VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

476K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Epesiode 30: Bad Plan
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Episode 18: The Elfame King's Decision

7.8K 263 17
By MajorSin

Episode 18: The Elfame King's Decision



EditedNov2018



*******


[ Ace's PoV ]



"Saan natin to itatapon?" Tanong ni Bullet habang nakaupo sa bangkay ng nahuli at napatay naming kalaban na pumasok sa Elfame Palace.

"Itapon niyo sa ilog or di kaya sunugin" Suggest naman ni Spot. Andito nga pala kaming lahat na mga Chess Pieces ngayon maliban sa King at Queen. Nakapalibot kami lahat sa bangkay ng isang myembro ng Walong Diablo. Oo, myembro ng Fuego itong nahuli at napatay namin. Tresspassing kasi eh. Tapos pinagtangkaan niya pang galawin ang King namin, buti nalang at nahuli namin siya agad . Medyo nahirapan pa kaming patumbahin to dahil napakalakas niya kahit na wala siyang armas at kamao lang ang gamit niya. Pero gayunpaman, kahit malakas siya, mag isa lang siya kaya di nagtagal natalo rin namin siya. Kaso nga lang may myembro din ng Chess Pieces ang idinamay at napatay niya. Pangahas talaga 'tong Fuego kahit kailan!

"Alam niyo dapat na tayong kumilos eh. Umaabuso na yang mga Fuego na'yan! Ilang myembro na natin ang pinatay nila." Komento ni Cast, isang Pawn sa grupo.

"Tama! Tahimik lang tayo pero sila tong nanggagambala! Dapat na natin silang turuan ng leksyon!" Pagsang ayon naman ni Frost

"Wag." Nagulat kaming lahat nung sumulpot ang King at Queen.

"Pero King, kung di tayo kikilos, baka manganib na naman ang buhay niyo." Suway ni Chase.

"Hindi pa ito ang tamang oras." Mahinahon na sagot lang ni King.

"Pero King, kaila--"

Di pa man natatapos sa pagsasalita si Chase ay bigla nalang dumaplis ang isang shuriken sa pisngi niya.

"Wag na wag mong pangunahan ng decisyon ang kasintahan ko." Maanghang na lintanya ni Queen Venus.  Kung anong ikinalmado ng King ay siya namang ikinabrutal ng Queen namin.

"P-patawad po, Queen." Yumuko si Chase bilang paghingi ng paumanhin.

"Sige na, sunugin niyo nalang yang bangkay na'yan."

"Masusunod King Casper" Yumuko kaming lahat sakanila bago sila tumalikod at umalis.

Lumapit naman bigla si Akron sa'kin pagkatapos "Ace, sama ka sa'kin." Isa rin siyang Rook katulad ko. Kami na ang magpartner simula nung matayo tong ang Chess Pieces. 

"Saan?"

"May papatayin ulit tayong Diablo." Sagot niya sabay ngisi.

"Tanga ka ba? Kakasabi lang ng King na huwag tayong makipaglaban e." Bulong ko, baka kasi may makarinig samin.

"Ayaw mo ba nun? Pag naubos natin ang Walong Diablo, hindi na manganganib pa ang buhay ng King natin. Tapos kapag nalaman niyang nakapatay tayo ng isa pang Diablo, sigurado akong matutuwa si King at paparangalan niya tayo."
Paliwanag niya kaya napaisip ako.

May punto siya. Baka nga ikatutuwa ng King pag nakapatay kami ng isa pang myembro ng isang grupong palaging nagtatangka sa buhay niya.

 "Sino naman ang dedispatsahin natin? Baka naman yung pumatay kay Rain?" Tanong ko. Kahit sino wag lang yung halimaw na'yun. Masyado yung nakakatakot kalabanin.

"Hindi, Basta! Tara!"


*********
 

[ Elon's PoV ]

"Kumusta na kayo jan Mom, Dad?" Agad kong nilagay ang hawak kong bulaklak sa magkatabi nilang puntod. Nandito ako ngayon sa isang sementeryo. Binibisita ko sila Dad dito tuwing linggo. Mahigit tatlong taon narin simula nung pinaslang sila ng tatlong kasapi ng Mafia.

"Konti nalang at makakamit narin natin ang hustisya ng pagkamatay niyo." Hindi ko talaga pinangarap ang maging isang Mafia pero napilitan ako. Kailangan kong maging malakas para makapaghiganti sa tatlong mga hayop na'yun!

Sa tatlo, isa palang ang napaslang ko. Si Clone. Napatay ko siya nung sumalakay kami dun sa Elfame Building isang taon na ang nakakaraan. Oo, tatlong myembro ng Elfame Mafia ang tumapos sa buhay ng mga magulang ko. Sa pagkaka alam ko, hindi pa sila myembro ng Elfame nung mga panahon na yun at isa lamang silang mga bayarang kriminal at nagkataon na ang mga magulang ko ang naging target nila. Dalawa nalang ang kula--

Agad kong inilag ang ulo ko sa kanan nung mapansin kong may isang bagay na tatama sa likod ng ulo ko.

At dun bumaon agad ang isang kutsilyo sa puno na nasa harapan ko. Buti nailagan ko.

"Aba, magaling ka. Myembro ka nga talaga ng tinatawag nilang Walong Diablo."

Agad akong napalingon sa likuran ko nung may narinig akong nagsalita. At paglingon ko, dalawang lalaki ang tumambad sa'kin. At kilala ko yung isa!

"Ikaw na ba yung anak nung pinatay naming mag asawang Fuentes?" Si Akron. Oo isa siya dun sa tatlong pumaslang sa mga magulang ko. Akala ko ba sabi ni Steph depensa lang ang ginagawa ng Elfame Mafia? Ba't umaatake tong mga hayop na'to ngayon?!

Tumayo ako at agad tinitigan si Akron.

"So ikaw nga. Akalain mong naging Mafia ka." At agad itong tumawa ng mapang asar.

"Tama na nga yan Akron, andito tayo para tapusin ang taong yan."

"Ano ka ba Ace, Atat ka naman masyado---" Di ko na siya pinatapos at mabilis akong sumugod at binwelo ang suntok ko papunta sa mukha niya "Arrrghhhh!!" Di siya nakapag handa kaya tumama ito kaya bumagsak siya. 

Agad namang bumunot ng kutsilyo yung kasama niya at ititira sana ito sa'kin pero agad kong nasipa yung kamay niya kaya tumilapon yung kutsilyo na hawak niya.

Walang akong baril ngayon dahil di ako mahilig jan. Bilis, Lakas at Utak ang armas ko sa pakikipaglaban. At sapat na yun para patayin tong dalawang nasa harapan ko.

"Ang bilis ah. Di ko inaasahan 'yun. Magaling ka." Sabi ni Akron sabay pahid ng dugo sa gilid ng labi niya.

Hindi na ako nagsalita at sinugod ko na ulit si Akron. Magbabayad kang hayop ka!

Bubunot sana siya ng baril sa gun pocket sa likod niya pero masyado siyang mabagal. Mabilsi ko siyang sinikmura at tinuhod ang pagmumukha niya kaya natumba na naman siya.

Agad kong tinapakan ang kanan niyang kamay kung saan may hawak hawak na baril.

Sinuntok ko ng dalawang beses ang mukha niya pero ngumisi lang ito at lumingon sa kanan ko.

Sh..

Bago pa ako makailag, tatlong kutsilyo na agad ang tumaob sa katawanan ko, isa sa likod at dalawa sa braso ko.

Dalawa nga pala ang kalaban ko.

Napalingon ako sa kasama niyang si Ace, pero bago pa ako makalingon, hinawakan ni akron ang kaliwang binti ko at hinila iyon kaya na out balanced ako at natumba.

Sa isang iglap lang naging baliktad na agad ang sitwasyon.

"Sa tingin mo kaya mo ang Rooks ng Chess Pieces? Patawa!" Kahit medyo bugbog na yung mukha ni Akron ay nakuha parin nitong tumawa. Ang tibay ng kumag na'to

"Ang totoo niyan, mas malakas ang Chess Pieces kesa sa grupo mong Walong Diablo ng Fuego. Depensahan ang King lang kasi ang prioridad namin kaya di kami nakikipag kokompetensya sa inyo. Di kami sumasabak sa gulo pag hindi nanganganib ang buhay ng King namin. At sa sitwasyon ng King namin ngayon, asahan niyong sasabak na kami sa gulong inumpisahan niyo!" Sigaw ni Ace at kumuha na naman siya ng kutsilyo at pinunterya naman ang kaliwang braso ko.

"ARGH! Anong ibig mong sabihing inumpisahan naming gulo?!"

"Nag mamaangan ka pa? Diba pinsan mo yung Primo Fuentes na'yun? At kasapi yun sa Walong Diablo! Tama ba ako?" Teka..si Primo?

"Baket? Anong kinalaman ni Primo sa sinasabi mo?" Tanong ko. Agad namang tumawa ang dalawa.

"Hindi mo alam? O talagang nagmamaang maangan ka lang na wala kang alam sa pagsugod ng pinsan mo sa palasyo?"

A-ano?

"Umatake siya sa Elfame Palace kaninang madaling araw ng mag isa. At kung di namin agad nalaman 'yun, malamang napuruhan na ang King namin kanina." Sabi ni Akron sabay tawa at ang mga sunod niyang sinabi ang nagpainit ng dugo ko. "Pero wag kang mag alala, naligpit namin siya ng maayos. At isusunod kana namin sakanya ngayon mismo."

"MGA WALANG HIYA KAYO!!" Babangon pa sana ako pero tinirhan na naman ako ng kutsilya sa dalawang binti ko kaya natumba na naman ako.

"Kalma, Elon. Wag kang atat! "

"HAYOP KA AKRON!"

"MAS HAYOP KAYONG MGA FUEGO!" Nagulat ako nung si Ace ang sumagot sa sigaw ko.

"Walang ginagawa ang Elfame. Tahimik lang kami, pero anong ginawa niyo?! Tatlo na ang namatay na myembro namin dahil sa inyo! Una si Rain! Pinatay ng walang hiyang halimaw na yun! Tapos pinatay mo rin si Clone, hindi ba?! Pinalampas lang namin yun. Pero masyado na kayong nagiging abusado! Kanina, si Hex naman ang napatay ni Primo! Anong kasalanan namin sa inyo?! Ha?! Masyado ng marami yung tatlong pinaslang niyo para sa'min! Kaya magbabayad kayong mga Fuego sa pambubulabog niyo!! Uubusin namin kayo Lahat! " Sigaw ni Ace sa'kin kaya mas nabigla ako. Primo..pero paano? Ba't hindi ko alam ang tungkol dito? Ba't walang sinasabi si Primo sa'min? 

Nakita ko namang kinasa na ni Akron ang hawak niyang baril. Hindi maari..

"Sigurado akong magugustuhan to ng King dahil isa pang myembro ng Fuego ang mapapatay natin ngayon" Usal niya bago tumawa ulit.

Itinutok na ni Akron ang baril niya sa ulo ko.

"Paalam Ikalawang Diablo.." Pagkasabi niya nun, isang putok nalang ng baril ang narinig ko..

At hindi yun galing sa baril niya dahil tumilapon yung baril na kanina ay hawak hawak pa niya.

"SINO 'YUN?!" Agad naglibot ng tingin ang dalawa. At natigil sila sa paglilibot nung mapatingin sila sa kaliwa ko. Tumingin rin ako para tignan kong sino ang tumulong sa'kin. 

Kagrupo ko ba?

Pagtingin ko...

"H-hell?" Ba't siya nandito?

"Sino k--"

Bago pa matapos ang sasabihin ni Akron ay dalawang bala na agad ang binaon ni Hell sa Hita niya.

"Shit!" Mura ni Ace at tumakbo na agad ito palayo para tumakas.

Lumingon muna ito saglit samin. Pinaputukan siya ni Hell ng isang beses pero umikot lang siya kaya nailagan niya ito, at kasabay nun ay ang paghagis niya ng kutsilyo kay Hell.

Sinalo lang yun ni Hell gamit ang isang kamay. 

"MAGBABAYAD KAYONG MGA FUEGO AT VIRGO!" Sigaw ni Ace bago ito tumakbo ng napakabilis.

Nung makaalis si Ace, lumapit naman agad si Hell sa'kin at isa isa niyang binunot ang mga kutsilyong tumaob sa katawan ko

"Arg--Dahan dahan naman!" Angal ko pero di niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagbunot ng kutsilyo sa katawan ko na para bang nagbubunot lang ng tinik.

"Oh" Agad niyang inabot sa'kin ang baril na hawak niya. At alam ko na ang gusto niyang mangyari.

Kahit nahihirapan ay pilit akong tumayo at lumapit kay Akron na kasalukuyang dumadaing dahil dalawang tama niya sa hita.

"ARGH!! HAYOP KAYO!" Pinilit niyang gumapang pero mukhang namamanhid na ang hita niya.

"Ang tanga niyo lang at hindi niyo pa ako pinatay nung araw na pinatay niyo ang mga magulang ko!" Sigaw ko bago tinutok ang baril sa katawan niya at walang habas na inubos ang isang magazine nito sakanya.

Pagkatapos ko siyang barilin, pumunta na ulit ako sa puntod nila Dad.

Napasandal ako sa may puno para kumuha ng lakas. "Dad, Mom..napaghiganti ko na kayo. Magiging tahimik na rin kayo jan." Tama, si Hex, yung napatay ni Primo. Isa yun sa tatlong pumatay kila dad.

"Yan ba ang rason mo?" Napalingon ako kay Hell na naninigarilyo na sa tabi nung magsalita ito. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Ha?"

"Yan ba ang rason mo kung bakit ka sumali sa Mafia?"

"Ahh..Oo" Tipid kong sagot. Tumahimik lang siya ulit.

"Salamat nga pala...bespren" Tawang usal ko. Namiss ko tong taong 'to. Pati yung isa kong kababata na si Elsa. 

At tsaka yung isa pa..

"Nabagot lang ako kaya ko ginawa 'yun. Hind kita tinulungan." Sabi niya kaya medyo natawa ako.

"Hindi kana talaga nagbago, Hell. Ano palang ginagawa mo dito? "

" Binisita ko lang din ang mga magulang ko dito." Sabi niya ng hindi nakatingin sa'kin.

"Eh si Elsa pala? Kumusta niya siya? "

"Ayun, Engot parin." Tipid niyang sagot.

"Pakisabi nalang sakanya na miss ko na siya ha." Sabi ko kaya agad niyang itinapon  yung sigarilyong hinithit niya tapos inapakan niya.

"Akin lang si yun. Jan kana." At nag umpisa na siyang maglakad palayo.

"Teka lang. Selos ka naman agad eh. Kwentuhan muna tayo." Pagbibiro ko kaya napahinto siya. 

"Alalahanin mo Elon, ibang grupo ang sinalihan mo. Virgo kami at Fuego ka. Kahit kaibigan kita, kahit magkababata tayo. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka kung kinakailangan." Natigilan ako sa sinabi niya. Di ako nakasagot hanggang sa nakita ko nalang siyang naglakad palayo. 

Napasandal nalang tuloy ulit ako sa puno.

"Mom, Dad. Wala ng natira sa'kin. Wala na kayo, pati si Primo. Pati mga kaibigan ko kaaway ko na rin." Napangiti nalang ako ng mapait. "Ganito ba kasaklap ang buhay? " Bigla nalang bumigat ang mga mata ko. Ngayon ko lang naramdaman lahat ng tama ko sa katawan. Parang gusto ko nalang matulog at magpahinga.

"ELON!"

Ang huli ko nalang nakita ay sina Veronica at Stephan na palapit sa'kin bago ako nawalan ng malay.

************

[Elsa's PoV]

"Oh Hell, san ka galing? Ba't ang aga mong umalis?" Tanong ko sa kakarating lang na si Hell.

"Wala. Ano ng nangyari sa Boss-bossan natin? Patay na ba?" Walang emosyon niyang tanong.

"Sira ka talaga! Nandun siya sa kwarto nagpapahinga, masyado siyang maraming natamong bugbog at sugat sa katawan kaya baka mamaya pa 'yun magigising. " Sagot ko.

"Eh yung babaeng dinala nila kagabi?"

"Tulog pa. Hoy wag mo ngang iniiba yung usapan! Sabi ko saan ka galing?" Inis kong tanong. Agad naman niyang nilabas ang baril na nasa likod niya at winagayway ng konti.

"May pinatay lang." Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Pinatay?! Sino?! Kalaban ba?!"

"Si Elon."

"ANO?!! PINATAY MO SI ELON!!" Ngumisi naman ang kumag ng nakakaloko.

"Naniwala ka naman. Ewan ko sayo." Usal niya sabay pisil ng ilong ko.

"Ano ba! Hindi magandang biro 'yun ah! Tsaka sinong maysabing pisilin mo ang ilong ko!" Sigaw ko. Ba't kaya nasa Good mood to?

"Gutom na ako. Kumain na muna tayo." Sabi niya lang sabay hawak ng kamay ko tapos hinila ako papuntang kusina.

"Huwag mo nga akong hawakan!" Sinubukan kong magpumiglas pero mas lalo niya lang hinigpitan yung hawak niya. A-ano bang nakain neto?!


********

[Ish's PoV]

Tahimik kaming kumakain ni Hugo, Kael at Benz nung biglang dumating sina Elsa at Hell na magkahawak ang kamay? Ayayaay..

Kita ko pa ang pamumula ni Elsa hahaha

"Holding Hands? Yiieee~ Kayo Elsa ha," Kinikilig na sabi ni Benz. Abnormal talaga to.

"Gusto mong tusukin ko yang kanang mata mo Benz para tuluyan kanang mabulag?! Ha?!" Sigaw ni Elsa. Agad namang nag pout ang bwesit! Argh! nakakadiri talaga pag nagpopout tong hayop na'to eh! Nakakawala ng gana kumain!

"Joke lang uy, To naman :3" 

"Ilang beses ko bang sasabihin na tigilan mo na yang pagpopout mo Benz! Nakakasuka!" Sigaw ko.

"Nasa harap kayo ng pagkain, Ish." Singit ni Hugo kaya tumahimik nalang ako. Muli akong tumingin ng masama kay Benz. Pero pagtingin ko..

Bleeeh :P

Aba't! Nilabasan pa ako ng dila ng hayop! 

Lagot ka sa'kin mamaya


*****

[ Ace's PoV ]

-Elfame Palace-

Nung makapasok ako sa Elfame Palace, agad akong pumunta sa Trono kung saan nakaupo si King Casper para ipahayag ang balita.

Yumuko ako at di na nagpaligoy ligoy pa. "Paumanhin King Casper. Wala na po si Akron."

"Ano bang nangyari?" Kalmadong tanong niya.

"Pasensya na po pero tinangka po naming patayin ang isang myembro ng Walong Diablo para sana sa ikabubuti po sa kaligtasan niyo, King. Pero--- "

"Ano bang sinabi namin sa inyo kanina?!" Napatigil ako nung biglang dumating si Queen Venus.

"Pasensya na'po talaga, Ang akala po namin ay magtatagumpay kami. Ang totoo niyan magtatagumpay naman na sana kami sa pagpatay kay Elon, pero may isang myembro lang po ng Virgo ang nakialam."

"Virgo?" At nag smirk ang King. "Akala ko ba nalalaos na ang Virgo ngayon dahil sa pagkawala ni Vlademir? Ba't ang lakas padin ng loob nilang makipaglaban?"

"Balita ko po may bago ng Boss ang Virgo. Anak daw ito ng dating Boss nila. Si Virgel Acosta." Sagot ko.

"Virgel? Kung ganun may isang anak pa pala siya." Hindi na ako nagtanong sa sinabi niya. Hindi ako interesado.

Ang bumabagabag lang sa'kin ngayon, ba't tinulungan ng isang Virgo ang isang Fuego kanina? Diba dati pa silang mortal na magkalaban? Ano na bang nangyayari? Magkakampi na ba ang dalawang grupo?

"Ace, pagsabihan mo ang lahat ng myembro ng Chess Pieces na maghanda." Nabalik ako sa wisyo nung magsalita ang King. Ano daw?

"Pero Mahal." 

"Okay lang, mahal. Tama na siguro 'tong pagiging tahimik natin. Masyado na nila tayong minamaliit. Gagawin ko ng opensa ang Chess Pieces. Magrerecruit ako ng malalakas na myembro sa Hirvana para palitan ang mga napaslang nating myembro at para makumpleto ng muli ang Chess Pieces. Uubusin natin lahat ng Fuego At Virgo. Mali Grupo ang ginambala nila! " Parang nanlilisik ang mga mata niya at halang na halang sa pagkitil ng buhay. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito ang expresyon ng mukha niya. Tuluyan na nga nilang ginalit ang King namin.

Sa ilang taon naming pagsisilbi, di pa namin nakitang lumalaban ang King namin. Pati ang ibang myembro ng Chess Pieces. Pagtakas lang kasi ang lagi naming ginagawa. Tapos ngayon kami naman ang aatake?


Masaya to


"Masusunod, King Casper." Sabi ko at nag bow muna ako bago umalis.


Maghanda-handa na kayo Fuego at Virgo. Dahil ipapalasap namin sa inyo kung anong klaseng grupo ang ginambala niyo.



-To Be Continued..


-MajorSin

Continue Reading

You'll Also Like

49K 3.3K 52
Every human is sinful. We were born destroyers and killers. God gave us the resources we needed to survive but being a congenital ungrateful skunks...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
540 69 7
[ TRANSGRESSOR SERIES #8 ] If Cinderella got her Prince Charming because of her beauty and her radiant glass shoe and dress, Genesis...well, it looks...
199K 1.7K 47
One accident leads to another. Star captains of each section solved mystery cases in Hell Booth to prove that they are worthy of their position in th...