ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 29: DESPERATION

485 33 6
By angelodc035

Sumalubong kay Blake ang napakalamig na hangin habang papalapit sa kanya si Mariang Makiling. Pamilyar sa kanya ang pangalang iyon at alam niyang narinig na niya ito sa kanilang paaralan. Hindi nga lang siya sigurado kung saan o kung isa ito sa pinag-aralan nila sa klase sa Filipino noong nag-aaral pa siya.

Nang halos isang metro na lamang ang babae ay naglabas ng nakakasilaw na liwanag ang katawan nito at lumutang sa hangin. Iniabot ni Mariang Makiling ang kanyang kanang kamay kay Blake at niyaya niya itong sumama sa kanya.

Dahil naroroon pa rin ang takot ay iniyuyugyog niya ang ulo na nagpapahiwatig na ayaw nitong sumama sa diwata.

"Hindi ako kaaway Blake kaya walang dapat na ikatakot. Isasama kita sa iyong mga magulang para makilala mo sila at ipapakita sa'yo ang iyong malaking papel na gagampanin upang matupad ang propesiya."

"Huh? Anong..."

"Ihaharap kita kay Daniway upang siya ang magbibigay ng inpormasyon tungkol sa iyong mga magulang. Siya ang magiging susi sa lahat ng iyong katanungan. " ang wika ni Mariang Makiling sa batang si Blake.

"Hinde, baka nagkakamali ka lang. Ang gusto ko lang sana ay makauwi na ako sa aking mga kapatid."

"Hindi Blake, musmos ka pa lang ay sinusubaybayan ka na namin. Labis ang pangungulila ng iyong ina sa'yo."

"Patay na ang aking ina. Kasama siyang pinatay ng mga aswang ng gabing lumusob ang mga ito sa Maynila. Buti na lamang at nailigtas ko ang aking lola at dalawa kong kapatid. Ngayon dahil hindi nila ako kasama ay nanganganib ang kanilang mga buhay. Kaya nakikiusap po ako na tulungan po ninyo ako makabalik sa amin." ang pagmamakaawa ni Blake sa diwata.

"Buhay ang iyong mga magulang Blake at hinihintay ka nila. Mas higit kang kailangan sa mundong ito. Kapag nasira ang mundong ito pati ang tinutukoy mong mundo ay mawawala. Lahat ng nilalang may buhay man o wala ay tuluyan ng maglalaho." ang malungkot na tugon ni Mariang Makiling.

"Hindi totoo yan. Please, tulungan na po ninyo akong makabalik sa amin. Maawa na po kayo sa mga kapatid ko lalong lalo na sa lola ko na isang bulag. "

Natigilan ang diwata na tila natinag sa pagmamakaawa ng bata. Napaisip siya sa ipinapakitang pagmamahal ni Blake sa kanyang dalawang kapatid at sa lola nito. Ipinako niya ang kanyang mga mata sa mukha ng umiiyak na si Blake. Marahil ay naaawa na rin siya sa sitwasyon nito lalo na't malapit talaga sa kanyang lola at mga kapatid si Blake.

"Matutulungan lang kita kung dadalhin natin dito ang lola't dalawa mong kapatid. Dito mas ligtas sila at hindi na magugutom pa." ang tugon ni Mariang Makiling para tumahan na ang bata.

Biglang nagliwanag ang mukha ni Blake sa kanyang narinig mula kay Mariang Makiling. Pinunasan niya sa kanyang kamay ang kanyang mga luha at gumuhit ang mga ngiti sa kanyang marungis na pisngi.

"Talaga po?! Gagawin po ninyo yan?" ang tuwang-tuwang tugon ni Blake na halos mapalundag na sa kanyang kinatatayuan.

Tumango lamang at ngumiti si Mariang Makiling.

"Salamat po! Maraming salamat po... " ang muling napaiyak na tugon ni Blake dahil sa tuwa.

"Gagawin ko yan alang-alang sa kaligtasan ng mga mahal mo sa buhay lalo na't sila ang nag-alaga sa'yo sa mundo ng mga tao. Kailangan ka rin namin dito sa ikatlong mundo ang mundo ng mga elemental."

"Ikatlong Mundo? Mundo ng mga elemental?" ang tanong ni Blake.

"Oo nandito ka ngayon sa ikatlong mundo o ang tinatawag na mundo ng mga elemental. Ito ay nasa ikatlong dimensiyon sa mundo ng mga tao." ang paliwanag ni Mariang Makiling kay Blake.

"Ikatlong dimensiyon? Ano po 'yon?  Hindi ko po maintindihan."

"Masyado ka pang bata para maintindihan mo kaagad ito. Pero para magkaroon ka ng ideya ang mundo ng mga elemental ay ang mundo ng mga diwata, engkanto, ng mga diyos at diyosa na nakilala lamang ninyo sa mga libro at mga mitolohiya. Marahil ang ilan sa mga ito ay napag-aralan na sa inyong mga paaralan..."

"Tulad po ba ng mga aswang?!" ang pagsabat ni Blake sa diwata.

"Tama ka,  sila ay mga kampon ng dilim at tinatawag silang mga anak ng buwan." ang tugon ng diwata.

"Sila po ang mga lumusob at nangain ng mga tao sa Maynila. Mga manananggal, wakwak, at tiyanak."

Tumango lamang si Mariang Makiling kay Blake at umupo sa harapan niya. "Kaya kailangan namin ang iyong tulong para mapigilan sila sa pagsakop sa sanlibutan. Iligtas ang mga tao at ang mga nilalang ng ikalawa at ikatlong mundo."

Nanatili lamang nakatingin si Blake sa diwata. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dahil sa naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari.

"Umaasa ako na sana matulungan mo kami. Tulungan mo kaming maisakatiparan ang propesiya Blake."
Ang pagsusumamo ng magandang diwata.

"Bakit ako? Isa lamang po akong bata." ang tanong ni Blake.

"Dahil sa iyong taglay na kapangyarihan Blake. At ang sinasabi ng propesiya tungkol sa'yo."

"Propesiya?"

"Hindi ako ang nararapat na magsasabi sa'yo tungkol sa propesiya. Si Daniway ang siyang may karapatang sabihin at ipaliwanag sa'yo ang lahat."

"Sino si Daniway?" ang muling tanong ni Blake sa diwatang si Mariang Makiling.

"Makikilala mo rin siya sa pagsama mo sa akin sa kanya pagkatapos mong kumain ng iyong almusal. "

"Sige po." ang tugon ni Blake.

Ngumiti ang diwata at naalala ang inihanda nitong inihaw na manok sa kusina.

Mabilis na tinungo ni Mariang Makiling ang kusina at kinuha ang litsong manok. Pagkabalik niya sa bata ay kaagad na ibinigay iyon kay Blake.

Namilog ang mga mata ni Blake at napanganga sa napakasarap na litsong manok na iniabot sa kanya ng diwata. Buong gahaman niya itong kinain dahil na rin sa nararamdamang gutom.

"Salamat po!"

Ngumiti si Mariang Makiling at nakuntento na lamang itong pagmasdan ang bata.

Kahit na abala sa pagkain si Blake ay maya't-maya ay tumitingin ito sa diwata. Mayroon sana itong gustong itanong sa diwata pero minabuti na lamang niyang huwag na muna. Ipinagpatuloy na lang niya ang kanyang almusal at sinigurado niyang mabubusog siya bago ang kanilang paglalakbay. 

Pagkatapos makakain ay desidido ng sumama ni Blake kay Mariang Makiling para na rin maisama niya ang kanyang lola at dalawang kapatid kung saan siya naroroon ngayon. Labis na rin ang kanyang pag-aalala sa kanila simula ng makarating siya sa lugar. Ni hindi na rin niya alam kung nakakakain pa ba sila gayong napakabata pa ng mga ito para maghanap ng makakain na sila-sila lamang. Paano nga ba siya nakarating sa lugar na ito gayong ni pumasok man lang sa isip nito ang lugar ay hindi niya magawa?

Marahil isang misyon ang ibinibigay sa kanya ng Diyos kaya nakarating siya rito at binigyan siya ng kapangyarihan para makatulong din sa kanyang kapwa. Paano siya nagkaroon ng ganong kapangyarihan na kailan lang niya nadiskubre? Bakit siya lang ang mayroong kapangyarihan? At sino ang tinutukoy ng diwata na kanyang tunay na magulang? 

Napakaraming katanungan ang patuloy na nagpapasakit sa kanyang ulo dahil ang lahat ng ito ay wala pa ring kasagutan.

"Nakahanda ka na ba Blake para lakbayin ang papunta sa kaharian ni Daniway?" ang biglang tanong ni Mariang Makiling sa kanya.

"Opo,  nakahanda na po ako." ang tugon ni Blake habang inuubos ang napakatamis na pulot sa kanyang baso.

"Kung gayon, halika na rito at tayo ng maglakbay patungo kay Daniway."

Mabilis na lumapit si Blake sa magandang diwata. Pagkalapit niya ay pinakapit siya nito sa kanyang kamay at saka ikinumpas ang kanang kamay sa kanilang harapan kasabay ng pagbigkas ng mahihinang orasyon.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin sa loob ng bahay at nagsimulang mabuo ang isang maliit na butas mula sa dingding ng bahay na pinagmumulan ng nakakasilaw na liwanag. Nakakapangilabot para kay Blake ang pagdagundong ng paligid at ang pagsimula ng paglaki ng butas na nabuo sa dingding.

Nabalutan ng takot si Blake dahil ngayon lamang siya nakakita ng ganoong klaseng pangyayari. Tila nagkakaroon ng lagusan papunta sa ibang lugar na unti-unting lumalaki mula sa ding-ding ng bahay.

"Huwag kang matakot Blake, iyan ay isang Pilunlualan. Isang portal patungo sa ibang lugar dito sa ikatlong daigdig. Pero hindi mo na kailangang matutuhan pa yan dahil ang kakayahan mo ay mas higit pa rito. Kaya mong maglakbay sa nakaraan at hinaharap. Kaya mo rin pumunta sa lugar na nanaisin mo kahit anong oras na gusto mo. Isa kang Manlalakbay o Traveller. Bihira ang iyong kakayahan Blake, kaya nararapat lamang na ika'y gabayan at protektahan." ang wika ni Mariang Makiling kay Blake.

"Hindi ko pa rin maintindihan..." sabay kamot sa kanyang ulo. "...sensya na po. Mahina po kasi ang ulo ko sa klase. Ewan kahit anong pilit ang gawin ko para tumaas ang mga grades ko sa mga subjects ko mababa pa rin ang nakukuha kong grades sa mga subjects ko. Slow daw po ako sabi ng katabi ko sa upuan, muntik ko na nga siyang upakan dati eh."

Halos matawa si Mariang Makilang sa kwento ni Blake pero pinigilan niya iyon dahil baka isipin nito na pinagtatawanan siya nito. Hinawakan niya ang malamig na kamay ni Blake ng akma na sana silang papasok sa Pilunlualan ng makaramdam ng paninigas ng katawan si Mariang Makiling at hindi nito maigalaw ang namamanhid ng katawan.

"Sa akin ka sasama, bata!" ang sigaw ng isang lalakeng nakatalukbong ng itim na tela ang buong katawan at mukha.

Napalingon si Blake sa pinanggalingan ng boses at nagmumula iyon sa kanyang likuran. Halos mapasigaw siya pagkakita niya sa nakakatakot na anyo ng isang lalaki. Sunog ang mukha nito at sariwa pa ang namamagang sugat na pilit na tinatakpan sa nakatalukbong na itim na tela. Nakangiti ito sa kanya at nakataas ang kanang kamay na kung saan tila ito ang ginagamit niya para kontrolin sa pagkilos si Mariang Makiling.

"Bata! Halika rito at sa akin ka sumama!" ang paanyaya ng lalake sa kanya.

"Huwang...hhuwang nga sasamwa!!!" ang nahihirapang wika ng diwata para pigilan sa pagsama ni Blake sa lalake.

Nabalutan ng takot si Blake at di malaman kung ano ang kanyang gagawin. May kapangyarihan ang pangit na lalake at puwede niyang gamitin ito sa kanya kung hindi siya susunod dito. Tumingin siya kay Mariang Makiking na hindi makagalaw. Kung hindi niya ito tutulungan ay baka patayin siya ng lalake at hindi na siya matutulungang iligtas ang kanyang lola at dalawang kapatid.

"Sasama ka sa akin o papatayin ko sa harapan mo ang babaeng ito?! " ang pasigaw na tanong ni Claudius sa kanya.

"Huwag! Huwag mo siyang patayin! " ang pakiusap ni Blake ng marinig niyang gustong papatayin ng lalaki ang diwata.

"Kung gayon,  halika at sa akin ka sumama! Isang galaw lang ng aking kamay ay mababali ko ang mga buto sa katawan ng babaeng yan at siguradong patay na kapag pinakawalan ko, iyon ay kung hindi ka sasama sa akin bata! "

"Huwang! Huwang nga sasamwa! Makingusap Mlake!" ang patuloy na pagtutol ni Mariang Makiling habang nasa ilalim siya ng malakas na puwersa ng kapangyarihan ni Claudius.  Napatingin sa kanya si Blake na nagsisimula ng umiyak dahil sa takot. Hindi niya alam ang kanyang gagawin pero kailangan may gawin siya. Hindi niya kilala ang nakakatakot na lalake at nararamdaman niya ang kasamaan nito. Hindi niya hahayaang mamatay si Mariang Makiling pero ano ang kanyang gagawin?

"Papasensya na po, Mariang Makiling pero kailangan kong iligtas din ang aking sarili lalo na ang aking pamilya." ang sabi nito kay Mariang Makiling at saka tumingin kay Claudius. "...ka...kailangan kong sumama sa kanya. Patawad po."

"Huwanggg!  Huwangg ngkang sasamwa ngsa nganya!!!" ang pakiusap ni Mariang Makiling na pilit na nagpupumiglas sa kanyang kinatatayuan.

Lihim na napangiti si Claudius sa kanyang narinig. Sasama sa kanya ang bata. Magagamit niya ang bata para maisakatuparan ang kanyang paghihiganti.

Tumingin si Blake kay Claudius. Pinahiran niya ang kanyang mga luha gamit ang kanyang kamay. Pinipilit niyang lakasan ang kanyang loob dahil alam niyang iyon ang tamang desisyon sa mga sandaling iyon para mailigtas si Mariang Makiling at ang kanyang sarili. Tumayo siya ng buong tapang sa harapan ni Claudius.

"Sasama ako sa'yo ng maayos, pero ipangako mong pakakawalan mo na si Mariang Makiling at huwag mo siyang papatayin." ang matigas na wika ni Blake kay Claudius.

"Bata,  wala ka sa lugar para humiling sa akin ng ganyan! Wala kang magagawa sa kapangyarihan ko at kaya ko siyang patayin kung gugustuhin ko." ang tugon ni Claudius.

"Kaya ko ring maglaho ano mang oras na nanaisin ko at sigurado akong hindi mo ako masusundan. Patayin mo siya at di mo na ako makikita pa. Alam kong batid mo 'yan dahil mula ng makarating ako dito sa lugar na ito ay hindi mo na tinigilan ang pagsunod sa akin. Alam kong napakaimportante ko sa'yo dahil hindi mo gagawin iyan kung hindi ako mahalaga para sa'yo!" ang matapang na sabi ni Blake.

Napaisip si Claudius sa sinabi ng bata. Namangha siya sa katalinuhang ipinapakita nito sa kanya. Napatingin siya kay Mariang Makiling at sa bata. Hindi rin ito makapagdesisyon kung pakakawalan ba niya ang diwata. Paano kung hindi tumupad sa usapan ang bata? Kailangan muna niyang makasiguro na tutuparin nito ang kanyang sinasabi.

"May isa akong salita. Sasama ako sa'yo ng kusa. Pakawalan mo si Mariang Makiling at makakasama mo ako kahit saan mo ako dadalhin."

"Bata, nasa kamay ko ang buhay niya. Isang pagkakamali kamatayan ang igagawad ko sa kanya."

"Alam ko. Pero uulitin ko rin na kapag may nangyaring di maganda sa kanya hindi ako mapupunta sa'yo!"

"Mlake,  mwuag mo ngawin 'to. Numwakas ngka na, ingwan mwo nga ngko nito!" ang pakiusap pa rin ni Mariang Makiling kay Blake.

"Pakawalan mo na siya!"ang sigaw ni Blake kay Claudius.

"Oops! Kailangang pumunta ka muna sa tabi ko bago ko siya pakakawalan." ang wika ni Claudius.

Tumingin si Blake kay Mariang Makiling. Tumango ito sa kanya at pinilit na ngumiti at maingat na inihakbang ang mga paa para lumapit kay Claudius.

Patuloy naman sa pakiusap si Mariang Makiling kay Blake habang nakikita niya itong lumalapit kay Claudius. Nagpupumiglas siya upang makawala sa kapangyarihan ng lalaki. Pero nakapagdesisyon na si Blake at tila wala na siyang magagawa para pigilan ang bata.

Pagkalapit ni Blake sa tabi ni Claudius ay kaagad na sinakmal nito ang kanyang Braso.

"Narito na ako,  pakawalan mo na siya!" ang pakiusap ni Blake.

Ngumiti si Claudius at tumingin sa kanya. "Bata, madali naman akong kausap at pakakawalan ko na siya. Pero hindi ang iwanan siyang buhay!"

Binalutan ng takot ang buong katawan ni Blake. "Huwag!"

Sa isang iglap ay biglang naglaho ang dalawa. Bumagsak naman sa kanyang kinatatayuan si Mariang Makiling at nakahandusay na sinalo ng kahoy na sahig ng kubo.

-----------------
Sa himpapawid ay pabulusok na bumabagsak sina Claudius at Blake. Sumasalubong sa kanila ang napakalakas na puwersa ng hangin. Kitang-kita nila ang kabuuan ng napakalawak na kagubatan at ang karagatan na pumapalibot sa lugar.

Halos hindi makapagsalita si Claudius dahil sa mabilis na pangyayaring hindi nito inaasahan. Nilinlang siya ng bata at dinala sa himpapawid para ihulog at mamatay. Pero hindi niya hahayaang magtatagumpay ang bata sa ginawa nito sa kanya. Hindi sa isang bata lamang magwawakas ang kanyang buhay. hinding-hindi.

Pilit namang kumakawala si Blake sa pagkakahawak ni Claudius sa kanyang Braso, pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.

Tumingin si Claudius sa kanya na galit na galit. "Papatayin kita! Papatayin kita! " ang sigaw nito sa kanya.

Tinadyakan ni Blake ang mukha ni Claudius dahilan para kumawala ang kamay nito na nakahawak sa kanyang braso. Pagkaalis ng kamay sa kanya ay hindi na nagdalawang-isip pa si Blake at mabilis na naglaho sa mga mata ni Claudius.

"Hinde! Hinde!" ang sigaw ni Claudius lalo na ng makitang bumubulusok siya pabagsak sa makapal na kagubatan ng isla.

Continue Reading

You'll Also Like

79K 2.4K 39
Stone Academy. Ito ay nakatampok sa Stone World; ang mundo na binuo ng labing-dalawang gemstones. Ang Stone Academy ay ang paaralan kung saan itinutu...
13.5K 782 65
In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odes...
54.9K 2.4K 52
Sabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa...
3.5K 71 53
Girlie Justine Samalca is a secret agent who disguised as an assistant detective. As a request from his twin brother, Ignacio Santiago, she enters th...