Our Twisted Fate

By Applelonio__

14K 677 656

A typical girl trying to get through high school without being bullied at. She's a nobody from the class but... More

Prologue
Chapter One
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Eight.2
Chapter Nine
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Author's Note -1-
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 22.2
Chapter 22.3
Chapter 23
Chapter 24
Author's Note -2-
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Epilogue
Huling Author's Note
Author's Note

Chapter Two

619 44 188
By Applelonio__

Like always, maaga akong nagising para magluto. Pagkatapos magluto, nagpahinga ng konti at naligo na rin. Buti na lang at walang pasok sa first and second subject namin. As for the five transferees, wala pang text galing sa kanila. Naghihintay siguro sila sa text ko. Matext na lang nga sila.

"Ellaine! May naghahanap sa'yo sa labas. English speaking! Ikaw na bahala sa kanila!" Sigaw ni tiyang mula sa labas.

"Opo!" Sagot ko na lang.

Sino na naman kaya 'yan? Wala naman akong kaibigan sa school na english speaking. Wala nga rin akong matatawag na kaibigan sa school, eh. Nagmadali na lang ako sa pagbibihis para makita kung sino man 'yan silang naghahanap sa 'kin.

May nakita akong isang Hammer na sasakyan. Wow! Ang yaman naman ng naghahanap sa 'kin? Long lost relatives, ikaw ba 'yan? Lumabas na lang ako at nilapitan ang sasakyan. Nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa 'kin. Nanlaki pa nga mga mata ko, eh. Isang malaking question mark ang nasa-utak ko ngayon. Who the heck would hug me like this?

"Ah, sino ka? Bakit mo ako niyakap?" Tanong ko na lang.

Humagikgik lang 'yong yumakap sa 'kin at bumitaw na sa pagkakayakap sa 'kin. At may mga tumawa naman sa likod ko.

"Oh, you. You forgot. I'm Rebecca. Remember hun? The transferee." Sagot ni Rebecca.

Nag-form na lang ng 'O' ang bibig ko at napakamot sa ulo. Hehe! An awkward smile was plastered on my face. At sa tingin ko, sobrang pula ko na. Natawa nga sila Greg at Jake. Habang si Paul naman naka-smile lang. Si Luke naman parang ewan pa rin. Parang constipated pa rin.

"You're so cute when you blush. Hehe." Komento ni Rebecca.

"Yeah. Right. What are you doing here? I was about to ah, text the five of you na sa school na lang tayo magkita." Tanong ko sa kanila.

"We, well, Becca decided that she wanted to pick you up here at your home. It's a good thing your address isn't hard to find." Sagot ni Greg.

"Yeah! I wanted to surprise you. It was a struggle to make Luke come with us but he can't say no to me. So, here we are. Are you ready?" Dagdag naman ni Rebecca.

"Ahh, yeah. Almost. Let me get my things and we can go to school." Sagot ko sa kanila.

Dali-dali naman akong pumunta sa loob para kunin ang baon ko at bag ko. Nagpaalam na ako kay tiyang at lumabas na ng bahay. Huminto naman ako midway patungo sa saksakyan nila Rebecca. Wala kasi sila dun. Nagtaka naman ako kasi nga hindi nila alam ang lugar na 'to. I was a bit worried for them baka kasi pagtripan sila ng mga tambay, eh.

Pero nung nakita ko sila sa karenderya ni tiyang, nakahinga ako ng maluwag. Pinuntahan ko sila doon para tawagin na. Nung nakita ako ni Rebecca bigla na lang niya akong niyakap. Okay, what's with her and hugs? It's a bit annoying now.

"Oh, you're here. We despirately need you. We have a list of dishes on our hands that we need to taste. And we need someone who knows what they look like." Sabi ni Rebecca.

Tinignan ko naman sila Greg for confirmation at tumango lang sila sa 'kin. Binigay naman ni Rebecca ang isang kapirasong papel at tinignan ko. Wow! Ang dami naman ng mga pagkain na 'to. Siguro seryoso 'yong mga magulang nila na e-explore talaga ang pagkapilipino nila. Balita ko kasi they have Filipino blood pero hindi na ganun nakikita sa kanila kasi natabunan na.

"So, can you help us?" Tanong ni Rebecca sa 'kin.

"Okay. I can help you. But is this really the time to find these dishes? I mean, we need to go to school and all." Sabi ko sa kanila.

"Just answer a yes or no." Reklamo ni Luke.

Parang ang sama ng tipla ng lalaking 'to ah. Tinaas ko lang ang kilay ko sa kanya at hindi siya sinagot. Ngumiti naman ako kay Rebecca at tumango. Halos tumalon naman sa saya si Rebecca at umupo na sa isa sa mga bakanteng mesa. Nilagay ko na ang mga gamit ko doon at nagsimula nang kunin ang mga pagkain na nasa listahan nila.

Filipino food and dishes you should try:

-Kaldireta
-Menodo
-Mechado
-Adobong Manok
-Beef steak Filipino style
-Pork humba
-Lechon paksiw
-Lechon baboy
-Binagoongang baboy
-Grilled tuna belly

And the list goes on.

Wow! They have a lot to eat. Buti na lang at andito sa 'min yong iba. Nagtaka naman si tiyang kung bakit naka-apron ako at nagsasalin ng mga ulam.

"Wala kang pasok?" Tanong niya sa 'kin.

"Wala pa po. Mamaya pa pong mga 10am. 'Yong mga naghahanap sa 'kin kanina mga bagong students sa school. Alam mo naman po siguro 'yon." Sagot ko sa kanya.

"Ah. Eh, anong ginagawa mo at nagsasalin ka ng mga ulam d'yan?" Tanong niya ulit.

"Eh, gusto nila tikman 'yang mga nakasulat sa listahan nila. Sila din buena mano niyo ngayon." Sagot ko na lang.

Tumango na lang din si tiyang at bumalik na sa pwesto niya sa cashier. Siya kasi yong tiga-tanggap ng mga bayad.

Isa-isa kong nilagay ang mga ulam sa lamesa kung nasaan silang lima. Nag-uusap lang sila habang nilalagay ko ang mga plato. They were all talking in english with british accent. Ang sakit sa ulo pakinggan. Okay na sana 'yong na-tone down 'yong accent kapag ako 'yong kausap. Eh, nakalimutan kong built in na pala 'yang accent nila. Hay, kung bakit kasi ako naging tourguide nila? Huhu!

Pumapalakpak naman si Rebecca ng makita niya ang mga plato na may ulam. Sobrang masiyahin 'tong babaeng to. Ang hyper eh. Hindi nauubusan ng energy kakatawa at ngiti. 'Yong apat na lalaki naman iba-iba ang reaksyon. Si Greg, nakangiti lang sa 'kin. Si Jake naman, maiging tinitignan ang mga pagkain at pinipicturan. Si Paul, chill lang. Busy sa cellphone niya. Si Luke? Ayon, parang constipated pa rin ang mukha. Hindi ba 'to nagbabawas sa kanila or something? Nakabusangot palagi na ewan eh.

"I hope you like my cooking. Eat up!" Bungad ko sa kanila.

"What?! You cook these? Wow!" Gulat na sabi ni Rebecca.

Tumango lang ako at ngumiti. Isa-isa na nilang tinikman ang mga putahe. Sinasabi ko rin sa kanila kung ano ang pangalan ng ulam na 'yon. Tumatango lang sila at umiinom ng tubig pagkatapos. Nanghingi pa nga ng tatlong rice si Greg at Rebecca. Man! How that girl can eat. Nakikipagsabayan sa mga lalaki eh pero ang payat-payat ng katawan. Dun ako nagulat ng si Luke naman ang humingi ng kanin. He was asking nice this time. Nagtaka nga rin sila Rebecca sa inasal ng kaibigan nila. Pero hindi ko na lang pinansin kasi nga wala akong pakialam basta ba magbayad sila sa mga kinain nila. Marami-rami din kasi ang na-order nila.

"I am so full I can't move." Sabi ni Greg habang hinahawakan ang tiyan niya.

"I agree with you brother. You cook good food, Elle. I'll be forever in debt of you because you made me eat a whole bunch of food I don't know." Segunda ni Jake.

"Haha! Let's not be too dramatic. Thank you for the food, Elle." Sabat ni Rebecca.

Nag-thumbs up lang si Paul sa 'kin and well, si Luke balik sa pagiging constipated ang expression ng mukha. They requested for bill para makaalis na kami. Sa tingin ko sobrang saya ni tiyang ngayon. Sobra-sobra ata 'yong binayad sa kanya, eh. Haha! More money na naman 'yon.

**

Agad ko na silang pinasyal sa halos buong campus. Madali naman nilang nakabesa ang bawat building na tinuturo ko sa kanila. May photographic memory ata sila. Anyway, nung naubusan naman kami ng time dumeritso na lang kami sa next subject namin. Unfortunately, lahat ng subject nila ay kapareha ko kaya no choice ako kundi ang sabayan sila sa pagpunta. After a long day sa school, ayon, pagod ako kaka-tour sa kanila. Med'yo malaki din kasi 'tong school.

Kung minsan nakakainis ang may ibang taong umaaligid sa 'yo pero ngayon, hindi. Pero mas madalas talaga nakakainis lalo na kapag palaging galit ang taong kasama mo sa mundo. Hindi talaga siya ngumingiti kahit na kelan. I don't know why but I just wanna hug Luke kanina pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Halos batukan ko nga ang sarili ko dahil sa wanting na 'yon. But I manage to control it. So, hurray for me!

Pagod na humiga ako sa kama ko para magpahinga. Tuwang-tuwa naman si tiyang kanina dahil sobra-sobra ang binayad nila Rebecca kanina. Kaya ayon, hindi na ako ang pinahugas sa mga plato kanina. Binigyan pa ako ng 8 oz na coke.

"Hay. It's only tuesday pero pagod na ang katawan ko." Sabi ko sa sarili ko.

Minsan rin, nakakapagod maging ako. 'Yong tipong gusto mo nang magpahinga habang buhay. Bata pa palang kasi ako, kelangan ko nang maging responsable para sa sarili ko. Maaga kasi akong iniwan ng mga magulang ko. People come and go. 'Yan na ang nakatatak sa utak ko. Kahit sino pa 'yan, kahit mahal mo sa buhay, iiwan ka pa rin kaya ayoko na na-a-attach ako sa ibang tao. Sa bandang huli, ako pa rin ang masasaktan. I learned that first hand.

*

"Ellie, anak. D'yan ka lang sa cabinet ha? Wag na wag kang lalabas d'yan. May kakausapin lang kami ni papa. Okay?" Sabi ni mama sa 'kin. "Babalik din kami kaagad. Promise 'yan."

"Talaga mommy ha? Babalik kayo ni papa. We're playing hide and seek, right?" Tanong ko sa kanila.

"Yes, baby. Tago ka lang d'yan. Papa will find you. Okay?" Sagot ni papa sa 'kin.

Ngumiti naman ako sa mga magulang ko at sinarado na nila ang cabinet. Nagbibilang na ako simula one hanggang sa umabot ako ng sampu. May mga narinig ako na kalabog galing sa sala pero hindi ko na lang pinansin dahil naglalaro nga kami nila mama at papa. I didn't make any sound dahil baka mahanap nila ako dito. I was smiling to myself dahil alam kong panalo na ako. I was five years old. I knew nothing of what was happening around me.

Lumabas na ako sa cabinet para hanapin sila mama at papa. I was running towards the sala pero puro hindi ko mga kilalang tao ang nakikita ko. Ang gulo ng sala namin. Sobrang gulo. Nagkalat ang mga bubog at mga sirang upuan. May mga pulang mantsa din akong nakikita sa sahig. Bakit ganun? Bakit ang gulo-gulo ng sala namin?

Nung nakita naman ako ng isang malaking mama, bigla na lang siyang sumigaw at dinala ako sa labas ng bahay. He handed me my tita Marley. She's mama's younger sister. There were tears on her face. She was crying. Pinahid ko ang mga luha niya at ngumiti sa kanya.

"Tita, bakit ka umiiyak? Ano pong nangyari? Nasaan sila mama at papa? Bakit ganun 'yong sala ng bahay?" Mga tanong na hindi niya nasagot.

Umiling lang siya at niyakap ako. May mga sinabi niya na hindi ko maintindihan. I knew from that moment na may hindi magandang nangyari.

Nung ibinurol na ang mga magulang ko. Nagtaka ako kung bakit nasa loob ng malaking parehabang box ang mama at papa ko. Tila natutulog sila sa loob. Hindi ko pa lubos maunawaan ang mga nangyayari. Pero isa lang ang pumasok sa isip ko, ang gisingin sila. Ang gisingin sila dahil maglalaro pa kami ng tagu-taguan. Pero hindi sila gumising. Hindi man lang sila umangal na hindi sila makahinga sa loob. Dun na ako umiyak. Pinipilit ko silang gisingin pero ayaw nilang gumising.

"Mama! Papa! Bangon na po kayo! Di ba, di ba maglalaro pa tayong tatlo? Di ba sabi niyo na babalikan niyo ako? Mama! Papa! Bumangon na kayo d'yan." Sigaw ko habang umiiyak.

"Hindi po tita! Baka hindi makahinga si papa at mama sa loob. Buksan po natin 'yong malaking box tita. Mama! Papa! Gising na po kayo! Please! Sabi niyo kasi maglalaro pa tayong tatlo. S-Sabi mo papa pupunta pa tayo sa disneyland! Papa! Mama!"

Kinuha na lang ako ni tita at inilayo sa mga magulang ko. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko. Kinausap ako ni tita pero hindi ako nakikinig. Hindi na ako nakikinig sa kanya. Dahil isa na lang ang tumatak sa isip ko. Iniwan ako nila mama at papa. At hindi na nila ako babalikan kahit kelan.

*

Bigla na lang akong nagising. May mga luha sa aking pesnge. Hanggang ngayon, mabigat pa rin sa 'kin ang maagang pagkawala ng mga magulang ko. Limang taon lang ako nun ng namatay sila at hindi ko pa maintindihan ang mga nangyayari sa paligid ko. Napalaki naman ako ng maayos ni Tita Marley pero nung nagka-anak na siya kenailangan ko nang lumipat sa ibang kamag-anak. Kaya dito ako napunta kay tiyang Sandra. Kapatid ni papa. Tinanggap niya ako pero hindi libre ang pagpapatira niya sa 'kin. Kaya ito ako ngayon, cook niya sa karenderya. Buti na lang at naipasa ko ang scholarship sa school na pinapasukan ko ngayon kaya less na ang gastos ni tiyang sa 'kin. Hindi naman ako naging pabigat sa kanya kaya wala siyang kahit na anong reklamo sa tungkol sa 'kin.

Ang buhay ko puno ng drama kaya ayoko nang dagdagan pa. Kaya ayokong magkaroon ng lovelife o kahit kaibigan man lang. Call me a loner but I like it that way. I don't have to deal with drama and things like this. I am used on being alone.

***
**
*

Medjo nahirapan ako sa chapter na to. Inisip ko talaga na isa akong ulilang lubos para malabas ko yong hinanakit ng character. Hehe!

So be sure to leave a comment.
Please do vote.
Critisms are welcome :)
And if you like my story, do follow me.

Anyeong!

-- applelonio

Continue Reading

You'll Also Like

706K 14.8K 58
(COMPLETED) Highest achieved rank #1 mystery/ thriller and #2 werewolf 10/20/2018 Cassandra the Bitch met the new Alpha Van Tyler Laurent . Masungit...
1.8M 52.9K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...
Black Player By RJay

Science Fiction

94.2K 675 5
Bwiset na buhay... Bwiset na mundo.... Lahay sila bwiset at walang modo.... Mayayaman at may-kaya maging kapwa ko walang silang ginawa kung hindi kut...
1.9M 51.2K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...