ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 30: INTERROGATION

573 29 2
By angelodc035

"Dalawang araw pagkatapos ng inyong pag-alis. Mga kakaibang nilalang ang biglang lumusob sa Santuaryo. Mga kakaibang uri ng bampira ang walang awang pumatay sa mga tao bata man o matanda, babae at lalaki. Ang iba ay hinawaan sila sa pamamagitan ng mga maliliit na bulateng lumalabas sa laway at dugo ng bampira..." Ang halos mangiyak-ngiyak na kuwento ni Father Mexo.

"Strigoi..." ang nasambit ni Demetria nang marinig mula sa pari ang mga bulating lumalabas sa nilalang na pumatay lahat sa mga tao sa Santuaryo.

Halos maiyak naman sina Alex, Margaux at si Adrian dahil halos kakilala na rin nila ang mga taong nakatira roon. Ang ilan sa kanila ay naging kaibigan na rin nila.

"Strigoi?" ang wika ni Father Mexo na tila naghihintay ng kasagutan tungkol sa nilalang na nakalaban niya sa Santuaryo.

"Mga uri ng bampira. Mabagsik na uri ng bampira na parang linta sa pagkauhaw sa dugo ng tao. Mahirap silang puksain dahil nananatili silang buhay at mabubuo pa rin kahit paghiwa-hiwalayin ang kanilang katawan." ang tugon ni Demetria.

"Nakalaban rin namin sila kasama ng mga taong-lobo. Marami sa mga kasamahan ko ang nangamatay at nahawaan dahil sa mga bulateng nakakapasok sa katawan nila sa tuwing nasusugatan sila ng mga ito." ang nakangiting wika ni Caren na hindi niya naalis ang pagkakatitig sa pari.

"Si Kapitan Ben at yung dalawa mong kasamang sina... " ang tanong ni Alex na pilit na inaalala ang pangalan ng dalawang seminaristang kasama ng pari.

Tumingin si Father Mexo kay Alex at saka yumuko. "Wala na sila...patay na. Inililigtas nila noon si Kapitan Ben ng sa hindi inaasahan ay nasabat sila ng dalawa sa mga bampira. Kakaiba ang lakas at bilis ng mga ito kaya wala silang nagawa para kahit man lang ang kanilang buhay ay mailigtas nila. Si Kapitan Ben..." ipinikit ng pari ang kanyang mga mata at saka huminga ng malalim. "...si Kapitan Ben ay naging katulad rin nila."

"Diyos ko..." ang tanging naging tugon ni Alex.

"Pero, wala sa mga nakalaban naming Strigoi si Kapitan Ben." ang wika ni Caren.

"Kung wala si Kapitan Ben sa mga nakasagupa nating mga Strigoi, ibig sabihin lang nito ay ibang grupo ng mga ito ang nakalaban natin." ang sabat ni Randy na kasalukuyang binubuksan sa kutsara ang isang lata ng sardinas.

"Posible." ang tugon ni Demetria at saka pinagmasdan ang pari at tila napaisip. "Among, kung nakasagupa ninyo ang mga Strigoi sa Santuaryo, paano ka nakaligtas sa kanila? Sabi mo kanina ay walang nakaligtas sa mga taong naroroon." ang tanong ni Demetria.

Napatitig si Father Mexo kay Demetria at sabay na napalunok. Sinenyasan naman ni Demetria sina Randy at Alex para hawakan ang pari at siyasatin ang katawan.

"A...ano ito? Anong gagawin ninyo?" ang nagtatakang tanong ni Father Mexo ng akmang hahawakan na siya nina Randy at Alex. Sinubukang magpumiglas ni Father Mexo sa pagkakahawak sa kanya pero wala siyang magawa.

"Demetria, anong ibig sabihin ng ginagawa mo? Pari yan huy at guwapo pa!" ang nagtatakang tanong ni Caren at nagpakita ng pag-aalala sa pari.

"Pasensya na father pero gusto lang namin makasiguro. Tulad ng sabi mo walang nakakaligtas sa pagatake ng mga Strigoi. Paano ka nga nakaligtas sa kanila?" ang muling tanong ni Demetria.

"Demetria, alam naman natin na ako ang pulis dito, trabaho ko ang magsiyasat kaya ipaubaya niyo na si Father Mexo sa akin." ang pakiusap ni Caren kay Demetria.

Napatingin si Alex kay Caren. "Caren, hayaan mo na silang gumawa niyan lalo na't pareho tayong walang alam sa ganyan." ang wika ni Alex na may pagkadismaya sa babaeng nasa harapan niya.

Natigilan si Caren ng makita ang mga mata ni Alex. Tumahimik ito at nanatili na lamang sa kanyang kinatatayuan.

"Naiiintindihan ko kung bakit ninyo ginagawa ito. Hindi ko kayo masisisi dahil kahit ako ang nasa lugar ninyo ay gagawin ko rin ang gustong mangyari ni Demetria." ang sabi ni Father Mexo. "Nakaligtas ako ng akmang lumulusob ang mga bampira sa Santuaryo ay sinundan ko ang isang bata na takot na takot. Pumasok siya sa loob ng isang kuwarto at doon pilit na nagsumiksik sa loob ng bodega. Pagpasok ko sa loob ay nakita kong umiiyak ang batang lalaki at nanginginig ito sa takot. Hindi ko puwedeng iwan roon ang bata lalo na sa ganoong kalagayan. Kaya sinubukan kong isama yung bata pero hindi ko namamalayang naiwan ko sa labas ang aking katana. Kaya wala akong magagawa kung may bampirang makakapasok sa loob. Ang hindi ko pala alam ay ang batang sinundan ko ay nahawaan na siya ng kamandag nung bampira. Nagbago ang anyo nito sa nakakatakot na hitsura,  kaagad na nakalbo at may kung anong lumalabas na maghabang dila sa kanyang bibig na siyang ginagamit na pagsipsip sa dugo ng mabibiktima. Akala ko kamatayan ko na ng mga sandaling iyon. Dahil sa pag-was ko sa kanyang pag-atake sa akin ay hindi ko namalayan na pumasok ako sa bodegang pinagtaguan ng bata kanina at sa hindi sinasadya ay nalock sa labas ang pintuan at hindi na ako makalabas. Nagsawa ang bata na naging bampira sa pagpupumilit na mabuksan ang pinto kaya umalis din." ang paliwanag ni Mexo kina Demetria.

Nakataas ang kilay ni Demetria na tila nag-iisip kung maniniwala ba siya sa kuwento ng pari o hindi. "Kung nakulong ka sa loob at sinabi mo na walang natira sa mga tao sa Santuaryo, paano ka nakalabas sa loob ng bodega?" ang nagdududang tanong ni Demetria kay Father Mexo.

Huminga muna ng malalim si Father Mexo bago niya sinagot ang tanong ni Demetria. Alam niyang hindi naniniwala sa kanya ang babae kaya kailangang makumbinsi niya ang mga ito na totoo ang kanyang sinasabi.

"Mga apat na oras bago bago tumahimik ang buong lugar. Nagsawa ako sa kakasigaw at pagpadyak sa pintuan pero hindi ko pa rin ito nabubuksan. Sobrang dilim sa loob at napakainit, at sa mga sandaling iyon ay nahihirapan na rin ako makahinga lalo na ang amoy ng mga iba't-ibang kemikal na nakastock sa loob ng bodega. Natakot ako ng biglang may narinig akong nagbubukas sa pintuan ng bodega. Wala akong kalaban-laban lalo na wala akong gamit sa paglaban sa kanila at nakita ko kung gaano sila kalakas at kabagsik. Pagbukas ng pinto ay nakita ko si Kapitan Ben, duguan at nanghihina na. Kakaiba na ang kulay ng kanyang balat at nagbago na rin ang kanyang mga mata. Nasugatan siya ng mga sinasabi ninyong Strigoi at alam kong sa mga oras na iyon ay malapit na siyang maging tulad nila. Sinabihan niya ako na patayin ko na siya. Pero Hindi ko magagawa iyon dahil hindi ako puwedeng pumatay ng tao. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya ikinulong ko siya sa loob ng bodega para hindi na rin makapaminsala. Nanlumo ako ng makita ko ang halos tatlong daang kataong wala ng buhay na nakakalat sa harapan ng Santuaryo. Kitang-kita ko ang katawan ng dalawa kong kasama na hiniwa-hiwalay..." huminga ng malalim si Father Mexo at nanginginig ang mga labing pilit na pinipigilan ang pag-iyak nito.

Hinagod naman ni Randy ang likuran ng Pari dahil sa nakikita nitong kalagayan ni Father Mexo habang ikinikwento ang mga nangyari sa Santuaryo.

"...para akong...para akong mababaliw sa aking nakita. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman ng mga sandaling iyon lalo na't sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari. Paglabas ko iyon ang aking nasaksihan ang nagkalat na katawan ng mga taong nakasama ko na rin ng ilang buwan, pinaglingkuran at naging kaibigan at kapatid. Wala silang awa, wala silang itinira. Hi...hindi ko na rin nakita ang aking katana, kaya minabuti ko na lang lisanin ang lugar. Bago ako umalis ay binigyan ko na muna ng disenteng libing ang mga bangkay mismo sa loob ng Santuaryo. Kasama roon ang ama ng Santuaryo si Kapitan Ben. May mga iilan sa mga taga Santuaryo ang naging bampira. Katulad ng bata na sinundan ko sa loob."

"Nakikiramay kami sa trahedyang nangyari sa Santuaryo father. Pero sana maintindihan din sana ninyo na kailangan naming gawin ang pagsisiyasat sa katawan ninyo para masiguro rin ang kaligtasan ng mga kasama namin dito." ang sabi ni Demtria.

Tumango lamang ang pari at tumingin ito kina Randy at Alex. Tumalikod ang pari at inialis nito ang pang-itaas na damit at pantalon. Halos hindi naman makatingin si Caren sa pari lalo na ng makita nito ang naglalakihang mga kalamnan ng pari.

Hinayaan ng pari na siyasatin ni Randy ang kanyang katawan para malaman kung may palatandaan ito na nasugatan o nakapasok ng mga bulateng Strigoi ang kanyang katawan. Marahang tinignan ni Randy ang lahat ng parte ng katawan ng para at nang makasiguro ay tumango ito kay Demetria. Walang nakitang palatandaan ng mga sugat si Randy kaya kumuha ito ng asin at isinaboy sa Pari. Halos mapalukso sa pagkabigla ang pari pagkasaboy ng asin sa kanya dahil hindi niya inaasahan iyon.

Halos matawa naman si Caren sa naging reaksiyon ni among Mexo sa asin. Pero inis na inis namang nakatingin si Alex sa kinikilos ng kaibigan niyang si Caren.

"Malinis siya Demetria." ang wika ni Randy.

"At mabango pa!" ang biglang pagsabat ni Caren sa magsasalita sa nang si Demetria.

"Caren?" si Alex na nakakunot ang noo.

"Sorry. Peace po..." ang tugon ni Caren at sabay pakita ng peace sign sa kanyang kanang kamay kasabay ng kanyang matamis na ngiti.

Ano nga bang nangyayari kay Caren? Ito ang katanungang naglalaro sa isipan ngayon ni Alex habang napapansin niya ang kaibigan sa mga kinikilos nito kapag kaharap niya si Father Mexo. Hindi ganon ang pagkakakilala ni Alex dati sa babaeng pulis lalo na ng una niya itong makasama. O sadyang hindi talaga niya nakilala ng lubusan ang kaibigan dahil hindi pa naman ganoon katagal ang pagkakakilala nito sa kanya. Pero ano ba sa kanya kung maging ganoon ang mga kilos ni Caren kay Father Mexo? May pakialam ba siya kung masyadong obvious ang pagpapakita ni Caren kung gaano niya kagusto ang pari? Bakit nga ba siya naaapektuhan sa ipinapakitang pagtingin ni Caren sa pari? Marahil ay concern lang siya dahil ayaw niyang masaktan ang kaibigan niyang si Caren lalo na't hindi siya puwedeng mahalin ni Father Mexo dahil isa itong alagad ng simbahan.

Siguro ang pinakamaganda niyang gawin ay hayaan na lang niya si Caren sa paghanga niya sa pari. At kung dumating ang araw na masasaktan lamang ito ay naroroon naman siya para dumamay sa kanya bilang isang kaibigan.

Tumayo si Alex at mabilis na nilapitan si Caren. Hinawakan niya ang braso ng babaeng pulis at saka niya ito hinila.

"Tara samahan mo ako." ang wika ni Alex habang hinihila sa braso si Caren.

Tumingin si Caren sa kanya at saka ngumiti. "Ayaw." ang tugon nito kay Alex.

"Tara na, sandali lang naman samahan mo ako maghanap ng gamot sa botika."

"Ha? Gamot? Di ba may mga dala akong gamot kanina?" ang tugon ni Caren na kinakamot ang ulo.

"Oo nga, kaso wala doon ang kailangan ko. Hindi ka ba naaawa sa kalagayan ko? Halos hindi ako makalakad sa pinsalang natamo ko sa aking paa. Paano na lang kapag may alagad ng dilim na umatake sa akin habang naghahanap ako ng gamot? Hahayaan mo na lang ba akong makain ng mga aswang? Ng tiyanak? Ng wakwak, bampira..."

"Oo na sige. Oo na."

"Talaga? Sasamahan mo ako?" ang di makapaniwalang si Alex na tila isang bata sa kanyang ginagawa.

"Oo na sige. Ayoko lang yung kinukulit ako." ang sagot ni Caren na di maipinta ang mukha.

"Yes!"

"Yes ka diyan huy! May kapalit yan."

"Ha, kapalit?" ang napakamot na rin sa ulo na si Alex.

"Naman, siyempre. Wala ng libre ngayon no." ang nangingiting tugon ni Caren.

"Ganun? Kahit na ako na kaibigan mo?"

Tumango si Caren na nakangiti pero ang mga mata nito ay nakatingin kay Father Mexo.

"Sa panahon ngayon wala ng kaibi-kaibigan at kama-kamag-anak. Hehe. "

"Ouch naman. Ang sakit naman."

"Ay bakit ka naman nasasaktan eh nagiging practical lang naman ako?" ang naging seryosong tugon ni Caren na tila naiinis na dahil hindi makafocus sa kakatitig kay Father Mexo.

Tila napahiya naman si Alex sa kanyang narinig kay Caren. Pakiramdam niya ay tila gustong sumabog ng kanyang dibdib dahil sa pagwawalang bahala sa kanya ni Caren. Tumitig siya sa babaeng pulis na nakatitig pa rin sa pari.

"Sige...sala... Salamat na lang. Kaya ko naman sigurong mag-isa." ang malungkot na wika ni Alex at saka tumalikod na para puntahan na lamang sina Margaux at Adrian na nagpapahinga malapit sa pader ng simbahan.

Hindi naman niya talaga kailangan ng gamot kung tutuusin. Gusto lang naman niyang makuha ang atensiyon ni Caren kagaya ng dati noong nasa evacuation center sila sa Bulacan. Doon ay malaya niya itong nakakausap kahit na anong oras na gugustuhin niya. Naging malapit siya sa dalaga at naging kaibigan niya ng mga oras na nangungulila siya sa kanyang mag-ina. Gusto niyang ibalik ang mga panahong iyon na sa tuwing nakakausap niya ang dalaga ay nagkakaroon ng saysay ang buhay niya para lumaban.

Pagdating niya sa kinaroroonan ng dalawang bata ay saka siya nahiga sa tabi ni Adrian na kasalukuyan namang mahimbing sa pagtulog nito. Ipinatong niya ang kanang kamay sa kanyang noo at ang kaliwang kamay naman ay ginawa niyang unan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na kinakalimutan ang ginawa niyang pangungulit kay Caren.

Huminga siya ng malalim at pilit na sinasabi sa sarili niya na okay lang siya. Saka namimiss lang niya siguro ang kaibigan dahil na rin sa matagal na rin niya itong hindi nakakasama at nakakausap. Magiging unfair siya sa kanyang asawa na kamamatay lang kahapon na imbes na nagluluksa pa ay ibang babae na kaagad ang kanyang kinukulit. Mahal niya ang kanyang asawa at anak kaya imposible ang kanyang nararamdaman ngayon kay Caren.

"Alex..." ang tawag sa kanya ng isang boses ng lalaki.

Idinilat niya ang kanyang mga mata at nakatayo sa harapan niya si Randy.

"Tara, tulungan kitang maghanap ng gamot. Wala na rin akong ginagawa kaya puwede na kitang tulungan." ang alok ni Randy kay Alex.

Mabilis na bumangon si Alex at naupo mula sa kanyang kinahihigan.

"Sa...salamat pare. Pero okay na ako." ang mabilis na tugon ni Alex.

"Sigurado ka ba pare? Okay lang sa akin para at least makapag-usap tayo at makilala kita ng mabuti." ang wika ni Randy.

"Pare okay lang, huwag mo akong aalalaanin."

"May gusto ka sa kanya?" ang diretsong tanong ni Randy kay Alex na hindi alam kung ngingiti ba siya o hindi.

Nabigla si Alex sa tanong ni Randy sa kanya. "Huh? May gusto? Kanino?"

Naupo na rin si Randy sa harapan ni Alex. "Kay Caren, kanino pa ba?"

"Si Caren? Ha hindi no, magkaibigan lang kami non." ang sabi ni Alex.

Natawa si Randy sa naging tugon ni Alex. "Kaibigan lang ha?" ang sarkastikong tanong ni Randy kay Alex na namula ang mukha.

"Oo, kaibigan lang talaga pare."

"Okay pare. Sabi mo eh." ang pagsang-ayon ni Randy kahit hindi ito kumbinsido. "Maiba pala ako. Dito na pala tayo magpapalipas ng gabi. Kinausap na ni Father Mexo ang kura paroko ng Barasoin, na sa loob tayo mamamalagi mamaya at pumayag naman ito. Puwede na natin ipasok ang mga gamit natin sa loob pagkaalis ng mga taong nagdarasal." ang dagdag ni Randy kay Alex.

Natuwa si Alex sa tinurang iyon ni Randy. Pabor sa kanila iyon dahil mas ligtas sa loob ng simbahan ang mga bata lalo na kay Adrian na napuruan masyado ng ihagis ng Strigoi ang sinasakyan nilang SUV.

"Salamat pare. Mas makakabuti sa mga bata kung sa loob tayo magpapalipas ng gabi mamaya."

Tumango si Randy at saka tumayo sa kanyang kinauupuan. Pinagpagan ang kanyang pantalon at saka pinagmasdan ang natutulog na sina Adrian at Margaux.

"Mamaya pala gusto tayong kausapin ni Demetria. May importanteng pag-uusapan tayong lahat bago mag-alas otso ng gabi."

"Tungkol saan?" ang pahabol na tanong ni Alex.

"Hindi ko rin alam. Malalaman natin mamaya pag nagtipon-tipon na tayo." ang tugon ni Randy. "...sige pare, puntahan ko muna sina Sagaway at Alimog para malaman at masabi ko rin sa kanila ang tungkol sa meeting natin mamaya."

Tumango lang si Alex bilang tugon kay Randy na tuluyan ng umalis para puntahan sina Sagaway sa likuran ng simbahan kung saan naroroon ang isang malaking puno ng mangga.

Inilibot ni Alex ang kanyang mga mata at natuon ang kanyang atensiyon kay Caren na masayang nakikipagkwentuhan kay Father Mexo sa tabi ng isang puno malapit sa harapan ng simbahan.

Napabuntong hininga si Alex at pilit na pinipigilan ang sarili na huwag mainis. Muli siyang nahiga at ipinikit ang kanyang mga mata. Pero dinig na dinig niya ang boses ni Caren at ang mga malulutong na halakhak nito. Bumiling siya sa kanan at ipinasok niya ang kanyang kanang hintuturo sa kanyang kanang tenga para hindi marinig ang mga pagtawa ni Caren.
Pero hindi niya mapigilang tumingin sa babaeng pulis na masaya sa pakikipagkwentuhan sa pari.

Bumangon si Alex sa pagkakahiga at naupo. Hindi niya maialis ang kanyang mga mata kay Caren at hindi niya maipaliwanag bakit naiinis siya na nakikitang masayang nakikipag-usapsi Caren kay Father Mexo.

Naging ganito rin ba kasaya si Caren sa tuwing nakikipag-usap ito sa kanya? Malulutong din ba ang kanyang mga pagtawa kapag napapasaya ba niya ito? Pero parang wala naman siyang natatandaang naging malutong ang mga tawa nito sa tuwing kausap niya si Caren. Kahit ba masyado ng corny ang mga jokes na binibitawan niya sa dalaga ay hindi pa niya napansin iyon sa kanya.

Pakiramdam ni Alex ay parang sinusubukan ng babaeng pulis ang kanyang pasensya kaya nanggigigil na ito sa ginagawa ng dalaga.

Sige...konting konti na lang...
Ang sabi nito sa sarili.

Nanlaki ang mga mata ni Alex ng makita niyang hinawakan ng pari ang mga kamay ni Caren.

Aba't...
Halos mapatayo si Alex sa kanyang nakita at tila hindi na siya makapagpigil pa.

"Hoy, Caren!..." ang sigaw nito sa dalaga.

Parehong napatingin sina Caren at Father Mexo kay Alex.

"Hoy? Bakit ba? Kung makatawag ka akala mo ang laki ng kasalanang nagawa ko sa'yo." ang medyo nainis na tanong ni Caren tumayo ito't humarap ng nakapamewang sa kanya.

Biglang kumabog ang dibdib ni Alex na nakitang nainis si Caren sa kanyang ginawa. Mabilis siyang nakaisip ng kanyang idadahilan sa kanyang pagsusungit sa dalaga.

"Ha, eh...kukung puwede lang sanang pakihinaan naman ang pag-uusap ninyo kasi nagpapahinga ang dalawang bata. Kailangan nila ng pahinga dahil sa naging kalagayan nila ngayon. Please?!" ang biglang palusot ni Alex kay Caren.

"Wala naman problema don, pero sana sabihin mo ng maayos at huwag mo namang ipagduldulan yung hoy me pangalan naman ako." ang tugon ni Caren na may bahid ng pagkainis ang tono ng boses.

Tila napahiya si Alex sa kanyang inasta sa dalaga. "Pasensya na...hindi ko sinasadya." ang paghingi niya ng paumanhin.

Tila walang narinig si Caren sa kanyang paghingi ng paumanhin. Tumayo na rin si Father Mexo at tumingin sa kanya at iniyuko nito ang kanyang ulo at pilit na ngumiti. Tumingin sa kanya si Caren at saka sabay na naglakad sila ni Father Mexo papalabas ng gate ng simbahan.

Tila nakaramdam ng bigat sa dibdib si Alex sa nangyari. Ano ba ang nangyayari sa kanya at bakit ganon na lamang ang kanyang inasta sa dalawa na kung tutuusin ay wala naman talagang ginawang masama sa kanya.
Bumuntung hininga siya at hinabol niya ng tingin ang papalayo ng sina Caren at Father Mexo.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...
103K 2.4K 34
[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes...
39.7K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
3.5K 71 53
Girlie Justine Samalca is a secret agent who disguised as an assistant detective. As a request from his twin brother, Ignacio Santiago, she enters th...