Prom Night

By xmeimeix

221K 5.2K 1.9K

Bata pa kami inaaway na niya ko. Kinukurot. Sinisilipan. Binabato ng eraser. Napipikon ako lagi. Umiiyak. Na... More

Prom Night

221K 5.2K 1.9K
By xmeimeix

PLEASE REFRAIN FROM PROMOTING OTHER STORIES IN THE COMMENTS SECTION. THIS IS A SIGN OF RESPECT TO THE AUTHOR WHO HAS WORKED HARD TO GET READS. LINKS TO OTHER STORIES WILL BE DELETED RIGHT AWAY. THIS IS BASIC ETIQUETTE. PLEASE LANG. THANKS. xmeimeix

This is the worst night of my life.

I have a kick-ass dress. I have smoking makeup. I'm even wearing a tiara. And stupid shoes.

Ugh, I hate it. There I was, dancing to the bouncy beat of the first piece, and my friggin' shoes just snapped.

Nasira yung takong ko! Sa lahat ba naman ng puwedeng masira, nakakainis!

I imagined it to be perfect. Now it's just a mess.

"You sure you don't wanna dance?" my wonderful prom date kept asking.

"Lloyd, nasira nga yung sapatos ko. Natanggal yung takong," I kept telling my wonderful prom date. Lloyd is a friend. A next door neighbor. He asked me to the prom out of-I dunno, convenience I guess. Hindi na niya ako kelangang sunduin with a fancy car. In fact, he was so galante, we rode a friggin taxi to the prom. At least hindi jeep, I kept telling myself na lang.

"Eh kung baliin na lang natin yung isang takong para pantay na sila?"

I squinted my eyes at him. Lloyd is not only wonderful and galante, he's also so damn smart.

He kept fidgeting in his seat. He kept looking at some particular direction. Yeah, yeah. I forgot he has this monster-sized crush on Aliyah, one of the girls in our year.

"Just go and ask her to dance, Lloyd."

He looked at me hopefully. "Really? I mean. I can't leave you here alone. Everyone's on the dance floor and..."

"C'mon." I smiled a little. "My night is already ruined. I can't let yours be ruined too. Go on and enjoy your night."

"You sure, huh?"

"Oo nga."

"Thanks!"At nagmadali siyang pumunta kay Aliyah. He was too late though. Naunahan na siya ng isa pa naming kaklase, si Brad Alvarez. Some jock, you know. Basketball varsity. Sa laki ng katawan nun, hipan lang niya si Lloyd eh mabubuwal na.

Dahan-dahan si Lloyd naglakad papunta sa buffet table, acting as if that's where he was headed all along. Suddenly I feel sad for the guy.

Lumingon uli ako sa dance floor. Crap. It was a slow song, everyone seems to be enjoying themselves. Couples are all over each other. A bit disgusting, but then, maybe that was their version of sweetness. Better them than me anyway. Prom night with defective shoes.

Again, the worst night of my life.

"You don't seem to be having fun."

Gulat akong lumingon sa tabi ko, kasi ni hindi ako aware na may katabi na pala ako. Titig na titig kasi ako sa mga tao sa dance floor.

Nakangiti si Raffy Lozano sa akin.

"I'm fine." Tipid na sagot ko, with tipid na smile. Raffy Lozano is from my class. He has actually been my classmate since grade school, and I don't really like him. He's rude and arrogant and in the second grade he tried to peek at my panties. He's plain annoying, and it's best to steer clear of him. Except now I can't, because of my defective shoes. As if this night couldn't get any crappier.

"You danced to the first piece pero hindi ka na ulit tumayo. Something wrong?" curious na tanong niya. He leaned back in Lloyd's seat and stretched his longish legs. At talagang nagrelax na siya sa tabi ko.

"Nasira yung takong ko." I said simply, hoping he would lose interest and leave me alone to my misery.

"Oh? Patingin." Sabi niya.Hahawiin na sana niya yung laylayan ng dress ko pero pinagpapalo ko yung kamay niya.

"What are you, a freaking perv??" badtrip na sabi ko. God, this really isn't my night.

"I just wanted to see." Seryosong sabi niya. "Not your legs. Your shoes."

Iritable kong tinaas konti yung damit ko, just enough for him to see the state of freaking shoes. "Oh ayan. Masaya ka na?"

"Tsk, tsk." Sabi niya, umiling-iling. "That sucks."

You don't say? Badtrip na sabi ko, pero sa utak ko lang. Ayoko na kasi siyang kausapin. I tried to keep my attention to the dance floor. People were having so much fun. Hindi man lang ako makasali. Nakakainis.

"Haaay. Ang boring noh?" sabi ni Raffy, may kasama pang buntunghininga.

"Bakit ba andito ka pa??" tanong ko. "Ba't di ka magsayaw?" -nang makaalis ka na dito, gusto ko sanang idagdag pero wag na lang.

"Ikaw rin naman hindi sumasayaw."

"Eh sira nga-" Why do I even bother repeating? Napahinga ako ng malalim, saka buga. "Never mind."

Nagpalit na naman yung kanta. Slow dance ulit. King and Queen of Hearts. God, I love that song. I should be dancing with someone right now. I don't care who with, I just want to sway to that sweet beautiful song. But I'm not. Instead I'm stuck here sitting with the most annoying person alive. Bakit ba ang malas malas ko??

"Oh, favorite song mo." Biglang sabi ni Raffy. Napatingin ako sa kanya.

"Pano mo--?"

"...alam? Nung grade four tayo sinulat mo yan sa likod ng notebook mo. Tapos paulit-ulit mong kinakanta. Nainis ako kaya binato kita ng eraser. Natamaan ka sa mukha."

I flinched uncomfortably, remembering it. Talagang kelangan niyang ibring up ngayon, of all nights, ngayon na sobrang badtrip na badtrip na nga ako? Ugh. Hindi ko talaga gabi to.

"Sayaw tayo." Biglang sabi ni Raffy. Tinignan ko siya ng masama.

"Ilang beses ko bang-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi yumuko siya. Akala ko umiwas lang siya sa akin, annoying me as usual. Pero nagulat ako. Tinatanggal niya yung sapatos niya. Pati medyas.

"Anong--?"

Nung matanggal niya yung sapatos niya, bumaling siya sa paa ko at nagsimulang tanggalin yung strap ng sapatos ko. Tinaas niya yung laylayan ng dress ko in the process pero sobrang nagulat ako at hindi nakaiwas.

"Oh ayan, pwede na." sabi niya, sabay ngiti. Tumayo siya sa harapan ko. Saka nilahad ang kamay sa akin. "Sayaw na tayo."

Nakanganga akong nakatingin sa kanya. Umiilaw ilaw yung dance floor sa likuran ng ulo niya, making weird shadows in his face, making him look almost...likeable. Ngumiti ulit siya akin. Hindi nakakaloko. Hindi pang-asar. Seryosong ngiti.

"Lia." Mahinang sabi niya, nakalahad pa rin ang kamay. "Halika na."

Hindi ko alam pero...inabot ko yung kamay niya.

Naglakad kami papunta sa dance floor, parehong nakapaa. Pinagtinginan kami ng ibang sumasayaw, pero parang wala lang kay Raffy. He kept holding my hand, dinala ako sa pinakagitna ng dance floor.

Dinala niya yung dalawang kamay ko sa balikat niya. Humawak siya sa bewang ko.

Did I dream that we danced forever

In a wish that we made together

On a night that I prayed would never end

No it's not my imagination

Or a part of the orchestration

Love is here at the coronation

I'm the king and you're the queen of hearts.

Kinakanta ni Raffy pabulong yung lyrics sa akin. Ang daming tanong sa utak ko. Bakit ako nakapaa? Bakit ako nakikipagsayaw ngayon? Bakit si Raffy...?

Etong lalakeng to. Halos isang dekada ko na siyang kilala.

Bata pa kami inaaway na niya ko. Kinukurot. Sinisilipan. Binabato ng eraser.

Napipikon ako lagi. Umiiyak. Nagsusumbong sa teacher.

Wala akong pakialam kung matalino siya. Wala akong pakialam kung magaling siyang kumanta at marunong siyang maggitara. Wala akong pakialam kung guwapo siya. Wala akong pakialam kung paminsan-minsan, mabait siya akin. Basta ang alam ko ayoko sa kanya.

Nung grade one umiyak ako kasi hinila niya yung pigtails ko.

Isang beses nung grade three hinila niya yung upuan ko kaya napaupo ako sa sahig.

Minsan nung grade five niregla ako. Nakita niya yung tagos ko at pinagkalat sa buong klase.

Nung first year high school ninakaw niya yung ID ko. Ilang araw akong pinagmulta sa gate.

"Gusto kita." Bulong ni Raffy sa tenga ko. "Matagal na."

Sinipa ko siya.

"Sana sinabi mo na lang." sabi ko. "Pinahirapan mo pa ko."

Napatawa siya ng malutong. Natawa na rin tuloy ako.

"Sorry ha."

Niyakap niya ko ng mahigpit.

Halos isang dekada na niya kong inaalaska.

Minsan sa sobrang galit ko gumaganti ako. Inaatake ko siya. Hinahampas hampas. Pero madalas nakakatakbo siya. Kaya hinahabol ko. Maghahabulan kami ng maghahabulan.

Habulan. Halos isang dekada na kaming naghahabulan.

Naabutan ko rin siya sa wakas. _FIN.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

This is more of a fantasy actually, a dream situation I have imagined so vividly with an old friend back in high school, sa isang school function kung saan nasira yung sapatos niya. How sweet would it be, kung merong willing na magtanggal ng sapatos, para lang maisayaw ka? It stuck to me all this years. Haha.. Ngayon ko lang nagawan ng kwento. This one's for you, Ms. dela Cruz. You remember this?

picture on the side is a gift from a fellow wattpader. thank you, @twinklehaze. you're awesome. =)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Dalawin niyo rin po yung bago kong kuwento, THE EX-GIRLFRIEND CHRONICLES. I don't usually do this, pero may topak ako lately, kaya nagpropromote ako dito. Hehe.. May pauso ako dun na gustong-gusto ko talagang patulan nio. Salamat Prom Night readers. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit dumami ang readers dito, pero masaya ako na nabubuksan pa rin. Halabshuuu.

xmeimei

Continue Reading

You'll Also Like

156K 11.5K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
393K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]