Pipay ang aking...

By potatocrunch

437 16 20

More

Pipay ang aking...

437 16 20
By potatocrunch

      Nitong mga nakakaraang araw hindi ako pinapansin ng best friend kong si Pipay. Hindi ko alam kung bakit pero nagsimula ito noong pumunta sa amin ang childhood sweetheart kong sa Mengay. Maganda pa rin siya gaya ng dati. Maputi, mahaba ang kulot na buhok, makinis ang acne-free niyang mukha at nag nagsusumigaw ang oversize niyang dibdib.

     Makikitira sa amin si Mengay mag-aaral na kasi siya ng kolehiyo rito sa maynila. Magkakalapit naman ang loob ng aming mga pamilya.

     Nagtataka ako sa pagdistansya sa akin ng best friend kong si Pipay. Sa bahay nga rin pala nakatira si Pipay. Ulila na kasi siya sa mga magulang. Ang ama niya'y nasagasaan ng isang humaharurot na dyip habang ang kanyang ina naman ay nalason sa pagkain ng tsokolate. Naawa ang mga magulang ko at inampon si Pipay, itinuring bilang sarili nilang anak.

     Naghaharutan at naglalandian kami ni Mengay sa sala ng bahay nang dumaan ng tahimik si Pipay

     "Pipay! Pipay! Sandali!" Sigaw ko pero tumakbo siya palabas. Hindi ko na siya pinansin at hinabol dahil tuwang-tuwa ako sa malaki at malambot na dibdib ni Mengay na sumasagko sa braso ko tuwing siya'y tumatawa.

HAPUNAN...

     Nagluto si nanay ng masarap na hapunan. Fried itik, kare-kareng gansa, ginataang pabo at kalderetang bibe. Muntik na kaming lumipad sa sarap. Pero napansin ko wala si Pipay, nasa labas at parang umiiyak. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay.

     "Pipay, bakit ka ba ganyan? Hindi ka ba masayang kasama natin sa bahay si Mengay?" tanong ko sa kanya. Pero yumuko lang siya at tumakbo palabas ng gate.

     'Ano kayang nagyari kay Pipay?' tanong ko sa sarili ko. Masaya naman kami dati. Naalala ko tuloy yung panunuod namin ng sine ni Pipay The Avengers yun, kandong kandong ko siya dahil nagtitipid kami. Pinagtitinginan kami ng tao pero hindi namin sila pinapansin. Yakap-yakap ko rin siya pag nag mo-mall kami, wala kaming pakialam sa mga sasabihin ng tao. Sabay din kami lagi kumain, breakfast,lunch and dinner. Minsan nga pinapakain ko pa siya. Sabay din kaming matulog sa gabi, tabi kaming matulog sa kama ko. Minsan nga magkukulubong kami at dadagan siya sa katawan ko. Pero wala naman iyong malisya. Lagi rin kaming sabay maligo hubu't hubad kami parehas pero wala pa rin iyong malisya kahit lalaki ako at babae siya.

 SUMUNOD NA GABI...     

Tinuturuan ko ng math si Mengay nang bigla niya akong hinawakan sa dibdib at halikan. Nakita ko si Pipay nakatingin at tila lumuluha. Bigla siyang tumakbo hinabol ko siya pero hindi ko siya maabutan. At noong abot kamay ko na siya naganap ang 'di inaasahang pangyayari. Nahulog siya sa isang bukas ng manhole na ipinahukay ni Mayor Lim. Galit na galit ako dahil namatay si Pipay, wala akong nagawa para masagip siya.

    Naging nobya ko si Mengay ngunit hindi ko malilimutan ang pagkamatay ng bestfriend kong si Pipay ang bestfriend ko...

at alaga kong aso. 

Inspired by: SLAMU

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 51.2K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
63.4K 5.8K 30
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
45M 757K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
2.6M 77.7K 60
He bought me, but I didn't know that I was more than a hundred billion worth.