Nang nakauwi na sina Tita Cleo, hinarap ko si mama.
"Ma. "
"Anak, alam ko na yang sasabihin mo. subukan mo lang."
"my God ma, kayo na po ang nagsabing hindi nagbabago ang puso!"
"bakit anak?alam mo na ba ang ibig sabihin ng sinabi kong yan?"
natahimik ako at medyo nag isip. . nang medyo di ko na talaga kaya, eto na ang naitanong ko sa kanya
"ma, gaano ba kaimportante na makasal ako sa isa sa mga anak ni tita Cleo?"
"mahalaga yan para sa akin, para maging panatag ako pag akoy nawala. . . kesa naman kung sino sino na lang ang mapangasawa mo, na hindi ka naman sigurado sa pagkatao."
Hindi na lang ako nagsalita, ayaw ko ng magdebate kami ni mama.
Marami na kaming pinag-awayan ni mama, paminsan minsan hindi ako sumusunod sa knya pero sa pagkakataong ito Hindi ko siya pwedeng suwayin. Baka hindi kayanin ng puso nya, at mamatay siya dahil sa akin. . . Ano kaya ang magiging buhay ko pag pinakasalan ko ang taong hindi ko naman minamahal. Asan ka na kasi Ernest? bakit kasi hindi na lang ikaw? baka kaya kitang pag tiyagaan. pero hindi nga sya dumating, malamang ayaw nya din ang ideyang ipapakasal sya sa akin.. hmmmmp, kung ayaw mo sa akin, ayaw ko din sayo..
Habang nakahiga na sa aking kama, biglang nagsalita si Kim na akala koy tulog na
"bru, ano plano mo?" tanong nya.
"wala pa nga eh"
"bru ituloy na natin yung out of town natin?"
"ano naman ang sasabihin ko kay mama?"
binatukan ako ni kim!
"bruha ka talaga, di mo ba alam ang salitang 'barter'? dapat sabihin mo kay mama, na bago ka magpakasal kay Aaron dapat kilalanin mo muna sya? at panu mo sya makikilala kung palaging nakafront liner silang dalawa ni tita Cleo?"
"so, kailangan kasama si Aaron sa bakasyon natin?hmmmm, parang. . " di pa ako tapos magsalita nang bigla syang sumabat.
"kung wala kang gusto hindi ka matutukso!"
"BRRRUUUHHHAAA!!" napasigaw ako sa excitement "perfect! at habang nasa bakasyon tau, dapat kong kausapin si Aaron na mag back out sa kasal"
"uhuh!!! in that way, wala kang kasalanan sa pagbreak ng kasunduan!"
"ang genius mo talaga! bruha!!"
"kaya matulog ka na at simulan natin mga plano natin tomorrow!"
Napapayag namin si Mama na magbabakasyon kami ng 2 linggo. At syempre ininvite namin si Aaron at sumama din naman sya. Siya din ang nag suggest kung saan kami pupunta. Habang nasa biyahe kami, may katext si Aaron. Nung napansin nya ako na napansin ko syang may ka-text ang sinabi nya lang ay "katext ko yung friend ko na pwede nating tuluyan sa Baguio"
"naks akala ko kararating mo lng dito sa pinas, meron ka na agad friend, at nasa Baguio pa talaga!" pambabara ni Kim.
"actually family friend namin sya. Bago pa man kami mag migrate sa Australia, kaibigan na namin ang pamilya nila." paliwanag ni Aaron
"ah, parang si Mama at Tita Cleo lang noh?"
"oo pero sa father side"
Natapos ang usapan at nakarating na kami sa aming destination "BAGUIO CITY!" sa mismong town house ng friend ni Aaron.
Ang sarap ng hangin na dumadampi sa aking mga pisngi kaya pinakiramdaman kong mabuti at may papikit pikit pa ako para mas feel na feel ang pagnamnam ko sa sariwang hangin. hanggang namalayan kong may kumukuha ng larawan sa akin. Bumababa ako ng terrace at hinarap ko ang lalaking kumuha ng picture ko. sa gulat ko, ay napisigaw tuloy ako.
"BASTOS. wala kang pahintulot na kuhanan ako ng larawan!!! Burahin mo yan bastoooosss!"
"bru bakit ka sumisigaw jan?!" pagtataka ni Kim na nagmamadaling bumababa mula sa 2nd ground ng bahay.
"eto kasing walang modong toh eh!! kinuhanan ako ng picture habang nag. . ." anu bang sasabihin ko? na finifeel ko ang hangin na may papikit pikit pa akong nalalaman?mapapahiya lang ako.
"ano miss? anu yung ginagawa mo habang kumukuha ako ng mga pictures? at panu ka nakakasiguro na ikaw talaga ang kinukuhanan ko?!"
Hindi ako kaagad nakapagsalita kaya etong si Yona ay kinukulit nya ako at lumipat sa tabi ng lalaking di naman namin kilala sabay sabing
"uy Bbruuhha, anu na?kanina ka pa nakatitig sa 'AKIN'" may impit sa word na sa AKIN, kasi sa akin means sa lalaking nakatayo sa harap ko. di ko rin maipaliwanag pero parang nakilala ko na sya somewhere?nabasag ang aking pagrerecall nang dumating si Aaron sa eksena.
"hey what's happening here?!" then napansin nya ang lalaking nakatalikod tas bigla silang nagkamay at sabing
"bro!! kumusta ka na!?" parang miss na miss nila ang isat isa! bumulong ako kay Yona, "hmmmpp, Bru, wala ka ng pag-asa sa kanya, sa tingin ko may relasyon na sila!!"
sumagot naman sya "sayang naman parang ang sarap sarap pa naman nya!"
Napansin ni Aaron na nagtataka na kami sa knilang closeness. kaya nagsalita na sya at pinakilala nya na kami sa knyang friend.
"guys, this is. . hmmm. . Mike!"
inabot agad ni Yona ang kanya kamay sabay sabing "nice to meet you Mike!" may landi at may kilig sa bawat salita ni Yona!!
"wait, ano nga ulit yung nangyayari dito bago ako dumating?" pagtatanong ni Aaron.
"Ah wala naman yun" sabay akbay kay Aaron at paakyat sa verranda "ok na sa akin yun, mga kaibigan mo naman pala sila eh"
Nagpantig sa tenga ko yun, ni hndi sya humingi ng sorry sa akin? anong klase syang lalaki! di ako nakapag pigil "Yona! bruha, kunin mo yung mga luggage natin!"
"bakit bruha? san tayo pupunta?" tanong ni Kim.
"maghohotel na lng tayo!!" pasigaw kong sagot.
"kalma ka lang bruha, kung aalis tayo, paano natin maisasagawa mga plano mo?" pabulong na tanong ni Yona.
"may mga tao kasing epal eh!"
"tiisin mo nlng bruha!" ayun dina tuloy kami nakaalis sa poder ni Mike.
Pagsapit ng gabi, nagtawag na si Mike na kakain na. Nagulat na lang kami sa tumambad sa aming mga pagkain! 'Pizza, softdrinks and chicken!'
sa isip isip ko, kawawa naman talaga tong Mike na to, wala ng oras magluto ng matitinong pagkain! Gutom na kami at no choice na kaya kahit disappointed sa food eh tumikim kami pakonti konti. kitang kita ni Aaron na wala akong ganang kumain kaya nagsalita ba rin sya sa wakas! "alam mo Mike, masarap magluto tong si Chrys" di ko na sya pinatapos sa pwede nyang sabihin.
"so ganito ka palagi?" tanong ko kay Mike.
"anong palagi?"
"palaging instant ang kinakain!" sagot ko sa kanya.
bumulong sya pero dinig na dinig ko naman ang sinabi nya kaya pinaulit ko sa knya ang sinsabi nya, and surprisingly, inulit nga nya.
"ang sabi ko, kung ako mahilig sa instant food, kayo ni Aaron, ay pumapayag maging 'INSTANT COUPLE" sabay tawa pa sya.
nagtawanan ang mga kaibigan ko pero ako asar na asar pa rin ako sa knya!
"shhh, tama na yan, kumain na lang tayo" pang aawat naman ni Aaron.
Tumahimik na lang ako. Wala naman akong magandang sasabihin, at isa pa, mukhang tama sya, INSTANT COUPLE nga kami ni Aaron.
Paggising ko ng umaga at paglabas ko ng guest room ay nakita ko si Mike na nagluluto, nahiya naman ako baka iniisip nya yung sinabi kong palagi na lang instant ang kinakain nya kaya pina patunayan nya sa akin/amin na marunong din siyang magluto.
Habang pinapanood ko syang nagluluto, napansin kong hindi talaga sya marunong. Kaya kinuha ko na lang sa kamay nya ang siyanse at sinabi ko na "ay sir, good morning po, di ninyo bagay magluto."
Yumoko na lang siya, na mukhang nahihiya, pero di ko naman pinahalata na napansin ko yung mga gestures nya.
"Matulog na lang po kayo ulit sir. at ako ng bahala dito"
Nag smile sya, sa wakas nakita ko na rin syang nagsmile. And no!! He's damn cute and handsome!! Kasabay ng mantikang natutunaw ang puso ko!
"Chrys?"
"anu yon??"
"yung mantika masyado ng mainit?"
nagulat ako kaya agad agad kong hininaan ang apoy. nung una, naiilang pa ko kasi pinapanood nya ko habang nagluluto. pero nang nagtagal na at kinakausap na nya ko ay para bang matagal na kaming magkakilala, palagay na ang loob ko sa knya. wala ng bahid ng pagka inis about sa nangyari kahapon.
"matagal mo ng ginagawa tong pagluluto?"
"oo, since high school!"
"tagal na rin ah! sabi ni Aaron, masarap ka daw mag luto. paano ba magluto?may secret ingredient ka siguro noh?!"
nagsmile ako sabay sabing "naniniwala ako na ang pagluluto ay parang pag aasawa yan, kung pipilitin mo, maluluto yung pagkain at mga sangkap pero may kulang, hindi masarap. pero kung nakuha sa tamang timpla, pagtyatyaga sa paghahalo at pagmamahal sa gingawa mo, ayun, sasakto ang lasa at sasarap yung food!, yung sa case namin ni Aaron, hindi ko ginusto yun,kasi kung ako lang ang magdedesisyon, hindi ko gugustuhing magpakasal sa taong di ko naman minamahal."
"kagaya ng pagluluto, baka pwede mo ring pag aralan, and eventually, baka matutunan mo din syang mahalin.?"
"tignan natin, sa ngayon, eenjoy ko muna tong bakasyon na to, to get rid of everything"
"yeah you have a point though!. . . hmmmmm. . bango naman nyan!! mukhang masarap yan ah!anong tawag jan sa niluto mo?"
"hmm, scrambled egg ala Chryselle"
nagtawanan kami dalawa pero pigil pa kasi baka magising mga kasama namin sa bahay.
Ilang minuto pa ay nagising na ang mga kasama namin sa bahay. Sabay sabay kaming nagbreakfast, pagkatapos namin ay dederetso na sa mga pasyalan sa Baguio, naghorse backriding na kami, pumitas ng mga strawberries at naglakad lakad sa Burnham!
Napakasupportive ng friend ni Aaron na si Mike, bawat puntahan namin ay nagsilbi syang tourguide. May isang gabi na nag night out kami, ginagawa na namin ni Kim na lumabas paminsan minsan kaya sanay din naman kami kahit papanu. Kya minsan nagtanong si Yona ng sikat na bar dito, ang sabi ni Mike sa Gaicos.
"Bruha!! bilisan mo magsasara na ang Gaicos di ka pa tapos!" pagtatawag namin kay Yona ng biglang lumabas na sila Aaron at Mike na nakatitig sa akin, parang may attraction uli akong naramdaman kay Mike, na hindi ko mafeel kay Aaron o kahit na sinong lalaki. Habang papalapit siya, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Hanggang nakatayo na sya sa aking harapan,
"Chrys?" naririnig ko pero di ko maibuka ang bibig ko. .hanggang siniko na ko ni Kim
"Bruha! Chrys daw oh!!"
"ah ano yun?"
nakasmile sya habang tinatanong "di ka ba magpapalit ng damit?"
"huh? ano mali sa damit ko?" depensa ko naman.
"hindi po ito Manila madam, baka mapulmonya kayo"
Hmmm, oo nga naman naka tube at fitted leggings lang ako, iniisip nya ang ikabubuti ko. eeeiii. .kinikilig naman ako.
"opo sir kukuha na ko ng blazer"
"Good" pabulong nyang sinabi
ewan ko kung ano tong nararamdaman ko kay Mike, all this time i thought si Ernest lang ang attractive para sa akin, pero eto si Mike breaking all the thoughts na iniwan ni Ernest.
nang makarating sa venue at nakailang rounds na rin ng iniinom naming tequilla, inaya ko si Aaron magsayaw at para masabi ko na lahat ang mga nais kong sabihin sa knya tungkol sa fix marriage na set ng mga magulang namin.
"Aaron, magsayaw tayo"
"aba,iba ka talaga, di mo na nahintay na ayain ka ng date mo ah!" pabirong sabi ni Mike.
habang nagsasayaw kami, ay sinimulan ko ang aking litanya.
"aaron, gusto mo ba ang ideyang ipakasal tayo ng ating mga magulang?"
"sa totoo lang, at first, hindi ko gustong ipakasal sayo."
"yun naman pala eh, bakit pa natin to ginagawa, kausapin nalang natin ang ating mga magulang na wag ng ituloy to. ."
"Chrys, sa umpisa yun, pero nung nakilala kita, nakita ko ang pagkatao mo, nagbago lahat ng pananaw ko,"
Paano ko ba sasabihing all this time, ang kuya mo ang pinapangarap ko.? kuya mo na hindi ako sinipot sa pamamanhikan.
"hindi tama to, Aaron." kumalas ako sa pagkakahawak nya at nag punta ako ng rest room. agad agad namang sumunod sila Kim at Yona.
"bruha, si Kim to, buksan mo tong pinto!"
dali dali kong binuksan at niyakap ko sila..
"mga bru natatakot na ko, wala na yatang pag asa to, mas lumala pa yata nung sinama natin si Aaron sa bakasyon."
"ang gulo mo bakla, ano bang nangyari?" si Yona
"kasi sabi nya di daw sya aatras kasi gusto nya na ako. "
"oh, eh di pag aralan mong magustuhan sya, for less than 2weeks" pasutil na sabi ni Kim.
"ganun kadali? patay ako kay mama kung aatras pa ko!" pero deep inside my naiisip pa akong pwedeng gawin para magback out si Aaron. lumabas kami ng restroom at nagtanggal ako ng blazer.
hindi pa ko nakakaupo ng ayain ko si Mike na magsayaw, "Hindi ako nagsasayaw" simpleng sagot nya
"please may sasabihin lang ako sa yo, importante"
napapayag ko si Mike, habang nagsasayaw, nakatingin lang siya sa akin na para bang may gustong siyang sabihin, so nagtanong ako "may sasabihin ka ba?"
sumagot sya "ikaw ang nag aya sa aking sumayaw?di ba ikaw ang may sasabihin? ano ba yun?"
oo nga pala ako pala ang may sasabihin. so inumpisahahan ko na "di ba matalik mong kaibigan si Aaron?"
"oo naman, para na nga kaming magkapatid eh!"
"exactly, baka pwede mo syang iconvince na mag back out na sa kasunduan ng pamilya namin?"
"huh? ano ka ba? di ko magagawa yan, sabi mo nga usapang pamilya yan eh, ayoko makialam"
"kahit sabihan mo lang ng mga pwedeng mangyari kung matutuluy yung. ." di ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla na lang syang umalis. bumalik na rin ako sa aming table and after 3 minutes sa pagkakaupo sa aming table ay may lumapit sa aking lalaki, medyo chubby cia, inaya nya akong sumayaw, cute naman siya, kaya pumayag akong magsayaw kami at dahil na rin sa pag kainis sa mga nangyayari sa akin ngayong gabi. habang nagsasayaw iniisip ko na baka ganito n rin si Ernest ngaun, medyo chubby pero naman ang face, super guwapo! habang sumasayaw ay nagshift ang music sa sweet melody, kaya hinila nya ako, magkalapit na ang aming katawan, "you are so gorgeous!" nasambit nya, habang magkalapit ang aming katawan ay may naramdaman akong kung anong matigas sa kanyang 'ano'. naku natitigasan yata to, maniac pala cia! ilang segundo lang ay may humblot sa aking kamay at itinakbo ako palabas ng bar. nang makalabas kami napansin ko na nakasakay na sa kotse ang mga kaibigan ko, si Mike ang humila sa akin palabas ng bar, at initsa ang blazer na suot ko kanina sabay sabi "what were you thinking?!!!" galit siya sa akin
"ano bang problema mo?!"
"sumakay ka na sa kotse at baka habulin pa tayo nung mga yun!!"
hindi nga sya nagkamali, at hinabol nga nila kami.. nang nalusutan na namin yung mga grupong naghahabol sa amin, ay muling nagsalita si Mike "look what you've done?!!!"
"eh hindi naman nila tayo hahabulin kung hindi mo ko hinila palabas!" pagalit kong sagot
"panong hindi kita hihilain. . aaayyyy nnnaaaa!!!" hindi nya maituloy ang sinasabi nya.
"Chrys, binabastos ka na nung lalaking yun?" kalmado at relax na sabi ni Aaron. hindi na ako sumagot pa kasi totoo naman yung sinabi nyang yun eh.
Pagkauwi namin sa bahay ay dirediretso kaming tatlo sa aming room. hindi nagagalit sa akin ang mga kaibigan ko, dahil alam naman nila na hindi ako papabastos ng ganun ganun na lang. at kinuwento nila sa akin kung ano yung reaction ng dalawang lalaking kasama namin habang nagsasayaw kami. "sa tingin ko ang may gusto sayo si Mike at hindi si Aaron, kasi selos na selos habang nagsasayaw kayo nung mr. chubbyng maniac na yun." sabi ni Yona.
"bakit kaya kung si mike na lang ang gawin mong dahilan!!" dugtong naman ni Kim
"naku baka magkaproblema ka jan" dagdag pa ni Yona
"walang magkakaproblema, iisa pa rin ang gusto ko . ." ang sagot ko naman.
"si Ernest!!!" sabay pa sila.
"ang problema, hindi mo alam kung saan siya hahanapin."
Ilang beses ko ring tinatanong kung saan na siya. Siguro kailangan ko ng magmove on. Dapat nga noon ko pa to ginawa. . .