Vampire City: Not Your Ordina...

By Thyriza

9.1M 213K 16.6K

[Vampire City Series #1] Ingrid Sy belongs to a very wealthy family. When her father forced her to marry... More

Foreword
Prologue
Chapter 1 - Escape in my pedestal
Chapter 2 - The Vampire City
Chapter 3 - Hansel Kang
Chapter 4 - His stare
Chapter 5 - Crazy girl + short-tempered guy = Explosion
Chapter 6 - His Reason
Chapter 7 - Nightmare
Chapter 8 - The Tournament
Chapter 9 - The Revelation
Chapter 10 - He Loves me. He's a vampire
Chapter 11 - Her warmth
Chapter 12 - The Sanguinarians
Chapter 13 - Jealous Prince
Chapter 14 - The Royal Family
Chapter 15 - Eclipse
Chapter 16 - The Antagonist love
Chapter 17 - His strength is his weakness
Chapter 18 - I love you
Chapter 19 - Pop pop
Chapter 20 - Bitch Please!
Chapter 21
next please>>
Chapter 22 - Endearnment, Love, and Jealousy
Chapter 23 - My Persistent Soon to be Pervert Husband
Chapter 24 - Dancing in the Rain
Chapter 25 - Proclaiming her Defeat
Chapter 26 - Home
Chapter 27 - Boybawang
Chapter 28 - Surprise
Chapter 29 - Confessions
Chapter 30 - Meet the Parents
Chapter 31 - First month of Love
next please>>
Chapter 32 - A Daughter's Cry
Chapter 33 - Leaving
Chapter 34 - Again
Chapter 35 - For her happiness
Chapter 36 - Mourning
Chapter 37 - Her life after
Chapter 38 - Reunion with Erina
Chapter 39 - Arrogant Guy
Chapter 40 - Let us love
Chapter 41 - Signs, Dream & Flashback
Chapter 42 - The Same or Different Person
Chapter 43 - The Island
Chapter 44 - Return to Vampire City
Chapter 45 - Breath
Chapter 46 - She's Psycho
Chapter 47 - Remembering
Chapter 48 - Truth be told
Chapter 49 - Turning
Chapter 50 - Forever and Eternity
Epilogue
TAKE TIME TO READ (Thank you message, FAQ's, Announcement, etc)
This Chapter was Deleted! Proceed to next.
HONEYMOON - Special Chapter
Published!

Paranoid Wife (Special Chapter)

126K 2.5K 220
By Thyriza

Life after Marriage

3 months after Kasal

Pagkatapos ng mahabang Honeymoon namin ni Hansel all around the World, nakauwi din kami sa wakas. I visited my parents kasi miss na miss ko na sila. Dahil sa may 2 years contract pa ako kay Mr. McKinley, i still need to work my ass out. Tutal naman isa na akong walang kapagurang nilalang, might as well put all my time to this.

All was excited to see me. Syempre, isang buwan akong nawala kaya wala silang katuwang sa pagmanage ng Fashion House.

Hansel and I decided na dito muna sa mundo ng tao manirahan dahil na din sa work ko, habang siya pabalik-balik muna sa Vampire City. Ok naman sa amin. We both have time for each other.

Minsan, kapag nagkakaroon ng problema sa kaharian, hindi siya nakakuwi sa bahay namin malapit lang sa Mansion nila daddy at mommy. I never complain kasi part ‘yun ng pagiging Prinsipe niya. Though minsan isang buong araw siyang hindi nakakauwi, still, i understand him. Ganun talaga eh. Kapag may asawa ka na, iintindihin mo siya. Mahal mo eh.

Then one day, I received a long distance call from Maxhene. Bibisitahin niya daw ako. Um-Oo naman ako since miss ko na din nag bestfriend ko.

Timing dumating siya wala si Hansel kaya nagkaroon kami ng time para magka chika-chika. Nakita kong lobo na ang tiyan which is 5 to 6 months pregnant na. Sabi niya manganganak muna siya bago magpakasal.

“Kumusta kayo ni Hansel?” Tanong niya habang pinapanuod akong mag-sketch ng new designs.

“We’re fine.”Simple kong sagot.

“Ah.” Napatingin siya sa cellphone niya. “Ugh! Ang kulit ni Denver. Sabi ng ok lang ako.” Sabi niya habang nagta-type.

“Kasama mo ba siya?” I queried.

“Iniwan ko siya sa Vampire City. Tuwang tuwa nga ang gago. Porket bisita ngayon ng VC ang mga Concubines from London.” She smirked.

That caught my attention. Concubines? Mga paupahan na vampiress!

“Are you ok, Ingrid?” Nag-aalalang tanong ni Maxhene.

“O-ok lang ako.” Pinilit kong ngumiti kahit iba pakiramdam ko.

Nabasa ko sa Vampire Culture na para mapatunayan ng isang crown prince na karapatdapat siyang maging Hari, kailangan may isa siyang piliin na matitipuhan niyang concubine para maisiping at... at.

“May occasion ngang magaganap doon eh. Para sa mga bisitang Prinsipe. Kainis nga hindi ako makapunta. Bawal ang babae eh.” Nakangusong sabi ni Maxhene.

Bakit ba napakapanatag lang ng isang ‘to? Dati rati magfefreak out na ‘yan kapag nalaman niyang may kasamang babae si Denver. Siguro kasi buntis siya at panatag na siyang sila ni Denver. Haaay. Pa’no naman ako? Wala pa kaming anak ni Hansel. Hindi ko nga alam kung magkakanak kami eh.

Dahil sa buntis si Maxhene, lagi lang siyang nakaupo at ayaw tumayo kaya hinayaan ko lang siyang mamahinga sa guest room.

Ako naman pumunta sa kwarto namin ni Hansel saka naligo at nagpalit ng pantulog. Tatapusin ko na lang ngayon lahat ng designs ko para naman may pagkaabalahan ako.

Tinignan ko ang wall clock at pasado alas dose na. Hindi ba uuwi si Hansel? Aba magdadalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam ah!

Balisa akong tumayo sa kinauupuan ko. Paranoid kung paranoid. Perp pa’no kung nilandi siya ng isang Concubine? Pa’no kung ang kapangyarihan ng Concubine na makatipo sakanya ay hypnotism? Pa’no kung sumunod sa tradisyon si Hansel at pumili siya ng magugustuhang Concubine? Pa’no kung...

“AAAAHHH~ Hindi ko na kaya!” I stormed out in my room saka pumasok sa kwarto ni Maxhene. Nadatnan ko siyang kinakantahan ang anak niya sa loob ng tiyan. Nagdalawang isip tuloy ako kung kakausapin ko siya o hindi.

Lalabas sana ako sa kwarto niya ng magsalita siya.

“Gusto mong pumunta do’n noh?” Sabi niyang nakatingin sa lobo niyang tyan.

“H-ha? E-eh...” Napakamot lang ako sa batok ko. Masyado ba akong obvious?

“Sa palagay mo ba magagawa ‘yun sayo ni Hansel?” Tumingin siya sa akin.

“A-ah...”

“Noong inaagaw ko pa si Hansel sayo, nagpaagaw ba siya? Diba I failed. So sa palagay mo ba papatol si Hansel sa isang Concubine?”

Hindi ako nakaamik. Tama naman si Maxhene eh. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Hansel. Part lang siguro ‘to ng pagiging asawa ko. Inasahan ko na ang ganito, since isang crown prince ang asawa ko at bunos pa ang gwapo.

Nakita ko nanamang nagsscan ng phone niya si Maxhene saka ito napakunot.

“Baliw! Ayoko nga!” She murmured.

“Ano ‘yan?”

“Si Denver. Gusto akong pumuntang VC.”

“Aalis ka na?” Tanong ko nang makita ko siyang tumayo.

“Oo eh. Ang kulit ng lahi ni Denver eh. Tinatadtad ako ng text. Leche talaga ‘yun!”

“Samahan na kita. Buntis ka kaya, oy!”

“Weh? Gusto mo lang manmanan si Hansel eh.” Sabi niya saka tumawa.

“Hindi ah! Psh! Bahala ka nga!” Padabog akong umalis sa kwarto kaya narinig ko ang malditang tawa ni Maxhene.

“Bitch talaga.” Bulong ko na lang.

“Sige na, sama ka na. Ikaw magdrive ah.” Nakangiti niyang sabi.

Habang nagdadrive ako papuntang VC, hindi ko mapigilan ang hindi kabahan.

Kaba o kutob?

Ay leche! Lakas makasipsip ng kabila kong utak ah!

“Makakarating naman tayo sa VC ng hindi nagmamadali.” Puna ni Maxhene. Napatingin ako sa speedometer ko at nasa 80 tpo 120 ang speed ko.

“Wala ka ba talagang tiwala sa asawa mo?” Halata na ang iritasyon sa boses ni Maxhene.

“I trust him, ok? It’s them that I don’t. I know concubines at alam kong gagawin nila ang lahat para mapansin ni Hansel.” I heard Maxhene hissed.

“Masyado kang mahal ni Hansel para magloko pa siya. Besides, bago pa lang kayong kasal. H’wag kang mag-isip ng Nega at baka masagip ng anak ko.” Sabi niyang nakangiti.

I gave her a glance and her bloated tummy. Nakakainggit naman siya. Kalian kaya ako mabubuntis?

“Ano ang ipapangalan mo sa anak mo?” I asked.

“H’wag mo ng ipaalala sa akin. Kasi pinu-push talaga ni Denver ang Prokopio!” inis nyang sabi. Natawa naman ako. ‘Yun din ang dahilan kung bakit sila muntikan’g maghiwalay.

“Diba matigas ang ulo mo? Eh di ipilit mo sakanyang ayaw mo.” Natatawa ko pa din’g sabi.

“Ay talaga! ‘Yung lalaki’ng pati ‘yun mukhang wala ng katakutan sa akin! Nakakabwesit alam mo ‘yun?! Kailangan ko pa’ng mag-inarte para masunod. Hindi kagaya no’n na isang tingin ko lang sunod agad siya.”

“Eh ikaw naman kasi. H’wag mong under-in ‘yang si Denver. Nakakalimutan mo atang Prinsipe siya. May ego din ‘yun noh!”

“Ah basta! Hindi ako papaya sa gusto niyang ipangalan sa anak ko. Panganay ko ‘to at gusto ko maganda ang pangalan.”

“Lalaki ‘yan diba?”

“Oo.”

“Wow. Gusto ko din lalaki panganay ko.” Nakangti kong sabi. Iniisip ko pa lang na-eexcite na ako. Gusto ko talagang magkaanak na kami ni Hansel.

“Ay hindi pwede! Dapat babae ang anak niyo para sila magpatuloy ng nasira naming relasyon ni Hansel.”

“Ay Oo nga ‘no?” Masaya kong sabi.

Nakapasok kami sa portal at entrance pa lang ng VC ay halata’ng may mga bisita nga. Nagkakasiyahan sa Plaza at maraming sasakyan sa harap ng Scarlett Hotel. Napadaan kami sa Scarlett Moon Academy at marami pa din’g studyante sa labas na natambay.

Sabi kasi ni Hansel kung kailan ako handa ng tumira sa Palasyo, saka kami lilipat. Sa ngayon kasi gusto ko laging nakikita sila Mommy at Daddy. Nakakamiss pa din kasi talaga ang pagbe-baby sa akin ni Mommy at Daddy.

Pinark ko ‘tong sasakyan sa harap ng palasyo. Agad namin’g nakita si Erina na nakahalukipkip at mukhang badtrip. Baka nag-away nanaman sila ni Cris?

“Erina!” Tawag ni Maxhene. Napalingon naman siya at biglang napangiti ng makita kami.

“Mabuti naman at may karamay ako ngayon. Huhuhu.” I gave her a quick hug.

“Bakit? Ano’ng me’ron?” tanong ko.

“Bawal magpapasok ngayon sa Bulwagan kasi nando’n yung mga Concubines.” Sabi ni Erina.

Ayan nanaman. Bigla nanaman akong nakaramdam ng inis. Siguro nag-eenjoy sila do’n! WAAAAH~ Ano’ng gagawin ko? Pa’no kung makita ko si Hansel na may ka-flirt na Concubine?

Imagination:

“Taksil ka!” Nanlilisik ang mga matang tinignan ko ang dalawa. Nakakandong ‘yung haliparot at si Hansel nakahawak sa bewang niya.

“W-wife… Wife what are you doing here?”

“I’m here to kill you!” Lumapit ako sakanila at nilabas ko ang Samurai.

*shiiing* (tunog no’ng samurai pagkalabas)

“Puputulin ko ang lahi mo!” Sinugod ko siya hawak ang samurai.

“AAHHH~ W-wife… Wife… Nooooo~”

Napailing ako. Ano ba ‘yan! H’wag kang magpapadala sa mga imagination mo Ingrid. Mahal ka ni Hansel. Sumumpa siya na ikaw lang ang mamahalin niya. Pero diba hindi nawawala ang tukso? Ay parte ‘yan ng pag-aasawa. Masanay ka na.

Masanay?!

Imagination:

“H-hansel… Sa’n ka pupunta?” Tanong ko habang nanunuod kami ng Movie sa bahay.

“Sa palasyo.” Malamig niyang sagot.

“Ha? Eee! H’wag kang pupunta do’n! Nando’n pa ‘yung mga Concubines eh!”

“Masanay ka na! Masanay ka ng paminsan-minsan hahanapin ko sila.”

“N-no! H-hansel h’wag kang pumunta, please?” nagmamakaawa kong sabi.

“Ano ba Ingrid! Nakakasawa ka na ah!”

Hala! Pa’no nga kung sawa na siya sa akin? Hindi ko ata kakayanin ang may kahati kay Hansel. Pero mahal ko siya. Uso pa ba ang martir ngayon?

Imagination:

Umuwi si Hansel na may kasamang Concubine sa bahay. Pareho silang nagtatawanan at mukhang ang saya nila. Ni hindi man lang nila ako napansin na nasa living room lang naghihintay sa pagdating niya.

“H-hansel—“

“Sa guest room ka mag-stay ngayon! Kami muna sa kwarto natin.” Sabi sa akin ni Hansel tapos umakyat ng kawarto naming.

“NOOOOO!” Napahawak ako sa ulo ko at nakahawak sa tenga ko. Nababaliw na ako. Sobra na akong napaparanoid!

“Ate Ingrid, are you ok?” Nag-aalalang tanong ni Erina. Napatingin ako sa paligid. Nasa labas pa din kami ng palasyo.

“Nasa’n ang kuya mo?! Kailangan ko siyang makita, ngayon din!” Nagagalit na ako. Una, dalawang gabi na siyang hind umuuwi. Pangalawa, hindi man lang siya nag-abalang i-text ako kung kalian siya uuwi. Pangatlo, bakit hindi niya mabanggit na may Concubines sa palasyo? Kung hindi pa dumating si Maxhene hindi ko pa malalaman!

“Ah, eh Ate bawal kasing pumasok sa bulwagan ang mga Vampirette kasi—“

“I don’t care! I need to see Hansel, right now!” Sabi ko saka pumasok na sa palasyo.

Parang nagdidilim ang paningin ko ngayon at parang ano man’g oras makakapatay ako ng vampire lalo na mukhang hipon at Higad!

Papasok na ako sa bulwagan ng harangin ako ng mga Royal Guards.

“Bawal po ang babae sa loob, Prinsesa Ingrid.” Sabi no’ng isa. Nag-smirk lang ako.

“Ano ako dito?” Nagbabanta kong tanong.

“Asawa po ng crown Prince.” Mababang sabi niya.

“Right! So I have to get inside!”

“Bawal po talaga eh!”

“Papasukin niyo siya!” Sabi din ni Erina sa likod ko. Napahalukipkip na ako.

“Prinsesa Erina bawal din po kayo dito.”

“Papapasukin mo ba kami o isusumbong kita sa asawa mo na may—“

“Sige po, pasok na kayo.”

“Bilib na talaga ko sayo, Erina.” Natatawang sabi ni Maxhene.

Pagpasok namin sa Bulwagan, nakagawa kami ng ingay dahil sa pagbukas ng pinto kaya napatingin sa amin ang lahat. Awkward!

“W-wife?” Parang nagulat si Hansel. Ginala ko ang tingin ko at wala akong nakikitang ni isang Vampirette Concubine.

Si Cris at Denver na magkatabi ay nagulat din sa pagsulpot naming tatlo. Samantalang si Tom pilit tinatago ang tawa.

“A-ah… e-eh… Hehehehe.” Nag-peace sign ako. “ Wrong room. Sorry.” Sabi ko sabay talikod.

WAAAAH~ Nakakahiya! Please let me die this instant! Huhuhu. Nakita ko din ang awkward smile ni Erina at Maxhene. Sinarado namin ulit ‘yung pinto at mabilis na lumisan papuntang labas ng palasyo.

“Wala namang Concubines ah!” Sabi ko.

“Ewan ko din. Ang alam ko dapat nando’n sila! Nakita ko silang pumasok kanina!” Nag-swear pa si Erina.

“Baka naman tinago nila? Malalagot sa akin ang Denver na ‘yun!”

Nakita naming nagsilabasan na ang mga Vampire sa loob ng bulwagan. Tinignan nila kami ng masama at parang kakainin kami. Waaaah~

“Princess Ingrid, pinapatawag po kayo ni Prince Hansel.” Sabi no’ng Royal Guard kanina. Napatingin ako sa dalawa pero iniwas nila tingin nila. Wow ah! Kahit moral support man lang.

Mabigat ang mga paa’ng nilakad ko ang loob ng Palasyo. Dinala ako ng Guard papunta sa silid ni Hansel. Baka galit siya sa akin?

“Lock the door.” Sabi niya. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Ako naman nakatayo sa malapit sa pinto niya habang inaabot ang dulo ng aking buhok sa likod.

“H-hansel… ‘Yung kanina… K-kasi—“

Nagulat na lang ako ng makita ang sarili kong yakap siya.

“H-hansel…”

“Na-miss kita. Bakit ngayon ka lang pumunta dito?” Napakunot naman ako. Kumalas ako sa yakap niya at nagtatakang tinignan siya.

“You’re supposed to be home. In our house. Pa’no mo naisip na ako ang pupunta dito?” nakakunot kong sabi.

“Hindi ako makaalis dito sa palasyo dahil dumating ang mga Ministro at Prinsepe sa ibang Clan. At dahil alam kong hihintayin mo lang ako sa bahay natin’g umuwi, naisipan kong paniwalain kang may Concubine sa palasyo.” He grinned. Matagal bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi n’ya.

“You mean, talagang pumunta si Maxhene sa bahay para sabihin ‘yun?!” Tumango naman siya. Aba naman! Pwede naman niya akong itext eh! So walang kwenta pala ‘yung mga imagination na nagawa ng utak ko kanina?!

“Eh ‘yung bawal daw magpapasok sa bulwagan?! Ano ‘yun?!”

“Ah bawal naman kasi talaga. Pinag-uusapan namin ang Economiya sa VC.”

“So walang concubine?” Paninigurado ko. Malay ko kung nagpapalusot lang siya.

“Wala talaga. At kung me’ron man. Wala akong pakialam. Alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko di’ba?” napangiti na ako sakanya.

All my worries, fears and doubt, washed away when he brushed his fingers through my jaw line. Naramdaman ko ang kiliti kaya napapikit ako. I still can’t get enough of him.

“Dalawang araw.” He said.

“Ha?”

“Dalawang araw kitang namiss.” Nakangiti siya ng makahulugan. Napataas naman ako ng kilay.

“Oh ano ngayon? Kasalanan ko?” Asar kong sabi sakanya. I heard him chuckled.

Naramdaman kong dahan-dahan niyang nilalapit ang katawan niya sa akin. Ano nanaman ba ‘tong asawa ko.

“Can we?” Pakiusap niya. His eyes were full of love and need.

“Can we, what?”

“You know.” He grinned. ‘Yung boses niya parang sini-seduce ako. Nakakainis talaga ‘tong si Hansel.

“Ay ayo’ko! Wala tayo sa bahay!”

“Magiging bahay na naman natin ‘to soon eh!” Nakangisi pa din siya.

“Kahit na. Hindi ako komportable!” Lumayo ako sakanya. Nakita ko namang nalungkot siya. Para tuloy akong kinain ng konsensya ko. Asawa ka Ingrid! Hindi mo dapat tinatanggihan kung ayaw mo’ng maghanap ‘yan ng Concubine!

Ay Leche! Bakit ba napaka-traydor ng kabila kong utak!

“Hansel?”

“Hmm.” Halata pa din sa boses niya ang pagtatampo. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Pakipot ka pa! Miss mo din naman! Oo na! Miss ko na! Bwesit!

“I love you.” I said then I encircle my arms in his neck. Napatingin siya sa akin at napangiti.

“I love you, more.”

Sealed with a kiss…

**********************************************************

A/N: Late ang pag-upload ko nito, sarreh! No’ng feb 14 pa sana dapat ‘to eh. Ni-revise ko lang kasi ulit.

Hindi ko po alam kung may susunod pang Special chapter, kung me’ron man, baka last na ‘yun.

PS: MS word ko ‘to ginawa kaya marami typo kasi nag a-authororrect. J

XOXO

©Thyriza

All rights reserved. 2014

Continue Reading

You'll Also Like

791K 32.5K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
5.2M 41.4K 30
[prev My Nerdy Tutor] She is running away from a secret. He is living in her secret.
4.4M 100K 66
[Vampire City Series #2] "Your cold embrace is my sanctuary." -Lorelei. They say history repeat itself. Mauulit nga ba sa kambal ang nangyari sa k...
3.5M 55.8K 27
Revenge is a dish best served cold. "Sleep with one eye open, honey. Your time has come..." - Andrea Montenegro Book cover made by @Lena0209 Note:...