Chapter 8
Tamara's POV
Isang linggo kaming nasa tagaytay ni Kenzie pero hindi nito sinasabi na may problema pala ito sa companya. Kaya nong bumalik kami natambakan siya sa trabaho. Hindi na siya umuuwi kung minsan dahil sa mga problema. Kaya ako naiiwan sa bahay kasama ang mga kasambahay nito.
Nag-ring ang phone ko at nakita ko ang hindi Familiar na number. Sinagot ko ito.
"HEllo?"
"Tamara.. Si Gab ito busy ka ba?"
"Paano mo nalaman ang number ko?"
"Pinagtanong tanong ko sa mga kaibigan natin. Friend pwede ba tayong magkita saglit." sabi nito sa akin, umiiyak ito.
"Okay sige, text mo sa akin location pupuntahan kita." sabi ko. Aakyat na sana ako nong tawagin ako ng katulong. "Ma'am ano po ang iluluto ko?" tanong nito sa akin.
"Ahh hindi ako dito kakain manang, pero magluto ka nalang ng pang dinner mamaya, baka kasi dumating si Sir Kenzie nyo ehh. Aalis lang ako saglit may imeet lang akong kaibigan."
"Okay sige po ma'am."
Nasa Mall na ako sa sinabing place ni Gab naghihintay ako sa kanya.
"Mara...." napalingon ako. Nakita ko ang mukha ni Gab.
"Oh anong nangyari sa mukha?" tanong ko sa kanya at umiiyak ito.
"Friend...nalaman na ni daddy na bakla ako."
"Anong sabi niya?"
"Sympre hindi niya matanggap, ang tagal tagal ko daw siyang niloloko." niyakap ko ito at hinagod hagod ang likod.
"Paano ba kasi nalaman ni tito?"
"Nagpunta kasi sa bahay namin si James. Yung boyfriend ko."
"Hindi ba siya nagsabi man lang sayo na pupunta siya sa bahay ninyo?"
"Nag away kasi kaming dalawa bago ako umuwi, dahil ayaw nyang sumama sa akin, hindi ko naman akalain na pupunta siya sa bahay." naawa ako sa kaibigan ko. Sa subrang tagal nitong tinago agn pagkatao niya. Ganito lang siya mabubuking. Kaya pala ito umuwi dahil gusto na nitong sabihin sa daddy niya ang tunay na siya.
"Saan ka ngayun tutuloy?" tanong ko sa kanya.
"Nasa hotel kami ngayun ni James. Mas mabuti siguro kung papalamigin muna namin ang ulo ni daddy."
"Mabuti naman, tama yun masyado pang mainit ang ulo ng daddy mo. Patingin nga yang mukha mo. Grabe asintado pa rin pala ang daddy mo. Tignan mo oh.." pagbibiro ko sa kanya.
"Ito kung makapagsalita. Ah siya nga pala yung kasama mo pala nong nagkita tayo, totoo bang asawa mo? kasi Kung may asawa ka mag iimbita ka."
"Di mo ba narinig sinabi niya. Hindi pa kami kasal. Oa ka huh.. magkakaanak lang kami."
"Magkakaanak lang.. Bakit may lang.." napatingin siya sa akin.
"ahh basta.. Sasabihin ko sayo pag ready na ako." Nagkwentuhan pa kami ng nagkwentuhan ng biglang tumawag si Kenzie sa akin.
"Sandali sagutin ko lang ito." lumayo ako ng kunti.
"Hello..."
"Anong oras ka uuwi."
"Ahh pauwi na rin ako." pagkasabi ko may biglang humalik sa pisngi ko. Nagulat pa ako ng makita ko ito.
"Oh anong ginagawa mo dito?"
"Napadaan lang ako, nakita kita. Sinong kasama mo dito." palinga linga siya.
"Ahh si Gab.." ayan na yung masakit ng tingin nito.
"diba sabi ko sayo wag kang makikipagkita sa kanya."
"Sandali nga muna ken. Bago ka mag salita pakinggan mo muna ang paliwanag ko." Sabi ko sa kanya. Habang pinapaliwanag ko sa kanya. Panay ang tingin niya kay Gab na may kausap din sa phone.
"Talaga binugbog siya ng daddy niya." hindi pa makapaniwalang sabi nito.
"Oo kaya wag kang mag selos noh."
"Sino naman may sabing nagseselos ako. Sus Di ako magseselos sa...."
"Tamara... Aalis na ako huh, salamat pala sa pakikinig ng problema ko. Pasensya ka na rin ken biglaan ang pagtawag ko kay Tamara. Alam ko naman na buntis siya."
"Naku wala yun.. Anytime basta kailangan mo ng makakausap tawagan mo lang si Tamara. Nababagot na rin ito sa bahay ehh." Napatingin ako sa kanya. TAMA ba rinig ko. Sumang ayon siya?
Pagkaalis ni Gab siniko ko si Kenzie at nasaktan ito.
"Aray para saan yun." sabi nito. Tinapunan ko lang siya ng tingin.
"Wala. Uwi na tayo pagod na ako."
"Sandali nga muna." hinawakan niya ang kamay ko.
"bakit ka ba nagmamadali."
"Gusto ko na ngang umuwi dahil pagod ako."
"ayaw mo bang magdinner muna tayo. Total nandito na rin lang naman tayo."
Kenzie's POV
Nasa restaurant kaming dalawa ni Tamara at panay ang kwento nito sa akin. Nasasanay na ako sa presence ni Tamara.
"Kamusta na pala ang kalagayan mo, wala ka bang nararamdaman?" tanong ko sa kanya.
Umiling lang naman ito sa akin.
"Wala pa naman akong nararamdaman, medyo minsan nahihilo ako pero mild lang naman ito." sabi niya.
"Basta pag may maramdaman kang kakaiba itawag mo agad sa akin, kung nasa opisina ako. Or sabihin mo sa mga katulong sa bahay kung hindi mo kayang tumawag sa akin."
"Opo Sir." nagtawanan kaming dalawa.
Natahimik kaming dalawa ng may biglang umupo sa bakanting upuan sa tabi naming dalawa.
"Ang saya saya naman ninyong dalawa." napatingin ako. Nabigla ako ng makita ko ang kinamumuhian kung babae. Ang babaeng umiwan sa akin 3 years ago.
"Hi Ken. Long time no see." sabi nito tsaka nalang niya ako hinalikan sa labi. Napatingin ako kay Tamara at pati siya nabigla sa ginawa ng babae.
"Grabe hindi ka pa rin nagbabago. Ganyan ka pa rin kagwapo mo. Business dinner?" tumingin siya kay Tamara.
"Yes..Business dinner, Ken Maiwan ko muna kayong dalawa, ladies room lang ako." sabi ni Tamara,gusto ko siyang habulin pero pinigilan ako ni Samantha.
"What are you doing here!!" Pagalit kung sabi sa kanya.
"Oh i was just passing by tapos nakita kita, i didn't know may kasama ka pala."
"You shouldn't kiss me infront of her."
"Why..masama bang bumati sa matagal na kaibigan."
"We are not friends Sam... Matagal na tayong tapos. At ikaw ang nagdesisyon non, hindi ako." Tumayo ako at susundan sana si Tamara pero nagsalita ulit si Sam.
"You know that im coming back. Hindi ka naghintay." Hinawakan ko ang sintido ko dahil biglang sumakit ang ulo ko.
Tamara's POV
Tamara wala kang dapat ikaselos sa nakita mo. Wala okay, kaya lumabas ka doon at harapin sila. Wag kagn gaga.
Lalabas na sana ako ng biglang pumasok ang babaeng humalik kay Kenzie kanina.
"Girlfriend ka ba ni Kenzie?" tanong nito habang naglalagay ng lipstick sa labi.
"Business nga diba."
"Hahaha Good.." Paano kaya nagustuhan ito ni Kenzie. Mukha namang Kangaroo ang mukha. Parang Elepante ang ilong. Parang Unggoy ang pangangatawan. Tamara manners mo.
Lumabas na ako ng makita ko si Kenzie na naghihintay sa akin.
"Halika na umuwi na tayo." sabi nito
"Pero hindi pa tayo tapos kumain. Ang mahal mahal na kinain natin tapos iiwan lang natin."
"Hayaan mo na, nabayaran ko na siya kaya wag mo ng problemahin." Hinila niya ako papunta sa parking lot.
"Kenzie wag mo akong hilain ng ganyan..' sabi ko sa kanya.
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala kaming naging imikan na dalawa. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at nagkulong doon.
Lumabas ako sa verandah at sinasamyo ang simoy ng hangin. Niyakap ko ang sarili ko. Binalikan ko yung nangyari kanina sa restaurant.
Siguro dating girlfriend niya ito, or girlfriend ba? umiling ako.
"Bakit ko ba kasi iniisip ito. Wala namang akong pakialam diba. Anak lang ang kailangan niya sa akin. At hanggang doon lang ako. hindi ako pweding lumapas sa kasunduan namin."
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit parang nasasaktan ako. Diba dapat hindi ganito ang maramdaman ko. Dapat maging masaya ako.
Bigla nalang may luhang tumulo sa pisngi ko.
oh bakit may luha. Ang Oa mo naman Tamara. Para sa kiss lang yung nakita mo. Wag ka nga. Sayong sayo pa rin si Kenzie ng ilang buwan. Hanggang may bata jan sa tiyan mo sayong sayo si Kenzie OKAY.. sabi ng isip ko, at yun din ang iisipin ko. Nasa akin pa rin si Kenzie ng ilang buwan.
This is a work of fiction. Kung may pagkakahawig man sa Pangalan, characters, business, lugar, events or kahit na anong pangyayari. Isa lang itong Produkto ng pag iisip ko. Any Resemblance sa actual Persons, living or dead is purely coincidental.
© itsmeenayumi
Vote and Comment please thank you for Reading