Falta de Alma

Por BonitaBabyy

26.2K 973 213

Kamamatay pa lamang ng katawan ni Alma at dahil sa matinding hinagpis ni Conchita ay napilitan siyang gawin a... Más

Simula
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI

Kabanata V

1.4K 66 11
Por BonitaBabyy


Kabanata V

Buong magdamag akong umiyak hanggang sa makatulog ako. Hindi ko alam kung paano pa ako nakatulog sa sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Para 'tong pinipiga sa sobra sakit. Hindi ko maisip kung gaano nagluluksa ang mga magulang ko sa pagkamatay ko. Someday, magkikita pa rin kami nila Mommy and Daddy. Matanda na ako panigurado kapag nakita ko sila. Okay na sa akin iyon. Ngayon, hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay ko bilang si Alma Ilusorio.

Kasabay ng pagtilaok ng manok ay ang katok naman sa labas ng pinto ko. Medyo madilim pa sa labas, malamig din ang hangin dahil ber months na. Kahit masakit ang ulo at ang mga mata ko ay pinilit ko pa ring bumangon. Sumilip pa muna si Ate Feliza sa aking pinto bago tuluyang pumasok. Wala akong kapatid, nakaka-inggit si Alma dahil may Ate at mga Kuya siya. Sa panahong ito ay sila ang pamilya ko. Matamlay lang akong ngumiti kay Ate Feliza, lumapit siya sa akin at hinawakan naman ang pisngi at noo.

"Ang sabi ni Mama ay masama daw ang pakiramdam mo buhat pa daw kagabi. Ang mabuti pa ay magpahinga ka na muna, saka mo na lamang kami tulungan sa pagluluto. Gusto mo ay hindi na kita gisingin para sa almusal? Maaari ka namang dalhan na lamang ni Linda ng pagkain dito sa iyong silid." mahinhin na sabi ni Ate Feliza habang sinusuklay ang buhok ko. Ang sensitive ko masyado ngayon na naiiyak na naman ako. Ang swerte ko pa din talaga dahil mabait ang pamilyang napuntahan ko.

Pangako, Ate Feliza. Hindi masisira ang pagiging magkapatid natin dahil sa isang lalaki. Hindi ko hahayaan na isang lalaki lamang ang lahat dahil sa kanya. Hindi ko gagawin ang pagkakamali ni Alma. Ito ang pangalawang buhay ko kaya itatama ko ang lahat. Ito ang after life ko. (Kahit pabalik pa ang nangyari.)

"Huwag na Ate! Sasama ako." nginitian lang ako ni Ate Feliza at kinurot ang pisngi ko.

"Kung ganoon ay maligo ka na at magbihis. Bumaba ka na lamang sa kusina kapag handa ka na. Ah! Huwag mong kakalimutang mag-balabal dahil malamig na ang simoy ng hangin. Paalam, kapatid." hinalikan pa ni Ate Feliza ang noo ko bago siya umalis. Grabe! Ang bait-bait niya! Ang sarap pala na may Ate! Ang ganda na niya, mahinhin, maraming alam sa gawaing bahay at nasisigurado ko na matalino si Ate Feliza. Ang swerte ng mapapangasawa niya.

Teka! Ang sabi niya ba ay maligo na ako?! Maliligo ako pero 5 AM pa lang ng umaga?! Pagpasok ko sa bathroom ay nanginig ako dahil sa lamig ng hangin. Wala pa nga pa lang heater dito. Kailangan ko pa yatang magpa-init ng tubig para makaligo ako. Buti na lang ay paglabas ko sa banyo ay siya namang pagpasok ni Linda na may dalang isang basin at umuusok ito. Sa tingin ko ito na yung hot water para sa pampaligo.

"Senyorita, ito na po ang inyong tubig pampaligo. Inihanda ko na rin po sa inyong kama ang inyong damit." tumango-tango lang ako habang sinusundan si Linda na papasok sa kwarto. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag dahil akala ko talaga ay kailangan kong maligo sa nagyeyelong tubig habang malamig din ang hangin. Torture 'yon!

"Tawagin niyo lamang po ako kung may kailangan pa kayo." nagpasalamat lang ako kay Linda at agad na ini-lock na yung pinto ng banyo. So ngayon ang problema ko naman ay kailangan kong maupo sa may parang kahoy na upuan. Mababa lang ito at nakaharap ito sa basin. May bathtub rin naman pero mas preferred yata ni Alma ang maligo with basin and tabo. Nakakangawit siya ah.

"Uy mukhang imported 'to ah!" Prell shampoo. Ang yaman naman talaga ng mga Ilusorio! Imported ang shampoo! May kamag-anak kaya sila sa US?

Pagkatapos kong maligo ay nakahanda na nga ang damit ko sa may kama. Ganito pala ang feeling kapag may "yaya" ka. Mukhang kasing edad ko lang naman si Linda. Imbes na dress ang damit na nakahanda sa akin ay baro't saya ito. Nakakapagsuot lang ako ng ganito kapag buwan ng wika ah.

Pagkababa ko sa may kusina ay naabutan ko na sina Donya Conchita, Ate Feliza at ibang mga tagaluto sa mansyon. Busy sila pagluluto at hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa pagtulong. Nakakapunta lang naman ako sa kusina namin kapag kukuha ako ng makakain sa may ref pero hindi ako nagluluto or naghuhugas man lang ng mga plato at baso.

"Nariyan ka na pala, Alma. Tulungan mo si Feliza sa paggawa ng buro habang kami nila Dolores ang magluluto para sa almusal ng mga ubrero." kahit na lost pa din ako sa gagawin ko ay nilapitan ko na lang si Ate Feliza. Ugh! Napaka make-face ako nang maamoy ko yung malansang amoy. Hipon pala! Paano ba gumawa ng buro? At ano ang buro?!

"Bilisan mo ang kilos, Alma. Ngayon ang unang araw sa paggapas. Paniguradong abala ang mga ubrero sa pag-gagapas at gutom na ang mga iyon." ang hirap naman maging anak ng isang haciendero lalo na at wala naman akong alam sa agriculture. Iniisip ko kung napag-aralan ba namin 'to? Ang natatandaan ko lang yata ay anyong lupa genern.

Walang kaarte-arteng binuhusan ni Ate Feliza ng asin iyong mga hipon na nasa basin habang ako naman ay bahong-baho. I can't! For sure na kakapit yung amoy non sa kamay ko. Huhuhu. Kahit anak mayaman si Ate Feliza pero wala siyang arte. Todo halo pa siya sa hipon habang nagdadagdag ng asin. Wala bang gloves? Huhuhu. Nilabanan ko na lang yung matinding amoy ng hipon at kahit nandidiri ay ginaya ko na lang yung ginagawa ni Ate Feliza.

Akala ko tapos na pero nagulat na lang ako nang hinaluan pa ni Ate Feliza ng kanin yung hipon na may asin at hinalo ulit 'to. Ano kaya hitsura ng outcome nito? Parang kimchi ba 'to ganern? Nahihiya naman akong magtanong kasi baka magtaka sila kasi hindi ko alam kung paano ang magburo. Pagkatapos ng matagal na haluan ay pinatigil na ako ni Ate Feliza at pinakakuha sa akin yung isang paso este jar pala. Malaki ito at isinalin namin doon yung hipon na may asin at isinara. Sabi ni Ate Feliza ay bubuksan namin ulit 'to pagkatapos ng tatlong araw.

May araw na noong matapos kaming lahat na magluto. Ay sila lang pala! Tumulong na lang ako sa pag-arrange nung food sa dahon ng saging. Isa-isa namin 'tong binalot kasama ang ulam na itlog, batotay (na longganisa lang naman ang hitsura niya) at kanin. Nilagay namin ito sa tatlong basket at kami nina Ate Feliza at Linda ang inutusan ni Donya Conchita na magdala nito sa mga ubrero, naroon din daw si Kuya Prim at Kuya Perf para tumulong paggapas.

Hindi ko talaga na-imagine na 6:30 AM pa lang ay sobrang productive ko na! Edi mas marami pang gawaing bahay ang naghihintay sa akin mamaya sa mansyon?! Ayoko! Kahit na sobrang boring lang naman sa mansyon ay ayoko pa din kumilos. Medyo depressed pa ako sa fact na patay na ako! Ang gusto ko lang ay mahiga, mag-facebook kahit wala din naman akong makitang maganda sa newsfeed. Or mas maganda mag soundtrip na lang ako with matching full blast na speaker. Nakakamiss naman ang life ko sa modern era!

"Mukhang maganda po ang gising ninyo ngayon Senyorita Feliza." bati ni Linda habang naglalakad kami sa may pilapil. Buti na lang ay tuyo ang bukid! Hindi pa man din ako magaling mag balance, kanina pa ako nahuhulog sa bukid kaya pinagtatawanan lang ako nila Ate at Linda. Napaangat ang kilay ko dahil napansin ko na parang nag blush si Ate Feliza. Hmmm? Bakit parang may bahid ng kilig ang ngiti ni Ate?! Dahil ba ito kay hardiner boy?

"Siguro'y ganoon na nga Linda." mahinhin pero may halong landing tawa ni Ate Feliza! Aba! Aba! There's something fishy dito huh? Kaya naman pala kung maka-volunteer 'tong si Ate Feliza kanina na siya na lang ang babalik mamayang lunch para mag-deliver ng foods. Low key landi lang si Atii gurl!

"Kakaiba po kasi ang mga ngiti ninyo ngayon." mas napayuko lang si Ate Feliza at pinigilan ang mapangiti. Aysus! Ngiti ng inlove!

Pagdating namin doon sa may gitna ng bukid kung saan nagpapahinga ang mga ubrero ay nagtayuan na silang lahat. Akala ko puro lalaki lang sila pero pami-pamilya pala sila. May mga bata din na nakasuot ng mahahabang sleeves at naka sumbrero. Kawawa naman sila. Hindi ba sila nag-aaral. Mayroong parang kubo sa tabi ng puno ng mangga. Doon nagpapahinga ang mga ubrero (na nalaman ko na "magsasaka" in layman's term) at ang malaking puno ng mangga ang silong ng iba.

Hinintay lang namin silang matapos kumain at nakipag-kwentuhan lang sa kanila. Busy si Ate Feliza sa pagbibigay ng tubig sa mga ubrero at busy naman sa pagliligpit si Linda ng mga pinagkainan ng mga ubrero. Hmm? Parang wala naman akong napapansing something sa kilos ni Ate Feliza. Wala dito si hardinero guy? Wala namang ang sstand out na binata dito eh.

Naglalakad-lakad pa ako hanggang sa may makita akong isang pang puno ng mangga. Mas malaki ito at sa ialim ay may duyan. To think na nasa gitna ito ng bukid. Wala pa itong mga bunga, hindi pa yata niya panahon. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago ngumiti ng waging-wagi. Lagi kasi akong pinapagalitan ni Mamita kapag umaakyat ako sa puno ng chico niya. Bwahahah! Hinubad ko yung suot kong tsinelas at ini-angat ang saya ko. Sana bestida na lang ang ipina-suot sa akin ni Linda! Aniya ay mangangati daw kasi ako sa gilik (kung ano man 'yon) kapag nag bestida ako.

Malalaki naman ang mga sanga. Makarating lang talaga ako doon sa third floor. Hahaha. Kahit nahirapan ako ay nakaakyat pa din naman ako. Kakapit na sana ako sa isa pang sanga para makaupo sa matabang sanga pero may mainit akong naramdaman. Kinapa-kapa ko pa ito hanggang sa na-realize ko na kamay pala ito. Dahan-dahan kong ini-angat ang ulo ko hanggang sa tumama ang mga mata ko sa isang lalaki na naka-upo sa sanga at kumakain sa dahon ng saging.

Agad akong natigilan. ASDFGHJKL!!! Pakeng shet! Pakening pakpak! Ang gwapo naman ng ubrero na 'to! At ang mestizo naman niya para sa isang magsasaka! Ang pungay ng mga mata niya na para bang napaka-inosente nito. Siya na ba si Hardinero guy na sinasabi ni Mamita? Feeling ko siya na nga! At ibang level naman pala talaga ang kagwapuhan niya!


itutuloy....


Nasa taas ang larawan ni Hardinero Guy 

Seguir leyendo

También te gustarán

276K 9.1K 40
HIGHEST RANK: #11 in HISTORICAL FICTION ❤ December 14, 2018 +----------------------+ A girl who doesn't know how to care and give, how to help others...
Babaylan Por Ann Lee

Ficción histórica

1.3M 79.5K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
M Por Maxine Lat

Ficción histórica

6.4M 292K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
3.2M 165K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...