Mga tula ng puso at isipan

By justinexalvar

2.1K 19 0

Collection of poems You can also send me your own works and I'll published it here ☺️ (My compilations of poe... More

Kras
Pansamantala
Mahal na kita
Laban o Paalam
"Para sayo aking mahal"
Alam ko
Ngiti
Aksyion at salita
03-16-18
Pagod na ako
Wag mo sana akong...
Nasa huli ang pagsisisi
Soulmate
To you My Lady
Would it be
She don't know
Help her
Never Give Up
Napapagod rin ako

Tula para sayo

317 5 0
By justinexalvar


Alam kong makikita mo itong ginawa ko
Sanay mabasa mo ang lahat ng ito
At habang binabasa mo
Sanay maintindihan mo ito ng husto

Ang tulang ito ay para sayo
Aaminin ko utak at puso ko ay litong lito
Aking nararamdaman para sayo
Ay di parin ganon kasigurado

Nung una palang alam ko sa sarili ko
Na nagkagusto ako sayo
Ngunit ang puso at utak ko
Ay laging akong ginugulo

Masaya ako dahil dumating ka
Masaya ako dahil nakilala kita
Masaya ako dahil naging kaibigan kita
Ngunit masaya nga ba na hanggang kaibigan lang kita?

Alam ko magulo
Dahil kahit ako ay gulong gulo
Gusto man sabihin ng puso ang lahat ng nararamdaman sayo
Ngunit pinipigilan lahat ng utak ko

Pagdating sa ganito lumalabas ang tunay na ako
Oo ang duwag ko
Oo ang hina ko
Ngayon alam mo na kung sino ba talaga ako

Patawad dahil hindi ko sinabi agad sayo
Patawad dahil alam kong ika'y nasaktan ko
Hindi ko inaasahan na magiging mahalaga ka saakin
Tanging hiling ko lamang ay huwag kang mawala sa akin

Salamat dahil nandyan kang parati
Kahit ganito man ang aking ugali
Salamat sa walang sawang pagiintindi sakin
Salamat sa walang sawang pagpapasaya saakin

Tandaan mong lagi
Na dapat ikaw ay nakangiti
Dahil ikaw ang nagbibigay saya
Sa buhay kong malapit nang mawalan ng pagasa

Hindi ko man maisulat lahat ng aking nararamdaman
Basta't lagi mong tatandaan
Lagi akong nasa tabi mo
Aalalay at gagabay sayo

Akin nang tatapusin ang tulang ito
Tandaan mo lahat nang aking sinabi sayo
At kahit ano man ang mangyari
Magkaibigan parin tayo hanggang sa huli.

-tin

Continue Reading

You'll Also Like

165K 1.6K 200
Isang salita noon, isang haiku na ngayon. Haiku noon, haiku pa rin ngayon. (Koleksiyon ng mga 'haiku' sa Wikang Filipino.) -D. Cover by: "Kai" (ang b...
202K 7K 37
"You have no idea how my hands crave to roam around thirsty in your body with my tongue lusting to taste something I'm not allowed to.." Warning: Thi...
3.5K 376 75
Words is my materpiece Everything I think I want them to be written My eyes can see, because its my guide My hand can write because its my Life
1.8K 631 103
Sapantaha, a hunch or assumption. The what ifs and the rumination of day dreamer. English and FIlipino Poems Status: Completed Date Started: June 11...