Xynthia's Mission To Love (Ra...

By xoKALELxo

71.5K 1.4K 40

(This story contains suggestive language, with 'little' sexual dialogue/situations) *'Little' kasi I'm not s... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE

CHAPTER TEN

9.2K 214 18
By xoKALELxo


"LEI, aatakehin na ako sa puso dito! Nasa'n na si Denver? Gusto ko na siyang makita? Please, kung hindi pa kayo darating ay ako na mag-isa ang aalis dito," nanginginig ang boses na wika niya kay Lei na kausap niya sa telepono.

"Xynthia, relax ka lang. Denver's fine. Ipapasundo kita kina Boyet d'yan. Please, wait."

Napabuntong-hininga siya at nagpaalam na sa lalaki. Halos dalawang oras na ang lumipas mula nang umalis si Denver at sinundan si Tomas. Halos mahimatay na siya sa kaba dahil sa pag-aalala sa binata.

Sinabi sa kanya ni Lei na nahuli na ng mga ito si Tomas. Pupuntahan na rin ng mga ito si Diosdado na nasa Magtanghay lang din pala. Si Tomas mismo ang nagbunyag kung nasaan ang pinsan nito dahil sa paghehestirya sa pagkakahuli nito. Naka-wheel chair na ang matanda dahil na-stroke pala ito. Nasa Batanes din ang warehouse ng mga ito at agad na dinakip ang mga miyembrong todo-trabaho sa ginagawa ng mga itong virus na ilo-launch sana ng mga ito. She sighed. She was happy about it. Pero mas mapapanatag ang loob niya kapag nakita na niya si Denver at masigurong ayos lang ito.

Kung siya ang masusunod, aalis na siya ngayon din. Pero ang sabi nga ng kanyang butihing boss ay maghintay na lang muna siya doon at susunduin na lang siya.

Nagpalakad-lakad na naman siya sa loob ng bahay. Hindi siya mapakali. Pakiramdam niya, ang sama-sama niya para hayaan ang binata na sumulong doon mag-isa. But what could she do? Ayaw naman nitong isama siya. Kaya ngayon, siya naman ang halos hindi na makahinga sa pag-aalala rito nang umalis ito.

Napalingon siya sa labas nang marinig ang tunog ng sasakyan. Nagmamadaling lumabas siya ng bahay. Baka ito na iyong sinabi ni Lei na magsusundo sa kanya.

Ngunit napigil ang paglalakad niya nang makitang lumabas mula sa sasakyan si Denver. Ang nasa driver's seat ay si Aik. Nag-init ang sulok ng mga mata niya nang magkatitigan sila ng binata. Hindi na siya nagdalawang-isip, tinakbo na niya ang pagitan nila at itinapon ang sarili rito.

"Aww... dahan-dahan, sweetheart."

Napatingin siya sa binata at nanlaki ang mga mata nang makita ang braso nitong may dugo na nababalutan ng tela.

"Anong nangyari rito?" nag-aalalang tanong niya.

"Don't worry, daplis lang 'yan. Malayo sa bituka," nakangiting wika sa kanya ng binata.

Napabuntong-hininga siya. "Nakakainis ka, kita mo ngayon. May sugat ka. Ewan ko sa 'yo."

Bahagyang natawa ang binata sa sinabi niya. "Yakapin mo na lang ako, then I'll be fine."

Nakangiting inismiran niya ito saka dahan-dahan itong niyakap. She closed her eyes and feel him. Mabuti na lang at walang masamang nangyari rito maliban na lang sa sugat na natamo nito.

Dahan-dahan siyang kumawala rito.

"Kiss din."

Napangiti siya sa sinabi ng binata. Para na siyang matutunaw sa ginagawa nila. Mabilis niya itong hinalikan sa labi.

"Kailangan mong magpunta sa ospital. Sasamahan na kita," aniya rito.

"Oh no, I am fine, really. Ginamot na 'to kanina, daplis lang naman 'to," wika nito.

Aangal pa sana siya siya ngunit hindi niya iyon nasabi nang halikan na siya ng binata. Napapikit na lamang siya. She happened to forget everything whenever he kissed her. Ganoon ang epekto ng binata sa kanya. And she had no plan of getting rid of it. Ini-enjoy niya iyon.

"Mamaya na 'yan. Para naman kayong nagso-shooting ng pelikula sa lagay na 'yan."

Agad siyang bumitiw sa binata nang marinig ang tinig na iyon. Nakalimutan na nga niya lahat. Nandoon nga pala si Aik.

Nakangiting inakbayan na siya ni Denver. Napangiti na rin siya. Nang bumababa na si Aik sa kotse ay pumasok na ito sa loob ng bahay at kinuha ang mga gamit nila. Nauna nang pumasok si Denver sa kotse, siya naman ay sinundan si Aik para tulungan ito.

"Sa tabi ka na ni Denver maupo at sigurado akong mag-aalburoto 'yon kapag sa unahan ka pupwesto," ani Aik sa kanya habang papunta na sila sa kotse.

Natawa siya kasabay ng pag-iinit ng buong mukha. Doon na nga siya sa tabi ni Denver naupo sa likuran. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. Katulad ng mga naunang pagkakataon na nahahawakan siya nito, ay kiniliti na naman ang bawat himaymay ng katawan niya. He was the first guy who ever made her feel that way.

Habang nasa biyahe sila ay bahagyang nakahilig ang ulo nito sa ulo niya. Mukhang nakatulog na ito. She held his hand. Parang ayaw na niya iyong bitawan.

Kapag nakarating na sila ng Maynila, dederetso na siya sa mansiyon. Ito man ay doon na rin sa bahay nito. Hindi niya alam kung kalian uli sila magkikita. Hindi niya alam kung bibisitahin siya nito sa bahay nila. Hindi niya alam kung...

Wala akong alam! Hay!

Gabi na nang makarating sila ng Maynila. Nasa kulungan na nga ang mga miyembro ng Goblin at pormal ng sasampahan ng kaso bukas. Siya na mismo ang nagsabi kay Aik na siya na ang unang ihatid sa bahay nila para naman magkaroon ng ideya si Denver kung saan siya pupuntahan.

"Pupunta ka ba ng agency?" tanong sa kanya ng binata bago siya makababa. Si Aik na ang nagpresentang kunin ang mga gamit niyang nasa compartment ng kotse.

"Pupunta, pero hindi ko alam kung kailan." Bakit hindi mo na lang ako bisitahin dito sa 'min?

Tumango ito. He reached for her face and gave her a soft kiss on her forehead. Nadismaya siya. She wanted to kiss him on his lips.

Kaloka.

"We'll meet again, okay. Nasa 'kin naman ang number mo. I'll just call you, okay. Bumawi ka na muna ng pahinga," anito sa kanya.

She nodded. Hindi na siya nakapagsalita. Pakiramdam kasi niya ay maglalabasan na ang mga luha niya sa mga mata niya. She was holding back her tears. Ayaw niyang umiyak sa harap nito.

Binuksan na niya ang pintuan ng kotse upang umibis nang hawakan ng binata ang braso niya. Tumingin siya rito at pilit na ngumiti.

"I'll wait for your call. Mag-iingat ka." I love you, Den.

Binawi na niya ang tingin dito at lumabas na sa kotse. Kinuha niya ang mga gamit kay Aik at nagpasalamat dito. Nang makaalis na ang kotse ay saka pa lamang nanlambot ang mga tuhod niya.

Pinindot niya ang doorbell ng mansiyon. Alam niyang maso-sorpresa ang mga tao roon dahil walang ideya ang mga ito na uuwi siya. She should be happy, pero parang hindi niya kayang ngumiti at magdiwang na nakauwi na siya at natapos na nila ang trabaho. She was just dying inside knowing that she had no assurance when she would see him again.



NAUPO na si Xynthia matapos siyang sukatan ng gown ng designer para sa kasal nina Jesse at Drew. Masayang-masaya siya para sa dalawa. Parang kailan lang noong hindi pa magkalinawan ang dalawa. Siya lang pala ang hinihintay ng mga ito para sa kasalan. Kaya nga nang makauwi siya noong isang araw ay masayang-masayang sinalubong siya ng mga ito sa pangunguna ng kanyang Papa Carlito.

It had been two days since she had arrived. Kahapon ay tinawagan siya sandali ni Denver. He was just asking what she was doing. Kinakamusta siya at nagtatanong kung wala bang masama sa pakiramdam niya. As much as she would want to love his concern, she could not. Ang gusto kasi niyang marinig mula rito ay tungkol sa status nila ngayong tapos na sila sa kanilang trabaho.

Ayaw niyang isipin na isang short-romantic-affair lang ang nangyari sa kanila ni Denver. Hindi niya iyon matatanggap at ayaw iyong tanggapin ng puso at isipan niya. Somehow, she felt she was special to him. Iyon nga lang...

"Sisteret! Kanina ka pa tulaley d'yan!"

Napatingin siya kay Ondrea matapos siya nitong tampalin sa braso. Iningusan niya ito. Nakasuot na naman ito ng kulay pink na wig at kung ano-ano pang bangles. Siya ang nabibigatan para rito. Well, ano nga ba ang aasahan niya sa isang fashionista na kagaya nito.

"I can feel you. May problema ka, 'di ba?" wika nito sa kanya.

Umiling siya. "Wala akong problema, Drea. Pagod lang ako."

Ibinaling niya ang tingin kina Jesse at Drew na nagtatawanan habang sinusukatan. They were a picture of a happy and contented couple. Hindi niya tuloy maiwasang makaramdam ng pait. She wanted to see him. The man who captivated her heart. Ang gusto niya ay bisitahin siya nito pero hanggang ngayon ay parang umaasa lang siya sa wala.

Nagkangitian sila ni Ondrea nang makita ang Papa Carlito nila na papalapit sa kanila. He looked young wearing pants and blue polo. Parang batang-bata pa ito. He called the day off para makasama sa pagpapasukat.

"You look young in your outfit, Pa," ani Ondrea rito.

"Thanks, hija. Napapagod na rin naman ako sa kakasuot ng mga pormal na damit. It feels good to try something new," anito sa kanila at pumagitna sa kanilang dalawa ni Ondrea.

Inakbayan silang dalawa ng matanda. Humilig naman sila sa balikat nito. She missed the times like this. Iyong may nilalambing siyang ama. Alam niyang masuwerteng-masuwerte sila dahil natagpuan sila ng isang Carlito Pontillan na labis na nagmalasakit at nagmahal sa kanila.

Nang sabihin nga nito sa kanya na lumiban muna siya sa trabaho ay hindi na siya umangal. Kailangan din naman niya iyon. Mamaya lang ay personal siyang magpapaalam na magbabakasyon muna kay Lei. Well, ilang beses na rin naman itong nag-offer na magbakasyon siya.

"Xynthia, hija?"

Napalingon siya sa ama. "Pa?"

"You look weary. May problema ba?"

"Hay, naku, Pa. Kanina pa 'yan tulala. Ayaw sabihin kung anong problema," ani Ondrea.

Pinandilatan niya ito. Nginisihan lang siya nito at nagpaalam sa kanila ni Papa Carlito na pupunta na muna kina Drew. Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Tell me what's bothering you, hija."

Nakagat niya ang labi sa tanong na iyon ng matanda.

"Pa, I'm... I'm in love..." deretsang wika niya rito at tumingin sa matanda.

Namula pa siya nang bahagya itong tumawa. "Papa naman, eh."

"No, no. I am not teasing you, hija. I am just happy, ngayon pa lang ay excited na akong ihatid ka sa altar. Hindi magtatagal at susunod ka na rin kay Drew."

Muntik na siyang maubo sa sinabi ng ama. May altar pa itong sinasabi, gayong wala na nga siyang matanaw na pag-asa sa kanila ni Denver.

"No, Pa. You're getting too far... wala pong altar. In love lang ako at hindi ikakasal," maluha-luhang wika niya sa ama.

The thought na hindi mangyayaring maikasal sila ni Denver ay parang kutsilyong humihiwa sa sugatan na niyang puso. Kinagat niya ang labi at nagpatuloy sa pagsasalita. Alam niyang gusto pang marinig ng Papa Carlito niya ang iba pa niyang sasabihin.

"Iyon pong partner ko sa huli kong trabaho. Sa kanya po 'ko na-in love. Nakakaasar lang."

Nagpakawala ng mahinang tawa ang matanda. "Parang alam ko na 'yan dahil mula nang dumating ka rito sa bahay, eh, naging malungkutin ka na."

"Para kasing kasabay ng pagtapos ng trabaho namin, natapos na rin po ang sa 'min," aniya habang pigil na pigil ang mapaluha.

"I don't think so, hija. Kagabi nga lang ay nandito s'ya."

Napatingin siya sa ama at napamaang dito. Was he joking? Yeah, he's just joking.

"'Wag niyo naman akong biruin ng ganyan, Pa. I'm serious here."

"Seryoso, hija. Nagpunta siya rito kagabi, but you went to bed early. Hindi ka na namin ginising. I told him to come back today instead."

"Seriously, pa?"

Ngumiti ang ama niya. "Seriously."

"Bakit hindi niyo sinabi sa 'kin?"

"We wanted to surprise you... Baka darating na rin iyon mayamaya lang."

Hindi siya makapagsalita sa sinabi ng ama. She took a deep breath and looked around. Nakangiti sina Drew, Jesse at Ondrea sa kanya. She could not believe it.

Nang tapikin siya ng ama ay tuluyan na siyang napaiyak at yumakap dito. Akala niya ay nakalimutan na siya ng binata. Akala niya ay hindi talaga siya nito pupuntahan.

God... I miss him so much.



NAPABUNTONG-HININGA si Xynthia nang maibaba na niya ang hawak na cell phone. Buong araw siyang naghintay kay Denver pero ni anino nito ay hindi dumating sa bahay nila. Tinatawagan niya ito pero unattended naman. Ang sabi pa ng Papa Carlito niya, baka may inaasikaso lang. Pero ayaw na niyang marinig pa iyon. Umasa siyang darating ito at magkikita sila pero hindi naman nangyari. Hindi na rin yata iyon mangyayari pa.

Naupo siya sa kama niya at tumitig sa dingding ng kuwarto niya. Kung gaano siya tinamaan ng pag-ibig ay ganoon naman kalala ang sakit na nararamdaman niya ngayon. She was really hurting. Palabas lang siguro ng damuhong iyon ang pagpunta sa bahay nila at wala nang planong bumalik.

Pinilit na lamang niyang huwag nang umiyak at pumikit na lamang. Ayaw na niyang ma-i-stress sa pag-iisip kay Denver. Baka hindi na niya kayanin at mag-collapse pa siya.

Kinabukasan ay nagtungo siya sa agency nila. Kakausapin na niya si Lei tungkol sa pagpa-file niya ng bakasyon. She really needed it now.

"'Looking for my cousin?" nakangising wika nito sa kanya nang makapasok na siya sa loob ng opisina nito.

Napasimangot siya sa sinabi ng lalaki. "Anong looking for him? Excuse me. Natanggap mo naman ang text ko, 'di ba? Magbabakasyon na muna ako."

"Sure. Alam ko naman na kailangan mo rin ng pahinga. I'm sure Denver will be happy to know about this."

She rolled her eyes. "Pwedeng huwag mo na siyang isali sa usapan natin, Lei?"

Nagpakawala ng tawa ang binata sa sinabi niya. "May LQ ba kayo?" hirit pa nito.

Muli siyang sumimangot. Wala silang LQ ng lalaki dahil hindi naman sila lovers. Pasimple pa nga niyang inilibot ang mga mata kanina, nagbabakasakaling makita si Denver. Pero wala naman ito roon. Nahihiya na rin siyang magtanong kay Lei. Sigurado siyang hindi magkamayaw na tukso ang aabutin niya rito.

"Thank you nga pala sa napakagaling mong trabaho tungkol sa Goblin, Xynth," anito sa kanya.

"Ang pinsan mo naman ang may malaking nagawa tungkol sa kaso," aniya.

Natawa ito. "Galit ka yata sa kanya?" anito at umiling pa. "May kukunin lang ako sandali, Xynth. Hintayin mo muna 'ko."

Tinanguan niya ang lalaki. Nang makalabas na ito ay napasandal siya sa upuan at hinimas ang sentido. Nakakaloka na ang pinagdadaanan niyang heartache.

Nagulantang ang pagmumuni-muni niya nang biglang inulan ng confetti sa loob ng opisina ni Lei. Napatayo siya at napakunot ang noo. Sinong may birthday? Ilang sandali pa ay nagrigodon na ang puso niya nang makitang lumabas si Denver sa banyo stockroom na nasa loob ng opisina. He was smiling at her.

Napalunok siya upang pawiin ang paninikip ng lalamunan niya. She was happy to see him. Gusto na niya itong yakapin. Pero nang maalala ang sentimiyento niya kanina pa ay pinilit niyang itaboy ang pagkasabik sa binata.

Napasimangot siya. "Nagpaalam ka ba kay Lei na magkakalat ka sa opisina niya? Ano ba 'yon? Confetti? Hindi ko pa birthday."

Nakatawang lumapit sa kanya ang binata. "I wanted to surprise you with a bang, I'm sorry I'm not good at this, love."

"'Wag mo nga 'kong matawag-tawag ng ganyan," wika niya sa binata.

Narinig niya ang malalim nitong pagbuntong-hininga. "Galit ka---."

"Oo, galit ako!" pakli niya sa sasabihin pa sana ng binata. Gusto na niyang ilabas lahat ng saloobin niya rito. Dala ng inis dito. At ang pagka-miss niya sa damuho! "Galit ako dahil miss na miss kita, pero ikaw naman 'tong parang wala lang! Hindi mo nga 'ko mabisita man lang! Hindi mo man lang ako mabigyan ng oras! For a moment I thought we had something! Akala ko papunta na tayo do'n sa romantic stage, eh. Pero hindi pala!" nanggagalaiting wika niya sa binata. Talagang naiinis na siya. Sa pinaghalong labis na pagmamahal at pagkapahiya dahil parang walang katugon na damdamin ang nararamdaman niya.

"Talagang hindi," anang binata mayamaya.

"Aba't---!"

"Hindi na tayo papunta, dahil nasa romantic level na tayo. In a relationship na nga tayo, 'di ba. Pagkatapos, mamaya, engaged na. Kinabukasan, married na."

Napamaang siya sa binata. He wasn't smiling nor grinning. Seryoso lang itong nakatingin sa kanya. As if he meant every word he said. Hell, he looked convincing.

"Patawa ka," wika na lamang niya.

"Totoo 'yon."

Napabuntong-hininga siya. "'Stop showering with your lies and flattery. Kunsabagay ay tapos na ang trabaho natin. Ibig sabihin tapos na rin tayo. 'Know what, lahat ng..." hindi niya maituloy ang sasabihin. Nang tumitig siya sa binata ay matiim din itong nakatitig sa kanya. She sighed. "Lahat ng h-halik na pinagsaluhan natin, importante 'yon sa 'kin, alam mo ba 'yon!"

"Hindi ko 'yan alam kasi wala ka namang sinasabi," anang binata.

"Ako pa ngayon ang dapat na magtapat?"

Sa sinabi niyang iyon ay napangiti ang binata. Damn that smile!

"No, Xynth. I know may pagkukulang din ako sa 'tin. But I had my reason. Ayoko lang na isabay ang tungkol sa 'tin sa tabaho, so I waited for this time to tell you what I feel. Mahal kita, Xynthia. Mahal kita."

Awtomatikong nag-init ang pakiramdam niya sa sinabi ng binata. Kinikilig siya na hindi niya maintindihan.

She calmed herself. "Bakit hindi mo 'ko pinuntahan sa bahay? Bakit hindi ka bumalik katulad ng sinabi ni Papa. Naghintay pa naman ako sa 'yo buong maghapon. Kasi akala ko magkikita na tayo, pagmamahal ba 'yon?"

Sa pagkakataong iyon ay lumapit na sa kanya ang binata at hinawakan ang mga kamay niya. She didn't resist.

"I was doing something. Something that I hope you'll accept."

Nagkatitigan sila ng binata. She was drowning again in his eyes. "What do you mean?"

"I've been busy planning for our engagement."

Napamaang siya sa binata.

Nagpatuloy ito. "Nang dumating tayo rito, kinausap ko na ang agad ang mama 'ko. Nagpaalam na 'ko na papakasalan kita, ipapakilala kita sa kanya mamaya. Ready na ang bahay namin for our engagement party, ikaw na lang ang kulang at ang pamilya mo. And my mom... she's so excited to meet the woman that changed me for the better."

Naghalo ang kilig at pananabik sa dibdib niya. Nananaginip ba siya o ano?

"Bakit parang kampanteng-kampante ka na papayag ako?" nanunuring tanong niya rito.

Ngumiti ito sa kanya. "I am just taking chances. Nakausap ko na rin ang Papa mo, nang gabing magpunta ako sa inyo. Matagal-tagal din kaming nag-usap. He asked me a lot. He really cares about you at gustong siguraduhin na sincere ang intensiyon ko. Gusto pa nga niyang magpasa pa 'ko ng NBI, police clearance at medical certificate."

Hindi na niya napigilan pa ang matawa sa sinabi ng binata.

"But I just showed him the real me. At sa palagay ko naman ay nagustuhan niya ako para sa 'yo."

Umingos siya. "And why the hurry?"

Nahigit niya ang hininga nang lumapit ang mukha ng binata sa kanya at mariing hinalikan ang labi niya. "Sa tingin mo ba papakawalan pa kita?"

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Gusto ko na ngang magpakasal na, kaya lang may ikakasal din pala sa pamilya niyo. So, we have to wait," he smiled at her.

Dahil sa sobrang galak sa mga naririnig ay niyakap niya ng mahigpit ang lalaki. Napaluha na siya. "A-Akala ko, hindi mo 'ko mahal."

Naramdaman niya ang paghalik ng binata sa ulo niya. The same gesture that made her swoon all over him. Ang sarap pala talaga ng may nagmamahal.

"You're wrong, Xynth. Mahal na mahal kita. And I am so glad I found you. You're the missing part of me."

She cried. She was moved by his words. Matapos ang ilang sandaling pagkakayakap niya rito ay nagbitiw na siya. Magkahawak ang kamay na lumabas na sila ng opisina. Doon sila sinalubong ng masigabong palakpakan ng lahat. Sa pangunguna siyempre ng dakila nilang boss na si Lei.

Mamaya ay hindi na siya makapaghintay na umuwi sa bahay nila kasama si Denver--- ang lalaking magiging asawa niya. And she was looking forward to their engagement party, too. And their days together.




Wakas

Continue Reading

You'll Also Like

95.1K 1.6K 10
Hindi matatawaran ang inis na nararamdaman ni Cindy kay Colt tuwing nakikita niya ito. Nalaman kasi nito na pinagpapantasyahan niya ang kaibigan at k...
82.3K 1.5K 10
Isang taon nang kapitbahay ni Cris si Allie pero nagkakasya lang siyang tinatanaw ito mula sa malayo. Para kasing may sariling mundo ito; hindi ito n...
43.9K 791 12
Catchline: "Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong mahal kita. Hindi rin ako nagbibiro nang halikan kita. Pasensiya ka na, hindi ko napigilan ang sari...
1.3M 18.7K 41
Dice and Madisson