SARANGHAE

By Azel-phr

23.5K 429 33

Completed na po ata ito? hehe More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10

Part 4

1.8K 37 0
By Azel-phr


TUESDAY... Wednesday... Thursday... Friday... Saturday.. at ngayon, Sunday na. Isang linggo na rin ang lumipas mula nang magkausap sila tungkol sa gagawin niyang pagpapanggap. Ibig sabihin, isang linggo na lang ang natitira, sasama na siya dito para makilala na niya ang pamilya nito. Sandali, bakit parang nagbibilang siya ng mga araw? Hindi naman niya dapat paghandaan ng masyado ang pakikipagkita sa pamilya ni Chandler. Isa pa, magpapanggap lang din naman sila.

NAPABANGON siya sa kama niya. Alas dose na ng tanghali. Mula nang makauwi siya kanina galing sa trabaho at nahiga sa kama, hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakatulog. Napatingin siya sa gilid ng kama niya, naroon na ang gamit niya na dadalhin niya bukas. Nagulo niya ang buhok niya. Ano bang pumasok sa isip niya at thursday pa nga lang, inihanda na niya ang mga dadalhin niya? Para tuloy siyang totoong girlfriend ni Chandler na excited ng makilala ang pamilya nito. Ang nakakahiya pa, mula noong sinabi ni Chandler sa kaniya na magpapanggap siyang girlfrriend nito, hindi na nito iyon inulit sa kanya. Noong isang linggo hindi niya ito nadadatnan at hindi na rin naman siya nagtanong sa Mama niya tungkol dito. Umaalis din siya at sa apartment na lang ni Rocky nananatili hanggang sa aalis na siya papuntang trabaho. Nitong linggo naman, kahit ba araw-araw rin naman niya itong nadadaanan sa living room, wala rin itong sinasabi. Ayaw rin naman niyang magtanong kung tuloy dahil baka sabihin lang nito na excited siya. Ayaw rin niyang magpaka-friendly dito lalo pa at wala pa ein itong pagbabago pagdating sa pagsira ng tahimik niyang mundo. Pinagtiya-tiyagaan na lang din niya dahil kung matuloy man, isang linggo na lang ang paghihirap niya at tuluyan na itong mawawala sa buhay niya. Hinila niya ang bag niya at itinago iyon sa ilalim ng kama. Hindi dapat iyon makita ng Mama niya.Atleast kahit hindi man matuloy, siya lang ang nakakaalam na naloko siya ni Chandler at si Rocky nga din pala.

At dahil nga sa hindi siya makatulog, bumaba siya para kumain. Baka kasi kapag nakakain na siya, maisipan na rin ng utak niya ang magpahinga.

NAGPUNTA siya sa kusina at nadatnan niya doon ang Mama niya at si Chandler na sabay kumakain. Napasimangot siya. Kailangan ba talaga nandoon ito?

"O anak, gising ka na? Halika, sumabay ka na sa amin kumain. Tikman mo ang ulam, si Chandler ang nagluto at ang sarap."

At ito pa talaga ang nagluto. Nakakawalang gana. Mas gusto pa yata niyang kainin ang mga ulam na niluluto ng Mama niya kaysa kainin ang luto nito.

"Wala bang ibang ulam?" tanong niya.

"Noodles na naman ba ang kakainin mo? Nakakamatay 'yan ng maaga kung aaraw-arawin mo. Kainin mo na lang ang niluto ko, hindi kita lalasunin," sabi pa nito.

"Sige na anak, sumabay ka na sa amin. Si Chandler na nga ang nagmagandang loob maglutong tanghalian natin, aayawan mo pa."

"Hindi ako kumakain niyan," sa amoy pa lang sigurado siyang adobo iyon. Ang adobo na ipinagkait nito sa kanya.

"Pero anak, hindi ba at paborito mo naman ito? Sige na, huwag ka ng mahiya," tumayo ang mama niya at sinandukan siya ng kanin.

Dahil inihanda na ng Mama niya ang pagkain, nakakawalang respeto naman kung hihindian niya 'di ba? Kaya naman kahit ayaw niya, naupo na lang rin siya. Ang plano niya, kaonti lang ang kainin pero nang matikman na niya ang karne, nakalimutan na niya iyon at simot ang lahat ng nasa plato niya. Patayo na nga sana siya para kumuha pa ng kanin nang magsalita si Chandler.

"Akala ko ba hindi ka kumakain ng adobo? Simot na simot a," nakatawa pa nitong sabi.

Sa halip na kumuha pa ng kanin, inilagay na lang niya sa lababo ang pinggan niya.

"Hindi ko ugali ang magtira ng pagkain sa pinggan. Kung pwede nga lang hindi ubusin. Sobrang alat."

"Maalat?" ang Mama niya. "Hindi naman a, tama nga lang ang timpla."

Ang Mama naman niya e, nakakasira ng diskarte. "Babalik na 'ko sa kwarto ko Ma."

"Sandali, may nakita nga pala akong bag sa kwarto mo. Noong biyernes ko pa ata nakita iyon, ngayon lang kita natanong. Saan ka nga pala pupunta anak? Tumawag kasi dito iyong sa opisina mo, approve na daw ang leave mo next week. Magbabakasyon ka ba? Wala ka namang nababanggit sa akin. Si Racquel ba ang kasama mo?"

Bigla siyang napatingin kay Chandler. At eksaktong nakita niya ang mga ngiti sa mga labi nito. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Pahamak talaga ang Mama niya.

"Hindi si Rocky ang kasama ko at hindi rin bakasyon. Its gonna be the worst week of my life."

"Talaga? Worst week? Bakit parang excited ka. Friday pa nga lang,hinanda mo na ang dadalhin mo," si Chandler na nakisali sa usapan nila ng Mama niya.

At may lakas pa talaga ito ng loob na asarin siya. "Right, I'm really excited. Pagkatapos kasi ng isang linggo, para akong may isang maliit na kutong natiris at natanggal sa buhay ko. Isn't it exciting?" sabi niya sabay alis at iniwan na ang mga ito.

Sa inis niya sa pagmumukha nito, ng kinagabihan hindi na rin siya lumabas ng kwarto niya para kumain. Lalo pa at sinabi ng Mama niya na si Chandler na naman ang nagluto ng ulam nila. Mas pipiliin pa niyang magpakagutom kaysa kumain ulit ng luto nito!

12:00 A.M. kumakalam na ang sikmura niya at ramdam na ramdam na niya ang gutom. Gusto niyang panindigan ang sinabi niya kanina pero gutom na gutom na talaga siya.

Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto niya at tiningnan ang paligid. Baka kasi may makakita sa kanya. Dinig na dinig niya ang ingay mula sa DVD nila kaya malamang nasa ibaba lang din si Chandler. Mabuti na nga at may kaunti pa pala itong hiya. Medyo mahina kasi ang pagpapatugtog nito ngayon. Malamang naisip rin nito na may mga natutulog na rin. Ang hindi niya maintindihan ay kung paanong parang hindi naaapektohan ng ingay ang Mama niya. O baka naman nagtitiis lang din ito? Sa laki ba naman kasi ng ibinayad ni Chandler, alam naman niya na sobra-sobra na rin iyon. Kaya nga rin siguro binigyan ito ng full access ng Mama niya sa buong bahay nila maliban sa kwarto niya at sa kwarto nito.

Todo ang pag-iingat niyang hindi makagawa ng ingay pababa ng hagdanan lalo pa at nakita niyang nakahiga sa sofa si Chandler. Hindi naman mainit pero pinagpapawisan siya ng makarating na sa kusina. Pero sa ingay ba naman ng musiko nito, imposible na rin naman yata na marinig nito ang mga yabag niya.

Agad siyang kumuha ng kanin. Halos nanginginig na nga yata ang mga kamay niya sa gutom. At nang kukuha na sana siya ng sinarsahang manok, muntikan pang mahulog ang pinggan niya nang may magsalita malapit lang sa kanya. Mabuti na lang at nasalo iyon ni Chandler.

"Relax. Nagmumukha kang magnanakaw sa sariling pamamahay mo niyan," sabi pa nito.

Hinarap niya ito at kinuha ang pinggan niya. Wala na siyang pakialam kung ano pa ang sabihin nito, ang mahalaga malagyan niya ang sikmura niyang kanina pa kumakalam.

"Pabayaan mo na nga lang ako. Umalis ka nga dito! Doon ka na dumikit sa DVD mo at huwag mo na akong gulohin."

"Sasabihin ko lang naman na initin mo na lang muna ang ulam. Mas masarap 'yan kapag mainit."

"Hindi na, magkakautang na loob pa 'ko sa iyo."

"Bakit, sinabi ko ba na ako ang mag-iinit? Ang sabi ko, initin mo hindi iinitin ko."

Hindi talaga ito nauubusan ng hirit parapainitin ang ulo niya.

"Pwede ba, huwag mo nga lang akong gulohin sabi! Pakainin mo na nga lang ako pwede ba!" inis niyang sabi dito. Gutom na gutom na nga kasi siya.

"Okay fine," sabi nito na itinaas pa ang dalawang kamay. "Magpakabusog ka at nang makatulog ka na. Huwag kang masyadong excited sa trip natin at baka hindi ka makatulog at magmukha kang zombie sa harap ng Mama ko."

So tuloy pala talaga sila. "Pinakamagandang zombie na makikita niya."

"Nasabi ko na rin pala sa Mama mo na aalis din ako at hindi ko alam kung kailan ako babalik."

"Sinabi mo na lang sana na hindi ka na babalik, iyon naman talaga ang mangyayari 'di ba?"

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Mauuna na lang akong aalis sa iyo bukas. Lets just meet somewhere," inilahad nito ang kamay nito hawak-hawak ang cellphone nito.

Hindi agad siya nakasagot. Binibigyan siya nito ng cellphone? "Sa akin na 'yan?"

"Mangarap ka. Cellphone ko 'to. I-type mo ang number mo at nang matawagan kita."

Napasimangot siya at hinila na lang din ang phone nito sabay type sa number niya. Pahagis niya iyong ibinalik dito.

"Gumising ka ng maaga."

"Oo na. Alis na sabi!"

ANG nangyari, kahit ba busog na siya, hindi pa rin siya nakatulog. Hanggang sa nag-umaga na nga at oras na ng alis niya.

NANG makasakay siya sa sasakyan ni Chandler, sa frontseat siya nito pinaupo.

"Ano ba talagang dahilan at kailannating magpanggap? Siguro naman may karapatan din akong malaman," sabi niya dito.

"My mom is dying and she's asking for a grandchild."

"Ano? Grandchild?! E bakit ako ang dadalhin mo? Do I look like your daughter? Alam kong baby face ako pero para maging anak mo, naka-drugs ka ba?"

"Sinabi ko sa kanya na may girlfriend ako at buntis. Na hindi ko lang sinabi agad sa kanya dahil akala ko, hindi niya ikatutuwa."

"At ano, ako ang girlfriend mo na kunwaring buntis? Sa katawan kong 'to? Mukha ba 'kong buntis?"

"Payat ka nga pero may kalakihan naman ang tiyan mo kaya ayos na 'yan."

"Ang sama nito! O sige , sabihin na lang natin na buntis ako kunwari. Sige nga, itong tiyang ito, pang-ilang buwan lang ba? One month lang yata e. Ang Mama mo, malala na ba? Baka hindi na umabot ng isang buwan iyon, e di hindi rin niya makikita ang apo-," bigla siyang natahimik sa mga pinagsasasabi niya. "S-sorry," sabi niya dito. Para kasing napaka-insensitive ng nasabi niya sa Mama nito.

"Its okay, we're expecting the worst now. Kaya nga kahit magsinungaling ako, mapasaya ko lang siya sa mga huling araw niya ay gagawin ko."

"E paano kapag nakarating na siya ng langit? Siyempre malalaman na niya ang totoo. Baka biglang bumalik iyon at maningil ng apo."

"Kung pinoproblema mo ang pagsisinungaling natin, pwede namang totohanin natin. Gusto mo?"

Ramdam niya ang pag-init ng mga pisnge niya sa sinabi nito? Anong tototohanin nila? Ang paggawa ng-apo para sa Mama nito?

"Siniswerte ka! Gumawa kang mag-isa mo!"

"Mag-iinarte ka pa ba? Hindi ka na lugi sa 'kin."

Sa halip na sumagot pa dito tungkol sa plano nitong gumawa sila ng totoong grandchild, nag-isip siya ng maaaring itanong dito para maiba ang usapan.

"Bakit nga pala aa bahay ka pa nakatira? Sabi mo nga malubha na ang Mama mo? Dapat magkasama kayo at inaalagaan mo siya kaysa nag-iingay ka sa bahay namin."

"Nalaman ko na malala na siya ng araw lang na sinabi ko na magpapanggap kang girlfriend ko. Inilihim niya kasi sa amin ang sakit niya."

Natahimik siya. Sino ba naman kasing anak ang matitiis ang inang may sakit 'di ba?

"E bakit pinaabot mo pa ng dalawang linggo bago ka uuwi?"

"Bakit, kung sinabi ko bang aalis din tayo agad ng araw na 'yon makakapag-leave ka agad? Ikaw na nga rin ang nagsabi na hindi ka pwede last week kaya ngayon na lang."

So kasalanan pa pala niya? "Eh bakit hindi mo siya pinuntahan na lang muna tapos binalikan mo na lang ako?"

"Pinuntahan ko siya, hindi mo lang alam."

Hindi niya alam? Tama, may mga araw pala na halos nasa bahay na siya ni Rocky tumira dahil naiilang siya sa tuwing nagkakasalubong sila ni Chandler.

"Umayos ka ng pag-arte, hindi tayo pwedeng mabuko. Pagdating natin, malamang naroon na rin ang ibang kamag-anak namin."

"Ibang kamag-anak? Akala ko ba sa Mama mo lang at sa mga kapatid mo ako magpapanggap?"

"Birthday ng Mama ko this week kaya gusto niyang magkasama-sama kaming lahat bago pa man ang birthday niya. Kaya huwag kang papalpak."

"Oo na," napahikab siya. Ngayon lang yata siya tinamaan ng antok.

"Matulog ka na lang muna kung gusto mo, malayu-layo rin ang biyahe. Kung iniisip mo na baka pagsamantalahan kita habang nakapikit ka, huwag kang mag-alala dahil kahit sa panaginip mo hindi mangyayari ang iniisip mo," sabi nito.

"Kung wala ka rin namang sasabihing maganda, pwede ba huwag ka na nga lang magsalita," masakit ang ulo niya dahil sa wala siyang tulog tapos dadagdag pa ito.

"Bakit, ano bang masama sa sinabi ko? Ikaw na nga ang pinapatulog ko," sabi nito sabay pag-on ng music sa sasakyan nito. Pati ba naman doon, rock music pa rin nito ang maririnig niya?

"Sigurado ka bang gusto mo talaga akong patulugin? Wala ka ba talagang normal na kantang alam?"

"Ano ba kasing masama sa mga kanta ko? Ito ang mga kantang nakakapagpatulog sa akin ng mahimbing."

"Sa iyo lang, huwag kang mandamay," ini-on niya ang bluetooth at namili ng kanta sa playlist sa cellphone niya.

At nang magsimula na ang pagtugtog ng music niya. "Normal ba na kanta yan?" tanong nito sa kanya.

Paano kasi, ano lang ba ang mga kantang nasa cellphone niya kundi kanta ng idol niyang EXO.

"Akala ko ba may lahi kang korean? Dapat nga mas normal para sa iyo ang mga kantang iyan,hindi iyong nakakamatay butiki sa kisame mong mga kanta.Bakit ba kasi nahilig ka sa mga ganoong kanta? Pangarap mo bang maging rakista?"

Akala niya sasagutin siya nito ng pabiro o kung anu-ano na naman ang idadahilan nito.

"Matulog ka na lang," sagot nito.

Tumahimik na lang rin siya. Mukhang may malalim pa yatang dahilan sa trip nitong music. Hindi na lang rin siya namilit alamin dahil mukhang wala rin naman itong planong ipaalam iyon sa kanya. Sino lang ba kasi siya sa buhay nito kundi isang pekeng girlfriend. At dahil inaantok na rin talaga siya, sumunod na lang siya sa sinabi nito at natulog.

HINDI na niya alam kung gaano katagal ang naging biyahe nila dahil nang magising siya, nasa loob na siya ng isang kwarto at airconditioned pa. Ang lambot din ng kamang kinahihigaan niya. Nakarating na sila sa bahay nila Chandler? Hindi man lang siya nito ginising? Napatingin siya sa sarili. Suot pa rin naman niya ang suot niya ng umalis siya. Wala rin siyang nararamdamang kakaiba sa katawan niya. Agad siyang bumangon at tumingin sa paligid? Nasa kwarto kaya siya ni Chandler? Kung may nakakabit nga lang sa kamay niya na dextrose, iisipin niyang nasa ospital siya sa sobrang puti ng paligid. Nilibot ng tingin ng mga mata niya ang buong kwarto hanggang sa dumako iyon sa may bintana. Madilim na! Gabi na? Napatingin siya sa relo niya, alas sais na ng gabi! Ganoon siya katagal nakatulog? Umaga pa ng umalis sila a.

PARA siyang nawala sa sariling nagtungo sa pintuan at binuksan iyon. Hindi niya akalain na sa kabilang bahagi pala ng pinto, maraming tao ang makikita niya. Mga mukhang kahit kailan ay hindi pa niya nakita pero pakiramdam niya pamilyar ang mga mukha ng mga ito. Para siyang biglang napunta sa korea at nakaharap ang mga kpop stars. Gising na ba talaga siya o nananaginip pa rin?

[W2-

Continue Reading

You'll Also Like

57.2K 949 12
"I will heal all the pain that you and your wife caused her. I will always make her feel special." Princess dislikes Wayne. Wayne is irritated with t...
18.5K 587 14
Pagkatapos barilin si Leon ng kinikilalang ama ay walang malay siyang inanod ng ilog patungo sa dagat hanggang sa mapadpad sa isang isla. A young and...
60.2K 1.3K 12
This is the story of Kim , David's ex girlfriend from the book " Ang Pag-ibig ni Lolita." -- "...I can't imagine what my life would be without you in...
121K 2.6K 24
"I knew I loved you the first time I saw you. AndI'm falling over and over again every time I look at you." Kung gaano katagal nang kaibigan ni Rey s...