Intrepide University

By pynkiee

277K 9.5K 712

[C O M P L E T E D] Some says they are righteous with ethics. But some of them are obnoxious and horrible. Th... More

Disclaimer
Prologue
Starting
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

Chapter 30

5.7K 195 35
By pynkiee


**

THIRD PERSON

Patungo na sila Data ngayon sa laboratory kung nasaan ang puno't dulo ng lahat. Nangunguna ngayon si Data, kasunod si Tripp at ang ibang miyembro na gulat pa rin hanggang ngayon sa nasaksihan at nangyari kanina. Hindi nila inaakalang mamamatay ito, at mabubuhay muli. Buhay na buhay ito, at sobrang hyper.

Ng makarating sila sa harapan ng laboratory ay huminto sila at humakbang muli ng medyo malayo sa pintuan. Ngumisi si Data, sabay kuha ng dala niyang granada at binuksan 'yon at mabilis na hinagis.

"Destroy." Napa-palakpak ito, na tila nag-enjoy ng tuluyang masira nito ang pintuan kung nasaan ang mga scientists, habang naka-nganga lang ang ibang kasama nito.

Did she just throw a grenade, just to destroy that door?

Halos ganito ang mga tanong nila sa kanilang mga isip, na tila hindi maka-paniwala.

Pumasok sila sa loob, kasabay ng pag-tunog ng malakas ng warning bell at umilaw ng pula ang buong paligid. Isang warning na mayroong naka-pasok na kalaban sa loob o mayroong nag-trespass.

Nataranta ang mga scientists na nasa loob ngayon ng laboratory at nage-eksperimento, at nagka-gulo, habang si Black naman ay naka-ngisi, habang naka-masid sa CCTV camera kung saan kitang-kita ang lahat ng nangyayari sa loob ng laboratory, pati ang pagka-matay ni Hana Rios at Data.

"Master, naka-pasok na sila." Sabay yuko ng isang babae kay Black na siyang master nito at tumabi rito.

"That's great, daughter. Madali na lang natin silang mapa-patay sa paraang ito." Humalakhak na parang demonyo si Black, at saka siya ngumisi.

"Magiging mayaman at makapangyarihan na rin tayo, anak. Sa wakas!"

Mabilis na pinaputukan nila Data ang mga scientists na nag-balak na manlaban, nang may isang lalaki ang pumasok.

"Lester?" Maang na tanong nila, at napa-kuyom ang mga kamao. Ngumisi naman si Lester kasabay ng pag-taas niya kamay.

"Easy, dudes. Kakampi niyo ako. Now, let's get it on, baby!" Kumindat ito at biglang bumunot ng dalawang baril, kasabay ng paggulong nito sa sahig, at pina-putukan ang mga scientists, ng may humampas sa kanya sa likod.

Fuck. Mura nito sa kanyang utak, at mabilis na sinipa sa sikmura ang lalaking scientists na umatake sa kanya, at inuntog ito sa pader kasabay ng pagka-wala ng malay ng scientist, bago niya 'to pagbabarilin. May tumalsik rin na iilang dugo sa mukha ni Lester, galing sa scientist. Nandiri ito, at pinunasan ang mukha.

"Fuck. My handsome face!" Inis nitong sambit. Napa-ngiti ang iilan kila Data, at nag-simulang lumaban muli.

May tatlong scientists na kaharap ngayon sina Alexander at Xiela. Pinalibutan silang dalawa ng mga ito, kaya nagka-tinginan sila at sabay na tumango.

"Ew, Alexander. Ngayon lang 'to, okay?" Nandidiring sambit ni Xiela. Ngumisi lang si Alexander, kasabay ng pag-buhat nito kay Xiela, at pag atake ng mga kalaban.

Mabilis na pinag-sisipa sila ni Xiela, habang buhat siya ni Alexander at ini-ikot. Tumigil sila ng napa-tumba ang tatlo. Binaba ni Alexander si Xiela.

"Ang bigat mo. Baboy ka talaga." Sabay ngisi ni Alexander. Umirap lang si Xiela at binunot ang baril, tsaka pinag-babaril ang tatlong naka-harap nilang scientists, kasabay ng pag-tama ng isang bala sa balikat niya. Biglang nataranta si Alexander at nilapitan siya, pero humagikhik lang si Alexa.

"Easy, dude. Wala lang 'to." Sabay kindat nito kay Alexander.

Sa banda naman ng The Cards. May kaharap sila ngayong tig-iisang scientists.

Sa banda ni Kyril, kaharap niya ang isang dambuhalang scientists. Ngumisi si Kyril. He's big, but I think he's weak. Magiging easy nalang sa akin na talunin tong pangit na dambuhalang scientist na 'to. Panla-lait nito sa scientists sa kanyang isipan.

"Babae! Anong ngini-ngisi-ngisi mo r'yan?" Inis na tanong ng dambuhalang scientists. Umiling lamang si Kyril at pinatunog ang kamao. Tila na-insulto naman ang dambuhala, kaya't mabilis itong umatake.

Binuhat niya si Kyril at tinapon sa may pader. Napa-hawak sa likod si Kyril at sinamaan ng tingin ang lalaki, bago muling tumayo. Fuck him. Mura nito ang mabilis na sumugod. Nag-backflip si Kyril, at mabilis na tumalon para gawin ang pencil kick. Nang maka-pantay ang talon niya sa lalaki ay mabilis siyang umikot sa ere, at sinipa ng dalawang beses ang dambuhala sa dibdib at leeg. Mukkhang naka-apekto ng masyado ang pag-sipa sa dibdib nito. Nahirapang huminga ang dambuhala, sa lakas ng pagkaka-sipa sa kanya ni Kyril, at namatay ng tuluyan.

Sa banda naman ni Angeline, kaharap nito ang isang lalaking payat. Ngumuso si Angeline. Sayang. Gwapo pa naman. Sabi pa nito sa isip, at umiling.

Biglang nag-labas ng baril ang lalaking scientists, kaya napa-ngisi si Angeline. "Itaas mo ang kamay mo, kung ayaw mong mamatay!" Sigaw ng payat na lalaki sa kanya. She just smirk, bago itinaas ang kamay. Napa-ngisi naman ang lalaki at humalakhak bako kinasa ang baril, pero walang balang lumabas roon, na lalong kinan-ngisi ni Angeline.

"Paano ba 'yan?" Itinaas ni Angeline ang kilay nito, at dahan-dahang lumapit sa lalalki. Napa-atras ang lalaki, kaya mas lumawak ang ngisi ni Angeline, kasabay ng pag-bunot nito ng baril sa kanyang tagiliran at pag-putok sa noo ng lalaki.

Sa banda naman ngayon ni Steffie, napa-ngisi ito ng makita ang kaharap. Isang lalaking may hawak na baril, habang malawak ang ngisi. Nagtu-tutukan sila ng baril ngayon, to be exact.

"Hmn. Sino kaya sa atin ang mau-una sa free ride to hell?" Tila nag-iisip na tanong ni Steff, at napa-tingin sa namumutlang mukha ng kalaban, kasabay ng pag-halakhak nito.

"Uno, dos, tres.." Biglang ipinutok ng lalaki ang baril, kasabay ng pag-yuko ni Steff at pag-baril sa tuhod ng lalaki.

"Ngayon, wala ka ng takas." Lumapit ito sa lalaki, at tinutukan ito ng baril.

"Say goodbye now, kitten." Sabay baril nito sa noo ng lalaki.

Sa banda naman ni Laine, kaharap nito ang isang lalaking mala aesthetic ang katawan. Matcho, pero nakaka-diri. Puri nito sa lalaki sa kanyang isipan, kasabay ng isang lait. Oo, ganyan talaga ang ugali niya.

Mabilis na sumugod si Laine sa lalaki, at sisipain sana ito sa mukha, pero na-hawakan ng lalaki ang paa nito, at iba-balibag sana. Ngumisi si Laine, at umikot sa ere, kasabay ng pag-sipa nito sa lalaking mala-aesthetic ang katawan, at pag-bunot nito ng dagger na naka-tago sa suot nitong boot's at pag-tarak noon sa noo ng lalaki.

Sa banda naman ni Kyla, naka-ngisi ito, habang kumakanta ng twinkle-twinkle. Tila nainis naman ang kaharap nitong scientists, at mabilis na sumugod. Nag-palitan sila ng suntok, at todo iwas lang ang ginawa ni Kyla. Napa-mura sa isipan ang lalaki, at hindi napansin ang pag-punta ni Kyla sa likod nito, at pag-siko sa leeg niya, kaya napa-upo siya sa sakit.

"Bye-bye now, twinkle." Sabay ngisi ni Kyla at itinarak ang isang sword knife sa noo ng lalaki, habang naka-tayo.

Sa harap naman ngayon ni Eos at Lorein, naka-tayo ang limang scientists na naka-palipot sa kanila. Nag-tanguan sila Lorein at Eos, bago nag-hawak ng kamay at nag-talikudan tsaka pumwesto, kasabay ng pag-sugod ng limang scientists. Tatlo, para kay Eos, at dalawa naman kay Lorein.

Mabilis na yumuko ang dalawa at umalis sa gitna ng limang nag-untugang scientists. Napa-hiyaw si Lorein sa ka-excite-an. Sumugod sa kanila ang limang scientists. Mabilis na gumalaw sila Eos at Lorein na para lamang sumasayaw habang ini-iwasan ang lima, kasabay ng pasimple nilang mga atake. Mayamaya ay natumba na ang lima, na may naka-tarak na kutsilyo sa dibdib.

Sa banda naman nila Tripp at Data, ay wala silang kaharap na. Hinihintay na lamang nilang matapos ang pakikipag-laban ng mga kaibigan, at pumapatay o umaatake lamang sa mga nagta-tangkang sumugod sa kanila.

Nang matapos ng makipag-laban ang mga kasamahan ni Dataay agad silang nag-ikot. May mga sugat na din ang iilan sa kanila.

Bigla silang nakarating sa harapan ng isang pulang pinto at mabilis na sinipa ni Data ang pinto, kaya naman ay bumukas ito.

Bumungad sa kanya ang isang lalaking naka-upo sa sofa habang naka-talikod at isang naka-ngising babae. Nagulat silang lahat ng makita ang mukha ng babae.

"Q-Quevas?" Utal na tanong ni Data. "Hindi ba't, patay ka na?" Puno ng pagta-taka ngayon ang mukha ni Data. Humalakhak naman si Quevas o si H.

"No, isa lang 'yon sa pagpa-panggap ni H, Data." Sagot ni Lester.

"O, L? Kakampi ka na pala nila?" Nag-kibit balikat lang si Lester at ngumisi. Umirap naman si Quevas.

"Well, we don't need you, anyway. Hey, Father. They're here." Sabay lingon niya sa lalaking naka-upo. Nanlaki naman ang mga mata nila, at napa-tingin sa lalaki. Iisa lang ang tumatakbo sa isip nila ngayon.

Ang tapusin ang larong ito. To end this war.

Tumayo ang lalaki at humarap sa kanila, na nagpa-gulantang kay Data.

"T-Tito Eliot?!" Nanlalaking matang tanong nito. Nagulat naman ang mga kasamahan nito.

"The one and only, Evyl. Hays. Wala sana sa plano kong patayin ka, kaso epal ka, e. Well, let me introduce myself to you, Kiddos. I'm Eliot Ferrer Quevas, also known as Black." Sabay halakhak nito. Napa-kuyom naman ang kamao ni Data at mabilis na kinasa ang baril at tinutok kay Black, na Tito niya pala. Ang puno't dulo ng lahat.

DATA

All this time, siya lang pala. Masakit mang isipin na kadugo ko mismo ang gumagawa ng kahayupang 'to, e, wala na akong maga-gawa.

Tumingin ako sa Hell Guerriers at ngumiti, bago humarap muli kay T-tito.

"Why, Tito?" Tanong ko. Bakas ang pagka-lungkot sa boses ko.

"Mabait ka diba?" Humalakhak itong muli.

"O, dear. Because I want power, ofcourse! How slow you are. Tsk, tsk. You're just like your fuckin' parents." Napa-kuyom ang kamao ko.

"Laitin mo na at murahin ang lahat, but not my parents." Inis kong sabi, at saka mabilis siyang pinaputukan ng baril sa dibdib at noo, kasabay ng pagka-tumba ko.

Tapos na ang laro... Sa wakas. Napa-ngiti ako, kasabay ng pag-kawala ng isang butil ng luha sa mga mata ko, at ng malakas na pag-putok ng sunod-sunod ng isang baril.

Naramdaman kong may tumama sa akin, kasabay ng pag-yakap niya sa akin. Nanlalabo na din ang paningin ko. Masaya akong nabuhay ako sa mundo at naka-sama sila. Nakilala sila, at siya.

"B-babe..." Basag ang boses nito. Umiiyak siya. Umiiyak ang mahal ko... Napa-ngiti ako at hinaplos ko ang maamo at makinis niyang mukha, "b-baby, don't cry. P-pumapanget ka lalo." Biro ko at tumawa ng mahina, kasabay ng pag-agos ng dugo sa bibig ko, at luha sa mga mata ko.

"M-masaya ako at naka-sama kita... Naka-sama kahit sandali lamang-"

"Shh. D-don't talk like that, b-babe. Hindi ka pa mawawala... Hindi mo ako iiwan. Nangako ka, diba?" Ngumiti akong muli. Nanla-labo na ang mga mata ko, at pakiramdam ko... pakiramdam ko'y pipikit na ako, ano mang oras.

Niyakap ko pabalik si Tripp, at pilit inabot ang mukha nito, bago siya halikan sa kanyang mga labi.

"I love you to the star, moon, sun, galaxy and back, Data. D-don't leave me, please." Nangungusap ang boses nito. Umiling ako at napa-ubo ng dugo.

"I-I l-love you too, T-Tripp." Dahan-dahan akong napa-bitaw sa kanya.

At least ngayon ay nasabi ko na ang nararamdaman ko. Masaya akong nabuhay sa mundo. Masaya akong na-ligtas ko sila sa kamay ni Tito. Masaya akong nakilala ko siya.

I smiled, for the last time, at pilit na sinilip ang maamong mukha ng lalaking mahal na mahal ko.

Goodbye, Tripp... Thank you for everything. Thank you for loving me.

THIRD PERSON

"N-no, baby!" Napa-hagulgol lahat ng nasa loob. Ang mga kaibigan niya, lalo na siya. Ang lalaking mahal na mahal niya, at mahal na mahal siya.

"B-baby.. Bumangon ka na. H-hindi ko kayang mawala ka. Huwag namang ganito. Huwag mo akong iwan, b-baby." Basag na boses na sabi niya, at hinalikan sa noo ang malamig na bangkay ng dalaga.

"Isinakripisyo niya ang buhay niya, Tripp..." Biglang sabi ni Lester. Suminghot si Tripp at hinalikan ang labi ng bangkay ni Data.

"Bakit ikaw pa, Data? Bakit? Dapat ako na lang! Ako na lang dapat ang namatay. Ang duwag-duwag ko. H-hindi ko man lang naipag-tanggol ang babaeng mahal ko..." Sinapak ni Tripp ang sarili niya. Tila, wala na aitong pake sa mga nakaka-kita sa kanya. Walang pake kung nag-mumukha na siyang ka-awa-awa sa harapan ng iba.

"T-Tripp... Hindi magiging masaya si D-Data kapag nakita ka niyang nagkaka-ganyan." Hindi pinag-tuonan ng pansin ni Tripp ang sinabi ni Xiela, at naka-yakap lamang sa dalaga. Suminghot pa ito.

Tila hindi nila napansin ang pag-tayo ng isang babae. Itinaas nito ang kanyang baril, bago humalakhak, na siyang umagaw sa atensyon ng lahat.

"Goodbye..." Bulong nito, at saka nito binaril ng ilang beses mula sa likod ang katawan ni Tripp.

Naalerto ang mga kaibigan nito, at mabilis na binaril si miss Quevas. Inis na inis na rin ang mga ito dahil sa tagal dumating ng ambulansya.

Napa-ngiti si Tripp at sinabi ang tatlong salitang nakakapag-kabog ng puso ni Data, na tila may nagka-karera sa loob nito. "I love you..." Sambit nito sa huling pagkaka-taon, habang naka-yakap kay Data

Pumikit si Tripp, at ini-lapit ang mukha nito sa mukha ni Data, habang naka-ngiti, at may lumalabas na mga dugo sa bibig.

"Magkaka-sama na tayo, baby..." Bulong nito sa hangin.

Pumihit ang isang malamig na hangin, kasabay ng pagka-wala ng hininga ng dalawang taong nagma-mahalan, na ngayon ay malamig ng mga bangkay.

Kasabay ng pag-pihit ng malamig na hangin, ay ang pag-tulo ng ilang butil ng luha sa pisngi ng kanilang mga kaibigan. Kaibigang hindi sila iniwan hanggang dulo. Kaibigang laging sumu-suporta sa kanila. Kaibigang kailanman ay hindi mapa-pantayan ng iba pa.

**

Continue Reading

You'll Also Like

26.9K 1.8K 47
The disappearance of the pretender they once called president brought peace to Del Fuego. After four years, Infernio Academy is ready to open again u...
1.4M 7.2K 7
What will you do if you'll discover the truth behind your identity? Sa mundong kinalakihan mo ay maraming tao ang manghuhusga at magdidikta ng iyong...
25.4M 851K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
231K 5.7K 24
Nimphane Astrid Triton,isang normal na babae na naninirahan sa mundong ibabaw.Ngunit sa isang insidente ay bigla siyang ililipat sa isang tagong paar...