Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLI...

Por DyslexicParanoia

3.7M 64.4K 5.7K

Katropa Series Book 1 [Completed] Language: Filipino Ang nobelang Ang Pag-ibig ng Aswang, ay isang pinaghalo... Mais

Ang Pag-ibig ng Aswang [Wattpad Version]
PROLOGO
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
Ang Pag-ibig ng Aswang Part 2
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
EPILOGO
INTERCONNECTED KATROPA SERIES

KABANATA 23

74.1K 1.3K 104
Por DyslexicParanoia

Helga's P.O.V.

"Hindi ito diary ng iyong ina, Helga," sabi ni Luke habang ipinapakita niya ang mga salin niya sa tagalog ng ilang pahina ng inakala kong diary ng aking ina. Pinuntahan namin siya ni

Jason sa kanilang bahay matapos niya kaming i-text na may pagsulong na ang kanyang ginagawang pagsasalin. "Sa aking pagkakaintindi sa mga naunang pahina, ito ay isang uri ng kasulatan na naglalahad ng pinagmulan ng mga uri ng nilalang na nagkukubli sa dilim. Bagama't ang nagsulat nito ay gumamit ng Baybayin, na mas kilala sa tawag na Alibata, natatantya ko naman sa kundisyon ng papel at pluma...na ito ay kailan lamang naisulat... Siguro ay noon lamang panahon ng pagsakop ng mga Kastila."

"Mga nilalang na nagkukubli sa dilim?" tanong ko. "Ibig bang sabihin nito ay...mga Aswang?"

"Hindi ginamit ang salitang 'Aswang' pero parang ganun na nga," sagot naman nito habang inilalatag ang puting papel na marahil ay ang kinasusulatan ng kanyang mga salin. "Ayon sa kasulatang ito, ang mga nilalang ng kadilimang ito ay nagmula sa pagniniig ng mga isinumpang nilalang ng Diyos na tinatawag na Nephilim at ng mga hayop. Gusto ko sanang tawagin itong Zoophilia o 'yung tinatatwag na Bestiality, pero ang Zoophilia ay nagpapatungkol sa pagniniig ng tao at hayop, samantalang ang tinutukoy sa kasulatang ito ay ang pagniniig ng mga hayop at ng mga Nephilim."

"Nephilim? Ano ang Nephilim?" tanong ni Jason.

"Nephilim. Ang mga Nephilim ay ang mga kanibal na nilalang, na ayon sa Banal na kasulatan o Bibliya ay isinumpa ng Diyos. Sila ay mga kanibal na supling ng mga babaeng tao at ng mga Anghel na ayon sa kasulatang ito ay lalo pang nagpakalunod sa kadiliman sa pakikipagniig nila sa mga haypp. Ang karimarimarim na pagniniig na ito ay siya na ngang dahilan ng kapanganakan ng mga imortal na nilalang na tinatawag na natin ngayong...mga Aswang. At dahil sa sila ay kalahating Nephilim at kalahating hayop, sila ay may kakayahang mag-anyong tao at hayop." Binuklat ulit nito ang aklat at animo'y may ikinukumpara ito sa papel na may sulat kamay niya. "Ayon sa nakasulat dito, napadpad ang mga isinumpang supling na ito sa iba't ibang lupalop ng mundo matapos ipahintulot ng Diyos ang malaking baha upang lipulin ang kasamaan sa mundo. Ngunit dahil sa sila'y mga imortal, sila ay mga nangakaligtas."

Kaparteng tao, kaparteng anghel, kaparteng hayop... 'Yun daw pala ang kabuuan ng lahing aswang? Pero ano naman ang kinalaman ko sa katunayang ito? Anong kinalaman ng mga bagay na ito sa akin at sa aking ina?

Tumayo si Luke at parang galak na galak sa kanyang pag-iisip.

"This information is remarkable, Helga!" habang itinuturo niya ang librong inakala kong diary ng aking ina. Naglalakad siya nang paroo't parito. "Marami nang nagsulat ng kani-kanilang mga haka-haka at bersyon tungkol sa pinagmulan ng mga Aswang... Nariyan na ang tulad ni Maximo Ramos at iba pang manunulat, pero hindi pa ako naka-engkwentro ng ganito kalinaw at kapani-paniwalang pagpapaliwanag ng tunay na pinagmulan ng mga Aswang na umaayon din sa mga kaganapang nakasaad sa Banal na Kasulatan!"

"'Yun lang ba ang nakalagay dyan?" tanong ko.

"Nasa unang sampung pahina pa lang ako, Helga. Mahigit isang daan ang mga pahinang ito. Sana nga ay hindi ako mabigo sa aking pag-asang nakasulat din dito kung paano sila malilipol!"

Tuwang-tuwa si Luke na parang daig pa ang tumama sa lotto. Ito ay dahil sa bagong kaalamang nabasa niya sa aklat na nangmula sa aking ina. Samantala, ako naman ay medyo nanlumo dahil sa biglaang pagkamatay ng aking pag-asang may malaman tungkol sa aking ina.

***

"Hindi mo man lang ba alam ang pangalan niya?" tanong ni Jason sa akin habang nagmamaneho siya pauwi.

"Ayon sa Tiya Senda, Marietta raw ang pangalan ng aking ina. Pero bukod doon ay wala na talaga akong alam tungkol sa kanya." Lungkot na lungkot talaga ako at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. "Namatay kasi agad ang Tiya kaya hindi ko man lang naitanong sa kanya."

"Huwag ka nang malungot," pagsamo ng malambing kong nobyo. "Malay mo, may madiskubre pa si Luke. Hindi pa naman siya tapos, hindi ba? Hindi naman siguro iyon ibibigay sa iyo kung wala 'yong halaga sa inyong mag-ina."

Pinilit kong ngumiti habang pinupunasan ko ang aking mga luha. Ayoko naman kasing madamay pa si Jason sa mga dinaramdam ko.

***

"Kanina pa kita hinahanap saan ka ba naggaling?" salubong ni Jon kay Jason habang pumapasok kami sa bahay.

"Kina Luke, bakit?"

"Eto," sabay abot nito kay Jason ng isang 17-inch laptop na inabot naman ni Jason. "At eto," sabay abot din ng headphone. "Nasaan na ang resume at two by two picture mo?"

"Nasa loob ng kwarto. Kailangan mo na ba ngayon?"

"Oo, isa-submit ko na bukas para makapag-umpisa ka na by next week. Kukunin ko na ngayon, baka kasi hindi muna ako makakauwi dito in the next three days, may importante kasi kaming aasikasuhin ni Bernard."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2013, All rights reserved.

Mukhang tungkol ito sa trabahong ibinigay niya kay Jason.

"Tuloy na ba talaga 'yang bar na itatayo ninyo?" tanong ni Jason.

Nabanggit nga pala sa akin ni Jason na magsososyo daw si Jon at ang isa pa nilang kabarkadang si Bernard sa pagtatayo ng Bar.

"Oo."

"Hintayin mo ako sandali, kukunin ko," sabi naman ni Jason bitbit ang laptop at headphone na ibinigay sa kanya ni Jon.

"Salamat sa trabahong ibinigay mo kay Jason," sabi ko kay Jon pagkaalis ni Jason. "Malaking tulong 'yun sa pamilya at pag-aaral niya."

"Wala 'yun," sagot niya habang parang medyo namumula pa. Napansin ko agad na hindi siya makatingin nang diretso sa akin. "Nagkataon na may bakante kaya siya na ang inireto ko." Kakamot-kamot siya sa kanyang kanang sentido.

"Kahit na, salamat pa rin."

Hahawakan ko sana siya pero para naman siyang napapasong umiwas sa akin. Lalong namula ang mukha niya at halatang umiiwas talaga ng tingin.

Weh? Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito? Nagpapa-cute?

Para naman siyang nakahinga nang maluwag nang dumating na si Jason.

May ganon? Anong meron?

"Nasisilaw lang 'yun sa kagandahan mo..." humahagikhik na bulong sa akin ni Mitch na kanina pa pala kami pinagmamasdan sa may salas.

"Si Jon?" bulong ko pabalik.

"Yup," sabay bungisngis.

Naku ha! Alam kong maganda ako, pero OA naman ang Jon na 'yun, 'no?

"Playboy 'yun," paglalahad ni Mitch. "Pero hindi naman niya ugaling mang-aswang ng girlfriend ng mga kaibigan niya kaya umiiwas lang siguro. Ikaw naman kasi, bakit ba kasi ang ganda-ganda mo? Nagmula ka ba sa lahi ng mga Diwata?"

Grabe naman itong new BFF ko, masyadong nagsasabi ng totoo.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Hmmm..." Parang nag-iisip siya habang tinititigan ang aking mga mata. "Are you aware na magkaiba ang kulay ng mga mata mo?"

Ano raw?

"Ha?"

"Ang sabi ko, alam mo ba na magkaiba ang kulay ng mga mata mo?"

"Paanong magkaiba?"

"Magkaiba. 'Yung isa kulay light brown, 'yung kabila, reddish...close to maroon."

No. I am not aware of that.

"Nagbibiro ka ba?" medyo iritableng tanong ko sa kanya.

"Hindi, 'no! Bakit naman ako magbibiro? Sandali ha..." Lumingon siya at namataan si Tristan na nakaupo sa sofa. "Tristan!" sabay kaway. Lumapit naman si Tristan. "Sabihin mo nga sa amin, Tristan...ano ang napapansin mo sa kulay ng iris ng magkabilang mata ni Helga? 'Yung iris ha? Hindi 'yung pupil."

Lumapit sa akin si Tristan at sinipat ang aking mga mata.

"Magkaiba ng kulay," sabi nito.

"Pakisabi nga kay Helga kung ano ang nakikita mong kulay," utos ni Mitch dito.

"'Yung kanan, light brown...'yung kaliwa, red."

"See?" sabi naman ni Mitch.

Oh no! How come I didn't know that. Naku, sa sa ganda kong ito, abnormal pa yata ako.

"Heterochromia Iridis," sagot agad ni Jason nang mapagmasdan niya aking mga mata. "Hindi naman halata kapag malayo."

"Pero bakit ganun? Abnormal ba ito?"

"Well, kung hindi ka naman nagkasakit o naaksidente kaya nakuha mo 'yan, eh malamang na namana mo 'yan. Hindi man normal na magkaiba 'yan, kung ayos naman ang paningin mo, eh ano naman?"

"Ayoko nang hindi pantay ang kulay ng mga mata ko, Jason!" Nako-conscious kasi ako. Pakiramdam ko tuloy ngayon eh tabingi ang mukha ko.

"Eh ano nga ang magagawa natin kung magkaiba nga? Alangan namang magpa-opera ka para lang pumantay ang kulay nyan. Ok lang naman eh, hindi naman masyadong halata. Halata lang kapag malapitan. Kapag nasa malayo, parang pantay din lang naman."

***

"Jason, ang pangit kaya!" habang binubulatlat ko ang mga mata ko sa harapan ng salaming nakasabit sa dingding ng kwarto namin.

"Huwag ka na kasing ma-conscious. Dati ko pa nga napansin 'yan, pero hindi ko naman inisip na pangit. Bumagay naman sa iyo eh. Hindi naman kasi masyadong halata unless tititigan talaga. Eh ikaw nga na may-ari ng mata, hindi mo napansin, kung hindi pa sinabi sa 'yo ni Mitch. Bagay naman kasi sa'yo eh."

Lalo akong na-depress. Paanong babagay sa akin ang hindi pantay na kulay ng mga mata?

"Halika nga rito." Niyapos ako ni Jason mula sa likuran at pilit hinila papalayo sa salamin. "Iba na lang ang pagkaabalahan natin, pwede?!" habang hinahalikan niya ang aking leeg kasabay ng pagdakma niya sa aking magkabilang dibdib.

Oh boy, palaboy!

Minsan lang magyaya ang pakipot na poging ito...tatanggi pa ba ako?

[Itutuloy]

Continuar a ler

Também vai Gostar

117K 5.5K 41
WATTYS 2021 WINNER A young dedicated policeman vows to find the motive behind the death of a ghost who's also the ex-master of the crime group he has...
4.3M 121K 114
Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Vill...
1.1M 25.4K 37
Katropa Series Book 2 [Completed] Language: Filipino May babaeng nagpapakita, nanunukso at pumapatay sa isang Junction. Nangyayari lamang ito kada...
286K 3.3K 59
Hindi ako maganda , DYOSA ako. Hindi ako matalino, GENIUS ako. Hindi ako maldita, BITCH ako. Huwag ka nang umangal, basta sadyang pinagpala lang ako...