MELANCHOLY OF A WALLFLOWER (C...

Gazchela_Aerienne tarafından

16.3K 448 78

Republished. Written by: Gazchela Aerienne Melancholy Of A Wallflower by Gazchela Aerienne P74.00 Marami pa a... Daha Fazla

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 9.2
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Finale

Chapter 11.2

676 18 0
Gazchela_Aerienne tarafından

Charlotte's POV

PALABAS ako ng gate 2. Half-day kami ngayon. Sa bahay nalang ako magla-lunch. Kailangan ko na din kasing maging mabait pagdating sa pagkain. Kaya eto, uuwi na ako.

Nag-aabang lang ako ng taxi na masakyan pauwi. Hindi ko magamit ang bike ko papuntang school. Siyempre dahil kay Kuya. Pero okay lang. Nangako ako sa kanya na susunod na ako. Sa kanya at sa doktor ko. Para din hindi na palaging nag-aalala si Kuya.

Pero bago pa ako makakuha ng taxi, huminto 'yong motorbike ni Ezra sa tapat ko. Inalis pa niya 'yong helmet niya para lang makakindat.

Tss. Pasaway

Wala nang ginawa kundi magpa-cute.

"Uwi ka na?" tanong pa niya. E, obvious naman kaya.

Ano ba aasahan ko sa kanya? Siyempre, ganito lang ang style nito para maka-segue ng agenda niya.

"Saan pa ba? Wala naman akong ibang pupuntahan kundi sa bahay."

"Gusto mong tumambay sa favorite place ko? Doon na din tayo mag-lunch."

Sandali akong nag-isip. Good idea na din siguro para mapag-usapan ang dapat pag-usapan. I mean, I'm still bothered on how he acted last time.

"Okay." Sang-ayon ko. "Basta libre mo."

Sumaludo naman siya saka isinuot sa'kin ang helmet niya no'ng nakalapit na ako.
Sandali lang ang biyahe namin. Mas malapit kasi sa campus ang fishing village. Kinuha namin 'yong cottage na sabi niya, madalas nilang gamitin nang family niya. Doon na din kami nagpa-deliver ng lunch.

"Mag-isa ka lang sa bahay niyo? Kelan pa umalis ang Mama mo para sa bakasyon?"
Naitanong ko habang kumakain kami.

"No'ng isang araw lang. Dapat kasama nila ako pero may pasok pa tayo. Tapos di ba, exam pa bago ang sembreak? Kaya sabi ko, sila nalang. Next time nalang ako sasama. Tsaka they need some time together. Ipapakilala din yata ni Tito Ronald si Mama sa family niya."

Gusto kong magtaas ng kilay. May mga bagay sa sinabi niya na nagpapalito sa akin.

"Teka, ipapakilala? So, dapat kasama ka. Anak ka niya, kung ihaharap no'ng Tito Ronald mo ang Mama mo sa family nila, dapat kasama ka kasi... Alam mo 'yon? Package kayo ng Mama mo. Kapag tinanggap siya ng family nang Tito Ronald mo, dapat tanggap ka din."

Nagkibit-balikat lang si Ezra saka ininom ang ice tea niya. "Si Mama na bahala do'n. I trust her."

Hindi ko alam kung paano magre-react. Imposibleng walang impact sa kanya ang sitwasyon. Sigurado ako na nasa pretending mode na naman ito. O baka ayaw niya lang talagang pag-usapan.
Pero sabi ni Ricks, okay na kay Ezra si Tito Ronald niya? Okay na pero in the process pa din ang buong pagtanggap? Gano'n ba iyon?

Ewan ko. Ang gulo din kasi minsan ng mga aksyon at desisyon niya. Kasing gulo ng pagkatao niya. But at least, may buong pamilya na ulit si Ezra. Alam ko naman na 'yon lang talaga ang gusto niya. Magkaroon ng buong pamilya.

"Bakit nag-stay out na ang househelp niyo? Edi mag-isa ka lang sa bahay niyo?"
Kainis itong si Ezra! Bigla siyang naging tahimik. Ako nalang ang nagbi-build sa conversation. Kasalanan ko ba? Hindi ba niya gusto ang topic na binuksan ko?

"Diyan lang naman kasi sa kabilang bayan nakatira sina Aling Adora. 'Yong family niya na nasa Leyte, nag-relocate na dito sa Cavite kasi nakakuha din ng magandang trabaho dito ang asawa niya. Kaya 'yon. Nangupahan nalang sila. Tsaka, hindi ko naman kailangan ng kasama sa bahay. Sanay naman na akong mag-isa."

Kahit ngumiti si Ezra sa akin nang mga sandaling ito, ramdam ko 'yong lungkot niya.

'Sanay naman na akong mag-isa.'

Na-realize ko tuloy kung gaano ako kaswerte. May kapatid ako na may sapat na oras para sa akin. Minsan, labis-labis pa nga ang atensyon na binibigay ni Kuya tapos, binabalewala ko lang. Samantalang si Ezra, kapos na kapos. Siguro, iniisip niya na wala namang may pakialam sa kanya. Kaya todo hanap siya ng atensyon. Gusto ko tuloy siyang yakapin para maramdaman naman niyang may taong may pakialam pa din sa kanya.
Kaya nga kami magkaibigan. Friends care for each other. And that is why I care for him.

See that? Bumalik na 'yong pakialam ko sa mundo. Dahil sa kanya. Ipinakita lang naman sa akin ni Ezra 'yong napakahalagang bagay na meron ako na hindi ko pinahahalagahan.

Nakangiting siniko ko siya para naman pagaanin ang mood niya. "Hindi ka naman nag-iisa. Nandito naman kami ng mga kaibigan mo. Ikaw lang itong biglang dumistansya sa amin. Bakit nga ba?"

Napansin kong biglang natigilan si Ezra. Alam ko e. Nararamdaman ko na may malalim siyang dahilan. Ayaw niya lang sabihin. At nakakatampo na ayaw niyang sabihin. Akala ko ba magkaibigan na kami?
Friends na kami, dapat wala nang lihiman.

"Akala ko kasi ayaw mo talaga akong kaibigan. Detached ka pa din maski ini-acknowledged mo ang friendship natin." sabi niyang itinuloy ang pagkain.

Iyon lang ba talaga? Bakit iba ang pakiramdam ko?

"Well, dapat talaga hindi na ako makikipagkaibigan kasi nag-decide akong maging selfish hanggang sa huling hininga ko. Nag-decide ako na hihintayin ko nalang ang expiration ko. Minsan nga gusto ko pang madaliin. Pero sinampal mo kasi ako ng katotohanan na may sinasaktan akong importanteng tao sa buhay ko. Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ako sayo o dadagukan kita. Kaya eto. Nag-U-turn na naman ako. Nag-decide akong umasa ulit at maghintay ng donor. Kapag hindi pa kami makahanap ng donor dito hanggang magsara ang school year, baka lumipad kami ng US para do'n na magpaopera. Iyon naman kasi talaga ang plano namin noon pa. Pero bago kami nakaalis, naaksidente sina Mom---"

"Talaga?! Magpapaopera ka na?"

Nagulat ako no'ng bitawan ni Ezra ang cutleries na hawak niya saka niya ako inabot at niyakap ng mahigpit. Parang mas higit pa 'yong tuwa niya sa naging reaksyon ni Kuya noong sabihin ko ang desisyon ko.

"Well, yes. Noong na-confine ako, nag-undergo na din ako sa mga test kaya medyo natagalan din ang pagbalik ko sa school." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Thanked God! Akala ko, forever ka nang magmamatigas e."
Tumatawang sabi niya habang pinapakawalan ako.
"Pero medyo nagtataka ako. Bakit hindi ka masungit ngayon? Hindi mo din minamaltrato ang kagwapuhan ko?"

Kunwari inirapan ko siya. Pero kasi, sa totoo lang, nae-enjoy ko itong light conversation namin. Itong open ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Mas masarap kasi talaga ang may kaibigan ka na napaglalabasan ng lahat ng saloobin mo. Kesa sa sinasarili. Siguro, ito din ang dahilan kung bakit maginhawa na ang pakiramdam ko. Magmula pa kagabi na nagkaayos kami.
Teka, speaking of kaibigan...

"May atraso ka pa pala sa akin, Ezra."

Kunot-noong bumaling sa akin si Ezra. Tinampal ko naman ang noo niya na may mga unwanted lines. Sagabal sa magandang tanawin e.

"Aray naman!" reklamo niya na hinaplos ang noo.

"Teka, bago mo ako maltratuhin, paki-explain ng atraso ko. Wala akong maalala e. Sa pagkakatanda ko nga, ako na ang pinakamabuting kaibigan na meron ka." Nang-aasar na naman ang ngisi niya.

Sinimangutan ko si Ezra saka ko tinusok 'yong hipon na binalatan niya.

"Mabuting kaibigan ba 'yong siniraan mo ako sa mga long time friends ko?"

Nagkamot siya sa batok. Alam kong gets na niya ang sinasabi ko.

"O? Ano? Hindi ka makatanggi? Bakit mo sinabi na may lahi akong mangkukulam?" Sita ko sa kanya sabay pandidilat ng mata.

"E kasi, 'yong mga manliligaw mo, bigtime!"

"O, tapos?"

Gusto ko sana siyang itama. Hindi naman ako nagpapaligaw sa mga dati kong classmates, sadyang makulit lang sila. Kahit sinabi ko nang magkakaibigan kami, tuloy pa din. Hinayaan ko nalang. Besides, malaking tulong at suporta ng buong klase namin noon sa akin habang nasa process kami ng paghihintay ng donor. Kahit noong sabay na mawala sa mundo ang parents ko, nandoon sila at sumusuporta. Kahit noong i-detached ko na ang sarili ko sa kanila, sila pa din ang nagre-reach out sa akin.

Pero kasi, noong mga panahon na nawalan ako ng pag-asa, naisip ko na dapat, lumayo na din ako sa kanila. Para hindi masyadong masakit at mahirap. Para wala akong panghihinayangan. Mas maigi na wala nang magpahalaga sa akin, at hindi na din ako maapektuhan ng mga pag-aalala at concern nila, para wala na din akong dahilan na lumaban. Nakakapagod na kasing maghintay, umasa at lumaban.

Yes, I gave up my own battle.
But not when Ezra came and intruded into my way of living.

Ikaw ba naman ang kulitin ng lalaking wala yatang ibang misyon sa buhay kundi ang magpapansin? Anyway, may sense naman kasi lahat ng sinabi niya sa akin last time. At inaamin ko na kung magaling siyang makialam, magaling din siyang mag-encouraged. He had this kind of personality na lalaban hanggang kayang lumaban. At hindi dapat seryosohin ang problema para hindi din iyon magseryoso sa iyo. In short, Ezra takes life so easy, lightly and full of happiness. Even how hard and how painful life is.

"Na-insecure ako e. Tsaka nakakaselos. Nginingitian mo sila, tapos ako hindi?"

May mali yata sa narinig ko. Natigilan ako do'n sa isang word na ginamit niya. Parang may kumalabog sa loob ko dahil do'n. May impact talaga.

"Nakakaselos? Bakit? Ano ba tayo?" Hindi ko napigil ang sarili ko na magtanong. May kaba talaga na bumubundol sa dibdin ko. Iba na kasi ang mga sinasabi ni Ezra.

"Magkaibigan. Bakit? Bawal bang magselos ang kaibigan sa mas close na kaibigan mo?"

"Oh..."

Nadismaya ako sa sagot niya. At hindi ko alam kung bakit naghihintay ako ng ibang sagot. Nade-develoo na yata ako sa ugok na ito. Ano bang nangyayari sa akin?
First, he made me realize how lucky I am for having what I have. Bagay na wala siya at hinahangad niya. Second, tinuruan niya akong maging grateful. Maybe, iyon ang dahilan kung bakit ginusto ko na maging totoo na akong kaibigan sa kanya. Wala nang cover up. At maging ganito kami, light and carefree na samahan. Third, I let my self to care again and let others care for me. To get affected. To get attached to the world. Lalo na sa kapatid kong mahal na mahal ako. Pina-realize niya sa akin na mas mabuti ang may karamay kesa nag-iisa. Naging kasali na ulit ako sa mundo. And lastly and most important, pinursue niya ako na umasa ulit. Lumaban para mabuhay.

At heto nga ako, nagpa-encourage sa lahat ng pangungulit at sermon niya. Ako lang ba talaga ito o sadyang may kakayahan si Ezra na baguhin ang buhay at desisyon ng ibang tao once na gustuhin niya?

Akala ko, ganyan lang si Ezra. Iyong tipo na wala-wala lang. Pero kapag nagseryoso na pala siya, malalaman mo nalang na mas malawak ang pang-unawa niya kumpara sa inaakala mo.

Tinapik ko siya sa isang balikat. "Thank you, Ezra."
Galing 'yon sa puso kong handa na ulit lumaban hanggang makahanap ng papalit sa kanya. Napansin ko na natigilan siya. Humarap siya sa akin na parang nalilito at nagtatanong kung ano bang ibigsabihin ko.

"For giving me hope. For encouraging me to hope again." Nakangiti ko namang paliwanag bago pa siya makapagtanong.

Tumawa naman siya sabay iling. "Alam mo, minsan, boring din pala 'yong seryoso, ano? Mas naeenjoy ko pa kapag naaasar ka sa akin. 'Yong iniirapan mo ako tapos babatukan mo ako. Iyong mga ganon ba?"

Hinampas ko nga siya sa braso.

"Mga ganyan ba?" Sabay kurot sa tagiliran.

Todo iwas naman siya at aray ng aray.

"Oy, tsansing na iyan, Sungit ha?"

"Excuse me? Ang kapal-kapal ng mukha mo!"

Tawang-tawa siya na parang nang-aasar. Nauwi na kami sa kulitan. Hindi tuloy kami matapos-tapos kumain. Matagal pa kaming nagkwentuhan hanggang noong mapansin ko na pahapon na. Kaya nagyaya na din akong umuwi.

"Sungit, maayos ba 'yong helmet mo? Hindi ba maluwag?"

Magmula noong tawagin niya akong Sungit at hindi ko naman siya sinisita kasi totoo namang masungit ako, nakasanayan nalang niya 'yon. At hindi ko magawang mairita. Sa pakiramdam ko kasi, parang endearment niya 'yon sa akin.

"Oo, di ba ikaw nga 'yong nagkabit sa akin nito?"

"Okay."

Napakunot-noo ako. Tahimik kasi si Ezra habang nagda-drive. Samantalang usually, daldal ito ng daldal habang nagbibiyahe kami. Tsaka kanina no'ng lumabas kami ng fishing village, madaldal at makulit pa siya. Ang bilis talagang magbago ng mood nito. Sarap kaltukan e.

"Yumakap ka ng mahigpit sa bewang ko. Iyong siguradong hindi ka malalaglag." Sabi niya maya-maya.

Iningusan ko siya. "Huwag na. Baka sabihin mo na naman, tsinatsansingan kita. Excuse me lang, ha?" Pinamaldita ko 'yong boses ko. Kasi naman, parang ang seryoso ng tono niya. Hindi ko alam kung may niluluto na naman itong kalokohan o ano?

"Hindi nga. Sige na. Higpitan mo ang kapit mo sa akin."

Ewan ko ba. Pero kapag ganitong seryoso ang tono ni Ezra, napapasunod nalang ako.

"May sasabihin ako sayo, Charlotte."

"Ano 'yon?"

Kinakabahan ako. 'Yong puso ko parang gustong mag-palpitate. After effect ba ito ng serious tone niya?
"Ano 'yon?"

Bawat segundo na naghihintay ako sa sasabihin niya, parang isang taon ang dumadaan. Ganoon nalang ang pagkainip ko at naninibago talaga ako sa sarili ko.

"Ang sisipag ng mga tao ngayon, ano?"

"Ha?"

Ano bang sinasabi niya? Letse, nagbabalak pa yatang bumanat ng punchline.

"Ang sisipag nila. Pati mahal ng iba, mahal din nila. Pasalamat ka, tamad ako. Ikaw lang ang mahal ko."

Lintik talaga! Sabi na e!

"Tatawa na ba ako?" kunwari walang effect. But deep inside, I wanted to smile wide. Pinapabilis niya ang pintig ng puso ko. But not in a bad way. Actually, he was making my heart felt healthy.

"Bakit ka tatawa? Dapat kiligin ka kasi totoo 'yon."
Dapat tumatawa na siya ngayon kasi ganoon siya kapag nanti-trip. Pero ang seryoso pa din ng tono niya. Napapaarko talaga ang kilay ko.

"Ewan ko sayo. Mag-drive ka nalang diyan." sita ko sa kanya.

"Close your eyes and hugged me tight."

"Bakit?" Nalilito kong tanong sa kanya.

"Huwag ka nang magtanong. Minsan lang ako humiling sayo. Pagbigyan mo na ako. Tutal wala ka namang iniutos sa akin na hindi ko sinunod."

"So, gano'n? Nagrereklamo ka na?"

He laughed. A nervous laugh. Nakaka-puzzle si Ezra. Well, ganito naman siya lagi. He used to puzzled me. Minsan iisipin mo na siya ang tipo na 'What you see is what you get.' Pero hindi pala.

I wanted to know him more. Mas nae-enjoy love ang samahan namin habang tumatagal.

"Hindi ah. Kelan ba ako nagreklamo? Pero kasi pagbigyan mo na ako. Ngayon lang, tapos hindi na ako hihiling sayo kahit kailan."

"Okay, fine." pagsuko ko nalang.

Iniyakap ko ng mahigpit ang mga braso ko sa bewang niya. Sabay pikit ng mga mata ko. Humilig na din ang ulo ko sa likod niya. Ang sarap sa pakiramdam ng mainit niyang likod sa pisngi ko.
Sheeems! Mukhang mae-enjoy ko ang kung ano mang trip ni Ezra. Dapat talaga hindi nalang ako nag-iinarte pa.

"What now?" tanong ko habang nakapikit.

"Have you closed your eyes?"

"Yes."

"Charlotte Chua, promised me you will live your life to the fullest. And you will take care of my heart as long as you live. We will breath together... we will live together."

Magtatanong na sana ako pero bago pa ako makapagmulat ng mga mata at makapagsalita, naramdaman ko 'yong malakas na impact sa unahan. Pakiramdam ko naalog ang mundo ko kasabay ng pakiramdam na para akong humahagis sa kung saan. Para akong nahuhulog. Pinilit kong buksan ang mga mata ko pero ang huli ko nalang nakita ay ang papalubog na araw, ang katawan ni Ezra na nadaganan ng motorbike niyang si Orly sa bandang paa. May umaagos na dugo mula sa katawan niya pero nakadilat ang mga mata niya habang nakangiti sa akin.

I can see him mouthing words like: I love kita, Sungit.

And my eyes burst into tears. Wala akong maramdaman kundi 'yong mga luha kong umaagos sa pisngi ko at ang isang kamay ko na gusto siyang abutin. Kaso, ang layo-layo niya. At parang mas lalo pa siyang lumalayo.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

14K 257 39
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
5.5M 276K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
16.3K 277 30
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...