HOYA ♥
"Hoya, nasa baba na si Krisy." Sumulpot si Myungsoo sa pintuan
"Ah, sige. Salamat sa pagpapasok sa kanya." Ginulo ko ang buhok ni Myungsoo bilang pasasalamat. Naglabas siya ng 'Mmmm.' na tunog bago tumango. Kumunot ang noo ko, sa pag-kaka alala ko ay pumunta raw si Minchan dito sa bahay namin nitong isang araw lang. May nangyari kaya?
Pare-pareho na kasi sila ni Sungyeol at Sungjong. Kung hindi nakatulala, natutulog naman. Tapos kung hindi natutulog ay nagbibusy-busyhan. Si leader Gyu naman halos mamuti na ang buhok sa kakabawal saming anim Nakaka-awa na lagay ng infinite..
"May kailangan ka pa ba?" Tanong ni Myungsoo.
Lumalala na rin yung mga issue na binabato samin ngayon. Double hit na kay Sungyeol na nasabihan na two-timer matapos ianounce na engaged na siya sa babaeng may apilyedong Go. Si Woohyun naman ay binansagan na na kasama sa mga sikat korean stars na nakabuntis, naging official Namstar na siya.
Dongwoo, sa kabilang banda naman ay halos maign taong kwarto na, kayaga papala ni Sungjong ay naka-enkwentro nila ang mga magulang ng mahal nila. Guess what, parehong ayaw sa kanilang dalawa. Nagawa pa ngang tawagin ng maknae si Dongwoo nang isa sa mga lumang nicknames nito na 'Stupid baby chick' nang malaman niya na halos pareho lang sila ng lagay.
Kay Gyu? Wala akong ibang nalalaman. Maliban nalang na halos atakihin na siya sa puso nang makita ang pasa sa mukha ng maknae, kahindik-hindik na pamulala ng mata ng dinosaur at bakat ng palad sa mukha ng visual namin.
"Wala na, salamat ulit." Bumalik na siya sa kwarto niya at muli kong binilang ang bag ko. Sigurado na ako na kumpleto na ang mga kailangan ko kaya pinuntahan ko na si Krisy sa baba.
Gaya ng dati ay kumakain nanaman siya. Samut-saring matatamis at malalambot na pagkain ang naka latag sa coffee table sa sala namin-- lahat paborito niya. Paano kaya nakakayanan ng katawan ni Krisy na kumain ng ganyan karami nang hindi lumulobo ang katawan niya?
(゜。゜)
"Dongwoo-ya, Gusto mo?" Isinubo sakin ng babaeng mahal ko ang isang gummy bear.
"Nakaimpake ka na ba?" Usisa ko sa kanya
"Oo, okay lang ba talaga na sumama ako?" Nakangusong tanong ni Krisy sakin. Sinubuan ko rin siya ng pagkain. Pabusangot na nginuya ni Krisy yung sinubo ko sa kanya. Halatang-halata ko na nag-aalala siya.
"Excited na sila." Pag-aasure ko sa kanya. Nakaabot na rin sa mga magulang ko lagay ng grupo namin. Siguro dahil sa sobrang dami ng masamang balita eh napagdesisyunann nila na pauwiin muna ako. Pumayag naman si CEO hyung sa desisyun nila eomma.
Pinaalala rin sakin na isama si Krisy, madalas ko siyang naikwekwento sa kanina, para naman daw malaman nila yung dahilan kung bakit lagi na akong nakangiti. ♥(ˆ⌣ˆԅ)
Kaso pakiramdam ko yung ngiting to mawawala. Kailan pa ko nagka-6th sense?! Aish
"Uy, Nalipat ata sayo yung kaba ko?" Iwinasiwas ni Krisy ang kamay niya para kunin ang atensyon ko. I tilted my head NO. Ayokong makihalo sa panlulumo ng mga kasama ko ngayon
"Magdate nalang muna tayo~" Hinawakan ko sa kamay si Krisy at niyaya palabas.
"E-eh? Diba pinagbawalan kayo na gumala ngayon? Tyaka halos isang oras nalang aalis na yung bus.." Tuloy tuloy na pag-sasalita niya.
Napangisi ako, hindi lang talaga sila magkamukha ni Lala kundi iisa lang talaga sila. Kahit na inosente sa maraming bagay ay lalabas yung mature side niya sa tuwing kinakailangan, It is not a sin to fall inlove again with this kind of girl.
"Kailan ka pa naging kontra sa pagdadate Krisy?" Saktong pagkasabi ko nito ay ngumiti si Krisy.
Napagdesisyunan namin na bisitahin ang isa sa pinaka importanteng lugar dito bago pansamantalang umalis. Hindi na ako nag-paalam kila granpa Gyu, saglit lang naman kami tyaka medyo malapit lang naman pupuntahan namin.
Pagababa namin ng bus ay napahinto agad kami ng may makitang stand ng pagkain si Krisy. Hinatak niya yung sleeve ng damit ko at tinuro yung stand ng malamig na pagkain. Seriously, kailan kaya mabubusog to?
"Hoya, ano tawag doon?" Tanong niya
"Scramble, Bili tayo." Naglakad ako papunta doon sa stand at bumili. Bumuntot lang siya sakin. Nakakatuwa siya haha. Nakikita ko rin yung kislap sa mata niya tuwing natutuwa siya sa isang bagay.
Na kalimitan ay sa bagay na nadidigest niya ipinapakita.
Pagkabigay sakin ng tindero ay sumungab si Krisy sa pagkain na siya namang inilayo ko.
"Yah! Andaya nito." Ngumuso si Krisy, Hindi kasi mapag-kakaila na mas matangkad ako sa kanya kaya hindi niya maabot yung scramble.
"Say the magic word!" Pang-aasar ko. Lumalabas talaga ang tunay na ugali ng isang tao kapag kasama niya ang mga importanteng tao sa buhay niya. Nagiging cheesy nanaman ako oh (-_-). Balik tayo kay Krisy..
Alam kong hindi niya yung masasabi
Lalo na at nasa open na lugar na kami
HAHA (⌒▽⌒ )
"I love you. L-OV-E~" Naghandsign si Krisy sabay smile sa akin na naging dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko. Nalaglag yung pagkain sa kamay ko.
TEKA TEKA! Namumula ba ako? Tinignan ko ang kamay ko, kakulay na ako ng Strawberry!
.
"Wah! Lee Howon, nilaglag mo yung scramble!" Nakakunot noong tingin siya sa sramble na nakakalat sa sahig
"S-sorry.. Ginulat mo kasi ako." Kamot ulo kong sabi
"Eh sabi mo sabiihin ko yung magic word!"
"Oo nga! pero hindi ko naman akalain na masasabi mo talaga!"
"Palitan mo yung scramble!"
Magkadikit na yung noo namin ni Krisy at nag-susukatan kami ng tingin. 5 meter sakin 1 meter yung kanya- este nagkaroon ng mini gyera sa pagitan ng mata namin na hindi nagtagal. Napahalakhak ako ng sobra, Hay ang sarap talaga tumawa. Maya-maya ay tumawa na rin si Krisy
"Lulutuan nalang kita ng noodles pagdating natin sa bahay ha? Punta na tayo sa may padlock." Pang-aaya ko sa kanya
"Okay!"
Nagpunta na kami sa gilid ng park. Eto yung lugar kung saan nilagay ni Lala yung padlock na may pangalan namin ni Krisy, hindi kasi kami nakapunta doon sa Namsan tower (Kung saan talaga nilalagay ang padlocks ng lovers) dahil ayaw ko.
Katulad rin naman ng lugar na to yun eh, parehong pareho ng ambiance. Kaonti nga lang yung tao dito sa park na ito hindi gaya ng sa Namsan.. at kami lang ang naglagay ng padlock dito. Nakakadagdag din sa magandang mood ang malalim na bangin sa kabilang side ng mga harang. Maganda ang view dito. Natanaw ko na yung dulo ng railings kung saan nakalagay ang padlock na nilagay ni Lala na may narinig akong mga yabag.
Mga yabag ng reporters
In a split second ay napapalibutan na nila ako. Napangiwi nalang ako sa dami ng flash ng camera na sumasalubong sa mata ko. Ang huli kong nakita bago magsalita yung reporter ay ang marahas na pagtulak ng mga mambabalita kay Krisy
"Ikaw si Hoya ng sikat na grupong INFINITE diba?" Tanong ng isang balinkinitang reporter habang sinusubsob sakin yung mikropono. Bastusing tao! Limumingon lingon ako para hanapin si Krisy, ang problema nga lang ay hindi ko siya maaninag dahil sa ilaw ng mga camera
"Mabuti naman at naabutan ka namin dito!"
Naabutan? Ibig sabihin may nagsabi sa kanila na papunta kami dito?
Siya nanaman kaya ang nagsabi?!
"Ho-hoya.." Narinig ko ang mahinang usal ni Krisy. Isinanantabi ko muna ang iniisip ko at tinakpan ang mukha ko. Hinawi ko ang mga reporter para makadaan ako. Muntik pa akong matamaan ng video camera ng isa sa media staff kaya napa-urong ako.
"Tsk.." -Hoya
Nahagip na ng mata ko ang katawan ni Krisy. Agad ko namang sinubukan na puntahan siya, hindi ko pinansin yung mga tanong nila sakin-- tungkol sa mga issue na lumabas. Ang mahalaga ngayon ay maputahan ko si Krisy at makatakas kami dito ngayon.
Wala akong balak na gumawa pa ng gulo para sa CEO namin at kay leader.
Yan ang iniisip ko bago masiko si Krisy at matulak palabas ng railing na siyang ikinahinto ng puso ko
Nalaglag siya....
"LAYUAN NIYO ANG GIRLFRIEND KO!!"
Tumahimik silang lahat. Mabilis kong dinaanan ang media na nakaharang sa daan ko. Tinabig ko na yung iba dahil sa inis. Patakbo na akong tumungo kung saan ko nakita bumaliktad si Krisy. Nakahinga ako ng maluwag
"Nakakapit ako.. hehe." Nagawa pang ngumiti ni Krisy nang makita niya ako.
"Iaangat kita." Hinatak ko siya pabalik sa akin. Mahigpit kong kinulong si Krisy sa mga bisig ko. Hindi ako makapaniwalang muntik na nilang mapatay ang mahal ko.
"Hoya, okay lang ako.." Sabi ni Krisy, kumunot ang noo ko. Tinitigan ko ang mukha niya, may mga maliit na sugat at pasa siya dahil sa pagtulak ng mga taong yun at kahit na sinasabi niyang okay lang siya ay nanginginig parin ang buong katawan niya
"Uuwi na tayo.." Hinawakan ko sa kamay Krisy bago nagsimulang lumakad. Sa kasamaang palad ay hindi parin ako tinantanan nung mga reporter. Humarang ang isang crew sa harap namin at nagsimulang kumuha ng litrato. Tinago ko si Krisy sa likuran ko
Matra-trauma na siya nito..
"Hoya, girlfriend mo ba talaga siya?" Tanong ng isa
"Gaano na kayo katagal?"
"Siya rin ba yung kasama mo dati?"
"Paano kayo nagkakilala?"
"Paano na ang mga fans mo?"
Hindi ko na alam ang gagawin, ano pa ba ang gusto nilang malaman. Sinabi ko na hindi ba? Bakit ayaw nila tumigil?! Kulang nalang ipaalam ko sa kanila ang bawat detalye ng buhay ko! NG BUHAY NG GRUPO KO!
Lahat nalang, Wala na bang pinapalampas ang mga tao ngayon?!?
May pribadong buhay din naman kami...
*Screeeeech*
"Hoya sumakay na kayo bilis!" Narinig ko ang pamilyar na boses ng manger namin, Hinatak ko si Krisy papasok ng kotse. Pinaharurot ni Hyung ang sasakyan palayo sa mga mapanghusgang mata ng mga taong iyon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Camiie's note:
Okay, hindi ko inilalahat yung sa mga media staffs/ reporters ha. Meron kasi talagang mga reporters na gagawin ang lahat para lang makuha yung information na gusto nila, keme para sa mga manunuod daw, sa taong bayan o iba pa. Marami rin namang tao sa broadcasting field na mabait; yung alam nila kung kelan na titigil.
Inulit ko: Hindi ko dinidiscriminate ang media.
Hahaha peace tayo pips