Mhorfell Academy of Gangsters...

By alerayve

25.8M 641K 136K

[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black... More

Prologue
Chapter 2: Upcoming Storm
Chapter 3: Welcoming
Chapter 4: Our So-Called Party
Chapter 5: Troublemakers
Chapter 6: Single Arrow
Chapter 7: Show Some Skin
Chapter 8: Competition
Chapter 9: Charlene
Chapter 10: Watched
Chapter 11: Symptoms
Chapter 12: End of the First Round
Chapter 13: Magic Word
Chapter 14: Promise
Chapter 15: Fire and the Shooting Stars
Chapter 16: Message
Chapter 17: School of Mystery and Danger
Chapter 18: The Prince's Sword Dance
Chapter 19: Hide and Seek
Chapter 20: Coming Back
Chapter 21: Fear
Chapter 22: Ally
Chapter 23: Hypothesis
Chapter 24: The Missing Mafia Pendant
Chapter 25: Alex Syndrome
Chapter 26: Recollection
Chapter 27: Aftermath
Chapter 28 - Peace Inside the Woods
Chapter 29 - Second and Third Examinations
Chapter 30 - Good Luck To Us, Bastards
Chapter 31 - Don't Ever Dare To Mess With Him
Chapter 32 - The Incident
Chapter 33 - Saving The Idiot
Chapter 34 - The Crying Little Girl In The Midnight
Chapter 35 - All Hail For The Princess
Chapter 36 - Celestial Key of the Pacific
Chapter 37 - Regaining and Solving
Chapter 38 - Dinner Meeting
Chapter 39 - The Only One Left
Chapter 40 - She is The Key
Chapter 41 - She's Dead All Along
Chapter 42 - Seal
Chapter 43 - Trip to the Principal's Office
Chapter 44 - Acting is Over
Chapter 45 - Who's Next?
Chapter 46 - Alex is Kirsten Theory
Chapter 47 - Another Meeting With Her
Chapter 48 - Strange Things Did Happen Here
Chapter 49 - Secret Letters
Chapter 50 - Crashing To A Party
Chapter 51 - Values
Chapter 52 - Love Story
Chapter 53 - Overload
Chapter 54 - The Meaning Behind The Arrows
Chapter 55 - You'll Be Fine
Chapter 56 - Happily Ever After
Chapter 57 - Access Granted
Chapter 58 - The Real Demon
Chapter 59 - Her Most Epic Birthday
Epilogue
Author's Note (Important)
GIVEAWAY!
ORDER NOW!

Chapter 1: Meeting the King

1.3M 23.6K 10.2K
By alerayve


CHAPTER 1: MEETING THE KING



"What have you done this time, Alex?" tila nagtitimping tanog sa akin ni Uncle Johan habang hinihilot ang sentido niya pero halata mong nagpipigil lang siya na maglabas ng galit. Hindi ko na rin mabilang kung pang-ilang beses na ito tinanong ni uncle sa akin. Kaya nga parang labas na lang sa kabilang tenga ang lahat ng mga pangaral niya. Nasanay na kasi ako sa question and answer portion namin na ito. 





I made no effort to controvert what I've done because I know to myself that it was not my fault. "Binasag ko lang naman 'yung pagmumukha ng babaeng iyon." I answered him confidently.



Paanong hindi ko babasagin ang mukha ng babaeng 'yun eh, sinubukan ba naman akong ipabugbog sa mga bodyguards niya dahil inagaw ko raw ang boyfriend niya. 



Psh. Is it my fault that his boyfriend fell attracted to me? In the first place, she didn't even try finding out the whole story before she had let her dumbass stupidity rule. Madali lang naman akong kausap. Edi sana hindi duguan 'yung mukha niya ngayon at hindi niya kailangan bumisita ng ospital.



Napabuntong hininga naman ng malakas ang lalaking nasa harapan ko. "Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin sa iyo. Hindi naman kami nagkulang ng Kuya Xander mo sa pagpapalaki sa iyo 'di ba? I think I don't have any choice but to transfer you to Mhorfell Academy." Deklara niya habang patungo sa isa sa mga couch upang umupo.



Mhorfell Academy? Hm, I've heard about that school once from my former classmates. According to them, it is open for all students who have a not-so-clean background on their documents label, it is also dangerous due to the risk of being involved with mafias and gangs. Anyway, not bad. I think it's just the right place for me.



"Fine." 'yun na lang ang nasabi ko at umakyat na ako ng hagdan.



My opinion about transferring doesn't matter anyway, because in the end, uncle is the one who has the final decision about my education ever since my parents died. Wala rin namang pupuntahan ang usapan at mas lalong walang magbabago kung tututol man ako. Kung lilipat, edi sige.



Bukas na bukas, lilipat na ako kaagad ng school, iyan ang huling pinaalam ni Uncle Johan bago ako tuluyang umakyat papunta sa kwarto ko. I've been to different schools. Public, private, and even Christian schools! But I always end up in the same situation. That is to be kicked out.



Reason?



My attitude. My lack of will to deal with people and my treatment to those people.



Sumalampak na lang ako sa kama ko. It will be a long day tomorrow.



Habang nag-uunat ay nakapa ko ang isang envelope sa may side table ko. Agad ko iyong binuksan nang makaayos ako ng upo sa kama ko. Pagkatingin ko ay admission papers lang naman pala. Ang bilis talaga ni uncle. He already expected that I'm going to be kicked out again that's why he arranged this so that I can still catch up with the upcoming school year.



Ano nga naman ang aasahan mo sa isang maimpluwensyang tao na katulad ni Johan Dela Vega. Maliban sa mataas ang pinag-aralan ay napakarami niyang koneksyon sa iba't ibang establisyemento. Ngayon pa lang pwede na ako bigyan ng award dahil halos makukumpleto ko na yata ang lahat ng uniforms sa bawat school na meron sa Pilipinas.



To be honest, I'm not really bothered with the "kicked-out-again situation". It's not like I've ever enjoyed being at school. Those teachers who always declare themselves as 'role models', the never ending reign of bullies and immature bitches, the handbooks which are not even being followed at all. I had encountered them all. I just need something new, that's all.



Maybe it was enjoyable. Before. When she was still alive four years ago.



Binalik ko na lang ang envelope sa sidetable at tumingin sa orasan nang maalala ko na naman ang nakaraan. It's nine o' clock in the evening. My eyes are slowly getting heavy. Siguro nga'y kailangan ko ng matulog. I still need to prepare for tomorrow.



Kringggggg! Kringggggg! Kringgggg!



Ah! I don't want to wake up yet. I can't believe it. It's just 5:30 in the morning!



Bumungad sa umaga ko ang nakakarinding tunog ng alarm clock. Muntikan ko na sanang ibato ito nang maalala kong baka marinig na naman ni uncle ang paninira ko ng gamit. Wala akong nagawa kundi ang ibalik ito sa kaninang kinalalagyan nito at mapatingin sa malaking espasyo ng kwarto ko. 7:30 ang first class ko.



Since I don't want to get scolded again, I decided to lift my ass out of my bed and do my morning rituals. Nakahanda na rin ang mga maleta ko na hindi ko na ikinagulat dahil sigurado ako na si uncle ang nagpautos na ipa-empake ang mga gamit ko.



Oh yeah, Mhorfell Academy is a dormitory school. That's one good thing about it. I'll finally be able to get out of this huge mansion. To add a cherry on top, I don't need to worry about washing my clothes, ironing them, cleaning my room and even changing my bed sheets! Although known with a weird preference of students, the school has an exemplary reputation and is a prestigious one.



Matapos kong makapag-ayos ay bumaba na rin ako kaagad. I finished my breakfast as soon as possible and I made it to the door only to find uncle leaning on his black car. It'll probably take us over an hour to reach the school's location. Nakita ko iyon sa isang maliit na papel sa sobre. Sumakay na rin naman na ako kaagad nang mailagay na sa trunk ang mga gamit ko.



"Don't you dare go out of the school without authorization. Hindi ka rin makakatakas doon dahil mahigpit ang security. Malaman ko lang na"



"Yes, yes, I won't, uncle. I'm not that extremely hardheaded to try to climb on the walls."



"Sinasabi ko lang. Matigas pa naman ang ulo mo. Huwag kang gagawa ng gulo sa unang araw mo ah? Please. Besides, after dropping you, I need to fly to Barcelona to accompany your brother. Kaya wala akong oras na bumalik para lang makipag-usap sa principal o sa guidance counselor."



"Uncle Johan, just go on and let it be. I'm not a baby anymore. Lagi niyo na lang akong bini-baby ni kuya." Reklamo ko. Lagi kasi silang ganito eh. Kung hindi sobra makapaalala, sobrang protective naman.



Nang huminto na ang kotse ay hinintay ko muna na pagbuksan ako ng uncle bago bumaba. Habang nasa loob pa ako ay napansin ko ang mahigpit na patakaran rito pagdating sa seguridad. Maraming guwardiya ang nakabantay sa entrance. Mayroon ding mga proseso tulad ng identity presentation, at pagpapakita ng admission papers bago kunin ng mga tauhan nila ang maleta ko para dalhin sa dorm.



Nang mapansin ko na papunta na si uncle para pagbuksan ako ay naghanda na ako lumabas. "Alex, you are still our baby princess." He said, opposing to what I said earlier. They haven't changed a bit. Hindi na lang ako sumagot at inabot ko ang backpack na binigay niya upang suotin. Nandito na ang mga kailangan ko ngayong unang araw ng klase.



"Ako na bahala sa mga gamit mo sa dorm. You should go now. And please, behave. Parang awa mo na, sana dito kana grumaduate." That's the last reminder he gave with his pleading voice before instructing me to follow the guards. Sinundan ko naman ang guwardiya para makapasok na at makalagpas na sa mala-higanteng gates na gawa sa metal.



Habang naglalakad papasok, naalala ko na naman ang paalala sa akin ng tiyuhin ko.



I know he's fed up of fixing and processing my school transfer papers. Of course, I feel bad too whenever I see him exhausted on searching for a new school for me. So, maybe I'll try to be a good girl once. Even if I don't know how. I think I can pass as a trouble-magnet.



Even before, I was always involved in trouble. Pero hindi naman ako ang nag-uumpisa. Sila ang unang gustong kumalaban sa akin at wala akong balak na manatili sa isang tabi kapag ako na ang naagrabyado. May pagka-tahimik ako pero hindi ko hinahayaan ang sarili ko na maabuso ng kung sinu-sino lang. Kaya sa huli, binabalik ko sa kanila ang ginawa nila sa akin at ako pa ang napapatalsik.



"I'd try. However, don't expect me to put up with those who will try to mess with me. Because I know you know me very well. I'll never let them off the hook easily." I whispered as I follow the guard's footsteps.



Matapos nun ay naagaw na ng atensyon ko ang itsura ng lugar na ito. Malaki ang eskwelahan na ito. The sun beamed brightly while the sky established its vast blue kingdom. The wide green field overwhelmed my eyes, a huge temptation for those who love sports, it is. Wonderful fountains are scattered around, which are surprisingly clean. Malamig din ang simoy ng hangin dulot nang napapaligiran ng iilang mabababang bundok at kagubatan ang kabuuan ng eskwelahan.



What astonished me even more are the enchanting flowers which blossomed beautifully everywhere. May mga puno na pinagtatambayan ng mga estudyanteng may kanya-kanyang ginagawa tulad na lang ng mga mahilig magbasa, magsanay ng ilang isports, at pagigitara. There is also a playground which serves like a waiting area for the guests' children. Pati ang mga gusali, malalaki at may mga madetalyeng disenyo na tila ba mga gusali sa Europa.



Somehow, I'm quite comfortable with the buildings' facilities and architectural design because I've been in Europe eversince I was eight years old. Umuwi lang kami nang makatapos na ako ng elementarya. It's like bringing a European denizen here. Even the streetlights are European-style!



On the other hand, the pillars around the school and in some areas are definitely Roman-style. Kahit kanina sa labas ay nakita ko na na ganito rin ang disenyo ng division ng school sa paligid.



You won't be able to think of this place as a camp for rebels and black sheep like me. It's really prestigious, indeed. Pero hindi ko naman sinasabi na wala na akong nakikitang hindi kaaya-aya. Para namang mawawala ang mga mag-syota na naglalampungan sa daan. May iilan ding nagyayabangan ng mga dala nilang kotse at mga bagong bigay na regalo ng mga magulang nila. Meron ring mga pasimpleng naninigarilyo at umiinom sa gilid gilid.



Seriously? Ganito kaaga?



This school is intentionally for people like me but that doesn't mean that they are closing their doors for aspiring good girls and boys. I watched them as they passed by while carrying their pile of books while wearing their heavy eyeglasses slowly sliding down their noses. Siyempre hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagbabato ng iba ng mga nakapamilog na papel sa kanila. Bullies.



Habang naglalakad ako at nagmamasid pa rin ako, samu't saring usap-usapan narin ang narinig ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, mga tsismosa at mga taong walang magawa sa buhay kung hindi ang pakialaman ang mga taong nananahimik. Hindi na talaga sila nawala sa landas ko. Isa pa naman sila sa mga pinakakinaiinisan ko.



"Hey girl! Kilala mo ba 'yung girl na 'yan? Ang ganda niya infairness!"

"I think she's a newcomer. Yep, ang ganda niya.I hope she's not a bitch."

"Let's try to make her join on our group!"

"Sana lang hindi siya katulad ng iba diyan kung hindi, wala siyang paglulugaran."



Don't worry, my new sisters and brothers. Me being a bitch depends on your actions. It's like how attitude defers from personality. As they say, treat others the way they treat you. If you'd dare hurt me or the people I love, there's no such word as mercy in my vocabulary but if you are a nice pal, then we'll be in good terms. That's my only condition.



"Witweew! Ang sexy pare! Sarap sarap beybe! Lapitan natin 'tol!"

"Makinis! Ang puti! Mukang masarap ang isang 'to!"

"Ganda dre! Ano kaya pangalan niyan? Virgin pa kaya? Haha."



Ang mga hindi magpapahuli, mga manyak. Isa rin sila sa mga inaasahan kong nananatiling buhay sa mundong ito. May all of you just kill yourselves and rest in peace. I'm not even wearing something revealing. Simpleng loose white shirt, black pants, at gray rubber shoes ang suot ko habang nakalugay ang buhok ko. It's not that I can change the nature of men. Mayroon lang talagang mga lalaki na hindi marunong umintindi ng salitang 'kontrol'.



Hindi ko na lang pinansin ang mga usap-usapan nila at nagpatuloy lang sa pagsunod sa guwardiyang magtuturo sa akin ng daan papunta sa Senior High School Department building. Inilabas ko mula sa bulsa ko ang kopya ng schedule at map. Ang first class ko ay English Class at Room 536. Napatingin ako sa kwartong nasa harapan ko. Sakto.



"Ma'am, Crimson Building po ang tawag dito sa gusali ng senior high. Russet Building naman po ang sa junior high. Kung dadaan naman po kayo sagusali kung nasaan ang faculty at guidance counselors, sa Alfus Beige Bulding po iyon. Sa Citrine Doctrine Building naman po matatagpuan ang Principal's office at Records' office. Sa Hoary Hall ay ang auditorium at ballroom. Sa Niveous Ruffus, makikita ang library at laboratories. Konetakdo naman po dito sa Crimson Building ang cafeteria. Kung may makalimutan man po kayo, magtanong na lang po kayo sa ibang estudyante o kaya tingnan niyo na lang po sa bulletin boards." Wala man lang tigil na pagpapaliwanag ng kasama ko bago siya nagpaalam sa akin. 



Tinanguan ko lang siya nang tinanguan dahil maliban sa halos hindi ko na matandaan ang mga sinabi niya ay paniguradong nakalagay din ang mga sinabi niya sa handbook. I smiled a little bit for the little help that he gave.



Damn. This school has lots of buildings. Sana lang hindi ako maligaw. 



Napansin ko lang, halos puro sa kulay ipinangalan ang mga building. Pero 'yung iba hinaluan ng ilang pangalan. Pati ang mga animo'y bandera na nakasabit sa mga building ay naka-ayon sa kulay na pinagbasihan ng pangalan ng buildings kasama ang kanya-kanyang simbolo nito. It looks like a various noble houses in one huge field. I'll try to explore the whole place later. Tutal mayroon naman akong kopya ng school map at may handbook na ring naibigay sa akin.



This is it.



I was not hesitant as I knocked thrice. Mabilis naman itong binuksan ng isang babaeng nasa tantya ko ay nasa 30's na. Nakita ko namang napunta ang tingin ng lahat sa akin. Oh how I hate attention. Ang kaninang mumunting kaba na mayroon ako kanina ay napalitan ng inis dahil nakatuon sa akin ang atensyon nila.



"Good morning, young lady. I'm Kristine Cruz. Just call me Miss Cruz. Please come in and introduce yourself infront of the class." Dali dali niya akong inalo papunta sa harapan. Wearing my usual poker face, I glanced at everyone inside this classroom. Sa totoo lang, gusto ko na ngang sabihin na, 'Damn it! Hindi ako kriminal, alisin niyo ang mga tingin niyo sa akin!' Kaso hindi pwede. Baka pabalik pa lang ng bahay si Uncle Johan ay kailangan niya na akong balikan dito.



"Hi. I'm Alex Cromello. 17 years old." Matipid kong pagpapakilala. Mukha namang napansin ni Miss Cruz na 'yun lang ang nais kong sabihin kaya naman tinuro niya na lang ang magiging upuan ko. Good news, last row at malapit sa may bintana. Bad news, may katabi ako.



I followed the teacher's instructions. Pagkaupong-pagkaupo ko, umub-ob na ako at 'di pinansin ang katabi kong magsisimula pa lang yata na makipagkilala sa akin. I don't want to listen to her nonsensical small talks or to that teacher's lectures. As the student handbook have explained, students are not especially required to be attentive with their classes as long as they will successfully pass the exams and will not do any offense.



By the way, my name is Alexandria Cromello. I have a second name but I'm not used to mentioning it during greetings or introductions. I'm currently at the last year of senior high. I have an older brother who is currently handling our company and being accompanied by our maternal uncle often.



Parents? They died from a car accident. Uncle Johan, my mother's older brother took the responsibility of taking care of us since tumanda narin siyang walang pamilya. Sa pagkakaalam ko, may naging anak siya noong pagkabinata niya pero hindi ko na ang alam ang buong kwento tungkol doon. What's important to our families is that we could continue our legitimate bloodline. 



Aish! Hindi ako makatulog sa daldal nitong katabi ko! Nako unang araw pa lang baka makabasag na ako ng mukha! Nang hindi na ako makatiis ay inangat ko na ang ulo ko at tiningnan siya ng masama samantalang siya, nakangiti na halos abot tenga habang nakatingin din sa akin.



"Ano bang problema mo?" I asked with my cold voice.





"Haha. Hi, I'm Janessa! Janessa Riell Salvador. Let's be friends, please?" What a weird lady.



My female classmates used to distance themselves from me because of their made-up reasons. Like me loving to intimidate others, me being too proud only because I came from a wealthy family, me being a gold digger, me being a social climber, you name it. To sum it up, the word 'insecurity' says it all.



"Alright." I replied half-heartedly. Just don't expect me to be a jolly and a cheerful friend because I don't even expect anything from her. Kapag nalaman niya na ang pinagdaanan ko, siguradong lalayuan niya ako. So, mere acquaintances. Sana lang 'wag siyang maging masyadong feeling close.



Mabilis lang lumipas ang oras at nagising na lang ako sa malakas na pagtunong ng bell na siyang hudyat na tapos na ang first half ng klase ngayong araw. Napansin ko rin namang mas mabilis pa sa alas kwatro kung lumabas ang mga estudyante. Ako naman, tumayo na para kunin ang gamit ko at nagsimula na rin maglakad papuntang cafeteria tutal nadaanan ko na 'yun kanina. Si Janessa naman napansin kong sumusunod lang sa akin mula sa likod. Ano? Aso lang?



Pagpasok ko, sumalubong sa akin ang maiingay na mga estudyante sa cafeteria. Dito ko na yata makikita ang pinagkaiba ng mga asal ng estudyante rito kumpara sa ganda ng eskwelahan.



"Umm... Alex, ako na lang bibili ng makakain natin. My treat! Hanap kana lang ng upuan natin." Patakbong pumunta sa counter si Janessa. Sasabihin ko nga sana na huwag na siyang mag-abala dahil kaya ko naman at may pera akong dala kaso mabilis na siyang nawala sa paningin ko nang dahil sa dami ng mag-aaral na nandito.



Nakahanap naman ako ng table for four persons. Nasa sulok lang kaya medyo malayo sa mga naglilipanang mga megaphone kong schoolmates. Marami pa kasing bakante at sa may unahan at sentro lang ang may pinakamaraming tao. Tumingin-tingin lang ako sa paligid habang naghihintay.



Mga ilang minuto rin, dumating na si Janessa. Talagang nilibre nga ako. Hmm... Sino ba naman ako para tumanggi sa grasya? Libre naman eh. She ordered two slices of chocolate mousse cake. Buti na lang at sumakto sa paborito kong cake.



I plainly thanked her and that's when we started eating. Kahit papaano ay maayos naman at walang nangyaring kakaiba. Both of us enjoyed the meal, or the snack rather, and I unconsciously answered her questions about me like my age, birthday, and hobbies. The moment we finished eating, Janessa stood up to get us another bottle of mineral water.



Hinayaan ko naman siyang mawala ulit sa paningin ko nang makarating siya sa parte ng cafeteria na matao. Isinibat ko naman ang phone ko mula sa bulsa ko para may magawa habang naghihintay sa kanya.



Minutes passed and I noticed she's gone too long. Nagtaka naman ako dahil hindi naman gaanong mahaba ang pila sa may counter ngayon. What caught my attention is that there's a circle of the students at the center. Mukhang may pinagkakaabalahan sila. May kutob na ako at ayaw ko sanang makialam dahil ayoko nang ma-involved ulit sa kahit na sino kaya lang...



Kaya lang hindi kaya ng konsensya ko. Lalo na at wala naman siyang ibang ginawa kung hindi ang makipagkaibigan sa akin.



Kaya naman agad kong binalik ang phone ko sa bulsa ko at tumayo para makisingit sa kumpulan ng mga tao roon sa sentro. Naging maingat ako na hindi makasakit habang pinipilit kong makalapit dahil ayokong magkaroon ng kaaway sa unang araw ko. Pagkarating ko ay napatigil na lang ako nang makita ang isang babaeng mukhang sinubsob sa harina na hinihila ang buhok ni Janessa.



"A... a... M-m-miss B-Blair... ano pong kailangan n-niyo?" garalgal nawika ni Janessa. She's still holding the two bottles of water she promised to me. Kita ko na nasasaktan siya sa hawak ng babaeng iyon.



"Wala ako kailangan sa cheap na katulad mo. Nasaan na 'yung newcomer na kasama mo, ha? Nasaan siya?" Mataray na pagsagot ng nagngangalang Blair. Taas noo pa siyang tila naghahanap sa mga estudyanteng tinawag ng eskandalong ginagawa niya ngayon.



Tss. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kaso nandito naman na ako. Saka ako ang hinahanap niya kaya niya hinarang si Janessa.



"Ako ba hinahanap mo?" I stepped forward so that she can see me clearly. The others gasped as I entered the scene.



Binitawan niya na si Janessa nang dumapo na sa akin ang tingin niya. Napatingin siya sa dalawa pang babaeng nasa likod niya na sa tingin ko ay mga alipores niya na tila ba pinagpaplanuhan nila ako.



Abang napangisi siya nang humarap siyang muli sa akin at lumapit. I let her come near me as I glared at her as if to tell her that she's going against the person who will make her suffer. 



"How dare you stare at me like that?! Hindi ka ba tinuruan ng mabuting asal?!" So ako pa ang walang mabuting asal? Siya nga 'tong nanghila ng buhok ng inosenteng tao para lang makakuha ng atensyon.



Dahil ayokong mapaaway tulad ng pangako ko kay uncle, I shrugged. She's so close to me when I decided to depart from her and help this girl on the floor to stand up instead. We need to get away from her as soon as possible. Hangga't kaya ko pa magtimpi sa mga ito. Purokung anu-ano na kasing sinasabi nila tungkol sa amin.



Hihilahin ko na sana palabas ng cafeteria at sa gulo na iyon ang kasama ko nang maramdaman kong may papatama sa akin. My reflexes reacted so fast that I was able to hold on to that girl's hand before it can even touch a single strand of my hair. 



Bagong kulay at plantsa lang ng buhok ko. What a crazy chick.



Tinapunan ko siya ng matalim na tingin na siyang nagpatigil at nagpa-estatwa sa kinatatayuan niya. Napansin ko na rin na suminghap muli ang mga tao sa ginawa ko. Now I'm thinking who I am going against.



"Ahhh why you?! Let go of me!" Sigaw niya.



Balak ko na sana siyang bitawan nang papahina na at may tono na ng pagpapakumbaba ang boses niya nang masaglit ng paningin ko ang baso ng juice at plato ng carbonara na bitbit ng dalawa niyang alipores sa may gilid ko. I waited for a bit. Hanggang sa mabilis kong pinilipit ang braso niyang hawak ko at pinagpalit ko ang pwesto namin na siyang nagresulta para siya ang sumalo ng juice at carbonara surprise ng mga kaibigan niya.



At dahil kakasabi niya lang na bitawan siya ay binitawan ko siya habang nagpupumilit siyang tumakbo sa pagkakahawak ko. Kaya naman napasalubsob sila ng dalawa niyang kasama at sama-sama silang tumumba sa sahig. The people around us cheered and some of them are surprise and the others gave a disapproving look.



Pasikreto na lang akong napairap at saka lumapit kay Janessa. "Let's go."



"Where do you think you are going, newcomer?" A male voice from my back called. I can sense a dignified and full of pride soul within the voice.



I stopped from making any move. Unti-unti ring may humarang sa lahat ng daanan palabas ng cafeteria. Shit.



"Shocks! Ang HEAD!"

"Holy shit! Ang gagwapo at ang gaganda talaga nila!"

"Patay! Mukhang may hindi magandang mangyayari dun sa transferee."

"Oo nga. Dapat hindi na niya kinalaban si Blair. Lagot tuloy siya nito."

"Kabago-bago, kung umasta akala mo kung sino."

"That's what she get from trying to be a hero. Sayang siya."

"She should've let that girl suffer and saved herself instead."



Bulungan nila. Kung matatawag na bulong 'yun. Kung ganoon, anak pala ng may-ari ng school ang Blair na iyon. Oh well, hindi naman nagbago ang paningin ko sa kanya. I can even pull some strings if I want her family to starve to death. But from the looks of it, I seemed to be cornered by everyone now. Head, huh?



Napalingon kami ng kasama ko. There are three girls and seven boys who are outstandingly stepping towards us. Sa dating pa lang nila, ramdam mo na ang awtoridad. Mukhang hindi naman ako nasabihan ng tungkol dito.



"What is happening here? Blair, are you alright?" Narinig kong nag-aalalang boses ng isa sa mga babae.



"Kia, that transferee! She twisted my arm! Wala naman akong ginagawang masama sa kanya!" angal naman ni Blair. Heh, pang international awards ang arte! Ako pa talaga ang tinurong may kasalanan. Parang hindi naman na ako nasanay sa ganito. Ako na naman ang lalabas na masama at kontrabida.



Binigyan naman ako ng mapanghusgang tingin ng sampu. Samantalang mas lumapit naman sa akin 'yung parang pinakapinuno yata nila. I must admit, may maipagmamalaki siya. He's handsome with his black hair but he owns two pieces of emotionless orbs like mine.  A sign that we would never be in good terms.



Nakasuksok ang dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya habang unti-unting lumalapit sa akin. Ni katiting na kaba ay hindi dumapo sa akin.



"Kabago-bago mo pa lang, away na kaagad ang sinimulan mo. I think you need to learn a lesson so that you can understand the rules here." Pangangaral niya na akala mo ba ay siya ang principal ng school na ito. Sa mga ganitong salitaan, hindi ko hahayaang kayan-kayanin lang nila ako porket mag-isa ako at bagong salta lang ako rito.



"Is that how you welcome a transferee in this academy? Unique. Unfortunately, I don't give a fuck on what you are saying. Thanks for the warm welcome, anyway. And by the way, try visiting a doctor. Nagbubulag-bulagan kasi kayo kung sino talaga ang may kasalanan sa commotion na ito." Sorry uncle. I had enough of their bullshits. Mamaya ko na iisipin kung tama nga ba na banggain ko ang mga 'to. 



"Why don't you try to ask everyone? You know what? A leader should not act poorly like this. Am I right?" I added.



"OMG! Ginanun niya lang si King Spade!"

"Nako, lagot siya! Kinalaban niya pa si Spade."

"Di na sisikatan ng araw 'yan kinabukasan!"

"Grabe kinalaban niya ang leader ng HEAD!"



Binalewala ko na lang 'yung mga nakapaligid sa akin. Nakipagtagisan ako ng tingin sa lalaking nasa harapan ko na sa pagkakarinig ko ay Spade ang pangalan.



"You have some guts there, woman. 'Kay, I'll let this one pass." Then he smirked wickedly at me. Mas lumapit pa siya sa akin hanggang sa isang metro na lang ang layo naming sa isa't isa. "But do remember this day. The day when your name got written on our watchlist. Let's see if that pretty mouth of yours can save you for the whole school year." Pagbabanta niya na bahagyang naramdaman ko ang pagkaseryoso.



I am still looking at his eyes when I heard the people withdrawing from blocking the way out. I won't let myself to get intimidated by him. "Do also remember this day, king. The day when you stepped on the wrong side of me. Let's see if that proud self-esteem and aura of yours can save you from my cacodemonic attitude." He just smirked as he gestured for me to go on my own way.



We turned our feet to leave the cafeteria, still hearing the noise that I caused. But, I felt something that this will be a different school year for me. Especially now that I earned a new set of interesting people to go against. They will be a perfect fit for my entertainment. 



I can't help but to smile while excitement and ecstacy engulfed my head.



****

Author's Note: Revised the chapter a little. Nagdagdag din ako ng detalye ng tungkol sa itsura ng academy. Salamat sa operator ni Sean at sa dalawang readers ko pa na itatago ko na lang sa mga pangalang, Miss GF at Miss AN sa pagtulong sa akin sa pag-edit :) Enjoy reading and God bless! [06|29|16]


Continue Reading

You'll Also Like

14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
131K 1.8K 23
Ano nga ba ang Greek Mythology? Sino nga ba ang sinaunang sinasambang diyos ng mga Griyego? Saan ba nagsimula ang mundo ayon sa Mitolohiyang Griyego...
413K 15.1K 64
Former A KPOPER IN 1894 [ Mariano Brothers Series #1 ] COMPLETED ✔️ Naniniwala ka ba sa Reincarnation? Pano kung malaman mong nabuhay ka na pala noon...
154K 6.3K 45
Isang babae ang naging dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nagkaroon ng nobya si Alejandro. Nakita niya ang dalaga sa isang litrato at sa replek...