Scribbled Metaphors

By esotericreverie

797 92 124

Pages covered with random scribbles that may or may not entertain you. Technically, a collection of one-shot... More

Scribbled Metaphors
ⅰ.
ⅱ.
ⅲ.
ⅳ.
ⅴ.
ⅵ.
ⅶ.

ⅷ.

39 4 2
By esotericreverie

Bisperas ng pasko na naman at heto kami ng kapatid kong si Kael, naghihintay sa mga pinsan naming lagi na lang late. Ganito lagi ang scenario namin taon-taon. Nakaugalian na rin kasi naming magpi-pinsan na sabay-sabay dumalo sa huling araw ng simbang gabi. Nagtataka siguro kayo kung bakit huling gabi, eto lang kasi ang araw na kumpleto kami. Sa ibang bayan kasi nagtra-trabaho ang iba sa amin kaya 'di namin magawang ma-kumpleto.

Naramdaman ko ang biglang pag-vibrate ng cell phone ko, akala ko naman isa na sa mga pinsan ko ang tumatawag, 'yon pala si Liza lang. Kinancel ko ang tawag niya saka siya itinext. Matagal pa naman bago magsimula ang simba kaya pwede pa akong makipag-kulitan sa text.

"Ate..." Napalingon ako kay Kael. "Nasaan na raw sila Ate Cami?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. I-text mo nga sila." Saad ko nang hindi inaalis ang tingin sa screen ng cell phone ko.

"Iniwan ko ang cellphone ko. Ikaw na lang." Napalingon ako kay Kael at ang magaling kong kapatid naglalaro sa Switch niya.

Napailing na lang ako. Hindi na talaga nahiwalay sa kapatid ko ang laruang 'yan, simula noong bilhan siya nila Mommy. Kaysa makipagtalo ay ako na lang ang nag-text sa mga pinsan ko dilang ako na rin ang nakalabas ang cellphone.

Tumipa ako ng mensahe. Sinabi ko na rin na nasa parking lot pa rin kami at naghihintay sa kanila. Pagkatapos kong ma-send ang message ko sa mga pinsan ko ay nagulat ako nang biglang rumehistro ang pangalan niya.

Ano naman kaya ang kailangan ng lalaking 'to?

"Kael, labas lang ako." Itinuro ko ang hawak kong cellphone. Kunot-noo'ng napatango naman ang kapatid ko sa akin.

Paglabas ng sasakyan ay agad-agad kong sinagot ang tawag.

"Ano na naman?!" Pagalit kong sabi sa nasa kabilang linya.

'Grabe ganyan na pala ang bagong paraan ng pag-hello sa telepono.' Umikot yata hanggang sa likod ng ulo ko ang mga mata ko nang marinig ko ang tawa niya.

"Pwede ba, Cyrus, tigil-tigilan mo muna ako kahit ngayon lang. Ayokong masira ang araw ko, paskong-pasko."

'Fine, fine. Ikaw 'tong mainit agad ang ulo.'

Napahinga ako ng malalim. Kahit kailan talaga wala ng ginawang ikatutuwa ko ang lalaking 'to. Kung hindi laging nakabuntot sa akin sa eskwelahan ay lagi naman akong iniinis sa social media o kaya sa text at tawag. Hobby yata nito ang inisin ako.

'Nasa simbahan ka na ba?' Kumunot ang noo ko at napalingon-lingon sa paligid. 'May ibibigay sana kasi ako sa'yo bago ako umalis.'

Anong ibig sabihin niyang aalis? Sabagay bakasyon pa naman hanggang mid-January. Wala naman sigurong mawawala sa akin kung hindi ko siya susungitan kahit ngayon. Pasko naman, e. Tumikhim muna ako bago muling nagsalita.

"Yeah, nasa simbahan na ako. Hinihintay ko lang sila, Ate."

'Okay. See you later then.'

Pumasok akong muli sa sasakyan pagkatapos ng tawag. Ano naman kayang ibibigay sa akin ng lalaking 'yon? Siguraduhin lang nang isang 'yon na hindi na naman 'to prank at talagang tutuluyan ko siya.

"Sinong kinausap mo sa telepono, Ate?" Binigyan ako ng nagtatakang tingin ng kapatid ko. "Kailangan talaga lumabas pa ng sasakyan."

"Si Cyrus." Binigyan ako ng makahalugang tingin ng kapatid ko pero 'di ko na lang pinansin. Madalas kasi niya akong kay Cyrus. Kesyo may gusto raw sa akin ang huli kaya laging nagpapa-pansin sa akin.

Naramdaman ko ang muling pag-vibrate ng cellphone ko. Akala ko ay ang ungas na namang 'yon ang tumatawag pero pangalan ni ate Cami ang nasa screen.

'Sorry Kitty, male-late kami ng kaunti. Ang tagal kasi magbihis ni Mika!' Halos ilayo ko ang cellphone ko sa tainga dahil sinigaw ni ate Cami ang huling sinabi niya. Napailing na lang ako.

"Ayos lang, ate. Hindi ka na nasanay d'yan kay Mika, kailan ba naging mabilis sa paghahanda 'yan?" Natatawang sagot ko.

'Hay nako, Kitty. Buti na lang at hindi mo kami sinundo at baka makunsumisyon ka rin katulad namin. Kanina pa nga sinasabihan ni Mommy na bilisan niya. Dios mio.'

"Magco-contour pa 'yan, Ate."

'Subukan lang niya at iiwan na namin siya ng tuluyan. Kalahating oras na lang magsisimula na ang misa. Hindi ko na tatanungin kung maraming tao kasi sigurado akong marami na.'

Natatawang napailing na lang ako. Hindi na talaga nagbago si Mika. Siya ang laging nahuhuli sa tuwing may lakad kami. Buti na nga lang at hindi namin siya naiisipang iwan, well, maliban sa isang pagkakataon.

'Finally, Mika!'

"Sige na, Ate Cami. Hihintayin na lang namin kayo rito."

Binaba ko ang telepono ko saka inaya si Kael na bumaba na ng sasakyan. Sayang kasi sa gasolina dahil hinayaan ko lang na nakabukas ang makina dahil sa aircon. Buti sana kung pinupulot ko lang ang pang-gasolina sa sasakyan.

"Ang kuripot mo talaga, Ate." Napapailing na bumaba ng sasakyan ang kapatid ko hawak ang pinakama-mahal niyang Switch.

Sumunod naman ako sa kanya at nagulat na lang ako nang biglang may umakbay sa akin.

"Namiss kita, Kiara ko." Halos pangilabutan ako nang marinig ang boses na kausap ko lang kanina sa telepono.

Marahas kong inalis ang kamay niya sa balikat ko at hinarap siya. "Wow, ang bilis mo naman yatang nakarating dito Mr. Galvez?"

"Alam mo namang kung ikaw ang dahilan mabilis ako lagi."

Tinalikuran ko na lang siya saka pumunta sa likod ng sasakyan para madaling kong makita sila Ate Cami pagdating nila. Maiinis lang ako lalo kapag sinagot ko pa ang isang 'yon. Kahit kailan talaga ang taas ng self-confidence, nakakatangay.

"Kahit kailan talaga napakapikon mo." Naramdaman ko ang presensiya niya sa likuran ko. "Mami-miss mo rin ako."

"May sinasabi ka?" Liningon ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Wala." Nginitian niya ako saka pinisil ang ilong ko.

"Ano ba!" Tinabig ko ang kamay niya saka tumalikod ulit.

Wala na kaming imikan pagkatapos noon. Pakiramdam ko tuloy biglang naging awkward ang paligid. Ako nakahalukipkip habang palinga-linga sa paligid at siya prenteng nakatayo lang sa likuran ko. Kaya naman laking pasasalamat ko nang dumating sila Ate.

"Kitty!" Yinakap agad ako ni Ate Cami nang makita niya ako. "Namiss kita. Isang taon rin kitang hindi nakita."

Nginitian ko naman siya. "Oo nga, ate. Dalasan mo kasi pag-uwi mo dito."

"Wow ha. Ano 'yan parang Philippines to Hong Kong lang ang layo ng California, ganun?" Natatawang sagot niya sa akin. "Teka... Sino naman 'tong nasa likod mo?"

I groaned. Muntik ko ng makalimutan na may ungas nga pala sa likod ko. "I'm Camille. Kiara's cousin. You must be her boyfriend."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Ate. Ita-tanggi ko sana ang akala niya pero halos mapa-facepalm ako nang tinawag niya ang iba ko pang pinsan a.k.a her sisters.

Gusto kong magpalamon sa lupa nang pinalibutan nila kami ni Cyrus. Napatingin naman ako sa paligid para hanapin ang kapatid ko at ang loko, nakasandal sa katabi naming sasakyan at nakakalokong nakangiti sa akin. Mukha siyang tuwang-tuwa sa nakikita. Lagot siya sa akin mamaya.

"Nagdadalaga na talaga 'tong si Kitty oh." Si Mika.

Tinignan ko si Cyrus at ang loko mukhang tuwang-tuwa sa sinasabi ng mga pinsan ko. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay pinandilatan ko siya pero ang loko kinindatan lang ako. Kung wala lang talaga kami sa harap ng simbahan baka nasakal ko na ang isang 'to.

"Oh sya, tama na 'yan at magsisimula na ang misa." Napatingin ako sa pinagmulan ng boses at halos magpasalamat ako nang makita si Tita Amy, mommy nila ate Cami. Pero nang mapatingin siya sa akin ay makahulugang tingin ang binigay niya sa akin. Napabuntong-hininga na lang ako.

At dahil maraming tao, siksikan ang loob ng simbahan. Kung hindi nga lang namin kasama si tita ay mas gugustuhin ko na lang na sa labas kami, rinig naman ang sinasabi ng pari mula doon. Ilang beses din ako muntikang matumba pero sa tuwing mabubuwal ako ay may umaalalay sa akin. Ayoko nang sabihin kung sino dahil alam ko namang kilala niyo na.

Pakiramdam ko mas lalong sumikip at uminit sa loob ng simbahan nang maramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Sisitahin ko sana siya kaso nauna na siyang yumuko at bumulong sa akin.

"Ayaw kong nakikita kang nasasaktan kaya hayaan mo na lang ako. Kahit ngayong gabi lang tayo hindi magbangayan, Kiara."

Napabuntong-hininga na lang ako. He has a point. Kung hindi dahil sa pag-alalay niya sa akin ay baka kanina pa ako natumba o ano pa man. Pero natigilan ako nang mapagtanto ang una niyang sinabi. Anong ibig sabihin niyang ayaw niya akong nakiktitang nasasaktan? Lilingunin ko na sana siya para tanungin pero inakbayan niya ako saka muling iniharap.

"Sshh... Makinig ka muna sa sinasabi ng pari."

xxx

Pagkatapos ng misa ay halos magtulakan ang mga tao palabas ng simabahan. 'Di ko mapigilang mairita, pagkatapos nilang magsamba ay lumalabas agad ang mga tunay na ugali. Kainis. Buti na lang at nakahawak ako sa braso ng kapatid ko at hindi ako natangay.

"Ibang klase din manermon si Father, halos isang oras yata 'yong homily niya," saad ni Mika.

"Kaya nga. Buti na lang nakatayo tayo, kung hindi baka nakatulog ako." Si Jin.

"Oh Kitty, nasaan na 'yong boyfriend mo?" tanong sa akin ni Ate Cami.

"Oo nga. H'wag mong sabihing pinaalis mo agad? Ang sama nito."

"Hindi ko siya boyfriend, okay? 'Di niyo man lang kasi ako pinagsalita kanina. Hay nako."

"What? Hindi mo siya boyfriend?"

"Hindi nga. Ang kulit naman, Mika."

"So manliligaw pa lang?"

"Ate Cami!"

"Fine. Fine. Hindi na kung hindi. Sungit nito."

"Kaya siguro hindi pa nagkaka-boyfriend ulit."

"Jin!" Ayoko lang masaktan ulit kaya hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend. Napailing ako. Kanina ko pa gustong sabunutan sarili ko sa kulit ng mga pinsan ko. "Hay nako, nasaan na ba si Ate Mae? Nasa sasakyan 'yong hinihiram niyang camera ko."

"Kasama yata niya si Mommy bumili lang ng inumin," sagot sa akin ni Mika. "Pero speaking of your guy friend. Oh! Hindi boyfriend ha!" Pinandilatan ko si Mika. "Where is he din?"

Napalingon ako sa paligid. Oo nga. Ang alam ko ay nasa likod ko lang ang isang 'yon. Saan naman kaya nagpunta 'yon? Itatanong ko pa sa kanya kung anong ibig sabihin nang sinabi niya sa akin kanina. At sa pagkakatanda ko ay may ibibigay daw siya sa akin tapos ngayon, biglang mawawala.

"Baka may pinuntahan. At bakit niyo naman siya hinahanap?"

"Wala lang. I-invite sana namin siya sa Noche Buena natin." Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Ate Cami. Seryoso ba siya sa sinabi niya? "What? Wala namang masama dun, right? Plus ang alam ko pupunta rin ang boyfriend ni Mika at isang friend ni Jin. Baka ma-out of place ka ikaw rin." Kinindatan ako ni Ate Cami saka nginitian.

"Hindi ako maa-out of place, andun naman si Kael at Ate Mae."

"Sabi mo, e. Tara sa park, mas maganda view ng fireworks doon."

Nasa tapat lang ng simbahan ang park na sinasabi ni Ate Cami. Konti na lang din ang tao sa may simabahan dahil ang iba ay nagsipag-punta na rin sa park para mapanood ang fireworks display. Pero laking gulat ko nang biglang may babae'ng sumulpot sa harap ko nang palabas na kami ng gate. Muntik ko na ngang masapak dahil sa gulat.

"Para sa'yo raw po." Kunot-noo'ng tinitigan ko ang hawak niyang kulay puting rosas. Nang hindi ko inabot agad ay kinuha ng babae ang kamay ko saka linagay doon ang hawak na bulaklak. "Sagutin mo na agad, ate. At baka hindi ka na makakahanap nang katulad ng lalaking nagbigay niyang rosas."

Pagkatapos sabihin ng babae 'yon ay bigla na lang itong tumakbo. Hindi man lang niya ako hinayaang magsalita. And what the hell is she saying? Itatapon ko na sana 'yong rosas pero piniglan ako ni Ate Cami.

"Grabe ka, Kiara. Sayang naman 'yong bulaklak kung itatapon mo lang. Teka..." Inabot niya ang hawak kong bulaklak at tinignan ang nakasabit doon. Note?

"Meet me at the playground area before the fireworks. I will wait for you. –Cyrus" Halos mabingi ako nang biglang tumili si Ate Cami pagkatapos basahin 'yong note. "Ito ba ang hindi mo boyfriend? Tigilan mo ko, Kiara!"

"Hindi ko nga siya boyfriend, Ate. Ang kulit naman." Laking pasasalamat ko at nauna sila Mika sa amin kung hindi nabasag na ang ear drums ko. Idagdag mo pa na uulanin na naman nila ako ng mga tanong.

"Whatever. Tara, puntahan na natin siya at malapit na magsimula ang fireworks display."

"Ayoko nga! Kung gusto mo ikaw na lang pumunta doon, Ate." Nagsimula akong maglakad papunta sa kabilang direksyon ng playground. Pero nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Ate Cami. "Ate! Ano ba!"

"H'wag ka ng maarte, Kiara! Pasko naman ngayon, kung hindi mo man siya boyfriend, fine, eh di hindi. Wala namang mawawala sa'yo kung pupuntahan mo siya doon." Akala mo lang wala, Ate, pero meron. "Pagbigyan mo na, Kitty..."

Napabuntong-hininga ako saka tumango. Fine. Pasko naman kaya pagbibigyan ko ang lalaking 'yon sa kalokohan niya. Kasama kong naglakad si Ate Cami papunta sa playground. Nakita ko pa siyang ilinabas ang cellphone niya. Tinext siguro niya sila Mika at baka hanapin kami.

Pagdating namin ng playground ay mas lalo akong nainis nang makitang walang tao doon. Sinasabi ko na nga ba. Lagot ka talaga sa akin, Cyrus Galvez!

Liningon ko si Ate Cami para sana sabihan siyang umalis na kami pero laking gulat ko nang hindi ko siya nakita sa likuran ko. Mas nagulat ako nang biglang pumailanlang ang isa sa mga paborito kong kanta. What the effin' hell is happening? Nagpalinga-linga ako sa paligid at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Cyrus na nakasandal sa isang kulay itim na sasakyan. He's smiling at me.

"Anong kalokohan na naman ba 'to, Cyrus!" Pakiramdam ko ay iiyak na ako ilang segundo mula ngayon.

Pero imbes na sagutin ako ay unti-unti siyang naglakad papalapit sa akin. Leche. Para kaming nasa isang eksena sa mga paboritong k-drama ni Mika. Pakiramdam ko biglang nag-malfunction ang sistema ko habang nakatingin sa kanya. Ang lakas ng kabog ng puso ko sa dibdib ko. Pakiramdam ko, kapag gumalaw ako mula sa kinatatayuan ko ay bigla akong babagsak.

"Tsk. Sinaktan na naman ba kita?" Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako nang hindi napapansin. "I'm sorry, Kiara."

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. "Te-teka, Cyrus." Pilit ko siyang itinutulak palayo sa akin pero hindi siya natitinag.

"Kahit ngayong gabi lang, Kiara. Hayaan mo akong gawin 'to."

"Cyrus..."

"I promised myself that I won't make you cry but I failed. Ilang beses na ba kitang napaiyak? Siguradong maraming beses na lalo na sa mga ginawa ko sayong pranks." Nakagat ko ang ibabang labi ko. "I'm so sorry for all of that, Kiara."

"I just want to ease your pain ng iwan ka ng gagong kaibigan ko. I shouldn't have let him court you. Kung hindi sana ako nagparaya noon, siguro hindi mo naranasan ang mga sakit na binigay niya sayo. I'm so sorry, Kiara."

Sandali akong natigilan.

"What the hell are you saying?" Mahinang bulong ko sa kanya. Para akong nanghina sa narinig. Marahan siyang kumalas sa pagkakayakap sa akin.

"I shouldn't be saying this but I think you deserve to know the truth." Hinawakan niya ako sa pisngi at marahan itong hinaplos. "Rico told me that he really likes you, that he wanted to court you. Nagulat ako nang sinabi niya iyon sa akin. Kung kailan handa na akong magtapat sayo at ligawan ka rin sana ay saka pa niya pinagtapat 'yon sa akin."

"Nagparaya ako kasi ipinangako niya sa aking hinding-hindi ka niya sasaktan. Pero makalipas ang mahigit dalawang taon, bigla ko na lang nabalitaan na naghiwalay na kayo. Hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan nang mabalitaan ko 'yon. I felt happy because finally you broke up but I felt guilty because I felt that way. I'm sorry, Kiara."

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Holy fuck! Tumayo ka d'yan, Cyrus!" Sigaw ko sa kanya. Nagpalinga-linga din ako sa paligid at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ang mga pinsan ko at kapatid ko na nanonood sa amin. Idagdag pa sa kahihiyang nararanasan ko ngayon ay nandito din sila tito ang tita, and worst, my parents are here.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako kay Cyrus na hanggang ngayon ay nakaluhod sa harap ko. Oh shit. The freaking butterflies in my stomach are starting to flutter their wings again. It makes me feel like I'm going to puke.

"I know how you feel about me, Kiara." Ilinabas niya ang isang maliit na notebook mula sa likuran niya at halos himatayin ako nang makita kung ano 'yon. How did he get my diary? Napatingin ako sa likod and my brother smirked at me. That! "Don't be mad at him. I made him to do it. And the feeling is mutual, Babe. I love you too."

"Wh-what did you say?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"I love you..." Naramdaman ko na naman ang muling pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

"Please don't say that if you don't mean it."

"I won't do this if I don't mean it." Inilabas niya ang isang kulay itim na velvel box mula bulsa niya. I don't need a high IQ to know what is inside it. Narinig ko ang tili ng mga pinsan ko mula sa likod.

"Say yes, Kitty! Kung hindi sasabunutan kita!"

"H'wag ka ng magpakipot, Kiara!"

"Cy-Cyrus." Nagpalipat-lipat ang tingin ko mula sa laman ng maliit na kahon na hawak niya at sa mukha niya. Hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari ito ngayon sa akin.

"Nakakangawit lumuhod dito, Babe. So anong sagot mo?" His smile almost melted my heart but then I remembered something.

I smiled at him. "Ni hindi mo nga ako girlfriend tapos may singsing agad..." Pinitik ko ang noo niya. "Manligaw ka muna, ungas!"

Pagkasabi ko noon ay biglang nagliwanag ang kalangitan kasunod ang nakakabinging pagsabog ng mga fireworks.

Continue Reading

You'll Also Like

20.5M 505K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
2M 32.4K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
134M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...