanin pa niya ang susunod na marinig pero mabuti na din sigurong alam niya para hindi na magawa ng binata kung ano man ang binabalak nito.

"Sumagot si Attorney Midnight, 'She's clueless. She doesn't know me at all.'" Pumikit pa si Monroe habang inaalala ang mga salita ng abogado.

"Sinabi ni Attorney Jose na isa kang Gomez kaya tiyak na hindi siya basta basta makakalusot sayo. But we both know that is not true kaya naman nauto ka ng lalaking iyon. At ang huling sinabi ni Attorney Midnight ay pinlano niyang mabuti ang pagkikita ninyo para makapaghiganti siya kay Daddy. I really don't know what that Bastard is up to. Inaano ba siya ni Daddy?"

"Ano pa ang sinabi niya?" Parang asido ang mga salita. As if it is not painful enough, she wanted to know more.

"Hindi ko natapos ang usapan dahil naitulak ko ang vase sa tabi ng pinto ng study room. Nagmadali akong umalis. At importante pa ba ang sumunod na sinabi niya? The point is, he's using you do harm Dad. Sinasabi ko na nga bang imposibleng may magmahal sayo ng kasinggwapo at kasingyaman non."

Hindi na niya pinansin ang pang-uuya sa kanya ni Monroe. The pain was so strong that it made her numb. Pakiramdam niya ay nanaginip lang siya. Hindi ganon ang naramdaman niya sa lalaki. All she remembers was how gentle he is. Napakagaling namang umarte nito kung ganon.

"Kakausapin ko siya." Pagkatapos ng pananahimik ay nagawa niyang isantinig.

"And?"

"Kokomprontahin ko siya. Maayos na ang problema ni Don Martin sa minahan, hindi ko pa alam ang lahat ng detalye pero napagbigyan na ng korte na i-unfreeze ang assets niyo."

"OMG? So I can do shopping na? I can buy my own yaya---"

"Monroe! Makinig ka nga muna."

"Alright, sorry. I just got carried away."

"Kailangan ko siyang kausapin?"

"At ano? Hahayaan mong mag-bigay ng excuse? Noelle, kapag nauto ka ng isang beses, hindi malayo ang pangalawang pang-uuto. I think I have a better idea."

Tiningnan niya si Monroe ng seryoso. May pilyang ngiti doon at nag-niningning pa ang mga mata.

"Why don't we give him a taste of his own medicine?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Magpapanggap ka na wala kang alam. Then, akitin mo."

"Mahirap naman yata yon.."

"I know, mahirap talaga yun kasi hindi ka naman kasingganda ko. Pupwede namang ako na lang ang gumawa—"

"Hindi pwede.." Agap niya.

Marahas siyang tiningnan ni Monroe at itinapon ang upos ng sigarilyo, "I know he's your boyfriend pero magtapat ka nga sa akin. Inlove ka na ba talaga sa taong yon?"

Mabilis siyang umiling at nag-init ang mukha. "H-hindi ah.."

Pinanliitan ng mata ang kausap, "You are blushing and stuttering. Hindi yan maganda, pero isipin mo na lang na kung ano man ang ipinakita sayo ng taong yon ay hindi iyon totoo. Ginagamit ka niya Noelle para sa masamang balak niya sa pamilya natin!"

Pamilya natin..

Umikot ang paru-paro sa kanyang tiyan. Unang beses niya palang narinig iyon kay Monroe. It felt warm and reckoning.

Merong pakiusap sa mga mata ni Monroe na hinarap siya at kinuha ang parehas niyang kamay, "I know I was never good to you but you are our only hope. He could not cause further harm to our family. We could not afford to go back. Mamadaliin ko si Daddy na bilisan ang pag-aayos sa gusot sa minahan pagkatapos ay magsimulang muli at ikaw, ang magiging papel mo ay tiyakin na walang gagawing masama si Attorney Sandejas sa atin. Magagawa mo lang yon kapag hindi mo puputulin ang koneksyon mo sa kanya. And you should make sure that he would like you even more. Can you do it?"

Marahan siyang tumango.

"Thanks, Noelle. I will tell you what to do. Just keep yourself from falling inlove with that monster. Kaaway siya, Noelle. At ang kaaway, ginagamitan ng strategy para madaling mamatay."

"Papatayin natin siya?" Maang na tanong niya.

"No, not literally. Pero parang ganon."

Umikot ang kanyang isip, hindi niya alam kung paano niya gagawin yon dahil alam niyang hindi iyon madali.

--

Ngiting-ngiti si Don Martin nang makita na kaswal silang nag-uusap ni Monroe sa hapagkainan habang nag-aalmusal.

"Later we will have your haircut.." Inisa isa ni Monroe ang kanyang plano sa buong araw.

"Meron akong pasok sa club."

Umikot ang mga mata ni Monroe, "I know right! Ibabalik naman kita doon!"

"You could resign at the club, Noelle. Maari ka na muling mag-aral." Singit ni Don Martin. Tiningnan niya ang kinikilalang ama at ngumiti.

"Sembreak pa naman po ngayon. Mag-iinquire ako sa school sa susunod na linggo."

"How about me, Dad? I really want to visit Paris this year."

"Hindi na ganoon, Monroe. Ang priority natin ay ang biktima sa minahan."

"Corny! At least get us a Chef, okay? Nakakasawa na ang mga kinakain natin na puro take-out. Good heavens, I could chill now."

"You should continue working, Monroe. Alam nating hindi naging maganda ang naging experience natin nang may trahedyang nangyari, we couldn't tell kung kailan iyon mauulit. Noelle should study too, ano't ano ang mangyari magkakaroon siya ng mas magandang trabaho at alam ko namang hindi siya pababayaan ni Attorney Sandejas."

Nagkatinginan siyang dalawa ni Monroe. Tumikhim si Monroe at binalingan ang pagkain sa plato.

"Fine! Fine! Bilisan mo diyan, Noelle. Ayokong nasasayang ang oras ko." Mataray nitong utos.

Bago pa man niya maubos ang pagkain niya ay tumunog na ang doorbell mula sa labas ng bahay. Agad siyang tumayo para daluhan iyon. Mabibilis ang kanyang hakbang pero bumagal iyon nang makita niya ang Abogado na nandoon sa visitor's gate. Mahigpit ang kapit sa dalawang rehas.

"Noelle." Paos ang boses nito at nangangalumata pa. Mukhang hindi nakatulog. Marahil ay natulog ito kasama si Daniella at napuyat ang dalawa. Nag-salubong ang kanyang kilay.

Inalala niya ang lahat ng napag-usapan nila ni Monroe. Hindi ito maaring makahalata na may alam siya. Mas maging mabait siya dapat dito. Kailangan niya itong akitin hanggang sa gustuhin siya nito ng totoo.

"M-midnight.." Pinwersa niya ang isang ngiti, "Kumusta? Kumain ka na?"

"Why did you turn off your phone last night?" Nanliit ang mga mata nito pagkatapos ay bumuntong hininga. Gusot ang suot nitong puting polo at parang basta pinulot lang para isuot. Hindi pa maayos ang pagkakatuck-in nito sa slacks niya.

"Pasensya ka na. Nawala sa isip ko na nakapatay pala ang cellphone ko. Nagmamadali kasi si Monroe na umuwi kagabi p-para hindi ako lamigin."

Masuyo siya nitong tiningnan. Gusto niya itong palakpakan sa galing sa pag-arte.

"Nag-sisisi ako kung bakit pumunta pa tayo doon. My family are a bunch of a**holes. I hope you wouldn't hate me for that."

"Midnight, wag mong sasabihin iyan. Pamilya mo sila. Pinoprotektahan ka lang nila para hindi mapunta sa mali.." Nakagat niya ang pang-ibabang labi niya. Alam niyang kabaliktaran iyon. Siguro ay magpipiyesta pa ang pamilya ng binata na miyembro ng kampon ng kadiliman kapag nakagawa ito ng masama.

"Can I at least get in? I missed you." Pinalamlam ng binata ang mga mata. Nakaramdam siya ng inis. Nag-dalawang isip siya kung papatuluyin ito nang maramdaman niya ang mahinang pagsiko sa kanya ni Monroe sa kanyang tabi.

"Papasukin mo." Malalaki ang mga matang utos nito sa kanya. "Hi Attorney!" Nag-peke ng ngiti si Monroe. "Ipapagpaalam ko lang sana si Noelle, inaaya kong magpa-salon para gumanda naman."

Kitang kita niya ang gulat sa mata ni Midnight. Tingin niya ay nagandahan ito sa ngiti ni Monroe. Umasim ang sikmura niya at gusto niyang pigilin ang pagpasok nito sa gate para pauwiin na lang. Tumaas ang kanyang kilay pero ibinaba niya din iyon. Kung noon ay iniisip niyang siya ang nangunguna kay Midnight, ngayon ay tiyak niyang hindi ito totoo. At kailagan niyang paghirapan ng husto para makuha niya ang atensyon nito ng buong buo. Kailangan niyang baliwin ito ng husto hanggang sa wala na itong maalala kung hindi ang pangalan niya.

Humulma ang kamay ni Midnight sa kanyang bewang nang makapasok ito. Sabay nilang pinagmasdan si Monroe na umiindayog pa ang bewang habang naglalakad. She should be like that. Tama nga ang kanyang kapatid. Hindi siya makakakuha ng atensyon kung para pa din siyang bata at walang ipinag-iba sa isang Manang sa Siargao. Tandang tanda niya pa ang pag-kukumpara ni Monroe sa kanya at sa 70 years old na matanda kagabi, ayaw nitong matulog hangga't hindi siya umaamin sa sarili niya na ganoon nga siya.

"I missed you." Umangat ang kanyang mukha at pumatak doon ang isang mainit na halik mula kay Midnight. Napapikit siya at napakapit sa polo nito. It tasted sweet but she knows it is not real. Her body fueled with heat crawled to her thighs. It is nothing. It's lust. A normal feeling of an adult like her. That tingly, warm feeling beside him is just lust. Nothing more.

Mas diniinan niya ang pagkapit sa dibdib ng binata. His hand pressed her nape for a deeper kiss. Umawang ang kanyang labi. His tongue raveled the warm walls of her mouth. The hot sun beat down on them, half of their faces were covered by shadows and the other half were intensely heating up the kiss. Bumigat ang katawan ng binata sa kanya. She had no choice but to step back and she rested at the palm tree. Sumandal ang noo ni Midnight sa kanya at tinitigan siyang mabuti. ,The stares were heavy, pleading with a tinge of ownership in it.

"I don't want you to be more beautiful than this. Go easy with the makeover."

Nanghihina siyang tumango. Pilit na inignora ang nararamdamang sikip ng dibdib sa paraan kung paano siya nito angkinin.

--

Naghanda na si Noelle nang mag-paalam na si Midnight. Hindi naman siya ang pinuntahan nito. May dala itong mga papeles na pinapirmahan kay Don Martin habang nakabantay si Monroe. May kumukudlit na pait sa kanya habang nag-uusap si Monroe at si Midnight tungkol doon sa kaso. Mas lalo lang niyang napatunayan kung bakit hindi siya ang tipo na magugustuhan ng isang kagaya niyang abogado.

Wala siyang alam na kahit ano. Magaling lang siyang mag-makaawa at gamitin ang pagiging babae. Wala siyang ipinagkaiba kay Daniella. A typical damsel in distress. She needs to be in jeopardy to get notice. Hindi pagmamahal ang ibibigay sa kanya kundi awa.

"Yung tingin mo sa akin kanina, para mo akong kakatayin." Monroe's voice sliced the silence inside the car.

"Hindi naman." Nag-init ang kanyang pisngi at umiwas ng tingin.

"Masakit ba? That is the truth, Noelle. Kung hindi ka magiging kagaya ko, hindi ka totoong magugustuhan ng mga lalaki. They like their woman beautiful and smart. Hindi na uso ngayon yung sinasagip. Males may be dominant but they want their woman feisty."

Napalunok siya. Ngayon palang niya naiisip ang mga bagay na iyon.

"Alright! Siri, please switch off my bitchy button!" Sumigaw si Monroe na parang merong tinatawag sa paligid, magaan ang matang hinarap siya nito, "Walang mali sayo, okay? You can get someone love you, hindi lang ang kagaya ni Attorney Midnight. At wag ako ang pag-selosan mo. Hindi ko type ang mga taong kagaya niya. I like someone like Dad, pero wala na sigurong ganon. Sa sama ba naman ng ugali ko, babahag ang buntot ng mga lalaking ganon."

They headed to a salon when they reached the mall. Nakipagbeso si Monroe sa isang bading na nakapormal na polo longsleeves na itim kagaya nung iba pang staff. The golden nameplate on his chest says that his name is Jess.

"Oh, Jessy I missed you!" Malambing na yumakap si Monroe dito.

"Ire-redeem mo na ba ang pampering package mo? Uy, salamat talaga doon sa nakaraang event namin na pinuntahan mo, tumaas talaga ang sales namin noong nagpakita ka." Humila ito ng upuang nakaharap sa maliliwanag na salamin para sa kanilang dalawa.

"Of course, ako pa ba? Pero Jessy, dinala ko ang kapatid ko. Sa kanya mo na lang gawin ang lahat ng treatment. I just had mine last month at okay pa naman ako. Please do a major makeover to Noelle."

Maarteng humalakhak ang bading at hinawakan ang buhok ni Noelle at pinagmasdan siya mula sa salamin, "Grabe ka doon sa major makeover eh ang ganda ganda ng kapatid mo, parang ikaw din."

"Excuse me! Mas maganda ako diyan!" Humalukipkip si Monroe. Sabay silang natawa ni Jessy.

Sinimulan ang Kerasilk Treatment kay Noelle. Ang sabi ni Jessy ay maganda pa daw ang natural na kulay ng kanyang buhok na patungo sa blonde. Napangiwi siya nang bawasan ang kanyang buhok at umabot na lang iyon sa kanyang balikat na dati ay mahaba.

Natawa si Monroe sa reaksyon niya, "Sissy, there's nothing constant in this world but change, I am sure you would look hot in that hairdo."

Apat na oras ang inilagi nila sa salon. Unang beses iyon ni Noelle at talagang nanakit ang puwetan niya. Tuwing magrereklamo siya ay sasamaan siya ng tingin ni Monroe.

Nilagyan pa siya ng fullbangs ni Jessy at hindi na niya nakilala ang itsura sa salamin. Her nails were painted dark red. Ganoon din ang ginawa sa kanyang labi pagkatapos lagyan siya ng make up at turuan ng kaunti tungkol sa ganoon.

"See? You look gorgeous!" Giit sa kanya ni Monroe habang hinahaplos ang kanyang buhok. Bumaba si Monroe sa kanyang tainga at mapanganib siyang binulungan, "Attorney Midnight would drool in that woman in just a snap." Turo nito sa salamin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.7K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
46.3M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
339K 10.5K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
280K 15.4K 38
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...