Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

126M 4.3M 3.9M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 252
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Part Two End

Chapter 226

836K 28.7K 31.6K
By eatmore2behappy

A/N: Hindi po ako Ka-Pampangan. I don't live in Pampanga. Bataan po ako, but there is a place here that somehow speak kapampangan. Ayun, na-adopt namin minsan yun mga words nila.


Gift

Jay-jay's POV

Ma-angot pala sa hininga ang boy bawang. O sadyang mabaho lang ang hininga ko?

Ewwness... Hindi nag-toothbrush?

Gago! Naturingan kang konsensya pero hindi mo alam na nag-toothbrush ako. I brushed my tooth! Oo, tooth. Isa lang.

Pumasok kasi ako ng walang laman ang tyan. Hindi ako nag-almusal sa bahay, balak ko sanang bumili sa Mini mart pero sadyang malupit sakin ang tadhana. Paubos na ang allowance ko at kailangan ko pang pagkasyahin yun.

Napilitan akong pumasok ng Tom Jones. Pero mabait pa rin sakin ang langit. Dahil pag pasok ko, may nakalagay na chutchirya sa table ko.  Wala sana akong balak pansinin yun pero tawag na ng sikmura ang nangibabaw.

Gandang almusal nito!

Napilitan akong kainin yun. Kung sino mang talipandas ang nagiiwan ng pagkain sa lamesa ko, ngayon lang ako magpapasalamat sa kanya.

"Uy! Penge naman." Sabi ni Ci-N habang kumukuha ng chutchirya.

Hindi na ko nakapalag. Hawak na kasi nya at binubuksan na. Tuwang tuwa naman sya habang kumakain.

"Hindi mo ba kilala kung sino nag-iiwan nito dito?" Tanung ko sa kanya habang binubuksan ang isang Pillows.

Umiling sya. "Hindi."

Naningkit ang mata ko sa kanya. Bakit parang wala akong tiwala sa sagot nya? Minsan ng naglihim sakin ang Batang Kumag na to, at hindi malabong ulitin nya yon.

"Yung totoo?"

Sumubo muna sya bago magsalita. "Hindi talaga... Pero----." Nilunok nya muna ang kinakain. "...Pero nadinig ko sila. Sabi nila, susuyuin ka daw nila kagaya ng ginawa namin ni Yuri. Kaya malamang isa to sa paraan nila ng panunuyo."

Susuyuin?! Nang ganun-ganun lang!

Anu akala nila basta-basta ako bibigay? Binigyan ko ng pagkakataon sila Ci at Yu dahil bukod sa panunuyo nila, aminado silang nagkamali sila. Eh silang mga Pesteng Dimunyung Ulupong?! Taas noo pa minsan kapag humarap sakin.

Tapos suyo-suyo lang?! Hindi uy! Matigas to men! Kulang ang chutchirya sa buong pinas bago mapapayag ng mga ugok na to.

Tumayo si Ci-N at dumiretso sa likod para kumuha ng tubig sa water dispenser. Nagpakuha na rin ako dahil umandar na naman ang sakit ko.

May sakit ako.... Tamaritis! Only tamad people feel this! Hehehe

Dumating si Sir Alvin kaya napilitan akong linisin na ang mga kalat sa table ko. Nagsimula ang klase at parang bumalik kami sa dati ni Ci-N at David.

Yung tipong pagtalikod ni Sir habang nagtuturo, paglalaruan namin si David na natutulog at aarteng walang nangyari kapag nagising sya.

Kahit nakakatuwa, hindi ko mapigilan na hindi maramdaman na parang may kulang. Tumingin ako sa likod at napatingin sa upuan ng Hari.

Panu kung hindi na talaga sya bumalik?

Lumipat ang tingin ko kay Yuri na kasalukuyang nagsusulat. Concentrate ang luko at hindi maalis ang tingin sa board. Yung ang angas nyang tignan dahil sa pulang buhok tapos nerd naman pala.

Binalik ko ang tingin sa harap at kuwaring nakinig din kay Sir----kahit hindi naman talaga. Natapos ang klase nagbilin si Sir ng review dahil next month na ang pang-apat na exam.

Pagkatapos non, yung Post-Final exam. Dun na malalaman kung pwede maka-graduate ang istudyante o hindi. Bakit kaya may ganun pa? Panu kung pasado sa lahat ng exam pero bagsak naman don? Edi hindi ga-graduate?

Sakit yata sa damdamin non.

Habang naghihintay ng sunod na teacher, nakarinig kami ng ingay sa labas lang ng room namin. Sila Denzel na nasa tabi ng bintana ang sumilip.

"Mga Section D." Sabi nya.

Akmang tatayo na ang mga Ulupong para puntahan ang mga Section D sa labas ng biglang may naghagis ng paputok sa loob ng room namin.

Yung tinatawag na Sintoron ni Hudas. Nabigla kami pare-pareho at napalitan yung ng takot ng makita naming may sindi ang mitsa non. Dali-dali kaming nagtakip ng tenga ng sunod-sunod na pumutok non.

Naipon ang usok sa loob ng room. Nagpuntahan kami sa bandang likod ng room para makalayo sa paputok.

Panay ang sigaw ni Ci-N pero hindi ko marinig ang sinisigaw nya.

"Inaatake tayo! Katapusan na natin! Malapit na tayong mamatay!" Sigaw nya na huli ko na naintindihan.

Paputok lang yan! Hindi Armalite!

Panay pa rin ang putok non at ang masama pa, halos hindi na makahinga ang iba samin dahil sa usok. Gusto ko ng lumabas pero hindi ko magawa dahil malapit sa pinto yung paputok.

Napatingin ako kay David ng mapansin kong naka-dukdok pa rin sya sa table nya at tulog na tulog. Ewan ko lung manhid ba ang luko at hindi man lang maramdaman o marinig yung paputok.

"HOY! DAVID!" Sigaw ko pero mas malakas pa rin ang paputok.

"SI DABID! PATAY NA YATA!" Sigaw ni Ci-N sa mismong tenga ko.

Napailag ako, panu talsik pa ang laway nya. Muntik ng maligo ang muka ko.

May rabis pa naman to!

Dahil hindi gumagalaw si David sa kinauupuan nya. Binato ko sya ng notebook na nadampot ko. Sampol sa ulo.

Gumalaw sya at umubo ng umubo. Nahirapan sigurong huminga dahil sa usok. Tumayo sya at tinanggal ang headset sa tenga.

Kaya pala hindi nagigising dahil sa ingay.

Lumingon sya at parang hinanap kami. Mabilis naman syang lumapit samin ng makita kaming lahat na nagkumpulan sa likod.

"Anong nangyari?! San galing yan?!" Tanung nya.

Bigla nalang sumakay si Ci-N sa likod nya habang paulit-ulit na sumisigaw.

"INAATAKE TAYO NG TERORISTA! MA-MAMATAY NA TAYO!"

Hindi na nakapag-salita pa si David. Sakal-sakal kasi sya ni Ci-N habang niyu-yugyog mula sa likod.

Kinusot ko ang mata ko. Humahapdi na kasi yon dahil sa usok. Pakiramdam ko pinipiga ang baga ko at nagsisimula na kong mahirapang huminga.

Mamatay yata ako dito dahil sa suffocation.

Napatingin kami sa likod ng makarinig kami ng bumagsak na bagay. Tumumba ang water dispenser habang kinukuha ni Blaster ang galon.

Marami pang laman yun kaya naman nahirapan sya nung una. Buong lakas nyang binuhat yon at binato sa paputok na nasa harap.

Segundo lang ang binilang at tumigil ang pagputok. Labak nga lang ang sahig.

"Namatay na! Lumabas na tayo!" Sigaw ni Eman at yun nga ang ginawa namin.

Tinulungan ako ni Yuri na makatayo at inalalayan hangang sa makalabas. Kanya-kanya ng paghahabol ng hininga. Halos hikain ang iba samin.

"Anu ba?! Bumaba ka nga?!" Inis na sabi ni David habang pinapa-alis si Ci-N sa likod nya.

"Ayaw! Dito na ko titira sa likod mo!"

Baliw talaga! Anu yang likod ni David? Bahay?

Napapailing nalang kami. Sa kabila ng nangyari samin may enerhiya pa syang mangulit. Samantalang kami pare-parehong hindi nakahinga sa loob. Buti nalang at nakaisip agad ng paraan si Blaster.

"Nagustuhan nyo ba regalo namin?"

Pare-pareho kaming napatingin sa nagsalita. Si Mykel kasama ang ilan sa Section A at syempre yung mga Alipores nilang Section D.

"Anu na naman ba to Mykel?!" Galit na tanung ni Yuri.

"Ganti-ganti lang yan!" Sagot nya at malakas ang naging tawanan nila.

Nagkuyom ang kamao ko. Hindi ba talaga titigil ang isang to? Pinaiyak na sya ni Kuya Angelo. Walang kadala-dala.

Bigla nalang may naghagis ng pikolo at halos madapa kami sa pag-iwas don. Nagtawanan naman sila na parang sobrang nakakatawa ang mga itsura namin.

"Dabid! Mga terorista yan!" Sigaw ni Ci habang niyu-yugyog na naman si David.

"Tumigil ka! Nakikita ko!" Inis naman na sagot ni David.

Saan ba nang-gagaling ang kakulitan ni Ci-N? At bakit ba ayaw nya pang bumababa sa likod ni David? Buti sana kung ang gaan-gaan lang nya.

Epekto ng Boy Bawang o kaya ng usok!

"Pwede ba, umalis na kayo!" Galit na sigaw ni Rory.

"Tapang! Wag ka mayabang! Wala si Keifer dito!" Nagyayabang na sagot ni Mykel.

"Kahit wala si Keifer dito, lalabanan namin kayo!" Sagot ni Kit.

"Anu pa hinihintay nyo?! Laban na!" Sigaw nung isa sa kasama ni Mykel.

Akmang susugod na ang mga Ulupong pero biglang dumating si Sir Alvin. Kasama ng ilang mga Teacher.

"Section E! Ayos lang ba kayo?" Tanung nya samin. "...May nagsabing may usok daw galing sa loob ng room nyo! May sunog ba?"

Unti-unting nag-alisan ang mga Section D at A. Hindi naman na sila pinansin ng mga teacher at nag-focus lang samin. Buti nalang at nawala na ang usok galing sa loob ng room.

"Hindi po sunog. May naghagis lang po ng paputok sa loob ng room." Si Yuri ang sumagot.

"Paputok?!" Takang tanung ng isa sa kasama ni Sir. "...Nagdala kayo ng paputok sa school?"

"Hindi po kami... Yung grupo ni Mykel ang may gawa non." Sagot ni Edrix.

"At bakit naman nila gagawin yun?" Sabat ng isa pang teacher na lalaki.

Si Josh ang sumagot. "Bakit naman nila HINDI gagawin yun?"

Napalitan ng tingin ang mga teacher maliban kay Sir Alvin. Yung pakiramdam na parang meron silang kinakampihan. Tono pa lang ng pananalita at tinginan, alam na this.

Alam na alam na this!

"May nasaktan ba sa inyo?" Tanung ulit Sir.

Nagtinginan ang lahat ng Ulupong. Naghihintay kung sinong magsasalita. Nang mapagtanto na wala, si Rory na ang sumagot.

"Wala naman----." Naputol ang sasabihin nya dahil sa biglang pagsingit ni Ci-N.

"Meron!" Sigaw nito at syempre nakasakay pa rin sa likod ni David. "...masakit ang puso ko! Broken hearted ako! Hindi ako pinapansin ni Rakki kanina!"

Napakamot nalang si Sir sa ulo nya. Sanay naman na sya sa kakulitan ni Ci-N kaya hindi na namin kailangang magpaliwanag sa kanya.

"K-kung may nasaktan man, dumiretso kayo sa clinic para matignan." Sabi ni Sir at naglakad papunta sa room namin.

Sinilip nya ang room at napangiwi sya ng makita ang kalat sa sahig.

"Kami na pong bahala dyan sir. Okay na po kami. Salamat po sa pag-aalala." Sabi ni Yuri.

Ngumiti si Sir samin at nag-nod. Nagbilin ulit sya bago tuluyang umalis kasama ng mga kapwa nya teacher.

"Sir! Pansinin nyo ko! Masakit ang damdamin ko!" Sigaw ni Ci-N.

Napatingin ako kay David ng mapansin kong namumutla sya. Sakal-sakal na naman kasi sya ni Ci habang nagsusumigaw.

Hinampas ko ng malakas sa braso ang Batang kumag. Inis nya kong tinignan.

"Masakit ang damdamin ko!" Sigaw nya sa pagmumuka ko.

"Sinasakal mo si David!"

Nataranta syang bumitaw at mabilis na bumaba mula sa pagkakasakay sa likod ni David. Habol hininga naman tong isa.

"May araw ka rin sakin." Halos pabulong nyang sabi kay Ci.

Ngumisi lang naman ang Batang Kumag sabay peace sign. Pumasok na sa room ang ibang Ulupong kaya sumunod na kami. Kinuha ni Eman ang gallon na may kaunti pang laman at ibinalik sa water dispenser na inayos naman nila Kit at Eren.

"Sabog ata ang mga Section D na yon! Tayo pa talaga pinag-tripan nila!" Inis na sabi ni Felix.

Sobrang haba ng paputok. May natira pa palang halos kalahati. Si Eren ang kumuha non at nilabas ng room pero bago tuluyang makalayo pinigilan sya ni Ci-N.

"Wag mo muna itatapon. May naiisip akong gagawin dyan." Sabi nya at sumilay ang nakaka-lokong ngiti.

"Hoy! Kung anung kalokohan na naman yang nasa isip mo!" Sita ko sa kanya.

Humagikgik lang naman sya at tinalikuran ako. Hindi ko na napansin kung saan nagpunta si Eren. Sana lang itapon nalang nya yung paputok na yon.

Nanguha ng map at basahan sila Drew at Mayo. Sila na naglinis ng kalat sa sahig. Nakitulong na rin ako sa kanila. Mukang dahil sa nangyari hindi na kami pinuntahan ng teacher namin. Baka hinayaan nalang kaming makapag-pahinga.

"Bigyan na natin ng ultimatum yang si Mykel ng tumigil na." Dinig kong sabi ni Eren.

"Parang ganun kadali yun ah!" Medyo inis ma sagot ni Mayo.

"Madali lang yun. Naduduwag ka lang." Parinig ni Eren at pabatong binitiwan ni Mayo ang basahang hawak.

"Anong sabi mo?!" Galit na sabi nya at akmang susugod pero mabilis na pumagitna si Denzel at Edrix.

"Tama na! Awat na!"

"Mag-aaway pa eh!"

"Tumigil tumigil!"

"Maglayo nga kayo!" Sigaw ni Calix sa kanila.

Ginawa naman nila yung sinabi nya pero nagpalitan muna sila ng matalim na tingin na parang nagbabanta sa isa't isa.

Pinairal pa talaga nila init ng ulo nila.

Matapos maglinis, kanya-kanya na naman kami. Mukang hindi na rin kami pupuntahan ng ibang teacher kaya naisipan ni Eman na magluto na ng pananghalian.

Habang pasimple silang nag-uusap, kinuha ko yung cellphone ko. May textmessage ako galing sa GagongBaliw pero hindi sya ang pakay ko.

Tinext ko si Percy na dalhan ako ng pananghalian. Wala akong balak na ulitin yung kahapon. Anu sila? Inu-unti-unti lang nila ako. Palagay nila sakin uto-uto?

Uyyy... Amoy adobo!

Napatingin ako kay Eman. Mukang Adobo ang niluluto ng Ulupong. Parang gusto ko tuloy dito nalang kumain.

Sige dito nalang!

Pero hindi pwede. Parang sinabi ko na rin na pinapatawad ko na sila. And it's a no no no no check!

Pere mesherep elem!

Naku! Tuluyan na kong nahawa sa pagiging patay guts ng mga Ulupong. Pero hindi ako papatalo. Hindi ako kakain dito! Kahit lechon pa ang iluto ni Eman.

"Kain na tayo Jay!" Aya ni Ci.

Tinitigan ko sya. "Meron akong ipapagawa sayo."

"Anu yun?" Nakangiti nyang tanung habang lumalapit sakin.

Bumulong ako sa kanya. "Ikuha mo ko ng pagkain tapos wag mo ibibigay sakin."

Napakamot sya ng ulo at taka akong tinignan. "Ha?"

"Basta kumuha ka... Wag mo ipapahalata tapos dalin mo don sa tambayan natin sa taas."

Dahan-dahan syang nag-nod. "Sige."

Ayos! Umaandar talaga ang katalinuhan ko kapag usapang pagkain.

Saktong natapos magluto si Eman ang pagtunog ng bell. Lunch na at tumayo na ko para lumabas pero agad akong hinarang ni Felix.

"Dito ka na kumain." Sabi nya habang nakangiti.

Umiling ako. "Nagtext ako kay Percy. Parating na yon."

"Sabay ka na----."

"Hindi na." Seryosong sabi ko.

Napayuko sya kasabay ng pagpipilit ng ngiti. Mukang nakuha naman nya na hindi talaga nya ko mapipilit. Nilagpasan ko sya at dumiretso na palabas. May huling pagsulyap pa ko kay Ci bago tuluyang maka-alis.

Adobo! Adobo! Ahihihi...

Pagpunta ko sa second floor ng building, nakarinig ako ng pagsara ng pinto. Awtomatikong napatingin ako sa dulong kwarto kung saan nakalagay yung mga picture ng dating Section E.

Wala ibang pwedeng magbukas ng room na yon, dahil nakay Keifer ang susi non. Unless nalang iniwan nya kay Yuri pero andun sya sa room.

Lumapit ako don at pinakiramdaman kung may tao sa loob. Sinubukan ko ding pihitin ang doorknob pero naka-lock. Kumatok din ako sa pagbabaka-sakali na merong magbubukas ng pinto.

Weird! Pero narinig ko talaga na may sumarang pinto.

Nagkibit balikat nalang ako. Baka pinto sa room namin yun. Napalakas lang siguro ang pagkakasara. Naglakad na papunta sa tambayan namin malapit sa hagdan sakto namang parating si Ci-N pero wala syang dala.

"Asan na?" Iritable kong tanung.

Ngumuso sya sa bandang baba ng hagdan at ng sundan ko yun, paakyat ang Felix dala ang dalawang plato na puno ng kanin at ulam.

Shutanginamers!

Kaya ko nga pinadala dito, para walang maka-alam na para sakin yun. Mahigpit ang bilin ko sa kanya na wag papahalata.

"A-anu yan?" Kuwaring inis kong tanung.

"Tinulungan ko lang si Ci-N na dalin to dito." Nakangiting sagot nya. "...Alam ko namang hindi to para sayo."

Tulok mo! Ako pa ginawa mong shunga!

"Tse!" Tinignan ko si Ci-N na kinakalikot ang tenga habang nakatingin sa malayo. "...Kumain kana. Hihintayin ko pa si Percy dito."

Inosenteng tumingin sakin si Ci at kinuha ang dalawang plato na ini-aabot sa kanya. Ngumiti ulit sakin ang Felix bago tumalikod para umalis.

Bago sya tuluyang makababa pinahinto ko sya. Taka syang nakatingin sakin.

"Wag kang magkaka-maling sabihin to sa mga kapwa mo Ulupong." Banta ko at kinindatan naman nya ko bilang sagot.

Tsk! Yabang....

Nagsisimula ng kumain si Ci-N ng balikan ko sya. Busy ang luko at hindi man lang ako pinapansin. Dahil wala naman ng istorbo kumain na rin ako.

Ilang sandali lang at dumating na rin si Percy. Naka-ngiti pa sya sakin pero napalitan yon ng ngiwi ng makita nya si Ci-N na hindi naman sya pinansin.

"Bakit andito yan?" Bulong nya sakin habang inaabot ang dalang plastic.

Take out sa fast food ang dala nya. Kinuha ko yun nilapag sa harap namin.

"Inutusan ko kasi sya kanina. Kain na." Aya ko pero umiling sya.

"Kumain na ko sa bahay."

Pinagmasdan ko ang muka nya. Para kasing ang tamlay nya tignan pero tinatago nya yun sa pag-ngiti. Idagdag pang parang namumutla sya.

"Okay ka lang ba? Parang namumutla ka." Sabi ko at akmang hahawakan ang leeg nya pero mabilis syang umiwas.

"Okay lang ako. Ako pa!" Nakangiti nyang sabi. "...Hindi kabawasan ang pamumutla sa ka-gwapuhan ko."

Ay okay lang talaga sya! Kapal muks pa rin eh.

Biglang huminto si Ci-N sa pagkain. "May bagyo ba? Lakas ng hangin eh." Inosente nyang sabi.

Agad naman syang tinignan ng masama ni Percy. "Oo! May bagyo... Ingat ka ah? Baka tangayin ka ng hangin, ang liit mo pa naman."

Sinabayan naman ni Ci ang tingin nya. "Wag ka masyado magyayabang para hindi lumakas ang hangin."

"Kelan pa naging kayabangan ang kagwapuhan ko?!"

"Tuwing sinasabi mo!"

"Inggit ka lang! Mas gwapo ako sayo!"

Tinignan ni Ci ang muka nya na parang sinusuri. "Saang banda? Hindi ko makita!"

"Bansot na nga bulag pa!"

"Panget na nga mayabang pa!"

Yung sa halip na awatin sila, pinanood ko nalang. Mas gusto kong unahin ang pagkain. Kapag talaga ang dalawang to ang magkasama, laging gumagawa ng eksena.

Sige lang! Push nyong dalawa yan!

Nang matapos kumain, nag-paalam muna akong mag-CR. Iniwanan ko muna sila. Dahil lunch time, may mga tao sa loob ng dumating ako.

"Hindi talaga sila pumasok?"

"Oo... Yung grupo ni Mykel."

Dinig kong usapan ng ilang babae habang nasa cubicle ako. Si Mykeliling ang pinag-uusapan nila.

"Diba sila yun? saan sila pupunta?"

"Ewan. Wag na tayo maki-alam dyan. Tara na."

Mukang umalis na yung mga babae. Lumabas din ako agad ng cubicle at mabilis na naghugas ng kamay. Paglabas ko ng CR napansin ko yung ibang studyante na parang may tinitignan tapos mag-aalisan.

Tinignan ko din yun pero grupo lang ni Mykel na palabas ng school ang nakita ko.

Anu kayang meron?

Nagkibit balikat nalang ako at bumalik na sa building namin. Nasa hagdan na ko ng masalubong ko si Percy.

"Asan si Ci-N?" Tanung ko.

"Bakit sakin mo tinatanung?"

Taka ko syang tinignan. "La! Magkasama kayo diba?"

"Sinundan ka nya! Sabi nya ang hangin ko daw kasama kaya sinundan ka."

Pakshit! Pero hindi ko sya----yung grupo ni Mykel.

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Kinain ng kaba ang buo kong katawan. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko may hindi magandang nangyari.

Napatakbo ako papunta sa gate ng school pero wala na sila don. Sinubukan kong lumabas pero wala na rin sila. Lumapit ako sa gaurd na kasalukuyang nakaharap sa cellphone nya.

"Kuya! Nakita nyo bang lumabas yung grupo ng mga istudyante kanina?" Nag-aalalang tanung ko.

Binaba nya ang cellphone at bored akong tinignan. "Yung grupo nung Mykel ang huling lumabas."

"Nakita nyo ba kung may kasama silang lalaki na ganito kalaki." Minwestra ko ang hieght ni Ci. "...Bata tignan tapos maputi----."

"Yung Section E na bata ba? Oo, kasama nila."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Anung balak nila kay Ci-N? Anung gagawin nila? Wala ba talaga silang balak tumigil?

Hintayin mo ko Ci! Hahanapin kita.







++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter & Instagram: @lareypot

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 106K 75
Simula pagkabata ay naninilbihan na si Dwayne Castillo sa pamilya Del Francia, kasama ng kaniyang ina. Itinaguyod mag-isa ng ulirang ina kaya napa-su...
23.5M 596K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...