Xynthia's Mission To Love (Ra...

By xoKALELxo

71.1K 1.4K 39

(This story contains suggestive language, with 'little' sexual dialogue/situations) *'Little' kasi I'm not s... More

CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN

CHAPTER NINE

5.4K 131 0
By xoKALELxo


NAGMULAT ng mga mata si Xynthia at sinalubong siya ng guwapong mukha ni Denver. Mukhang kanina pa ito gising at tinititigan lang siya.

"'Morning," mahinang wika niya rito. "Anong oras na?"

"Five o'clock," nakangiting tanong nito sa kanya. Nang tingnan niya ito ay nakaligo na pala ang binata.

"Maliligo muna ako sandali, ah. Sandali lang talaga," aniya rito at nagmamadaling bumangon.

"Sure," sagot nito.

Mabilis ang kilos na pumasok na siya sa banyo. Mabuti na lamang at may complimentary na mga hygienic materials ang motel. Habang naliligo siya ay naalala niya ang namulatan kanina. Ngayon pa siya sinalakay ng hiya at pagka-conscious.

Matapos maligo ay doon na rin siya sa banyo nagbihis. Humugot siya ng hininga habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Presko na ang pakiramdam niya. Binuksan na niya ang pintuan at lumabas na roon. Naabutan niya si Denver na tapos ng magligpit ng mga gamit nila.

"Ready?" tanong nito.

Tumango siya at ngumiti rito. He looked so handsome with his white shirt and maong pants. Ruggedly handsome. Dala ang mga gamit nila ay lumabas na sila sa kuwarto at nag-check out na.

Madilim-dilim pa sa labas. Mabuti na rin iyon. Pumasok na sila sa kotse at pinaandar na ng binata ang sasakyan. They were heading to Sitio Balod. Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi sa kanya ni Denver kanina na may mga tauhan na si Lei sa bayan. Naibigay na rin nila ang mga nakalap nilang ebidensiya.

"Pasensiya ka na at naputol ko ang tulog mo kanina," wika ng binata sa kanya mayamaya.

Napatingin siya rito. "Ano ka ba, talaga namang maaga tayong gigising. Saka, I've had enough sleep."

Ngumiti ito ngunit nasa unahan pa rin ang tingin. Napangiti siya sa sarili. Gusto pa yata niyang magtitigan na lamang sila ng binata. Nang may mapadaan sila sa isang fast food chain ay nagyaya itong dumaan sila sa drive thru. Pati rin naman siya ay nagugutom na rin. Maliwanag na ang paligid.

Nag-order ito ng dalawang cup ng kape at dalawang burgers. Pagkatapos magbayad ay pinaandar na uli nito ang kotse.

Napatingin siya sa order nito. "Susubuan na lang kita," aniya sa binata.

Sandali itong tumingin sa kanya at nakangiting tumango. Habang nasa daan ay sinusubuan niya ito at ang sarili niya. And she was enjoying it. Parang mag-asawa talaga ang ganap nila. Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Kung ano-ano ang naiisip niyang ikakasakit din naman ng puso niya.

Pasado alas nuwebe ng umaga sila nakarating sa bahay nila sa Sitio Balod.

Binuksan nila agad ang kanya-kanyang laptop. She checked her files. Hindi pa rin niya mapasok ang worm virus na nasa Goblin. She needed to get in the system. At baka maagapan pa niya ang gagawin ng grupo.

Napatingin siya sa kusina nang makitang nagluluto si Denver. Nakagat niya ang labi. Baka nagugutom pa ito. Hindi man lang niya naisipang magluto na muna.

"Denver, ako na," wika niya rito. "Maupo ka na lang do'n. Pagod ka galing sa biyahe."

Tumingin ito sa kanya. "Akala ko ayaw mo na 'kong ipagluto." Napamaang siya rito. Ilang sandali pa ay ngumiti ang binata sa kanya. "I'm still starving, pwede bang ipagluto mo 'ko, mahal?"

Napangiti siya sa sinabi ng binata. "Oo naman, mura."

Napahagalpak ito ng tawa sa sinabi niya. Nakitawa na rin siya rito. She looked at him laughing. It was full of life. Nama-magnet ang tingin niya kapag tumatawa na ang binata. At ayaw niyang hindi na niya iyon masilayan pa. She wanted to see him everyday... smiling and laughing with her. Siguro kahit na hindi naman siya talented sa pagpapatawa ay pipilitin niya para rito. That was how she was in love with him.

"Doon ka na nga, ako na rito. Tatawagin na lang kita kapag nakaluto na 'ko," pagtataboy niya sa binata.

"No, sasamahan na lang kita."

"Okay..." wika na lamang niya at nagsimula nang kumilos.

"Binabantayan nila ang bayan sakaling umalis si Tomas. Baka malaman niyang nadakip na si Nerissa," anang binata.

"Hindi siya basta-basta makakaalis."

"Palagay ko ay nasa bahay lang siya ngayon."

Napatitig siya sa niluluto niyang sabaw. Sa takbo ng topic nila. Alam niyang hindi magtatagal at matatapos na ang trabaho nila. At iyon ang ayaw na muna niyang isipin. Naiinis siya. Nalulungkot siya. Para kasi sa kanya, nangangahulugan lamang iyon na matatapos na rin sila ng binata. Hindi na sila magkakasama pa. And just the thought of it was killing her. Hindi niya kaya.

"Xynth?"

Napatingin siya sa lalaki. "Bakit?"

"Ang lalim na naman ng iniisip mo."

Pinilit niyang magpakawala ng tawa. "Wala naman. Mga bagay-bagay lang tungkol sa trabaho."

Hindi na rin umimik pa ang binata. Napatungo siya. Damn, she wanted to cry. Parang naninikip ang dibdib niya nang mga oras na iyon.

Napaigtad siya nang maramdaman ang braso ng binata na pumalibot sa kanya mula sa kanyang likuran. Napalunok siya at kinagat ang labi upang pigilan ang nagbabadyang luha niya. Hindi siya iiyak sa harap ng binata.

"Denver, hindi ako makakapagluto nito," wika na lamang niya sa binata.

Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga nito bago ito bumitiw sa kanya. Muli itong naupo sa upuang naroon. Siya naman ay ibinaling na ang atensiyon sa niluluto. Tumunog na ang rice cooker na hudyat na naluto na ang kanin nila. Ang niluluto naman niyang nilagang baboy ay malapit na ring maluto.

Tanging ang pagkalansing ng sandok ang naririnig niya nang mga oras na iyon. Kung ano man ang iniisip ng binata ay hindi niya alam. Although she wanted to know. Napabuntong-hininga siya.

"Parang may problema ka."

Tumingin siya sa binata at todo-iling ang ginawa niya. "Wala, ah."

"Did I say something wrong?"

Muli siyang umiling. "Wala talaga, Denver. Ano ka ba."

"Tao."

"Ha?"

"Sabi mo ano ako, eh, 'di tao."

Natawa siya sa binata. Mabuti pa ito kaunting effort lang ay napapatawa na siya. "Loko ka talaga."

Nang maluto na ang sabaw ay inihanda na niya ang mesa. Matapos iyon ay niyaya na niyang kumain si Denver.

They shared the food. Walang salitang namagitan sa kanila. Parang may bumabagabag sa kanila. Siya, ang binata ang nasa isip niya. Ewan lang niya rito. Baka naman iniisip nito ang mga babaeng makikita nito sa pagbabalik nila ng Maynila. Sumakit ang dibdib niya sa naisip. She hated to think of it. Pero iyon naman yata ang katotohanan.

Hanggang sa matapos sila ay wala na silang imikan. Somehow, nakatulong naman iyon upang makapagmuni-muni siya. Para na rin makalma niya ang sariling nalulungkot. Wala na iyon sa lugar.

Nagpunta na ang binata sa sala. Siya naman ay naiwan doon. Doon na nagsimulang mag-init ang mga mata niya. She was just starting to miss him. Parang pinipiga ang dibdib niya sa kaiisip na hindi na sila magkakasama pa ng binata. Hindi na mangyayaring katulad pa rin sila ngayon kapag nasa Maynila na sila. Magbabago na ang lahat.

Hindi na niya kaya pa ang nararamdaman.

I have to do this. Once and for all.

Humugot na muna siya ng hininga bago nagtungo sa labas. Nag-angat ng tingin si Denver sa kanya. Sandali siyang nawala sa isipan nang matitigan ang guwapo nitong mukha. It had always been that way, she would look at him and in a snap, she was out of her mind.

"Xynth? May kailangan ka?"

Umurong ang dila niya. She silently groaned in frustration and went back to the kitchen. Nakakainis. Naiinis siya sa sarili niya. It would have been so easy and tell him what was bothering her. Pero hindi niya kinaya.

Napaigtad pa siya nang pumasok sa kusina ang binata. Nataranta na naman siya. Mas lalong nagrigodon ang dibdin niya nang hawakan ng binata ang balikat niya at iniharap siya rito.

"You're acting really weird. Alam kong ako ang dahilan," deretsahang wika nito sa kanya.

Napatingin siya rito. "Hindi, 'no."

"Hindi nga ba?"

"Hindi nga," inis na wika niya.

"Tell me that after this."

Bago pa siya makapag-react ay sinalubong na ng mga labi ng binata ang labi niya. He kissed her wildly. Dahil sa ginagawa nito sa kanya ay mas lalo siyang nawalan ng ganang mag-isip. The moment he kissed her, she just felt like shutting up. He kissed her hungrily that she was near to losing her breath. Napaatras sila. Hinawakan ng binata ang pang-upo niya at saka mas lalong inilapit dito. It burned her body. Lalo na at nararamdaman niya ang matigas na 'bagay' na iyon na dumidikit sa tiyan niya.

Nangunyapit siya sa batok ng binata habang sapo ng isang palad nito ang pang-upo niya. Maiinit na sensasyon ang nagwawala sa buong katawan niya. Dahan-dahan siyang iginiya ng binata upang maupo sa mesa. Hindi pa rin naghihiwalay ang mga labi nila. Napaungol siya nang pumaloob sa suot niyang t-shirt ang palad nito. He unhooked her bra and gently squeezed her breast.

Rumagasa ang nakakakiliting sensasyon sa katawan niya sa ginawa nitong iyon. Dahil sa panggigil ay hindi niya napigilan ang sariling kagatin ang labi ng binata.

"Aww..." anito at napaatras.

"S-Sorry..." nakangiwing wika niya rito.

Napatingin ito sa kanya at ngumiti. "Continue," anito at sinakop muli ang labi niya.

Naramdaman niya ang nagmamadaling mga kamay nito na binubuksan ang zipper ng pantalon niya. At nang magtagumpay ito ay dahan-dahan nitong ipinasok ang kamay nito sa loob. He touched her 'there'. She moaned in pleasure. Tinatangay na ng sensasyong bumabalot sa kanya ang katawan at isipan niya. Naroon pa rin ang kamay nito nang kapwa sila gambalain ng pagtunog ng cell phone nito.

Kumawala ito sa kanya. "Baka importante," hinihingal na wika nito sa kanya.

Tumango siya. Nang magtungo na ang binata sa sala kung nasaan ang cell phone nito ay nagmamadaling inayos niya ang sarili. Nag-iinit pa rin ang pisngi niya.

She sighed. Nakalimutan niyang nasa trabaho sila. She should have stopped him.

Ngayon pa? Ngayon mo pa naisip 'yan?!

Naupo siya sa upuan. Nahihiya na siyang humarap pa sa binata. Nang balikan niya ang nangyari ay mahina siyang napamura. Kung hindi pa sila naputol dahil sa tawag ay malamang na na-devirginized na siya ngayon. She found herself absurd. Makakaya pala talaga niyang ibigay ang sarili sa binata. Ganoon na niya ito kamahal. And it scared her. It was just... out of her control.

"Xynth?"

Napaigtad siya nang makitang nasa harap na niya si Denver. Hindi niya namalayang tapos na ito sa pakikipag-usap sa cell phone.

"Sino 'yon?" tanong niya.

"Si Aik, may dalawang miyembro raw ng Goblin sa bayan. Kailangan nating bantayan si Tomas."

Napatango siya. "Okay."

She was still affected about what happened.

Hindi na sila nakatulog nang gabing iyon. Panaka-naka silang lumalabas upang tingnan ang bahay ni Tomas. At baka umalis ito.

Nang mag-umaga ay maghahanda na sana sila ng agahan nang marinig nila ang pagharurot ng isang sasakyan. Nang tingnan nila sa bintana ay nakita nilang sasayan iyon ni Tomas.

Nagmamadaling kinuha ni Denver ang susi ng kotse.

"Stay here, okay. Just contact Lei. Kailangan kong mahabol si Tomas," anito sa kanya.

"Pero---."

"No more arguments, Xynth. I'll be back..." anito at mabilis siyang hinalikan sa labi.

Lumabas na ito ng bahay. Narinig niya agad ang pag-andar ng kotse. Napatingin na lamang siya nang umalis na ang sasakyan. Tinitigan niya ito hanggang sa mawala na sa paningin niya.

Napabuntong-hininga siya at naupo na lamang doon. She wanted to go with him. Naiinis siya dahil heto siya sa loob ng bahay. Naghihintay ng balita at kinakabahan dahil sa pag-aalala kay Denver. Mabuti sana kung kasama siya nito. She sighed. Naninikip ang lalamunan niya sa pag-aalala sa binata.

God... please don't let anything happen to him. Mahal na mahal ko ang lalaking 'yon at gusto ko pang magkaroon kami ng happy ending.

She closed her eyes. Kanina lang ay puno ng ligaya ang dibdib niya. Yes, she wanted their happy ending. Pero wala naman iyong kasiguraduhan dahil alam niyang hindi siya pwedeng umasa na lang sa kaliit-liitang pag-asa na gusto niyang isipin. Nahilamos na lamang niya ang mga palad sa kanyang mukha.


MARIING nakahawak si Denver sa manibela. Nasa unahan niya ang mabilis din ang takbo na si Tomas. Alam niyang alam nito na sinusundan niya ito. Hindi ito sa bayan dumeretso. Doon ito dumaan sa kalyeng palabas na ng Batanes. Napatiim-bagang siya nang mas lalo pa nitong bilisan ang pagpapatakbo.

Na-kontak na niya ang mga tauhan ni Lei na nasa bayan. Sinabi niya sa mga ito kung nasaan sila ni Tomas. Sigurado siyang nakasunod na ang mga ito sa kanya mayamaya.

Hindi na rin niya maiwasang mag-aalala kay Xynthia na naiwan niya sa bahay. Pero ayaw din niyang isama ito at baka magkaroon pa ng barilan. He wanted her to be safe. Iyon ang mas nagpapanatag ng loob niya.

Hindi niya kakayanin kapag may nangyaring masama sa babaeng mahal na mahal niya. He loved her. Kung kailan iyon eksaktong nagsimula ay hindi na niya alam. Basta nagising na lamang siya isang umaga na hinahanap ang dalaga. Hinahanap na ng puso niya si Xynthia. That was the cheesiest part. But he didn't care. All that mattered to him was her. Pagkatapos ng lahat ng iyon ay kakausapin niya ito. He would tell her how much he loved her. Alam niyang sa mga nakalipas na araw ay naguguluhan na ito. He would make up to her.

He was beyond happy because of her. Sa buong buhay niya ay noon lamang niya naranasan ang ganoon klaseng pagmamahal. Iyong hindi na niya kayang mawalay man lang kahit isang saglit ang babae sa paningin niya. And she was the woman he had been looking for. She was the one who he had been dreaming taking to the altar.

At para maayos ko na ang lahat sa 'min, aasikasuhin na muna kita, Tomas.

Malayo na sila sa sentro. Puro gubat na ang nadaanan nila. Kumambyo siya at kinabig ang manibela. Nang maabutan niya ang kotse nito ay pakabig niyang ibinangga iyon sa kotse ng lalaki.

Galit na tumitig ito sa kanya. Naalarma siya nang ilabas nito baril at pinaputukan siya. Tumama iyon sa unahan ng kotse niya. Nag-over take na ito. Pinaputukan pa uli nito ang kotse niya. He gritted his teeth. He had no plan of dying without telling Xynthia that he loved her. That was the biggest reason he was there.

Kinuha niya ang baril na nasa tabi niya at gumanti ng putok sa lalaki. He was eyeing for his wheel. Mabilis siyang yumuko nang paputukan na naman siya nito.

Sa muling pagtira niya ay tumama na iyon sa gulong ng kotse ng lalaki. Sumadsad ang kotse nito sa gilid. Nag-preno siya at nagmamadaling lumabas sa kotse niya. Ngunit nakababa na rin si Tomas at nakatutok din sa kanya ang hawak nitong baril.

"Putang ina mo, Ivan. Ako pa itong iisahan mo," galit na wika nito sa kanya.

"Trabaho lang, Tomas," sagot niya.

Hinihingal na hinigpitan niya ang hawak na baril.

"Sinong nag-utos sa 'yo?" pasigaw na wika nito sa kanya.

"Gusto mong malaman?" pang-uuyam niya sa lalaki.

"Putang-ina mo!"

Napailing siya. "Relax ka lang. Ang totoo, ang hairdresser mo ang nag-utos sa 'kin."

Mas lalong nagalit ang lalaki sa sinabi niya. Well, he was bald.

Nang ipaputok nito ang hawak na baril ay mabilis siyang umilag. Ngunit bago pa nito iyon masundan ay dumating na ang mga tauhan ni Lei. Pinaputukan pa nito ang mga dumating. Nagpaputok na rin ang isa sa mga ito. He was shot in his arms. Nabitawan nito ang hawak na baril.

Nakagat niya ang labi nang maramdaman ang hapdi sa kanang braso niya. Nadaplisan siya kanina.

Agad na dinampot ng mga ito si Tomas. He looked at his wounds. Atleast it wasn't that fatal. Buhay pa rin siya. 

Continue Reading

You'll Also Like

90.3K 1.6K 18
MINSAN LANG KITA IIBIGIN ( Scandal book 3 ) Written by Ginalyn A. JAKE RAMIREZ isang sikat na Civil Engineer sa Canada pati narin sa ibat ibang bansa...
56.5K 1K 10
"Kung katawan lang ang habol ko sa 'yo, hahabulin pa kita lalo para makuha ko ang puso mo... Because you already got mine." Pangarap ni Valiana ang m...
25.5K 617 36
Namulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngu...