Half Blood Academy (School Of...

By Cavathepurple

1.8M 49.8K 3.1K

[COMPLETED] Isa itong paaralan na hindi maaaring makita ng isang ordinaryong tao. Tanging mga Half Bloods lan... More

READ THIS FIRST
Cast
Synopsis
Chapter 1: Expelled
Chapter 2: Forgiven
Chapter 3: New school?
Chapter 4: Welcome to Half Blood Academy
Chapter 5: Groups
Chapter 6: Meet Jane Varona
Chapter 7: Royal Families
Chapter 8: The story of Killy's room
Chapter 9: Meet the King
Chapter 10: Queen
Chapter 11: Edwin Vam Lee
Chapter 12: Tagabantay
Chapter 13: Plan
Chapter 14: Finding Legendary Igley
Chapter 15: The Legendary Igley
Chapter 16: Esperanza
Chapter 17: The King is back
Chapter 18: Trouble and bad news
Chapter 19: Bully
Chapter 20: Bully II
Chapter 21: Announcement
Chapter 22: Can't say
Chapter 23: Partner
Chapter 24: Dark students
Chapter 25: Meeting
SCARLET EYE
Chapter 26: Sexual Harassment
Chapter 27: Seen zone
Chapter 28: Welcome to Half Blood Academy, Prince Zack.
Chapter 29: Lintik lang ang walang ganti!
Chapter 30: I like you
Chapter 31: Dance Practice
Author Note (MUST READ!!)
32: Mask Party
33: Mask Party
34: Mask Party
35: Mask Party Cancellation
Chapter 36: Extraordinary power
Chapter 37: Where are you Jane?
Chapter 38: Fight for Jane.
Chapter 39: El Nebre
Chapter 40: I hate you
Chapter 41: First kiss
Chapter 42: Shanlee's feelings
Chapter 43: Day with him
Chapter 44: Sword
Chapter 45: Killy's feelings
Chapter 46: My boyfriend
Chapter 47: I'm sick
Chapter 48: HBA hospital
Chapter 49: Kasalanan mo
Chapter 50: Ako na lang ba lagi?
Chapter 51: The illusion
Chapter 52: Goodbye but I will return
Chapter 53: Goodbye but I will return (Part 2)
Chapter 54: The celebration of Jane and Railey
Chapter 55: The return of the Scorpions
Chapter 56: Paralyzed
Chapter 57: Juliuse hidden love
Chapter 58: Juliuse happiness and Jessie's hurtness
Chapter 59: Dead
Chapter 60: The four elemental jewelry
For My Readers (Please Read)
Chapter 61: Opened in reality
Chapter 62: Jessie's anger
Chapter 63: Plan A, Plan B, Plan C
MISSION I:GOING TO MT. SARDONA
MISSION I:TWO WAY OR TO DEATH
MISSION I:THE FOREST OF TRAPS
MISSION I:ZOMBIE CITY
MISSION I:HOT AND COLD MOUNTAIN
MISSION I:THE DISASTER
MISSION I:GAME OVER
MISSION I:KILL THE LEADER
MISSION I:ALIVE
MISSION I:SARNA'S KINGDOM
MISSION I:THE THIEFS
MISSION I:MISSION FAILED
Chapter 77: His beerday party
Chapter 78: Mystery singer
Chapter 79: She's back
Chapter 80: New Killy
Chapter 81: Princess new rule
Chapter 82: Changes
Chapter 83: Welcome new half blood students
Chapter 84: Lisha and Luke
Chapter 85: Practice makes perfect
Chapter 86: Lisha vs Luke
Chapter 87: Same
Chapter 88: Surprise test
Chapter 89: Laging war
Chapter 90: New members of Spiders
PASILIP #1
PASILIP #2
Chapter 91: ELLAntod
Chapter 92: Suspicion
Chapter 93: Death threats
Chapter 94: Meet his parents
Chapter 95: Break up
Chapter 96: Hinala
Chapter 97: Save her
Chapter 98: Forever
Chapter 99: She's really back
Chapter 100: El Nebre thingy
Chapter 101: El Nebre, meeting and plans
MISSION II:GOING TO ENCHANTED FOREST
MISSION II:MEET MY MAMA
MISSION II:THE HARDEST TRAINING
MISSION II:THE START
MISSION II:THE MIDDLE OF THE TRAINING
MISSION II:THE FINAL TRAINING
MISSION II:HERE WE ARE ENCHANTED FOREST
MISSION II:THE GOLDEN DRAGON
MISSION II:THE EL NEBRE
MISSION II:EL RICA
Chapter 112: Save her
Chapter 113: One of the Royal Families
Chapter 114: The truth
Chapter 115: Ryza's decision
Chapter 116: Traitor
Chapter 117: Queen's Birthday
Chapter 118: Her death
Chapter 119: Ryza and Jessie's case
Chapter 120: Preparation (Part I)
Chapter 120: Preparation (Part II)
Chapter 121: War
Chapter 122: Lamela, Khey Lloyd and Katalina
Chapter 123: Jemuel's Father
Chapter 124: Sacrifices
Chapter 125: The end
Epilogue
BOOK 2

MISSION I:MY BLOOD

7.9K 196 8
By Cavathepurple

Chapter 66
My Blood

Someone POV.

Napatingin ako sa aking kasama na kanina pa bumubuntong hininga. Hindi ko alam kung bakit sya ganyan, nakatingin lang sya sa isang direksyon kaya naman napatingin din ako doon

(O_O)

Anong ginagawa nila dito?

"Diba sila ang spiders?" Tanong ko at hindi ko ipinahalata sakanya ang aking gulat.

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita "Oo" tanging sagot nya

"Ano satingin mo ang dahilan kung bakit sila nandito?"

"Mukang nakatunog ang kanilang headmaster. Hindi ko alam na ganon kabilis na kakalat ang balita tungkol sa pagnakaw natin sa mga Elemental Jewelry"

"Siguro ay nakakita sila ng ebidensya sa lugar na ninakawan natin"

"Siguro nga" tanging sabi nya nalang.

Kung nandito sila dahil pinadala sila ng kanilang Headmaster ang ibig sabihin lang nito ay makakaharap namin sila sa tuktok ng bundok. Mukang pinadala sila para pigilan ang gagawin naming pagnanakaw.

"Pipigilan nila tayo" sabi ko

"Alam ko" sagot naman nya.

"Wala ka bang plano para sakanila?"

"Kaylangan pa ba ng plano? Kayang-kaya mo sila. Wala ang kanilang kapangyarihan dahil sa sumpa ng Sarna na 'yun!"

"Bibigyan mo ba ko ng pirmiso para patayin sila?" Tanong ko

"Hindi, hindi mo sila pwedeng patayin" sabi nya at seryosong tumingin saakin "Pwede mo silang saktan pero hindi mo sila pwedeng patayin. Mawawalan ng tagapagligtas ang akademya nila kung papatayin mo sila"

"Sabi mo eh"

Sinubaybayan ko lang ang anim na spiders na takang-taka kung bakit dalawa ang daan. Natatawa naman ako sa ekspresyon ng kanilang muka, mga muka silang batang nawawala.

"Mga Sandron" napatingin naman ako saaking katabi "Mga Sandron ang may gawa ng dalawang daan na iyon" sabi nya muli

"Kung ganon ay napasok natin ang teritoryo nila"

"Tama ka at nasa loob na tayo ng illusyon nila, alam na nilang may ibang halfbloods pa maliban sa anim na yan"

"Kung ganon alam na nila kung nasaan tayo nagtatago?"

"Hindi at dahil iyon sa barrier mo, kahit papaano ay hindi nila tayo nakikita pero nararamdaman nila tayo hindi nga lang nila alam ang eksaktong lugar natin ngayon"

"Kung ganon ay may tiyansa pa tayong makaalis sa illusyon na'to bago pa sila makarati---" naputol ang sinasabi ko ng may marinig akong bumagsak.

'BOGSHH!!!'

Napakalakas ng pagbagsak na 'yun dahilan para magkaroon ng usok at alikabok ang paligid.

"Hindi na tayo makakaalis parte na tayo ng laro nila" sabi ng aking katabi.

"Aish! Napakabilis naman nilang dumating"

Nang nawala na ang usok at alikabok ay agad kong naaninag ang lahat, napansin ko ring napakalaking butas ang naidulot nila sa lupa.

Nakita ko namang gulat ang mga spiders dahil sa nangyari pero biglang naging seryoso ang muka nila ng makita ang mga Sandron.

Ang Sandron ay binubuo ng tatlong pure blood. Si Sok, si Kara, at si Mic. Silang tatlo ay magaling sa panlilinlang at illusyon. Pinaglalaruan nila ang kanilang bigtima gamit ang illusyon at nililinlang nila ang kanilang bigtima upang madali nilang mapaslang ang mga ito, bihasa na sila sa paggamit ng illusyon kaya naman isa sila sa tagapagtanggol ni Dyosang Sarna. 

Mukang mahihirapan ang mga spiders sa tatlong ito. Nakakapagtaka lang na sila ang unang ipinadala ng dyosang Sarna. Ang pagkakaalam ko ay sila ang pinakainaasahan at sila ang tagapagbantay ng dyosa.

"May alam ka ba sa mga nangyayari ngayon? Naguguluhan ako masyado" sabi ko

"Hindi ko din alam ang nangyayari. Maging ako ay nagtataka kung bakit sila ang unang ipinadala" sabi ng aking kasama.

"Masyadong tuso ang mga pure blood na 'yan. Satingin mo ba ay kakayanin ng mga spiders ang pakikipaglaban sakanila?"

"Hindi ko din alam. Hindi ko alam ang mga nakasagupa nila dati at wala akong alam kung ilan na ang napatumba nilang mga halimaw"

"Kung ganon at hindi mo pa talaga lubos na kilala ang mga spiders?"

"Ganon na nga"

Napailing nalang ako. Kung ganon ay hindi namin alam kung makakayanan ba ng mga spiders ang tatlong pure blood na 'yan. Hindi namin alam kung makakaalis pa ba kame dito sa illusyon na 'to.

"Wag mong tangkaing patayin ang mga Sandron" pagpigil saakin ng aking kasama.

"Pero yun na lang ang tanging paraan para makatakas tayo sa illusyon na ito"

"Marami pang paraan, wag kang kakapit sa patalim. Baka nakakalimutan mo na nasa teritoryo tayo ng mga Sandron. Hindi natin alam kung alam na ba nila na nandidito tayo o nararamdaman pa lang talaga nila tayo. Walang kasiguraduhan, kaya maghunusdili ka at hayaan natin sila ang makipaglaban"

"Pano kung hindi nila matalo ang mga Sandron? Hahayaan nalang ba nating makulong tayo sa illusyon nato?!" May pagkainis kong tanong.

Tumingin sya saakin at ngumisi "Satingin ko ba ay hahayaan kong mangyari 'yon? Hindi ako pinanganak para matalo" naka ngisining sabi nya na ikinataas ng balahibo ko.

(>_<)

Nakakakilabot talaga 'tong babaeng 'to.

"Kung ganon at tutulungan natin sila?" Tanong ko at pinilit na itago ang aking takot.

"Ganon na nga" tanging sagot nya

"Kung ganon ano ba ang gingawa natin dito? Halika na at tulungan natin sila" pupunta na sana ako doon pero pinigilan nya ako.

"Hindi muna ngayon, kung tutulungan natin sila ngayon na mismo. Siguradong magiisip sila kung sino tayo, guguluhin natin ang isipan nila. Kaya naman mamaya na natin sila tutulungan"

May punto sya pero kung mamaya pa namin sila tutulungan parang pinaubaya nalang namin sakanila ang lahat.  Pero diba parang ganon din yun? Kung mamaya pa namin sila tutulungan edi makikita rin nila kame at gugulo parin kame sa isipan nila. Aish! Hindi ko talaga makuha ang ugali netong kasama ko

Pinanood lang namin silang makipagusap sa mga Sardon. Habang tumatagal ng tumatagal ay nagiging kakaiba na ang pakiramdam ko. Para akong hindi makahinga.

"Mag lagay ka ng barrier! Ngayon na!" Sabi ng aking kasama na ikinagulat ko.

"B-Bakit?"

"Basta gawin mo nalang!" Inis nyang sabi

Agad ko namang nilagyan ng barrier ang paligid naming dalawa. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kinalaman ang hindi maayos na paghinga ko.

"Naguumpisa na silang baguhin muli ang paligid. At ang lahat ng hindi makakapasok sa barrier na gagawin ng isa sa mga pure blood na 'yan ay maglalahong parang bula" paliwanag ng aking kasama

"Kung ganon ay mawawala tayo ng parang bula?"

Ngumisi sya "Hindi nila ako maiisahan dahil sila ang naisahan ko. Dahil sa ginawa nila ay nalaman kong hindi nila alam kung nasaan tayo. Sigurado na ako na nararamdaman lang nila tayo" nakangising sabi nya kaya naman kinilabutan muli ako.

"Pano mo nalaman?"

"Manhid ka ba at hindi mo marandaman ang pagbababo ng temperatura ng paligid? Pati na rin ang pagiging hindi normal ng hangin sa ating paligid!" May paglainis na sabi nya "Kung isa ka lamang normal na pure blood o halfblood ay hindi mo mapapansin ang ginagawa nila. Pero pasensyahan nalang dahil hindi ako normal" nakangising sabi nya

"Oo dahil abnormal ka" bulong ko

"May sinasabi ka?!" Tumingin sya saakin ng masama kaya naman napalunok ako.

"Wala! Wala!" Tanggi ko

"Akala ko meron eh! Papaslangin na sana kita"

Napaiwas naman ako ng tingin.

Hay nako! Kakaiba talaga ang halfblood na'to

Ryza POV.

Ouch!

(>_<)

Napahawak nalang ko sa ulo ko dahil sa sakit non. Hindi ko alam kung binibiyak ba ang ulo ko o minamaso dahil sa kakaibang sakit na nararamdaman ko.

Yung katawan ko din ay masakit, hindi ko alam kung ano ang nangyari basta ang nararamdaman ko ngayon ay masakit ang ulo, katawan, at parang may nararamdaman akong tumutulo.

Napatingin ako sa tuhod ko at laking gulat ko ng may tumutulong dugo mula doon.

Parang may kung ako akong naalala. Lalong sumakit ang ulo ko kaya naman napadaing ako dahil doon, mahina lang ang daing ko at wala akong pakealam kung may nakarinig ba non.

Nakaramdaman ako ng takot at panginginig, namalayan ko nalang na sumisigaw ako.

"Kyahhh!!!" Sigaw ko.

Parang ayoko sa dugo, natatakot ako sa dugo. Hindi ko alam kung kaylan pa pero ngayon ko lang naramdaman ito. Hindi pa kase ako nasusugatan dahil todo protekta saakin si Jessie tuwing may mission kame.

"Ryza bakit?" Nagaalalang tanong ni Jessie

Si Jessie? Nagaalala? Saakin? Hindi na kaya sya galit saakin?

"Ryza! Sumagot ka anong nangyayari sayo?" Nagaalala nya na talagang tanong.

"M-May d-dugo s-sa t-tuhod k-ko" nanginginig kong sabi

Nagsimula naring tumulo ang luha ko na lalong ikinapanik ni Jessie

"O-Ok. Wait me here, kukuha lang ako ng gamot. Kalmahin mo ang sarili mo Ryza please lang" sabi nya at nagmadaling kumuha ng fist aid kit sa bag nya

Ginawa ko naman ang sinabi nya at kinalma ko ang sarili ko pero sa tuwing titingin ako sa sugat ko sa tuhod ay natatakot talaga ako. Ngayon ko lang naramdaman ito, hindi lang ang takot ko sa dugo pati narin ang kakaibang memorya na bumabalik sa isip ko.

Nang makabalik na si Jessie ay agad nyang ginamot ang sugat ko. Nakatitig lang ako sakanya, hindi kase ako makapaniwala na nagaalala sya saakin. Akala ko ba galit sya? Bakit nya ginigawa ito.

"Bakit?" Hindi ko namalayan na nakapagsalita na pala ako.

"Huh?" Tanong nya pero hindi nya ibinaling ang tingin nya saakin kundi saaking sugat.

"Bakit mo gingawa 'to? Diba
galit ka saakin? Diba kinamumuhian mo ako? Diba hindi mo na ako gusto?" Sunod-sunod kong tanong.

Sandali syang natigilan pero bumalik din sya agad sa paggamot ng sugat ko.

"Hindi ito ang oras para pagusapan natin ang ating pinagawayan" nang matapos na ang paggamot nya saaking sugat ay tyaka sya tumayo at tumalikod saakin "Wag mong kakalimutang nasa misyon tayo, kaylangan nating isantabi ang ating nararamdaman kahit gaano pa ito kalala o kasakit" sabi at naglakad na patungo sa kanyang bag.

Tama sya.

Bakit ba ako nageexpect na magkakaayos kame? Matagal ko ng pinutol ang koneksyon naming dalawa. Kilala nalang namin ang isa't isa dahil sa misyon at sa pagiging miyembro namin ng spiders. 'Yun nalang at wala ng iba.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang nararandaman kong mahal nya parin ako, na he still care of me. O sadyang nagaassume lang ako.

Ang gulo! Bakit ba kase ganito ang buhay ko? Buhol-buhol.

'Cough! Cough!'

Agad namang naagaw ng atensyon ko ang halfblood na umubo. Nakita kong si Juliuse iyon kaya naman agad akong pumunta sa pwesto nila at tiningnan ang lagay ni Juliuse.

"Anong nangyayari?" Tanong ko

"Ok na Ryza wag ka ng magaalala" sabi ni Vam "Shanlee pagpahingahin mo muna si Juliuse, kulang ang lakas nya para lumaban" sabi ni Vam pero hindi sya nakatingin kay Shanlee.

Eh? May nangyari ba? Nag away kaya sila?

"S-Sige" naiilang na pagsangayon ni Shanlee tyaka inalalayan si Juliuse sa malapit na puno.

Napatingin ako kay Mary Joy at ganon din sya saakin, muka rin syang nagtataka dahil sa inaasta ni Vam at Shanlee. Nararamdaman ko ring nagaalala sya.

Pero.... Kanino?

"Ryza are you all right?" Nagaalalang tanong nya "I hear you screaming just a minute ago. What happened?" Tanong nya.

Sakin ba talaga sya nagaalala? Bakit pakeramdam ko hindi. Hindi din naman kay Juliuse kase wala naman syang pakealam sa lalaking yun.

Wala nga ba?

"I just saw a bug on my shoulder that's the reason why I shout" pagsisinungaling ko

Hindi ko muna sasabihin ang totoong nangyari, sikreto lamang naming dalawa ni Jessie iyon, pagsasabihan ko rin sya mamaya na wag ipagsabi kahit kanino. Kaylangan ko munang tuklasin ang nangyayari saakin bago ko sabihin sakanila. Ayokong maguluhan sila, dahil ako ay gulong-gulo na sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit takot ako sa sarili kong dugo pero pagdugo ng iba ay hindi naman.

"Ryza hindi naman sa gusto kitang takutin o ano" aba! Nagtagalog si Joy, minsan ko lang yan marinig magtagalog puro kase english "You have to face your fear because that can put you to danger or to your death" sabi nya habang nakahawak sa balikat ko.

"Why do you want me to die?"

"No! That's not it Ryza. Don't get me wrong, I was just concern about your safety" sabi nya

Napangiti naman ako "I understand" nakangiti kong sabi.

"Please don't get mad at me. I don't want you to die ok?"

"Hindi ako galit, masaya nga ako dahil may nagmamalasakit saakin. Thanks Joy"

"Im happy you understand me" sabi nya

Napangiti ako.

Ano kayang feeling ng merong ate? Masarap siguro.

"Hay!! Ang dadrama naman ng mga 'to" nawala ang ngiti ko ng marinig ko ang pesteng boses ni Kara.

Hinanap ko kung nasaan sya at ang bruhilda. Nakatayo malapit saamin habang nakapamewang, halatang nababagot na sya dahil humihikab sya.

"Kailan ka pa nandyan?" Seryosong tanong ko.

"Ahm ngayon-ngayon lang" bagot na sagot nya

Nakahinga ako ng maluwag, buti nalang ngayon-ngayon lang sila dumating at hindi nila narinig ang pinagusapan namin ni Mary Joy dahil baka gamitin saakin ni Kara ang mga iyon! Takot ko lang sa mga bug nuh!

Pero saan ba sila pumunta? Kanina hindi ko sila nakita, ni hindi ko rin maramdaman ang presensya nila. 'San kaya pumunta 'tong tatlong pure blood na 'to.

"Pwede magumpisa na ulit tayo? Nabobored na talaga ako" maarteng sabi nya "Inaantok na ako oh! Magkakaroon ako ng eye bags at papanget ako! Eww lang ok!" Mas maarte pang sabi nya

"Ok lang yan, wala ka naman ng ipapanget" sabi ko at ngumisi ng nakakaloko.

"Ano'ng sabi mo?!" Inis na tanong nya at matalim na tumingin saakin

"Sabi ko ang ganda ko"

"In your dreams!!"

"Stop arguing you two!!!" Inis na sabi ni Sok "Your two noisy! Kara tell them the next game" pagkatapos nyang sabihin 'yon ay nagpoker face ulit sya

Boy version ni Joy.

Napatitig ako sakanya, wala akong masyadong maramdaman na aura sa katawan nya. Maybe he can conceal it.

Ang weird naman ng lalaking 'to. Weird ba ang tamang pangdescribe sakanya o Misteryoso.

Teka! Teka! Bakit ba sya ang pinoproblema ko? Ano naman ngayon kung weird sya Ryza?! May magagawa kaba eh ganon na sya.

God kaylangan kong magfocus sa misyon.

We have to success this misyon no matter what.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 202 31
Demons vs. Demons There are 4 demonic symbols around the world, heart, club, spade and the most powerful of all, DIAMOND. Their unity can change the...
REVERSE ✓ By 유수자

Mystery / Thriller

1K 131 19
"The circus is now open! However, the clown was missing; seeking for the next victim." Cassien joined a non-maiden detective club to dislodge boredom...
9.5M 293K 64
Claire Cassidy doesn't show her face , doesn't socialize with people and always prefer to be alone, these are the reasons why she was branded as the...
98.1K 5.3K 67
(On-Going)