Adam's Verdict PHR (COMPLETE)

By greciareine

126K 2.4K 134

"If I'm going to give myself a verdict right now, I'm definitely guilty. Guilty of loving you then and even n... More

CHAPTER ONE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER SEVEN

9K 182 5
By greciareine


CHAPTER SEVEN

TULOY-TULOY siyang pumasok sa malaking bahay at agad na hinanap niya ang kanyang ama.

"Daddy!" malakas na sigaw niya. Kumatok siya sa master's bedroom ngunit walang sumagot.

"Senorita, umalis po ang mga magulang niyo." anang kanilang mayordoma. Halatang nagulat ito sa nakitang ayos niya ngunit hindi ito nagkomento.

"Saan daw pumunta?"

"Wala naman pong nabanggit. Mukhang may pupuntahang gathering kaya baka mamaya pa sila umuwi."

"Maghihintay ako." Bumaba siya ng hagdan at naupo sa living room.

Mahigit dalawang oras siyang naghintay bago dumating ang mga ito. Nagulat ang mga ito ng makita siya.

"Jenna? What are you doing here at this ungodly hour?" anang kanyang ina.

"I need to talk to dad." Malamig na saad niya.

"May problema ba hija?" nagtatakang wika ng kanyang ama.

"Is it true dad? That you forced Nick to marry me in exchanged to their properties?" deretsong tanong niya. Biglang nanlaki ang mata ng kanyang ina.

"Nick told you that? Maganda ang intensyon ko Jenna. Umaasa akong mahuhulog ang loob ninyo sa isa't-isa."

"So it's true. How could you do this to me dad? Am I that worthless to you? Alam mong masasaktan ako sa ginawa mo!"

"Hindi ko naman akalaing hindi siya tutupad sa usapan."

Mariin siyang umiling. "I can't believe you're the reason why this is happening to me. I hate you!" galit niyang wika.

"Watch your mouth Jenna. Alam kong nagkamali ako, at alam mo rin na ang masaktan ka ang pinakahuling gagawin ko. I'm sorry okay?"

"No dad, tama na ang pagmamanipula mo sa buhay ko. Siguro nga lumaki ako ng ganito dahil hindi mo ako nadisiplina ng maayos."

"At anong pinagmamalaki mo? Hindi mo naman kakayaning mabuhay ng hindi maranghiya."

"Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin? That I can't live on my own? From now on, wala na akong hihingin ng kahit ano mula sainyo." Galit siyang nagmartsa palabas at tinungo ang sariling sasakyan.

"Jenna, wait!" tawag ng kanyang ina. Hindi na niya ito pinansin bagkus ay mabilis niyang pinaharurot ang kotse.

Madaling araw na at hindi niya alam kung saan pupunta. Kung uuwi siya sa kayang condo unit ay tiyak na mas lalong malulungkot siya. Namalayan na lang niya ang sariling nakatayo sa isang may kalakihang bahay na minsan na niyang napuntahan. Atubili siyang nagdoorbell.

NAGTATAKANG lumapit si Adam sa kanyang pinto. Sino naman ang matinong tao ang pupunta sa kanya ng ganoong oras. Nagkataong gising pa siya dahil may nirereview siyang kaso.

"Jenna? What are you doing here?" nagulat siya sa nakitang hitsura nito. Umiiyak ito at magulo ang buhok.

"I'm sorry." Apologetic ang mukha ng dalaga parang nag-aalangan ito.

"Come in, what happened to you? Bakit ganyan ang hitsura mo?" inalalayan niya itong makapasok dahil parang wala ito sa sarili, "May masama bang nangyari saiyo?"

Mariin itong umiling. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. I just learned that my dad planned everything." Mahinang usal nito.

"Take it easy. I'll get you some water." Pumunta siya sa kusina at kumuha ng malamig na tubig sa water dispenser, "Here, drink this."

Agad namang ininom iyon ng dalaga, "Can I stay here just for tonight? Wala lang kasi akong mapupuntahan. Pasensya ka na." naubos nito ang tubig na laman ng baso.

"Of course, you can stay here for as long as you like. You look tired."

Marahan itong tumango. "Thank you Adam."

Ikinuwento ni Jenna ang tungkol sa ginawa ng ama nito. Hindi na siya nagulat dahil maging siya ay dumaan din sa matinding awtoridad nito.

"It's okay. Magpahinga ka na muna. Pasensya ka na hindi kalakihan itong bahay ko." Iginiya nito sa guest room malapit sa kanyang kuwarto.

"I'll be fine." She yawned. Halatang pagod na pagod na ito at naawa siya sa kalagayan nito.

"Alright, bukas na lang tayo mag-usap. Good night."

"Yeah. Good night." Tipid itong ngumiti. Lumabas na siya sa guest room, kailangan nitong makapagpahinga.

Maaga siyang nagising kinabukasan at ipinaghanda ng agahan si Jenna. Kung tatanghaliin ito ng gising ay baka hindi na sila magpang-abot dahil kailangan niyang umattend para sa verdict ng kanyang kliyente.

"Good morning Adam!" nakangiting wika ni Jenna. Dati pa rin ang suot nitong damit ngunit maayos na ang hitsura ng mukha nito. Sabagay kahit ano pa ang maging ayos nito ay maganda pa rin ito.

"Morning, nakatulog ka ba ng maayos?"

"Yup, maraming salamat! What are you doing?" takang tanong nito.

"I cooked for breakfast. I have to go, babalik lang ako agad."

"Too bad, hindi mo ako masasaluhan." Nanulis ang nguso nito.

Natawa si Adam. "I'll be back."

"Alright, maghihintay ako."

"Good. So I have to go. See you later!" parang mabigat ang kanyang mga hakbang palabas ng bahay. Kung puwede lang ba niyang ipagpaliban ang lakad.

NAGMADALING nag-ayos si Jenna at pumunta sa pinakamalapit na mall para mamili ng mga damit. Naisip niyang huwag munang umalis sa bahay ni Adam hangga't hindi siya nito itinataboy. Mabuti na iyong may makakausap siya dahil baka tuluyan na siyang mawala sa sariling katinuan.

Marami siyang pinamili at mabuti na lang nang makabalik siya sa bahay ni Adam ay wala pa ito. Pinakialaman niya ang kusina nito at nagluto ng tanghalian. Nagluto siya ng kare-kare dahil bigla siyang nag-crave sa putaheng iyon. Idagdag pang gusto rin niyang maibahagi kay Adam na magaling siyang magluto.

"Watta smell! Kare-kare. Nice, I didn't think that you can cook." Manghang wika ni Adam ng makarating ito bandang tanghali.

"Hindi naman ako puro ganda lang. I lived alone while I was in Connecticut and I have to learn of all these in order to survive."

"Really, you amazed me."

"That's life, I might be a spoiled brat pero kaya ko naman mamuhay ng simple lang. But my dad thought otherwise, gusto ko lang patunayan sa kanyang kakayanin ko kahit hindi maranghiya."

"Kaya mo nga ba?" panghahamon nito.

"Subukan natin, that is kung papayagan mong magstay ako dito sa bahay mo."

"I don't think it's a good idea Jenna, malalaman din ng daddy mo na dito ka sa akin pumunta."

"Natatakot ka ba sa maaring gawin saiyo ng daddy ko?"

"No, mas natatakot ako sa maaaring gawin niya saiyo kapag nalaman niyang narito ka. Hindi naman kaila saiyo na mainit ang dugo sa akin ng daddy mo."

"Hindi naman niya ako kayang saktan, at least physically."

"Huwag na tayong magtalo sa bagay na yan. I'm starving kaya kumain na muna tayo."

"Mabuti pa nga."

Agad itong naupo at nagsimulang kumain. "Superb! Ayos ah."

"Ako pa! Mag-apply na lang kaya akong maid mo rito?" biro niya. Nakakataba ng puso ang mga papuri nito sa kanya. Ang makita itong magana sa pagkain ay isa ng malaking achievement para sa kanya.

"Seriously? I can't afford to have a maid like you. Masyadong mahal ang maintenance mo eh. Baka ang buong sahod ko pang candy mo lang."

"Grabe ka naman. Marunong naman akong humawak ng pera. Nagkataon lang sigurong hindi ko naranasan ang kapusin dahil mayaman ang magulang ko."

"That's precisely my point, magkaiba ang antas ng pamumuhay natin."

"Whatever." She rolled her eyes heavenward. Hindi niya naman ito masisi dahil totoo naman ang sinasabi nito, "Bakit ba hindi ka pa nag-aasawa? I saw Ichi the other day kasama ang anak niya, naunahan ka pa."

"Bakit paunahan ba dapat? Do you think I should get married because it's a new trend now?"

"Not that it's a new trend, can't you see? You are now getting old!"

"Ouch, I'm old? That's harsh!"

"Truth hurts." Muling namilog ang mata ng dalaga.

"Eh di kung may asawa na ako sa tingin mo ba maaari kang magstay dito?"

"Why not? I'm your friend. Hindi ko naman hawak ang iisipin ng asawa mo at hindi ko rin kasalanan kung maiinsecure siya sa akin." aniya na nakataas ang isang kilay.

Napailing si Adam. "Ang lakas pa rin ng bilib mo sa sarili."

"Just because I have the guts!" she confidently raised her shoulders.

Napangiti na lang si Adam. "What if you apply for my wife?"

"Excuse me? I'm not a wife for hire." Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga. Bahagyang namula ang mukha nito.

Napahalakhak si Adam. "I really like that face."

Nagbaba siya ng tingin. Pakiramdam niya ay namumula siya. "Hindi ka na ba babalik sa opisina mo?"

Umiling ang binata, "I need a break. Masyado na akong napapagod, saan mo ba gustong pumunta para naman makapag-relax tayo?"

"Out of the country?" kunwari ay nag-isip ng malalim ag dalaga.

"Silly. Dito lang sa Pilipinas. Pero kung gusto mo sa ibang bansa puwede naman."

"I'm just kidding. Sasama na lang ako saiyo kung saan mo gusto."

"We'll visit my Aunt in Naga City."

"You mean in Bicol? Ang layo naman. By the way where are your parents?"

"Kung ayaw mong sasama hindi kita pipilitin. Puwede ka namang umuwi sa condo mo anytime di ba? My parents died when I was a kid."

"I'm sorry to hear that. Sasama ako wala naman akong ginagawa eh."

"I thought you have to finish your masterpiece? Paano na ang exhibit sa France?"

"Nawalan ako ng gana. Di bale na lang. Besides I'm not in the mood to paint."

"Ikaw ang bahala, magprepare ka na. Aalis agad tayo."

NAKARATING agad sila ng Naga bandang hapon, nasa isang exclusive subdivision ang bahay ng tiyahin nito. Isa iyong two storey house na may swimming pool sa likod bahay.

"What a pleasant surprise hijo, hindi ko alam na bibisita ka ngayon. And look at that, you brought home a girlfriend!" magiliw na salubong sa kanila ng may katandaang babae.

"Tita Edna, meet Jenna she is just a friend. Jenna, meet my Tita siya ang nagpalaki sa akin when my parents died." Pagpapakilala ni Adam.

"Hello tita, nice to meet you." Humalik ang dalaga sa pisngi nito.

"Feel at home, Adam asikasuhin mong maigi yang kaibigan mo." anang ginang na pinagdiinan ang salitang 'kaibigan'.

"Maglilibot kami sa mga churches dito tita." Si Adam.

"Magpahinga na muna kayo at mamayang takipsilim magandang maglibot sa mga simbahan. It's really romantic. Mukhang maghahanap na kayo ang future venue ng magiging kasal niyo ah." Nanunudyong saad pa nito.

"Pahinga ka na muna Jenna. I'll tour you around after an hour." Baling ni Adam sa kanya.

"Alright."

Inihatid siya nito sa magiging silid niya at sandali niyang inayos ang mga dalang gamit. Naupo siya sa kama at hindi niya mapigilan ang mapangiti. Come to think of it, what happened to her might be a blessing in disguise after all. She is feeling happy and contented kahit pa mabigat ang problemang dinadala niya.

Bandang takipsilim na nang magdesisyon silang libutin ang iba't-ibang mga simbahan na nasa siyudad. Pinuntahan nila ang simbahan ng Immaculate Concepcion, San Francisco, Naga Cathedral, at ang Basilica Minore. Lahat ng mga simbahan na pinuntahan nila ay magaganda pero ang pinaka nagustuhan niya ay ang Basilica at ang Naga Cathedral.

"Someday, I'll choose this church for my wedding." ani Jenna na tila nangangarap. Pabalik na sila sa subdivision at dumaan sila sa kahabaan ng Magsaysay road.

"The Cathedral?" wika ni Adam na abala sa pagmamaneho.

"Yes, it's really beautiful. Ikaw saan mo balak magpakasal?"

"Kahit saan basta ba mahanap ko na ang right girl." Nagkibit ito ng mga balikat. Halatang hindi naman interesado, "Pagod ka na ba?"

"Not really, bakit mo naitanong?"

"Well, wanna try some night life in the province?" suhestiyon nito.

"Sure, that would be really exciting!"

Ipinarada nito ang sasakyan gilid ng isang malaking gusali. The name of the building was flaunting, 'Westpark'.

Inalalayan siya nitong makapasok at pinili nila ang isang bar na may military ang theme, the bar was called 'Bottle's Camp.' May mga rehas sa buong paligid at may nakadisplay na iba't-ibang klaseng mga baril na sa unang tingin ay parang totoo. Nakasuot din ng camouflage uniform ang mga waiter.

"In fairness, this place is really cool." Namamanghang wika ni Jenna.

"Walang ganito sa States." Iginiya siya nito sa mesa malapit sa may rehas.

Lumapit sa kanila ang waiter at ibinigay ang menu. Napagkasunduan nilang beer ang inumin nila. Naubos nila ang isang bucket nang magsimulang tumugtog ang banda. Medyo nahihilo na ang dalaga at lagi naman nakaalalay sa kanya ang binata.

Nagsalita ang lead vocalist na maaring magjam sa kanila kung gusto.

"I think I want to sing." ani Jenna. Mapungay na ang mata nito at namumula ang mukha.

"Really? Kaya mo ba?" amused na wika ni Adam.

"Try me!" lumapit ito sa banda sa unahan.

"Alright, Miss beautiful wants to sing! She'll cover Pink's 'Try'." natutuwang wika ng lalaking bokalista.

NAMANGHA si Adam nang marinig ang tinig ng dalaga. May ibubuga naman pala talaga ito pagdating sa kantahan.

"Where there is desire there is gonna be a flame, where there is a flame someone's bound to get burned, but just because it burns doesn't mean you're gonna die, you gotta get up and try, try, try..." birit nito. Puno iyon ng emosyon.

Nagpalakpakan ang mga naroon nang matapos itong kumanta.

"Great! Mag-aapply na lang akong manager mo." anang binata nang makabalik si Jenna sa mesa nila.

"Let's go home, mukhang lasing na ata ako." Yakag na nito.

"Sige." Tumayo ang binata at inalalayan siyang makatayo.

Wala silang imikan habang tinatahak ang daan pabalik sa bahay na tinutuluyan. Tumunog ang cellphone nito ngunit hindi ito nag-abalang sagutin. Hindi na siya nagtanong dahil inirerespeto niya ang pananahimik nito.

Inihatid niya ito sa silid nito at pumasok na rin siya sa sariling kuwarto. Naghilamos siya bago humiga sa kama. He was in deep thinking at walang ibang umuukupa ng isipan niya kundi ang babaeng nasa kabilang silid lang niya.

He knew that he was attracted to that brat. Wala naman sigurong lalaking hindi magkakagusto nito dahil maganda ito. Kaya lang hindi tamang magkagusto siya sa isang tulad nito dahil siya rin ang masasaktan...

MARAHAS niyang itinulak si Jenna pabalik sa loob ng sasakyan nito nang akma itong bababa. Sadya niyang inabangan ito dahil galit na galit siya sa ginawa nito. Mabilis siyang pumasok sa loob ng kotse nito at agad na inilock iyon.

"What are you doing?" nanlalaki ang mata ng dalagita.

"How dare you to do this to me! Ano bang ginawa ko para sirain mo ang buhay ko?" niyugyog niya ang balikat nito at nakita niya sa mata nito ang takot.

"I'm sorry Adam." Naiiyak nitong sabi.

"Maibabalik ba ng sorry mo ang reputasyong sinira mo? Kung nagkakaganyan ka dahil may gusto ka sa akin. Puwes ibibigay ko ang gusto mo!" walang pasabing kinabig niya ito at marahas na hinalikan sa labi. Nagpupumiglas ito ngunit hindi niya ito binibitawan. Patuloy niyang sinakop ang bibig nito.

"Please no, I'm sorry." Bigla siyang natauhan nang marinig niya ang paghikbi nito. Para siyang napaso nang bigla niya itong bitawan. Muli niyang binuksan ang pinto ng sasakyan nito at lumabas na.

}X

Continue Reading

You'll Also Like

327K 5.7K 14
This is one of my very first books, considered classic by many readers who had the chance to have a copy way back in 1999. Published by Precious...
101K 1.4K 13
Si Andrei lang yata ang kilala ni Mariel na isang certified playboy na certified one hundred percent virgin. Kakaiba talaga ang best friend niya. Isu...
131K 2.8K 15
"Gusto mo ako? Gusto rin kita. Mas gusto kita. Nandito ako para bawiin ka at protektahan laban sa lahat ng mananakit sa 'yo." Na-curious siya sa ini...
713K 25.2K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...